Ten Questions You Shouldn’t Ask to a Seminarian

This is a quick post so bear with me kung nahalata mo sa grammar na minadali ko lang ito.

“We all know what curiosity can do to a cat.  But for me, I’d rather be a stinking dead cat than be a subject of some people’s curiosity.”  sabi ni Pong Pagong sa isang unaired episode ng Batibot (wag kang magulo. sabi talaga nya yan.)

May mga tao tayong nakikilala na sobrang curious.  Yung tipong Boy Abundia-inspired na agad ang mga questions sa buhay mo eh wala pa naman kayong isang minutong nagkakakilala.  Ang siste pa, parang nag-eexpect pa sila ng mga pang-beauty contest na sagot sa mga napakapersonal nilang tanong.  Example:  may benefactor ako na ang curiosity level eh pang-DemiGod.  Ang problema, hearing impaired sya kaya inuulit pa ng pamangkin niya ang lahat ng mga sagot ko, na karaniwan, ibang iba na ang meaning sa gusto kong sabihin. So ganito ang takbo ng usapan:

DemiGoddess of Hearloss:  Ayaw mo bang mag-asawa kaya ka nagpari?

Ako (sasagot na parang finalist ng Search for Ginoong Seminaryo 2008):   Inisip ko rin naman pong mag-asawa kaya lang pagpapari po talaga ang pinili ko para sa sarili ko.  Wala naman po akong masamang tinapay tungkol sa pag-aasawa.

DemiGoddess of Hearloss:  (Babaling sa pamangkin nya)  Ano raw?

Interpretative Pamangkin:  (Pasigaw na ibubulong kay DemiGoddess pero dinig na dinig ng sangtinakpan)  SABI NYA, GUSTO PA RIN RAW NYANG MAG-ASAWA!!!

Awkward moment talaga.  Parang gusto kong magtago sa ilalim ng bato kapag ganun.  Kaya naman, I made this list of ten questions na di dapat itanong sa seminarista lalo na kung di pa naman talaga kayo ganun ka-close (o kaya kahit na close pa kayo).

Here goes…

1.  Paano mo nalamang may vocation ka?  Alam mo, kaya namang sagutin yan ng isang seminarista kaya lang willing ka bang makinig maghapon?  Kung tipong nagkasalubong lang kayo sa mall o nagkasabay sa MRT eh wag  na wag namang itanong yan.

2. Nagka-girlfriend ka na ba bago ka pumasok?   Ito, Catch 22 ng seminarista.  Pag sinabi mong Hindi, iko-conclude nila na nabigo ka sa pag-ibig kaya ka nagseminaryo.  Kapag sinabi mong Oo, iko-conclude pa rin nilang bigo ka sa pag-ibig.  Walang lusot!  Ang nakakainis pa nito eh kapag humirit pa ng tanong na “Eh ngayon, may gelpren ka ba?”  Ipagpalagay na nating mayroon.  Mahabaging Birhen, alangan namang aminin ko sayo!  Sino ka ba?  Eh kung isumbong mo pa ako sa superior ko?

3.  May sex life ba ang seminarista at pari?  -Bakit, ikaw, may sex life ba?  kamusta naman?

4.  Paano mo narinig ang “call?”    Ito, out of ignorance na lang pero isa ito sa mga pinaka-common na tanong na natatanggap ko.  Gusto kong sagutin ng ganito:  Ah, basta nakatanggap na lang po ako ng text galing kay Papa Jesus na ang sabi: d2 na me, wer na u?.”  Utang na loob, wag itanong ang tanong na ito dahil hindi “naririnig” ang call literally.

5.  Sigurado ka na ba sa desisyon mo?  –  To the words of Kris A.:  Sure ka na ba? To this question, sasagot ang seminarista ng Oo pero most likely, hindi ang sagot kasi wala namang kasiguraduhan sa loob ng seminaryo.  Sigurado ka nga, pero kung ang seminaryo naman ang di sigurado sayo?

6.  Ako ba, pwede pang magpari/magmadre?   Ito ay katumbas ng girlie-question na “Do I look fat?” na talaga namang ang hirap sagutin. Gusto mong sabihin na hindi kasi hindi naman talaga, pero gusto mong sabihin na oo para di naman sya masaktan.

7.  Anong ginagawa ng mga pari kapag nalulungkot sila? – Malay ko sa kanila.  Di pa naman ako pari.

8.   Bro, kasalanan ba ang mag-masturbate?  Next question, please.

9.  Kelan ba ang ordination mo?  Ang seminarista, di yan nagbibilang ng taon kung kelan sya maoordain kasi sa totoo lang eh bibihira ang nakakapagdire-direcho ng pagseseminaryo:  may regencies, may napapalabas, may nagpapalit ng seminaryo, etc.  Ang buhay ng seminarista, walang kasiguruhan na ma-oordain kaya, pakiusap, wag itanong ang tanong na yan.

10.  Bakit lumabas ng seminaryo/pagpapari si Ganito Ganoon?  Aba’t ginawa pa akong tsismis mill!  Kung talagang curious ka kung anong nangyari kay Ganito Ganoon, sa kanya mo itanong!  Pero word of advice, tantanan nyo na ang isang ex-seminarian sa tanong na “Bakit ka lumabas?” dahil hindi ganun kasimple ang sagot, at pangalawa, nakakasakit yun ng loob.  Pramis.  Alam ko yan dahil naging ex-seminarian din ako.

 

At syempre, tulad ng nakagawian, ang stainglass windows of the day ay ito (dalawa para makabawi sa nalimutan ko last time):

Descent of the Holy Spirit

Descent of the Holy Spirit

Assumption of Mary

Assumption of Mary

Matatagpuan ang mga stainglass window na ito sa ibabaw ng entrance ng trancept ng L’Eglise St. Louis, na isa sa parokya ng aking congregasyon sa Place Félix Poulat, Grenoble, malapit sa stasyon ng tram.  Sa mga stainglass windows na ito’y ipinakikita ang kahalagan ni Maria sa buhay panalangin ng post-resurrection community ng mga apostoles.  Mahahalatang makabago ang istilo ng mga stainglass na ito sa kanyang dividing technique, sa stylized na angulo ng mga bubog at sa paggamit ng matitingkad at mala-cartoon na kulay.  At totoo nga, sapagkat sabi ng mga pari sa akin, bagama’t ang simbahan ay ipinagawa ng Dauphin ng France noong 1689 gamit ang classic French styled architecture, noong 1934 lang ginawa ang stainglass windows na ito.   Again, pwedeng i-click ang mga pictures ko para mas makita ng maayos ang blurredness nito.  May pagkasuplada nag mukha ni Mama Mary dito.  God bless!

39 Responses

  1. winner post ito utoy! hahahaa! as in sobrang tawa ako ng tawa when i read it😉

    salamat, caryn! God bless!

  2. hello utoy! hindi tayo magkakilala maliban sa mga comments na iniiwan mo sa blog ko. gusto ko lang sabihin na sobrang nakakatawa tong entry na ito. medyo napahiya ako ng kaunti kasi akala ko talaga literal ung “calling”. parang sa cecil de mille na pelikula. that only goes to show wala akong kaibigan na seminarista.

    tara, kape tayo.🙂

    uy, attorney! salamat sa pagdalaw.ü truth be told, lahat ng seminarians, may ready-made answers na sa mga questions na yan. God bless!

  3. Agree with caryn… sobrang nakakatuwa ang post mo… sure ka minadali pa ito?

    By the way, thanks for educating us. At least alam ko na dapat ako mag-avoid meeting a seminarista in person kasi hindi ko na alam ang aming paguusapan…hehehe! Joke lang… nakakaasar nga kapag medyo personal ang mga questions at hindi naman kayo close.

    Part 2 naman nito Utoy… I’m sure mahaba pa ang listahan mo!

    oo nga ano? sige, Leap, I’ll write a part two.ü God bless!

  4. Promise, isasaulo ko ito at nang hindi mag-commit ng “faux pas” sa mga kaibigan naming seminarista/pari (parang ang dami ba?)…

    Pero last question: Sure ka na ba talaga? Hahaha!!!😆 JOKE LANG PO… Wag maasar!

    Good day!

    ahhh… uhhhmmm… {{*buntong hininga*}} sure na…üüü
    Good day to you too!

  5. araaaaay ko….wahaha

    eh kuya utoy tinanong ko lahat yan kay kuya ko….wahaha

    meron pa ngang ibang tanong eh, kuya, tumakas ka na ba sa seminaryo para makipag-date? kuya, hindi mo namimiss ang mga kiss ng girls?….

    alam nyo kung ano po ginaawa?….inipit nya ako sa kilikili nya at pinalo ng tsinelas at pinagdasal ako ng tatlong rosaryo. Isa sa umaga, tanghali, at gabi! Hindi pa nakontento pinag-shine pa ako ng sapatos….

    Hindi na po ako uulit….wahahaha

    ay oo nga ano, top question din yun!
    sige,
    #11. Tumatakas ka ba sa seminaryo para magdate? ako personally, hindi kasi may free day naman para dyan. hehehe…
    #12. Namimiss mo ba ang kiss ng girls? naku, kamootch, medyo cute pa nga ang pagkakatanong mo. Yung iba, outright na nagtatanong: Di mo ba namimiss ang sex? Ang hirap sagutin yan nang di ka nagmumukhang manyak (pag sinabi mong oo) o sinungaling (pag sinabi mong hindi).
    tanong ko ulit, kamootch, OCD ba brother mo o OCarm?

  6. bro utoy yung number 1 question mo ang una kong tinanong kay fr. don (yung kaibigan naming pari) noong nag-decide siyang pumasok sa seminaryo. kasi naman nakakapagtaka para sa aming lay people yun dahil akala namin masaya na siya sa work niya bilang accountant ng pinakamalaking bangko sa davao.

    at tama ka, kulang-kulang ang buong maghapon na kwento patungkol lang sa tanong na yan.. hehe

    pero at least yung kaganapang iyon ay nasa bahay nila, at bumisita kami noong time na yun.

    siguro na rin dahil masarap magluto ang nanay niya at talagang gusto lang naming makikain mula tanghalian hanggang hapunan kaya napasarap rin ang wentuhan. ahihi..!!

    tsk.. oo nga, pag-click ko nung piktyur eh mas naging klaro yung pagiging blurred niya. hehehehe

    so, bro. utoy… pwedeng patanong?

    …. DO I LOOK FAT?

    {{*playing a pre-recorded message*}}
    Don’t be ridiculous, honey, you look perfect!
    You look like one of those twig-thin seniorhigh cheerleaders already.
    Come here and give Daddy a kiss…
    {{*end of message*}}

  7. Brother, pwede magdagdag ng tanong? (nagtanong pa ako!) hehehe! pwede pautang? bwahahahaha! isa pang tanong… sigurado ka bang si pong pagong ang may sabi nung intro mo? baka si big bird yun at baka sya rin ang may pasimuno ng question number #8… bwahahaha!

    Ay, Kuya, may stained glass din ako kaso local version lang… post ko later sa blog ko….

    last na lang….. sigurado ka na nga ba talaga? peace!!!!!

    kulet ah.üüü yup, si Pong yon habang nagyoyosi sila ni Kapitan Basa sa lobby ng set. Nalaman kasi niyang pinagtsitsismisan sya nina Manang Bola at Irma Daldal, kesyo nagse-Xenical daw sya at palihim na nagsa-southbeach diet.

    Teka, alam mo bang wala na si Pong? Nirenta lang natin siya sa Jim Hensons puppets at natapos na ang kontrata during the 90s. Haynako, pati pala nga puppets natin, mga amboy!

  8. Ha ha ha! Panalo ito kapatid. Kahit palaging lurker-mode lang ang drama ko tuwing nagbabasa ako ng posts mo e hindi yata ako matatahimik ‘pag hindi ako nakapag-comment dito. He he…

    Puwede ba akong magdagdag sa listahan? Wink!

    ‘Nga pala, bakit hindi mo sinagot ang tanong kung kasalanan ‘nga ba ang mag-masturbate. LOL! O huwag mo sa akin ibalik ang tanong, baka mag-post ako dito ng lecture-series with matching PowerPoint presentations. Ha ha ha!

    Kapatid bilisan natin ang pag-iipon ha. Para mapasyalan mo na ako sa Roma at mapasyalan na kita diyan.

    Gusto mo ng additional stainglass photos for your collection?

    CIAO!

    sige daw, magdagdag ka pero i-email mo na lang sa akin. I’ll make a part two kasi sa totoo lang eh marami pang questions na lumalabas sa isip ko tulad ng: “Brother, virgin ka pa ba o hindi na?” hahaha!!!

    marami pa akong stock photo ng stainglasses dito so siguro next time na lang.

    as for question number 8, sige handa mo na yung powerpoint mo.ü

    as for Italy, wala pa akong ipon!!!!!!!!!!!!
    hehehe…

  9. hahah nawindang ako sa mga tanong at talagang may next question pls pa ang sagot mo…hehhe

    mukha bang guilty?üüü God bless!

  10. hello po brother utoy.=)
    napadaan lang po..salamat sa pagdalaw sa bahay ko, pagpasensyahan nyo na po kung bastos ako magsalita dun.nyahahaha! pero sarap tumambay dito..nakakatuwa dito…hehehe!!!
    ..guilty ako..kasi kadalasan mga tanong na yan e naitanong ko mga kakilala ko (not as if madami akong nakilalang nagpapari o nasa seminaryo) lalo na yung no. 3 at 8 ..now i know.. bad sommer!!
    (not bad kung me sagot ang mga number 3 at 8..joke lang po brother!)

    ito naman, nahiya pa. tingnan mo na lang ang blogroll ko at naroon ka na.ü God bless!

  11. waw! bro utoy! natuwa ako sa post na ito!
    naalala ko tuloy noong hayskul, may madre namang pumunta sa amin at nag-open forum.
    ayun kung anu-ano tinanong ng mga skulmates ko!
    dyosko! kakalurky!

    anyways! ang ganda ng mga stainglass window!
    magaling!

    pero naloloka ako sa mga tanong na yun ah! hahaha!

    pero kapag tinanong mo sa mga madre ang question number 10, haynako, sasagutin nila agad yan! mga tsismosa!ü
    God bless!

  12. hehehe…next question pls.

    hi, nay! salamat sa pagdaan!

  13. di nga bro utoy, kasalanan ba yung self supporting? hehehehheheheh😀

    ahhh… uhmmm… sabi nang next question please eh. angkulet.

    hi, geish!ü

  14. brother, may tanong din po ako sa inyo..

    kapag po ba ang uod ay namatay..ino uod din?? hehe

    nakikigulo lang po..

    ingat po parati…=D

    abangan ko po ang part two nito…

    naku, doc, sana ganyan lang ang mga tanong sa seminarian para masayang sagutin.ü dalawa na kayong gusto ng part two ah. sige, susubukan ko.
    God bless!

  15. hehehe madalas ko biruin yung kaibigan kong pari about sa pagma-manual.

    hanggang ngayon di pa rin nya kami sinasagot ng diretso.

    Dinadaan kami sa ngiti.

    ahhh, uhhhmmm…. taps, next question please.üüü

  16. guilty aq sa number 9… i usually ask that to my seminarian friends or new acquaintances.. naitanong ko na ata sau yan… (crush q ngaun ex-sem… taking up law sa addu hehehe)

    yeehah!!!ü syempre meron pa kasing vestiges of seminarian appeal si law stude/ex-sem kaya ganun.üüü
    (ang kapal ko ba?ü)

  17. hahaha natuwa naman ako sa post mo..

    hihihi naman..pwede pa naman yata ang #8 kasi di ka pa naman pari…palagay ko lang yan ha,hihihi..wala pa naman yata kayong bow of celibacy eh..palagay ko lang ulit..peace!

    salamat!

    hehehe… next question, please!ü

    • about the question “masama ba ang magmasturbate?” it’s so margie holmes’ question, natawa tuloy ako. it’s hard to answer it whether it is moral or not. coz im not a theologian. but even if i am, kids nowadays may not appreciate the explanations knowing that they come from different religious belief. but maybe i could answer it through science knowing science is more like a common ground for everyone, atheists or believers.

      recent studies explain the effect of masturbation on the circuitry of the brain. well, im sure, vergel, you would be interested to know what happens to the oxytocin and dopamine levels in our brain when we (i mean you, hahaha) masturbate. i will not explain it anymore in detail. i’ll just let you read it yourself: http://www.reuniting.info/the_wrong_masturbation_advice and yeah, judge for yourself if masturbation is really a healthy practice.😉

      (btw, after writing this, i suddenly felt so nerdy! ;-p)

  18. iba nga naman talaga ang charms ng seminarians! hehehe… btw, bro utoy super fan aq at ang brader pader q ng WWE! crush q si batista, cm punk, at jeff hardy hehehe

    bihira na lang akong nakakanood ng WWE eh. sila Ray Mysterio at the Rock pa ang kilala ko. nakakahiya!

  19. hehe….you have the right kuya utoy! sige lang…dapat talaga may ganto pa para lang tumigil na sa mga tanong ang mga curious na tulad namen hehe…buti na lang at medyo mahiyain ako magtanong ng mga personal na bagay sa mga indi ko mashado ka-close hehe….shempre naman diba kaya nga nauso yung mind yer own business saka keep your big nose out of others’ business….

    natuwa ako sa tanongs at sagots mo hehe…parang ang daming poot😆

    meron pa ba itong part 2?🙂

    dahil malakas ka sa akin, aling baby eh sige gagawa ako ng parat two, mas puno ng poot.üüü
    God bless!

  20. ahahahaha.. natawa nman ako dun sobra…. add po kita sa links ko ha natuwa ako sayo eh…. di naman ganun kadami ang taong kilala kong seminarista… hmmm kung guilty ako sa mga questions na pwede kong itanong? secret…

    nung bata ako sabi ko parang ang sarap maging madre… ewan ko kung bakit ko naisip yun nun.. kasi parang at peace sila lagi… tapos nabasa ko to—> pero kapag tinanong mo sa mga madre ang question number 10, haynako, sasagutin nila agad yan! mga tsismosa!ü—- para tuloy naimagine kong may pagkadalahira ang mga madre.. cheers lang po-glesy the great

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    pakiramdam ko, ANP (anakngpiso) eh may pagkadalahira ka rin so ano pang hinihintay mo, pasok na sa kumbento, anak!!!ü

    I added you na rin sa listahan ko. God bless!

  21. may ikkwento ako mabilis lang: Sa opis ko before,accdg to my boss gagawin namen noon design ng bahay ng mga pari (at semenarista na din ata) somewhere in north (hindi ko na sasabhin kung saang parokya) ay nagrerequest sila ng theater/audio/movie room na maliit lang. nagkabiruan ata na may XxX movies kasi sila.. weder tru or not ang masasabi ko lang ay lahat ng lalaki normal lang na mag masturbate or kung hindi man ay magisip ng XxX kung minsan. =)

    parang masyado yatang controversial ang question number 8.ü God bless!

  22. pero sir hindi ko naman po nilalahat.
    (baka magalit po kayo sakin =))

    bakit naman ako magagalit? basta dumalaw ka lang lagi sa blog ko para meron naman kahit isang nagbabasa araw-araw.ü
    God bless!

  23. hahahaha

    nakakarelate ako pare hahahaha

    yung Question no.2 natatangahan talaga ako hahaha. Para kasi pag nagtatanong ang mga tao sa paligid kailangn eh pre requisite na mag ka grilfriend ka bago ka pumasok ng seminary. Pag sinabi mo naman na oo, kasunod na tanong eh Ilan? pag nagbigay ka ng number di naman maniniwala hahaha. yan ang napakatangang tanong haha. Hindi ko alam kung may taglay na pagkausi-sero ang pinoy. kasi sabi nung ibang ka brothers namin sa ibang bansa di naman daw sa kanila tinatanong yan ng mga tao sa kanila haha

    pag labas ko ng seminary yung no.10 ang nagpadugo sa tenga ko. alam mo ba na inuungkat pa kung bakit ako lumabas. eh di ba sagrado yun. Even my brothers in the seminary doesnt know the reason why i left, then eto mga to magdedemand ng sagot haha. asar na asar ako. Ang sinasagot ko na lang sa mga usi eh “di ko alam” haha. tapos sabay talikod. LOL

    Kahit kasi maging honest tayo kung bakit lumabas eh di rin naman nila maiintindihan kasi tayo nga mismo mga sems pag may lumabas di rin natin maintindihan minsan ang reason diba. Vocation is personal, pure and simple.

    Sa batch namin mahigpit ang pact. Pag may nagtatanong sa amin kung bakit pinalabas si ganyan o ganito ang sagot namin ay di namin alam. kasi sagrado yun. sa batch lang namin yun at wala na iba pa makakaalam nun hanggang hukay kungdi kami lang.

    pinatawa mo ako dito haha

    at syempre, kung may nagtsismis, siguradong mga madre yun.ü ako ha, SSS ako pero nung nagregency ako eh alam ng at least anim na carmelite community. ni di ko nga sila ka-kongregasyon! per ok lang kasi sigurado rin ako na pinagdasal nila ako after nila akong pagtsismisan.ü love ko talaga ang mga monghang ito during my regency days.

  24. hahaha.. tama ka sa mga questions na to bro.verge! pero in fairness may mga secrets talaga ang mga seminarista na minsan eh lumalabas ha… (quiet nalang ako hehehe)… or nagbibigay nalang ng reasons ung iba para hindi na sila tanungin parang false reasons ba para yun nalang ang paniniwalaan ng tao pag tinanong yun #10 hehehe….
    meron naman akong kilala ewan ko ba kung may gf eh nasa loob tapos naghahanap pa hehehe kakalerky!!!🙂
    well eniweis i’ll be reading your blogs if have time bro. verge! nakakatuwa hahaha parang nakikita ko itsura mo habang nagbabasa ng mga blogs mo🙂 God bless!

    parang kilala ko ang kilala mo ah.ü vote ka naman sa Next Batibot Babe ko… (mamilit ba raw.ü)

  25. Hello utoy!I’m Rhea Grace Flores, a pure blooded Ilocana. Nakakatuwa naman itong mga post pero very nice ha. Pero totoo rin naman mga sinabi mo eh.
    I’ll be reading your posts from time to time. God bless
    Can i add you also in my yahoo messenger?

    Rhea grace Flores
    charming_relic@yahoo.com

    thanks, Rhea! i’ve got a secret to tell you…

    {{*pabulong*}} sad to say, this blogger doesnt know how to use the Yahoo Messanger. wag mo sasabihin kahit kanino ha.ü

  26. parang ayaw mo ng kumausap ng tao sa mga tema ng sagot mo sa ten questions ah? hehe

    mas nakakagulat at nakaknis naman siguro pag tinanong ka ng hindi related sa pagiging seminarista!

    halimbawa tanungin ka tungkol sa stock exchange, economy crisis, credit crunch, global warming, power sharing, yung mga ganun ba. hehe.

    nakaktuwa na nakabisa mo na talaga mga karaniwang tanong ng mga taong labas! toinks!

    kung ma mi meet kita tatanungin ko sayo lahat yan hekhekhek! pag hindi mo sinagot sumbong kita kay deacon jhoen! awwwts!

    marami naman kasing pwedeng pag-usapan tulad ng mga topic tungkol kay God o kaya tungkol sa heaven. ganun.ü

    eto, payabangan na ito. di ko man masagot ang tungkol sa stock exchange, credit crunch at powersharing, pwede naman nila akong tanungin tungkol sa Kreb’s citric acid cycle, properties of anionic surfactants, offset lithography on galvanized iron sheets, at kung bakit nananatiling mapait at mabula ang beer gayong ayaw naman ng mga pinoy ito. totoo, pwede nilang itanong ito sa akin nang di naggu-google o wikipedia. di ako nagbibiro.

    • hahaha, vergel.. natawa talaga ako sa post mo. you made my day. it’s nice to know you till remember chem. sure ka, i would tell my students to ask you chem questions??? ;-p anyways, the last time i saw you was in 1997 pa, and i remember you most for your poem “derivatives”. i kept it for several years but i lost it after we moved in to manila. i dont know if you still remember that poem and if you still remember it. but if you still do, may i have a copy of it again. coz it’s one of nicest poem i have ever read.. thanks and im happy for you..

  27. sagutin mo muna ang number 8. hehe ^^.

    may sagot na nga ako eh. next question please…ü

  28. hahahahahaha! Kuya, di naman sa nakikialam ako sa mga comments dito pero parang may nakaisa sayo…. honga, Brother… agree ako kay boni station… sagutin mo muna ang number 8… hahahahaha! parang nafefeel ko namumula ka dyan ngayon…. hahahaha! joke lang, Kuya!

    IFM, yung tanong nga sa byuti kontes, di mo pa sinasagot. tampo na ako.

    at Boni, tutal di ka pa naman yata seminarista,
    ikaw na lang ang tatanungin ko.
    “kasalanan bang magmasturbate?”
    hehehe…

    Go, pipol, gandahan ang response!ü

  29. Naku! Kaya pala hinihingi ni Boni Station sa akin kagabi ang PowerPoint presentation ko re: answer to question#8 kasi mangongopya ng sagot. Huli ka!

    Kahit pilitin nila ako, hindi ko sasagutin ang tanong. Isumbong pa nila ako kay Father Rector! — hindi pa ako ma-ordenahan next year (aba aba… sounds guilty? toinks!)

    Basta iba na lang…. Pag-usapan na lang natin kung ano ang mangyayari sa “Pieta”…. or “Kahit Isang Saglit”…. or “Dyosa”…. laban ako diyan (jologs ba ‘ko?)

    Tatahimik na po! (I’ll try)

    Rev, ala ako TFC dito eh…

  30. aba! feeling special tuloy ako kasi hinihintay mo pala sagot ko…. sige na nga…. hihinga muna ako ng malalim at mag-iisip. bukas may sagot na dyan…. hehehe!

    parang 4 questions you shouldn’t ask IFM yata yung sa batibot babes.ü Ok lang naman na hindi sagutin.üüü

  31. Hello po. Kakaenjoy po ang blog nyo ah, nilagay ko po kayo sa blog roll ko. hehehe..

    Medyo nakakarelate nmn po ako kahit papano sa mga questions and answer nyo kasi marami akong kakilalang seminarians at nuns na lumabas at guilty ako sa mga naitanong ko, eh sorry naman, nde ko po alam eh, hehehe…

    Buti nalang nde ko naitanong ung question number 8, toinks! hehehe.. next question pls! hehehe.. tambling talga ako dito sa sagot mo brother. (wala pong kasamang split, pagod ako eh! toinks!)

    Kakosa po ako ni mr. siopao, just in case you wanna know, hehehe.. at ako po ang master ng ‘toinks!’ hehehe..

    Godbless po! Nabuo ang araw ko ng mabasa ko blog nyo. Keep it up!

    salamat sa pag-add, Master Ooqay!!! hayan, marami na akong mababait na ka-blog, magagalang at ginagamitan pa ako ng po at opo.üüü
    i added you na rin, Ooqs as “The Official Toinks Blog!!!” sa blogroll ko. kaya lang, may request ako. hirap akong mag-comment sa page mo. limited lang kasi sa blogspot users. pwede bang i-open mo to those with Open ID ang comment section mo?ü
    Atsaka, pakituruan na rin ako ng tamang paggamit ng Toinks.ü
    God bless!!!

  32. Naks! Thank u po sa pag add, nahipuan (natouched) naman po ako dun (galing po kay rev. siopao yang nahipuan na yan, toinks!).
    Don’t worry po, ittransfer ko na din nmn po ung blogsite ko dito sa wordpress eh, kaso nde pa po ready kaya tyaga muna sa blogspot, hehehe..

    Ang TOINKS po ay isang salitang kanto na ginagamit kapag nang-ookray o nangkakabog. Karaniwang nilalagay sa hulihang parte ng pangungusap. Mahirap iexplain kaya pwede gamitin kahit pano na, in short, labo-labo na!! Toinks!

    Mabuhay po kayo! Astig!

    salamat, salamat! pakiusap lang, huwag akong gamitan ng Po at Opo kasi di hamak na mas matanda sa akin si Rev. hehehe… totoo yan, Rev, ha. walang laglagan.ü Toinks!

  33. astig.miss seminary life .

    \m/

    xD

    aha, ex-sem! welcome na welcome dito ang mga seminarians at ex-seminarians, kahit direcho pa sa kusina. God bless!

  34. […] (mga dalawa sila) at sadyang utu-uto ako, heto’t nagpasinaya akong muling ibalik ang “Things you shouldn’t ask a seminarian.”  Ito’y napapanahon sapagkat tulad ng inaasahan, dumadagsa na ang mga tambay ng […]

  35. […] with Brigitte” series (Three posts) 9. Ten Questions You Shouldn’t Ask a Seminarian (ito at ito) 10. Ang sarili kong brand ng poetry, including a poem about a wet vulva (five […]

  36. wow nawindang ako dun ah… no comment nalang muna al kasi ako sa mood…

  37. isa ako ex seminarian at tawa ako ng tawa nung nabasa ko dito? may malimit na tinatanong sa akin, kung may relasyon ba daw ang pari at madre? ano daw? ginawa nila tayong showbiz personalities

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: