rockstar

Di ko maintindihan pero nung sabihin ko sa superior ko na marunong akong mag-gitara eh ipinamalita agad nya sa buong Aumonerie ang “talento” ko.  May apat agad na nag-alok na ipahiram sa akin ang gitara nila at ngayong hapon lang eh may dumating na dalawang gitara.  Homaygad, padre, gusto kong linawin, nagdudunung-dunungan lang po ako!  Di po ako si Slash (90s na 90s ba?). Aba’y may balak pang isabak ako sa concert ng isang singing pari dito?

Ang totoo nyan eh piano talaga ang pinag-aralan ko.  Bata pa ako nun nung isabak ako ng ermats ko sa pyanuhan kasi nga medyo kuba ako.  Hukot ang balikat.  Ganun.  Di naman ako kagalingan pero nung pumasok ako ng seminaryo eh napilitan din akong tumugtog.   Ang hirap nyan eh organ ang gamit lagi sa simbahan.  Kung akala nyong pareho ang organ at piano eh nagkakamali kayo.   Ang piano ay nabibilang sa percussion instrument, ang organ ay isang wind instrument, ang blog na ito ay laging puno ng pagpapaliwanag. hehehe…  basta, kalaunan sa seminaryo, sinubukan ko ring humawak ng gitara pero itinigil ko.  Ansakit sa daliri eh.  Mahirap mangulangot kapag makalyo ang kamay.

Mabalik tayo.  Kanina eh ibinigay na sa akin ang piyesa ng music na “tutugtugin” ko sa Sabado.  “Dieu est bon pour moi” ang kanta, isang french version ng mga kantang pang-charismatic “alive! alive!” worship na katono medyo ng “rol ober di osyan, rol ober da si”.  Hmmm, sisiw.  Kapag ganito kasing mga worship song eh simpleng kaskas lang at paulit ulit ang chords.  Pero teka, ano ito?!  Hindi letter chords (as in C, D, E, F, G) ang nakalagay sa piyesa  kundi do-re-mi!  As in DO mineur, FA naturelle, LA septieme, etc.  Nyemas. 

Buti na lang at owido talaga ang kuya utoy nyo.  Walang pakialam sa tamang chords.  Hula lang ng hula ng tono, kapa-kapa.  Hehe… Excited na ako sa “launching” ko sa sabado!  Isosoot ko yung leather jacket na bigay sa akin ni Fr.Choy para rakrakan talaga ang dating!

Oltugedernaw!  “Rol ober di osyan, rol ober da si!!!”

Ngapala, ang promised kong stainglass window  at church art ay ito.  Si St.Denis ito na isang martyr (pinugutan ng ulo kaya tingnan mo’t watermark lang ang ulo nya at may hawak pa syang extrang ulo) at ang kaunaunahang obispo ng Paris.  Feast day nya nga pala kahapon.  Ang stainglass ay galing sa  L’Eglise St. Philip L’Apotre, sa may bandang George V samantalang ang estatwang pugot ay makikita sa facade ng Basilique de Notre Dame de Paris.

ilang ulo meron na ako ngayon?

ilang ulo meron na ako ngayon?

Pare, bakit ang halo mo, naiwan sa leeg?

Pare, bakit ang halo mo, naiwan sa leeg?

12 Responses

  1. oo nga po mahirap mangulangot pag maraming kalyo sa kamay kaya paa na lang ang gamit ko eh….wahaha

    sayang wala kayo sa Pinas mangangaroling sana tayo kasama si kuya bluep, mommy utakmunggo at ate IFM……masayang fingering sana yun. ako nalang taga bitbit ng lata…..lol

    (kamotenista po ito under road construction ang blog ko…*grin*)

    magicsing na lang ang dalhin natin para may lyrics na! pwede pa magrequest. hehehe…

  2. hahahaha! Bro, mukha na akong may sira sa ulo sa kakatawa habang binabasa ang entry mo na ito. Alam mo, mas maganda pagnavideo yung “launching” ng career mo dyan at ipost mo rin dito.

    buti na lang maganda paggawa ng stained glass kasi kung hindi at kung andyan ako, siguro hinimatay na ako sa takot nyan.

    “Oltugedernaw! “Rol ober di osyan, rol ober da si!!!” — kung di ko binasa yan ng paulit ulit, iisipin kong french pa rin yan. bwahahaha!

    halong always, Bro!

    kahit ako napakamot nung nakita ko yung istatwa ni san dionicio. napalakol na nga yung ulo, nakuha pang mag-posing. hehehe… God bless!

  3. ang aking dalawang tagapayo a parehas na rockstar… ikaw at si bluep… kewl!

    Oltugedernaw!

    do I hear air-guitars? hehehe…

  4. wow at di na talaga paawat yang road to fame and fortune mo sa musika! hehe… goodluck po jan sa pagigitara mo, paligayahin at pasayawin ang mga puti jan…

    Dops

    sa totoo lang eh medyo nakakahiya rin. iba ang trip ng pranses sa kanta. kung ang pinoy, mahilig sa birit, dito, mahilig sa witty na lyrics na medyo monotone.

  5. Hi! Thanks for stopping by my blog!
    There are a number of religious sisters with blogs …. another another FMA has started one —

    http://www.happynun.wordpress.com

    youre welcome! i’ll try to visit that blog too. God bless you!

  6. Wow, mukhang nag launch ka na ng bagong Kareer diyan – mukhang tatalunin mo pa si Charice at si Arnel! Good luck sa iyong pag rol-ober.

    Astig si St Denis ha… kaso nakaka-asar naman ang pag depict sa kanya… hindi ba pwedeng ibalik ang ulo niya kung saan dapat yon?

    method kasi yan ng simbahan noong araw to illustrate to the illiterate yung manner of martyrdom ng isang saint. There’s this saint nga who holds on a plate her severed… uhmm… bosom.

  7. natawa naman ako dito: Ansakit sa daliri eh. Mahirap mangulangot kapag makalyo ang kamay. >>haha😆
    mahirap talaga maggitara, parang comatose ang mga to pagtapos. indi ka makahawak ng kahit anu.

    talaga naman…may leather jacket pa hehe.🙂

    truth to tell, di ko kinaya yung jacket. hehehe…

  8. No problem about adding my blog…. as for rulers…. are you a Salesian?!

    We definitely do not kept those around! I’d have a hard time belonging to a Congregation that had child abuse in its history!

    I belong to the Blessed Sacrament Fathers. Truth be told, I think the use of rulers is a good teaching method. Some kids just deserve some good whack with a ruler. ha! Just joking, sister… God bless!

  9. GOd bless!

  10. Rock on, Bro! Ipagdarasal namin ang matagumpay mong “concert”!😀

    Ganda naman ng mga litrato mo – at may pagpapaliwanag pa – galing!

    hehehe… salamat! ok naman ang resulta. God bless!

  11. oyyy relate ako sa iyo brother utoy. pianista rin ako eh. hehe.. natuto ako nung 6 years old ako. pero hindi ako kagalingan kasi libre yung lessons ko. tita ko kasi ang nagtuturo. pero ayos lang kasi formal lessons naman yun kaya marunong akong magbasa ng notes, sa counting marunong rin, at bakit ba ako naga-advertise ng kakayahan ko dito? ahehe

    kumusta naman ang naging “debut” mo sa publiko? may album tour na bang pinaplano? ahehe

    di ko alam, baka magduet kami ni Carla Bruni one of these days. hehehe….

  12. […] naman sa akin yan.  Bakit parang watermark lang ang ulo ng monghe?  Pinugutan din ba sya tulad ni St. Denis (see stainglass)?  O baka naman siya na nga si St. Denis? Possibly related posts: (automatically […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: