aba, aba, at nagtatagalog na sya!

anak ng ginataang tokwa naman, oo.   dalawang buwan akong di nakapagblog, kahihintay na mabigyan ng sariling computer, at, nakow, eto’t  windows 97 ang ibinigay sa akin ng mga puti.   simpleng YouTube lang eh di ko mapanood.  nakakapaghimutok!

Pero teka, bago ako magreklamo ay magpapasalamat muna ako sa sampu-sampo (as opposed to libu-libo) na mga bloggers na bumati sa akin at nag-abang.   Thank you, thank you, thank you.  Sa totoo lang eh parang ako ang na-pressured sa sarili kong pangako na madugong post.  Pero dahil mahal nyo ako at mapagpatawad kayo eh, di kayo masyadong mag-eexpect sa post na ito. hehehe…

Anesli, malungkot ako.  Sobrang miss ko nang magtagalog dito.  Kung minsan, makakita lang ako ng medyo asiatic ang dating tapos tipong kayumanggi at medyo pandak eh tempted talaga akong lumapit at magpakilalang pinoy.  ang hirit ko lagi eh, “Buset Pilifin?” (Vous etes philippine?)  na ang ibig sabihin eh “Oy, pinoy ka ba? asiatic looks ka kasi, tipong kayumanggi at medyo pandak.”   Sa three attempts ko eh nakakilala ako ng isang byutipul thailander, isang dalagang taga-kashakstan (paano ba ispelengin ang lintek na bansang yun? wala akong panahong mag-google) at mag-asawang laotian (malay ko bang kasama yung mister?).  Marahil eh di ako nag-iisa sa pagkamiss ko sa bansa ko.  Nalapitan na rin ako ng kapwa ko dayuhan at napagkamalang 1. Thailander (mukha sigurong na-muaythai ang pagmumukha ko) 2.Indonesian (pwede…) at 3. Korean. (Huh? Korean?  Pang-translated asian telenovela na ba ako?)  Sa sobrang miss ko nang magtagalog, parang naririnig ko na ring nagtatagalog ang mga pranses.  Habang kumakain, sinabihan ako ng mga puti na dapat masanay na akong kumain gamit ang kuto.  Kuto?  Ah, kutsilyo pala.   Pagkatapos kumain eh sabi nila eh hindi daw kami maghuhugas ng plato alamang.  alamang?  Ay sos, ibig sabihin pala nun eh by hand (à la main).  Ganyan talaga sila magsalita.  Parang napakaimportante ng lahat ng bagay kaya ang gaganda ng pangalan.  Nung dumating ako, dinala ako sa kwarto ko at sinabing may sarili akong bureau (mesa lang yun na malaki), armoire (akala ko, armory, kabinet lang pala), placard (hidni sya gamit sa rally kundi overhead na estante), store (hindi tindahan kundi blinds), feuteuil (armchair na kung ipronounce e futoy),  at tapis de sol (hindi tapis ni Aling Sol kundi area rug lang yun).  Medyo napadouble take ako nung sabihing nilang bukas ay bibigyan nila ako ng chauffage (bastos ang pronunciation dito, pramis).  Heater lang pala yun.   Sa totoo lang eh mabait naman sila.  Sabihin ko lang daw ang kailangan ko at ibibigay nila.  Problema nga lang eh ang hirap magcompose ng sentence kahit simpleng lapis lang (crayon ang tawag dito) ang hihilingin ko.  

At buti na rin at may computer (ordinateur) na ako (inabot din ng isang buwan bago naging sapat ang kakapalan ko para magrequest ng computer na may internet).  Kahit lotek eh at least eh makakablog na ako ulit.  Blogosphere, andito na ulit ako!  Tatambakan ko kayo ng sangkatutak na stainglass windows at mga pictures ng simbahan!  Humanda kayo!

Sa pagwawakas, ang sagot sa kantang tanong na “Does the moonlight shines on Paris after the sun is down?” ay ito:

may hepa yata ang buwan...

may hepa yata ang buwan...

Au revoir et bonne soirée!

16 Responses

  1. hahahaha! hindi naman masyadong halata na namiss mo rin kami. feeling ko di na makahabol ang mga daliri mo sa kakatype ng gusto mong ishare samin.

    dumaan ako dito kaagad nung nakita ko yung comment mo sa blog ko at, syempre, natuwa na naman ako sa mga kwento mo. nakupo! kompleto na naman ang tag team. i’m sure tuwang tuwa na rin si bluep na nakapost ka na kahit pa sabihin nya na busy sya kaya di sya naka-email back kaagad sayo. sa totoo lang, miss na miss ka nyan. ayaw lang aminin. (hehehe! peace bluep!)

    honga pala! kung di mo pa alam, bumalik na si gabby concepcion dito sa pilipinas, masarap pa rin ang tuyo dito sa Pinas at, syempre, pandak pa rin si Gloria. hehehe!

    welcome back, Bro!🙂

    Salamat, IFM! syempre, miss ko kayong lahat. di ko lang mabuksan ang balay ni bluep. naghahang ang computer. nakakagigil!

    naabutan ko pa si gabby concepcion pati yung album ni KC. Walang tuyo dito. Ang isda, puro fillet at parepareho ang lasa. May version ng century tuna pero pramis, mas masarap pa rin ang century tuna ng pilipinas! mas mura pa.

  2. kuya utoy welcome back kakamiss ka pa-hug nga po….wahaha

    ingat po dyan….

    pa-hug din! God bless!

  3. welkam bak kuya utoy!!.na miss ka na namin .buti at nabigyan ka na ng computer dyan..
    kakatuwa itong post mo,parang may online tutorial din dahil ang dami kong napulot na kakaibang salita..=)

    para palang araw ang moon dyan..lol
    puti naman kaya ang kulay ng araw dyan?=P

    hello, doc!
    pareho lang ang araw at buwan, mas malinis lang ang hangin. pero ngayong nagsimula nang umulan ng yelo sa gabi, hinahabol ko na ang sikat ng araw! bbrrrrhhh…

  4. glad you’re back blogging kuya utoy. win97? oh shoot! hahahaha may win97 pa pala? oks lang yan isipin mo na lang at least computer sya at hinde calculator LOL

    hello, malen! happy one year anniv sa bahay mo!
    buti pa nga ang calcu, pocketsized lang. Ang computer ko dito, kalahati ng mesa ko, pang monitor pa lang. Low Tech!

  5. amisyu bro. utoy! welcome back sa mundo ng blog.

    nga pala lumipat na ako … paki update ang link sa
    http://wouldificould.wordpress.com

    diba floppy disk ang gamit ng pc mo…. joke joke joke😛

    buti na lang at hindi. pero pumupunta pa ako sa likod ng CPU for USB connection. hehehe… I already updated the link. God bless!

  6. Uy! long time no hear…err..read pla, hehe…

    Wow ate pranse kna ngaun, nanaka-enjoy magbasa ng post mo, at halatang nangangatog pa mga daliri mo sa sobrang excitement makapag-blog… hehehe

    O sige na po at magbabasa pa dun sa taas ng about sa launching mo sa rock en roll world…

    haynako, ineng, sinabi mo pa. kundi nga lang talaga busy ako dito eh aaraw-arawin ko ang pagsusulat. hehehe… God bless!

  7. Salamat naman kapatid at napigyan ka na ri ng computer. Matagal-tagal mo ding kaming binitin (sama ba ng dating non?).

    Nakakatuwa naman yung mga kwento mo. Misna similar sounding words kaso iba ang ibig sabihin sa iba’t-ibang parte ng mundo… minsan bastos pa ang dating.

    Inggat ka diyan at hihintayin namin ang mga pictures ng stained glass windows.

    sa totoo lang eh andami kong stock ng stained glass, baka mabago na ang ngalan ng blog ko nito! God bless!

  8. kuya utoy! nakabalik ka na pala…🙂

    sa wakas.

    kaaliw ang pagbabalik-post mo ah hehe…as usual, ang mga side comments — panalo haha.

    good luck sa launching…🙂

    tenkyu, tenkyu, tenkyu! sayaw naman sila kanina ng kanta. hehehe… truth to tell, boring dito. ang pinoy kasi mas feel na feel ang ginagawa, lalo na ang pagkanta.

  9. ano ba naman yan, babalik ka din lang sa blogosphere naka-ban pa ang site ko sa PC mo haha

    ganito gawin mo pag nagsasara o naghahang pc mo everytime you go to my blog. kumuha ka ng posporo, sindihan mo, tapos pag tinanong nung french superior mo, just tel him

    “mon PC brule en raison de l’Antiquite”

    nyahahaha para naman mapalitan yan

    seriously may ipapabasa pa naman sana ako sayo sa blog ko.

    anyhow its good that your back. hindi lang ako nakakamiss sayo pare, meron din ako kilala na namimiss ka hahahahaahahahaha kaya lang ayoko sabihin at baka magalit sa akon.

    si Jhoen papunta na dyan sa rome at si moi naman di ko alam kung nagkita kayo. di ka na malulungkot kasi andyan na si Jhoen. sabi ko naman kasi sayo pare punta ka sa red windmill (moulin rouge) hahaha dami dun magpapaligaya sayo

    Psst ang gusto ko lang pasalubong ay isang picture sa harap ng moulin rouge na may hawak yung cancan girl na sign na ang nakalagay ay “I LOve OTWOMD” haha. seryoso ako. kung wala ka makita na can can ikaw na lang humawak ng sign ayus na yun. at least nakapunta ang OTWOMD sa Moulin Rouge

    tol, pagmakakapunta ka sa tomb ni st. therese please do pray for my… alam mo na yun.. yung about dun sa tawag. then ipagpahid mo naman ako ng rose sa tomb nya. kahit tuyo na sya ibigay mo pa rin sa akin, kahit yung petals na lang. I would really appreciate it pre. Alam mo namang GF ko si st. therese.

    sa dami ng bilin ko sayo siguro naman eh wala ka makakalimutan dyan at di ka na malulungkot

    take it easy at please wag ka makipagusap sa strangers at baka ka kidnapin haha desperado ka na sa kausap.

    Praying for you and jhoen here. Pax et Bonum.

    bluep!!!!!!!!!!! uy, naoopen ko na yung site mo. tyagaan lang pala kasi superbagal ng computer na ito. De-gaas yata. Cancan girls at “I love OTWOMD?” Sayang, kagagaling ko lang ng….. ng….. ng Lourdes (kasama ko si Mon dun) at La Sallete. Ok sana kung dun ko kinunan. Dito kasi sa bahay, libingan lang ni Eymard meron. Boring sa awdyens. pero I do remembered to pray for you. Each time nga na makakita ako ng image ni St. Francis, ikaw agad ang naaalala ko (naks, nakaktouch!). God bless!
    BTW, ang galing mong magfrench ha.

  10. nkakatawa ung gamit mo na word na ‘asiatic’ kasi student q kakakorek q lang sa kanya… sbi niya kc asiatic girls sabi q asian girls yun hehehe… honga pala, ill get to taste the dishes from france since ang student kong ‘asiatic’ ang twag sa akin mgpapadala ng couscous (not originally from france) ang femos chaklits raw from belgium at ang kanilang masangsang na diffrent cheeses ata well surprise daw pero yun ang sabi… anggulo noh? buti na lang masaya ang 2 new entries mo, napatawa ako🙂

    depende talaga sa gamit yan. Asiatic refers to qualities while asian refers to the origin. Dito, one word lang yun: asiatique, so I understand why your student made that error. hmmm… nagpapaliwanag na naman ako. hehehe. yup, mahilig sila sa differently-odored (read: mabaho) na keso. as of writing, I can now name 12 different kinds of cheese dito. hehehe…( yabang ko ano?) pero I have yet to taste chaklit.

  11. Maligayang pagbabalik sa blogosphere, Bro Utoy! Muntik na kaming mga “fans” mo na mawalan ng pag-asang mabasa ang iyong mga kontrobersyal na blog…yun pala wala ka kasing kompyuter – hehehe! Mahiyain ka naman kasing masyado e at inantay pa ang isang buwan bago humirit…

    Aabangan namin ang iyong mga kuwento mula diyan sa bayan ni Marie Antoinette. Ingat lagi!

    kontrobersyal? di naman… salamat po sa pag-aabang! God bless!

  12. hello po.. welcome back!

    na miss ko ang mga stain glass mo!

    welcome back!

    salamat, salamat! God bless!

  13. Welcome back Dong!

    Dugaya oi. Naunsa na lang ka diha? asa man ka gikan intawon!

    Nice to have u back… alteast kaw may pc.. ako nga nagcacafe na lang ngayon para maka pagblog! hehehe

    Anong balita sa dako pa roon?

    at least, adunay ka’g kape diha.ü Ayu-ayo!

  14. mabuti pa ang mga kaluluwa, nagpaparamdam. andito ka na pala ulit sa speryo nakatakas ka pa sa radar ko. haaayayy

    hinog na ba yung mga mansanas sa labas ng iyong bintana?

    sushal at marunong ka nang mag-french kahit onti lang muna. makakausap mo na si kc niyan. ehehe

    hinog na ang mansanas! nakakasawa rin, at nakakaconstipate. hehehe… dumadalaw ako sa bahay mo kaso nagha-hang ako. bakit ganun, betchay? bakit ganun, ha? bakeet?!!!

  15. salamat sa pagbahagi mo ng nakakabighaning full moon picture (mahilig kasi talaga akong tumanaw sa buwan haha). ano’ng camera ang ginamit mo dito?

    isang di gaanong hightech na Canon Powershot.ü mali nga ang setting ko kaya parang nahepa ang buwan.ü

  16. […] Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman First Tagalog Post:  Aba, aba, at nagtatagalog na sya! Pinakama-chika kong post: Mga Larawang Pang-Majorette (82 comments) Pinakamalungkot kong post: Ang […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: