KATAKAWAN is a four-letter word…

As useless, abala na naman si Kuya Utoy sa mga pulung-pulong, bertdeyan, sleepover at iba pang pakulo ng parokya sa kabilang bayan kaya heto’t magrerepost siya ng isang napakalumang article (halos magtatatlong taon na) galing sa Friendster blog nya. hehehe…  Babalik din siya agad, pwamis.
Hmmm… bakit nga pala ako nagsusulat in third person?   Anyway…

BABALA:  Una, yucky, kadiri, gross, icky, abominable, luod at karimarimarim ang post na ito.  Best read while eating goto, tiyesa or champorado.   Pangalawa, englisan ulit ito, pero di masyadong balinguyngoy.

Osya, eto na…

 

MY MEMORABLE TRIP TO ST. LUKE’S HOSPITAL

January 6, 2006 9:30pm. Jonel and I had just arrived from Mt.Carmel Parish. We just joined the parish’s preparation for vocation promotion gimmicks, among which, of all things, is a dance number. Imagine a bucketful of nuns and seminarians in their most “kabanal-banalan” wear, turning the church sanctuary into a veritable dancefloor, all in the name of attracting vocations. I can already see this year’s number of postulancy application soaring… Anyway, since we came late for supper, wala nang natirang pagkain. We’re no Lady Han and Jang Geum so we just began raiding the refrigerator for the edibles. Naku, it was like a highschool reunion.  To each chilled barely recognizable clingwrapped food, my pickup line is “Uy, kamusta na!  When have we met na nga?” And then, I found this leftover burger steak at the microwave. Hmmm… mukhang OK pa.

 And so began the saga…

+ + +

January 6, 11:45 pm. I vomitted.

+ + +

January 6, 11:55pm. I threw up.

+ + +

January 7, 12:05am. I barfed.

+ + +

January 7, 12:30am. I puked and then, I realized how rich my vocabulary is for the word “vomit”. Reflecting on the nuances of each word, I recalled Zaldy to have experienced the same last year so I knocked at his door to ask for some meds. He gave me some Flagyl.   I know it’s for amoebiasis but the illusion of having taken a medicine comforted me somewhat. 

+ + +

Jaunuary 7, 12:50am.  As I began to gag over my own retch, which, by the way, is becoming watery, I noticed, that at the succession of food I have lurched out (some of them, I already forgot), I already heaved on the breakfast I had yesterday. This is bad. Really bad. I went to call on Zaldy who, alarmed, informed Fr. Poli about it.

+ + +

Jaunary 7, 1:05pm. I found myself being rushed by Fr.Poli, Zaldy and Kuya Ren to St.Luke’s. For no clear reason, I brought with me a pair of boxer briefs and a bath towel. I regretted forgetting to bring along my reviewer for Theodicy and Metaphysics. Sayang…

+ + +

Jaunuary 7, 3:45am. It was gastro-interitis, caused by food poisoning. Recalling all I have eaten (it is quite a long list, trust me.), I’m quite sure it is the burger steak. Haay naku…

+ + +

Epilogue. Fr. Poli and I went home at around 6:30am.   That whole Katakawan episode taught me: 1. to eat only the food items found inside the refrigerator, not in microwaves, 2. to smell the food first, tentatively taste it, and create a judgement before devouring on it as I always do, 3. that it does you no good to know the synonyms for “barf” but it is still fun to know them, anyway.

and that is how my field trip to St. LUKE’s Hospital went…

 

At siyempre, pagkatapos ng mga kabalbalan tungkol sa kasibaan at pagsusuka, segway tayo sa holy art naman.  Ang ating Stainglass Window of the Day!  (Swabe ang transition diba?ü)

Mary and the Franciscans

Mary and the Franciscans

Ito ay na-picturan ko sa loob ng Sanctuaire de Notre Dame de la Salette noong nagpilgrimage ang Diocese of Grenoble-Viennes sa Corps, ang bayan kung saan nagpakita sa dalawang batang pastol ng kambing si Mariang umiiyak.  Tabingi ang pagkakakuha ko kasi maraming tao at nagtatago lang ako sa may poste.  Actually, ang highlight ng Marian Shrine na ito ay hindi ang mga stainglass windows kundi ang mga murals na ginuhit ni Jean-Marie Pirot-Arcabas, isang sikat na contemporary painter ng France.  Sige, dahil malakas kayo sa akin eh ipapakita ko na rin kahit di naman sila bintana kundi mga paintings.ü

Pantocrator

Pantocrator

Wedding at Cana

Wedding at Cana

Mary at the Foot of the Cross

Mary at the Foot of the Cross

Hangang hanga ako sa mga paintings na ito, sobra.  Muntik na akong ma-late sa outdoor Mass sa kaka-appreciate ng mga obrang ito ni Arcabas.   As useless, pwedeng i-click ang mga picture pero ngayon, look for persons in the picture kung saan ang mga mata nila ay nasa iisang pisngi pareho!!!  I’m not joking!  Meron talaga, sige, i-click nyo.  
God bless!

34 Responses

  1. yehey una ako!

    ayan! katakawan! hindi natunawan! hahahah

    in fairness huh i love the stainglass today! ang ganda.. tsaka the paintings are realistic!

    ang totoo niyan, simula nun, di na talaga ako kumakain ng burger steak.ü

    salamat pala sa award! parang nagpalitan lang tayo.ü hehe…

  2. naku! 2nd to the highest and prettiest geisha ako!

    Alam mo, yang gastroenteritis, nanotice ko nangyayari yan sa mga mahihilig kumain… hehehehe!

    ang ganda sobra ng last painting!

    madalas akong ma-gastro. masama ba yun?

    ang nakakataka, simula ng maligaw ako dito sa Pransya eh di na muling sumakit tyan ko. sa tubig kaya yun?

  3. I’m quite sure it is the burger steak. –> i thought so bro. utoy. ingat ka sa mga kinakain mo. kung pwede, gawin mo muna yung universality edibility test. ahehe.

    ayos ang segway ah. marami akong matutunan sa blog mo brader utoy. baka sakaling bumait na ko katulad mo. hehe.

    nga pala, di ako makareply dun sa previous post kasi nawawala yung page pag ino-open ko. sagutin ko lang tanong kung bat “beero” ang handle ko. handle, you mean nickname? uhm, mababaw lang ang rason brader, mahilig lang talaga akong uminom ng beer. cheers😎

    nawawala ang page? naku, bakit?

    add kita sa blogroll ko ha.ü

  4. Tol I think they are not franciscans but Dominicans. Mary is drawn as our lady f the Rosary. The nun in the left receiving the rosary from Jesus is St. Catherine of Siena who had an invisible stigmata during her lifetime which is represented by her crown of thorns and the one on the right is St. Dominic which is known for his lily on his hand and the one who started and propagated the Rosary. Their garb are not brown but gray and that they have no cincture on their waste with the 3 knots which symbolizes the Franciscan order’s three vows of poverty, chastity and obedience. Im not sure pero I have the guts that they are Dominican saints.

    wow andun pa pala si Kuya Ren noon? I too was a victm of food poisoning last 2000. Pero wa epek kasi di na ako dinala sa ospital. ako alng ata di nagpaconfine nun sa lahat ng na food poison noon. Kinaya ng tyan ko haha.

    naku, ganun ba? di ko nakilalang dominicans kasi iba yung kulay ng damit nila atsaka medyo kalayuan sa usual depiction si st. dominic (may balbas, may star sa noo) atsaka it’s a rarity to find stainglass windows in france depicting the Dominicans.ü di siguro sila stainglass-genic (as opposed to photo-genic).

    truth to tell, ako rin asero dati tyan pero after this incidence, madalas na akong sumasakit ang tiyan. nawala naman since mapadpad ako dito. sabi ng superior ko, milagro daw yun ng founder namin.ü

  5. At pangatlo ako! Awwwoo!!
    Hehehe, naku, hinay hinay lang sa kain bro.. Natawa naman ako dun sa panghihinayang mong nde madala ung reviewer mo sa Theodicy and Metaphysics, hehehe. tambling ako dun ah pero walang split kasi pagod ako, toinks!!

    Wow, ang gaganda nmn ng paintings tsaka ng stainglass, two thumbs up!

    hirap kasi ng subject na iyon, jorge. honestly, mas gusto ko pang ma-ospital kesa sa mag-quiz ng sabay sa dalawang subjects na yun. toingks!!!

  6. Ngak, pang lima pala ako, may nakasingit nung sinusulat ko ung comment ko, huhuhu.

    hayaan mo, sabi sa fengshui eh swerte raw ang pang-fifth. mas maayos ang pasok ng pera.ü astig ka pala, jorge. malaysia boy!

    bakit pala blogspot pa rin ang gamit mong address sa comments?ü

  7. I regretted forgetting to bring along my reviewer for Theodicy and Metaphysics. Sayang…>> haha..pambihira ka kuya, hindi na nga maganda pakiramdam mo,iniintindi mo pa ang exam mo..
    ingat ingat po sa mga kinakain..=}

    medyo di kasi katalinuhan sa philosophy si bro. utoy eh. kailangang mag-extra effort.ü

  8. While reading the article, I was thinking of what rio had commented — may sakit na nga eh naisip pa ang Theodicy at Metaphysics😀. At nang mabasa ko ang Metaphysics, naalala ko tuloy yung propesor kong sa philo na kabisado ang buong aklat pati commas at colons at naalala ko na naman ang first cause argument…waaaaaaa….

    aba at alam pa ni Nortehanon ang quinque via ni st. thomas.ü God bless!

  9. brother, for vomiting po ang FLAGYL at hindi for amoebiasis. pero pwede rin po siyang ipainom sa isang may amoebiasis kasi nga nagsusuka-suka rin naman siya.

    pandagdag ko sa iyong sangkatutak na synonyms for vomiting: EMESIS.

    at natawa ako nung sinabi mong nakalimutan mong magdala ng reviewer kahit maoospital ka na. kasi parehas pala tayo. kasi po, ang excuse ko, tagong nerd po talaga ako. eh kayo po?

    last but not the least, ingat po sa katakawan. lab namin kayo! =)

    ha, ganun ba? akala ko for amoeba kasi yun ang reseta sa akin for one week noong college ako after madale ako ng amoebiasis. uminom ksi ako ng tubig-ulan na sinahod sa drum sa Baguio.ü

  10. nga pala bro. utoy, ire-recommend ko talaga yung mansion ruins sayo. i personally liked the place. sana nga makabalik ako next year. kita-kits na lang pag ininvite kayo ni IFM. hehe😆

    ganda talaga, based on your pics. parang haunting nga eh. sung tipong may lilitaw na white lady sa pics kung pipicturan ng gabi.ü

    pero, talaga, gusto ko pumunta dun.

  11. ay gusto ko yan..para mamayat,hahahaha!

    makakain din nga ng burger,hihihi

    ingat sa mga kinakain lalo na sa mani….

    anghilig ko pa naman sa mani.ü

  12. Whoa nice pictures!

    thank you, thank you. andilim na simbahan na yan. kahit may flash at mataas ang ISO, di umubrang lumiwanag.

  13. @siangelnawalangpakpak,

    hello angel,

    Icorrect lang kita. Flagyl is not antiemetic. It is an antibiotic with a generic name of METRONIDAZOLE used to control, purge or eliminate one-celled protozoans like ameoba.

    The reason why we give FLAGYL is not for SYMPTOMATIC purposes but because we want to eliminate the amoeba in the GI tract. When we say symptomatic, we mean we treat the symptoms and not the disease itself. Usually we only give this drug that treats symptoms rather than the causative agent (the one thats causing the disease) in cases of viral infections such as Belle’s Palsy, HIV, common flue etc.

    In the case of Ameobiasis, its not a virus but a protozoa, therefore it is not treated symptomatically but directly.

    You don’t give Flagyl when there is food poisoning since one of the s/e of Flagyl is nausea, dizziness and vomiting hence it will only reinforce the emesis (vomiting of the patient.). We do not want the patient to be dehydrated since he or she is already suffering from diarrhea.

    FLAGYL is therefore commonly given to patients suffering from amoebiasis (causative agent Entamoeba Histolityca) since the MAJOR s/s of such disease is Diarrhea and not vomiting.

    In the case of Utoy, he was given Flagyl because the food he ate might have contained amoeba or any protozoa for that matter. But is ameobiasis also food poisoning?

    Ameobiasis is not food poisoning technically, its just that the Drug Flagyl is also potent for other protozoans that ARE causing the food poisoning. There are so many cases of food poisoning. Food posoning is only a category. Therefore, Flagyl can be or cannot be given depending on the case of the patient. Case to case basis in administration, just like in any drug.

    But we are clear that FLAGYL is an ANTIBIOTIC and is NOT an ANTIEMETIC

    Just a friendly correction so that others may not be mis-informed

    LOVINGLY YOURS

    Bluepanjeet — yung merong pakpak

    PS- Labs ka rin namin iha.🙂

    dati chatbox ang comment box ko, ngayon naging encyclopedia of pharmacology na.ü binalinguyngoy ako sa comment mong ito, bluep.

    i think i agree with you kasi syempre, experience-wise, madami akong alam sa amoebiasis tulad ng fish-odor, watery consistency, presence of mucus and fresh blood on the… uuuhhh… teka may kumakain.

    teka, kaanu-ano ng protozoans ang bozanians?

  14. i will tell you a little secret. if you hate someone and he/she doesn’t know that you hate him/her and he/she loves to drink, give him/her flagyl with alcohol.. siguradong lalabas bituka nun. hahahaha! i’m bad!

    ganito yun… flagyl is the number one kontrabida to the parasitic agent called E. histolytica kasi once mahawakan na sa leeg ni flagyl si e. histolytica, flagyl will block some of the functions ni e. hystolytica. ang gagawin ni E. histolytica, magpapakamatay na lang sya kasi di rin naman sya makagalaw at kulang ang powers nya para lalong lumalala diarhea mo at mag-invade ng liver, lungs at kung ano pang organs mo. powerless kaya nagsusuicide!

    honga pala, flagyl (generic:metronidazole) is the drug of choice for amoebiasis. (reminder lang to sa mga nurses na kukuha ng board exam)

    para di lalo magkagulo, tingnan lang natin ang pinakasimpleng difference ng gastroenteritis at amoebiasis. sa amoebiasis, commonly walang vomiting. sa gastroenteritis, feeling mo babaliktad tyan mo at bituka sa kakasuka. PERO pareho silang may diarrhea. So ano gagawin kung nangyayari sa inyo ang mga ganito? bumili kayo kaagad ng ORS or oral rehydration solution. Para ano? para hindi maging dehydrated. ayoko ng pahabain pa kung anong mangyayari kung dehydrated kayo. Kaya after uminom ng ORS, punta kaagad sa hospital. Bakit ulit? Para ang doctor ang sisihin ninyo kung may mangyayari sa inyo. nyahahaha!

    ayan, nirephrase ko lang ang sabi ni Bluepanjeet. hahaha!

    naalala ko tuloy ang TKO (Tubig, Kubeta at Oresol) na commercial ng PIA (Philippine Information Agency) noong noong araw.ü

    tapos meron pa silang animated feature kung saan mga monster sila Pagtatae at si Dehydration. nakadiri kasi tumutulu-tulo pa si Pagtatae.

    sabihin nyo namang napanood rin ninyo ang mga commercial na ito para di ako magmukhang galing 19-kopongkopong.ü

  15. huwaw danda paintings!

    hala naguluhan ako sa mga doktor at nars hehehe sa akin ka pagamot i hahardware reset ko yan pag di nakuha ng software lols…

    pwede na nga ako magpa-convention sa blog ko regarding amoebiasis. tanong ko nga pala sa kanila, anong tamang pronunciation nun: a-MI-bayasis o ami-BA-yasis?

  16. ang ganda nung 2nd painting. i bet ang laki2 nun. pag angat ng mukha ko kitang kita kht malabo na mata ko sigurado

    sa pagkain bakit ganun kasi? minsan lagi titignan maigi ang kakainin lalo n pag baboy. pag iyon kasi medyo delikado na what more sira pa tas masira pa ang tiyan.

    teka di na ko nkakakain nyan, masarap p rin ba? lol

    ingats!

    mangiyak-ngiyak pa nga ako sa picture na yan. honest. may soft spot ako sa mga nanay na umiiyak.

    burger steak? dito sa france, the steaks are almost raw (as in may dugo pa) pero never pang nasira tiyan ko.ü yun nga lang, nakakataba pa rin.

  17. soska brother utoy naman kasi kung bakit ikaw at si sarge eh hindi muna pinasasagi sa taste buds ang pagkain. lagi ko nga siyang kinakantahan ng “may bukas pa sa iyong buhay…” hehe kasi kung lumunok parang babarilin na sa luneta kinabukasan. oo, brother, lunok. kasi hindi na ninyo nginunguya ang food nyo. (wag kang magulo, wag kang papalag dahil nakikita kita ngayon sa bolang kristal. hehe)

    natawa ako sa pagbati mo sa food kasi ganon rin ako minsan. “uuuyy!!! long time no see, ah. kumusta?!”

    hehe

    syempre, kapag nakasama mo na ng tatlong araw sa mesa ang isang ulam, friendshipan na kayo diba?ü

    saka sa seminaryo, uso ang hindu cuisine. yung tipong ang ulam, nare-reincarnate ng ilang beses. minsan nga, may tawge (toge) kami for lunch na di naubos. naging sahog ng pansit sa meryenda sa hapon kaya lang di pa rin naubos. kaya naman naging filling ng lumpiang shanghai sa gabi.ü ang galing no, naka-three lives ang monggo sprout!

    God bless!

  18. talaga? madalas ka na gaganyan dito? sensitive pala ng tyan at bituka mo, Kuya… ganito lang yun, Kuya. It’s either di ka naghuhugas ng kamay pagkatapos mo magpupu o di naghuhugas ng kamay ang nagpeprepare ng pagkain mo pagkatapos nya rin magpupu. hehehe! Posible sa tubig din….

    sa tingin ko, sa tubig yun. since dumating ako dito sa kabundukan eh nawala na ang sakit ng tiyan eh.ü

  19. ako naman Bro. Utoy….

    http://wouldificould.wordpress.com/2008/11/21/blogger-buddy-award/

    tengk yu. tenk yu!!!
    bakit naman bireyk mo ako agad? di pa tayo nakakapili ng themesong ah.ü
    God bless!

  20. saka sa seminaryo, uso ang hindu cuisine. yung tipong ang ulam, nare-reincarnate ng ilang beses. minsan nga, may tawge (toge) kami for lunch na di naubos. naging sahog ng pansit sa meryenda sa hapon kaya lang di pa rin naubos. kaya naman naging filling ng lumpiang shanghai sa gabi.ü ang galing no, naka-three lives ang monggo sprout!


    astig! haha! pangat!? pangat long araw! awwww!!!
    next time magbigay ka ng hindi ikaw lang nakakpunta ng ospital hehe.

    Diba, parang si Jesus Christ? On the third day, they rose again!

  21. Awww!! Sorry naman, nsanay kasi akong blogspot ang link, bakit nga ba un pa gamit ko, teka makapgclear nga ng cache, toinks!!

    Salamat nga pala sa reply, nde ko akalaing magiging textmate tayo, toinks! hehehe..

    Kampai!

    bagong expression na naman yun, jorge! ano pala ang ibig sabihin ng kampai?ü text-text lang!

  22. @Utoy – bozanians? Voltes V yun ah haha. Tatay nina Bert at little john Bozanians pala pati sila hehe

    ha?! ganun ba? akala ko, legal term yun for mahilig sa boso.ü

  23. ahahaha…. brother dahan dahan lang.. meron akong naging pasyente na cinode blue sa icu dahil din sa food poisoning ng homemade longganisa naman….

    i wonder kung what consists the “kabanal-banalang kasuotan”… anong hagod naman ng mga moves mo brother …. sample na!!!!
    take it off, take it off… dyok

    teka sandali lang, kukunin ko constume ko at saka ang CD player…ü

    God bless po

  24. @ st. thomas’ quinque viae
    syempre, nagkaroon kasi ng time na naging close kami niyan ni lolo tomas eh. kaya hayun, na-explain niya sa akin yung five ways. mahilig kasi yun sa arguements eh hahahaha. naku po! sana hindi niya ako paluin pag nagkita kami sa heaven hehehe

    UST ka rin ba, nortehanon?ü
    totoo naman, argumentative si St. Thomas sa book niya pero grabe ang persuation skills.ü

  25. Bro, umaapaw parin ang comments ah, walang kupas! toinks!!

    Bigay ko lang sayo to, alam ko namang sandamakmak na awards mo eh..

    http://bloggerjorge.wordpress.com/2008/11/23/blogger-buddy-award/

    Pero iba parin ang galing sa bagong textmate, toinks!!

    Congrats!

    Godbless!

    salamat, salamat! inilagay ko nang lahat sa iisang post ang mga awards ko for everyone to see! pag-uwi ko, ipapaframe ko rin sa recto.ü

  26. may award ka po sa akin! claim mo ha!

    BLOGGER BUDDY AWARD

    http://bonistation.wordpress.com

    hehehe… talaga nga naman, when it rains, it floods!

  27. sa simbahan ng nueva ecija.
    marami kang makikitang ganito.
    minsan dalaw ka.🙂

    makikitang ano, pepe?
    burger steak? flagyl?
    biro lang. sige, dadalawin ko.
    pagbalik ko ng bansa, itour mo ako ha.
    salamat sa pagbisita!
    God bless!

  28. ito na nga ba ang sinasabi ko. walang kwenta ang school na pinag-aralan ko. palibhasa, hindi ideal set-up sa mga community. pramis, flagyl ang binibigay nila pag may nagsusuka. sunod naman kami.

    ahaha. iblame ba sa school? oo, kasalanan ko. umabsent na naman ako sa klase.

    salamat po sa mga nagsermon =)

    back to your books, angel.

  29. bakit daw may ganong obra dun sa paintings? ano daw ibig sabihin nung dalawang mata sa isang pisngi?

    kahit ako rin, di ko naiintindihan.ü
    paliwanag ng mga pari, eye of the soul daw yung isang mata, actively witnessing the presence of redemptive grace on that particular salvific event. pagkasabi nila nun, bumulagta ako habang bumubula ang bibig.
    God bless!

  30. Naku, kahirap nga ma-food poisoning! Nangyari na sa akin yan at parang gusto ko na isumpa forever ang seafood carbonara na ibinaon ko that fateful day…

    I must agree…suabeng-suabe nga ang “segue” sa mga stained glass at artwork – idol talaga! Hahaha!

    hehehe… truth to tell, when I was writing this post, napaisip talaga ako kung paano ko tatapusin ang topic with stainglass window of the day.ü

    uy, alam mo ba, ARCABAS is one of my favorite Christian painter?ü

  31. alam mo ba na despite uber hardcore hebigats ganda ng facilities sa st. luke, eh mababa lang ang sinasahod ng mga doctor dun?

    la lang.hehe.

    nasabi ko lang.hehe/

    kaya pala ang laking maningil ng PF ng mga doktor nila.ü
    my teacher in Christology, galit sa ospital na ito. alam mo rin bang hindi Catholic ang St. Luke’s?

    xD

  32. wow! mukha na akong adik! wholeday ata akong online para maubos kong basahin ang laman ng blog na to.. naku.. mukha atang magmamadre nalang ako ah.. hehehe. nabanggit ang pangalan na “Zaldy”.. is that Br. Zaldy B. Norba? hehehe. if so.. kilala ko xa. hehe.. xa po ung retreat master nmin way back sept. 27-29, 2007.. xa ay isang mabait at mabuting tao.. hehehe. wala lang po.. share lang..😀

    naku.. about sa nangyari po sa inyu.. hehehe. natuwa po ako kasi dala un ng katakawan.. pero di din po kita masisisi kasi nga po ikaw ay gutom sa mga oras na un kaya kahit ano nalang ang kinain mo po.. at talaga namang memorable ang trip to st. luke’s diba? hehe.

  33. […] Ten Coolest Parables, Da Conclusion!Confess to UtoyMga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa SimbahanKATAKAWAN is a four-letter word…My Top Five Coolest Miracles of JesusMga Newbies na May Bangis!Hellish Links, Heavenly BlogsSugar: […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: