Here are the Results!!! (Disappointing)

Heto na ang pinakahihinatay na resulta ng ating patimpalak!!!

Pero bago ko sabihin kung sino ang nagwagi sa ating The Search for THE NEXT BATIBOT BABE!!! ay magpapasalamat muna ako sa mga sponsors.

lemonade award

lemonade award

Nagpapasalamat ako sa mga nagbigay sa akin ng lemonade award:  siangelnawalangpakpak, IFoundMe, Geisha, Aling Baby,  Sobra-sobra kayong magbigay ng papuri, naghinala tuloy ako na binobola nyo lang ako.ü   Seriously, salamat talaga.  Napasaya ninyo ako sobra.  Sa mga di nakakaalam kung ano ang Lemonade Award, ito lang ang masasabi ko:  magbasa kayo ng blog namin.  Nuff said.

At syempre, salamat din sa mga nagbigay ng mga bagong award!  Ang una ay sina Libay at Jorge, na nagpadala (separately) ng cool na cool na award badge na ito.

"Magkampihan Tayo" Award

Rocker na rocker ang dating!  Ayokong ilagay sa sidebar ko kasi baka maluma.  Ilalagay ko na lang ito sa sala namin , katabi ng fifth place medal ko sa spellingbee noong grade three ako para makita agad ng mga bisita.  Salamat, Libay and Jorge!

At si p0kw4ng naman nagpadala ng napakabyutipul at pink na pink na award badge na ito. 

"Ikembot Mo, Beybeh" Award

Yung sexy na babae sa picture, si p0wks yan kapag ginawa siyang animé.  Haba ng hair!  Salamat, p0kw4ng!

Ang pangatlong award naman (naks, naghakot ng award!) ay galing kay Honey!

"What's in the Box?" Award

Medyo excited ako sa award na ito kasi nakabalot at glowing pa kamo.  Nangangati kamay ko, gusto kong pisil-pisilin at alug-alugin para malaman ang laman.ü  Salamat, Honey!

And lastly, si Bonistation eh may sarili ring pausong award:

"Brown Kuneho" Award

Di ko alam kung anong tripping ni Boni at naisipan niyang ilagay sa trono ang isang cute na cute na kuneho, pero dahil award ito eh di dapat ako mareklamo.  Pero teka, parang na-gets ko na.  Boni = Bunny.  Hmmm… pwede!  Salamat sa award, kapatid.ü

At sa mga apurado naman sa result ng patimpalak, osya, eto na ang resulta ng ating botohan.

We have our 19 judges for this competion, to be named by chronological order of voting:  p0kw4ng, Mr. Siopao, Mang BADoy, Honey, UtakMunggo, hisnameisdencios, Bluepanjeet, Chuvaness, Mahalia, Snow, siangelnawalangpakpak, Tapsiboy, Desertfish, Kirksydney, Aga, FatherlOurs, Libay, Boni Station, and Jorge.

Garnering three and a half votes from our judges, our Second Runner-up in this competition is ………{{drum-rolls}}  Ningning! 

Ningning’s best answer to the question “What do you expect to gain in joining THE NEXT BATIBOT BABE!!! and why?” was supplied by Chuvaness“Ged day to everyone, mah nem is SHINE-SHINE end I’d gladly appreeeciate if y’all call moi thet. Goin’ beck to theee questien, well, I expect theeee enxpected and enxpect theee expected. Cheers!  I em fine, thenk yah.”

Our First Runner-up, favored by four votes from our judges is…….. {{Drum Rolls, Fanfare}}  Irma Daldal!

Irma Daldal’s best answer to the question, “Who is the most influential person in your life and why?” comes from Mang BADoy“Mother Theresa ang sagot ko,  {**hikhik, tawang sweet na babae**}  as if close kami… sige na nga si mami na lang, i thank you! pwede po bang bumati? hi nanay!  kita nyo nako sa tv???”

And now, we’re down to two finalists vying for the title THE NEXT BATIBOT BABE, Miss Manang Bola and Miss Ging-Ging!  {{applause plus boo from Irma Daldal fans}}

Our NEXT BATIBOT BABE!!! is no other than…………

.

.

.

.

.

.

.

It’s a TIE!!!!

Garnering six votes each, Ging-Ging and Manang Bola are now the newest NEXT BATIBOT BABES!!!!

The winning answer of Ging-Ging to the question, “What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?” comes from siangelnawalangpakpak “Anupaba but it’s capturing dat perfect Friendster pose with my cellphone cam, while drinking coffee, op cors, at Starbaracks. Challenging talaga yun… Add mo ko sa Friendster, key?… Dis is Ging-ging, representing Welcome, Rotonda. And to everybody, love is a rosary, full of mistery. I thank you.”

While Manang Bola’s best answer to the question “If you can paint the future of this country, how would it look like and why?” comes from p0kw4ng: “perlas na bilog,wag tutulog tulog…sabihin sa akin ang sagot..ba..be bi..bobuuuuu!   ang nakikita kong iginiguhit ng aking perlas na bilog eh isang berdeng kapaligiran (green minded) … lahat ay nagmamahalan (orgy..incest..adultery etc)…at ligtas na kapaligiran (sa loob ng bahay nagpapatayan) …at lahat ay masaya!”

Deryuhebit, ladies and gentlemen, our two lovely ladies, Manang Bola and Gingging sharing the title, THE NEXT BATIBOT BABE!!!! Lest’s give them a round of congratulatory applause!!!  Wooohooo!!!

.

.

Post-Pageant Headline sa Inquirer:  TWO CONTROVERSIAL BEAUTIES SHARE ONE CROWN!!!!  This year’s competition for the NEXT BATIBOT BABE!!! came to its rather controversial conclusion after the computerized results from our judges revealed a tie between Ging-Ging and Manang Bola.  As useless, protests from both camps of these lovely ladies are already raised up.  Legal representatives of Ging-Ging accused Manang Bola of fraud and unfair practices on two counts:  1.) Manang Bola had a plastic surgery prior the competition, care of her fellow-manghuhula, Madam Auring, and that 2.) she was illegally aided by her perlas na bilog in her witty response during the question-and-answer portion.  The producers of THE NEXT BATIBOT BABE are already looking at the matter.

Ging-Ging herself wasn’t spared from the controversy when a scandal video was maliciously released to the media this morning, apparently involving her and Kiko Matsing’s banana.  Ging-Ging denied all allegations of her involvement in the said video while Kikong Matsing refused to give a comment.

And so, that concludes the search for the NEXT BATIBOT BABE.  At syempre, pagkatapos kong balahurain ang mga manikang basahan ng pambansang telebisyon, punta naman tayo sa mga banal na topics tulad ng mga bintana ng simbahan na pwede lang tingnan pero di pwedeng buksan.  My friends, as useless, our stainglass window of the day!ü

Our Lady of Miraculous Medal

Our Lady of Miraculous Medal

 

Again, kuha ko ang picture na ito sa loob ng parish kung saan bininyagan si St. Bernadette Soubirous.  Ipinakikita sa stainglass na ito ang tagpo kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen kay St. Catherine Labouré.  Maaala-ala natin ang Miraculous Medal sa depiction nito kay Mary na maningning na nakatayo sa globo at nakatapak sa ahas.  Sinisimbulo nito ang pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan, o sa theology pa, imahen ito ni Maria bilang isang “the New Eve of the Re-Creation”.

“Mary, concieved without sin, pray for us who have recourse to thee.”

41 Responses

  1. ur welcome kuya😀 hehehehhe

  2. Hindi maaari ito!!!! (nanginginig pa)
    Sinasabi ko na nga ba e… dadayain at dadayain si Ging-Ging. Bakit kailangang maging tie sila ng lolang manghuhula? Akala ko ba ‘NEXT BATIBOT BABE’?… Kailan pa nagkaroon ng Lola Babe?

    Official Pronouncement: My dear Ging-Ging followers, sa darating na November 30 (Bonifacio Day), tayo’y susugod sa Welcome Rotonda (yes…. lilipad ako galing Italia) upang ipaglaban ang karapatan ng ating kandidata. Kailangang makibaka at mag-aklas! Sa mga darating, may libreng siopao para sa almusal, tanghalian, hanggang hapunan (KKD na ang drinks, k?… naubos ang budget nung kampanya).

    At ano itong “banana scandal” with Kiko Matsing? Blurred kaya ang video and according to an NBI investigation result (released to the media just now… hindi pa alam ni Utoy), e si Cookie Monster pala ‘yun & si Ning-Ning (ang utol ng kolehiyala… lumipat na siya sa Sesame Street).

    Kaya Brader Utoy… kung ayaw mong sugudin ka sa Pransiya ng mga Ging-Ging panatiks, ayusin mo itong gusot na ito NOW NA!

    Ging-Ging’s Manager

    P.S.
    Asado po ang palaman ng siopao na ipamumudmod sa Linggo… ubos na ang stock ng pork…. puro cats na lang ang natira. Toinks!

  3. hindi din maari ito !!!(nanginginig din at tumitirik pa ang mata kasabay ng pagbula ng bibig)

    hindi makakapayag ang kampo ni Manang Bola na maging kabahagi ng korona ang isang Ging-Ging!

    At ano yang kumakalat na balita na isa ng matanda si Manang Bola..hindi ba nila alam na 16 y/o (panahon ng hapon)lang si Manang Bola nong ginanap ang patimpalak at pangalan nya ang Manang at apelyido nya lang ang Bola!

    At papaano hindi tutulungan ng bolang cristal si Manang Bola eh nandon ang utak nya at wala sa ulo nya!

    Mga kasangga..kapitbahay..kalaro sa text..kabarangay..kalaro sa holen at piko…katsismisan..kakampi..kaalyansa…mga naging dyowa…mga nagahasa..nagpagahasa…gumahasa at humasa kay Manang Bola tayo po ay magtipon sa kung saan may pagtitipon at tayo ay makibaka at makibaboy sa ginagawa nilang pang aapi at hindi makatarungang desisyon na ginawa sa patimpalak na ito!!

    Mr.Siopao sabay tayo sa eloplano pauwi ng pinas ha..kita tayo sa Leonardo da Vinci International Airport..baon ka ng maraming siopao kahit daga o pusa man ang laman!

  4. Naku p0kw4ng… finally napansin mo din ako….
    Actually (nakayuko… nahihiya)… sa ‘yo talaga ako nagpapapansin (namumula na)…. dinaan ko lang kay Ging-Ging at aklas-aklas ek-ek ang drama (style ba).
    So, tagumpay ako! YES!

    I now officially resign as Ging-Ging’s manager (wala naman talaga akong napala sa kolehiyalang iyan… pinalangoy lang ako sa baha). Laglagan na ‘to!!!!

    Ging-Ging’s Camp Declaration #2 (series of Nov.23): CANCELLED NA ANG RALLY SA LINGGO!

    Kami na lang ang mag-de-deyt ng bago kong pwend na si p0kw4ng (o ha!)…. Sa kanya ko na lang ibibigay ang lahat ng siopao…. Lalo na ngayong nalaman ko na kami pala’y nasa isang isla lamang nakatira. Kailan ang EB natin signora? Huwag kang mag-alala, harmless ako pramis…. Huwag kang maingay sa mga katoto ko ha (baka marinig nila… lalo ng ‘yung TOINKS team… baka isumbong ako sa authorities).

    P.S.
    Sorry Utoy, nakalimot na naman ako…. blog mo pala ‘to. Actually napadaan lang ako talaga. Pramis!

  5. para kay utoy..humihingi ako ng pasensya kong ano man ang magagawa ko sa mga oras..minuto..at segundong ito ay wala akong kinalaman sapagkat datapwat hindi ko hawak ang emosyon ko ngayon! nalaglag..lumipad..dumapo sa gumamela!

    para sayo siopao…pusa man yan o baboy kahit pa dinikdik na burat ng ipis (hiya..namumula tulad ng rambutan)… (buntonghininga)…(pulang pula tulad ng kartolinang pula)…sumbong kita sa pinakamataas sa vatican..panay lang ang pasok mo sa mundo ko hindi ka man lang nagiiwan ng bakas! hmmp..di kita mapapatawad (natanggal na ang pamumula)…kailangan eh pakainin mo ako sa pizza hut!

    ayan kapibahay lang pala kita…may mahihingan na ako ng bahaw at pinangat na tulingan pag walang makain dito sa amin! Tanong ko lang…ang pari ba pag tulog pari pa din?

  6. Ayos panalo ang skulmate kong si Ging ging!

  7. @kirksydney: Naku tsong, hindi talaga dapat tie ‘yan… Hindi nabilang ni Utoy ‘yung humabol na boto.

    Teka teka, akala ko ba nag-resign na ako as official manager ni Ging-Ging? (Toinks sa akin!)… Nadala lang po ng emotion… Si p0kw4ng kasi e (nanisi?!)

    Ciao!

  8. congratulations sa mga nagwagi at sa mga natalo sa Pinoy blog awards. ay ay ay teka mali.

    sa Miss Teen USA. sows mali na naman.

    sa Survivor Mt. Pinatubo.
    (ay ano ba yan, ayaw sumunod ng daliri ko sa gusto kong sabihin, teka kukunin ko muna ang plantsa at iron ko muna ang buhol buhol kong kamay)

    KuyaUtoy, ano nga ba ang pa kontest na to? Meron ba tayong pa sagolite dyan?

  9. this is quite disappointing. kulelat si shine shine koooooooo huhuhuuuuhu…

    i agree with ging ging’s accusations, mukhang nag papa-botox si mamang bola eh

    on ging ging’s scandal video, kuya, paki-bluetooth ahahhahahaha

  10. hindi ako affected sa result na ito hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil dapat isinali nyo si sitsiritsit at alibangbang haha.

    seriously, though nanunood ako ng batibot nung bata pa ako pero i found it corny. lumaki kasi ako sa sesame street and when Batibot premiered on RPN 9, i was laughing kasi sabi ko ginaya ang sesame street. Imagine, bata pa ako noon as in, pero alam ko na ang concept ng originality. Biruin mo ba naman, 3 years old pa lang ako eh sesame street na pinapanood ko and mga cartoon na lahat english so when a pinoy version aired on tv haha natawa ako. nakornihan ako kasi nga sanay ako na english lang ang cartoons and kiddie show noon. even uncle bobs lucky seven club were also in english at that time. I think pag kasabay ang sesame street na ipalabas di ko pinapanood ang batibot haha. Bata pa lang westernized na LOL

    next time naman utoy, gawa tayo ng batibot porn, bet ko si pong pagong at irma daldal hahaha thogh sa palagay ko mas nakakagana kung si ate sienna at si kya bojie ano? hahahaha

    hala ang dami mo na award, tiba tiba ka na nyan sa pawnshop. Kung naging pera yan may tiket ka na sana papunta roma kay mr. siopao LOl

  11. walang bisa ang naganap na botohan dahil wala ako!…isang riot ito.

    kuya utoy tara samahan kita papalit na natin ng dollars ang mga award mo…bilis na!

    at pahabol natuwa ako sa mga comment dito.ang mga comments ay katumbas na ng isang blog entry ko ito…pwede bang kopyahin ko nalang?…..wahahaha.

    @Pokwang sa tanong niya kung “ang pari ba pag tulog pari pa din?”–> gusto kung sagutin kaya lang takot ako kay Kuya Utoy, Kuya bluep at kay kuya kung kagaya nila. ayaw kung maparushan ng isang araw nakaluhod sa altar habang pinagmamasdan na maubos ang kandila.*grin*

  12. Bwahahaha!! Laglag ako sa upuan ko ah! kakatuwa ung mga comments lalo na si rev siopao, naku naman ikaw lang ang inaasahan namin sa kampo ni ging ging tas magreresign ka lang?
    Bilang lider ng toinks team, isusumbong kita sa mga kakosa ko, bwahahaha!! toinks!!

    Bakit nga ba tie? eh nde nacount ung boto ng kakosa ko sa toinks team na si Tina banana, huhuhu… galing pa nmn nun, natutulog ng nakasplit! toinks!

    At special mention ako sa thanksgiving speech ni bro utoy ah! wahoo!! hehehe.. tenchu!

  13. hahah tawa ako ng tawa sa dalawa (pokw4ng at mr. siopao) kala mo mr. siopao hindi ka namin masunsundan ng toinks team dito ha!!

    TOINKNESS ka ngayon!! (pagkakataon na to) hala! pumunta ka sa aming mga bansa (saudi,malaysia,pilipinas) magsumite ka ng paliwanag ten pages no space no margin. kailangan bago mag nov30(bonifacio day) ay maibigay mo yan…

    at kay aling pokw4ng hihih. maniwala ka hindi sanay magluto si mr. siopao abay puro hinalo lang alam nya. (eg.veg salad) mga pagkain walang nagaganap na init at apoy. hihi. tara dine sa saudi maraming pizza! amoy pizza at mukhang pizza. toinks!

    at kay broutoy sorry din hehe blog mo pala ‘to! baka naman pedeng mag laban ule ang dalawa si gingging at manang bola at para magkaalaman kung sino talaga.. this time ako na tatayong manager ni gingging.. awwwwts!!

    P.S. (mr.siopao and pok4ng) panalo ang sagutan nyu sa comment, aliw na aliw ako promise!! as in pede ule kayo gawaran ng bagong award best commentator! hehe! clap! clap! clap!!

  14. Madaya! Nadaya si Ging Ging! Humabol pa naman ako sa pag boto ilang bundok ang inakyat ko, lumangoy at sumisid ako ng naka split ni hindi na-count ang boto ko!

    At sino yang manager ni ging ging na mag reresign… ?? hindi ka pa bayad samin.. (vote buying), magtatago ka agad! ESTAFA yan, swindling.. with malicious behaviour (bat kasama toh?? toink!) Nakikurot kurot ka na… kanina! Toinks!

    ahaha… sowi jst kerid awey!

  15. Hala lagot!
    Hoy, wala kayo sa Toinks team blog, kay bro. utoy to, maghunus dili kayo.. At ikaw Tina, may kurot kurot ka pang nalalaman ha, wag dun, masakit at nakakakiliti, aayyy!!
    Sabi ng blog ni bro. utoy to eh, wag makulit pansit!
    Nakerid away din ako.. hahaha..

    Cencia na po, mga napopossess lang, toinks!!

  16. ayos ah! ang daming mong awards bro utoy. sarap talagang maghakot ng awards no. hehe😆

    hala naman! bat ala ako sa naging panel of judges. heniways, congratz sa mga nanalo sa batibot babe. at talagang tie pa talaga sila. lols.

  17. ngek, paano nangyaring nanalo ang ubod na keso na sagot ni gingging? lab mo talaga siguro ako, brother. hehehe, joke.

    eniweyz, since nanalo na rin man lang siya, iproprotest ko na rin kung bakit sya nagtie pa talaga with manang bola. sama ako diyan, mr. siopao.

  18. @siangelnawalangpakpak — hanube angel!… sinabi na ngang cancelled na ang rally sa linggo…. ‘di kasi nagbabasa e (suplado!)…. pacensiya na po na carried away lang… he he. PEACE! patawad po…. cute lang, nagkakamali!

    After mai-declare ang RALLY ng kampo ni Ging-Ging ay ki-nancel din after 30mins…. (paki-basa na lamang po ang buong kaganapan sa taas esp. between SIOPAO and POKWANG)…. at nag-resign na po ako officially as manager ng kolehiyala. May umapela nang bago sa taas (read: istasyon ng MRT).

    @Bonistation, Jorge, & Teentoinks — paki-abangan na lang ang press release ng legal counsel ko mamaya, ok?

  19. haaay… kahit saang prestigious competition talaga may mga controversies. tskk…tsk…

    inggit lang ang kampo ni ging ging. that’s my opinion.

  20. I knew it was manang bola..hehe!

  21. HAHAHA HOY MAGSITIGIL KAYO. MGA PUPPET YANG MGA PINAGAAWAYAN NYO. MABUTI SANA KUNG SI JENINA YAN HAHAHAHA

  22. hahaha.. close na tayo.. toinks.. ang saya saya ng post mo.. kadaming eksena.. parang stage ng barangay namin kapag fiesta.. clap! clap! clap!

  23. hala anong kaguluhan itech???

    basta lam ko nanalo binoto ko😛

  24. I think the more alarming fact is that the producer of this pageant has remained silent for almost 2 days now.

    Paging BRO. UTOY!!! What is happening?

    I think you better speak up lest this BATIBOT BABE brouhaha will not be put to rest.

    Your camp is hereby requested to issue an offical press release within 48 hours from receipt of this notification.
    Thank you very much.

    Atty. Shawarma
    (Legal Counsel of Mr. Siopao)

  25. Malamang behind the scenes nag trabaho si ben “burjer’ abalos at si “hello garci” I am sorry. May mag senyales akong nakikita.Pero that si life.Weather-weather lang sabi ni erap.Sabi naman ni bonifacio,punitin ang mga sidula.Sabi naman ni de venicia tetestigo siya d ba? ewan natin.Abangan na lang natin si Michael jackson ha.

  26. This maybe out of topic,maybe you can allow me to post it in here.

    The Freedom of Speech, although a beautiful law that protects citizen to express concern against government corruption and allows us to state our opinion without fear,We as the citizen of our beloved country Philippines have the right to oppose the on going signature drive in Congress to amend the constitution.We the Filipino people is the fourth branches of government and our voices must be heard.

    Start up your computer and start writing your opposition on this Charter Change. Web logging and blogging has long been praised and employed by members of the Arroyo opposition. Most would be surprised and should be concerned that many web log contributors are silent army armed only with computers and laptops dispatched to people in our country. We does not carry badges identifying us as such. Its main mission is to voice our concern for our people and to our government.

    Unfortunately for Filipinos living outside the Philippines, although highly educated, they rely heavily on Google and other search engines for information.The internet is wonderful tools exchanging information.

    I am inviting you to visit my site and sign-in.

  27. Walang SCANDAL, walang SCAM. Manang Bola is the legitimate winner. Paglilihis lang sa mga imbestigasyon sa KONGSORISO ang mga pag-iingay ng kampo ni Mr. Siopao, hahahaha. aTTY SHAWARMA, ikaw ba yan sec. gonzaalis?

  28. anong kaguluhan ito……………… hahahah! bakit fourth runner up lang ako!!! scam! scam! hahaha… salamat naman sa apat na bumoto sa aking sagot… mahal ko na si irmang daldal!

  29. Bakit disappointing brader?

    Mukhang OK na pc ko, pinapayagan na akong makapag-comment sa ‘yo (hindi na nagku-close) kaso hindi na ako nakahabol sa search for THE NEXT BATIBOT BABE!!!

    Hindi na ba pwedeng humabol.

  30. magpapahinga sana ako dito sa blog mo kuya dahil ang gulo na ng mundo…yun pala….mas magulo dito….waaahhhh….
    dapat sumali dito ang tsuwariwapriwap girls e..hehe

  31. naks… andaming awards….

    kulang na lang, most promising actor ah…

    bigyan kita gusto mo?… hahahaha!!!!

    mas gusto ku sagot ni gingging!…😆

  32. @ Mr. Siopao: Kahit na, wala ng recount2x!😆

  33. You Write Very Well…ü
    Honest Post it is…

    Continue Writing from the heart…

    link this up:

    http://aagizerrific.wordpress.com
    http://aagizer.blogspot.com
    http://asiatic101.wordpress.com

    Hope to Read more from You.
    More Powers~

  34. NR na lang ako nawindang na ako sa kakabasa hehehe

  35. oh holy kamote!
    hakot award ka!

    ang dami!

    nakakatuwa po kasi ang blog nyo!

    go bro!

    {{*blushes*}} di naman masyadong madami.ü
    salamat, eloiski!

  36. wow congrats sa iyo utoy for being a grand slam king sa blogging! ^_^

    teka, teka, bumoto ako dati rito kasi nabanggit ni malensky ng http://mynosebleed.com ang patimpalak na ito. oh gosh, hindi ko matanggap! manang bola ako all the way may nakahati pa pala sa korona! *LOL* ^_^

  37. Kapatid, pasensya na at ngayon lang ulit ako nakaikot. Mukhang and dami kong na-miss… at ang patimpalak na ito… ang daming dayaan.

    Bakit si Kuya Bodjie ay hindi kasama sa laban… hindi ba “babe” din siya?! Sandali, intriga ba yon… hmmm… baka may maniwala… loko lang.

    Ang tindi na ng mga followers mo ha… ngayon lang ako nakakita ng blog na ang daming nagkokoment.. Galing.

    si kuya bodjie? queen yata sya. hehehe…

    sad to say, basta kalokohan, daming dumadaan sa bahay ko para mag-comment. haynako…

  38. ngek kala ko baboy ung nasa pic bunny pala… nasa post nman nkalagay pla bunny bat akala ko dati baboy hehehe

  39. […] cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, ito, ito, ito at ito at marami […]

  40. […] 5 Ang Eli-inspired na advertise you blog here! 6. THE SEARCH FOR THE NEXT BATIBOT BABE!!!! (ito at ito) 7. Pa-foodie-foodie kunyari na may recipes pang nalalaman (twelve posts) 8. “Pamumundok […]

  41. […] cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, ito, ito, ito at ito at marami pang […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: