Maynila, 2007, tanghaling tapat. Kagagaling ko lang ng eskwela nang makasalubong ko ang dalawang bulag sa may ibabaw ng overpass ng Guadalupe Station ng MRT. Madalas na akong nakakakita ng mga bulag na kumakanta at nag-gigitara sa daan para kumita ng konting pera. Hinfak, suki ako ng isang bulag singing sensation (bss) sa may Cubao, malapit sa station ng mga bus papuntang Bulakan. Matagal ko nang iniimagine kung paano nasulat ni BSS (Bulag Singing Sensation) ang mga katagang “Donation Box: Salamat Po” sa papel nang tama ang spelling. Di naman sa minamaliit ko ang kakayanan ni BSS na mag-spell pero bulag kaya sya, di ba dapat in brylle (tama ba spelling, dedpish?) sya magsulat? Anyway, basta fan ako ni manong BSS sa kanyang mga road gigs. Nauubos ang mga barya ko sa kakarequest (barya ang binibigay ko kasi may tunog yun pag pinatak sa collection box, parang signal yun kay manong na kakanta na sya). Binabangga-bangga na nga ako ng mga pedestrian kasi naman, tumitigil talaga ako para makinig sa mga songs ni manong. In fact, may isang song sya na di ko alam ang title pero namemorize ko na dahil lagi nyang kinakanta:
“Tutulungan kitang malimot mo sya,
ibabalik ang dati mong sigla.
Aking gagamutin, puso mong sinugatan,
sugat na dulot ng salawahan.”
Parang ganyan yata ang lyrics. Sa mga kablog ko, sinong nakakaalam ng title nito? Kakaiba ang mga choice of songs ni Manong. Mga di ko alam lahat. Parang may sarili syang BSS hot accoustic remix.
Anyway, mabalik tayo sa dalawang bulag na nakita ko sa MRT station.
Ang dalawang bulag ay mag-asawa. Mga siguro in their 50s na sila. Mukhang may kinuha silang mga makeup and wardrobe manager dahil pinaka-original sila sa lahat ng BSS na napanood ko sa Pinas. Si manong ay nakacowboy hat, boots, leather vest, at aviator shades, samantalang si manang naman ay naka-knitted na vest na malalaki ang butas, nakablack na blouse na parang kulambo, kontodo make-up na lahat kulay violet, at ang buhok nya ay parang kay Shirley Temple. Kung di nyo kilala si Shirley Temple at tinatamad naman kayong mag-google eh ganito na lang: alam mo yung batang babae sa logo ng Goldilocks? Ganun na ganun ang buhok nya. At blonde kung blonde. Napaisip ako, alam kaya ng mag-asawang BSS na ito na napagtripan sila ng nagdamit sa kanila?
Anywei, tuloy ang kwento. Heto na nga’t papalapit na ako sa mag-asawa na mukhang katatapos lang mag-lunch, nang magsimula si Manong na maggitara…
Whoa! Ang galeng ni manong! Laglag ang panga ko sa husay niya mag-plucking. As in, ikalalagnat mo ang talent nya. Daig si Jimmy Hendrix. Partida pa yan dahil luma ang electric guitar ni Manong at medyo parang kalawanging lata ang tunog ng kanyang sound system. Namangha talaga ako’t napanood sa instant unplugged concert ni Manong. Grabe, parang si Manong na yata ang guitar’s answer to Susan Boyle pagdating sa mga undiscovered talent. Samantala, si Manang BSS naman ay kakapa-kapa sa asawa nya hanggang sa madakma nya ang mikropono nito (not that mikropono). Itinutok na nya sa kanyang bibig ang mikropono ni Manong (anlaswa nyo, anoba) at sinimulan na nyang kantahin in her husky sultry silky contralto voice na may vibrato pa ang isa sa mga all-time classic favorite ng mga bidyokehan.
“Bisami… Bisami mutsu…
Kumu si pwirasta nutchi la oltima bis…”
Tumataginting na 23.75 pesos ang inilagay ko sa collection box ng BSS couple para sa kanilang naihandog na ultimate musical entertainment para sa mga commuters sa katanghaliang tapat. Bravo! Ang galing po! At nagrequest pa talaga ako ng “You don’t have to say you love me” ni Elvis Presley.ü Sayang nga lang at wala akong videocam that time. Kung hindi ay naging youtube sensation na rin sana sila at malay mo, mag-guest din sila sa Oprah o sa Ellen Degeneres Show.
* * * * *
Halata bang wala akong matinong maisulat?
Anyway, ang ating Stained Glass Windows of the Day and Night and Morning Too ay ito!


Napicturan ko ito nung grand EB namin nina Rev Siopao at P0kw4ng sa Roma, noong patakbo naming pinuntahan ang Basilica of Sts. Peter and Paul Outside the Walls. Hindi po sya abstract art, at technically, hindi rin po yari sa glass ang window na ito kundi sa isang uri ng translucent alabaster, ayon na rin sa kwento sa akin ni Aling Wiki. Ang galing, ano? Pwede palang gawing bintana ang isang uri ng bato. Hinfak, hirit na rin ni Aling Wiki, ito ay talagang usong usong bintana ng mga medieval churches noon sa Italy. Gayunpaman, 19th century addition lang daw ang bintanang ito kasi ito’y isa sa mga donations ng mga benefactors ng Simbahan noong i-restore ang Basilica matapos itong masunog noong 1834. Hmmm… parang wala na yatang di alam itong si Aling Wiki ah.
God bless!
Filed under: outside religion | Tagged: favorite Catholics, fun, gimmick, personal, photography, scandal, travel | 72 Comments »