Oh meyn, top teyn!

May mga kakaibang pangyayaring nagaganap sa aking blog.  Una ay sa araw na ito lang ay nakatanggap ako ng 107 spams.  Siguro, normal lang ito sa ibang bloggers pero sa akin, wierd ito, kasi in a week, di sumosobra sa dalawa o tatlo lang ang spam comments na natatanggap ko.  Pangalawa, biglang nabago ang itsura ng blog ko.  Ang blog roll ko ay biglang lumitaw, not on the sidebar, but on the bottom of the page.  Hmmm… Na-virus kaya ang blog ko?

Pero hindi iyan ang tunay na mahalaga sa akin.  Ansaya-saya ko dahil may natanggap akong comment from HRH Reyna Elena the other day.  May surprise daw sya sa akin.  Syempre, kapag ang Reyna ang nagsabi sayo nyan, magkandarapa ka dapat, diba?  Yun nga ang ginawa ko at ito ang tumambad sa aking mga matang may vow of chastity  (salamat pala kay Darbz kasi ninenok ko sa site ng Exodians ang screen capture na ito):

humabol sa top ten!

humabol sa top ten!

Whoa!  Binoto ako ni Reyna Elena as one of his top ten choice for the Most Influential Emerging Blogger!  At ang mga kahilera ko, bigaten!  Whoa ulit!

Actually, may bago nang list si Reynz kasi may mga batas-batas din pala ang contest na ito ni Ma’am  Janet Toral.  Heto sila, este, kami pala.

ANG LIST NI REYNZ

  1. Dare to speak out!
  2. Dear Bloggery
  3. It’s Johnonymous!
  4. The Struggling Blogger
  5. Chocolateword
  6. Desert Fishing
  7. Sa labas nang Mandaluyong
  8. Brother Utoy
  9. Extra Super Special Batchoy with Egg
  10. Flamindevil

Di ko naman alam kung anong nakita ni Reynz sa blog ko kasi tungkol lang sa sarili ko ang sinusulat ko, if not tungkol sa mga makukulay na bintana ng simbahan o kaya’y maeeklat na lutong bahay.  Aktuli, last year eh ninominate din ako ni Bluep dito. Pero feeling ko, mabait lang talaga si Bluep sa akin kaya nya ako sinaling pusa sa listahan nya.  Si Reyna Elena, di ko naman pa sya nakikita personal (pero pag nangyari yun, kiss ko talaga sya!) so flattering talaga.  I’m really humbled to be recognized as his tough ten.ü

Syempre, may tough ten din akong iba:

BROTHER UTOY’S  PICKS

1.  nortehanon.com
2.  menardconnect.com
3.  joyceish.com
4.  goodtimesmanila.com
5.  revsiopao.wordpress.com
6.  p0kw4ng.blogspot.com
7.  anakngpiso.wordpress.com
8.  emilayskie.wordpress.com
9.  sandijmartin.wordpress.com
10.  alingbaby.wordpress.com

Nahirapan ako sa list na ito dahil marami akong gustong ilagay kaya lang, more than one year na ang blogs nila samantalang yung iba eh old blogs na lumipat ng bagong domain.  Yung iba naman, nanominate na ni Reynz (tulad ni Dfish, Flamingdevil, Exodians, Mahalia at Snow).  Anyway, sa mga nanominate ko, sana eh wag nyo akong biguin at galingan nyo sa pagbablog.  At please, pakilagyan ng valid email at identity ang blogs nyo para di kayo madisqualify.ü

God bless!

Teka, bago magkalimutan, eto pala ang ating Stained Glass Windows of the Day:

IMG_5599

IMG_1253

Would you believe na iisang santo lang yan? Yan ang larawan ng aming founder na si Saint Peter Julian Eymard.   Ang mga bintanang ito pala ay kuha ko sa dalawang magkahiwalay na simbahan.  Yung una ay sa may altar ng Chapelle de St. Pierre-Julien Eymard kung saan, kamakailan ay nagrenew ako ng aking religious vows.  Yung pangalawa naman ay sa may matatagpuan sa isa a mga minor altars ng Eglise de Notre Dame de l’Assomption, na siyang pinaka-parish church namin dito sa kabundukan.  Walking distance lang ang layo ng dalawang simbahan na ito sa isa’t isa pero tingnan mo’t milya-milya na ang layo ng hitsura ni Father Eymard sa bawat bintanang ito.ü

Mapapansin nyong parang may hawak-hawak si Fr. Eymard.   Hindi po iyan Golden Electric Fan.  Yan po ay isang monstrance kung saan inilalagay ang Blessed Sacrament upang mapagdasalan at mapagnilayan ng mga mananampalatayang Katoliko.  Kung gusto po nyong malaman eh si Fr. Eymard po ay tinanghal ng Inang Simbahan bilang “Apostle of the Eucharist.”

God bless po!

* * * * *

UPDATE (16 May 2008)

Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na disqualified na si Brother Utoy.  Overaged na ang kanyang blog.  Blogs which started from May 1, 2008 lang ang pwedeng iboto.  March 2008 pa po ako nagstart.   Kanun pa man, salamat pa rin kay Reynz, kay Eli at kay Youmakemelough sa pagsama sa list nila.  Touched na touched talaga ako.  Please touch me more!  hehehe…  Ang wish ko naman po ngayon ay iboto nyo naman yung mga nasa top lists naming apat.ü  God bless!!!

About these ads

49 Responses

  1. actually, kaya binoto kita kasi ano eh..
    ~kamut-ulo~
    kwan
    ~kamut-dun~
    ano eh…
    marami akong nilokong boylets hehehe!
    baka mas pakinggan ka kesa ako
    humingi nang tawad hehehe

  2. Uy Bro, magaya ko nga pala ang magkaron din ng sarili kong Tough 10.

  3. uy bro ther utoy musta ka na, parang matagal na akong hindi napapasyal dito…

  4. congrats sa mga topten ninyo :D

    brother naalala mo iyung sabi ko na pinaka maganda na ata na stained glass na nakita ko sa huling post mo? di pa pala. kasi eto pa pala maganda din. kasi parang 3d at may mga tao na kasama. mas maganda pala ang ganyang istayl. ngayon lang ako nakakita :)

  5. Yeeeh! ang pangalan ko na mention. Thanks bro! (salamat pala kay Darbz kasi ninenok ko sa site ng Exodians ang screen capture na ito):

    Broutoy. I am eying of the -stainglass – Yan ang larawan ng aming founder na si Saint Peter Julian Eymard.

    Magpapaalam po in advance na one of these days makihiram na lang sa picture. Thanks.

    God Bless bro!

  6. congrats po bro. utoy…and congrats din sa mga top ten!..pacanton naman kyo..hehehe!

    ei kuya utoy baka nman po younger version ni Fr. Eymard yung 1st pic.. tapos lolo version nman nya yung 2nd pic.

  7. wow, congrats! one of the influential ka na…parang si manny pacquiao (naks).

  8. huwaw congrats naman Utoy…hindi lang dahil nakasama ka sa takten kundi sa madalas mong pagsusulat ngayon…ganyan ba talaga pag yayaon na ng france ?

    at isa pang huwaw kasi napasali ako sa takten….ang nararamdaman ko ngayon eh ang naramdaman mo ng ibinoto ka din ni Bluep..ahahaha parang nagpapakabait ka lang!

    pero tats na tats ako…dalas dalasan mo ha ang tats ha at tigang ako!

    yung petyurs para lang before at after ng misa,hihihi

  9. uy, maraming salamat po sa pagpansin nyo sa aking blog.. very flattered na makasama sa inyong list of Tough Ten. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi kayo mabigo sa inyong inaasahan… for His Glory! salamat muli :)
    Kongrats sa other nine!

    Kongrats sa iyo bro. utoy sa pagkakasama mo sa list of top ten ni reyna elena!

    peace and all good!

  10. weeee! thank you kuya utoy, i got two votes icacampaign ko ‘to!! Salamat po sa pagnominate tats ako pramisss dalawa na kayo weeee.. I’m just not sure if my blog is really an influential one ’cause I don’t think I am influencing anyone, in a good way that is. Kung kalokohan siguro, oo.

    Pero salamat po ulet! Godblesss!!

  11. hurray!! congrats sa topten! special mention revsiopao!

    ((((((((((revsiopao)))))))) haha ipinagsigawan!

  12. Congrats sa lahat ng blog na kasama sa list. Magagaling kayo lahat. Lalong lalo na so brotherutoy.Malamang kesa hindi makakasama ito sa final list.Malakas sa Taas ito eh!. Ang tagal kitang hindi na kita bro.Poging-pogi ka pa rin ba na hirap-na hirap ka pa ring tanggapin? Although alam mo naman na 2 lang tayong original?Baka magalit yung ibang pogi<Joke lang yung akin ha!

  13. Siya pala Bro, pwedi mag request? Paki pray over fatherlyours website ko at baka mag resurrect after 3 days. two weeks na bukas na nabaon sa cyber space. huhuhu

  14. Binudburan ko ng tide, pinatakan ng kalamansi, at kinusut-kusot ang mata ko nang makita ko ang TAF TEN list mo! Akala ko po kasi ay namamalik-mata lang ako nang makita ko ang blog ko sa listahan. Maraming, maraming salamat, Bro! Will try my best to be worthy of your nomination. Will be more passionate towards my advocacies for the environment and in spreading two important tsismis: 1) that happiness can often be found in the small and simple things around us; 2) that we can be of help to others in our little ways ;)

    Maraming, maraming salamat po uli. Sayang at wala ka dito, mamayang gabi ay ipasasara ko ang Luneta Grandstand at magpapa-dinner ako, catered, in celebration of my being nominated by you hehehehehe. Jowk lang po.

    Good luck, Bro, sa pagiging nominated. And congrats that the nomination came from none other than my mudraness, Reyna!

  15. ok ang mga picks mo bro utoy. suporta ako dyan!

    ako din..number 1 pic ko si Ms. N.

  16. aw, salamat brother utoy! and congrats! hehehe! :P

    imfluwenshal na rin pala ako. hihihi! wag ka mag-alala, brother, sa kabutihan at hindi sa kasamaan ko gagamitin yan. sabi nga ni spidey, with great power comes great responsibility. nyehehe!

    seriously, thanks, brother utoy. pakiss nga: mwaah! hehehe! :)

  17. Yey, thanks for the linky love Brother Utoy and congrats din sa iyong Top 10.

    Cheers, Snow ^_^

  18. it’s supposed to be influential not influencial.. lol.

  19. congratulations to all! you deserve all the nominations for the most influencial blogger.. :)

  20. thanks nga pala.. kahit alam mong di na ako magpopost sa blog ko.. eh pano yun? disqualified na ako? ahehehe… kaw naman, parang di ko nakikita sarili ko na most influential.. ahehe.. walang halong eklat… pero, thanks pa rin.. kinilig ako.. ahehe…

    oo nga pala.. congrats, walang duda magpapaputok ka sa buong blogosphere… lablots;p-glesy the great

  21. Oh my gulay. Tama ba itong nababasa ko? Top ten emerging influential blogs for 2009? Teka Kuya Utoy kuha muna ako ng tissue. Nag-nose bleed, i mean, naluha ako.

    Teka para akong binatukan ng malakas sa ulo nun ah. Hahaha.. Na-pressure ako bigla.

    Alam mo Kuya Utoy sobrang touched ako kaso nung binasa ko yung blog ni Miss Reyna, hindi pala ako qualified dito. May 2008 dapat (November 2008 ako) at dapat visible ang profile at email address. Teka pano ba gawin yun? Hahaha.. No time to explore pa ako dahil sobrang busy eh.

    Datapwat, subalit, ngunit, gusto pa rin kita hug Kuya Utoy dahil sa pagtangka mong isama ako sa iyong listahan. ^_^

    Off topic, napanood ko Kuya Utoy yung Angels and Demons today. Naalala ko si Kuya Rev at ikaw at na-touch ako sa story. Napaiyak talaga ako dun sa last priest na na-save. T__T Kahit hindi tayo pare-pareho ng religion natuwa ako dahil ang dami kong natutunan about yours. At instead na manghina ang faith ko dahil sabi nila anti-christ daw yung film, lalo lang napagtibay ang aking beliefs about the existence of God.

    • Pwede ka girl, basta after May 2008 pinanganak ang blog mo, ekshuli isa ka nga sa mga inonominate ko hehe.. :) Lagay mo lang sa About Me page mo or sa sidebar yung email address mo hehe.

      Congrats sissie!

  22. Honored naman po ako Bro. Utoy.
    Salamat :)

    Kakabalik ko lang ng Pinas today at itong blog mo una kung pinuntahan. Tagal ko nde nakapagblog hop.

  23. congrats brotherutoy.you really deserve it.

    God bless. : )

  24. Brother Utoy:

    Sablay po ang nomination. Sorry. Pero, me natanggap po akong telegrama mula ki Janette Toral at eto po ang sabi:

    Comment number 22 on http://reynaelena.com/2009/05/13/take-2-reyna%E2%80%99s-top-10-choices-top-10-emerging-influential-blogs-for-2009/comment-page-1/#comment-39056

    Hello Reyna Elena. Kindly note that Brother Utoy started before May 2008. Please advise once you have your replacement so I can include it in my count.

    Thank you again for being the first one to submit an entry to this writing project. Mabuhay!

  25. maimpluwensya ka naman dude, deserve mo lang yan.

    ako nga, napahanga mo kaagad!

  26. Grabe, haba na ng pila dito… :)

    Congrats kapatid! You deserve this… :)

  27. wow! ang galing naman! deserve mo naman talaga ang manominate bro dahil you keep us informed sa buhay-buhay ng isang seminarista. and i also agree na mapasama sa list ang ilan sa mga ka-blog ko rin :)

  28. So totoo nga ang balita na disqualified ka kuya? huwaaaah. Vakets? Buti hindi pa ko nakakasali. Iisip muna ko ng top ten ko at syempre iche-check ko pa kelan sila nagsimula..kamusta naman sa dial-up ko.
    Goodluck sa lahat ng nominees esp: joycee, rev, pokw4ng and glesy.

    Yaan mo na yun kuya…gawa tayo ng sarili nating contest hehehe.

    Teka..”monstrance” pala tawag dun? hmmm

  29. Wag kang mag alala kuya, ikaw parin ang most influential blogger of all time para sa amin..

    Paging revsiopao!!! Special mention ka dito!! toinks!

    Uy ang ganda ng stained glass!! Bakit ung first pic parang nde sa bintana?

    Godbless! Congrats!!

  30. ayos! daming blogs.. :-)

  31. congratz dyan….galing ng broutoy! daan ka ba ulit dito sa Roma? blow-out kita ng ice cream na bebelgam flavor!

  32. [...] At nakakatuwa dahil dalawang kapita-pitagang blogger ang nag-nominate saken: Ate Reesie & Kuya Utoy. Thank you po, super tats talaga ko dito, ang walang kwenta kong blog ay naturingang influential? [...]

  33. [...] Brother Utoy: Oh, meyn, top teyn [...]

  34. hey first time ko dito and napadpad ako dito kasi im checking those nominated by reyna elena hehe.

    congrats on ur nomination and goodluck!

  35. [...] brotherutoy 1 week ago hi, ms. janette! gusto ko lang pong i-submit ang aking top ten list.http://utoysaves.wordpress.com/2009/05/13/oh-me&#8230; [...]

  36. aw, sayang naman. :0

  37. Ang galing galing talaga! (:

  38. Hi Utoysaves!

    Congratulations sa lahat ng iyong nominado!
    Just wanted to put my blog out there, and maybe you can reconsider it also: http://doctordude.net.

    Thank you very much and keep up the great work!

  39. Good Luck sa lahat ng mga nominee….

    Blogfornoob Dot Com

  40. Hello Brother Utoy. This is to mark your entry as complete. Should you like to be included in the raffle, just add the latest list of sponsors to your entry.

    Thank you.

  41. [...] write a post on this or not. Several months ago Bro. Utoy flattered me by including me in his Top 10 list. But I have been busy on some other stuffs and I have not have bothered to write a reply post. [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers

%d bloggers like this: