Of God, Atheists and Christmas Mornings

Warning 1:  This is a snobbishly serious english post.  Nosebleed.

Warning 2:  It is very important to visit this link first to know more about Taizé and understand what I’m about to say. 

I went and stayed at Taizé for four days, together with Père Manuel, two adult monitors and some teenagers from La Mure.  At the very beginning of the journey, it felt like it’s a roadtrip to hell.  Or at least for a magpie like me.  Not only do I barely speak French, but I also can’t keep up with the conversations of these kids who seemed to be hyperventilating their elisions and liaisons through any given topic.  Sometimes, I just felt plain stupid trying to weave through their speech, grasping no more than a word or two to give me the flimsiest clue of what they’re talking about.

That’s why, when I learned about the special group for Anglophones, I immediately grabbed the opportunity to make this Taizé experience truly meaningful.  I left my morning post as an animator for the “petits groupes” (much to the disappointment of Pére Manuel) and hobnobbed with those who can truly compose a real English sentence and pronounce it correctly.  The Taizé experience is just too good to be lost in translation (or the virtual lack of).

Out of the 3,000 people in Taizé that time ( French youth mostly), there was only about 20 Anglophones present, and I was surprised how motley our group was:  There were Germans (who were protestant theologians and church leaders), Norwegian social workers, a Swedish Taizé volunteer, student-hitchhikers from Netherlands, a Brazilian, an Indonesian Catholic youth leader, a Russian Parisienne, etc, etc… and of course, me, a Filipino.  In fact, even the Taizé brother who gave us a talk is an American of Puerto Rican descent.  Sure enough, this variety of culture has brought a lively exchange of varied experiences and ideas among us, which, on the bottomline, surprisingly shares so many common essential elements.

One of the themes of these meeting of Anglophones focused on the Incarnation of God.  A Gospel reflection was made from Luke 2:8-20 which speaks of the adoration of the infant Jesus by the shepherds.   Br. Hector of Taizé then lead us to recall our Christmas experiences and traditions.   Indeed, each of us has something to share about Christmas but I was quite surprised that the warmest and most intimate Christmas memory was that of Ralph (not his real name).  Ralph, you see, is an atheist.  I had a notion of what atheists are before, basing on the some “atheists” who left ignorant comments on my blog  and I, of course, deleted.  But Ralph changed all my negative image of an atheist:  Yes, he doesn’t believe in the existence of God but then he doesn’t argue with or taunt anyone about religion, he’s genuinely open to the opinion of others regarding faith, he’s not fumingly angry with the Church and he is not afraid to explore and experience Taizé, a Christian place of dialogue and prayer.   The fact that he doesn’t think there’s God hasn’t hinder himself to be trully generous, open and brotherly.  What’s more, I, for one, secretly wished I had a Christmas as happy and as memorable as his.

During our small group discussion, we were asked to reflect on a statement which roughly goes like this:  “When all things in my life seems lost, God is my sure refuge.”  Or something like that, I already forgot.  Ralph, as expected, had a problem with the word “God” and so found it hard to make a reflection out of the statement.  I then suggested that he could probably substitute a word for God like Love or Peace or Justice or Family…  He paused for a short while and gave a confident reply.  He said, it will be, for him, his experience of Christmas.  He then explained that it’s because Christmas reminds him of home and family, the experience of unconditonal love and acceptance, the act of giving and receiving gifts, the warmth, the joyful expectation of being reunited with loved ones and gathering for meals…

His description of Christmas was surprisingly very Christian, as each of his words aptly describe an authentic life with Christ: a homecoming, a feasting, a welcoming, the spirit of thankfulness, sharing and acceptance.  In my Catholic world, this is the very essence of a Eucharistic life.

Truth to tell, I never suggested to Ralph how his Christmas experience translates to the experience of God.  I don’t want to impose my religion to this young man’s journey, especially when there’s so much going on in his heart which I myself do not understand and so must not interfere.  Nevertheless, within me, I am thankful to this young man who unknowingly reminded me of what truly God is all about.  It’s a shame how we, Christians, celebrate the major Christian feasts without truly experiencing their rich and life-changing significance.  I guess, it took an atheist to remind me all that, and as Frère Roger, the founder of Taizé succinctly said, God is love, and love alone.  Nothing else…

If you read this article in its entirety…

then your reward is this: 

My photos of the stainglass windows of the church of Taizé!

Pentecost

Pentecost

Visitation

Visitation

Easter

Easter

Annunciation

Annunciation

Transfiguration

Transfiguration

Palm Sunday

Palm Sunday

Assumption

Assumption

Epiphany

Epiphany

If you noticed, each of these stainglass windows represent a particular Catholic liturgical feast.  I arranged them not by their chronological order but rather according to the sequence of colors on a rainbow. Wala lang. Trip ko lang.  These windows were artworks of Frère Eric de Saussure, a brother of Taizé who died last year.  I pray now that as we celebrate and reflect on these feasts, may we truly discover their meaning and message in our lives.  Amen.

All-Saint: Purely Pictures

Ang totoo nyan eh gusto kong dumaldal tungkol sa: 

  • pangalawang pamumundok namin ni Brigitte, sa ngalan naman ngayon ng raspberry tart
  • ang aking pagkabano sa isnoh
  • ang recipe ko sa crepe (sosyal na pangalan ng lumpia wrapper)
  • ang bago kong karir as a kantoro
  • next ten questions na dapat di itanong sa seminarista

pero dahil abala ang Brother Utoy eh pagtiyagaan nyo na lang muna ang out-of-focus niyang litrato ng mga kahindikhindik na wax figures ng santo.  Tamang tamang pang-November 1!ü

St. Peter Julian Eymard

St. Peter Julian Eymard

St. Vincent de Paul

St. Vincent de Paul

St. Jean Marie Vianney

St. Jean Marie Vianney

Diba parang nakipaglamay ka na rin sa burol nila?

Eto pala ang tombstone dati ng founder ng congregation namin na nasa entrance lang ng local simenteryo.ü

At syempre ang stainglass windows of the days (kasi mawawala ako ng maraming araw) ay ito:

Honoring the Dead
Judgement
Ito ay mga stainglass windows sa Chapel for the Souls in Purgatory sa loob ng Basilica of St. Serin sa bayan ng Toulouse, sa katimugan ng France.  Kuha ko ito habang naghihintay ako sa pagdating ng tren papuntang Lourdes.  Ngayon eh alam nyo na kung saan galing ang header ko.  Diba, kahit nasa impyerno/purgatoryo na eh may breast exposure pa talaga?ü
God bless!

Ten Questions You Shouldn’t Ask to a Seminarian

This is a quick post so bear with me kung nahalata mo sa grammar na minadali ko lang ito.

“We all know what curiosity can do to a cat.  But for me, I’d rather be a stinking dead cat than be a subject of some people’s curiosity.”  sabi ni Pong Pagong sa isang unaired episode ng Batibot (wag kang magulo. sabi talaga nya yan.)

May mga tao tayong nakikilala na sobrang curious.  Yung tipong Boy Abundia-inspired na agad ang mga questions sa buhay mo eh wala pa naman kayong isang minutong nagkakakilala.  Ang siste pa, parang nag-eexpect pa sila ng mga pang-beauty contest na sagot sa mga napakapersonal nilang tanong.  Example:  may benefactor ako na ang curiosity level eh pang-DemiGod.  Ang problema, hearing impaired sya kaya inuulit pa ng pamangkin niya ang lahat ng mga sagot ko, na karaniwan, ibang iba na ang meaning sa gusto kong sabihin. So ganito ang takbo ng usapan:

DemiGoddess of Hearloss:  Ayaw mo bang mag-asawa kaya ka nagpari?

Ako (sasagot na parang finalist ng Search for Ginoong Seminaryo 2008):   Inisip ko rin naman pong mag-asawa kaya lang pagpapari po talaga ang pinili ko para sa sarili ko.  Wala naman po akong masamang tinapay tungkol sa pag-aasawa.

DemiGoddess of Hearloss:  (Babaling sa pamangkin nya)  Ano raw?

Interpretative Pamangkin:  (Pasigaw na ibubulong kay DemiGoddess pero dinig na dinig ng sangtinakpan)  SABI NYA, GUSTO PA RIN RAW NYANG MAG-ASAWA!!!

Awkward moment talaga.  Parang gusto kong magtago sa ilalim ng bato kapag ganun.  Kaya naman, I made this list of ten questions na di dapat itanong sa seminarista lalo na kung di pa naman talaga kayo ganun ka-close (o kaya kahit na close pa kayo).

Here goes…

1.  Paano mo nalamang may vocation ka?  Alam mo, kaya namang sagutin yan ng isang seminarista kaya lang willing ka bang makinig maghapon?  Kung tipong nagkasalubong lang kayo sa mall o nagkasabay sa MRT eh wag  na wag namang itanong yan.

2. Nagka-girlfriend ka na ba bago ka pumasok?   Ito, Catch 22 ng seminarista.  Pag sinabi mong Hindi, iko-conclude nila na nabigo ka sa pag-ibig kaya ka nagseminaryo.  Kapag sinabi mong Oo, iko-conclude pa rin nilang bigo ka sa pag-ibig.  Walang lusot!  Ang nakakainis pa nito eh kapag humirit pa ng tanong na “Eh ngayon, may gelpren ka ba?”  Ipagpalagay na nating mayroon.  Mahabaging Birhen, alangan namang aminin ko sayo!  Sino ka ba?  Eh kung isumbong mo pa ako sa superior ko?

3.  May sex life ba ang seminarista at pari?  -Bakit, ikaw, may sex life ba?  kamusta naman?

4.  Paano mo narinig ang “call?”    Ito, out of ignorance na lang pero isa ito sa mga pinaka-common na tanong na natatanggap ko.  Gusto kong sagutin ng ganito:  Ah, basta nakatanggap na lang po ako ng text galing kay Papa Jesus na ang sabi: d2 na me, wer na u?.”  Utang na loob, wag itanong ang tanong na ito dahil hindi “naririnig” ang call literally.

5.  Sigurado ka na ba sa desisyon mo?  -  To the words of Kris A.:  Sure ka na ba? To this question, sasagot ang seminarista ng Oo pero most likely, hindi ang sagot kasi wala namang kasiguraduhan sa loob ng seminaryo.  Sigurado ka nga, pero kung ang seminaryo naman ang di sigurado sayo?

6.  Ako ba, pwede pang magpari/magmadre?   Ito ay katumbas ng girlie-question na “Do I look fat?” na talaga namang ang hirap sagutin. Gusto mong sabihin na hindi kasi hindi naman talaga, pero gusto mong sabihin na oo para di naman sya masaktan.

7.  Anong ginagawa ng mga pari kapag nalulungkot sila? – Malay ko sa kanila.  Di pa naman ako pari.

8.   Bro, kasalanan ba ang mag-masturbate?  Next question, please.

9.  Kelan ba ang ordination mo?  Ang seminarista, di yan nagbibilang ng taon kung kelan sya maoordain kasi sa totoo lang eh bibihira ang nakakapagdire-direcho ng pagseseminaryo:  may regencies, may napapalabas, may nagpapalit ng seminaryo, etc.  Ang buhay ng seminarista, walang kasiguruhan na ma-oordain kaya, pakiusap, wag itanong ang tanong na yan.

10.  Bakit lumabas ng seminaryo/pagpapari si Ganito Ganoon?  Aba’t ginawa pa akong tsismis mill!  Kung talagang curious ka kung anong nangyari kay Ganito Ganoon, sa kanya mo itanong!  Pero word of advice, tantanan nyo na ang isang ex-seminarian sa tanong na “Bakit ka lumabas?” dahil hindi ganun kasimple ang sagot, at pangalawa, nakakasakit yun ng loob.  Pramis.  Alam ko yan dahil naging ex-seminarian din ako.

 

At syempre, tulad ng nakagawian, ang stainglass windows of the day ay ito (dalawa para makabawi sa nalimutan ko last time):

Descent of the Holy Spirit

Descent of the Holy Spirit

Assumption of Mary

Assumption of Mary

Matatagpuan ang mga stainglass window na ito sa ibabaw ng entrance ng trancept ng L’Eglise St. Louis, na isa sa parokya ng aking congregasyon sa Place Félix Poulat, Grenoble, malapit sa stasyon ng tram.  Sa mga stainglass windows na ito’y ipinakikita ang kahalagan ni Maria sa buhay panalangin ng post-resurrection community ng mga apostoles.  Mahahalatang makabago ang istilo ng mga stainglass na ito sa kanyang dividing technique, sa stylized na angulo ng mga bubog at sa paggamit ng matitingkad at mala-cartoon na kulay.  At totoo nga, sapagkat sabi ng mga pari sa akin, bagama’t ang simbahan ay ipinagawa ng Dauphin ng France noong 1689 gamit ang classic French styled architecture, noong 1934 lang ginawa ang stainglass windows na ito.   Again, pwedeng i-click ang mga pictures ko para mas makita ng maayos ang blurredness nito.  May pagkasuplada nag mukha ni Mama Mary dito.  God bless!

Nang Magpakanton si Utoy (Free Recipe Below!)

Kagabi, napagdesisyunan ko na sa halip na the usual pasta, salad, and steak  ang Sunday lunch namin eh magluluto ako ng pancit canton para sa community ko.  Sa totoo lang eh medyo nagdadalawang isip akong gawin ito kasi last week, nang umuwi galing bakasyon ang kasama naming vietnamese eh katakut-takot na kantyaw at panlalait ang inabot niya sa mga pabaon sa kanyang mga leftovers ng lutong oriental.  Antigas na ng lumpiang shanghai, halos di na maremedyohan sa steamer ang dumplings, at Panginoong mahabagin, pati naman yung laman ng hotpot, iniuwi!  Kadiri kaya yun kapag malamig na.  Dangan kasi, bakit tayong asyatiko eh nagpapabaon sa bisita ng mga left-overs?  Hindi naman talagang masarap ang mga yun kapag iniinit ulit.

Nagdadalawang isip din ako kasi gustohin ko mang magluto ng authentic oriental dish, eh, wala namang available ingredients.  Pero parang hulog ng langit dahil may baong hilaw na chinese egg noodles ang pobreng vietnamese, chinese sausage at isang kahon ng raw Bangladeshi prawns.  Dala na rin ng panghihinayang ko sa mga sugpo (mag-iisang linggo na sa freezer, di pa naluluto!), nagsingit ako ng ibang mga ingredients noong nag-grocery ako kahapon.  bumili ako ng repolyo (matamis ang lasa ng repolyo dito), haricot verts (substitute for baguio beans), baby carrots (na ampapayat, wala na kasing iba) at ng champignon noir (substitute for tengang daga), lemon (dahil walang kalamansi dito).  At syempre, dahil ayaw ng mga puti ng nouc mam (vietnamese version ng patis), eh bumili na rin ako ng soysauce na sa totoo lang eh kakaiba ang lasa at di masyadong maalat. 

The verdict, nung niluto ko na ang pancit canton kaninang tanghali?  Ganito, noong nagluluto ako, worried ako na mukhang pang walong tao ang niluto ko. Pero nung ihain ko na sa tatlong pari ang pancit, nilantakan agad nila ito.  Di ko tuloy napicturan.  At ang cordon bleue ko (contingency kung sakaling di nila magustuhan ang pancit ko) eh naisnab tuloy.

At dahil diyan, mga misis, eh I’m sharing you the recipe:

Pancit Canton à la Maison Paroissiale

Ingredients:

  • 250 g uncooked chinese egg noodles
  • 8 pieces medium sized sugpo
  • 2 cups of water (para sa broth)
  • 2 cups of cabbage, shredded
  • 1 cup of baby carrots, cut into 1.5″ sticks
  • 2/3 cup of haricot verts, sliced slanting 1″ length
  • 1/2 cup of champignon noir (parang tengang daga), cut into strips
  • 1/2 cup of panggisang baboy (hirap ako dito kasi trimmed ang mga taba ng mga karne sa supermarket)
  • 1/2 cup of onions, sliced (dinamihan ko ito kasi ayaw ng paring Swiss ng bawang)
  • 1/4 cup of chinese sausage, sliced thinly.
  • 4 tablespoon of french-style soysauce
  • rock salt  and freshly ground pepper to taste
  • 1 hard-boiled egg, sliced for garnishing
  • 1 piece lemon, wedged

DIRECTION:

  • Huwag magpanic.  Pancit canton lang yan. Malay ba ng mga puti kung ano ang lasa ang tunay na pancit canton?
  • Balatan, pugutan ng ulo’t buntot at i-devein ang sugpo.  isantabi ang katawan sandali.  Ilaga ang laman ng ulo ng sugpo sa 2 tasa ng tubig at itago ang sabaw na makukuha dito.  Substitute ito sa hibe (dried shrimps) pero kung matyaga ka, sige, maghanap ka ng hibe sa France.
  • Igisa ng sibuyas (bawal ang bawang kay Jean-Claude) hanggang magtransparent, isahog ang chinese sausage at karne hanggang magbrown.  Isama ang sugpo hanggang mamula.  Lagyan ng asin at ng soysauce at hintayin hanggang kumulo.  Buksan ang exhaust dahil mareklamo ang mga puti sa amoy ng kusina.
  • Isahog ang champignon noir, haricots at baby carrots.  Kapag medyo luto na ang carrots eh isahog ang repolyo.  Haluin paminsan-minsan at sumipol-sipol para kunyari ang galing mong magluto.
  • Ibuhos ang sabaw ng nilagang ulo ng sugpo at ihalo ang chinese noodles.  Hinay-hinay lang ang paghalo para di malamutak ang noodles.  Bantayan kung kulang ang sabaw dahil i-aabsorb ng noodles ang sabaw ng sugpo.  Kung kulang, bigkasin ang paborito mong mura (example: Punyemas!)  sabay dagdag ng tubig na sasapat upang maluto ang noodles.  Pero wag sobra dahil di naman Lomi ang niluluto mo. 
  • After 10 minutes, season with salt and pepper tapos ihain sa platera garnished with sliced na itlog at mga lemon wedges, pero mas mainam na ipaliwanag sa mga puti na di lang garnishing ang lemons kundi dapat pigain ito sa ibabaw ng pancit.  Usually, this serves a family of six or a community of three dead-hungry (patay-gutom, sabi ni Brian) priests and a seminarian.  Wag gumamit ng chopsticks at maiinsulto ang mga puti.  Mas mainam na kainin kapag may white wine.

At syempre, ang stainglass window of the day ay ito:

St. Bernadette Soubirou's Parish Church, Lourdes, France

 

Nakunan ko ito ng picture sa loob ng simbahan kung saan bininyagan si St. Bernadette Soubirous (Lourdes) habang nagkakagulo ang mga pilgrims para sa isang mumurahing sticker.  Ang stainglass ay naglalarawan ng isang tagpo sa buhay ni San Antonio de Padua kung saan ay nakitang nagbigay-galang sa Santo Sakramento ang isang asno.  Handog ko ito kay Bluep kasi Fransiskano sina St. Bernadette at St. Anthony.  Pangalawa, diba, parang sa Pahiyas ito, lumuluhod ang kalabaw sa harap ng simbahan?ü

Ang Kagilagilalas na Alamat ng Catholic Guilt

“The stand-up comics are the philosophers of our time.  By rooting out the folly of our daily existence, he delivers with pun and wit some quotidien truth and logic (or the lack of) we all knew well but failed to see.  These truths, often ridiculously exaggerated, we welcome in the only manner this depraved generation welcomes any words of wisdom: with a boisterous laugh.  But there’s a rub:  only few stand-up comics are philosophers while we tend to believe, all of them are.”  – (o basta medyo parang ganun.   Narinig ko kasi yan sa isang inuman, kaya lang eh nakakarami na kami kaya di ko sigurado kung sino at saan nasabi ito.  Teka, parang ako yata yun… Hindi ren… kasi paglasing ako, di naman ako nakakausap kasi ayokong paawat sa bidyoke.)

Isa sa mga kinaaasaran ko kapag nakakanood ako ng TV o kaya ay nagbabasa ng FHM ni bayaw mga lathalain sa print man o sa internet ay ang ethnic bashing.  Marahil ay dala na rin ito ng pagiging Pinoy ko na masabihan lang na di lisensyado ang pinoy na doktor o kaya’y mga sex-slave ang mga pinay domestic helper eh handa na akong sumali sa online discussion para magsunog ng mga rasistang TV station.

Ngunit di lamang ang pagiging ang target ng mga mapanirang pagpapatawa na tulad nito (huh, kabudlay guid magtagalog ha!).  Mas madalas, relihiyon ang paboritong pikunin ng media, lalo na sa mga kakatwang pamamaraan nila na sa mata ng paganong madla eh outdated, medieval at irrelevant (di natiis, nag-english din!).  Naging butt of jokes ang mga hudyo, mga muslim, mga televangelists, etc… na aminado ako, pati ako, nakitawa rin, dala na marahil ng aking kamangmangan at siguro’y may undisclosed bigotry din sa diwa ko.

 (Alam mo bang intro pa lang ito? Haba ano?ü)

At syempre hindi mawawala ang Catholic bashing na talagang nakakatawa rin lalo na’t medyo sapul sa katotohanan ang mga paratang ng jokes. Yung fierce loyalty sa pope, yung sign of the cross kapag nagugulat, yung trivial knowledge sa mga martyrs and saints, yung parrot-like response sa catechism questions, yung magsoot ng cross pendants at maglagay ng Marian images sa bahay, etc.  Bueno, totoo naman yun kaya tawa naman ako.  Pero ang masakit sa akin ay yung mga bagay na di totoo tulad ng alamat ng Catholic guilt.

(hayan, tapos na ang intro…)

(ang totoo nyan, wala namang masyadong body ang post na ito so wak-ka matakot basa article ko.)

Bakit lagi na lang ipinagkakalat ng media na punong puno ng guilt feelings ang bawat katoliko?  Guilt feelings tulad ng takot na di magsimba, o kumain sa araw ng fasting o makalimutang magkumpisal o magkomunyon.  Sa nationwide level naman, laging isinisisisi ng iba na kaya raw malaki ang populasyon ng Pilipinas ay dahil gulit-ridden ang bawat Katolikong Pinoy kaya ayaw gumamit ng condom o kahit na anong contraceptive.  Pastilan dolor, kahit na sinong mag-asawang katoliko, sigurado ko na sa hudyat ng kanilang pagniniig, the exhortation of the pope is the last thing that comes to their mind.  Oras na yan ng libog, pipol, sisisihin nyo pa ng Humanae Vitae kapag nagkabuntisan? 

Catholic guilt, catholic guilt… bah!  Imbento lang yan ng mga makikitid ang isip na walang alam sisihin sa lahat ng problema ng bansa eh ang Simbahan.   Ako ha, 25 years old na ako (wag kang magreact, bluep), sarado katoliko ako, nag-aral ng teyolohiya, pero ni minsan eh di ako gumawa ng desisyon dahil takot ako sa Impyerno o kaya eh sa ex-communication.  Isang malinaw na construct lang ang mala-alamat na Catholic guilt para may mapagtawanan ang mga tao.  Mga kapatid, halos 40 years nang natapos ang Vatican II, bakit ang imahen ninyo ng Simbahan, ganun pa rin?  Medieval, outdated, irrelevant.  Enter a parish, go to your bishop, know the social action centers in your diocese and you’ll see, mas maraming pinagkakaabalahan ang ibang taong simbahan ngayon kesa sa nobena at sa hinayupak na Catholic guilt na yan. 

Sa mga gustong maliwanagan kung ano talaga ang stand ng simbahan tungkol sa contraceptives, visit this link and try to read the articles well.  Happily, they’re well-written and well-researched.

Taong Bundok in the Making II: The Climax

Ang nakaraan: Dahil likas na layas si Brother Utoy ay sumama siya sa isang puting panadera na di naman niya kilala upang mamundok sandali.  Doo’y nakasalubong sila ng panganib ng bundok tulad ng mga nanginginain na asno, mga pine trees na amoy car freshener at isang pulutong ng musical cows. At ang lahat ng iyon ay pinagpunyagian nya sa ngalan ng blueberry cheesecake. Tunghayan ang kasunod…

Patuloy ang paglalakbay namin ni Brigitte at napansin kong patarik na ng patarik ang tinatahak naming trail. Gayundin, papandak ng papandak ang mga halaman sa kapaligiran hanggang ang mga puno sa paligid ay mistulang natural bonsai samantalang ang kabundukan ay nakakarpetan ng damong parang ni-lawnmower kasi pantay na 3 pulgada lang ang taas. Ako nama’y parang asong lawit ang dila sa kakahingal.  buti na lang at malamig kasi di ako masyadong babad sa pawis.  Ang babalinang si Brigitte, sa kabilang dako, ay parang nagmo-malling lang,  fresh na fresh at masayang masayang naglalahad mga common mortal mistakes ng mga alpinistes (mountaineers) at ang precise statistics ng mga casualties nito.  Hmmm… Inspiring.  Di ko alam kung mga cautionary tales ba yun o dine-discourage lang nya ako. 

Ang paglalakbay namin ay mistulang toothpaste commercial noong late 80s.  Taas-baba, paikot-ikot…  hanggang maglandas kami sa gilid ng bundok ng Tabor (not the biblical Tabor) na sa katarikan eh may mga snow sa tabi-tabi.   Pero pagkatapos naman doon eh puro downhill na, kung kaya’t after one semester eh nakarating din kami sa Lac Charlet.  Ito’y may elevation na 1920m at sa totoo lang eh medyo disappointing.  Ang ipinangakong lawa sa kabundukan ni Brigitte ay isang… danaw.  Isa siyang body of water sa kabundukan na singlapad lang ng simbahan ng Baclaran at marahil ay dalawang metro lang ang lalim.  Di pwedeng paliguan kasi sobrang lamig.  Atsaka, baka manuno ako. hehehe…  Pero wag ka, may isda sa loob ng lawa.   Nag-hiking din kaya sila paakyat doon?  Mga extreme sports na dilis!  Asteeg! 

Agad kaming naghubad ni Brigitte at… uhmm… nagpalit ng kamiseta at nagsoot ng jacket.  Sa lamig ng kapaligiran, di dapat kami matuyuan ng pawis.  Kinain namin ang baon niyang viennoiseries (maarteng tawag para sa mga tinapay na pangmeryenda). 

Si Brigitte at ang lawa

Si Brigitte at ang lawa

Mala-ensaymada sa probinsya ang lasa kaya patok na patok sa akin (di tulad ng ensaymada sa Maynila, puro keso at itlog na pula, ang alat na tuloy).  Mental note:  Pag-uwi ko sa Batangas eh bibili ako ng maraming ensaymada at sasabihin kong viennoiserie yun. hehehe…

Natalungko ako sa tabing lawa, suminghap ng sariwang hangin at napatanaw sa magandang kalikasan, sa isang kagila-gilalas na likha ng Diyos. 

waterfalls na source ng lawa

waterfalls na source ng lawa

As if in a prayer, as if in a trance, napabuntong hiniga ako, dinama ang lamig ng paligid sa aking pisngi, napangiti habang nakapikit at nabuo sa aking imahinasyon ang isang larawang tunay na nakapagpasaya ng aking puso, ang rurok ng aking pagpupunyagi:  Hmmm…. blueberry cheesecake

At bumaba na kami ni Brigitte, habang nag-aabang ng paglitaw ng mga marmotte sa gilid ng bundok.  Aba at sa haba ng nilakbay namin eh hindi ako nagkalintog (paltos sa paa)!  Ok daw akong mamundok, sabi naman ni Brigitte.  For a first timer, di daw ako mabagal, mareklamo o mahapuin.  Naku, kung alam lang niya…  Ewan ko ba pero nung sabi niyang uulitin namin ito next month eh ouias naman ako ng ouias.  Umuwi na kami, nagluto ako ng hapunan para sa mga pari (patatas at sausages, mga pagkaing pangbinata!). 

ang cheesecake, 10 seconds after ihain

ang cheesecake, 5 seconds after ihain

Mayamaya’y nagdoorbell si Brigitte, dala ang isang kahon na tumutulo pa ang medyo purplish na likido mula sa loob.  Noong gabing yun ay pinagsaluhan namin ng mga pari ang home-made na blueberry cheesecake na luto ng isang tunay na French baker.   The End…

Hep.  May stainglass window of the day pa.

right wing vitrine Basilica de Sacre Coeur de Montmartre

right wing vitrine Basilica de Sacre Coeur de Montmartre, Paris

Malabo ang kuha ko nito kasi bawal talagang magpicture sa loob ng basilica .  Pero dahil matigas ang ulo ko eh pinikchuran ko pa rin, wala nga lang adjust-adjust.  Kung trip nyo eh pwede pa ring i-click to enlarge, malabo nga lang.  Ang stainglass window ay isang modern tryptich na may temang Triumphant Christ.  Sa magkabilang tabi niya makikita ang Four Living Creatures ng Revelations.  God bless!

Taong Bundok in the Making, Part I (wid pikturs)

Noong bata pa ako eh hinulaan ako ni Ate Rinna na mamumundok daw ako pagdating ng araw.  Medyo wierd kasi ako magpahanggang ngayon noon at may pagkarebeldeng patago.  Di ko akalaing may pagkapropeta pala ang kapatid ko.  Ngayon nga ay naninirahan ako sa isang maliit na komunidad na talaga namang napapaligiran ng kabundukan kahit saan ako tumanaw.  Simula nang dumating ako dito eh tinatanong ko kung ano kaya ang feeling ng akyatin ang mga bundok na yun.  At kahapon ng hapon ay natupad ang aking hidden wish nang isinama ako ni Brigitte, isang patissiére ( akala ko, magpapatis, confectioner pala) ng La Mure.  Si Brigitte ay di ko talagang kilala bukod sa asawa sya ng isang traiteur (hindi isang taksil sa bayan kundi isang caterer) at meron syang sikat na boulangèrie (bakeshop) sa kabayanan.  Pero dahil kaladkarin ako at medyo utu-uto, nabola ako’t sumama agad sa isang estranghera upang mamundok sandali.  Pinasoot nya sa akin ang sapatos na pang-hiking ng kanyang anak at nagmaneho kami papunta sa St. Honoré 1500.  Mula sa parking lot doon ay nagsimula na kaming maglakad papuntang Lac Charlet.  Hudyat yaon ng matindi kong paghihirap.

Simula pa lang ng paglalakad ay hiningal na ako.  Entutink, patag pa yung lugar at that time.  Dito ay nakakita ako ng maraming malalaki at medyo may amoy na asno, as in big stinking asses.  Ang cute nila, parang si Eeyore.  Tumigil ako kunyari para piktsuran sila pero ang totoo eh naghahabol lang talaga ako ng hininga.  Mayamaya, unti-unti nang umaakyat ang lugar, papasok kami sa kakahuyan at medyo dumilim ang paligid.  Walang masyadong liwanag na nakalulusot sa nagtatayugan at nilulumot na mga puno ng pino maliban sa mangilan-ngilang tilad ng araw (naks, tilad!).  Pakiramdam ko eh parang bigla na lang akong dadakmain ng isang Ent (sa LOTR) at papalamanan ng peanut butter bago lamunin.  Si Brigitte ay walang tigil sa kadadakdak, pero dahil French eh di ako masyadong nakikinig sa kanya.  Napagmuni-munian ko na lang kalaunan na ipinapaliwanag pala niyang maraming mababangis lobo sa lugar na iyon, lobo as in “si Lyka at si Noah” lobo.  Dahil di ko pa napag-aaralan kung paano sabihin in French ang mga katagang “Taragis ka, anong pumasok sa kukote mo’t hinila-hila mo ako dito?!!!” eh nanahimik na lang ako. 

Mayamaya pa’y nagkaroon ng soundtrack ang namumuong horror movie sa isip ko.  Dyuskopow, ano itong naririnig ko?   Parang isang daang nag-uuntugang higanteng windchime na talaga namang makapanindig balahibo!  Mayamaya’y parang yumayanig ang lupa:  May paparating!  Biglang hinablot ni Brigitte ang kamay ko upang huminto kami sa aming paglalakad.  Papalakas ang malabangungot na tunog ng chimes habang nanginginig ang mga halaman sa bigat ng paa ng ano mang paparating na yaon.  Pinigil ko ang hinihika kong hininga, dilat na dilat na nakatitig sa kadiliman nang biglang tumambad sa mga mata ko ang….. huh! *Gasp!*  ……  Maraming matataba at cute na cute na baka na kulay brown.  May bell kasi sila sa leeg kaya pala may mga tunog.  Paliwanag ni Brigitte, tulong daw yun para madaling makita ng mga baka sa panahong laganap ang brouillard (isang mahabang salita para sa fog).  Sayang at di ko nakodakan kasi madilim.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang lumabas kami sa mala-Fangorn forest (LOTR, ano ka ba?)  na kakahuyan at tumambad sa akin ang isang naglulubid na mga colline (kaburolan).  Tinawid namin iyon at may mga maliliit na batis at waterfalls kaming nadadaanan.  Sa paligid ay maraming berries na chinichitchirya ni Brigitte kagaya ng grosielle (sabi sa dictionary, ito raw ay red currant pero kahawig at kalasa ng lang bignay), myrtille (blueberry) at ng framboise (raspberry).   Nagparinig akong mahilig ako sa blueberry cheesecake (hindi totoo kasi lahat naman ng pagkain, gusto ko) at dahil matalino si Brigitte ay nakuha agad nya ang ibig kong sabihin kaya’t nagsabi sya na bibigyan nya ako nun pagbaba namin sa bayan.   At ang blueberry cheesecake nga po, mga kapatid, ang nagsilbing inspirasyon ko at gabay upang magsumikap na umakyat sa hinayupak na kabundukang yaon.

Itutuloy… pero read on, kasi…

Syempre, as promised, meron tayong stainglass window of the day:

Chapelle de Notre Dame, L'Eglise de St. André

Chapelle de Notre Dame

 Ang antigong stainglass na ito ay kuha ko sa isang corner chapel sa loob ng Eglise St. André sa centre ville ng Grenoble.  Ang simbahan ay itinayo noong 13th century taglay ang arkitekturang Dauphinois at naging dasalan ng mga napakaraming santo katulad nina St. Jean Marie Vianney, Bishop de Mazenod, Louise Marillac, St. Peter Julian Eymard, St. Jean-Baptist Lasalle, St. Vincent de Paul, etc.  Napakaganda ng lumang simbahang ito, andilim nga lang.  Ngapala, pwedeng i-click ang mga pictures sa blog ko para i-enlarge at mas mapansin nyo na walang kaalam-alam si Bro. Utoy sa shutter speed, illumination, composition at kung anu-anong etseburetse sa photography. Hehe… God bless!

Detail of the stainglass

Detail of the stainglass

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers