How to Make an Effing Snowman

Una sa lahat, gusto ko ng bagong header.  Kaya lang superdooper-obsolete na ang computer ko, kulang na lang monochrome ang monitor.  Di tuloy ako makagawa ng maganda at medyo cool na header.  Siguro eh as early as now eh naramdaman mong whine post ito kaya gusto mo nang itigil ang pagbabasa.  Well, manahimik ka.  Basta, gusto ko ng bagong header.

img_2041Pangalawa, lahat ng kantang pamasko na patungkol sa niyebe tulad ng Jingle Bells, Frosty the Snowman at White Christmas ay hindi totoo.   Hindi masaya ang may snow.  Or rather, masaya lang siya sa unang tatlong araw.  Pagkatapos noon, puro lamig, hinagpis at paghihirap ang kasunod.  Parang married life lang.

Kaninang umaga eh kinaladkad ako ni Elina, ang anak ng femme de menage namin (read: katulong), papalabas ng bahay upang gumawa ng snowman“Parce que, mon frère, maintenant est le jour parfait pour faire un bonhomme de niege!”  patalbog-talbog niyang wika.

img_2303Snowman.  Bata pa ako eh naiimagine ko na kung ano ang snowman.  Pero matapos ang mahigit na isang buwan sa niyebe eh parang ayoko nang matutunan kung paano gumawa ng snowman.  Naranasan ko nang madulas sa daan habang naglalakad dahil natunaw ang snow pero nagyelo ulit.  Mistulang ibinalibag ako ni Stone Cold sa malamig na aspalto.  Buti na lang kamo’t may soot akong sando, t-shirt, polo, thermal, pullover, cardigan, jacket, scarf, bonnet at wintercoat nung lumabas ako kaya parang nahiga lang ako sa patungpatong na damit.  Naranasan ko na ring dumulas ang kotse ko (may sarili akong kotse dito, sosyal! hehe… isang Peugeot na pre-owned-by-everyone) sa ibabaw ng niyebe dahil punyemas, biglang may tumawid na kuneho (Boni, ikaw ba yan) sa harapan ko.  Napapreno ako kahit na 20 kmph ang takbo ko, out of habit, or out of awa sa rabbit.  Number one rule sa pagmamaneho sa ibabaw ng niyebe:  hangga’t di ka nakakarating sa garahe mo, huwag kang pepreno.  Hayun, dumulas ang kotse.  Kumanan ako para umiwas sa mga makakasalubong ko.  Hayun, lalo akong kumaliwa.  Buti na lang wala akong nabangga.  Haynako.  Sana may bago na akong header…

img_2461Ang parusa pa eh araw-araw, bago ako bumili ng tinapay na pantanghalian at hapunan namin eh nagsho-shovel pa ako ng snow sa driveway.  Magaan lang naman pero sige subukan mong pawisan sa -2degC na klima, ewan lang kung di ka magkasakit.  Basta ako, gusto ko ng bagong header.

Anyway, eto’t natagpuan ko na lang ang sarili kong hila-hila ni Elina papunta sa likodbahay upang gumawa ng bonhomme de niege.  Haul-habol naman kami ng nanay niyang si Isabelle para bigyan kami ng butones, scarf at garden hat para i-accesorize sa snowmanIn no time, all-fours kami sa lupa para magrolyo ng snow.  Madali lang sa una kasi true to the meaning of snowball effect, lumalaki ang snowball habang gumugulong sa snow.   Yun nga lang, kapag malaki na, anghirap nang irolyo.  Para ka nang naggugulong ng sako ng bigas.  Haay, ano kaya ang feeling ng may bago at cool na cool na header?

Hayun, nagawa na namin ang unang snowman.  Disappointed ako.  Para lang siyang tumpok ng niyebe na pinala ko tuwing umaga.  Sabi ng nanay ni Elina, picturan ko raw.  Sa pangit na yan, pipicturan ko?  Pero I obliged.  Kasi nga gusto ko ng bagong header.

img_04311Andumi at malformed ang snowman kasi umihip ang southern wind kagabi, natunaw medyo ang snow at nagputik.  Pero masaya na rin ako kasi at least eh natapos na ang snowman.  Yehey, makakabalik na ako ng bahay kung saan may heater at may kape!  Grabe. kulang na lang, magandang header!

“Frère Outeuil, je crois que notre bonhomme de neige doit avoir une petite amie!”   Tingnan mo ang batang ito, onse anyos pa lang, pagsu-syota na agad ang nasa isip.  Osya, gawan ng girlfriend ang snowman.  Bilog-bilog ng snow, etc.  Nilagyan pa ni Elina ng buhok na pine twigs ang snow-GF.  Dahil giniginaw na ako sige na lang kung anong mangyari, basta mairaus din.  Pero guess what?  Gusto ko ng bagong header.

Alors, maintenant, on fait aussi un petit bébé de neige,” deklara ni Elina.  Ano ba, ineng?  Akala ko ba eh pro-contraceptive ang Pranses?  Aba eh mag-aanak agad, at apurado pa, ni di pa nga kasal.  Sige gawa naman ako ng baby snowman.   Tulad ng mga magulang niya, ampangit ng baby smowman.  Di kasi ako nag-eenjoy.  Kung header sana itong ginagawa ko, masaya siguro ako.

“Frère Outeuil, je voudrais le bébé être proche de son papa!”   Ang batang ito, andaming kapritso.  Sige, ilipat sa tabi ng tatay ang snowtiyanak.  Naninigas na ang daliri ko dahil tagos na ang lamig sa gloves ko.  Kapag ang batang ito, humiling pa ng bahay at kotse para sa mag-anak na niyebe…  tuloy, naisip ko:  Sana may bago na akong header.

Heto ang snowman. or rather snowmonsters.

ang magtatay na abominable snowmen

ang magtatay na abominable snowmen

 

ang girlfriend ng snowman

ang girlfriend ng snowman

lovechild ng snow couple

lovechild ng snow couple

with Elina

with Elina

Bago nga pala ako magwakas with my stainglass window of the day eh bisitahin nyo naman ang link na ito.  Bida kasi ako dito.  Thanks!

Eto na ang aking istenglas wendu opdadi.

rosette window of the Chapelle de Parménie

rosette window of the Chapelle de Parménie

 

Again, sa mga Lasallista dyan, kuha ko ang picture na ito sa Parménie, isang mahalagang lugar sa buhay ni St. John Baptist De Lasalle.  Malakas ang hinala ko na Mother and Child ang stainglass na ito.  Anyway, heto ang tunay na Mother and Child, ang isang version ng Pieta na natagpuan ko rin nasa loob ng chapel.  Sensya na’t madalian lang ang mga pictures na ito.  Superdilim pa sa chapel.  As useless, pwede ulit i-click ang mga pictures to enlarge

Pieta

Pieta

 

God bless! (Sana mayroong mag-offer na gagawa ng header ko…)

67 Responses

  1. ang tagal naman ng bagong header …

    baka tunaw na ang snow at putik na ala pa din😛

    oo nga, libs, pero kapag may nagvolunteer eh sisipain ko na agad ang tatlong snowmonster. uy, Elina is set to be baptized this coming christmas. let’s pray for her.ü

  2. Pansin ko lang, Bro, parang giniginaw din ang mga effing snowpeople ninyo. hehehe! at nasan na ang pic mo dyan? wala tuloy ebidensya na kaya gusto mo ng header kasi gumawa ka ng snowman.

    nakangiti kasi ako sa pics. baka walang maniwala na badtrip ako habang ginagawa ang mga snowmen na yan. sabihin nila, di rin ako seryoso sa paghingi ko ng bagong header.ü

    wala na siguro akong balak magpost ng pics ko, IFM. last na siguro yung sa post ko sa tatay ko. I want to be known for the contents of my mind, not for the cuteness of my face {{*biglang naduwal tapos bumulagta at nagkikisay*}}

  3. hahaha. kung ilang beses mong sinabi ang gusto mo ng bagong header ganun karami rin ang pagtawa ko. tuwing mababasa ko natatawa ako promise, para bang pinaparinggan mona ang magaling sa adobe na si bluepanjeet. (bro bluep, gawan mo nga tong bata na to ng hindi na masama ang loob) pati ang yelo at snowman pinagdiskitahan wahaha..

    pati ang kuneho dyusko! ^^ kala ko nga nung una eh nakakanyebeng basahin at parang ang haba nun pala nay humor talaga. kung ilang ang pharagraph mo ganun din ang bilang ng “gusto ko ng bagong header”

    wahaha! nice shot! bang!!

    aahhrrgghh! sinamaan ako! toinks.ü

    oo nga, bluep, gawan mo ang batang ito ng header.ü hehehe…

    truth be told, andaming kuneho ditong naglalabasan ngayong winter kasi naghahanap sila ng pagkain. tapos puti rin ang balahibo nila kapag winter.ü

  4. Bro, binasa ko yung link mo, pero kahit na English, inabangan ko pa rin yung lollipoppy want mo for A COOOL HEADER. masaya siguro pag biglang buntot mo dun sa writeup.lol. sana pinatabako mo na snowman mo para maiba – snowkapre.

    di alam ng mga superiors ko na may ganito akong blog. hehehe… except sa kaibigan kong dating general superior namin na amerikano. nagreklamo nga sya sa akin, bakit daw tagalog na akong mag-blog. hehehe…

    oo nga ano? snowkapre is a good idea. kaya lang, paano ko sila iaakyat sa puno?

    atsaka pwede bang snow-manananggal na lang para kalahati lang ang gagawin kong snowman? tipid sa time, effort at snow!

  5. Hehehe, kakatuwa nmn, may sasabihin sana ako sa itsura ng snowman kaso wag nalang, hehehe…

    O cge, mag offer ako ng time at knowledge ko para sa bago mong header. Just give me the idea that you want tas if possible send mo din sa email ko ung mga pics na gusto mo tas ako na ang maghahalo halo. Wokey ba?

    Sana sumama ka kay Elina sa pic para may ebidins na kasama ka sa paggawa ng snowmonster este ng snowman. Naku kung andyan siguro ako gagawin kong photographer si Elina, toinks!!

    Godbless!

    kapag tungkol sa katabaan ang sasabihin mo tungkol sa snowman ay mag-isip-isip ka. sensitive issue yan.

    as for the header, salamat, Jorge, pero the venereal este venerable demigod of photoshop has already heard my pleas. in fact, i’m on my way to offer a live animal sacrifice and a short interpretative song-and-dance number on his shrine all in the name of a new header. o hail to thee, mighty b**********! (di pa kasi ako nagpapaalam sa kanya kung pwede ko bang imention ng name niya. pramis, hindi si baldemort ito.)

  6. sekon demonsyon ako sa stainglass..mudra and child nga!

    ayos utoy..may pumatol na sa iyong halinghing..naawa si jorge,hihihi

    hay sinabi mo pa..di din ako enjoy dyan..maganda lang tingnan pag nasa loob ka pa ng bahay..pero pag ikaw na ang nasa snow eh parusa…lalo na pag inulan…hay!

    kita mo rin, p0wks?ü ang galing ano!

    oo nga eh. ambait talaga ng batang yan. ngayon, sa mga panahong nangangailangan ako, kilala ko na kung sino ang dapat kong utangan. yaman daw si jorge eh, pa-foodtrip-foodtrip na lang.ü

    you know exactly how I feel {{sabog ang dugo sa nosebleed}}. badtrip nga ang inulan na snow.

  7. Hay naku…. walang nakahula.
    Kaya wala sa pics si Utoy ay dahil nasa loob siya ng tatay na monster… hulmahan ba {look at the size!}. Pax Utoy!….

    Babalik ako pramis…. paos pa ako katatawa dahil sa header na ‘yan… Papatulan ko sana ang parinig ng ating pwend para sa header na ‘yan kaya lang nag-boluntir na si Jorge e. Go go go Master Ooqay.

    SInabi ng paos ako e… Babalik!

    Ano kamo?!! Pax me?!! pax you too! hehehe…

    actually, huli na’t dininig na ng makapangyarihang panginoon ng photoediting ang aking mga panalangin kaya naman buong kagalakan kong pinagwawasak ang mga snowman sa likodbahay. ooh, pure joy!

  8. @ revsiopao – sabi ko na nga ba nagpaparinig si Bro. Utoy. Hiya lang ako magsabi ng totoo. hihihi!

    pinagkakampihan na ako sa sarili kong blog… {{hikbi}}

  9. @revsiopao….hmmp ang suplado naman ng blog mo at talagang taga WP lang ba ang pwede..bakit may bayag din naman ako ah..malalaki pa (nakatungo) (hikbi)….

    papaano mo ako mabibigyan ng siopao nyan???? (biglang taas ng mukha) (galit na galit at sumisigaw)

    sumbong kita kay ankol benedikto!

    paging ankol bene! paging ankol bene! yuhoooo!

    sige, p0wk4ng, ilabas mo lang… wag mong pigilin… i-express mo lang… heto ang pana at sibat. dali, i-express mong mabuti!

    aahhh, siops, wag ka masyadong magalaw para mai-express ni p0wks ng maayos ang nararamdaman nya. tayo ka lang dyan ha.

  10. Nagbabalik….

    Utoy, i-replenish mo ang supply ko ng tissue papers (read: basahan)…. E nibasa ko ‘yung article mo dun sa link. Wala ka man lang caveat na nosebleed post pala ‘yun. Hanube! Balinguyngoy galore. Singhot! Seriously, it was a very informative post. Na-excite tuloy akong pumunta sa LaMure. (naks bumawi).

    @ifoundme — e ano pa nga ba? ‘di bale, mukhang epektib naman at may nag-boluntir kaagad.

    @p0kw4ng — ano ba kumare kong prinsesa ng milan, hindi suplado ang blog. hindi pa kaya nagbubukas ang bago kong tindahan kaya ganun! huwag atat! (hindi ako galit promise. he he). sa 8 dec. 08 pa po ang pasinaya. dala ka ng biko at halaya ha. naka-ready na ang banda. at siyempre nasa blogroll ka na! {e ‘di ba close na tayo…. blush!}. huwag mong tawagin ng pasigaw si ankol bene, busy siya ngayon at linggo. {{‘nga pala, sa susunod huwag mo nang ipangalandakan na meron ka ding b#y&g ha…. malalaman nilang operada ka!}}

    Utooooyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!
    (wala lang gusto lang kitang sigawan…
    hindi na ako paos e.)

    CLAP CLAP CLAP! (ang bagong pauso)

    P.S.
    Aba at 2 Toinks Team members ang extra dito (paging bonifacio at hor-he)! Sumisikat!

    ano ba yan, bati na agad si p0kw4ng at Rev.Siopao? sayang naman ang pana at sibat ko…

    yup, siops, andito ang toinks team at mga kaibigan ko na rin sila. mababait ang mga iyan at magagalang (kasi ginagamitan nila ako ng po at opo). toinks!

  11. haizzzzzzzzzzzz ang sarap ng may snow…. sana naman pag nag visit ako ng china next year may snow…

    haizzzzzzzzzzz hindi ren… parusa ang snow saan man naroroon! uy, punta ka ng china? wow, sama ako!

  12. @ revsiopao – nagtry rin akong pumunta sa nawawalang tindahan mo pero di ko alam kung talagang ako yung naliligaw o nawawala nga talaga ang tindahan mo

    hintay natin ang launching at malapit na. balita ko eh nakakahuli na ng sapat na pusa si Rev para sa 200 siopao sa grand opening nya. at balita ko rin, guest si Jollibee.

  13. utoy pasensya na at ginawa ko na namang chatbox itong komentuhan mo..hayaan mo pagdaan mo dito eh babatuhin kita ng snowballs bilang pagsalubong!

    @revsiopao…naku tamang tama at baka nandyan ako sa 8,hehehe…balak kong mag church hopping..parang club lang at mall,hehe

    salamat po sa paglalagay nyo sa akin sa tindahan nyo bilang isa sa mga stockholder..hahahaha

    saan ko ba kayo makikita para naman makapagpalibre ng isang basong mompo (tama ba aketz?)

    ok lang yun, p0kw4ng kasi di ko naman nahalata.ü basta pautang na lang at bibili rin ako ng stocks sa siopao-wan. sa ganitong maproblema sa economiya eh dapat mag-invest.ü

  14. Hoy Utoy! nagpaparinig ka hahahaha.

    sa iba mo pa ipapagawa eh ayun na nga, halos tukain ka na nga ng kabang graphics sa blog ko.

    amina at email mo sa akin. magtatampo ako pag sa iba mo pa pinagawa yan. parang sinabi mo nawala ako silbi haha

    Basta abangan nyo sa december 8 may sasabog haha.

    andun sa banner sa blog ko, hulaan nyo kung sino yung may question mark doon haha

    hehehe…. salamat, bluep! yehey! magkakaroon na ako ng bagong header! yahoo! google! hotmail!

    uhh… sino pala yung ila-launch sa december 8? sa silhouette eh parang di ko makilala ang malasiopao niyang pisngi. sino nga kaya siya? rev, kilala mo ba ito?

  15. ako asado ang gusto ko. gusto ko pati sa antigua. ayoko sa peking, pusa at karton ang laman ng siopao

    masarap ang siopao sa antigua? wow, useful knowledge ito!

    ako, bola-bola naman ang gusto pero that doesn’t mean that i don’t like asado.ü

    happy pa rin ako’t igagawa mo ako ng header.ü

  16. @ Bro. Utoy – hala! may banta sa buhay mo! dali! bigay mo na at baka di makatulog yan.. hahaha!

    @ Bluep – peace! bait bait mo! mamimigay na nga si rev siopao ng siopao ng libre, namimili ka pa. peace ulit! di pwedeng awayin ang muse! magtatampo! hahahaha!

    naku, ibibigay ko talaga.ü atsaka, tiwala ako sa taste ni bluep. yung badge pa lang ng prayer brigade eh hanga na ako.ü uy, di bola yan ha…

  17. haha

    babalatan ko ng buhay yang si utoy hala LOL

    kakainis, di pa sa akin nagsabi haha

    maghapon ako nagdududukdok sa photo shop eh di sana naisabay ko na LOl hirap pa mandin magload ng photoshop ko at bagong update

    nangangatal tuloy daliri ko. di na naman ako makakatulog nito. maglilinis na lang ako ng kubeta

    PS. ano kaya lasa ng yelo. try kaya nya maglagay ng arnibal para snowball haha

    nag-email na ako, bro, for details. pati snowballs na may arnibal, ini-attach ko rin sa email.ü sobrang saya ko. ang ngiti ko, parang ngiti ni Heath Ledger’s Joker sa sobrang wide.

    hayan tuloy, kamukha ko na si Heath Ledger… haay.

  18. IFM, muse ka basta ha LOL

    ikaw ang official candidate namin sa ms batibot porno pageant haha

    starring Sitsiritsit and Alibangbang! magandang idea yan, bluep!

    pero hinde, wholesome ang image ng muse natin. di natin pwedeng hayaan ang Miss Panaad Best in Talent (blogging while nursing) 2008 eh magkaroon ng dubious record.ü

  19. ah dapat ang na mamigay yan ng siopao at kuntodo ang PR ko sa kanaya sa blog ko haha. maypa secret secret pa ako na nalalaman LOL

    ay siya pala yun! nyemas, di ko nahulaan! kaya pala I smell something siopao-wy around here…ü

    Rev, dapat may pa-siomai rin.ü

  20. mukhang gulat at nasundot sa pwet si snowmonster… mukha namang naughty na pa demure ang gf at mukhang autistic ang baby hehehe… nakikigulo lang pero bakit nga ba parang mukhang nagulat (at nasundot ulet sa pwet) si snowman?

    ewan ko, basta ganyan na lang ang lumitaw.ü ampapangit nila ano? hihihi… pero I’ve got to admit. ampuputi nila! parang naglikaspapaya lang!

  21. kami ang snow namin dito nawawala after isang oras, waaa😀 at sa totoo lang, takot akong mag drive kapag may isnow kaya naman lakad kalabaw ako kahit na sa pitong bundok!

    delikado talaga ano? pero napipilitan akong magkotse lalo na’t mamimili ng gulay, kakanin at panggatong sa kabayanan.ü kamusta na pala ang relo-hunting natin, kengks?

  22. masaya lang siya sa unang tatlong araw. Pagkatapos noon, puro lamig, hinagpis at paghihirap ang kasunod. Parang married life lang.

    as if alam nya ang pakiramdam ng married life..

    sa libong ulit mong nireklamo ang kawalan ng bagong header, palagay ko narindi na sayo si santa claus.

    pansin ko lang bro ang galing galing mo nang magfrench.😀

    baka kasi wala nang magpari kapag sinabi kong seminary life.ü

    magaling magfrench? naku, i’m the janina sanjuan of rhone-alpes!

  23. pacomment uli..hihihi

    nabasa ko kasi yung links sa taas…kahit na isang word lang yung naintindihan ko hindi pa ako sure kung tama ako…

    yung Isere ba na nabanggit mong place nyo at yung Val D’Isere na skiing place dyan sa France ay iisa? Galing kasi kami don last March eh..Nakarating na din ako ng Courchevel twice,kabilang side lang non yun db?

    kung di ako nagkakamali, sa may bandang Deux Alpes yun or sa may Savoie, powks, favorite destination ng mga italyano dito sa Prens. medyo mahirap marating from here kasi kahit na malapit, sus, mga gabundok na balakubak naman ang nakaharang.

    wow, afford ni p0wks mag-ski!ü yaman mo, mare! pautang naman o. kahit 50 yulos lang.ü

  24. Batibot Porno Pageant?!?! Hahahaha! Sino ba ang mga judges ng mga simulan ko na ang pag-iinvestigate para mahanap na ang kiliti nila….

    Bro, wala ka bang handang halo halo para samin dito? Tambayan na namin tong blog mo eh….

    Paging Rev. Siopao! Asan na yung siopao? Gutom na ang lahat.

    piaya ang gusto ko eh.ü atsaka batirol na tsokolate.

    napansin ko nga, tagpuan ng mga organisasyon ang blog ko.ü parang multi purpose hall lang. basta tambay lang, ok na ok sa akin yan.ü

  25. bro, wala bang tagalog subtitles ito? di po kasi maintindihan ng aking maliit na utak ang french. kahit ano kasing basahin kong french dito, oo lang ako ng oo. kumbaga, pwede na akong ibenta.

    ang sarap kasing pakinggan.

    ang kyut ng snowmonsters, in fairness. buti hindi po kayo sinipon sa pagtatampisaw ninyo diyan sa snow.

    at oo, gusto mo nga ng bagong header.

    pareho lang naman tayo doc, kahit anong sabihin din ng mga pranses dito eh oo lang ako ng oo. atsaka trust me, di naman masyadong mahalaga yung mga sinasabi ni Elina.ü pero cute na bata yun, she’s preparing for baptism sa pasko.ü

  26. ay gusto ko pa ring maexperience ang white christmas!
    kahit isang beses lang!
    gusto ko rin gumawa ng snowman!

    inggit ako!
    awts!

    pero nakakagulantang naman ang nangyayari dyan pag snow!
    pero kahit na !
    ah basta!

    ang kulit!

    kung pwede nga lang isako’t ipa-chronopost ang mga snow dito para masaya naman ang lil eloiski namin.ü

    God bless!

  27. Sobrang relate ako sa “fervor of first love” kung snow ang pag-uusapan… masaya lang sa una pero pag medyo muntikan ka nang madulas at tumatagos na sa gloves ang lamig – di na siya nakakatuwa – bwahahaha!😆

    In fairness, though, kacu-cute naman lumabas ng iyong snow monster family – especially si fashionistang girlfriend na naka-red scarf pa – sosyal!😉

    Sana marunong akong gumawa ng magandang header para may Christmas gift na ako sa iyo… pero since di ko ito talent, sana nga may mag-volunteer na…soon!

    truth be told, pinky, nahihiya ako sayo. my blog has changed from wholesome to r-rated. {{crimson on the face}} i do hope you’d still find something sensible sa posts ko.ü God bless!

  28. PS lang: I visited the link kung saan ka nag-bida recently and I just realized na “SSS” pala ang shortcut ng samahan ninyo… natuwa ako dahil “SSS” din ang napili kong “shortcut” sa blog ko, di ba? Para bagang gusto kong makisama sa kabanalan – hahaha!😀

    it’s in latin: Societas Sactissimi Sacramenti, meaning the Congregation of the Blessed Sacrament. pero sa pilipinas, SSS means yet another thing.ü hayaan mo, you and leap would be our honorary member.ü
    God bless!

  29. Ahaha.. kakatuwa si Header, sawakas may gagawa na! Matatahimik na rin si Header! (toinks)

    Ok na gimik yun ah.. kunyari di ko nabasa d2 ahihihi masarap sana kung may PayPal donation..

    Marami makakabasa.. pero mas masarap talaga kung may PayPal Donation..

    Magbasa man sila.. mas OK pa rin ang PayPal Donation…

    Oopss.. pasensya po naligaw yata ako di ko naman to blog ah… Teka mas ok yung PayPal Donation.. Toinks! (may pumatol kaya?)

    Clap Clap Clap (eh.. may kalapati ba?)

    naku, dinalaw ng beauty queen ang bahay ko! wala pa naman akong bagong kurtina’t on the making pa.ü

    paypal donation? hhhmmm… you just gave me an idea!ü

    uuuhhh… ano pala yung paypal donation? sa pinas kasi, ang madalas na donation sa pari, hindi paypal kundi payless at saka luckyme.

    salamat sa pagdalaw, lil miss banana split!ü
    “basta banana, sweet!!!”

  30. klang klang klang! (laos na ang clap clap clap)

    aba ay kaydami ko palang napalampas na kaganapan dine. pasensiya na at busy-busyhan para sa pasinaya na gaganapin sa lunes. ubos na sa palengke ang mga pusa… mahahalata nila kaya kung karne ng sawa ang gagamitin ko? may intsik kasi akong supplier. payag ng pakyaw. para 1,000 na ang libreng siopao. baka kulangin sa pagdasa (ganun?) ng bisita.

    UTOY tila baga naging pondohan na sa barrio culiculi ang bahay mo. pa-berjer ka naman! {huwag ka maingay, ikaw lang ang may dagdag na siomai sa lunes}

    @BLUEP, IFM, at sa mga iba pang atat: Huwag kayong mag-alala, may extra siopao kayo sa pasinaya. Kayo pa! Tigilan na ang ang pag-banggit ng salitang Batibot. May trauma pa ako sa nakaraang pageant.

    @ BLUEP (ulit) — kapatid, super kinilabutan naman ako sa teaser na nigawa mo. naluha ako pramis! kasi para akong silhouette ng isang hindi kilalang poon. he he. SUPER SALAMAT! {naka-order na ako sa antigua ng para sa ‘yo. shhhh}

    @TINA BANANA – nagkakalat ka din ng lagim dine? anong paypal drama ‘yan ha? mamaya ka…

    O siya, tatapusin ko pa ang pagkakabit ng banderitas.
    CIAO!

    {{mala-madrigal songers}}
    “kampana ng simbahan ay nanggigising na!
    at waring nagsasabing tayo ay magsimba!”

    mas gusto kong pauso yan, kapatid. it is soooo… uhhmm… bell-y.
    kung churchbell-y, tuna bell-y, potbell-y o bell-y flores eh ikaw na ang bahala. basta aprub sa akin ang “klang-klang”. katunog ng “kring-kring”. parang 90’s-ST-queen-turned-trophy-wife lang.

    teka, saan ka pala hahanap ng higanteng steamer ng siopao nyan? at sabi nga ni bluep, baka naman ginutgot na karton lang ang laman ng siopao ha… kung magkaganun, gusto ko styro laman ng akin para at least crunchy.

  31. asows bat ba dumaan pa ko rito utoy…para lang mainggit!

    sa buong buhay ko eh hindi pa ko nakakakita ng snowman.

    ay weyt seminarista ka??? i’m outta here bago pa makagawa ng masama.

    sigurado kukulangin ng holy water ang mga simbahan dyan..pambasbas sa kin.

    no, weyt, helena! wag ka munang sumibat. gawan mo muna ako ng masama!ü

    ang snowman, para ka lang nagsayang ng yelong panghalo-halo para itumpok at pagkatuwaan.

  32. eh puro pagkain naman ang nandito… sino magdadala ng pantulak? 20 cases ng san mig light okay na!

    basta ako, sagot ko ang yelo!ü hehe…

  33. Napadaan lang ulet, nde na sana ako magcocomment kasi baka magmukhang chat room ito (eh chatroom na nga, toinks!), kaso nde ko mapigilan ang aking dariri (sabi ng aking pamangkin na may british accent) para magcomment.

    Ngaun lang ulet ako nakawala sa hawla ng trabaho ko, kamoteng kahoy talga sa sobrang dami nde ko makuhang mag cr.

    Anyway, highway, milkyway, samalat po sa papuri, nde po kami mababait, mga nagpapasikat lang, toinks!!

    Eto ang malupet, ginagwa nating tambayan slash hallway itong blog ni bro. utoy, hahaha! Salamat sa accommodation. hehehe..

    Brother, food trip tayo minsan! Daan ka dito, ililibot kita at kakain tayo ng maraming marami (pero magsshare tayo para nde gluttony, toinks!) Ewan ko, bakit slim parin ako kahit madami akong kumain, hehehe..

    Godbless!

    maglagay na kaya ako ng chatbox na widget? inde, sayang din. dito na lang tayo sa comment magkwentuhan. hehe…

    buti nga si siopao, parang nakapag-KL na rin.

    slim kahit madaming kain? wag mo naman kaming inggitin. pinagpala kayo nila IFM ng perfect body for gourmands (read: matakaw) like me.

    at daig mo pala ang jeepney driver dyan, dyinggel lang ang pahinga. ingat at baka magkasakit sa bato! spicy pa naman ang kinakain mo dyan.

  34. Sa tingin ko bro, hindi lang header ang babaguhin mo. pati na rin blog title mo. magpa-kontes ka kaya for blog titles? Tambayan? Rolling bayan? Crush ng bayan? tagayan?paliparan?si ifm, baka may idea ka SIS.

    crush ng bayan? anong bayan ba yan, Dfish, at nang dyan na ako maninirahan… porevaaahh!!!

    gusto ko sana ngang magpakontes para masaya kaya lang wala naman akong maibibigay as prize. magpapanewspaper drive muna ako sa parokya para magkadatung.ü

  35. anyone who knows rev.’s wordpress password, para mabuksan na natin bago mag otso ng disyembre?tanong natin sa pamangkin nya.lol…mortal siopao sin ba rev?

    alam ko! alam ko! ask me! ask me!

    Eto ang password ni Rev: “clap!clap!clap!”

    hehehe…

  36. hi! thank you for visiting my site.

    tama ka.. hindi nakakatuwa ang snow! nakaksakit siya ng ulo, sa totoo lang.

    take care and God bless!

    youre welcome, Goddess. i had a great time reading your posts so the pleasure is mine.ü

    God bless!

  37. @Dfish — hanube! Kaka-pressure ka e. Huwag atat. Behave! Malufet ang password niyan {kontra heckers tulad ninyo}.

    Parang ganito ang password:
    !@#$%^&*()_+JSLW:P”DKPWNOIS@$#%^%&*(
    S@%^@W*(DSUHWOIDJ@W)(*&%R*&(Q&W_)S+)
    %^Q$S^&Q*S*(Q)S)_Q(S_+QS+_)_+_S

    Simple lang ‘di ba?

    COPY-PASTE mo. Now na!

    rev, hindi gumana. kulang ng siopao sauce. tapos sobrang daming “amp”

  38. @ DFish – ba’t di kaya yan na lang ang next na pacontest ni Bro? ikaw ang chairman of the board ng judges. hehehe!

    @ Rev Siopao – wow! di ba yan din ang password ng lahat ng sekreto sa mundo? makopya nga!

    Dfish, Bluep, Rev, magpakontes tayo ng “best seminary experience” na post. meron ako tungkol sa flagyl. hehehe… hala, si IFM, di makakarelate! judge ka na lang, SIS!

  39. rev. – parang me kulang na sign between DSUH and WOID? Still waiting 4 d CEO of this blog to pass d contest memo…

    Dfish, yun yung red dot sa siopao. hirap ngang i-cut and paste eh. as for contest, aba, at desidido ang lahat magpacontest!

    btw, congratulations, Dfish, you made the 1000th comment on my blog! walang biro ito. ikaw ang pang-1000th.ü and for that, you’ve won a free siopao, which you can claim at Rev’s blog on December 8.ü

  40. sa totoo lang ayoko din ng snow, mukha lang siyang masayang panoorin sa tv pero malamig kaya yun.. para kang nasa narnia.. hehe

    la lang!!

    comment lang din!! ^^

    good comparison, cindyrella! eto, trivia, yung winter sa narnia, it is a semiotic rendering of the seeming absence of God. The beavers were representations of the prophetic hope that held the smouldering “hertzog” of faith alive. While the fox, my favorite character, recalls the ingenuity of early Christians of masking their liturgical practices with the seeming loyalty to other religion in their efforts to keep Christianity alive. The four gifts of Santa Claus is the representation of the power of the Gospel message, a reechoing of St. Paul’s warrior garb imagery. Aslan, who upon appearance brought about the springtime of life abviously alludes to the rebirth imagery brought by the coming of the Messiah…

    ah, wait, sisinga lang ako ng dugo.
    {{balinguyngoy}}

  41. gawan kita. pero may bayad. lol!

    haha.

    xD

    too late. meron nang gagawa. libre pa.

    haha rin sayo.

  42. hahahaahahhaha! wala na akong ginawa kungdi tumawa sa mga comments dito. umabsent kaya ako ng di mahalata ng mga nasa paligid ko na unti-unti na akong nasisiraan ng ulo sa kakatawa rito mag-isa.

    ikaw, IFM ha, tinatawanan mo na kame…ü

    isama mo na lang sila sa pagtawa. the more, the many-er. teka, nakaduty ka pala ngayon?

  43. hindi. andito ako sa office namin. kung wala akong duty sa hospital, andito lang ako sa office namin nagbibilang ng paperclips. hehehe!

    hayaan mo, tutulungan kita. picturan mo na lang ang paperclips in macro at ako ang magbibilang dito.ü

    uy, magandang picture idea yun, IFM! mga macro-shots ng mga office supplies!

  44. sarap talaga pag may bagong header. Malamang kapag nabasa mo ito ay may bago ka nang header, hehehe

    nainggit din kasi ako sa bahay mo, tay. ang galing-galing!

  45. magkakaHEADER ka din.
    tignan mo.
    pag natunaw si SNOWMAN!
    may HEADER ka na.

    sana nga.ü hehehe… excited na ako, pepè!

  46. yung pa-kontes sa “best seminary experience” – kelangan may DTI representatib, baka mahulog na naman sa bruohaha at sisihin pa tayo sa pagbagsak ng siopao business ni rev…

    sponsored by rev yang kontes. jumbo siopao ang ipamimigay, with slice of itlog na maalat sa loob. teka, seryoso kayo sa best seminary experience? hala, nasan na ang mga seminary journals ko at makapagresearch na!

  47. 995,996,997,998,999 –1,000th. naka-1000 paper clips na rin si ifm. pa siopao naman ulit rev. uy, bro, Gawad-Komento yun ha, yung pang 1000th coment.

    naglalaway na nga ako sa siopao dito. last siopao ko, last March pa.

  48. hello sorry ngayon lang ako nagonline at busy ako sa pagsusulat ng “summa parmacologica” haha

    sige magpakontest tayo. sabay sabaw nating iopost sa december 16 hehe. ewan ko lang kung mananalo kayo sa experience ko.

    kapapasok ko pa lang seminary noon. barely a week pa lang ako sa loob ng formation eh sikat na agad ang Lolo nyo ahaha… hindi lang pala ako, ensemble pala yun, pero lahat kami halos haha. I doubt it kung maniniwala kayo sa experience ko haha

    Huyyy gawin nyo namang chat room din ang blog ko hahaha..

    see yahhh off to Hollywood today then back to my home again this afternoon.

    PS. Baranggay Hollywood sa tapat ng “tonton’s” at sa likod ng “iglesia”, alam ni IFM kung saan yung Hollywood dito haha

    naiintriga ako sa hollywood na ito ah. yung tontons nga at iglesia di ko rin alam.ü IFM, saan ba yun?

    isip pa ako ng seminary experience. hala, napepressured ako! wala yata akong maisip na experience…

  49. Pahabol

    may spare parts na nga pala ako sa header mo i-aasemble ko na lang. Kumukuha pa ako ng inspirasyon kaya stay put ka lang. Let the Holy Spirit guide me….

    Hirap ang loob ko gawin ang pastel haha kasi more on earth colors ako pero sige challenge yun gagawin natin yun. Just remember i am focusing on the term “failed on salvation history”

    Pax et Bonum

    ha, pastel? naku, mali yata nasulat ko sa wishlist ko. anyway, ok lang yun. kasi naman, basta bluepanjeet production, it must be good!üüü excited na ako, kapatid!!!!

  50. pang-Valentine offering na lang siguro yung kontes; tapatan natin ang pangalawang obra nina KC at RG. mukhang may pwedeng katapat ang siopao biznes mo rev ah- COOL HEADER & APPAREL

    bakit ang dami kong hindi alam?!! sila Bluep at IFM, may Hollywood at Tonton’s. si Dfish, may KC at RG… uhh, weytaminit, na-gets ko na. hehehe… KC at RG pala.ü

  51. grabe. feeling ko marunong na akong magfrench. haha. gusto ko din makapunta ng France. sosyal! anyway.. mukang ang saya naman dyan.. puro snow.. dito tipid sa snow eh. baka daw maubusan. haha. never pa rin pala kaming nakagawa ng snowman.. masyadong konti yung snow para makagawa.. buti sana kung umaabot hanggang tuhod. huhu. asar ang global warming. hay.

    hi, lei! thanks for dropping by. dito naman sa baryo namin, sobrang lamig, parang freezer lang. kapag nga may tirang pagkain, pwede kong iwan ng tatlong araw sa mesa nang di napapanis.

    ako, feeling ko rin lang marunong akong mag-french. tingnan mo, wala naman akong reply sa mga sinasabu ng bata. tangu lang ako ng tango.

    hanggang tuhod? hirap mag-shovel ha…

  52. 2,000 paperclips na… di ako nakatulog eh.

    @ Bluep – tanggap mo ba text ko? baka gumagawa ka na ng cocktails dyan ha.. pashare naman!

    DFish – tulog ako sa Feb. 14 kaya yung dyan matapat ang kontes na yan, pakibulong na lang sakin sa 15 kung sino nanalo ha?

    aaahrrgghh… ano ba yang hollywood na yan? di ako makarelate!

    feb 14? may date ako that day. with the Church Manangs! hehehe…

  53. If I were to make a snowman, lalagyan ko siya ng milk, kaong, macapuno, langka, munggo, saba slices, ube, corn, and nata de coco! hehehe. Ay, kulang pa pala. There should be pinipig, too! Ang sarap siguro ng snowman ko hehehe

    dont forget the lecheflan and ube halaya! truth be told, yan ang unang pumasok sa isip ko nung makakita ako ng snow.ü

  54. cuuuute ng snowman🙂

    buti ka pa, naappreciate mo.ü mahilig ka siguro sa abstract art ano?ü thanks for dropping by my blog! God bless!

  55. Sa haba ng mga comments nakalimutan ko na sasabihn ko, toinks!!

    Maganda yang pacontest na yan!! Kaabang abang, hehehe…

    Ano na nga ulet? Nakalimutan ko na talga, pwamis. Memory gap talga! toinks!!

    di na nga ako makasulat ng bagong post sa kakasagot ng comment. pero enjoy naman. next entry ko, tungkol ulit sa questions not to be asked sa mga seminarista. pero distaym, may sagot na!

  56. Kakalunod na pala ang mga comments dito Utoy.
    Parang pondohan lang talaga sa kanto.
    O siya at busy-busyhan para sa darating na pasinaya sa lunes. ‘Yung dadalhin mong gulaman at sago ha pakidag-dagan. Toinks!

    madami ngang dalaw pero eto, walang nakapansin na ang second picture ko sa post na ito, kapagni-click mo eh isang sementeryo! hehehe…

  57. wow ang daming comments! 55 na!!! cool!! kabenta ng entry mo!! perro bakit til now wala kapading header?? hahaha!!

    on the way na ang header, boni.

    di naman yata yung entry ko ang mabenta. tingnan mo, walang nakapansin na ang French spelling ng Utoy eh Outueil. Di naman kasi yata nila binabasa. pero masaya pa rin ako. magpapanegosyo na nga ako ng boy bawang, judge bebelgam at redhorse sa susunod na entry ko. sayang ang crowd. hehehe…

  58. gaaah!!! nagiging chat room na.ugh.

    ps

    whenever i visit your site, my connection crashes.pft.

    xD

    dami na kasi ng picture. sige, gagawan ko ng paraan.

    duh, ano palang dapat kong gawin?

  59. Utoy, napansin ko ang sementeryo sa second pic….
    Sapaw lang talaga ang mga halimaw snowmonsters kaya sila ang napag-usapan.

    Naku, malapit nang matapos ang bagong bubong ng bahay mo. Parang now pa lang gusto ko na rin magparinig kay Bluep na gawan niya din ako {inggit?}…. Tiyak maganda ‘yun SI BLUEP pa!…. Super OK talaga ‘yun… Si BLUEP pa! {mapansin niya na kaya Utoy}

    Gawa na ng bagong entry at baha na dine. Toinks!

    wag ka magulo. ginagawa pa ang header ko. at di ka naririnig ni Bluep dahil busy sya!

    BTW, may bago nang entry.

  60. Sabi ko na nga ba,eh. iba ang kutob ko nung una kung makita si SNOWKAP – yun pala, katapat lang ng sementery yung playground nya. pssst, baka masyadong maingay na tong tambayan, baka masira ang concentration ni bluep sa paggawa ng PAAAASSSSTELLLL. kaya pa kayang iphotoshop at gawing header si snowkap, bluep?

    pastel… parang handa lang sa fiesta kasama ng menudo at hardinera.ü hehe…

    sino naman si snowkap?

    pero bluep, kung nasimulan mo na sa pastel, no prob. ako pa eh napakacolorful ng buhay ko, black, brown, grey, charcoal… nalanghap mo ba ang aking susunuging handog? excited na talaga ako!

  61. si ifm, tulog din daw sa opening ng SIOPAO MART ni rev. umpisa na raw yung long and lonely valentines nya nung isang araw…

    basta ako, gusto ko, personalized ang siopao. nakasulat ang pangalan ko sa papel sa ilalim ng siopao. parang starbucks lang.

    naku, Dfish, someone we know needs to be in love by christmas time!ü

  62. uuy… pinanood ko nga yung video ng BAD DAY… ang sweet! may red payong nga…. sana ganun din sakin (bitter mode na naman!) pero kung sa iba mangyayari yun, sana bumagyo para mawala ang payong!

    di ako tulog sa opening ng siopao mart no! in fact, excited ako! excited ako sobra!!! Kahit hindi ako kasama sa VIP seats, pipila talaga ako

    kaya pagpunta mo ng manila, sakay ka rin ng MRT tapos baon ka ng Pentel Pen na big-tipped. Drowingan mo ang mga mukha ni Kris sa estasyon.ü Wag ka lang papahuli kay manong guard o kaya kay Boni. hehehe…

  63. ifm, sa pagmamatyag ko, mukhang sinunod mo naman ang resita ko sa yo na CONSTAN TAMBAY sa blog ni Utoy ang pansamantalang panlunas sa lungkot na binabaybay mo ngayon. Hindi ko na naisulat sa resita ang dosage and other spesipic. ikaw na lang mismo ang magtantya batay sa iyong pangangailangan. ang patext-text sa comment section na ito ay mainam din na parang Carica herbal product para sa hika. kung sumakit ang ipin mo, kumonsulta na lang kay doc rio at syempre i-daan mo ang appointment mo sa kanya through this blog. Servant-leader natin si Brader Utoy kaya hindi magrereklamo yan. Kung kelangan mo ng spiritual prescription – agen, kumonsulta ka na lang kay rev. siopao (kelangan i-timing mo na bagong almusal yan) at humingi ka na rin ng holy water. Ayoko ko na munang i-detalye ang chart mo sa personal na kadahilanan. O sige, comment lang ng comment, SIS. Pati ako, nagsasayaw na ring mag-isa sa disyerto ko. Ganyan ang gayuma dito.

    Doc Dpish

    ito, gusto kong doctor, wholesome at wholistic. At libre pa ang PF! teka, bakit may appointment sa akin? sus, para akong OBGy!

    napansin ko lang, andaming nasa medical field (doctor, nurse, dentist, etc…) sa blog ngayon. para tuloy ayoko nang maniwala na busy talaga sila.ü

  64. walastik ka talaga utoy, pangalawang daan ko pa lang ito sa susunod ko na siguro gagawin ang masamang sinasabi mo. Toinks! Lagot tayo ke pader.

    sa ngayon pinagiisipan ko pa rin kung ipagpapasalamt ko ba sayo ang pagkakapad pad ni pader siopao sa king tahanan..

    {nag-iisip}

    {nag-iisip}

    (wala pa ring maisip)

    naku, ako ba ang dahilan? hehehe… ingat ka kay Rev. may pagka-stalker yan ng mga bloggers lalo na’t mala-dyosa ang pangalan.ü God bless!

  65. Stalker ka diyan! He he.

    UTOYYYYYYY!!!!!
    Saan ka Utoyyy????!!! Yoo hooo!
    Besi ka pa din kay Notre DAme?
    Bukas na ang tindahan!
    Paging p0kw4ng, dpish, IFM, dedpish, etc etc.
    Tara na at baka mapanis ang mga siopao!
    http://revsiopao.wordpress.com

    aba, at gawin ba raw paging system ang aking blog? hehehe…

    SUPER TOINKS!

  66. Kapatid… ang iyong mga thought bubble ay kakaiba…pati ba snowman eh bigyan ng kuwento… nice one. Bwisit ang snow no?!

    tulad ng sabi ng iba, masaya lang panoorin sa loob ng bahay ang snow, pero once na nasa snow ka na, wala kung gustong gawin kundi ang bumalik ng loob ng bahay!ü

  67. […] Nanatiling Marian ang theme ng mga modern stainglass (tulad naman ng bintanang featured ko dito) pero nawala na ang dating circular symmetry […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: