Taong Bundok in the Making, Part I (wid pikturs)

Noong bata pa ako eh hinulaan ako ni Ate Rinna na mamumundok daw ako pagdating ng araw.  Medyo wierd kasi ako magpahanggang ngayon noon at may pagkarebeldeng patago.  Di ko akalaing may pagkapropeta pala ang kapatid ko.  Ngayon nga ay naninirahan ako sa isang maliit na komunidad na talaga namang napapaligiran ng kabundukan kahit saan ako tumanaw.  Simula nang dumating ako dito eh tinatanong ko kung ano kaya ang feeling ng akyatin ang mga bundok na yun.  At kahapon ng hapon ay natupad ang aking hidden wish nang isinama ako ni Brigitte, isang patissiére ( akala ko, magpapatis, confectioner pala) ng La Mure.  Si Brigitte ay di ko talagang kilala bukod sa asawa sya ng isang traiteur (hindi isang taksil sa bayan kundi isang caterer) at meron syang sikat na boulangèrie (bakeshop) sa kabayanan.  Pero dahil kaladkarin ako at medyo utu-uto, nabola ako’t sumama agad sa isang estranghera upang mamundok sandali.  Pinasoot nya sa akin ang sapatos na pang-hiking ng kanyang anak at nagmaneho kami papunta sa St. Honoré 1500.  Mula sa parking lot doon ay nagsimula na kaming maglakad papuntang Lac Charlet.  Hudyat yaon ng matindi kong paghihirap.

Simula pa lang ng paglalakad ay hiningal na ako.  Entutink, patag pa yung lugar at that time.  Dito ay nakakita ako ng maraming malalaki at medyo may amoy na asno, as in big stinking asses.  Ang cute nila, parang si Eeyore.  Tumigil ako kunyari para piktsuran sila pero ang totoo eh naghahabol lang talaga ako ng hininga.  Mayamaya, unti-unti nang umaakyat ang lugar, papasok kami sa kakahuyan at medyo dumilim ang paligid.  Walang masyadong liwanag na nakalulusot sa nagtatayugan at nilulumot na mga puno ng pino maliban sa mangilan-ngilang tilad ng araw (naks, tilad!).  Pakiramdam ko eh parang bigla na lang akong dadakmain ng isang Ent (sa LOTR) at papalamanan ng peanut butter bago lamunin.  Si Brigitte ay walang tigil sa kadadakdak, pero dahil French eh di ako masyadong nakikinig sa kanya.  Napagmuni-munian ko na lang kalaunan na ipinapaliwanag pala niyang maraming mababangis lobo sa lugar na iyon, lobo as in “si Lyka at si Noah” lobo.  Dahil di ko pa napag-aaralan kung paano sabihin in French ang mga katagang “Taragis ka, anong pumasok sa kukote mo’t hinila-hila mo ako dito?!!!” eh nanahimik na lang ako. 

Mayamaya pa’y nagkaroon ng soundtrack ang namumuong horror movie sa isip ko.  Dyuskopow, ano itong naririnig ko?   Parang isang daang nag-uuntugang higanteng windchime na talaga namang makapanindig balahibo!  Mayamaya’y parang yumayanig ang lupa:  May paparating!  Biglang hinablot ni Brigitte ang kamay ko upang huminto kami sa aming paglalakad.  Papalakas ang malabangungot na tunog ng chimes habang nanginginig ang mga halaman sa bigat ng paa ng ano mang paparating na yaon.  Pinigil ko ang hinihika kong hininga, dilat na dilat na nakatitig sa kadiliman nang biglang tumambad sa mga mata ko ang….. huh! *Gasp!*  ……  Maraming matataba at cute na cute na baka na kulay brown.  May bell kasi sila sa leeg kaya pala may mga tunog.  Paliwanag ni Brigitte, tulong daw yun para madaling makita ng mga baka sa panahong laganap ang brouillard (isang mahabang salita para sa fog).  Sayang at di ko nakodakan kasi madilim.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang lumabas kami sa mala-Fangorn forest (LOTR, ano ka ba?)  na kakahuyan at tumambad sa akin ang isang naglulubid na mga colline (kaburolan).  Tinawid namin iyon at may mga maliliit na batis at waterfalls kaming nadadaanan.  Sa paligid ay maraming berries na chinichitchirya ni Brigitte kagaya ng grosielle (sabi sa dictionary, ito raw ay red currant pero kahawig at kalasa ng lang bignay), myrtille (blueberry) at ng framboise (raspberry).   Nagparinig akong mahilig ako sa blueberry cheesecake (hindi totoo kasi lahat naman ng pagkain, gusto ko) at dahil matalino si Brigitte ay nakuha agad nya ang ibig kong sabihin kaya’t nagsabi sya na bibigyan nya ako nun pagbaba namin sa bayan.   At ang blueberry cheesecake nga po, mga kapatid, ang nagsilbing inspirasyon ko at gabay upang magsumikap na umakyat sa hinayupak na kabundukang yaon.

Itutuloy… pero read on, kasi…

Syempre, as promised, meron tayong stainglass window of the day:

Chapelle de Notre Dame, L'Eglise de St. André

Chapelle de Notre Dame

 Ang antigong stainglass na ito ay kuha ko sa isang corner chapel sa loob ng Eglise St. André sa centre ville ng Grenoble.  Ang simbahan ay itinayo noong 13th century taglay ang arkitekturang Dauphinois at naging dasalan ng mga napakaraming santo katulad nina St. Jean Marie Vianney, Bishop de Mazenod, Louise Marillac, St. Peter Julian Eymard, St. Jean-Baptist Lasalle, St. Vincent de Paul, etc.  Napakaganda ng lumang simbahang ito, andilim nga lang.  Ngapala, pwedeng i-click ang mga pictures sa blog ko para i-enlarge at mas mapansin nyo na walang kaalam-alam si Bro. Utoy sa shutter speed, illumination, composition at kung anu-anong etseburetse sa photography. Hehe… God bless!

Detail of the stainglass

Detail of the stainglass

10 Responses

  1. alam mo, favorite din namin blueberry cheesecake… actually di lang blueberry… lahat ng klaseng cheesecake favorite namin…. tapos trying hard din kami mag-aral ng french… bukas, andyan na kami para makitikim ng mga pastries ni brigitte

    sige, daan naman kayo dito. abangan ko kayo sa kanto.ü

  2. Tilad = sinag? Tama ba Bro?

    Baka naman type kang gawing taong lobo ni Brigitte kung kaya pinasuong ka sa kagubatan – hehehe!😆

    Ganda ng mga kuha mo – tunay na mga “cheesecake-worthy” shots!

    Hanggang sa susunod…nandito lang kami at naghihintay.🙂

    naku, coming from a photography enthusiast, nakakataba ang puso! pakiramdam ko kasi, kahit sa cheesecurls, di papasa ang kuha ko.ü

  3. ako rin paborito ko rin ang cheesecake dati pero naumay nako masama pala pag kinain mo sya ng araw araw in two months,.,,,, mauumay ka at ayaw mo ng kainin ito kahit kelan hehheeh

    aba, mukang mayaman si BADoy ah! inaaraw-araw ang cheesecake!ü

  4. kuya utoy exercise din yun para lumiit ang tummy nyo….hehe *peace*

  5. ang lalim nung tilad…. kala ko english lang nakakanosebleed tagalog din pala!😀

    hominggad! ang ganda crgo sa bundok na yan…. aabangan ko ang susunod na pics!

    i swear promise! hehehhe (redundant?)😆

    thanks ulit! (eh ito, redundant din?ü)

  6. nagpalit na pala ako ng bahay bro utoy…sa

    mangbadoy[dot]wordpress[dot]com nako at hindi na sa

    talambuhay.wordpress

    naayos ko na blogroll ko, bossing! kaya lang, ako yata, wala sa blog roll mo… {{tampo}}

  7. ilang guhit sa weighing scale ang nawala sa iyo dahil sa pamumundok mong ito bro utoy? hehe.. kung ako siguro eh gugulong nalang ako pababa para save ng time, effort, and calories.

    ang totoo nyan eh naisipan ko ring gumulong. hehe…

  8. waw buti di ka hinimatay hehehe… aq 2 weeks ago hinimatay dahil sa pagbubundok… St. Jean Marie Vianney— patron saint ng mga pari, di ba? tsaka kung aq kasama ni brigitte, di aq maeengganyo sa cheescake hehe kasi yoko nun…

    dun sa may part ng Tabor kung saan may conting yelo, dama ko yung tibok ng pulso ko sa sentido.ü buti na lang at pababa yung Lake. Yup, si St. Jean Marie Vianney ang universal patron saints of all pastors. Hayaan mo, ipi-feature ko sya one of these days.

  9. winner ang mga pictures at mga featured stained glass windows mo ha!😉

    salamat, caryn! kapag isang tunay na photographer na ang pumupuri sa akin, tumataba ang puso ko!ü God bless!

  10. Wow extra name ko sa article mo! My officemates are fond of reading your blog. I am happy for you Utoy. Love you.

    nakakahiya naman sa officemates mo. baka di na ako igalang pag nagkita kami.ü
    love you too!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: