Ang Di Mo Akalaing Advantages ng Pagkakaroon ng Nanay sa Kabilang-Buhay

Ang akala ng lahat, nag-OFW ako dito sa France kaya panay ang parinig nila ng mga pasalubong pag-uwi ko.  Nyemas naman eh.  Seminarian po ako, di naman po ako nag-engineer, nag-programmer, nag-nurse, nag-seaman o nag-teacher sa ibang bansa.   Kung may kinita man ako sa pagbabasbas ng patay o panggogoyo ng mga kabataang Pranses tungkol sa salita [...]

Ang Kasaysayan ng Pan-Fried Pink Salmon with Mustard and Cream Sauce

Nakalimutan ko na holiday nga pala kahapon.   Ibig sabihin ay di papasok ang katulong namin kahapon so walang ibang magluluto kundi ako.  Hayun, sa sobrang kakapanood ng parada at musiko kahapon ng umaga eh SMY, meron na lang akong 20 minutes para magluto! 

SMY, Utoy, You Crepe! (Wholesome)

Sako guid kaayo si Toto Utoy subong, ti, dispensa kun waay guid sya tyimpo makadalan sa mga migo kag miga nya sa blogosphere… haw.
Arrrgghh…  anong ginagawa ko?  Ni hindi nga ako ilonggo.  (tama ba, IFM? my hiligaynon is rusty.) Wala na akong time mapagbloghop.  Ni wala nga akong nagagawa pa para sa anniversary ng blog [...]

On “malongkot na Byernis,” bar jokes and the SMY…

Susmaryosep. 
Isa ito sa mga pinakaantigong expression sa Pilipinas (at sa iba pang bansang Katoliko) na isang rollcall ng mga members ng Holy Family na sina Hesus, Mary and Joseph.  Syempre, ang mode d’emploi ng salitang ito eh kung nagulat ka bigla o kaya eh na-shock sa narinig.
Example 1:  Susmaryosep, nahulog ang bata sa dyip!!!
Example 2:  Susmaryosep, [...]

Barubal na nga ba si Utoy?

Uninspired si Utoy today.  May krisis kasi ako…
Last week lang eh sobrang excited akong magsulat tungkol sa mga Larawang Pang-Majorette Part II pero dahil bisi-bisihan nga ang Kuya Utoy ninyo eh naudlot.  Pero ngayong kadarating ko lang galing bakasyon (na naman?!) sa Lisieux eh parang nawala lahat nang enthusiasm ko.  Ayoko nang gawin.
Don’t get me wrong:  [...]

Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman

Nalalapit na ang paghuhukom sa blogroll ko.  Tatanggalin ko na ang mga tila yumao na’t di na muling magpaparamdam.  Gayunpaman, ako’y may iaalok na kaligtasan (you: may ganun?!!).  Ang sinomang magcomment sa post na ito ay mananatili sa blogroll ko, no questions asked.  So magcomment ka na kahit wala ka pang nababasa tutal, katulad nga [...]

Mga Larawang Pang-Majorette

To Whom This May Concern,
Una sa lahat, ang recipe ng macaroons ay ito:
Ingredients:

200g dessicated coconut
3 eggwhites
1 1/3 cups of sugar
vanilla flavoring

Procedure:  Ilagay ang lahat ng ingredients sa isang malaking bowl at lamasin.  Bilugin ng sinlaki ng ostiya at ihilera sa baking pan.  I-bake sa  oven, preheated at 210degC at the span of sixteen Apostle’s Creed.  If you opt to [...]

Ang Noche Buena ni Utoy

Bago ang lahat, ipinaaalam ko sa mga ka-blog ko na bago matapos ang Enero, 2009 ay magkakaroon ako ng streamlining sa blogroll ko.   Yung mga nagpa-add then nag-comment twice or trice tapos eh di ko na muling nakitang dumaan pa since Marcos regime ay ipagpapalagay kong namatay na sa sakit na dengue so tatanggalin ko na sila sa blogroll [...]

Saang Bundok Ka Ba Galing?

Miss ko na ang pamumundok namin ni Brigitte.
Last November pa ang huling akyat namin.   Sa mga panahong ito eh madalas na akong tinutukso ng mga kasama ko sa bahay dahil every now and then eh dinadalhan kami ni Brigitte ng mga pastries. 
Dati naman daw eh hindi ganun ang ating dakilang panadera.  Sa isip-isip ko lang eh pakialam ko.  Basta may [...]

KATAKAWAN is a four-letter word…

As useless, abala na naman si Kuya Utoy sa mga pulung-pulong, bertdeyan, sleepover at iba pang pakulo ng parokya sa kabilang bayan kaya heto’t magrerepost siya ng isang napakalumang article (halos magtatatlong taon na) galing sa Friendster blog nya. hehehe…  Babalik din siya agad, pwamis.
Hmmm… bakit nga pala ako nagsusulat in third person?   Anyway…
BABALA:  Una, yucky, kadiri, gross, [...]