Taong Bundok in the Making II: The Climax

Ang nakaraan: Dahil likas na layas si Brother Utoy ay sumama siya sa isang puting panadera na di naman niya kilala upang mamundok sandali.  Doo’y nakasalubong sila ng panganib ng bundok tulad ng mga nanginginain na asno, mga pine trees na amoy car freshener at isang pulutong ng musical cows. At ang lahat ng iyon ay pinagpunyagian nya sa ngalan ng blueberry cheesecake. Tunghayan ang kasunod…

Patuloy ang paglalakbay namin ni Brigitte at napansin kong patarik na ng patarik ang tinatahak naming trail. Gayundin, papandak ng papandak ang mga halaman sa kapaligiran hanggang ang mga puno sa paligid ay mistulang natural bonsai samantalang ang kabundukan ay nakakarpetan ng damong parang ni-lawnmower kasi pantay na 3 pulgada lang ang taas. Ako nama’y parang asong lawit ang dila sa kakahingal.  buti na lang at malamig kasi di ako masyadong babad sa pawis.  Ang babalinang si Brigitte, sa kabilang dako, ay parang nagmo-malling lang,  fresh na fresh at masayang masayang naglalahad mga common mortal mistakes ng mga alpinistes (mountaineers) at ang precise statistics ng mga casualties nito.  Hmmm… Inspiring.  Di ko alam kung mga cautionary tales ba yun o dine-discourage lang nya ako. 

Ang paglalakbay namin ay mistulang toothpaste commercial noong late 80s.  Taas-baba, paikot-ikot…  hanggang maglandas kami sa gilid ng bundok ng Tabor (not the biblical Tabor) na sa katarikan eh may mga snow sa tabi-tabi.   Pero pagkatapos naman doon eh puro downhill na, kung kaya’t after one semester eh nakarating din kami sa Lac Charlet.  Ito’y may elevation na 1920m at sa totoo lang eh medyo disappointing.  Ang ipinangakong lawa sa kabundukan ni Brigitte ay isang… danaw.  Isa siyang body of water sa kabundukan na singlapad lang ng simbahan ng Baclaran at marahil ay dalawang metro lang ang lalim.  Di pwedeng paliguan kasi sobrang lamig.  Atsaka, baka manuno ako. hehehe…  Pero wag ka, may isda sa loob ng lawa.   Nag-hiking din kaya sila paakyat doon?  Mga extreme sports na dilis!  Asteeg! 

Agad kaming naghubad ni Brigitte at… uhmm… nagpalit ng kamiseta at nagsoot ng jacket.  Sa lamig ng kapaligiran, di dapat kami matuyuan ng pawis.  Kinain namin ang baon niyang viennoiseries (maarteng tawag para sa mga tinapay na pangmeryenda). 

Si Brigitte at ang lawa

Si Brigitte at ang lawa

Mala-ensaymada sa probinsya ang lasa kaya patok na patok sa akin (di tulad ng ensaymada sa Maynila, puro keso at itlog na pula, ang alat na tuloy).  Mental note:  Pag-uwi ko sa Batangas eh bibili ako ng maraming ensaymada at sasabihin kong viennoiserie yun. hehehe…

Natalungko ako sa tabing lawa, suminghap ng sariwang hangin at napatanaw sa magandang kalikasan, sa isang kagila-gilalas na likha ng Diyos. 

waterfalls na source ng lawa

waterfalls na source ng lawa

As if in a prayer, as if in a trance, napabuntong hiniga ako, dinama ang lamig ng paligid sa aking pisngi, napangiti habang nakapikit at nabuo sa aking imahinasyon ang isang larawang tunay na nakapagpasaya ng aking puso, ang rurok ng aking pagpupunyagi:  Hmmm…. blueberry cheesecake

At bumaba na kami ni Brigitte, habang nag-aabang ng paglitaw ng mga marmotte sa gilid ng bundok.  Aba at sa haba ng nilakbay namin eh hindi ako nagkalintog (paltos sa paa)!  Ok daw akong mamundok, sabi naman ni Brigitte.  For a first timer, di daw ako mabagal, mareklamo o mahapuin.  Naku, kung alam lang niya…  Ewan ko ba pero nung sabi niyang uulitin namin ito next month eh ouias naman ako ng ouias.  Umuwi na kami, nagluto ako ng hapunan para sa mga pari (patatas at sausages, mga pagkaing pangbinata!). 

ang cheesecake, 10 seconds after ihain

ang cheesecake, 5 seconds after ihain

Mayamaya’y nagdoorbell si Brigitte, dala ang isang kahon na tumutulo pa ang medyo purplish na likido mula sa loob.  Noong gabing yun ay pinagsaluhan namin ng mga pari ang home-made na blueberry cheesecake na luto ng isang tunay na French baker.   The End…

Hep.  May stainglass window of the day pa.

right wing vitrine Basilica de Sacre Coeur de Montmartre

right wing vitrine Basilica de Sacre Coeur de Montmartre, Paris

Malabo ang kuha ko nito kasi bawal talagang magpicture sa loob ng basilica .  Pero dahil matigas ang ulo ko eh pinikchuran ko pa rin, wala nga lang adjust-adjust.  Kung trip nyo eh pwede pa ring i-click to enlarge, malabo nga lang.  Ang stainglass window ay isang modern tryptich na may temang Triumphant Christ.  Sa magkabilang tabi niya makikita ang Four Living Creatures ng Revelations.  God bless!

17 Responses

  1. whewwwwwwwwwwwww! una ako! hehehehheh (sana walang mag submit before me)

    sarap cgro ng cake na yan. pero mas feel ko ang trekking nyo… ang the scenic view is fantastic!

    i’ll be expecting more from your francois experience bro.😀

    tuwa naman ako sayo, jg. may unahan pa talaga. hamo, sige, ako rin sa blog mo. God bless!

  2. una nga eko..hihihihihi😆

    at syempre, ikaw rin ang second… teka, naguguluhan na ako.

  3. ganda ng view… promise kahit ilang beses aq himatayin sa pag akyat kung ganyan malamig at maganda ang view titiisin ko…

    maganda talaga ang vue, honey. sobrang madalian pa yang picture ko dyan kasi naglalakad kami. sulit din naman ang pagod.

  4. buti at nakuha mo ba brother na pikturan yung cake bago maglaho..hehe

    picture palang ng pinuntahan nyo parang ayaw ko ng mamundok..

    oo nga eh. After, 10 seconds, nasa mga plato na ng mga pari yung cake. After 3 minutes (soooobrang mabagal kumain ang mga pranses), wala nang trace ng cake.ü

  5. As if in a prayer, as if in a trance, napabuntong hiniga ako, dinama ang lamig ng paligid sa aking pisngi, napangiti habang nakapikit at nabuo sa aking imahinasyon ang isang larawang tunay na nakapagpasaya ng aking puso, ang rurok ng aking pagpupunyagi: Hmmm…. blueberry cheesecake…

    loko ka, bro utoy. akala ko’y nagkaron ka ng epiphany, iyon pala’y blueberry cheesecake pa rin ang nasa isipan mo sa mga sandaling yon.

    ambaet. matapos mapagod sa pag-akyat eh nagawa mo pang ipagluto ang mga kasama mo. pero ang reward, ha. pati ako’y natatakam sa itsura niyang bbc na yan.

    sa susunod na pag-akyat nyo eh kantahin nyo ang buong soundtrack ng sound of music. hehe

    “how do you solve a problem like brother utoy? how do you catch a cloud and pin it down?”

    oo nga no? pwedeng soundtrack ng buhay ko. halimbawa:
    1. “The hiiilllsss are alive with the sound of myoooosik…”
    2. “Climb ev’ry mountain, cross ev’ry stream…”
    3. “I’ll simply remember my favorite things and then i won’t feel so bad…”
    4. “Doe, a deer, a female deer… teka wala namang babaeng usa sa buhay ko ah…

  6. Bro, tanong lang… sigurado ka bang girl si Brigitte??? Medyo nagulat lang ako ng magisnan ang kanyang larawan.😉

    Salamat din pala sa pagiging pasaway sa pagkuha ng litrato sa Sacre Coeur…naghatid ito ng mga magagandang alaala!🙂

    Hanggang sa susunod na “cheesecake adventure”!

    yup, babae yun, she’s a wife and a mother of two. medyo kamuha lang sya ni migs, yung filam singer ng INXS Rockstar.ü
    yung litrato sa Sacre Coeur, patunay yun na hindi lang “Pulang Gilingan” ang pwedeng puntahan sa Montmartre.ü

  7. matagal ko ng pangarap ang umakyat ng bundok at lumamon ng isang buong blueberry cheesecake.. hmm.. kainggit!

    kunsabagay, drim kam tru din sa akin ito. ehehehe…

  8. wow ang sarap ankyatin nyan kuya utoy. isang magandang lugar na takbuhan kung nalulungkot o kailangan mag-isip…*sad*

    pahinging blueberry kuya utoy…..please!please!

    naubos na eh. Gone in 60 seconds ang pelikula ng BBC na yun.ü

  9. ha??? blueberry cheese cake sa bundok.. grabe.. saya naman nun.. lahat ng pagod mo tanggal.. parehas tayo adventurera din ako.. sana makasama kita… sa mga ganyang hikings.. :p

    sure, sure! thanks for dropping by my log, jennifer!

  10. Kapatid, sigurado ka ba na hindi ka talaga niyaya ni Brigitte para may solo-time kayo sa may tubig… at nagpalit pa kayo ng mga damit. Baka naman eh biglang mag iba ka ng bokasyon ha?!

    Nakakatuwa naman ang iyong exerience diyan. Sandali, gaano ka nga ba katagal diyan?

    hanggang May lang ako dito. Exposure lang talaga ang ipinunta ko dito. Exposure sa lamig!ü

  11. hanep! 5 seconds lang yung lagay na yun? sininghot ba ninyo yung cheesecake? hehehe🙂

    parang ganun na nga, troogs…ü

  12. wawww! brother utoy nakabalik ka na pala!! hanep sa mga photos…balik muna ako magbasa inuna ko kasi magcomment..heheh

    salamat! may camera na kasi ako kaya medyo nakakapagpost na ng kung anu-anong kalokohan. hehehe… ikaw nga dyan, professional looking na ang mga kuha. shoot ’em up, bok!

  13. pag ganyan naman ang bundok… mamumundok na din ako😛

    thanks sa piburtdey pix bro. utoy… katats naman kahit natagalan hehehe

    itsa pleshur! God bless!

  14. nice site kuya. ano nga po pala ang congegation nyo? i am a seminarian po pala of san jose seminary a diocesan seminary run by the jesuits. sa may lst.😛

    I left comment on your blog. wow, josefino! alam mo bang dyan ko sana gustong mag-aral? you must be brainy, kapatid. God bless!

  15. brotherutoy, good to know you’re back and that you’re doing great in france. i’ve said this before and will say it again — you’re such a great storyteller. kitang kita ko ang mga nilalarawan mo kahit walang pictures!

    salamat! what I need now is a great photographer like you to capture the moment.ü God bless!

  16. Bro, natawa ako sa sagot mo sa akin – Mig Ayesa look-alike nga siya – mismo!!!😆

  17. Binasa ko ulit hihihi… sarap ng chizcake… penge!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: