Ang Kasaysayan ng Pan-Fried Pink Salmon with Mustard and Cream Sauce

Nakalimutan ko na holiday nga pala kahapon.   Ibig sabihin ay di papasok ang katulong namin kahapon so walang ibang magluluto kundi ako.  Hayun, sa sobrang kakapanood ng parada at musiko kahapon ng umaga eh SMY, meron na lang akong 20 minutes para magluto!  Kaya naman, pinirito ko na lang yung salmon matapos hilutan ng asin at paminta.  At dahil paspasan eh wala na akong maisip na kapartner ng isda so nagsaing na lang ako ng bigas, pero hinaluan ko ng tinadtad na sibuyas ang sinaing, dalawang tangkay ng girofle at nung luto na eh isang kutsaritang butter.  Para naman di dry ang isda eh gumawa ako ng sauce na nabasa ko minsan(spiritual readings ko ang cookbooks).  Ang kalahating tasang all-purpose cream eh nilagyan ko ng isang kutsarang mustard, isang kutsaritang limoncello (isang lemon liquor na common sa Italy, ubos na kasi ang dayap ko sa ref), isang kurot ng asin at isang dash ng pamintang durog.  Minicrowave ko for 15 seconds yun matapos haluin.  Sa plating eh ipinatong ko ang pritong isda sa sauce then tinabihan ko ng ilang hiwa ng kamatis para naman may konting kulay.  Inihain ko ang isda with rice as side dish.  Kinain naman ng community ang luto ko, kahit papaano.

The End.  Wag ka nang maghanap ng picture ng pritong isda at ubos na.

At bago magkasalisihan eh eto na ang ang ating stained glass window of the day!

 IMG_6497

IMG_6496

Ibang bintana po ito kesa sa nakaraan.  Magkapareho lang po ng simbahan.   Spot the difference na lang po.  At tulad ni Luna Miranda, napanganga rin po ako sa bintanang ito.  Talagang kamangha-mangha ang bintanang ito.  Nakwento rin po ni Luna na napadalaw sya sa Sainte Chapelle sa Paris.  Yan po ang isa sa mga masaklap at napakapait kong karanasan.  Dahil nung pumasok po ako duon ay bagsak panga talaga ako sa ganda ng kanilang mga stained glass windows, tapos nung kukunan ko na ng pictures ay… SMY, discharged na completely ang batteries ko.  Diba, ang saklap?  Moral lesson po, ang mga camera ng Canon ay mabilis umubos ng baterya so magbaon lagi ng extrang batteries.

God bless po!

About these ads

34 Responses

  1. ayos pala dito sa wordpress… naligaw lang po brother…

  2. Isda din ang nilutong ulam, ah! broiled nga lang.

  3. Ano ‘yung girofle? Sana ni-picturan mo muna bago inubos. Hehe. = P

    Huwaw! Ngayon lang ata ako nakakita ng ganyang stained glass na parang diyamante ang itsura. = D

  4. Hindi ako mahilig sa mustard. Nasasamaan ako sa lasa. Alam mo ang ginagawa ko sa tanigue aka blue marlin (kasi wala ata salmon dito kungdi yung nasa lata), minamarinate ko sya tapos fried ko sa butter hangang maging malutong. Pag golden brown na saka ko nilalagyan ng sibuyas, kamatis tapos soy sauce at oyster sauce haha ayun bistik na tanigue haha

    hehe you’re back at last. Busy ako ngayon tol, paalis sina mudra at pudra pa ibayong dagat. ingat sa paguwi. I included your safe trip on my list of intentions kasama nung kina mudra. text mo ko pag nakauwi ka na at papalibre ako sayo sa italian resto… teka anong libre ang sinasabi ko, eh may pasalubong nga pala ako from you haha rephrase: Text mo ako para ma claim ko ang aking pasalubong haha

    • Bluep merong masarap na mustard din :) marami pala kasi yan sila eh… d2 sa atin kasi masama ang lasa ng mustard na benta sa groceries hehe

  5. Number 5. Di na masama… :D

    Tama ka kapatid, kailangang may reserve batteries… kahit di Canon ang camera… Kahit papano hindi ko pa nararanasan na naubusan ng battery on a very important shoot… SMY nga talaga siguro pag nangyario sa akin yun… :)

    Naku, hindi ka pa rin talaga naglagay ng watermarks ha?…

  6. hmmm, mukhang masarap ang iyong own recipe ah, kaya nga lang eh ako na lang mismo ang nagi- imagine kung ano ang hitsura niya at doon naman sa stained glass, I really like it! hindi lang dahil purple siya kundi napakaganda ng design niya. Kumbaga kung ako ay magiging stained glass ay yan na yan ako! hehe! kapal ano?

  7. sarap ng salmon.. madalas kong ulam yung nasa lata with matching sinangag.. sarappp :)

    ganda nga nung stained glass.. .ibang yung korte nya.. parang parol sa aking paningin

  8. naku bro utoy, mabuti @nagbalik ka. alas! ayaw magdowlnload ng image, di ko tuloy pa mkita ang kinalabasan ng iyong sosyal na rekado

    sana di-lilthium na ung battery ng cam mo nxt time…para marami ka pang macapture na kakaibang images :D

  9. iniimagine ko vividly ano hitsura ng isa, pati kanin at sauce… nagutom tuloy ako :(

  10. hmm yung fishda mo mukhang masarap kasi talagang gusto ko ang salmon dito kahit na yung frozen na…pero yung kanin na may sibuyas ang di ko maimagine ang lasa,hehehe

    yan nga din sana ang sasabihin ko na kapareho lang nong isa yang stained glass windows mo,hehehe

  11. Tatanong ko din nga pala yung “girofle” kuya? At akala ko naligaw ako ng post kasi pareho yung stain glass. Pero, super awe-worthy naman kasi yan sa ganda.

    Galeng talaga ni kuya magluto…sayang di ka pwede mag-asawa nyahaha.

  12. wow. si brother o. sa isang post, may cooking lessons. stained glass windows. tapos photography tips. winner ka, brother.

    pag balik ka na sa pinas, i-text mo ako pag nakaluto ka na, ha? punta ako.

  13. bro utoy, ang sosyal ng mga niluluto. sa amin, pagkaprito, tapos na. hehe :)

  14. ano akya lasa ng kanin na may halong tinadtad na sibuyas hahalols. parang sarap kainin nung bintana -.-

  15. wow. libreng instruction. :) sosyal naman ang pagkaluto. haha.

  16. natakam ako. hehehe. at agree ako sa mga nagsabi sa taas na sana nga me pichur! tsaka ano nga ba yang girofle na yan? hehehe. :P *waves at brother utoy*

  17. Ang srap ng luto mo! Ayune, parang natikman ko ah, hehehe..

    Sana lang matuto akong magluto, puro prito kasi ako eh…

    Godbless!

  18. Pambihirang kombinasyon mo Father:

    Letra y Litrato, timpladong-timplado! Nakakabusog ang mga ganitong blog lalung-lalo na sa mga taong gutom ang isip sa sining. Wala eh, ang alam ko lang kumain.

    More power to this blog!!!

  19. hey bro utoy, this is off topic your post but let me say-thanks for dropping by,…. but first and foremost- please accept my apologies if i incidentally skipped your comment which you made last year, – probably i was at the middle of many many things that drowned me which caused my not being able to keep in touch with you that time- i guess that was the time of a HUGE transition in my life from being a simple monastic to a complicated seminary life…i can still recall- i gave up posting on my blog and handed it literally to a friend to continue blogging for tales-so as not to it get off online..but now, the huge transiton is over, and the rest is a history to be told-i am so sorry about that.please forgive me.
    let me add you to my “special links”- para makabawi naman ako ng aking shortcomings sau!–
    Blessings to you brother utoy!

    dom lawrence, OSB

  20. comment ke bro utoy:

    to bro.utoy@ DAGLI:
    waaah! nabuhay ka, kuya! antagal mong nawala… nagkanda-lokoloko tuloy buhay ko. ehe. joke. :D

    “naghihintay na ang bago nyang tsinelas.” -cool! magandang gawing alternate sa ending. apir!

    naisip ko na dati pa na makigulo sa Palanca, kaso dahil tamad ako, hanggang isip lang. ehe.

    to bro.utoy@ An Empty Room and a Taxi Ride Home:
    patay gutom nga. haha! oo, sobrang halata kuya na back-reading ang ginagawa mo. di ka talaga marunong magtago. haha :D

    to bro.utoy@ After Shift. After Death.
    “yun nga lang ba talaga ang gusto mong sabihin? at four bottles and a half, I can tell there are other things you’re just dying to say.”

    shemay kalawang. you really know me bro. :D
    see you soon. nga pala, you will be surprised who writes for Ephesus newsletter. :D :D you will see another face of Yas. :D

    thanks sa pagbaba-back read. sobrang appreciated.

    to bro.utoy@ Nang Manalo si Pacman:
    haha. wala ka talaga bro. da best! BLINGIO!

    to bro.utoy@ Movie List
    Kite Runner is da best man!
    Rent is moving.[pero kung french yun, tsak, wala akong maiintindihan.] :D
    Little Miss Sunshine? haha asteeg tong pamilyang to. nung namatay si lolo, haha wasak ang lahat dahil nasa compartment lang sya nilagay. asteeg!
    December boys… Fr. Maps? haha! I like his character. really.
    Harry Potter? naks, potter freak ka din pla bro. apir!
    naiinggit ka sa review ng spongebob the movie no? masaya yun bro. nakakatawa pa.

    aba…six out of 11. asteeg! [isa lang ibig sabihin nito.. mataas-level mo bro ng emotional understanding. haha!]

    to bro.utoy@ Agua de Mayo
    as all my poems do to you. :D haha. sa susunod papabugbog ko na yang puso mo. ehe. addio!

  21. Ei, I liked your header image above. It’s very symbolic. Sorry, it’s my first time here. You living in Paris?

  22. waw. instant recipe. hakhak!

    alm ko na ang pagkakaiba nila!
    yung pinakagitnang flower. awu!

  23. naku sayang walang fechur nung isda, makikikain sana ako :)

  24. ITO NA ATA ANG PINAKA MAGANDANG STAINED GLASS WINDOW NA NAKITA KO dito sa bahay mo bro. :D

  25. gusto ko yong tip mo sa camera..hehe..madalas problema yong mabilis madrain ang battery eh.

    galing naman ng stain glass na yan. napapa wow ako.


    ako medyo naka-hybernate ang utak ngayon kaya dipa maka post ng bago. hehe

  26. Dropping by brother utoy…

    Nakakatuwa naman ang stained glass na yan. Its so intricate. :)

  27. kailangan matikman ko yang luto mo…mukhang masarap!

  28. Sa pag-describe mo pa lang e mukhang masarap na! Masubukan nga ang salmon mo minsan… siyempre pa, sasabihan uli kita kung ano ang “verdict” – hahaha! Sure ako parang pancit canton mo ito – panalo!

  29. huwaw! creative sa pagluluto. ako rin, actually creative din sa ganyang bagay pero ang kuya ko talaga ang nagluluto. at pag siya ang nagluto, inuubos ko naman talaga.. kahit simpleng hotdog lang!

    ang ganda nga ng stained glass na mga pino post mo. okay lang kahit di ako makakita ng ganyan, basta makagawa ako, eh, okay na sa akin!

  30. grabe, fascinating talaga ang intricacy ng stained-glass works na fini-feature mo, brother utoy. nakaka-bilib. fine art na talaga dapat ituring.

    curious lang ako, ilang simbahan na ba ang nadadalaw mo so far? :-)

  31. Bro!

    Namiss mo ko? Hahahaha! Bigay mo sakin email mo para mabasa mo yung latest entry ko :)

    Namiss kita. Namiss ko kayo lahat. Dami kasing pinagdadaanan right now.

    Ingat! Pray for me.

  32. […] The pink salmon with mustard and cream sauce – Bro. Utoy SSS […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers

%d bloggers like this: