Kinagat Ko ang Lemonada ni Angel

Isang linggo ko pa lang nakikilala si Angelnawalangpakpak ay isang award slash tag na agad ang iginawad niya sa akin.  Di lang pala pakpak wala si Angel.  Pasintabi rin.ü  (joks lang, dok!)  Alam naman nating iba-iba ang reaction ng ating friendly bloggerhood sa tag.  Sa iba ito’y parang chainletter na ikamamatay mo at ng lahi mo sa father side kung di mo susundin.  Sa iba naman ay isa itong obligasyon, isang pagtanaw ng utang na loob sa ka-blog mo na nagtitiyaga pa ring patulan ang corny mong posts.  Sa iba naman ay isa lang itong ka-jologan, parang slumbook noong highschool na ipinagdarasal nating wag na sanang mahanap at madala pa sa susunod na class reunion kasi jologs nga.  Pero sa tulad kong andaming ideya pero di makapagsulat, ang tag ay isang paalala ni Doc na sana’y magsulat naman ako ng may kabuluhan, sa halip na magpa-Miss Baranggay ako at lapastanganin ang alaala ng aking kamusmusan.  (sori na po sa buong cast ng batibot!)

Haba ng intro.

Eto na ang award.  

award yan, wag kang magulo.

award yan, wag kang magulo.

Ganda ano?  Di masyadong obvious na award.  Parang bukana lang ng get-well-soon card.  O kaya’y patalastas ng samalamig.  Pero sabi ni Doc, ang award na ito’y iginagawad sa mga blogger na may attitude bilang sign of gratitude.  Osya, attitude.  Igu-google ko mamaya kung ano yun.  At dahil utu-uto ako eh kakagatin ko ang pa-lemonada ni Doc.  Syempre, igagawad ko ang awards na ito sa mga bloggers na hinahangaan ko talaga, and not because may utang na loob sila sa akin dahil nag-tag din sila ako noong araw.  As in hanga talaga ako sa mga bloggers na ito, for various reasons.  Here’s the short list.  Isang dosena yan.  Sampu lang talaga ang required na pasahan pero ginanahan ako eh.   Sa mga wala sa list, pasensya na at pang-number 13th kasi kayo.  Malas daw yun, eh concerned lang naman ako sa inyo.  Osya, eto na raw.

  1. Bluepanjeet –  My good friend and my idol in blogging.  Hayup sa advocacies, nosebleed sa englisan, strong ang convictions.  Matagal ko nang pangarap na sana maging kamukha ng blog nya ang blog ko. 
  2. I Found Me – The record holder sa pinakamahabang comment sa blog ko.ü  It’s no easy feat kasi witty at intelligent ang content.  I can’t wait to meet this Bacoleña in person.
  3. Pinky at Leap –  My favorite real-life couples in the Internet which reminds me always of what a true family looks like.  Di yan bola!
  4. Utakmunggo – di lang siya Diyusa, sya rin ang pinakamadalas bumisita sa blog ko.ü  A woman with substance.  Oily substance.  (joks lang!)  Seriously, kahit hirap akong buksan ang blog niya, lagi ko siyang binabasa.  enjoy kasi.
  5. Honey – for the Pooh Bear in me.  Kapalitan ko ng recipe. She and her priest-brother are WWF fans.
  6. p0kw4ng – for the Isnoh Ber in me.  Eto, forecast.  Sisikat ang humor blog na ito.  Itaga nyo sa bato.
  7. Mix – One of my earliest members sa bloglist.  Great writer.  May humor at may puso.  Bow ako.
  8. Aling Baby – our exchange of emails a few months before really made me smile.  Go, Aling Baby, go!
  9. Libay – A diver, a golfer, at ngayon, movie maker! This woman never ceases to amaze me.  Never. 
  10. Geisha – Certified Fabulous, mapa-humor o serious na post. at napakahumble pa.
  11. Malen – because this Balinguyngoy Queen deserves an award.ü
  12. Kamotenista – hula ko Rosario ang pangalan nya kasi siya’y full of mystery.  (nyak, ang corny, mamatay na sana ako.)

As useless, di nila kailangang ipasa ito sa iba.  Award nga ito eh, dapat they shouldn’t feel any pressure.  Right now.  Yes, they shouldn’t feel any pressure.  Right now.

Additional:  kapag nag-hover ang cursor nyo sa name nila sa blogroll, you’d find the message “utoy is a fan of {{blog}}.”  Wala lang, idol eh.

At syempre, ang na-miss ni Geish, ang stainglass window of the day!

img_0820

Kuha ko ito sa isang little-known chapel namin, ang Eglise de St. Pierre Julien-Eymard, Avenue Friedland, Paris na ilang metro lang ang layo sa Arche de Triompe.  Ang mga modern stain glass window na ito ay di naman talaga kagandahan sa malayo pero dahil eye-level lang ang bintana, maaappreciate mo ng malapitan ang kakaibang stilo ng isang sikat artist na si Jean Piaubert: ang chipped glass technique.  Ayaw gumana ng captions so isusulat ko na lang kung ano ang nakasulat.  Yung second to the last, ang sabi “This is My Body” daw tapos yung last picture, ang sabi, “God is Love” daw.   Pwede nyo ulit i-click ang picture kung gusto nyong makita ang basag-basag na bubog nang malapitan.

Piaubert's signature

Piaubert's signature

"This is My Body"
"God is Love"

God bless!

35 Responses

  1. *shy*
    bigla akong tinablan ng pagmamahiyain. ( oo na, hindi ko bagay.) at dahil gahaman ako, walang madaming sabi ay haharbatin ko na itong award na ito bro utoy, bago pa man magbago ang isip mo.
    at talagang oily substance pa kamo ha. 2nd honor ka sa mga nagsabi sa akin nyan. hay naku. kung pwede lang irecycle ang oil para sa pagluluto ng deep fry. hahaha
    thank ko brother utoy! mwah! (lalagay ko sa sidebar ko para maalala ko parati. (ulyanin ang lola mo.)

    uy, UM, lambing lang yung substance ha. syempre, diyusa ka pa rin sa paningin ko.ü

  2. nakuuuuuu!!!! may utang na naman ako sayo. napangiti ako kasi ang dami kong utang na tag at mga award award. hahahaha! salamat sa award.

    ibig sabihin ba nyan, IFM, eh maiilibre mo na ako ng 5 stick ng batikolon sa manukan country kapag napadaan ako ng bacolod?üüü

  3. Sila nga ay magagaling na blogger at karapat dapat sila dine sa award na ire. Congratulation po sa inyong lahat ay mga bigay na laang kayo ng acceptance speech. Clap! clap! clap.!

    naku, si Tay eh mukhang malakas sa mga awards yan.ü may picture nga sya with ma’am torralba ba yon? salamat sa pagbisita!

  4. Aba aba, makaganti nga… hahaha! Salamat Bro. Utoy, parang mabibilang ko na lang kayo sa daliri ko na dumadalaw sa aking blog hahaha! Hayaan mong gawin ko ang tag na ito sa pinakamadaling panahon! ingat palagi! MMMMWWWAAAAAHHHH!!!!

    pare, wag dito, nakatingin sila eh. hehehe….

    you’re welcome, mix. God bless!

  5. oi pasok ako sa banga! hindi halimaw huh!
    i am teary eyed kuya at nasali ako sa tough ten..heehe (janina ikaw ba yan?)
    These adjectives made it so!

    “Certified Fabulous, mapa-humor o serious na post. at napakahumble pa.”

    Thank you kuya! Ur the best!

    I’ll make this tag asap!

    kisses from Geisha Diaries! :*

    you’re welcome, Geish. alam mo naman, this tough ten is… are… was… alredi my blogging pamili.

  6. huwawwww! kendeng kendeng muna nga ako..di ako makapaniwala na may award ako..isa pang kendeng! kendeng pa ulit! kendeng…kendeng pa!

    hay naku baka maghapon akong kumendeng ng kumendeng nito sa sarap ng feeling..para akong nakaraos ng 10 sa sarap!

    salamat utoy..salamat…salamat po! pakabait ka dyan ha at wag papatukso sa mga keso!

    saglit…papaano ko ba maiuuwi ang award na yan..ipapalamenate ko muna,hihihi (blush like rambutan)

    hehehe… pero seriously, fan ako ng blog mo.
    buti na nga lang at naligaw ako dun.
    anlungkot sana ng umaga ko kung nagkataon.
    haaayy….{{*buntonghininga ng malalim*}}
    hehehe… God bless and always pray to Papa Jetut!

  7. hahahaha! buti wala ako sa top12. tamad ako sa mga ganitong eksena eh. ganda nung window sa chapel! yung cousin ko ring madre sa italy, ganito sinesend sa akin.

    huh??!!!

  8. nyaiks tag hehehe ukies ukies pwamis gagawin q yan soon! thanks bro! God bless!

    Ok lang, honey, kasi di ko naman ni-require na ipasa agad sa iba yung award.ü God bless you too!

  9. eeeeeeeekkk!! naku….muntik pa akong ma disqualify ah. buti at nakahabol sa 11th slot. HAHAHAHHA

    thanks brother, being part of your blogroll is an honor already

    being part of your blogroll is an honor too!ü
    in no particular order naman talaga yung pagkakasulat ko. nauna lang si bluep kasi… kasi… takot ako sa kanya at baka bugbugin ako.
    Peace, bluep!üüü

  10. si brother talaga… makabuluhan naman para sa akin yung sinulat mo tungkol sa cast ng Batibot ah. Hehehe…

    kunsabagay, talaga namang inspiring, motivating at life-changing ang maging next batibot babe.
    next stop, who will be The Next ER Babe!üüü
    handa mo na swimsuit, Doc!

  11. haha😆 para ngang di award to. lols.

    heniways, tenks sa pagdaan sa blog ko brader utoy.

    na-miss ko nga yung mga trophy na nabibili sa Recto.

    babalik ako’t magaling ka kasing kumodak.ü

  12. waw. brother panatilihing madami ang kaibigan at pag onor sa kanila! =)
    (applause! applause!)

    thank you, thank you!

  13. Wow! Congrats nmn sa mga may award! Pacheese burger naman kayo! hehehe..

    Kuya, nakalipat na po ako ng bahay, eto na po ung bago kong blogsite:

    http://bloggerjorge.wordpress.com/

    Welcome nyo naman ako sa wordpress family! Toinks!!

    iniimbitahan ko ang lahat na dumalaw sa blog ng mga napakagagalang na batang ito, maliban na lamang sa mga ilan dyan (kilala nyo kung sino kayo) na makakacorrupt lang ng isip ng mga minors.üüü
    I updated the link na, Ooqay. God bless!

  14. speaking of recipes… how do u cook couscous? pls help!

    naku, honey, instant ang mga couscous dito! ilulubog lang sa kumukulong tubig then that’s it. nonetheless, they taste great, specially the yellow variety. compliments with fish, beans and curry dishes.

  15. naks! salamat parekoy! hehe. minsan nga lang ako “kumodak” kasi di naman ako photoblogger.

    di kaya. para ngang pang-wedding album yung photos mo eh. maganda ang kulay at composition. bakit nga pala beero ang handle mo?ü

  16. salamat po sa “NEXT STOP.. BONISTATION” added kanadin sa blogroll ko. ^^

    nakakatuwa ang pag kagat mo sa lemonada ni angel na walang pakpak! parang teaser lang sa isang pelikula ah! double meaning para katulad kong mahilig…. mahilig sa lemon! toinks!

    GBU!

    hehe… get the salt ready, slice the lemon and…

    tequila shots tayo, boni!

    pero, teka, bawal na pala ako dyan.

    uhhhmmm… mompo shots tayo, boni!

    Toinks!

  17. ayan masunurin ako Bro. Utoy…

    http://wouldificould.wordpress.com/2008/11/18/award-daw/

    nakita ko nga eh.üüü tenkyu, tenkyu! God bless!

  18. Kuya, 5 lang? baticolon pa? Kahit 5 lechon manok pa sa dami ng utang ko sayo! sama mo si Kuya Bluep, Rev. Jhoen and Bro. Moi ha? sineseryoso ko na to. kinakarir ko na!

    totoo ba ito, IFM?ü nagbabalak talaga akong pumunta ng Bacolod!

  19. Congrats to the web who got the “Lemon Award”.
    Doon sa blog ko may pa premyo ako ng bulok na kotse,model 19kopong-kopong sa blogger na maka hit ng one million.Cut and paste and picture. Hehehehe!

    wow, may papremyong vintage car raw si cocoy! (nasa labelling lang yan, parekoy!)

  20. gagawin q na… mayamaya nkapost na tag n2 hehe… naubos na ang tsokolateng padala nung pranses q na student di q pa naluluto ang couscous n pdala nya, di q nman kc magets ang instructions huhuhu… bhala na eeksperimentuhan q n lng kc popost q pano q niluto pra nman mtuwa ang student q. exchange kc kmi ng local fuds tsaka nung isa ring aleman n student. plan q sana padalhan ng dried fish kaso bka mhimatay sla sa amoy hehe or salted eggs kaso bka balot or century eggs n pgdating sa knila, any suggextons bro ano ppdala q? haba n n2 ah… plan q kc sna samting n tlgang wla jan sa europa… God bless ulet

    napansin ko, gusto nila ang cubu dried magoes. atsaka bicol pili marzipan. atsaka bohol peanut kisses. at bulacan inipit. at yung pampanga polvoron. at batangas macapuno balls. at syempre, mangosteen candy at candurian yema from lola abon’s.ü
    sidecomment: paborito ko ang mangosteen. nag-uubos ako ng allowance para sa prutas na ito. sarap!

  21. akala ko ay blogger babe contest..nakita ko kasi dito ang mga dyosang ka-rubbing elbows ko sa blogosphere na sina UM, IFM,Kamots at Geisha…binasa ko kaagad yung kay mareng IFM ko…at nakalagay dun na witty at intelligent…apir tau dyan, kuya,agree ako sa sinabi mo..dagdagan mo pa ng full of charm.

    pramis kuya na hinding hindi ka mag sisisi kapag na meet mo si IFM…sobrang bait at pretty..

    teka nga po pla, bakit parang si IFM lang po ang gusto nyong i-meet???
    ayaw nyo po ba kaming makita??*hikbi*

    naku, Doc! dapat kasama ka sa award! nasa list kita sa papel, nalimutan ko! what’s wrong with me? AAARRRGGGHHHHH!!!!

  22. @Rio, takot ako mameet ka baka bunutan mo ako ngipin haha Joke lang

    @Utoy, as usual may altar na naman ako dito sa blog mo. Napaghahalata tuloy na publicist kita LOL Masyado naman yung description mo, mamaya icopy paste nila mga entry ko sa MS word tapos magkulay pula at green lahat ng guhit haha.

    seriously, ang modest mo oi! ikaw nga kako ang tutor ko sa grammar at greek mythology ano kaba. And I’m happy na you have now your own followers and ADMIRERS ehem hahaha

    pwede na ako mag retire at andyan ka na kasi ang totoo nyan kakapagod na mag ka pepe. Nauumay na talaga ako haha

    Anyhow congrats sa award. di lang yan dapat. Inominate kita sa catholic blog award chenes pag nagka oras ako at sinipag.

    Magtatatag na ako ng Kulto dahil dumadami na altar ko sa mga blog LOL

    PS. Di mo ba alam na mirror image ng blog mo ang blog ko? Notice the similarities. If you are keen, observant and analytical, you will notice the similarities which others cannot see haha. Its like a da vinci code. Remember that similarities encompass physical and aesthetic values.

    Thanks sa award. Rest assured delayed na naman ang entry ko about dito sa tamad kong ito.

    pwede pa ba ako sa Catholic Blogs eh puro sexual undertones at kabalbalan tungkol sa Batibot ang laman ng blog ko?ü

    mirror image? naku, buking na ang pagiging copycat ako!üüü

    uy, yung latest kong stainglass window, sinong mga saints ng franciscans yun?

  23. LOL Nabasa ko yun, bugbugin ka jan LOL. May pics nyo ako ni moi sa france haha ipopost ko soon LOL

    @IFM sige sige ilibot mo kami sa buong bacolod ha. tapos bora tayo LOL

    hehehe… gusto ko ang planong ito. sobra. mga bwisit kasing pranses ito, ayaw pa akong pauwiin!!!

  24. @ BLUEPANJEET – ginagawa na natin tong tambayan ni Bro. Utoy ah. hehehe! hay naku! kayo na lang hinihintay ko dito no. magsabi lang kayo at may instant tour guide na kayo. Kung matutuloy pa si Bro. Utoy, then sya assistant ko kasi naging adopted Bacoleno na rin yan. Wala rin akong problema sa Bora.. hehehe! ang problema dyan ay kaya niyo kayang makitang naka 2 piece ako? bwahahaha! baka biglang bumagyo sa bora at masira pa ang bakasyon ninyo.

    ang two-piece daw ni IFM eh baro’t saya. syempre, yung tipong pang-Misss Masskara.ü
    Miss ko na ang Bora, IFM. As in.

  25. @IFM asus pag nag two piece ka eh wala naman problema dahil you have the body.

    kayo mamromroblema pag nag trunks ako hahahaha I tell you, it will rain with fire if that happens LOL

    ahh, wala kayo sa lolo ko… hehe…
    aliw ako, ginawang chatbox ang comment page!

  26. @ BLUEPANJEET – hahahahaha! yes, i have the body of a coca cola litro bottle. tsaka ano ba yan? rain with fire lang? dagdagan mo pa ng strong winds and earthquake! hahahaha! problema na ng mga tumitingin yan. kung ayaw nila ang nakikita nila, eh di hwag silang tumingin, di ba? maghahanda na ba ako ng pagdating niyo dito? 5 baticolon lang pala ang magpapasaya kay Kuya Utoy…. ikaw? ano gusto mo? ipapasara ko na manukan country nyan pag natuloy kayo.

    litro bottle? sexy pa rin yun, IFM!

    may request pa pala ako, 2 stick ng isol.ü hehehe…

  27. naku di ata ako nakain ng baticolon LOL. Dati kahit kuko ng bayawak kinakain ko, pero dahil sa takot na ako magka liver C at colon C eh nagiiwas na ako sa mgga grilled at hilaw. hmmm alam mo ba peborit ko? Fried rice with either breaded porchchop, chicken breast o kaya prawns (camaron) o squid (calamares) . Basta kahit ano breaded haha. then with nido soup, lumpiang shanghai, morcon, caldereta and sweet and sour breaded pork.. eto pa… hardinera, at wendys, mcdo o burger king hamburger, fries at spaghetti!!!! nyahaha

    tapos masarap na double dutch ice cream o kaya rocky road. Then chocolate cake sa red ribbon o kaya donat sa krispy kreme hahahaha

    tapos sa huli may malamig na malamig na redhorse o kaya naman san mig light na may pulutan na sizzling blue marlin.. tapos yosi to death hahahaha

    parang kakatayin ano haha Joke lang yung yosi. Ano nga utoy?

    oo nga, hindi nagyoyosi yang si bluep. {{ubo…ubo…}}
    hehehe…
    naku, IFM, kailangan siguro dalhin natin sa Pala-pala itong itong si Bluep. ako, personal food paradise ko yun!ü

  28. @ BLUEPANJEET – ipapasara ko na nga lahat ng restaurants dito! hahahah! magagawan ko ng paraan ang prawns at squid at blue marlin.. pero gusto ko try mo ang mga bacolod foods… red ribbon marami yan dyan sa manila.. you should try the yung mga cakes gawa dito.. basta! meron pa dito masarap na masarap na burger na di mo pa natitikman at feeling ko dito lang sa bacolod yun. yun kasi ang inaraw araw ng mga kaibigan ko dito… kulang na lang isusuka ko na….

    dapat puro san mig products ang iinumin mo kasi patay ka sa mga former colleagues ni kuya! hahahaha!

    sobrang natuwa naman ako sa dalawa kong “lemonade awardees.”üüü nawala lang ako para magbless ng patay eh pagbalik ko, tinadtad ako ng comments.
    pero seriously, ako gusto ko talagang pumunta ng Bacolod. gusto ko ring marating yung ruins na nakita ko sa blog ni Beero. gusto ko nang kumain ng grilled scallops at chicken inato. gusto ko nang makarinig ng malalambing na conversation na nag-eend sa “bala” at sa “haw.” AAAHHHRRGGGHHH!!!!! Punta tayong Bacolod, Bluep, Jhoen, Moi!

  29. hahahahahaha! alam niyo, mga kuya, kapag ending ng sentence ay BALA., expect na ang gist ng karamihan ng sentence na yan ay tsismis. mas matindi pa yan kung may kasamang facial expression. affirmation of tsismis na yan. hahhahaha!

    Sabihan niyo na kasi ako kung kelan kayo gustong pumunta dito. Mga gusto ko kasing kasama ang mahihilig kumain kasi marami ng pwedeng makainan dito. Tsaka punta tayo dyan sa Ruins kasi yan ang latest na attraction dito. Sabi ko nga kay Mix dun ako magpapakasal kaso ngayon ibaon na lang natin yan sa limot. hahhahah! AT dapat bigyan na rin ako ng award ng The Ruins kasi ilang bisita na ang dinala ko dun. halos lahat ng anggulo ng mansion na yun eh may souvenir photos ako gawa ng isang photography club na naging bisita ko nga dito.

    di ko kyo pababayaan dito pero walang magrereklamo sa sobrang busog ha? hehehe! kapag kayo dumating dito, dun tayo magbebreakfast sa kuppa. it’s a coffee shop with the nicest burger in the world. tsaka di lang sa pala pala tayo kakain. dun tayo sa balaring. nasa silay yan na ang mga kainan eh by the sea and overlooking the sea. tapos punta tayong mambukal resort. yan ang resort na owned by the provincial government. o di ba ang taray? tapos puro kain, kain at kain na lang ang gagawin natin. Naku, Kuya Utoy, favorite ko rin pala yang isol pero hwag sobra ang pagkain nyan. baka bigla tayong kunin ni Lord.

    Kung gusto pang magboracay, aba, humanda kayo. magtotwo-piece talaga ako. tatakpan ko mukha ko at buong katawan. hahahahaah!

    Teka, Kuya Utoy, namimiss mo ang Bacolod pati ang pagkain dito at ang Boracay. Kaming lahat ba hindi mo namimiss? hehehe! sige na, Brother, ano gid bala hawwwwww???? hahahaha!

    ti, nahidlaw man guid ko sa inyo haw.ü

    uy, salamat sa award ha. ikaw talaga. pakiramdam ko tuloy, fil-am ako na six-feet tall, blue eyed at may killer abs.

    at complete na ang iterinary ah.ü ala, IFM, parang ayoko nang abutan ng pasko dito! gusto ko nang umuwi at magpunta ng boracay at bacolod!

  30. wow naman…touched ako at napasama sa top 12 hehe….

    kakabalik ko lang kuya!

    napost ko na rin po itong assignment ko.🙂

    chalamat ulit!🙂

    labs talaga ako ni aling baby.ü welcome back and God bless!

  31. Salamat sa pagkakasali namin sa iyong “Sandosenang halo, sandosenang sarap” list! Ka-touch naman…😀

    Kaya lang, Bro, please bear with me ha… medyo mahaba na kasi ang listahan ko ng mga pinagkakau-“tag”-an. Dapat e i-schedule ko na ang “repayment scheme” soon at kundi e baka mag-request na ako ng “bail out” – hahaha!😆

    Take care and God bless!

    not to worry, Pinky, kasi I’m freeing my “awardees” from the responsibility of giving the awards to others.ü Gusto ko lang talagang irecognize ang mga blogger-friends ko.ü
    How was the trip to Prague? will be expecting lots of pics!
    God bless!

  32. […] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and […]

  33. naalala q bigla meron nga pla aq coment asking help ano ppdala q… nkalimutan q saan tlgang sa 2nd page pa aq naghanap bwat entry d2 lng pla hehehe… dami pla nla gus2 naku mas malaki p gagastusin q sa shipment kesa sa ppdala q… 2 ksi sla bro, france and germany… ung tga france, ppdala q na sa knya rin ung pra sa iba kong french studes then xa na magpapadala sa knila… 2k plus daw for 2klos ata… pnkamura na un haaay… uhm alam mo ba di q p tntikman ang mangosteen n prutas hehe mrmi d2 yan… kendi gus2 mo? hehehe

  34. […] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and […]

  35. […] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and “Blogger […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: