All-Saint: Purely Pictures

Ang totoo nyan eh gusto kong dumaldal tungkol sa: 

  • pangalawang pamumundok namin ni Brigitte, sa ngalan naman ngayon ng raspberry tart
  • ang aking pagkabano sa isnoh
  • ang recipe ko sa crepe (sosyal na pangalan ng lumpia wrapper)
  • ang bago kong karir as a kantoro
  • next ten questions na dapat di itanong sa seminarista

pero dahil abala ang Brother Utoy eh pagtiyagaan nyo na lang muna ang out-of-focus niyang litrato ng mga kahindikhindik na wax figures ng santo.  Tamang tamang pang-November 1!ü

St. Peter Julian Eymard

St. Peter Julian Eymard

St. Vincent de Paul

St. Vincent de Paul

St. Jean Marie Vianney

St. Jean Marie Vianney

Diba parang nakipaglamay ka na rin sa burol nila?

Eto pala ang tombstone dati ng founder ng congregation namin na nasa entrance lang ng local simenteryo.ü

At syempre ang stainglass windows of the days (kasi mawawala ako ng maraming araw) ay ito:

Honoring the Dead
Judgement
Ito ay mga stainglass windows sa Chapel for the Souls in Purgatory sa loob ng Basilica of St. Serin sa bayan ng Toulouse, sa katimugan ng France.  Kuha ko ito habang naghihintay ako sa pagdating ng tren papuntang Lourdes.  Ngayon eh alam nyo na kung saan galing ang header ko.  Diba, kahit nasa impyerno/purgatoryo na eh may breast exposure pa talaga?ü
God bless!

24 Responses

  1. nice photos.
    si st vincent de paul parang natutulog lang at yung head nya ay turned sa one side parang hindi position ng isang patay hehehe

    medyo natakot pa nga ako dun, nay, kasi nakatingin pa talaga sa akin.ü

  2. nakidaan…nice pictures!

    just want to share my experience..di ko maintindihan yung feeling nong nakita ko yung body ni Saint Pio sa San Giovanni de Rotondo..parang feeling ko wala akong kasalanan,hihihi..yun na yata ang pinaka great experience ko…open na kasi sya sa public after 40 years,bale yung mukha nya lang ang sinakluban ng wax..

    salamat, p0kw4ng! ganda rin ng bahay mo, pramis. God bless!

    tenks!

  3. aba-aba…kuya multitasking ka na ah…🙂

    kakatuwa naman at natututo ka na ring mag-crepe…peborit ko ang mga un hehe…

    para nga talagang nagmamadali ka kasi yung mga pics wala sa alignment hehe…

    good luck sa kung anuman yon.🙂

    napansin pa talaga yung misalignment.ü lab yu, aling baby!

  4. Hanep naman mag-pose ang mga santo ano – parang nakaka-conscious at nakatitig pa sa iyo – hehehe!🙂

    At kagaganda naman ng latest stained glass pictures – mala-black and white ang effect.

    God bless!

    medyo nakakatakot nga kasi lifelike pa yung mukha nila.ü

  5. i was also dreaming na sana i could see yong mga burol ng mga santong ganyan to experience naman yong holy-holy feeling.

    ski season na bro.utoy pero la pang snow dito sa amin.

    ma-isnoh na sa amin dito, ponchong. halos di na ako naghuhubad ng bota dito!

  6. stained glass windows of the dayS. lol. haha.. oo nga naman, to tide us over until you return.

    naku.. ngayon alam ko na kung bakit ganyan ang header. dahil pala sa *toot!*

    hay naku. siguro bro utoy ang sarap mag-bake niyang si brigitte dahil idea pa lang ng reward na sweets eh nakakapagpamundok ka ng di oras.

    hala, UM, andami kong baong mas magagandang stainglass ngayon galing Taizé! pero di censored. haay…

  7. wow!
    as in wow!
    sama naman ako diyan!
    gusto ko rin kumuha ng mga pictures!
    nakakainggit!
    amp amp amo!

    happy haloween po!
    hehehe!

    tama, isama mo yung boyfriend mong Kano este Canon pala.ü God bless! uy, second sem na ah…

  8. gusto kong bisitahin lahat ng yan. ang lapit lang namin sa france pero bakit kaya hindi kami makarating ng lourdes? pero pramis ko sa sarili ko na pupuntahan ko yan, am sure ibang klaseng experience ano?

    yup, ibang iba talaga ang experience. tourist-friendly ang Lourdes kaya pwede ang ingglisan! medyo commercialized na nga lang. lahat binebenta…

  9. Diba, kahit nasa impyerno/purgatoryo na eh may breast exposure pa talaga?ü—-> pa-exit ka na nga lang napahalakhak pa ako….

    nakakatakot nga yung mga wax figures parang mas nakakatakot pa sa pagbisita sa totoong burol…

    cheers-glesy the great

    sayang nga at out of focus yung pics. bawal kasing maglitrato pero dahil matigas ang ulo ng Kuya Utoy mo eh hayan. ok diba?

    God bless!

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  10. katakot naman! balang araw papagawa ako ng wax na replica ng self ko.. ilalagay ko sa kabaong..😀

    ako rin, gusto ko rin ng replica! tapos lalagyan ko ng abs yung wax figure ko!ü

  11. grabe, sobrang lifelike naman ng mga figures na yan😉

    sana nga nakatayo para nakaposing-posing sa tabi.ü

  12. Ooops! Greetings sa ngalan ng mga patay na ito!Habibi for short ang itawag nyo sa akin. An arabic word meaning “sweetheart or my love” Galing ang inyong abang lingkod sa time space war. Kaya makakasama nyo na ako sa mga susunod na episode okay. Ang may reklamo sa presinto!

    at dahil malakas ka sa akin eh nasa blogroll na agad kita! syempre as “The Brisket Files.”üüü
    God bless!

  13. tulad ni ms.Kengkay ay gusto ko din makapunta jan. na curious tuloy ako sa facade kung saan iyan nakadisplay.
    (paraan lang tsong.tnx)

    daan-daan lang! tren lang ang pagpunta dito, tsong. basta schengen visa ka, go!

  14. si St Vincent de Paul pa yun kasi may picture sa bahay nyan at tinatanong ko ang may ari hindi naman nya matandaan kung sino yan….hehehe

    god bless po..

    come to think of it, kamukha ni St. Vincent de Paul si Mister Swabe. hmmm…

  15. Parang sa Madam Taussaud.

    Thanks for sharing them.

    salamat sa pagbisita! God bless!

  16. Anak ng pating, si Founder nyo pala eh Incorrupt din. Di pala kumpleto yung libro ni Joan Carol Cruz kasi wala si founder nyo sa listahan. Nagtataka lang ako kung bakit napakadami dyan sa France at sa Italy na incorruptibles. Mostly kasi dyan sa dalawang countries na yan napakadami. Blessed talaga yang dalawang bansa na yan malapit sa pyrenes

    Alam mo, when I was in the seminary, one of my fascination is this incorrupt bodies of saints. I remember when I had my defense of my term paper of the BVM, I used the argument of the incorrupt bodies of the saints to justify the assumption of Mary. Kung ang mga santo nga di nabubulok ang katawan, si Maria pa kaya ay hayaan ng Diyos na mabulok sa lupa na syang nagkanlong kay Hesus ng siyam na buwan, dugo at laman? o Diba hanep sa argumento haha. Yung mga erehe at dak-dakero ko na kapatid walang maisagot LOL.

    I hope mabisita mo ang incorrupt body ni St. Catherine Laboure ng Miraculous Medal, dyan sa Rue de Bac. Daughters of Charity sya, laking Daughters of Charity ako since kinder at isa yan sa mga gusto kong puntahan bukod kay Bernadette.

    May we also resurrect with the saints in the final judgment.

    Pax et Bonum

    yung recent edition ng book ni Cruz, andun na si Eymard pero alang picture. honestly, nabulok din afterwards si Eymard. kasi naman, kinataykatay ang katawan niya para gawing relic. ansaklap! Pero most of the uncorupted parts are in Paris and Rome.

    as for assumption of Mary, agree ako dyan, kapatid! siyempre, the first disciple deserves to be the first in heaven!

    Ave, ave, Maria!

  17. BTW, sa Franciscan order nga pala, 4 yung pinaka kilala na incorruptibles, si Anthony de Padua na di nabulok ang dila, Si Veronica Guillani na may nakitang images ng tools of passion sa puso nya, Si claire of Assisi at itong huli si Padre Pio.

    Alam mo may theorya ako, yung siguro na di mga nabubulok ang katawan ay yung mga taong namaintain nila ang purity at innocense nila till death ano? nakakapagtaka lang na si Therese of Lisieux ay hindi incorrupt unlike Bernadette,

    Si Padre Pio half of the Body ay still preserved. May pagasa pa tayo kapatid haha. Baka pag pinagbuti natin baka sakali mapreserve din yung kalahati ng katawan natin haha joke

    Pax et Bonum

    basta wag lang nilang katay-katayin ang katawan ko afterwards.ü saka ayokong maging santo. mauungkat pa ng congrgation for the cause of the saints yung mga kalokohan ko noong college.ü
    God bless!

  18. Sobrang goosebums ang mga wax figures parang bigla na lang silang tatayo.

    “ang bago kong karir as a kantoro”

    Curious ako dito. Diba dapat sa mga Lola ng church tong karir na to?

    puro mga matatanda ang nandito sa simbahan, K.ü baby na ako sa mga mata nila.

  19. enjoy ako sa balitaktakan ninyo ni bluepj — ayan at hahanapin ko na itong mga incorrupt bodies na ito sa paligid ligid ng oyropa. wala ba dito sa alemanya?

    meron yata pero duda ako na kaya di nabulok eh kasi malamig. kailangan pang i-defrost. hehehe…
    peace, bluep!

  20. natakot naman ako sa casket… may phobia ako dun e…

    ang totoo nyan eh may mga closeups pa yan. di ko na lang inilagay sa post at baka bangungutin ang mga bata.ü

  21. …gusto ko sana magcomment ng something makabuluhan pero nakafixate na attention ko sa next 10 questions na di dapat itanong sa seminarista..heheehe!!!

    ikaw, sommer, ano usual na tanong mo sa seminarians?ü

  22. hi bro. vergel! musta ka naman? still remember me? a friend from the seminary sa blessed but am from ciudad real hehehe… saw your pics sa blog ni bluep! hehehe musta na ang France???? malamig ba?? musta naman ang snow???🙂 hope you’re doing fine despite the loneliness and work there.. smile🙂 take care po lagi and god bless

    syempre naman, sinong makakalimot sa official dimples ng SJDM.ü ok naman ako dito, giniginaw lage. nabisita mo pala yung mga scandals pics namin kay bluep.ü God bless!

  23. […] Brother Utoy have posted interesting pics HERE about the incorrupt body of St. John Vianney and thei…, which OTWOMD will write about it in detail soon. Share and Enjoy: […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: