Da Daster Monologues

Ang totoo nyan eh kapag nag-aral ka sa loob ng seminaryo, talagang masusubukan ang creativity mo, lalo na sa larangan ng reporting.   Hahayaan mo bang maging boring ang report mo, lalo na’t conciliar documents at mga dogmas ang laman ng report mo?  Aba eh tutulugan ka lang ng puyat ng mga seminarista.  Isa pa eh di katalinuhan ang Brother Utoy nyo so, pagdating sa mga academic reports, ang di nya makuha sa content at relevance ay dinadaan na lang nya sa audience impact at stage presence.

Nariyang gumawa ng mga pamatay na powerpoint presentation na halos maghang ang laptop sa sobrang daming animations at video clips.

Nariyang magpa-gameshow ako na syempre, may sariling gameshow jingle pa para sa report ko on Temperance sa Virtues Class namin.

Nariyang sumulat ako ng mga courtroom drama na mga skit para sa report ko sa Old Testament I (Pentateuch and prophets).

Nariyang sumulat ako ng musical play sa ngalan ng Old Testament II.

Nariyang magpa-videoke ako pero syempre, iniba ko na yung lyrics ng kanta.  Kinakanta na nila ang report ko.

At ang latest: mag-monologue ng nakadaster habang sumasayaw ng Hagibis at apat na beses na sinasambit ang salitang “puke.”  Rights of Women ang report ko sa Matrimony class namin.  Si Monsi Vengco ang prof ko. 

Ang mga kasama ko, di patatalo:  creative din!   Nariyang mag-hire sila ng mga manghuhula sa Quiapo.  Nariyang magpatalkshow sila, kalakaladkad ang kanilang mga magulang at kapatid.  Nariyang mag-hold sila ng isang cooking lesson habang nagdidiscus ng isang dogma.  Nariyang maghold ng isang mini-concert (unplugged syempre),  etc, etc…

Ngayong nauubusan na ako ng creativity, siguro eh ang mga susunod na tricks ko, sa ngalan ng good grades ay:

  • kung group work, mag-aati-atihan kami, complete with uling and headdress at kalasag na gawa sa walis tambo
  • Magpa-russian roulette para may thrill
  • Magpatoma at magpa-ihaw-ihaw, para siguradong lively ang discussion
  • video conference with Pope Benny 16
  • iinvite si Mommy Dionisia as guest

Syempre, kung meron pa kayong maisa-suggest eh sige nga’t i-share nyo naman sakin.  Malay nyo, gamitin ko nga talaga sa report ko ang mga mungkahi nyo. hehehe…

* * * * *

Eto pala ang stained glass windo of the week natin!

IMG_6234

Dahil Rosary month na tayo bukas eh heto ang isang marian motif na stained glass window sa loob ng Notre Dame Cathedral sa may Ile de Paris, syempre sa syudad ng Paris, France.  Heto ang detalye ng central panel ng triphtich na ito:

IMG_6235

Ang stained glass ay modern take sa isang traditional Pieta scene.  Naalala ko, parang nagfeature na ako ako ng dalawang modern sa stained glass windows na Pieta rin ang tema, di ko lang maalala kung alin sa mga posts ko yun. 

* * * * *

Ngapala, pagdasal nyo naman ako’t finals exam na namin.  Medyo hirap si Utoy sa pag-aaral at medyo kalawangin na ang kukote. hehe…

God bless po!

Stained Glass Window of the Day: Raising Jairus’ Daughter

IMG_1412

Ang window na ito ay kuha ko sa loob ng Eglise de St. Louis sa gitna ng syudad ng Grenoble, Isere, France.  Moderno ang disenyo (1920s lang yata) at matitingkad ang kulay, very vivid ang scene na ito ng muling pagkabuhay ng anak na babae ni Jairus.

* * * * *

Toxic.  Andami kong papers na ginagawa, andaming exams, andaming reports.  Idagdag pa dyan itong Concert na gagawin namin sa October 16 sa Simbahan ng Sta. Cruz.  May ipe-present ang mga seminarians na mga pitong kanta (the rest eh puro mga pari na ang kakanta) at dahil ako ang music coordinator ng mga estudyante eh pinapaproblema sa akin ang lahat ng ito. Huh?  One month practice lang?  Para namang ganung kadaling kaladkarin sa practice ang mga hinayupak kong kasama sa seminaryo.  As of the moment eh isang song pa lang ang napapasada namin.  Hayz…  Mag-videoke na lang kaya kami?

Sa mga nais makapanood ng mga seminarians na nagkakalat: sa October 16 po ang concert na ito, sa Sta.Cruz Church, malapit sa Carriedo Station ng LRT 1.  Pinamagatan po itong “Alay-Awit:  A Night of Songs with Priests and Seminarians” featuring ang isang jologs na singing priest mula sa Cebu, at syempre, kaming mga tone deaf na seminarians, plus mga tatlo pang pari na naglakas loob kumanta dahil di-umano’y lagpas 90 ang score nila sa videoke.

May catch po:  500 pesoses ang ticket.  Ang mahal, ano? Kahit sarili kong ate, di ko mabentahan, sa sobrang hiya kong magbenta ng mamahaling ticket sa walang kakwenta-kwentang kanta namin on that day.  Hehehehe…

God bless!

Ang Di Mo Akalaing Advantages ng Pagkakaroon ng Nanay sa Kabilang-Buhay

Ang akala ng lahat, nag-OFW ako dito sa France kaya panay ang parinig nila ng mga pasalubong pag-uwi ko.  Nyemas naman eh.  Seminarian po ako, di naman po ako nag-engineer, nag-programmer, nag-nurse, nag-seaman o nag-teacher sa ibang bansa.   Kung may kinita man ako sa pagbabasbas ng patay o panggogoyo ng mga kabataang Pranses tungkol sa salita ng Diyos, eh istampita’t nobena lang ang kayang bilhin nun. Continue reading

Ang Kasaysayan ng Pan-Fried Pink Salmon with Mustard and Cream Sauce

Nakalimutan ko na holiday nga pala kahapon.   Ibig sabihin ay di papasok ang katulong namin kahapon so walang ibang magluluto kundi ako.  Hayun, sa sobrang kakapanood ng parada at musiko kahapon ng umaga eh SMY, meron na lang akong 20 minutes para magluto!  Continue reading

If my entire life can be packed in one day, I’m in the middle of a rush hour, right now…

yup, alam ko, wala na namang entry si Utoy.

Ewan ko, busy period lang talaga ako, mga kapatid.

Bear with me.

For the meantime, I’ll post a stained glass window every other day hanggang sa magkaoras na ulit ako para makasulat.   Tiis-tiis muna sa mga pictures, mga anak.  Isipin nyo na lang, photoblog ito.  Hehe… At inuulit ko po sa lahat, akin po ang mga pictures na ito.  Pinaghirapan ko silang picturan kahit na maraming restrictions sa loob ng museo o simbahan.  Magpaalam naman po kayo kung gagamitin nyo ang mga pictures ko.  Kung hindi… isusumbong ko kayo kay Papa Jesus.  Sige kayo.

Eto na pala ang ating stained glass window of the day!  Maganda ito, pramis. Continue reading

Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger)

Para sa post na ito, naimbitahan ko si Glesy the Great na mag-guest blogger sa akin.  Na-attain na po ni Glesy ang celebrity status sa Pinoy blogosphere bilang guest blogger ng mga bigating mga Filipino datkomistas at wordpress bloggers.  At kung ayaw nyong maniwalang sikat si Gles, heto po ang list of more popular guestings ni Glesy in chronological order:

1.   HALLOWEEN SPECIAL BY GLESY THE GREAT (for Azrael)
2.   GLESY THE GREAT’S OWN VERSION: THE STORY OF NATIVITY (for Heleyna)
3.   GLESY THE GREAT’ VERSION OF BEAUTY AND THE BEAST (for Joycee)
4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared)
5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay)
6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit)
7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj)
8.   HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney)
9.  TONG TONG PAKITONG KITONG (for Lhay)

Ang especialty po nya ay humor posts, with a heart and a brain.   At kung hanggang ngayon eh di mo pa rin kilala si Glesy d’Great, well.. bahala ka, di ka cool.

Syempre, gusto kong makasama sa prestihiyosong listahan na yan kaya na-Fear Factor ko po si Glesy sa aking Bulaklak Post Challenge.  Napakarami ko po kasing mga bading na bading na litrato ng mga bulaklak na di ko naman maipagmalaki dahil di ako makapagsulat ng post about flowers, without any reference to human female anatomical parts.  Kaya kinailangan ko ang wholesomeness at expertice ni Glesy para maiparada ko naman ang aking mga pantashtik fikchurs oph plawersh nang hindi nawawala ang “for the whole dysfunctional family” factor ng blog ko.  Kaya para sayo, Glesy, maraming maraming salamat.  Kailangang i-schedule na natin ang date natin pag-uwi ko sa Pinas.

Anywey, tama na ang dakdak, Utoy.   Let’s hear it from Glesy!!! Continue reading

How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster. Continue reading

Medyo Nagmahal na Araw

Di po ako Hiatus Mode.  Wala lang po talaga akong ganang magblog. At wala rin po kasi akong maisulat ng matino.   Parang ayoko nang magblog muna.  Pwede po ba? Continue reading

Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive? Continue reading

On “malongkot na Byernis,” bar jokes and the SMY…

Susmaryosep. 

Isa ito sa mga pinakaantigong expression sa Pilipinas (at sa iba pang bansang Katoliko) na isang rollcall ng mga members ng Holy Family na sina Hesus, Mary and Joseph.  Syempre, ang mode d’emploi ng salitang ito eh kung nagulat ka bigla o kaya eh na-shock sa narinig.

Example 1:  Susmaryosep, nahulog ang bata sa dyip!!!

Example 2:  Susmaryosep, 10,000 pesos para sa fieldtrip?!!!  (salamat kay panaderos sa magandang example)

And true to my kaadikan, gusto ko sanang pausuhin ang expression na ito sa Net.  Pero in the tradition of OMG, LOL and WTeff, and Susmaryosep ay binibinyagan ko na ngayon as SMY.   SusMarYosep.  Kung si Dedpish may may ODK (O Diyos Ko!), si Brother Utoy ay may SMY.

SMY!  Ano na namang kalokohan ito, Utoy?  SMY talaga!

BTW, depende sa gamit, hindi ito blasphemy.  In fact, ang precise term ng Inang Simbahan sa SMY!!!, ODK!!! at HMOG!!! (Holy Mother of God!!!) ay Ejaculations.  Walang biro.  With that being said, be prepared to read more of these ejaculations on my blog.

(Kaya ako nasasabihan ng barubal eh…)

* * * * *

Luksa ang Biyernes ko.   Pero let me explain, please.  (SMY, parang  makikipagbreak lang!) Continue reading

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers