Ang Kagilagilalas na Alamat ng Catholic Guilt

“The stand-up comics are the philosophers of our time.  By rooting out the folly of our daily existence, he delivers with pun and wit some quotidien truth and logic (or the lack of) we all knew well but failed to see.  These truths, often ridiculously exaggerated, we welcome in the only manner this depraved generation welcomes any words of wisdom: with a boisterous laugh.  But there’s a rub:  only few stand-up comics are philosophers while we tend to believe, all of them are.”  – (o basta medyo parang ganun.   Narinig ko kasi yan sa isang inuman, kaya lang eh nakakarami na kami kaya di ko sigurado kung sino at saan nasabi ito.  Teka, parang ako yata yun… Hindi ren… kasi paglasing ako, di naman ako nakakausap kasi ayokong paawat sa bidyoke.)

Isa sa mga kinaaasaran ko kapag nakakanood ako ng TV o kaya ay nagbabasa ng FHM ni bayaw mga lathalain sa print man o sa internet ay ang ethnic bashing.  Marahil ay dala na rin ito ng pagiging Pinoy ko na masabihan lang na di lisensyado ang pinoy na doktor o kaya’y mga sex-slave ang mga pinay domestic helper eh handa na akong sumali sa online discussion para magsunog ng mga rasistang TV station.

Ngunit di lamang ang pagiging ang target ng mga mapanirang pagpapatawa na tulad nito (huh, kabudlay guid magtagalog ha!).  Mas madalas, relihiyon ang paboritong pikunin ng media, lalo na sa mga kakatwang pamamaraan nila na sa mata ng paganong madla eh outdated, medieval at irrelevant (di natiis, nag-english din!).  Naging butt of jokes ang mga hudyo, mga muslim, mga televangelists, etc… na aminado ako, pati ako, nakitawa rin, dala na marahil ng aking kamangmangan at siguro’y may undisclosed bigotry din sa diwa ko.

 (Alam mo bang intro pa lang ito? Haba ano?ü)

At syempre hindi mawawala ang Catholic bashing na talagang nakakatawa rin lalo na’t medyo sapul sa katotohanan ang mga paratang ng jokes. Yung fierce loyalty sa pope, yung sign of the cross kapag nagugulat, yung trivial knowledge sa mga martyrs and saints, yung parrot-like response sa catechism questions, yung magsoot ng cross pendants at maglagay ng Marian images sa bahay, etc.  Bueno, totoo naman yun kaya tawa naman ako.  Pero ang masakit sa akin ay yung mga bagay na di totoo tulad ng alamat ng Catholic guilt.

(hayan, tapos na ang intro…)

(ang totoo nyan, wala namang masyadong body ang post na ito so wak-ka matakot basa article ko.)

Bakit lagi na lang ipinagkakalat ng media na punong puno ng guilt feelings ang bawat katoliko?  Guilt feelings tulad ng takot na di magsimba, o kumain sa araw ng fasting o makalimutang magkumpisal o magkomunyon.  Sa nationwide level naman, laging isinisisisi ng iba na kaya raw malaki ang populasyon ng Pilipinas ay dahil gulit-ridden ang bawat Katolikong Pinoy kaya ayaw gumamit ng condom o kahit na anong contraceptive.  Pastilan dolor, kahit na sinong mag-asawang katoliko, sigurado ko na sa hudyat ng kanilang pagniniig, the exhortation of the pope is the last thing that comes to their mind.  Oras na yan ng libog, pipol, sisisihin nyo pa ng Humanae Vitae kapag nagkabuntisan? 

Catholic guilt, catholic guilt… bah!  Imbento lang yan ng mga makikitid ang isip na walang alam sisihin sa lahat ng problema ng bansa eh ang Simbahan.   Ako ha, 25 years old na ako (wag kang magreact, bluep), sarado katoliko ako, nag-aral ng teyolohiya, pero ni minsan eh di ako gumawa ng desisyon dahil takot ako sa Impyerno o kaya eh sa ex-communication.  Isang malinaw na construct lang ang mala-alamat na Catholic guilt para may mapagtawanan ang mga tao.  Mga kapatid, halos 40 years nang natapos ang Vatican II, bakit ang imahen ninyo ng Simbahan, ganun pa rin?  Medieval, outdated, irrelevant.  Enter a parish, go to your bishop, know the social action centers in your diocese and you’ll see, mas maraming pinagkakaabalahan ang ibang taong simbahan ngayon kesa sa nobena at sa hinayupak na Catholic guilt na yan. 

Sa mga gustong maliwanagan kung ano talaga ang stand ng simbahan tungkol sa contraceptives, visit this link and try to read the articles well.  Happily, they’re well-written and well-researched.

22 Responses

  1. kuya utoy, magrereact ako sa 25 yirs old…wahaha

    at sandali bakit walang stainglass po dito?…..

    naku, pasensya na’t nalimutan ko! hamo, babawi ako sa next post ko after the pancit canton post.
    yung 25 years old? syempre age can be just a matter of frame of mind. hehehe… God bless!

  2. Kapatid, I must agree with you na ang mga tao ngayon eh iba na ang views sa religion (hindi katulad ng sinaunang panahon na kailangan gawin ang lahat ng nakasulat kahit hindi ito sang ayon sa paniniwala nila). Medyo mas guilt driven dati unlike nowadays na mas nag-iisip ang mga tao. I’d like to believe that this has done more good than bad to our Church.

    Oo nga, nasaan ang stained glass window mo?

    nahiya talaga ako’t nalimutan ko yung stainglass window.ü babawi ako after ng pancit canton post.ü
    as for Catholic guilt, di ba hindi naman tayo guilt-ridden? we’re just probably more aware of the consequences of our actions in the future…

  3. ti gibudlayan guid ka sang tagalog haw?

    ehehe… trying hard ilonggo slash ilocano slash bisaya na naman.

    babasahin ko yang nasa link mo mamaya bro utoy. aminado akong napu-frustrate ako sa naiintindihan ko (sa ngayon) na stand ng simbahan against contraceptives.. eh pero ngayon ko lang yata nabatid na alive and well pa pala ang “catholic guilt” so i won’t comment on that.

    discrimination: tama ka, LAHAT tayo may propensity towards it. hindi lang natin alam, kung minsan. meron naman kasing masyadong subtle to be mistaken for discrimination. be it racism, sexism, ageism, classism, at iba pang forms nito.

    bro utoy, pwede pa pala kayong maglasing? okay lang siguro kapag mompo ang culprit ano. hehehe… at utang na loob lubayan na ang fhm ni bayaw. haha

    yung catholic bashing talaga ang alive na alive ngayon. haynako…
    dito, lagi naman akong parang lasing sa gabi. di ko alam pero parang kinakape lang nila ang red wine sa hapunan. nakigaya naman ako.ü

  4. aba……eh di indi mag-tagalog. mag-ilonggo/cebuano ka na lang. kasabot man kami sang imo ginasulat.. hehehehe!

    anyway, i don’t want to comment about that contraceptive issue because of the following reasons: (1) i’m not a Catholic (2) one of the products that we (our family business) distribute is contraceptive and (3) i’m a nurse.

    I don’t think God will base His judgement to me merely in my strict adherence to this principle. siguro naman case to case basis yan. kung hindi, Sya na bahala sakin.

    saka ko na rin basahin kung hindi na masakit ang ulo. hehehe! pero i want to read it too kasi interesado ako. syempre no… kaming mga nurses ang taga-bigay at taga promote ng strict compliance of birth control and everything else. basta.. it’s important…

    pag-uwi mo, magpacanton ka ha?

    sure, IFM, pero sigurado ako, mas masarap kang magluto kesa sa akin. sure na yan basta bacoleña.ü
    as for the pro-life issue, ang point talaga ng simbahan eh responsibility, education and respect of humanity. yung Ugandan case, ang gandang halimbawa nito.

  5. Korek

    dumalaw lang at nabasa ko message mo sa akin sa friendster. tiningnan ko pati kung ano pinanggagalaiti mo dyan haha.

    Namatay na Utoy ang Lola ko kaya wala ako update sa blog. kaya nabasa mo tuloy yung inis ko dun sa “sumpa sumpa” sa friendster kasi nga kamamatay lang ng lola ko, nagluluksa pa ako tapos puro katarantaduhan ang mga pinaglalalagay sa bulletin, ayan tuloy nagsermon ako dun at bumagsak na naman ang friend list ko dahil dinelete ako hahaha

    tulad nyang catholic guilt na yan. Pag wala mailusot sa katotohanan ang idadahilan kasalanan ng simbahan. hay naku. ang daming nagrereklamo pero di naman inaalam ang catholic faith nila. tamad na tamad magbasa ng tungkol sa relihiyon kaya ayan, kaunting propaganda lang againts sa simbahan naniniwala na, eh pano kasi nga di informed.

    ayan tol dumalaw lang, bakasyon grande pa ako til Nov 2 at siyaman pa namin. Regards kay kamoots, leap at IFM hehe

    pakisama kapatid sa prayer for the dead ha ng lola ko. magpopost ako about her sa blog ko, dun mo na lang abangan ang real name nya. Godbless kapatid.

    tol, wala akong magawa to return the favor na ginawa mo para sa akin nung mamatay si tatay. rest assured of my prayers for Nanay (diba ganun ang tawag natin sa matatanda?). Alam mo, majority tayong katoliko, pero malay ko lang kung ilan lang talaga ang nakakaintindi ng turo ng simbahan. di ko alam kung kanino ang mali pero sa totoo lang, di naman ganung kakumplikado ang turo ng Inang Simbahan. nakakahinayang…
    Ewan ko, pero bakit laging ang simbahan ang sinisisi sa lahat lalo na dito eh iilan lang naman ang mga nagpupunta talaga ng Simbahan. Ayokong magdogmatics pagbalik ko ng school pero parang yun na rin ang kukunin ko kalaunan kasi napakahina ng Simbahang Pilipino sa paliwanag na malinaw at maiintindihan ng lahat. Iyon naman talaga ang dahilan natin kung bakit gusto nating magpari: gusto naman nating makakita ng tunay at kongkretong hakbang para itulak talaga ang Mabuting Balita. Frustrating, pero kaya natin ito, diba? haynako…

  6. PS. Helller! Medieval? eh kaya nga ang dami ng charismatic, pat nga nung world youth day noong 2000 sa rome eh pinayagan ang rockbands sa st. Peter’s square na tumugtog, tapos medival pa yun? Hindi ba nila alam na si Pope Benny ay ngatetext na rin? hehe kung di lang ako nagmamadali dito hahabaan ko comment ko haha

    Pax et Bonum

    inagaw ko sa bunganga ni Akis ang comment mong ito.ü
    ang isa ko pang ayaw marinig kapatid eh yung wala raw social relevance ang simbahan. halleer din! kundi dahil sa mga livelihood at housing projects ng simbahan, naku, mas pulubi ang Pilipinas (at ang bung mundo, to that).
    Offering our Mass tomorrow for your grandma. God bless!

  7. Oo nga, Catholic guilt seems to be the convenient scapegoat sa halos lahat ng problema natin.

    I am also seriously pro-life yet would like to think that I am open-minded enough to consider non-abortifacient means of contraception/birth control. Sa ganang akin lang naman, ang pagiging magulang naman kasi e di lang natatapos sa pagluluwal ng bata sa mundo kundi isang continuing process to give each child “quality of life” kaya dapat talagang pag-planuhan ang laki ng pamilya.

    I agree, pinkie. there are many other means which are natural, free, easy to learn and are, in fact, even endorsed by the Church! truth to tell, may conspiracy theory about artificial methods kasi syempre, there’s money involved here between the government and the pharmaceutical companies.

  8. i have to butt in no…. there goes the misconception na birth control pills are just promoted for pre-marital sex or just to control birth. minsan kasi ginagamit din yan to prevent proliferation of disorders or diseases. what if dumating na sa punto na the doctor have to choose between the life of the mother and the child? yung tipong unexpected turn of events? hindi ba nakikita ang point dyan? put your self in the shoes of the doctors and the nurses… nasa kamay mo ang buhay ng 2 nilalang… this is for prevention of further damages.

    not that i’m blaming some or pointing to someone the fault of overpopulation or whatever problem ensues from this issue, kung magiging strict tayo sa lahat ng aspeto, part of the blame should go to the church too… and i’m not saying this na sa catholic church lang… it includes all types of religion… why? kasi moral responsibility yan of the church to teach what is right. kung hindi umabot at hindi sinunod, then something wrong in the way it is being taught. there is something wrong with the methodology.

    Kasama ba ang school sa ibeblame dyan? YES! kasi ibig sabihin, the minds of the students were not molded enough para sundin kung ano ang tama…

    Sinasabi ko lang yan kung magiging strict tayo sa puntong yan… pero sa totoo lang, case to case basis lahat so dapat all of us should open our minds about this.

    i once had a healthy conversation with friend who is priest. sabi nya sakin THE CHURCH IS WILLING TO HELP THOSE WHO WANT TO BE HELPED. aba! medyo tumaas ang kilay ko… kasi sometimes walang idea ang tao as in nada… so you really have to reach out. yan ang ginagawa ng mga barangay health worker sa mga bundok o di kaya sa mga rural areas. in this case, i want to defend naman my aunt who is a rural health nurse. sabi nga nya, kung umaakyat ka na sa bundok at makahalubilo ang mga tao dun, you will really need to UNLEARN what you LEARNED and really go down to their level to make them understand.

    And i have to say this… this is just a friendly reminder to the church leaders ha… FRIENDLY…. pleaaaasseeeee!!! people go to church to be comforted and to be reminded how good God is and how just God is… please stop including politics in your sermon or services kasi, sa totoo lang, it doesn’t comfort the people… people are going through a lot. maraming dinadaanan na challenges ang mga tao. if you keep on talking about politics sa pulpito, hwag ng magtaka kung bakit hindi natututo ang tao.

    my best friend really walks out of the sermon kasi sabi nya nababasa naman nya sa newspaper at tv yung mga sinasabi ng church leader. instead of correlating the sermon to the gospel, di daw nya makita ang connection ng sinasabi ng church leader… she doesn’t feel challenged spiritually or comforted spiritually. she just goes out of the church feeling more miserable, empty and more alone….

    I am pro-life too… but there are other means too in promoting it… not just limited in a natural way.

    uy, tinalo mo si bluep sa record ah! halos isang post na rin ito! for me, it’s a good sign kasi ibig sabihin, may nagbabasa talaga ng posts ko.ü
    as for your questions, may sagot na ako kanina na na-type ko, ang haba. pero may napindot ako tas nag-iba yung window tapos di ko na mabalikan yung sinulat ko.
    anyway, ito ang gist: sa issue ng choosing between the mother and the child, this is a bioethical question best answered by the principle of double effect. If the decision is done in concensus with doctors on matters of life-endangering situations, aba’y agree ako diyan! in fact, more and more hostpitals today form ethics commitee to perform decisions like this kasi it’s not a simple matter. What would surprise you is how much these commitees use the principles and guidelines made by the Church itself. Bioethics, in fact is a two semester subject taught to seminarians as a requirement.
    As for the contraceptives, the Church does not simply say no to artificial contraceptives out of stubbornness and rigidity. It is saying that fidelity, abstinence and marital sanctity that makes us well, bodily and spiritually, not condoms or pills. Statistics have already proven that condoms and pills have not significantly lowered the incidents of AIDS in Africa but in the case of Uganda, aba, when its government advocated fidelity to a single partner and has used much of its fund to educate people rather than dishing out contraceptives outright, the incident of AIDS dropped by 30 percent. Now, who gives the image of the Church na hindi open sa mga possibilities’ Ang media! See how media immediately summarize the stand of the Church on contraceptives as being antipoor, antilogic, etc…
    As for the presence of politics in the pulpit, eto: inaanyayahan ko ang lahat na magbigay sa akin ng kongkretong topic na dapat hindi dinidiscuss sa simbahan.ü Sabihin nyo lang sa akin kung anong aspeto ng buhay-Pilipino ang di dapat pinakikialamanan ng mga pari sa homily.ü Sabihin nyo sa akin ang mga aspeto na dapat ay Church-free?ü kasi, sinasabi ko sa inyo, kung ang simbahan (katoliko man o hindi) ay hindi involved sa microfinancing at livelihood programs, sa women’s concern, sa training and leadership formation, sa housing and land reform, sa education and youth training, sa health programs, sa election monitoring, sa rehabilitation and counselling, sa emergency responses during calamities, sa social issues, sa information dessimination, sa socio-statistical research at sa mga advocacies, etc. bagsak na tiyak ang bansa natin ngayon. Ang lahat ng iyan ay gawain ng gubyerno pero simbahan ang gumagaw kasi siya lang ang may competency at drive na gawin ito ng walang under the table. Tapos, nagsalita lang tungkol sa pôlitics, masama na? At sigurado ko, sasabihin siguro ng iba, nasaan ito sa parokya ko? parang wala! naku, kapatid, look deeper, be involved, makisangkot sa diocese ninyo. marerealize mo, 92% nga tayong Kristiyano pero 1 percent lang ang tunay na nakikibahagi sa mga gawain nito. Ang alam lang kasi ng karamihan na trabaho ng lay people sa simbahan eh lector, sacristan at layminister. Maraming gawaing naghihintay sa simbahan natin. Di kaya ng pari mag-isa yan. Tulong tayo…üüü
    parang isang post na rin ang reply ko.ü

  9. […] Jump to Comments This is a response post to Brother Utoy’s post entitled “Ang Kagilagilalas na Alamat ng Catholic Guilt” (The Jarring Legend of […]

  10. Aba, Brother! magandang topic nga ito! I like this one… but i have to speak from where i’m standing at…. regarding sa media, i agree 100%. isa sa bagay na pinapaniwalaan ko na isang malaking factor sa pagkasira ng ating bansa ay ang media… i have no arguement about that….

    As for AIDS ng Africa…. it will take a whole blog to explain about AIDS in Africa. AIDS is complex and ang pinakamalaking factor ng pagiging widespread ng AIDS dun sa Africa is through mother-child transmission like breastfeeding.

    As for the microfinancing and livelihood programs, hindi ko ever, ever nakita to sa hometown ng mom ko where our clan is trying to “rebuild” in our own little way para lang makatulong. actually, mas kelangan pa ng tulong ng church dun (like you also said)…

    As for land reform, it is a very, very big issue especially here in negros… hwag magalit ha…. one of the reasons why magulo ang land reform dito samin is because sinasalihan na ng church which is okay sana if they get their facts right. kaya nagkakagulo kasi iniinsist ng isang pari (whom i forgot the name)in one latest incident here na ibigay ang lupa to those who are not even from negros AND who aren’t even workers of that land. kaya nga nag-away nun dito ang mga true workers at mga dayong “beneficiaries” kuno kasi syempre idedefend din ng mga true workers ang dapat na sila yung deserving. dun pinanganak, lumaki, nagkaron ng pamilya at malamang dun rin mamamatay kaya hindi na siguro question na sila ang karapat dapat na beneficiaries.

    wala ng magawa ang land owners kung ang gobyerno mismo nagsabi na kukunin na lang nila yung lupa mo. may isa pa nga dito na nasira na ang buhay pati ang buhay ng pamilya gawa ng land reform na yan. ang point lang sana ng land owners is that kung ipapamigay lang naman ang lupa, ibigay na lang unang-una sa mga tao nila kasi they deserve it more than anyone else… sila ang nagtrabaho dyan eh. sana nga lang, since sumali na rin naman ang church, sana naman nilagay ang sarili sa tamang pwesto. kung gumitna, eh di sana tiningnan ng mabuti ang sitwasyon. hindi na nga tutol ang land owners eh… ibigay lang sa nararapat na mga tao….

    alam mo kung ano naman ang epekto ng land reform? ngayon nagsisisi naman ang mga beneficiaries kasi gutom sila. they have no capital at kung meron man, kulang! ilang beneficiaries na rin ang pumupunta sa mga former landowners na kung pwede ibenta na lang nila ulit at maging workers na lang sila ulit… see??

    As for church teachings, hindi lang ang bioethics ang nakapattern sa teachings and guidelines of God. Di ba ang constitution nga ng America was patterned sa teachings of the Bible din? Yun nga ang point, Brother… everything is based on the teachings of the church… sobrang laking factor ng simbahan sa buhay ng tao…. kahit anong mangyari, little and big things done by church cause waves of effects sa life ng tao that’s why the church has to lead in a GOOD and RIGHT way…. LEAD brother… LEAD…

    as for sermons about politics… hwag na magtaka kung bakit kumukonti ang nasa simbahan kung patuloy na ganun. people are sick and tired of hearing about politics unless they are political analysts. i’m not speaking for the majority. ito lang ang nakikita ko sa mga kaibigan ko at sa mga taong nasa paligid ko. unti unting nawawalan ng ganang magsimba kasi in the only place where they think they will be spiritually comforted, hindi nila nakukuha yan. it saddens me also kasi ayokong ganyan ang outcome kahit we’re not on the same boat. kaya nga all i can do is encourage them and lead them back to the Bible… go back to the basics. sa pagkakomplikado ng buhay, hindi na alam kung pano bumalik sa Diyos. Pagod na ang tao makinig about how disgusting politics is kasi alam na nila yan… ang gusto ng tao ay kung pano nila harapin ang buhay araw araw na parang hindi sinusumpa. Alam na ng tao kung gano kagulo ang mundo. Ang gustong maramdaman ng tao ay kung gano naman kabait ang Diyos. minsan kasi di yan nakikita ng kusa… minsan kelangan tinutulungan na makita nila yun. Remember, hindi lahat ng tao ay kasing edukado natin. Minsan nga yung may doctorate o kaya judge ay nacocomfort pa ng isang ordinaryong tao na alagad ng Diyos.

    oo, walang masama na isama ang politics sa sermon PERO isipin din ng mga church leaders na kami ang nakikinig… kami ang uhaw sa salita ng Diyos… kami ang nangangailangan ng comfort and goodness ng Diyos… kaya di niyo hindi naiintindihan kung bakit ganyan ang mga tao. the mere fact that we are going to church, isang indikasyon na yun that we all need to be GUIDED. we all need to feel the love of God… hindi yung lalong guguluhin ang utak at damdamin about issues that have no relations ever to the gospel of the day. kung sa tingin niyo meron relevance yun, then hindi nakikita yun… hindi nakikita yung point. mali na ba ng mga tao yan na hindi nila nakikita ang punto ng sinasabi sa pulpito?

    hindi ba kayo nagtataka that there are more protestant churches now as compared before and they are getting stronger and stronger? kasi bumaba sila…. they blend with the tao… hindi nila hinihintay na ang tao ang lumapit sa kanila… pero like you said, marami ng ginawa ang catholic church… so i don’t know what to say about this

    anyway, i am not trying to ignite some fire in here… i’m just saying certain things… you know… from a view way down here and not from up there…kaya ko sinasabi to kasi that’s what we see down here….

    Walang problema sa pagtutulong, Brother, kung natulungan na rin ang gustong tumulong. kelangan muna WHOLE ang tao before sya makatulong… i mean, spiritually comforted and sometimes we need to get it even from just attending mass. kahit naman dyan na lang. pano na makakatulong yun kung sya mismo kelangan ng tulong? hindi wholehearted and cheerful helper yun kung ganun kasi deep inside he/she is empty.

    Again, i’m not saying this to ignite some fire. i’m saying this because i am concerned too. i am a baptized Catholic converted to Baptist. I have so many reasons why i chose to be converted but that doesn’t mean i am not concerned with what’s really going on with the Catholic Church. After all, we have one God.

    Why don’t we go back to the basics? Hindi naman hopeless case to eh… Like for instance, encourage the people to bring their Bibles when going to mass… during the reading of the gospel, encourage them to look for the verses through their Bibles.. from their, magiging habit na yan to always go back to the word of God so that the word of God will be their weapon in dealing with life’s challenges at para naman hindi na natatabunan ng alikabok ang Bible. di ba sabi nga hindi naman mahirap ang teachings ng church? i know may sasagot na pinadali na nga lang kasi may mga pamphlets… pero hindi rin… lalong tinatamad ang tao basahin yun… let them to open their Bibles with your guidance. From there, sunod sunod na yan hanggang they will be encouraged to be active members of the church….

    And, Brother, I am saying this because I am involved and like i said, i see everything from down here… from where the people are….🙂

    PS
    ginutom ako. sana matikman ko yung niluto mong canton with murdered sugpo. hehehehe!

    record na ito ah!ü bluep, may tumatalo na sayo!ü hamo, IFM, babalikan ko ito for answers at syempre, mahaba rin.üüü pupunta muna kasi akong likodbahay para maglaro at hanggang tuhod ang niyebe ngayong araw na ito. nurture the inner child muna ang tripping ni bro.utoy sa araw na ito.ü

  11. Haba rin ng paliwanag (o sermon?) ni mareng ifm, hehehe. syempre, kompletos rekados, brother, shabu shabu. ahem, inaabangan ang pag-takeoff ni theologian batman…

    medyo distracted pa ako to answer IFM kasi busy ang parish for All-Saints tapos lalarga kaming Taizé sa 2 Novembre.ü atsaka, kanina eh nakagawa na ako ng first snowman ko! (ang sakit sa kamay!)

  12. @ DFISH – hahaha! wala ng kasunod yan hanggang di ko matikman yung canton with murdered sugpo.

    patay na naman yung sugpo nung i-mutilate ko, este, anobayun, baka ma-amnesty international ako dito! sa dason na lang haw ang sabat sa imong mga pamangkot kag pamatyag kay sako katama si toto utoy mo subong. Halong, IFM!

  13. Sa tingin ko meron pang karugtong to, hindi ko pa kasi nabasa si pareng Jeremiah at pareng Paul at si mare, teka lang, si mareng,hmmm, Esther (salamat na lang at naalala ko di sya kasama sa apocrypha). Brother, magpacanton ka na…

    sige, ihanap nyo ako ng ingredients. hehehe… next plan ko naman eh ipagluto ang community ng leche flan. problema ko lang eh saan ako bibili ng evap at condensed milk.ü

  14. for IFM, my pinakahahangaang commenter (or commentor, alin ba ang tama?) sa blog kong ito.üüü

    as promised, eto ang sagot.

    Microfinancing ang hirit ng simbahan sa maraming urban poor, at sa mga ethnic groups, lalo na sa Mindanao. If you heard of the award-winning Grameen banking, ang Diocese of Mati ang unang gumamit niyan sa Pilipinas simula pa noong 90s upang matulungan ang mga mahihirap na moslem women sa Davao Oriental, which goes to show na hindi exclusive ang simbahan para sa Kristiyano at para sa mga lalaki. Naalala mo rin ba ang bankruptcy ng bankong Monte de Piedad sa Pilipinas? ito’y partly pag-aari ng Simbahan na nalugi noong 90s sa maraming financing program para sa mahihirap tulad ng pa-tricycle at papapahiram ng puhunan ng walang garantiya. Hirap sa credit-collection ang mga tauhan nito na ikinasama ng estado ng bangko, di lamang dito kundi pati na rin ang ibang branches nito sa ibang bansa.

    Sa punto naman ng Land Reform, hindi simbahan ang may pakana niyan. Ang gubyerno. Magsalita man ang sinasabi mong pari tungkol dito, hanggang salita lang sya. wala syang juridical o executive power para mag-implement niyan. In fact, ang Simbahang Katoliko ang unang biktima ng Land Reform noong kuhain ang mga Friar’s Lands. Ano ngayon ang papel ng simbahan sa palupa’t pabahay ng gubyerno? Ito, magugulat ka: dahil sa maraming kurakot sa gubyerno, napilitan ang Simbahan (magandang halimbawa nito ay ang Diocese of Manila at Davao City) na magsagawa ng mga research, makipag-ugnayan sa mga NGOs at pumasok sa sistema ng urban low-cost housing upang sa halip na mapalayas ang mga iskwaters ay bigyan sila ng pagkakataon na bilhin ang lupang kinatitirikan nila. Ano ang sistema dito? Makikipamagitan ang Simbahan at ang mga NGO sa gubyerno at sa mga urban poor. Sa susog ng Simbahan ay napipilitan ang gubyerno na bilhin ang mga lupang kinatitirikan ng mga iskwater upang ibenta ito sa kanila sa kalahating presyo. Di diyan natatapos ang role ng simbahan: syempre, dahil guarantor ang diocese, hahanap kami ngayon ng paraan upang mabayaran ng mga mahihirap ang naturang lupa sa murang halaga (usually, 25 years to pay). anong consequence nito? Magpoprovide kami ng mga livelihood opportunities, mag-oorganize kami ng mga kooperatiba, magsasagawa kami ng mga formation programs para sa community at mga leaders nito, naghahanap kami ng scholarships para sa mga anak nila, naghahagilap kami ng NGOs abroad for fundings na dapat eh ang gubyerno ang nagpo-provide. Alam ko ito dahil 15 taon na ang Kongregasyon namin sa trabahong ito sa Davao City sa pakikipagtulungan sa mga laiko kung saan ay nakapagpabahay ng Parish of the Assumption ng mga 10,000 na pamilya sa tulong na rin ng maraming NGOs. Kada bakasyon din ay natutulog ang mga seminarista namin sa mga slums para mas matutunan sa grassroots level ang sistemang ito. Haynako, napakakumplikado nito pero dapat matutunan eh. Kailangang sumagot ang simbahan. Eto ang magandang tanong: bakit di mo ito alam? bakit di ito alam ng marami? kasi ang simbahan ay di naman pulitiko na kailangang ipaskil ang lahat ng mga ginagawa niya sa pamamagitan ng posters at mga ads. Kung tutuusin nga, trabaho dapat ito ng gubyerno, hindi ng simbahan.

    Sa paring engot na naglikha ng gulo sa inyo. Pasensya na pero hindi siya ang Simbahan. Tayo ang simbahan. Siya eh pari lang. In fact, walang juridical power ang isang pari para sa ganyan. Dapat isumbong sa obispo ang paring yan. Dahil sa kabobohan niya, sinisira niya ang imahen ng simbahan.

    As for leadership, IFM, if you find fault on the leadership of your pastor or priest, tell him so. Bakit mo papatayin ang pananalig mo sa simbahan sa ngalan ng isang ineffective na pari? Kung eengot-engot sya, aba’y ireklamo o kaya pagsabihan. Tao lang yan, di san Diyos na dapat katakutan.

    As for the presence of politics in sermons: sabi ng iba, ayaw nilang marinig ang politika sa mga homiliya at sa halip ay gusto nilang marinig ang mga bagay sa bibliya. Natatawa ako dito kasi ironic. Kapag nagsalita si Hesus, wala bang politika? Noong ipinako si Kristo sa Krus, ito ba’y sa mileu agad na redemption-salvation-ransom tulad ng interpretasyon ni San Pablo Apostol? Diba’t political ang tunay na background nito? Hindi ba sinabihan ni Kristo ang mga pinuno ng Estado noong panahon niya? Sino ba ang Pariseo? Hindi sila mga pari, IFM, kundi mga layko na naniniwala sa Official Constitution ng Israel: ang Dekalogo. Sino ba ang mga eskribo? sila’y mga pantas ng batas, mga government advocates. The whole Gospel reeks of political undertones, we just somehow chose to ignore it.

    Sige, sa Old Testament naman. Nung magsalita ang Diyos kay Moises upang palayain ang Israel, diba ito’y isang political statement? Moses denounced the inhumanity of his government and preached highly about it. At sa susog na rin ni Dfish, si Jeremiah ay isang propeta na tunay na naging pahirap sa gobyerno sa marami nitong preachings laban sa kanila. As expected, nilayuan siya ng mga tao dahil sa mga politically motivated sermons nya. Ang amain ni Ester na si Mordecai ay isang pari na may maingay na pananalita laban sa mga paniniil ng mga ilan mga miyembro ng gubyerno ni Xerxes. Sinirasiraan yan ng mga ibang opisyal matahimik lamang.

    Laging nasa isip natin ang dichonomy ng kaluluwa at katawan. Ang kaluluwa ay sa simbahan, ang katawan ay sa pamahalaan. Ito’y hango sa Greek understanding ng tao na dualistic: hiwalay daw ang body at soul. Pero, kapatid, ang turo ng Simbahan ay unified wholeness ang kaluluwa at katawan (nasa CCC ito). Di maaaring maapektohan ang katawan na walang epekto sa kaluluwa. Di pwedeng lumago ang kaluluwa na walang epekto sa katawan. Kapag pumatay ka, may epekto yan sa kaluluwa. Kapag nakipagtalik ka, may epekto yan sa kaluluwa. Kapag inabuso o inalagaan mo ang iyong katawan, may epekto yan sa kaluluwa. Ayon sa isang pilosopo, ang sangkatauhan ay may iisang katawan: ito ang body politics kung kaya’t ito’y may roon ding kaluluwa. Kung ang Simbahan ay nagsasalita ng tungkol sa politika, ito’y dahil may connection ito sa istado ng kaluluwa at naniwala ang Simbahan na may kapangyarihan ang Estado na mabago ang kondisyon ng tao upang sa gayon ay maging buo siya: katawan at kaluluwa. Dito nagsimulang pasukan ng Simbahan ang mga social issues ng mundo, mga structural evils na nagpapahirap sa mga tao at pumapatay sa kanilang kaluluwa.

    as for guidance and comfort: sana nga ganun ang reason ng mga tao, pero ang totoo nyan eh marami sa mga believers eh puno lang ng sentimentalities and emotional dependencies. These are the people who doesn’t see beyond themselves, and so are responsible only for themselves and not to other people. They go to Church for purely selfish reasons: They go to Church to “feel good.” Parang counselling session with a psychotherapist ang hanap nila sa Simbahan. They hoped the Church will be a cure-all for their maladies, and then leave disappointed kasi they’d realise, the Church isn’t that. Then they find comfort in arms of secularism and leave religion.

    As for the issue of more protestant churches: Una, if this is a numbers game, i couldn’t care less. Lumipat na sila sa Protestante (which our parish in Davao has good relations, under the organization, Koinonia Davao), wag lang sa born-again. Pangalawa,sa isang kaibigan kong pastor na rin nanggaling: Maraming churches ang protestante not because they’re adding up but because they keep on dividing. Yan ha. Di ako ang may sabi nyan.

    as for the blending with the people: Ewan ko, pero sa buong seminary life ko, yun ang ginagawa namin. Personally, ako, I’ve been with a small riverside slum in San Juan called Ober da Bakod once a week to be with the nanays, to read and meditate on the bible, to share about it on the everyday mileu. I’ve been to the Lumads of Mindanao, the rural poor of San Jose Del Monte City, with the poor of Rhone-Alpes, etc. Ang mga kapatid ko, mas matitindi pa ang experiences sa slums, involving rats, rain and hunger. Di ko alam sa mga ibang seminaryo, pero the face of God among the poor is the clearest picture of Christ for me and my brothers. You can never fault us for not “blending in.”

    Lastly, I admire you, IFM for airing this, for willingness to talk about it, for putting yourself forward to discuss these issues. It only goes to show the kind of lady you are: intelligent, caring, faithful to God, concerned with others, groundbreaking. Please do not see my words as accusatory, na namemersonal ako. I just want to answer your questions. Truth to tell, masama ang pakiramdam ko after playing in the snow (nalamigan ang ulo!ü) but i want to answer your questions not because I need to defend the Church but precisely because you’ve got good questions and it is a good way to enter into dialogue. Kulang ang sagot ko, alam ko yun at siguro hindi satisfying, pero i do hope that what lacks in my words, you’d see in the sincerity of my intentions. Honestly, ayokong pinag-aawayan ang religion matters. I knew better than go to kapitolyo and start a religious debate. Wala kasing panalo doon. In the end, everyone goes home bitter and more angry. I must admit, we’ve got an imperfect Church but we shouldn’t be leaving it kasi imperfect sya. Sabi nga ni Kikong Matsing sa guesting nya sa The Sis eh: “Kapag magulo, sira-sira at marumi ang bahay natin, hindi sagot ang lumipat ng ibang bahay, kundi ang gumawa ng paraan na linisin at iparepair ang bahay natin.” Siguro, ito ang reason ko kaya ko ginawa ang blog, para mapakita naman, masaya ang Simbahan! Quirky, jologs, mali-mali, may pangblind item na nakaraan, pero very human, nananalig at nagmamahal ang Simbahan. At dahil bahay ko sya, di ko sya iiwan kase marumi at mapanghe na sya. Magpupulot na lang ako nsiguro g mga kaunting kalat sa paligid niya at aasang isang araw, malilinis din ang buong kabahayan.

    This went so far from the topic, Catholic guilt.üüü pero siguro, providence din ito ni God to show na some people are trying to find answers to their faith and are actually acting about it. God bless you, IFM, and feel free to comment more. It is always an honor. I can’t promise to have good answers but what I know and experienced, i’d definitely share. At hamo, pag-uwi ko diyan, susubukan kong ireplicate ang much celebrated pancit kanton ko, syempre may sugpo!üüü That’s all for now and I remain

    your guilt-ridden, bible-ignorant, wafer-worshipping, Mary-manic Papist,

    Bro Utoy

  15. Bro, ang haba! di nga lang canton ang katapat nito… hulat man kami leche flan mo… at yung evap o condensed milk, humingi ka kay brigitte…

    saka ko na lang sagutin din to, bro, kung may sagot pa ako.. baka biglang mafeel left out si kuya bluep.. bwahahahaha! peace, kuya bluep!

    miss ko na nga ang mga hirit ni Army Pogi eh Bluep, magparamdam!!!

    wala talagang evap. pero may recipe ako ng cake, siguro next time eh yun naman ang iba-blog ko. simple lang ang ingredients at preparation. kahit sino pwedeng gumawa.ü
    God bless!

  16. Hahaha, ang saya ng complimentary closing natin brother!SYEMPRE, kapuso, kapamilya, ka-blogger ka namin IFM…bluep, magparamdam ka minsan. miss ka na ng mga buhay…condolence nga pala bluep…

    honga, bluep. hayan ha, andami nang nakakamiss sayo!ü abangan ang Da Retarn op da Blogging King!ü

  17. im quite frustrated with priests who deliver their homilies or sermons (forgot the difference between them hehehe) based on their reflections of the gospel ONLY. tama nga naman yan but in my opinion dapat talaga priests should (integrate) inform parishioners more about the church and its stand in the burning issues in the society (DEFINED AND CLEAR— tama ba word q?). marami nga katoliko pero wala naman talagang alam about sa simbahan kaya it’s easy for them to blame it. mahirap pa naman mag explain sa mga ignorante if kulang-kulang din ang infos from a common parishioner. Who can best give the right information than the priests who have studied for almost a decade…
    about the guilt thingy and pointing fingers at the church.. might be on how most people were raised. PhD usually ang mga parents on giving this guilt trip to their children (yoko na pahabain… mahaba na nga eh hehehe) in my own opinion lang, para rin meron ma blame. people mostly are good in blaming someone, something etc to cover their own ignorance or mistakes.
    Sa isyu ng contraceptives, as early as 2nd yr HS, my doctor recommended i use birth control pills for health reasons which I didnt because of ignorance about it. pero in terms of family planning (which is another story), i support the church about it and that’s it!

    yup, Defined and Clear best describes a good homily. Di yung puro pasikot about abstract ideas.ü
    thanks for sharing my sentiments, honey. alam mo, halos linggo-linggo, may dini-delete akong comment ng mga galit sa simbahan na ang laging sinisisi eh catholic guilt. nakakainit ng ulo!

  18. teka naging ate honey tuloy hahaha… alam ko bro mas matanda ka ng months sa akin hehehe (defensive!)

    honga, bakit ate honey?ü napaisip tuloy ako, ilang taon na ba talaga si shenmue? pero kung ok lang naman sayong patawag ng ate…ü

  19. teka nawala ang comment ko na nauna waaah! sige na nga kainis… mahaba pa naman un… kalyo sa daliri inabot q dun ah grrr

    honey, naagaw ko mula sa bibig ni Akis ang nawawala mong comment.ü GOd bless!

  20. nawala nga kainis! anyway, my point was it’s frustrating for some priests to deliver their homilies or sermons (cant remember the difference between these two..) based ONLY on their reflections of the gospel. In my own opinion, priests should (integrate) inform people (DEFINED AND CLEAR) what the church stands (and why) on the burning issues in the society. It’s easy for people to blame the church because of ignorance. marami ngang katoliko, wala naman talagang alam tungkol sa simbahan, who else are best to make people aware of these, edi ang mga pari who studied for almost a decade. I am not blaming the priests but they do have a responsibility to educate people dahil di naman lahat sa catholic schools nag aral.
    nireseta sa akin ng doktor as early as 2nd yr HS ay birth control pill for health reasons pero I did not take it because of my ignorance about using it. mali naman yun in my part. pero for family planning issue (which is basically another story), my support is totally for the church, and that’s it!

    i’ve heard that before, sung pagrereseta ng birth control pills. For what ba yun, ahhemmm, ate honey?üüü

  21. hormonal imbalance.. sobrang abnoy ang menstrual cycle q ung tipong 1out of 100 ang case hehehe… actually related to my condition right now… mhba n ikwento di q p nman blog to hehehe oist kuya bsta mas mtanda ka po ilang buwan hehehe

  22. wala akong masabi sa debate dito hahaha

    ReynaElena.com the second itong blog na to haha

    basta ako magpopost ako ng aking holloween at all saints day entries mamaya kahit huli na sya LOL.

    naku, bluep, are you abdicating?

    I therefore elevate IFM as the highest Monarch of Comments.ü

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: