Magdasal-dasal ka na…

Sa post na ito eh magpapaka-seminarian muna ako.üüü

Merong panahon sa buhay ko na naging excited akong bumoto. Yun eh nung tumakbong gubernador si Among Ed Panlilio.   Nagbyahe pa ako pauwi ng probinsya maiboto lang si Among Gov.  Kahit na nalamutak ako sa baha ng sample ballot at ng mga botante sa labas ng presinto, OK lang.  Kahit na inabot ako ng kalahating oras sa paghahanap ng pangalan ko eh ok rin lang.  Kahit na mistulang nag-civil service exam ako sa dami ng taong dapat iboto, ok pa rin!  Kasi, for the first time, naramdaman ko na may halaga ang boto ko, may kapangyarihan ang boto ko  (magtigil ka, hindi yung boto na yun).  In fact, I celebrated a personal holiday nung nanalo si Among Gov.  Kasi sa wakas, sa mga ibinoboto kong matitino, may nanalo rin.  Madalas kasi, yung mga pagpipilian nating kandidato eh kadudaduda.  Yung tipong kapag nahalal sa pwesto eh nakupow, magdasal-dasal ka na.

Speaking of dasal, may pakulo si Desertfish na pinatulan naman ni Bluep.   Bakit nga naman di natin ipagdasal ang Halalan 2010?  Diba’t mas maganda kung maaga nating pagmumunian ang tunay na halaga ng isang halalan lalo baga’t pagkapangulo pa ang ating pagpipilian?  Bago pa man sumapit ang gulo at dumi ng pambansang eleksyon, di ba’t mas maigi kung spiritually and morally ready na tayo upang harapin ang isa sa mga pinakamahalagang responsibilidad natin bilang isang mamamayan, ang paghahalal ng isang aangkinin nating pinuno at magulang ng ating bansa?

(Bago ka pa man ma-turn off sa dead serious topic ni Utoy eh sige na’t tyagain mo nang tapusin ang post na ito.)

prayer1Dito nabuo ang isang humble at low-key movement naming BLOG PRAYER BRIGADE FOR THE FUTURE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES.  Simple lang ang layunin ng movement na ito:  ang magpalaganap ng isang tapat na pag-asa sa ikabubuti ng ating bansa sa pamamagitan ng isang taimtim na panalangin para sa susunod na magiging pangulo ng Pilipinas.  Ang pamamaraan namin ay ang paggamit ng meme o tag.  Hangad ng munting grupong ito na maisulong ang panalangin bilang isang mabisa at payapang paraan upang magkaroon tayo ng malinis, tahimik at responsableng eleksyon. 

 Osya’t eto na ang panalangin ni Bro. Utoy para sa Future President of the Philippines.

Panginoon,  gabayan nawa kami ng Espiritu Santo upang sa darating na 2010 ay makapaghalal kami ng isang Pangulong kawangis ni Kristo sa pagiging pari*, hari at propeta.

Kawangis ni Kristong Pari*, nawa siya’y magkaroon ng matibay na pananalig at masusing pakikinig sa Wika mo upang ang bansa’y maisulong niya sa tamang landas ng kabutihan at kapayapaan.

Kawangis ni Kristong Hari, nawa siya’y maging mabuting pastol ng kanyang kawan na ang hangad ay ang maging tapat na lingkod para sa ikauunlad ng sambayanan, at hindi para sa iilan lamang.

Kawangis ni Kristong Propeta, nawa siya’y magkaroon ng paninindigan para sa katutuhanan, upang ang pamahalaan ay malikhang tanggulan ng katuwiran at pagkakapantay-pantay.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus,

AMEN.

Hayan.  Bago magreact kung bakit may word na pari dyan, hindi po ibig sabihin ni Utoy eh bumoto ulit kayo sa pari.  Ang katagang “pari” sa dasal ay hindi ordinal priesthood tulad ng pari na kilala natin, sa halip ay tumutukoy ito sa ating universal priesthood, kung saan ang bawat kristiyano ay gumaganap na pari sa pamamagitan ng pag-aalay ng panalangin at pagninilay sa Salita ng Diyos.  At tantanan ako tungkol sa ecclesiological implication ng term na ito at baka patulan ko kayo, sige kayo.

Ngayon, ita-tag ko ang mga sumusunod na tao at dasal ko na sana’y patulan nila ang tag na ito hindi dahil nahihiya sila sa akin kundi dahil tunay na may pakialam sila sa kinabukasan ng ating bayan.  Siguro sasabihin ng iba, “Naku, Brother, di ako marunong magdasal tulad mo.”  Di naman kailangang mahaba at liturgically sound ang panalangin nyo.  Basta sincere, kahit maikli at simple, pakikinggan pa rin ng Diyos yan.   

Ang aking Top Ten “Panatang Makabayan, Iniibig Ko ang Pilipinas” Bloggers ay sina:

Sa mga di ko napili pero nagliliyab ang damdaming tibak sa puso nila, aba eh sige na’t makisali na rin!  Open talaga ito sa lahat, kasi lahat naman ay may karapatang magdasal para sa ibabubuti ng bansa.üüü

Syempre, dahil tag nga ito eh may requirements:

1. Write a short, sincere and meaningful prayer, (in your own words and according to the customs of your religious affiliation) about asking God in guiding our country and fellowmen in choosing the right candidate to vote for in the coming 2010 Philippine Presidential Elections. It can be in your own vernacular, and can be short and long as you please. Remember, the goal of the prayer is not only for Peaceful Election but most of all “for the guidance of choosing the right Presidential candidate to vote in the election

2. Publish the prayer for everyone to Read in your blog.

3. Go to the Blog Prayer Brigade Main Page which is located here, and get one of the badges or banners for the brigade. Place the badge or banner in your Sidebar until the 2010 Presidential Elections commence.

4. Make an oath by filling the blank below with your handle/or name

I, _____________________(name) support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

5. Tag at least 7 Pinoy bloggers you know who haven’t done this before so that the prayer will spread wherever there is a pinoy blogger present.

6. Keep your promise of praying for the Presidential Election so that God may guide us in choosing the right leader for our country.

7. in January 2010, we will gather all the names and prayers of each participants and publish all their prayers in one Blog. We will also feature in the blog the most beautiful prayer ever composed in this project.

Syempre, bago magkalimutan eh tingnan nyo naman ang aking sidebar at nandun na ang badge ng kulto natin.  Ang galing diba?  Pero bago nyo ilagay sa sarili nyong sidebar ang badge na ito,  Please, please do get the codes for the badge from Bluepanjeet’s Blog and not just copy-paste the picture on my sidebar.

at eto nga pala ang oath  (kailangan ba talagang may ganito, bluep?):

I, Brother Utoy, support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

As useless, bago tayo magwakas eh nandito na naman ang ating Stain Glass Window of the Day.

Chapelle de Parménie

Chapelle de Parménie

Ito ay kuha ko sa corridor papuntang Chapelle ng Centre de Parménie, Voreppe, (sa may hilagang bahagi ng Isere, France) na pag-aari ng mga Brothers of Christian Schools o mas kilala sa pangalang La Salle Brothers.  Di ko alam kung anong ibig sabihin ng bintanang ito pero parang naglalagablab, diba?  Marami pa actually ito pero next time na lang ang iba.  Ang Parménie nga pala ay mahalaga sa buhay ni St. Jean Baptist De La Salle sapagkat dito siya nag-retreat noong pinagdesisyunan niyang ialay ang sarili para sa tuturo ng mga bata tungkol sa Panginoon.  Basta ako, isa lang ang naaalala ko  sa overnight ko sa Parménie: da best ang kanilang tartiflette at ratatouille.ü

43 Responses

  1. Kailangang maunahan ang mga bata batuta… I shall return!

    hehehe… ano namang kalokohan to, Rev?

  2. Magpapaka-diyakono muna rin ako sa pagkakataong ito (bawal ang makulit!)…

    Kasama mo ako sa banal at makabayang adhikaing ito kapatid na Utoy.

    Hayaan mo, nalalapit na ang pasinaya ng bagong bahay at tindahan ng siopao. (teaser ba ito?) Sisiguraduhin kong makikita mo ang badge sa aking sidebar. Malapit na! Abangan! (talagang may ganun pa?)

    Sadya namang dapat ay maisapuso ng bawat mamayang Pilipino ang mahusay na pagpili sa magiging lider ng bayan. (Palakpakan!)

    O siya kapatid, magluluto pa ako ng siopao.
    Au revoir!

    bakit ang siopao mo, may ngipin? hehehe…

    I may joke around but Utoy knows when to stand up for something too.ü

  3. wow! ayos ang words of wisdom bro utoy. sana magwork ang prayers natin at finally makapili na tayo ng “matinong” presidente. by 2010, sana di na tayo magkamali sa paghalal at puso ang pairalin natin sa pagboto. hala! parang dead serious din ang comment ko. na-impluwensyahan mo agad ako bro utoy. hehe.

    ngapala, kung gusto mo, pwede namang ilagay mo muna siguro sa sidebar mo yung badge kung di ka pa ready for prayers.ü

  4. Pahabol pala (tapos na akong mag-seryoso kanina).
    May utang ka pa sa amin ha.
    Wala pang CLOSURE ang Batibot Babe brouhaha.
    Kailangan pa rin ang official press release mo.
    Toinks!

    di na nga ako nag-cocomment dun eh.ü baka kasi may samahan ng mga peministang puppet characters sa Pilipinas eh maakusahan pa ako ng pagiging chauvinist, treating these objects as real women. Wala akong pangarap maging scandal of the Church!üüü

  5. wow..haha.ok to ah.

    kaya join na, kapatid!ü

  6. I’m not exactly sure what I’m going to pray for the politician.The way I look at it, the Filipino people always get robbed. Ali Baba in Malacanang is rejoicing for her 42 thieves who junked the impeachment .It is evident that this featurette goes from humorous to dark and foreboding as we learn that even though our candidates say that they are “god fearing” or “god like” their genuflecting only hides a dark soul that abuses god for votes and opens the door for a changing of the God.

    Perhaps it is time to adopt a form of political atheism. In “The Changing of the God” Jesus Dureza’s prayer and Pablo Garcia comparing Gloria Arroyo to Jesus Christ. Perhaps it is time to adopt a form of political atheism. In “The Changing of the God” This lapdog of Arroyo has created a humorous and dark presentation demonstrating the pseudo religious stance and how their transparent lack of morality makes them soulless drones.

    Never forget…that those running for office are not our leaders. They are pre-selected representatives. Ask yourself who or what are they representing. Are they representing the people? Do their incantations posturing represent God? Do they use the bible as a manipulative tool? A blue print for Megadeath? It is becoming quite obvious where those in power put their faith. It is obvious how the doctrines of truth have been inverted and no declaration of godliness, or prayer or even a claim of belief can clean away the blackness of the heart… The lesser of two evils is still evil. It looks as if there is no choice.

    I guess that means NO. Ok lang yun.
    Sayang nga lang kasi you won’t be joining us.
    A prayer of a political atheist would have been very interesting.🙂

    Don’t lose hope, kapatid na Cocoy.
    Future will indeed be dark if we start painting it with cynicism.
    And never underestimate the power of prayer.
    You’ll never know how much change it could bring
    if we are to start from within ourselves.
    That is what prayer is all about: inner change.
    Besides, there’s no harm in believing that,
    amidst the corruption of our present leaders,
    there is Someone greater than them who will prevail.
    We only have to put our trust in HIM.

    God bless!🙂

  7. gagawin ko to bro utoy. promise. isa kasi yang elections na yan sa mga nagpapaalab ng aking pusong pilipino. pero kailangang paglaanan ng oras at pagpe-purge ng evil thoughts kasi baka masali ko pa sa post ko ang mga galit ko sa gobyerno. ayoko nun. gusto ko malinis sa mata ni papa God. titimbrehan kita agad kapag nabuo ko na. thanks for the tag! (meanwhile, lalagay ko muna sa sidebar ko ang logo)

    salamat, salamat, salamat!ü God bless, UM!

  8. may icoconfess ako sayo, brother. i’m in my late 20’s but never pa ako bumoto. hindi pa ako nakapagregister sa comelec. ang excuse ko kasi nung college ako, during registration time, nasa maynila ako, tapos during election time, nasa probinsya ako. tapos hindi rn nagkatugma ang skedyul ko noong nag-aaral ako ng post-grad dahil lagi kaming nasa community tuwing election time kaya hindi ko na inisip magregister.

    pero ngayon, promise, magreregister na ako. hindi dahil sa alam ko na kung sino ang gusto kong iboto, pero dahil sa naisip kong andami kong mga sinayang na pagkakataong magamit ko yung aking right to vote tapos reklamo ng reklamo lang ako tungkol sa gobyerno. wala talaga akong kuwenta. naiinis lang ako sa sarili ko pag naiisip kong ilang eleksyon din ang pinalampas ko.

    kudos to your blog prayer project. kung magaling lang akong gumawa ng prayers, baka kinagat ko rin ito. kaso, hinde =)

    sana nga gabayan tayo ng Diyos upang mailagay natin ang mga karapat-dapat na tao na mamuno sa puwesto.

    kahit pledge, link and placing the paryer badge sa sidebar, ok muna for the meantime. ang mahalaga, there’s this desire to pray. God bless!

  9. @cocoy

    that’s why we need hope in times of two evils wherein we are left with no choice. You see, its not the power of the arms, strength of the people nor the will of the many that brings a corrupt government down. They are only mediums. The true source of strength is prayer in which we extract hope that resulted from the wisdom imparted to us by the Holy Spirit, which in turn, we have prayed for in the first place.

    China did not succeeed overthrowing communism because they relied on human power (read the massacre in Tienanmen square). Even historians in the Philippines claimed that EDSA would have failed if not for the power of prayer which brought forth to the streets legions upon legions of cloistered nuns, garbed seminarians and even housewives and children.

    It is always prayer that decides history and not men. always remember that!

    In the darkest of times, sins abounds, but Grace abounds more because it is when evil rises, God calls an unlikely candidate to lead the People, stirs up our hearts and gives us courage to believe that there is still hope— moses the stutterer, Joseph the dreamer, Peter the coward, Mary the virgin, Joan of arc and list goes on.

    This is precisely the purpose of the project, to ask God to hail an unlikely yet Godly leader in times of evil. Without God we are all nothing. History has proven this so many times in the course of human history.

    May our simple prayer agglutinate into one big loud cry to the heavens for change!

    Pax et Bonum

    Amen! i couldn’t say it better myself.ü
    .
    .
    .
    aahh, bluep? ano nga pala yung agglutinate?🙂

  10. Ayos to bro. utoy, join ako dyan. Kaso sobrang busy lang ngaun sa work kaya nde makasilip sa worpress. Anyway, bilang supporta, ilalgay ko muna ung badge natin sa sidebar ko at kapag free na akong magsulat ng prayer, then i’ll post.
    cencia na, nagmamadali kasi ako eh. Pero i read and understand it naman. next time nalang ung serious comment.

    Godbless!

    basta ang mahalaga, masimulan.ü let’s storm the heavens with our prayers!

  11. makakaboto na rin ako sa 2010.

    saya! excited… hahaha….

    Ok to ah… sana magwork nga…

    Sana ay mamayani ang daan ng Diyos. ü

    yes, sana magtagpo na ang Dating Daan at ang Tamang Daan! teka, iba pala yun.

    Good luck sa first vote! don’t use text lingo sa balota ha. God bless!

  12. prayers are indeed powerful if not the most powerful tool ^_^ suki kaya aq ng mga 11th hour miracles dahil jan (wink!)

    nakakahiya si bro.utoy. di nya alam ang eleventh hour miracles. paano ba yun?

  13. Brotherutoy -Join ako diyan. Lagay ko muna sa sidebar habang ako ay gumagawa pa ng prayer hane. Ang question laang ay bibitiw kaya ang damuhong tao na nakikitira sa malakanyang? Mukhang nasarapan na yata at kapit tuko na sa puwesto.

    ang totoo nyan eh nung tumakbo sya kasama si De Venecia as vice president pa lang, duda na ako sa Pangulo natin. ano kaya ang ginawa niya sa kunsensya nya at parang di gumagana?

  14. @Utoy,

    ala hoy ikaw pa di mo malaman eh Chem engineer ka! (mag sama sama o mag clump together as one like in bloood, glue etc)

    ang lalim kasi, sumabog ang dugo sa ilong ko. at saka di ko rin yan ginagamit masyado kasi di ko alam kung paano i-spell.üüü

  15. salamat. kahit hindi ako makakaboto… ito man lang ay maging kontribusyon ko. sinunod ko na ang mga patakaran… lahat point by point. may vow of obedience kasi ako. hehehehe

    though with all honesty, i’ve already grown tired and discouraged with our political system. but let us not give in to discouragement– there is hope. kaya sumusuporta ako sa’yo. pagpalain ka ng Diyos.

    thanks, bro! salamat talaga.ü don’t forget to create a link with bluepanjeet’s blog:
    http://bluepanjeet.net/1588/blog-prayer-brigade-for-the-future-president-of-the-philippines/
    para po mamonitor natin ang pagkalat ng ating prayer endeavor.
    God bless!

  16. @Bluep and Bro. Utoy, thanks for these very persuasive political catechism. Napanganga ako, ang galing ng pinanggagalingan…

    dfish naman, wag mo na akong masyadong i-praise at baka mahalata nilang tayu-tayo rin lang ang nagpupurihan.ü hehehe…

    kidding aside, salamat!

  17. amen.
    sana naman maging peaceful ang election!
    at yeah!
    pwede na rin ako bumoto!
    yehaaaaaaaa!

    naks, big girl na ang eloiski namin! {{*teary-eyed*}}
    go, girl! bumoto ng tama!
    at magbaon ng ballpen kasi di reliable ang bolpen sa presinto.ü

  18. Cge po pa join…

    Minsan nakakalungkot lang po isipin na sa dami ng pagpipilian… wala kang mapiling iboto!

    Pag-iisipan mo kung sino iboboto..pero when money talks.. everyone listens.. ASAN PA ANG BOTO MO?! Nadaya na! Gusto ko yung feeling na… nagdadasal ka habang nag bibilangan para lang manalo ang ibinoto mo….

    and the only reason why I am still voting.. because Im still hoping…

    Prayer gives HOPE! Thanks po Bro. Utoy!

    kaya join na, tina! and don’t forget to create a link with bluep’s post. nasa taas ang link address.ü

  19. 11th-hour miracle– yung mga moments ni Lord na pa-thrilling… ibibigay ang sagot within the last minute yung tipong isang hibla na lang natitirang pag-asa or isang buntong-hininga na lang natitira sayo hehehe… chem eng ka pala frm UST… ka-batch mo pala friend ko si karlo hehehe Industrial engr. nman xa UST rin🙂

    BSChem lang ako, Honey. di ko kaya ang engineering kasi di ako marunong magdrowing at maglettering.ü

  20. hi br. utoy.

    thanks for the tag. will work on it. for the meantime, i’ll put the badge on the sidebar. thanks.

    god bless.

    br. donnie

    nako, ako nga ang dapat ang mag-thank you.ü you can get the codes for the badge sa site ni bluepanjeet. just click the link above. God bless!

  21. Ang ganda naman ng dasal mo, kitang-kita ang Christ’s offices: as Prophet, as Priest and as King.

    Ingat, Bro. Utoy. At good luck sa ating lahat sa susunod na halalan. From where I come, talagang pera ang labanan. I was monitoring the past election in my province at ako mismo, nakakita ng bigayan. Councilor level pa lang, bago dumating ang alas-tres ng hapon, 2000-2500 pesos-pesoses na ang abutan. Sad, but true.

    ha?! di ko yata naabutan yang 2500 pesoses.ü

    kidding aside, our electoral system needs every help it can get so why not seek the help of God, diba?ü

  22. Sabi ni Bluepanjeet punta raw ako dito. Andito na nga ako at excited ako kasi kahit papano hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang karamihan satin at naninindigan pa na nadadala ang lahat sa dasalan… pero… pansin ko lang merong isang nawalan na ng hope. May tanong lang ako. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga nangyayari ngayon? Bakit kaya andyan pa rin sa mga posisyon ang mga tayong ayaw natin sa gobyerno? Indikasyon ba to na mali ang Diyos kasi hinahayaan Nya lang? Uh-oh….. I don’t want to doubt my God so I’d rather pray and hope for the best. All big things started with smaller steps. It has to start somewhere. Maybe it’s time that we start with ourselves and stop pinpointing.

    Honga pala… sarap ng hotcake at ice scramble sa harap ng cathedral. gusto mo, Bro? hehehe!

    ganyan katiwala ang Diyos sa atin. parang tatay na ipinagkatiwala ang laptop niya sa mga chikiting niya. and like kids, we sometimes do irresponsible things like abuse his gifts or misuse the resources he provided. hayaan mo, IFM at mapapalo rin ni Lord yung sumira ng laptop niya.ü

    As for hope, ang masasabi ko lang eh the future belongs only to the hopeful. those who have given up has condemned themselves to despair, and so even if they wake up to a bright future, they’ll close their eyes and refuse to accept it…. teka, preachy na ito! baka bigla akong kumanta ng Don Moen dito!

  23. stained glass un ng isang santo.hehe

    abstracted(cubism) lang ung form kasi stained glass.

    ala lang.hehe.

    xD

    siguro si Joan of Arc yung santo. parang sinusunog eh.ü

  24. mission accomplished (partially) brother utoy. saka ko nalang masasabing thoroughly accomplished pagkatapos ng elections.

    harimanawari’y magtagumpay nga.

    basta ang mantra natin eh inspired ni Dory sa bandang climax ng Finding Nemo.

    “keep praying! keep praying!”

  25. kasama nyo po ako dyan sa panalangin.. nakita konadin ang video kay bluepanjeet..

    permission po ill get the badge.

    kapatid, the codes can be found at bluepanjeet’s balay.ü don’t forget to link up his post on the badge!

  26. ako po ay nakapag-post na rin ng aking entry para sa pinas😀

    ansarap ng feeling, kenks. kahit nasa banyagang lugar tayo eh kahit papaano eh may pakiaalam pa rin tayo sa Pilipinas.ü
    God bless at wag mo akong i-po at opo. mahahalata ang edad ko.ü

  27. Utoy, sabi ko sa ‘yo e.
    Ako ay iyong kasangga sa adhikaing ito.
    Nailagay ko na po ang badge sa aking upcoming blog.
    Silipin mo na lang sa ika-8 ng Disyembre.
    At siyempre nasa blogroll na kita (alam mo na ang gagawin mong kasunod. he he).

    december 8 pa? nextnextweek pa yun! hantagaaaal… siguraduhin mong di pa panis ang sauce ng siopao by then.

    ano pala ang gagawin kong kasunod? hehehe…

  28. rev. pa enroll na rin ako ng maaga para maka discount sa siopao mo. sa petsa pa lang, parang “infallible” ang pagbubukas ng blog mo, ah, hehehe.

    hmmm… immaculately conceived na blog? a blog as white and spotless as siopao? hehehe…

  29. oooh, yan ba ung prayer brigade?

    ano ba ang prayer? haha. nakakain ba yan? lol!

    lemme think bout it.

    ps.
    have seen your congregation’s site pala.

    xD

    so… punta ka ha.ü hehehe… mga kapatid kong ex-sem, kilalanin nyo naman itong si dedpish. utol mo ba ito, Dfish?ü

  30. {pasintabi kay Utoy}

    Huy dedpish… super salamat. Hay naku bigyan kita ng lifetime privilege card. Libre palagi ang siopao para sa ‘yo dahil isa ka sa naunang nag-sign-up. Wink!

    Alam mo bang nasa blogroll na din kita now pa lang dahil lahat ng katoto ni Utoy ay feeling katoto ko na rin. O ha!

    Natawa naman ako sa comment mo re “infallible” ang pagbubukas ng blog. Akala mo lang ‘yun! Kaya nga natatakot akong buksan ang bagong tindahan ay dahil baka 1st day pa lang mai-pasara na ng mga kinauukulan. He he. Kitakitz. GOD BLESS!

    aha, mang-aagaw! akin sila, siopao, akin!!! hehehe…

    may irerecommend akong friend namin nina Bluep, Dfish at IFM na pwede rin sa blogroll mo. si “C”! hehehe…

  31. […] Brotherutoy tagged me and I find the cause very noble so I joined in. […]

  32. rev, gud morning. hindi ako double dead pish ha – si dedpish, ewan ko kung anong aquarium sya galing.

    Dfish naman eh. blog ko ito, di kay rev. hehehe…

    saan galing si dedpish? I’ve got three letters: O, M atsaka I.

  33. Fatherlyours tagged me this which lead me to your post . I believe that this is a good call to us. This is again a time to unite not just to pray for our next President, for the whole nation and for all Filipinos around the globe.

    I also would like to think that this is not just for Catholics (or to any form of Christian), but also to our brother Muslims.

    This is not just about religion and prayers, this is about faith and unity.

    Thanks!

    thanks for dropping by, Sir Cuala! it’s an honor to be visited by one of FatherlYour’s friends. I do hope you’d join us in our endeavor to promote prayer as a means to political change in our country.

    yes, it is non-denominational, as stated in Bluepanjeet’s blog, so our brothers from other faith are also encouraged join the brigade.

    God bless!

  34. if only we could change gloria.. sigh… we just have to wait 2010 til she leaves the thrown..

    it’s either that or she has to be throne out by the people. hehehe… God bless!

  35. Sorry, Bro, ngayon ko lang na-realize na di pa pala ako nagco-comment dito… Huwag pong mag-alalala, gagawin ko po ito – pramis!😉

    thanks a lot, pinky! don’t forget to create a link to bluep’s post para mamonitor namin ang mga nag-join sa prayers. God bless!

  36. Utoy, tumbling naman ako sa “aha, mang-aagaw! akin sila, siopao, akin!!! hehehe…” nakaka-buang! {na-imagine kita habang naka-akmang mananampal, tapos makakaiwas ako, tapos ‘yung mga snowmonsters mo ang tatamaan… maganda bang plot ng tele-serye?}

    Woi, sino si “C”… nakaka-intriga naman!

    ito naman, may vestiges pa ng MaraClara at Esperanza sa imagination. sampalan scene ang highlight ng buhay. baka tuloy isipin nila Juday fan ka eh alam naman ng lahat na solid diehard true-blue honest to goodness forever Jolens tayong mga WP bloggers.

    tanungin mo sila bluep, dfish at ifm kung sino si “C” hehehe… wag na lang pala’t baka ma-plurk tayo!ü

  37. huh? si Catwoman ba yun? hehehe! eh abangan na rin sa dec. 8….

    hinde, si Penguin.ü

    si catwoman, wala na kasi ipinalaman sa siopao.

  38. di ko kilala si Dfish, ‘di kasi sya sa tubig nakatira,eh.

    xP lol.

    xD

    ang dedpish din, diba sa lata na nakatira?

    xP lol din sayo.

  39. sali rin aq n2 bro ha.. di q nga lang alam pano i decorate yan sa sidebar ba kamo… patulong n lang aq kay kaiser ung gumulo este nagayos ng blog q. basta sali aq ha🙂

    click mo yung link papuntang bahay ni Bluepanjeet tapos i-copy mo yung codes dun ng badge. Tapos, sa widget section ng blog mo, create a text/html widget tapos i-paste mo dun ang codes.

    sali na, honey!ü

  40. Kapatid, mahirap-hirap tong meme na ito ha… makikidamay na lang ako kay Pinky…hehehe!

    no problem, Leap! Kaya nga one number lang kayo eh.ü

    teka, tama bang ipasa kay Misis ang task?

  41. […] Exposed!!!Sugar: not exactly a Valentine storyThis Blog’s Cool HaloAll-Saint: Purely PicturesMagdasal-dasal ka na…My Top Ten Coolest Parables, Part IStain Glass Windows: purely picturesNo, it doesn’t rhyme at […]

  42. […] 12. Jejeizahfaye.Com 13. KwentongKengkay.Com 14. SamJuan.Com 15. AlexArevalo.Blogspot.Com 16. Utoysaves.wordpress.com 17. FatherlyYours.com 18. BloggerJorge.wordpress.Com 19. MommyYelvz.Com 20. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: