Utoy Presents: “Who Is The Next Batibot Babe!!!”

Si Ate Sienna, si Ate Isay, si Ning-Ning at si Ging-Ging…

Bago pa man tayo naging manyak sa kakasilip sa panty ni Annie sa Shaider eh unang naging TV crushes natin ang mga pangalang ito.  Sila ang mga kababaihan ng Batibot na bagama’t di nagpakita ng pusod o di kaya’y nag-otso-otso ang balakang eh naging unang batayan ng bawat musmos na Pinoy ng isang ideal syota.   Sinong batang lalaki ang di nagselos kay Pong Pagong noong araw tuwing kakantahan, yayakapin at hahalikan siya ni Ate Sienna? (Akin sya, Pong, akin!!!)   O kaya’s sinong makakalimot sa mapanukso at parang laging dumadaing na tinig ni Irma Daldal?  O dili kaya’y sa mga bed scenes ni Ning-Ning at Ging-Ging (lagi kasing bago matulog ang mga eksena nila)?   O kaya’y sa mga paghimas ni Manang Bola sa kanyang… uhhhmmm… perlas na bilog?  Kaya’t bago nyo pa mahalata na wala nang maisulat na matino si Bro. Utoy kaya pati Batibot eh pinagdidiskitahan na, heto’t inihahandog niya ang…   THE NEXT BATIBOT BABE!!!

Heto ang Twist:  THE NEXT BATIBOT BABE is an online Beauty Contest.  I’ll give descriptions of each contestants and their respective question (na pinaghirapan ko pang hanapin sa Google).  Sasagutin mo lang ang questions nila( syempre yung answer, fit sa personality) and then at the end, sabihin kung sino ang panalo para sayo at bakit.

Ehemplo: Ate Sienna, the current Batibot Babe

Question for Ate Sienna:  What is the essence of a woman?

Sample Response of Ate Sienna:  It all depends on the time of the month, but whatever essence she has, it is all for world peace.  Thank you. 

My Choice:  Ate Sienna!!!! Bikos syi is damos byutipul gel in Batibot! Woohoo!

Diba, ang dali lang?üüü  BTW, di na kasali si ate Sienna kasi nanalo na sya bifor.

Heniwey, without further ado, Ladies and Gentlemen,  presenting the four finalists of The Next Batibot Babe 2008!

Finalist #1

Finalist #1

Our First Babibot Babe Finalist is Irma Daldal!  Irma stands 2 feet 11 inches from the waist (hanggang bewang lang kasi sya), she’s an aspiring indie actress,  she enjoys reading scripts and attending acting workshops and describes herself as spontaneous, fun-loving and cultured.  Irma has previously garnered the Best in Talent award with her dramatic manologue, Nang Malukring si Sisa.

Question for Irma:  Who is the most influential person in your life and why?

Irma’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

Finalist #2

Finalist #2

Our Second Batibot Babe Finalist is Ning-Ning!  The bedroom-voiced Ning-Ning stands 2 feet 8 inches.  She currently works as a callcenter agent at Libis, but nonetheless, finds time to bond with her kid sister after work (hence the bedscene in the morning).  Lingling enjoys hanging out at 7-Eleven and Ministop and collects boxes of Nissin’s Yakisoba and Marlboro lights.   Ning-Ning previosly  won this competition’s online voting for Miss Photogenic.

Question for Ning-Ning:  What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?

Ning-Ning’s Response:  **(please fill in your answer at the commentbox)**

 

Finalist #3

Finalist #3

Our Third Batibot Babe Finalist is Ging-Ging!   At seventeen, GingGing is the youngest of the contestants and currently an AB MassCom Major at UST (sa school ko na lang para walang away).  With the height of 2 feet 5 inches, she enjoys Plurking, updating her Friendster account and swimming (by the floods of Recto).  She sees as her role models, her sister, Ning-Ning and of course, the current Binibining Pilipinas Universe, Miss Janina San Juan.  Ging-Ging has under her belt, the award Darling of the Press which was chosen by the members of the media earlier in the pageant.

Question for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

Ging-Ging’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

 

Finalist #4

Finalist #4

Our Fourth and Last Batibot Babe Finalist is Manang Bola! Stands 2 feet  10 inches, Manang Bola, “Bebi” to her friends, currently works for a consultancy firm.  She is a firm believer of New Age, listens to Enya and collects Tarot cards and pearls.  Manang Bola won the Best in Long Gown for her Maria Clara ensemble.

 Question for Manang Bola:  If you can paint the future of this country, how would it look like and why?

Manang Bola’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

There you go, ladies and gentlemen, our finalists for the Next Batibot Babe!  Ngayon, sumagot na ng pinakabagay nyong byuti kontes na sagot at sabihin ang bet ninyo sa apat.  Dito ko ngayon makikita kung sino talaga ang sincere na nag-cocomment sa blog ko.  hehehe…  Boto na!!! 

RECAP OF THE NEXT BATIBOT BABE QUESTION

  • Finalist #1, Irma Daldal:  Who is the most influential person in your life and why?
  • Finalist #2, Ning-Ning:  What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?
  • Finalist #3, Ging-Ging:  What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?
  • Finalist #4, Manang Bola:  If you can paint the future of this country, how would it look like and why?

My Choice and Why:

49 Responses

  1. my choice is manang bola: perlas na bilog,wag tutulog tulog…sabihin sa akin ang sagot..ba..be bi..bobuuuuu!

    ang nakikita kong iginiguhit ng aking bolang cristal eh isang berdeng kapaligiran (green minded) … lahat ay nagmamahalan (orgy..incest..adultery etc)…at ligtas na kapaligiran (sa loob ng bahay nagpapatayan) …at lahat ay masaya!

    hihihihi..pakidelete na lang ng may klos at upen parentisis!

    one point for manang bola! at winningest talaga ang sagot!ü

  2. OMG kuya! di ako makarelate.. hahahahah😀

    asa na stainglass ko?😦

    sasagutin lang yung questions, Geish! sige na, madali lang to!üüü

  3. WHAAATTTT?????
    Kapatid, ano namang kabalbalan ito? Nakalimutan mo na namang inumin ang blue tablet. Hay naku!

    Pero dahil malakas ka sa akin, at dahil fans din ako ng Batibot, papatulan ko ito. ‘Nak ng Teteng oo!

    <<>>

    ** MY CHOICE — GING-GING! (ang taray!… sa UST pumapasok… kaya lang nag-swi-swimming sa baha sa Recto… Eeewww)

    ** QUESTION for GING-GING: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

    ** ANSWER: Well… you know…. ahhhh…. It is really vig… You know, the challenges… Very Vig… Yeah… The young people? They are the frablem. I thank you!

    **WHY? — wala lang gusto ko lang. bakit ba? (LOL)

    Tawagan kita ulit diyan minsan kapatid. Maybe next week. Para makapag-practice ka ulit ng Tagalog. Huy congrats mo ako! (as in with clap clap clap)… Academic Mass namin sa Sunday. Conferral ng Theology degree namin. I will receive ‘Upper 2nd Class Honours’ — British system kasi — (parang Magna C.L. ang equivalent). Magpa-canton sana ako kaya lang nandiyan ka e. Pagpunta mo na lang dito sa Roma. Pakainin kita gelato! Tsalap!

    Rev.Siopao

    Mister Siopao talaga ha. siguro sa siopao, ikaw eh bola-bola, kasi nabola mo na naman ang prof mo dyan at na-Uppercut ka.ü sana dito may theology school din for english speakers para kakagatin ko na yung offer sakin na masters dito. personally kasi gusto kong umuwi sa Pinas kasi sayang naman yung nasimulan kong reputasyon sa San Carlos.üüü

    ah, siops, ano pala yung blue tablet?

  4. brothhhheeerrrrr!!! napakaunfair naman nyan! hahahaha! napakahirap naman ng basis mo for sincerity. pwede bang yes and no lang ang sagot sa mga tanong at pwede bang may hint sa kung sino ang pinakathe best babe? i’m confused! hahahaha! yaan mo… babalik ako with sensible answers. ikoconsult ko muna ang mga sulsoltants ko para dyan.

    naku, hindi pre-judged ang contest kaya wag kang mag-alala. at don’t worry about the questions. what matters eh yung choice mo at yung answers.ü wag nang pilitin pang gawing sensible! hala, boto na!ü

    God bless!

  5. my choice is: Finalist #1, Irma Daldal: Who is the most influential person in your life and why?

    Mother Theresa ang sagot ko **hikhik, tawang sweet na babae** as if close kami… sige na nga si mami na lang, i thank you! pwede po bang bumati? hi nanay kita nyo nako sa tv???

    kunsabagay, babe na babe talaga si irma.
    at naimagine ko pa ang “tawang sweet na babae.”
    parang tawa lang ni UM at ni p0kw4ng.ü

  6. nyay..kuya naman e, sincere naman ako sa pagbibigay ng komento dito..

    kaya nga hindi ako sumasali ng beauty contest dahil takot ako sa mga nakakanosebleed na tanong..hehe..

    pwede bang pass muna??=p

    di pwede. bumoto ka, doc! kaya mo yan! isipin mo na lang, ikaw ang beauty queen na yan! sige’t humataw sa Q&A portion!

  7. I love your post, nakakakiliti ng imagination, hehehe. Tiyak na mababasa na naman ang aking kuwan, I mean panyo sa kapupunas ng aking pawis habang nagbabasa ng iyong kuwento. Salamat.

    bago pa tuluyang maggitata sa pawis ay sumagot ka muna, segundina.ü syempre, yung may konting landi.ü

    uy, nagpunta ako sa blog mo. naughty ka ha. bad girl!ü teka, girl ka nga ba?

    God bless!

  8. hahaha, kahit di ako maka relate e natawa ako kasi parang ang kyut nga kapag may bagong ate sienna. meron kaming batibot cassette dito, ayaw ng mga little kengkays kasi daw ang panget daw nung boses ni kuya bodjie😀

    ha? kaboses ko pa naman si kuya bodjie.ü

  9. nkakaaliw hehehe… masagot nga… sa akin si irma daldal at ang sagot nya: me, msyelf and I! hehehe… at meron aq runner up si ningning at ang sagot naman ay: i expect to gain (win) 1 year supply of nissin yakisoba and marlboro lights… hehehe

    thanks for the vote, honey! mukhang batang batibot ka rin ah.ü God bless!

  10. honga pala y i chose them: si irma kasi pinakamatangkad huweet-huwew at pinakaseksi (ang boses!) Si ningning naman ang sumunod kasi daring kahit bata pa xa kaya na nya ang bed scenes hehe

    si irma nga ang pinakamatangkad dito kahit sa pics. gusto ko pa sanang mag-photoshop ng mga puppet na kunyari nakaswimsuit sila. di ako marunong.ü

  11. Brotherutoy
    Natatawa ako sa blog mo.Hehehehe!
    Nakakaalis ng stress.

    thanks, cocoy! wala ka bang trip na ibotong NEXT BATIBOT BABE? iboto na ang crush mo!

  12. heto ang bonggang bonggang sagot ni manang bola: if i could paint the future of our country, i’d paint it like a rainbow, para madaling makatawid ang mga kafatid kong bading. i thank you. bow.

    aba at may gay marriage advocacy pang nalalaman si manang bola!ü
    teka, sincere ba yan o baka kinukuha lang niya ang simpatya ng mga gay voters?ü
    atsyangapala, UM, makatawid saan?

  13. hahaha
    katuwa ang post na ito
    panalo!
    parang love ko na
    si
    manang bola!
    winner ang sagot e..
    =D

    definite choice na ba yan, dencio? para ma-count ang boto!ü

  14. ano ba yan hahahaha batibot beuty pagent hahaha

    gagawa nga din ako ng entry kaya lang Porn for Kids hahaha Puppets ang gagamitin ko hahaha Joke lang. anyhow ang bet ko ay si irma daldal sapol

    Irma Daldal: Who is the most influential person in your life and why?

    Asayd prom my PAMILI, I consider my neyboor as a bad impluwenz on children. peryud

    hahaha

    next naman eh magpareality TV tayo, tulad ng Survivor: Batibot! magandang idea yun, diba?ü

    gusto ko pa nga sanang gumamit ng photoshop kaya lang lowtech ang PC ko dito. parang calculator lang.

  15. tekaaaa lang, uulitin ko…grabeng tawa ko dito dude…hinde ako makahinga hahahahhaha….i’ll get back to you, tubeeeeeeeeeg muna hahahahhaha

  16. My Choice: NING-NING it is!!!! She’s the most eloquent, trendy and very pretty just like moi LOL

    Ning-Ning, the Hottest and Cutest Batibot Babe

    Question for Ning-Ning: What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?

    ANSWER: Ged day to everyone, mah nem is SHINE-SHINE end I’d gladly appreeeciate if y’all call moi thet. Goin’ beck to theee questien, well, I expect theeee enxpected and enxpect theee expected. Cheers!

    I em fine, thenk yah.

    hahaha… laglag silya ako sa sagot ni Shine-shine ah. meron pa talagang kolshenter accent.ü may laban!

  17. […] Utoy Presents: “Who Is The Next Batibot Babe!!!” […]

  18. Para ako kay Ning-Ning. maliban sa kanyang nakakasilaw na pangalan, may sagot sya sa what to gain…phone pal at load.

    lahat kasi nang kinakausap niya in person nakakatulog.

    very close to my heart si Ning Ning, pareho kaming mahilig sa noodles. 24/7

    good choice, mahalia! strong contender si Ning-ning sa contest na ito. makamit na kaya niya ang inaasam niyang yakisoba cup? abangan!

  19. wow, may batibot babe…kay manang bola ako…crystal ball pa lang gorgeous na…heheheh… ^_^

    thanks for voting, snow! balita ko, malakas ang prediction ni manang bola na sya nga ang mananalo.ü
    God bless!

  20. hahaha… reminiscing the batibot times😀

    thanks for dropping by, aline. God bless!

  21. wahahaha… naalala ko pa nuon na bago kami dapat manoud ng batibot e dapat lahat kaming magpipinsan ay nakaligo na. ansaya nga ng mga araw na yun. haaay…. those were the days ika nga.

    yup, those were the days…ü

  22. brother, seminarista ka ba talaga ha? alam ba nila Father at Mother Superiora ang mga pumapasok sa isip mo? Nakakahorny naman yang mga descriptions mo ng mga eksena sa Batibot. Parang nacocorrupt tuloy ang aking inosenteng isip. Nyahaha…

    At ang vote ko ay si Ging-Ging. Bakit? Para maiba naman. Hindi na kasi fresh ang pagmumukha ni Manang Bola. At mukhang batang-bata pa si Gingging. Swimmer pa kaya siguradong maganda ang pangangatawan. Alam mo na, doktora, health is wealth, eklavu.

    Question for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

    Ging-Ging’s Response: Anupaba but it’s capturing dat perfect Friendster pose with my cellphone cam, while drinking coffee, op cors, at Starbaracks. Challenging talaga yun… Add mo ko sa Friendster, key?… Dis is Ging-ging, representing Welcome, Rotonda. And to everybody, love is a rosary, full of mistery. I thank you.

    buti na lang, angel at may edad ka na kundi corruption of minor tiyak ang kaso ko sayo.ü

    and yep, I’m a true-blue, honest-to-goodness, swear-to-God, pure-blooded, authentic-to-a-fault seminarian. kaya nga I end my comments with God bless kahit na nonsense ang mga pinagsasasabi ko.ü

    and thanks for voting! I added you up na rin. God bless!

  23. Ayan may dumagdag na sa boto ni GING-GING! Yehey!

    Sa mga hindi pa po bumoboto, GING-GING is the name! — pagsisid pa lang sa baha…. panalo na! (mangampanya daw?)

    Kapatid, kailan ang coronation night? c”,)

    sunday night siguro. i’m not sure. basta kung gustong humabol ng boto, pwede. you’re really rooting for the colegiala, aren’t you?üüü

  24. batang batibot ako hehe

    asan na kaya yung puno nila? hehehe

    gusto ko si ging-ging

    aba, coming from behind si Ging-ging! and Ging-ging’s winning answer, taps?

  25. Brother, dahil lumaki kaming nakikinood lang sa kapitbahay (kahit na minsan iba yung masilip namin gaya nang????…pusa na nginangatngat sa sahig ang hindi pa nagalaw na pork chop dahil sa kapapanood ng batibot na yan), medyo di ako makarelate. pero dahil para na ring matamis na tira-tira sa kumakalam na utak ang post mong ito, ikanga ni rev. siopao, bibilhin ko to gamit ang gold comment na to. may sukli pa to, ha?

    My Vote: si manang bola, haha. dati may enya din ako, kahit pirated lang; ma-imagine ko, tumatango din ang gumigiling-giling din ang gamunggong utak ni manang bola to the tune of orinoco flow. isa pa, mukhang pang-abogaga talaga yung tanong sa kanya

    Q: If you can paint the future of dis kawntri, what would it look like and why? (may follow-up queestion pa para kay lola).

    Medyo biblical ang sagot ni manang bola: like lion sitting with the lamb – it will be a piktyur of the dementalented miryam sankwago in a tayt embrace with gringgo nahuwasan. sa mga pintuan, through tarpaulins and main tv channels hanggang mawalan ng gana ang 99% ng population sa pagkain ng lahat ng mga China-made noodles at sasabihin ng mga tao: NEVER AGEN!
    WHY: MIRYAM AND GRINGGO – we need peace of mind, hindi janitor fish sa mind. bow!

    harujosku, biblico-socio-political samting-samting ang hirit ni manang bola detu!ü

    atsaka, dedpish, akala ko kung ano nang nakita.ü

    di ako masyadong fan ng enya pero may isang song siya na mabagal na parang panglibing na gusto ko sanang background music sa lamay ko. ok ba, anakngpiso (glesy)?üüü

  26. Wow… Mukhang mananalo na si Gingging. Yehey!!!

    Tag po kita, bro ha? Maysademonyo kasing pumasok sa isip ko kaya ganyan. Kaw na po bahala kung ano gagawin mo diyan. Pasa ko lang kasi napag-utusan =)

    http://mahiyaintalagaako.wordpress.com/2008/11/15/kagatin-mo-ang-limonada-ko/

    Godbless!

    nyak, na-tag ako. ang tags daw kasi, kapag natanggap mo, ibig sabihin, magsulat naman daw tayo ng may sense.üüü

    at dahil bombshell ka kahit naka-surgical mask, sige sasagutin ko ito.ü

  27. Kay Ginging din ako. Thomasian eh. Wapak!

  28. O ha… kaydami ko ng na-“evangelize”…. este na-recruit for Ging-Ging (ang kolehiyalang sumisisid sa baha). Todo na ‘to!

    Keep the votes coming pipol… kaya lang paki-sunod ang instructions ni Utoy…. answer the question for Ging-Ging & tell why you chose her. Baka ma-technical tayo. He he. (Susme! Kinarir ko talaga ang pangangampanya…. ha ha ha).

    Utoy, hintayin mo ang mga boto ng kapanalig ko ha. Parating na sila….. ‘Yung galing sa karatig-kontinente mahuhuli lang…. naipit sa Comelec. TOINKS!

    Ging-Ging’s Manager

    hehehe… ayos ka rin sa kampanya, reb. walang fertilizer fund ang tatapat sa pangangampanya mo!ü syempre, mas magandang sagutin ng maayos (read: parang adik na response) ang mga tanong at may points din yan. (as if namang magkukwenta ako ng points)

    maiba tayo. nagkalat na ang expression “toinks” ngayon ah. nakakaaliw. parang tunog lang ng baboy na may spring.

    toinks.ü

  29. LOL! Baboy na may spring. Saya! (parang ikaw…. toinks!) Naku kapatid… hindi lang TOINKS!…. Nandiyan pa ang wapak!… arot!…. tumbling sabay split…. etc etc…. May mga bago akong kakulitan sa blogosphere na ganyan ang mga expressions… kaka-buang! Nagbabasa na din sila ng mga panulat mo… Na-evangelize ko na din… Siyempre pinaboto ko din kay Ging-Ging!

    TOINKS ka din!

    i lost five kilos kakainom ng red wine so di na ako masyadong toinks ngayon. gagawa rin ako ng pausong expression. hmmm…

    sino naman yang kampon mo sa blogosphere at parang di ko pa naramdaman ang presensya sa blog ko? ipakita mo sa akin at pabotohin mo kay ging-ging! hehe…

  30. like that!
    irma daldal ahehehe
    asust🙂

    iba nga naman ang star appeal ni Irma, ano? lalo na sa hirit niyang “Diirrreeeekkk…” ü

  31. My choice Ning-Ning –
    Question for Ning-Ning: What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?
    Answer – Well , I hope to win a lot of friends who also loves collecting boxes of Nissin’s Yakisoba and Marlboro lights.Win or lose, Hope i win.

    kunsabagay, sabi ng kaibigan ko, kaya raw siya sumasali ng pakontes eh these are great ways to win friends of the same interest raw.ü tawa ako ng tawa sa huling hirit ni Ning-ning ha.ü

  32. Hmmmm boto ko si Manang Bola! dahil siya ay conservative like me😛

    She will paint the country black like Mr. O. ( la lang kasi nanalo siya hehehe para winner din ang country natin )

    ps. na email ko na password🙂

    wow, maka-Barry O. ka pala, libs.ü

    titingnan ko mamaya yung post. syempre, kapag ako na lang nandito.ü

    God bless!

  33. For Ging-ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

    Unwanted Pregnancy. I thank you.

    short but sweet…..and slutty!ü hehe…

    pero taps, pinasaya mo talaga ang mga die-hard ging-ging fanatics dito with your vote.ü

  34. kay gingging ako.seksi kasi sya at fresh pa tsaka MASSCOM mahilig sa mike ^^ toinks!

    for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

    I’d say peer pressure (habang nagta tumbling sabay split). I thank you! (mejo hinihingal pa)

    ***
    TITLED!! clap clap!

    mas panalo siguro kung pagkasplit eh nakatilt pa sa kaliwa ang ulo ni ging-ging with matching smile na may braces (as inspired by another great blogger, p0kw4ng. naks, p0wks, great daw!).ü

  35. LOL! Your post made me remember the first time my happy feet arrived in Manila. I was a fresh grad…ng grade six hahaha. At pinatulan ko ang Batibot…hanggang ako’y makatapos ng high school hahaha. Imagine, pers yir haiskul ko na na-meet ang pamilya nina Pong Pagong, Kuya Bodgie, Ate Siena.

    By the way, thanks for including me in your blogroll. Isang karangalan. Makabalik na nga muna sa blog ko. I’m going to fix my link page na rin😉 Will add you, too.

    si ate sienna, naabutan ko pang nagtuturo sa UST noong nasa college ako. anlayo na ng itsura niya sa batibot: mala-nanay sa katabaan, mahilig magsuot ng itim at nagyoyosi. na-conclude ko tuloy, mukhang di naging maganda ang relasyon nila ni Pong.

    thanks for adding me up!ü

  36. hala si brother utoy..nawala lng ako ng ilang araw at may kaguluhan palang ginawa dito..hehh napunta ka lang ng france at iba na pumasok sa isip..heeh

    pwd intayin ko na lang ang swimsuit competition..indi ako makarelate sa mga batibot babe na ‘to….iba kasi nasa isip ko sa word na batibot…yun lagi ang biro dito kung single ka, kawawa daw ang gabi at puro batibot lang…hahahah ano ba yan

    naku, islander, hindi yang batibot na yan!

  37. Hello po. Tanong ko lang po kung kelan ang coronation night? Hehehe..

    Wala akong tulak kabigin sa mga contestants eh, parang lahat sila panalo! Toinks!

    Makikigulo lang. hehehe…

    sa friday siguro kasi hinihintay ko pa ang pangakong flying voters ni Reverend.ü
    naku, welcome dito ang lahat ng makikigulo lalo na kung may sound na Toinks.ü pero baka isipin nyo na di ako siryosong tao. mabait ako. sobra. as in. grabe na eh.
    Toinks.
    God bless!

  38. winner ang bet ko sigurado hehe!

    we’ll see sa friday. welkambak, dench!

  39. Ayan, pwede pa po pala akong bumoto. Nde nga pala pwedeng all of the above ang boto eh dapat isa lang kaya pinag isipan ko pong mabuti ang aking napili, nde po ako nakatulog magdamag kakaisip.

    Ang boto ko po ay si GING-GING!!
    Baket?

    -Kasi inendorso sya ng Simbahan sa pangunguna ni Rev. Siopao, toinks!
    -Kasi mgaling magswimming sa mababaw na tubig, aawww!
    -Kasi nde ko alam ang sinasabi nyang plurking at nde ako taga UST, hehehe
    -Kasi sabi nga ni boni station, AB Masscom magaling humawak ng mic, aaww!!

    Question for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?
    Answer: Simple. Unwanted pregnancy, duh?! (sabay tumbling pero walang split dahil PAGOD ako!) bow!

    wow, panalo! second the motion ka sa sagot na yan ni Ging-ging. mukhang yan nga ang most likely answer ng ating beloved kolehiyala.ü abutan natin ng mike si Gingging!

  40. marami talagang mahilig sa kolehiyala.

    hehe

    sinabi mo pa.ü

  41. Friday na Bro. Utoy, marami ng naghihintay sa coronation night, toinks!!

    naku, nakakahiya, nalimutan ko! nagpramis pa naman ako. sige bukas gagawin ko. thanks for reminding me, jorge!

    blogspot ulit ang address mo.ü nasanay ka na ano?ü

  42. memory gap na yata ang tawag dyan… hehehe

    kelangan ko na ng sustagen premium! arrgghh!!!

  43. Hindi makatarungan ito!
    Bakit hindi natuloy ang coronation today?
    ‘Pag hindi nanalo si Ging-Ging at magkaroon ng switching ng mga balota… naku Utoy…. naku talaga! (nagbanta?)

    Manager ni Ging-Ging

    deadline of voting lang pala yung friday.ü (busy eh)

  44. Hala.. nagalit po si Manager ni Ging Ging sandali habol po ako ng boto!

    My vote: GING GING.. bakeet?
    – kasi kami’y walang kinikilingan sa pag tumbling
    – walang pinoprotektahan sa pag split
    – serbisyong asado at bola bola lamang ( toinks)

    Question for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

    Answer: the biggest challenge to young people in the Philippines today is ah.. eh.. ah.. ang maghanap ng BABOY NA MAY SPRING! (toink)

    hay apoo..

    naku, teentoinks, bakit ngayon lang ang vote mo?!! anong oras na, friday pa ang deadline!!! panalo na sana si gingging. ang totoo nyan, may humahabol daw ng boto kay manang bola kaya lang nag-eerror daw ang page ko. as useless…

  45. […] Utoy Presents: “Who Is The Next Batibot Babe!!!” […]

  46. […] mga cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, ito, ito, ito at ito at […]

  47. […] 5 Ang Eli-inspired na advertise you blog here! 6. THE SEARCH FOR THE NEXT BATIBOT BABE!!!! (ito at ito) 7. Pa-foodie-foodie kunyari na may recipes pang nalalaman (twelve posts) 8. […]

  48. […] mga cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, ito, ito, ito at ito at […]

  49. ang kuleht ng post mong ito bro.utoy tawa ako ng tawa
    mala padre fiel ka rin pala … ndi ko akalain na taga SSS etong si bro.utoy kung ndi ko pa nakita sa mga pix ni bro.jorge sa fb nya at namukhaan kita sa pix ni bro.ipe sa friendster nya eh …. nakita kita ruon ksma nya…

    pero sa lahat ng questions sa finalist no.4 ang gusto kong sagutin at kung makakapag pinta ako eto ang itsura gusto ko

    http://www.facebook.com/giboteodoro#!/photo.php?pid=4901194&op=6&o=global&view=global&subj=103173344186&id=626290406&fbid=401682325406

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: