Ang Pinakamalungkot Kong Post

img_2543Malapit na ang header ko! Naghihintay lang ako ng go signal ng magisterium tungkol sa theology ng header ko.  Naks, magisterium. Hehe, magisterium, parang paramecium lang.

****

Nakapaglista na ako ng 21 tanong na di dapat itanong sa isang seminarista.  Marami pa yan, actually, pero i-rerecall ko pa.    Pero di ko malilimutan yung pinaka-impertinenteng tanong na natanggap ko sa buong buhay ko.

Kadarating ko lang sa refectory (seminary vocabulary, itanong kay Bluep, Rev o Dfish) nang salubungin ako ng tanong ng isang kakonggregasyon ko na itago na lang natin sa pangalang Br. Rolan.  Walang Hi, Hello o Hail to Great Utoy na bati, basta ibinungad nya agad sa akin ang tanong na ito.

Br. Rolan:  Hoy, Utoy, siguro eh takot ka na tuwing dumarating ang Disyembre ano? 

Br. Utoy: (Nabigla)  Huh?  Bakit naman?

Br. Rolan:  Kasi laging may namamatay sa pamilya nyo tuwing Disyembre.

Napaka-insensitive na tanong.  Religious pa yan, parang di nag-aral ng pastoral counselling.   Sarap tadyakan.  Pero dahil holy at humble ako eh hindi ko pinatulan ang tanong nya.  Dumeretso na lang ako sa ref kung saan masaya.  Sa isipan ko na lang siya winallop ng silya sabay pasok ng ulo niya sa microwave.

Namatay si Inay ng December 6, 2003 samantalang si Ate Gina naman eh noong December 24, 2005.   Di ko kahit kailan kinatakutan ang Disyembre.  Gayundin, di ko kinatakutan ang kamatayan.  Kinalungkutan ko lang.   Bagama’t alam ko na mas masaya sila Ate Gina at si Inay dahil sa piling ni Lord sila magpapasko, lalo na ngayo’t nakiangkas pa si Tatay sa kanila sa langit, lungkot ang nararamdaman ko, pangungulila, paghahanap.   Naalala ko tuloy, nagtext si Ate Ving nung birthday niya.  Sabi nya, malungkot siya kasi nag-update siya ng christmas list nya.   Na-cross-out na niya sa list si Inay, pagkatapos si Ate, pagkatapos si Dara, ngayon naman si Tatay.  Sigurado ko, umiiyak si ate nung ginagawa niya yun…

img_1750Matatakutin ako sa multo pero nagbago na ang lahat.   May mga gabi na tinatawag ko si Inay, si Ate, si Tatay na sana dalawin naman nila ako kasi miss na miss ko na sila.   Umaasa ako na sana, magpakita naman sila sa akin, kahit sandali lang, kahit bilang multo man lang.  Gusto kong mayakap ko man lang sila ulit, yung yakap na mahigpit na mahigpit, tulad nung ginagawa namin noong buhay pa sila.   Miss na miss ko na lang talaga sila.

Tuwing nagdi-dean’s list ako, iniiwan ko sa puntod ni Inay ang mga classcards ko.  Kasi gusto kong balikan ang mga panahon na pinupupog ako ang halik ng nanay ko kapag proud na proud siya sa akin.  Kaya lang, wala na ang mga halik ni Inay eh.  Si Tatay, wala na rin.  Wala na akong magulang na magiging proud para sa akin.  Wala na akong magulang na maghahatid sa akin sa altar sa araw ng ordination ko.  Kami-kami na lang nila Ate Rinna at Ate Ving.

img_2135Teka, puro iyak na ako dito.   Death anniversary kasi ni Inay.ü  Gusto ko palang i-share ang friendster post ko tungkol sa pagkamatay ni Ate Gina ko.  She was on dialysis for 14 years and was lovingly and heroically cared for by Kuya Ben, her husband, and Isi, her only son.  Idol ko si Ate dahil sa pilosopiya niya sa buhay, sa kanyang pananalig sa Diyos, sa determinasyon niyang mabuhay, sa capacity niyang magpasaya ng ibang tao at mag-inspire.  Naalala ko ang sabi ni Kuya Ben noong i-cremate si Ate:  “Di ko na alam ang gagawin ko sa umaga paggising ko ngayong wala na si Gina.  Buong mundo ko, nakaikot na sa kanya.”   Mahal na mahal ng bayaw ko ang ate ko sobra. 

 This repost is dated December 31st, 2005, a week after her death.  Read on!

****

Christmas eve. It was past 7 in the evening. All the pre-Yuletide food were consumed (during solemnities, expect a segunda cena on seminaries. hehehe.) and the EFC community was just killing time, discussing the latest on Jang-Geum. At the heat of the debate on who won between Lady Han and Lady Choi on their “nilagang bulalo ng baka” category, the phone rang. It was for me. It’s from my sister. Somehow, I already knew what was it about. Kuya Ren assured me, it’s otherwise; surely not on Christmas eve. I tried to shake off the feeling. Oo nga naman, baka babati lang ng Merry Christmas. I just couldnt. Like a bad portent waiting to be confirmed, I cradled the phone receiver to hear my sister’s first words. “Utoy, si Ate Gina…” And, as if singing the chorus of a cursed dirge-duet, we both finished her sentence with “Wala na siya…”

img_1910Ten minutes later, I was calling Loyola to arrange for a cremation service. From the many categories thoughtfully provided for me by their customer assistance representative (mga kalokohang titles…), I was told by my sister to choose, “Cremation without Viewing” Package, for only 35K, which includes transport of the body within 25 kms, a marble urn of your choice and a wreath. It was as numbing as choosing a coffin for my mother two years ago. I didn’t imagine there would be such a wide array of caskets to choose from, I forgot my father’s one-word command to me: Haggle. But not on the second time, I didn’t. I asked if we could get a discount, a Christmas 20% off or something. The representative said she’ll check. After giving the requirements for cremation service (“first, bring the body, of course!”), she ended our conversation with a very cheery “Merry Christmas!”

An hour later, we, the scholastics, were singing our heads off at Renaissance’s poolside Mass. When we came to the part of regalling the Mass-goers with a mush-fest rendition of “Paglamig ng Hangin,” the lyrics become too painfully real once again.

img_1313a“…Narito na ang pasko, at nangungulila’ng puso ko. Hanap-hanap, init ng pagsasalong tigib sa tuwa…”

Two Christmases. Two deaths in the family. You just begin to hate those Christmas ditties.

Halfway through the song, I lost my voice.

10:30pm, we’re back at EFC, preparing for our party. Just that morning, it was announced that there will be a contest for the most colorful attire and for the most creative giftwrap. I spent the whole afternoon dressing up a paperbag from Human clothestore with pine twigs, gold beads and silver strands. There’s a picture of a red plastic bear printed on the paper bag. I placed a false-skirt on the image. If one lifts up the skirt, “We Wish You a Merry Christmas” will play while a red LED will blink square at the bear’s crotch.  Nice.  As for the attire, I planned to wear my favorite hibiscus-print buttoned shirt. That afternoon, I was already feeling like a winner.  On the contest itself, it no longer mattered for me.  I just wanted the party to finish soon.img_1980

 Then, I got an SMS message from my sister that they’re on their way to Loyola.   I realized it was already midnight.

Christmas is officially here. Ho, ho, ho.

****

I love you, Ate Gina.

I love you, Inay.

I love you, Tatay.

63 Responses

  1. Wala na akong magulang na magiging proud para sa akin. Wala na akong magulang na maghahatid sa akin sa altar sa araw ng ordination ko…

    nakakalungkot kahit sabihin pa na nandyan lang sila sa tabi mo at proud na proud sa mga naging desisyon mo sa buhay… iba pa din physically nandyan sila yung mayayakap mo at mahahawakan mo….

    God is really good. He placed you on where you are now para hindi mas maging mahirap sayo na unawain ang mga nangyari… He gave you enough wisdom para maunawaan ang hiwaga ng buhay.

    … ang lalim sensya na nadala lang.. cheer up this christmas brother utoy! ANGELS up there will sing for your parents and sister!

    MERRY CHRISTMAS!

    Bons

    wow, boni, ikaw ba yan?ü teka, seriously mushy mode nga pala ako today.

    salamat sa words of wisdom, tol. at sa pagsabi na may enough akong wisdom.ü at alam mo ba, ikaw ang kauna-unahang bumati sa akin ng Merry Christmas?

    God bless!

  2. Waah, that was really very insensitive as a leading question! Bro, napaka-palpable ng pangungulila mo sa mga mahal mo sa buhay sa post na to. I can feel it and I can truly sense how human you are even in the midst of your religious journey.

    alam mo, it’s been three years pero di ko pa nalilimutan yung question na yun. hehe…
    thanks for taking time to read. ang haba kasi ng post na ito, i’m worried na walang magbabasa.ü
    God bless!

  3. {one long deep sigh… tears flowing}

    Kapatid, I could almost touch your heart and soul while reading this. Dfish was right. Your longing for their presence, especially during this time of the year, is so palpable. {Hugs}

    Hindi ko pa rin makakalimutan nung tayo’y magkita-kita nila Bluep sa burol ng tatay mo. Hindi ko maipaliwanag ang sandali ng inilalabas na sa karo ang kanyang mga labi galing sa Bicol. Tahimik ang lahat. Nakikiramdam. Hanggang sa marinig ko na lamang ang pigil na pag-iyak ni Ate Ving. Nakakadurog ng puso.

    Kasama mo kami sa pananalangin para sa kanila. Lalong higit kay Inay para sa araw na ito… At siyempre, para sa iyo mahal kong kaibigan, na gawaran ka ng tibay ng loob sa mga panahon ng pangungulila.

    Kagagaling ko lamang sa bahay ni Boni at isa ding makapag-bagbag-damdaming artikulo ang kanyang isinulat tungkol sa ina.

    Ayoko na muna… hindi ko na kaya…
    {Isang buntong hininga}

    Ako’y nasa Inglatera sa Pasko kasama ang kung sinu-sino.
    Kung puwede lamang umuwi sa Pinas sa araw ng Pasko.
    Haaayyyyyy……..

    mushfest ba, rev?ü nagkataon lang siguro na drama mode ang lahat. buti pa nga kayo, may uuwian sa Pinas.ü

    Di ko maipaliwanag pero ang hirap ma-miss ang isang tao na alam mong hinding hindi mo na makikita muli. Ewan ko. Death do sober us up sometimes, in ways that dumbfound us, the ultimate mother of all reality-check which seemed above reality by itself yet unescapably real at every sense. (Hmm.. ang galing kong mag-ingglis!)

    sige, dadalaw ako sa bahay ni boni to check out. God bless!

  4. Lakasan lang ng loob iyan, brother!

    thanks, mike! dalaw ako sa bahay-blog mo mamaya. God bless!

  5. God bless you Bro. Utoy!

    salamat, libs! teacher ka pala before, maam! nakwento sa akin ni jorge.ü

    God bless you too!ü

  6. Halika, Bro, bigyan ka namin ng mga BRODS ng hug. hindi man yan enough to compensate for the comfort your Inay, Ate and Tatay can give you but a hug is still a hug. I’m sure they miss you too.

    Teka, nasan na pala ngayon itong si Bro. Rolan? Gusto ko lang patikim sa kanya yung 2,000 words per minute ko ng maintindihan nya ang ibig sabihin ng INSENSITIVE! hmp!

    Hwag kang malungkot sa Pasko, Bro, ha? samahan ka namin ng mga BRODS in spirit. Si Rev. Siopao na rin.

    salamat sa hug!ü si brother rolan? wag nyo na pansinin yun. Sabi nga nila, kapag may umaway daw sayo, wag mong gantihan. I-blog mo na lang.ü

    Merry christmas din! God bless!

  7. kakalungkot pero try to think of merrier thoughts!! mas masaya sila sa kung nasaan man sila ngayon.. ^^

    thanks, cindy! smiling na ako dito!üüü

  8. blog hop lng po, thanks to ate Libay🙂..

    Kakaiyak naman ang blog entry na ito. If however, you’re sure of your family member’s salvation, everything will be okay. Life with our Lord and Savior is far better than life in this world. Merry Christmas to you and God Bless1

    you’re very much welcome in my blog, rache. I guess, salvation is for God to give and for us to hope for. God bless you too!

  9. Pahabol kapatid:
    {matapos mag-subside ang melancholic mode}

    I forgot to say earlier that all the photos are of fine taste.
    Perfect for the post.
    They speak powerfully themselves.
    Great. Just great!

    {BIG HUGS ulit}

    I took those photos myself. Medyo random lang ang pagkakalagay.ü I’m glad you liked them, kapatid.
    God bless!

  10. nakakalungkot talaga pag ating iisipin ang mga mahal natin sa buhay na yumao. at nakakabuwisit na may mga taong napakakapal ng mukha at sobrang insensitive na hindi man lang nila naisip na masakit para sa atin ang maalalang sa buwan ng disyembre – kung kailan ay dapat masaya ka at nagdidiwang kasama ang pamilya – silang lahat namatay.

    buti napigilan mo ang sarili mong tadyakan si Bro. Rolan.. kung ako yun, baka isang sumisirko-sirkong flying kick ang naging katapat niya.

    buti na nga lang, Doc, at sa refectory nangyari ang lahat kung hindi’y di talaga nakapagpigil si Br. Utoy. Napakasagradong lugar sa kanya ang refectory.

    God bless!

  11. Hay.. hay… sigh!

    Namiss ko po tuloy bigla mga taong nagpalaki (lola and tito) sakin! Kakaiyak naman…

    God Bless po!

    bago yun ah.ü hay, hay, sigh.üüü

    siguradong miss ka rin nila, tina. God bless!

  12. hay kay agang pagpapasabog ng luha sa aking mga matang puro muta pa!

    kakalungkot pero gaya nga ng sabi mo hindi naman dapat katakutan ang pagkamatay ..para sa akin dapat paghandaan..tsaka im sure masaya sila don sa taas para sayo ngayon!

    hayaan mo..ako na lang maghahatid sayo sa ordination mo..gusto ko din kasi yung may oordinahan sa mga anak ko..eh baka di matupad kay Ylef kasi papagbawal na daw ni unkol bene ang dyokla sa seminaryo…hahaha syempre sagot mo ticket ko ha…

    lika nga akap kita ng mahigpit…pinatulo mo ang uhog ko..hmmp!

    pero dahil nabasa ko na ang comment ni P0kw4ng eh happy na ulit ako! smiling na ulit.

    masyado mo namang inaapi ang anak mo. malay mo, baka efemm… iffem… effemenait.. effemininete… uhhmmm… malay mo, baka mahinhin lang si Ylef.

    andami ko nang hugs!ü

  13. ano ba yan utoy ha?! ke arte. Tawagan mo nga ako…pag usapan natin yan. Hingin mo kay **** ang number ko.

    Bilis at hanggang linggo na lang siguro ang pamamalagi ko rito sa mundo blogosphere.

    Wag na magdrama please…friendly hug oh. *hugs*

    {kelangan ilagay talaga ang friendly baka mapadpad si pader}

    naku, heleyna, as opposed to what kind of hug ba yang friendly hug?ü at kailangan ko na palang i-take advantage ang hug na yan at hanggang linggo na lang. may expiry date!

    teka, wala akong kilalang ****. ipakilala mo muna ako. siya ba yung taga-*****?

    {{tunog ng kuliglig}} ahh… heleyna, saan ka pala pupunta after?

  14. Tarantado yun ah. Sarap upakan.

    sa isip ko nga eh lahat ng fancy WWF moves eh nagawa ko na sa kanya habang naririnig ko ang imaginary crowd na nagtsi-cheer:

    “the chair, the chair! whack him with the effing chair!”

  15. @p0kw4ng – kumare, gusto mo ng tissue {kadirs na ang uhog mo e}

    @helena – ganyan nga! “friendly hugs” lang dapat.

    @ kirksydney – kuya kuya, puso mo!

    p0kw4ng (talagang sunod na sunod namin ang spelling!): wag mong tanggapin ang tissue at toilet paper lang yan.ü

    heleyna: paano pala tagalugin ang “romancing helena?”

    kirksydney: honga, kuya, puso mo. diba broken pa yan?ü

  16. ang bait mo p tlga bro… pwamis kung aq tinanong nun malamang masagot q na gus2 b nyang sumunod at pptayin q xa wit my bare hands khit di pa pasko, babalatan ng buhay mula bunbunan nya hanggang talampakan hehe… seriously, I feel that way missing someone so much na khit sana dalawin n ng mga multo nla with my maternal grandparents. yung tipong gus2 ko ng sumigaw c kkiyak kc sobrang na miss q sla pareho. npaiyak 2loy aq sa post n2 kc nmiss q sla ulet. mga lola at lolo q yun pano p kaya ung sau parents and sister mo… henewey, physically they myt not b able to show u anymore how much u mean 2 them and how proud they are but i beliv they are up there with their prayers and love 4u! God bless u more!

    you live up to your name, honey. you’re so sweet!ü salamat, salamat, salamt. hayaan mo, paghumirit ulit ng tanong ulit yung brother, ihahanda ko na ang potato peeler. medyo pupurulan ko pa para mas satisfying ang pagbabalat.ü

  17. enjoy nga un magbalat ng tao sa purol na peeler… tsaka dagdagan mo pa sawsaw mo sa sukang maraming sili then patuyo mo sa ilalim ng araw. since winter naman, so after balatan, ibaon mo sa ice… paxenxa na ngarag wla n nman 2log hehe.. Have a blessed Sunday! Pray natin manalo si Manny P.!

    go, Manny, go! sayang, wala ako sa Pinas. may kaibigan akong tinatambayan sa manila. laging may pay-per-view sya ng mga Pacqiao fights. hehehe…

  18. -Haha. Naku yung hug utoy eh tapos na kanina {hindi mo man lang naramdaman??} Yung pagtawag ang sinasabi kong hanggang linggo. Wahaha.

    -Kilala mo yun sigurado, pero pwede mo rin tanong kay rev {sya naman may pakana ng lahat eh..hmp!}

    heleyna: paano pala tagalugin ang “romancing helena?”

    -Eto ang sagot sa kontrobersyal mong tanong:

    –> romansahin si helena

    o wag ka himatayin ah katapang mo magtanong eh!

    @pader – may ebidensya, sya ang nagtanong ha!!

    -may isa pang tanong na hindi ko nasagot next time na lang wahaha…papamiss muna

    {sus, akala ko naman sagrado ang lugar na to. Toinks!}

    sige, papalitan ko ang name mo sa bloglist ko ng romansahin si heleyna. hehehe…

    teka, may utang ka pa sa akin. di ko pa nalilimutan.

  19. @UTOY…hehehe pero sa totoo lang di naman badingding yun..tama ka mahinhin lang pero may posibilidad pa din,sinasanay ko na ang sarili ko para pagdating ng araw eh hindi na ako mabigla…hahaha

    at talagang perfect ang score nyo sa name ko..hala gagrad kayo ni rev na may honor..1st honorable not mention!

    @REV…salamat po sa libreng tissue (hiya..blush like rambutan) pero laging handa ang mga pinaglumaan kong bahag para sa mga uhog na yan..hihihi

    Wag kang mag-alala kay Ylef dahil mukhang ikayayaman mo sya.ü

    ang totoo nyan eh yung name mo ang isa sa pinakamasarap i-type. parang naglalaro lang. ang pinakamahabang address naman eh kay UtakMunggo, rekord, di lang isang phrase, kundi dalawang sentence!

  20. I usually do not like reading long post. Pero dito, naghahanap pa ako. I myself lost both my parents. I knew the pain. Tamang tama ang title. Thanks for sharing this story. Many readers can relate with this. You are blessed because you are in a position to understand your situation unlike many other. God Bless. Naiyak ako, damuho ka.

    Tahan na, Tay.üüü

    salamat sa pagbabasa. worried nga ako lagi sa haba ng mga post ko. yung iba, dumederetso na agad ng comment section after the first paragraph. di ko naman masisisi at nobela talaga kung minsan.ü

  21. UTOYYYYYYYYY!!!!!
    {parang nag-usap lang tayo sa phone kanina ha… he he}

    Na-excite lang ako…
    Nasilip ko ang bago mong avatar sa bahay ni Heleyna.
    May kinalaman ba ‘yun sa nigawa ni Bluep na new header mo? Pati tuloy ako na-excite.
    {per favore kapatid: huwag mo naman isabay ang pagkakabit mo ng bagong bubong mo sa pasinaya ko ha… baka sapaw. he he!… i’m sure maganda ‘yan}

    @p0kw4ng — gusto mo nung mga pinaglumaan kong…. ay huwag na…. wholesome ako ‘no! belat!

    yung avatar? teaser yan kunyari, rev. naging tutor ko pa si bluep sa subject na Avatar 101 para ma-upload ko yan.ü cool, diba? hehehe…. salamat, bluep! maghahanda ulit ako ng isa pang susunuging handog pero pipili pa ako sa ilalim ng kama ko.
    Yung launching ng header eh bukas din sana yun para kung dalawin ang bahay ko mula sa bahay mo eh makita nilang kaka-reroofing ko lang.ü para di nila sabihing poor ako.ü pero sige, para sayo, ipo-postpone ko. bayaran mo muna yung one-liner ad ko. 25 centime per day yun.

    to p0kw4ng, lumang karsonsilyo lang yun. yung tipong tali pa ng yantok ang garter! hehehe…

  22. alam mo bro utoy kapag napapanaginipan ko si inang mother at amang father, masaya ako pag gising ko. parang asa paligid lang kasi sila. ganun ka rin ba? ang kinakatakot ko ay baka pati sa panaginip mawala pa sila.

    steady ka lang diyan. buti na lang hindi tayo iiwanan ng ref kahit kailan…

    umiiyak ako kapag nagigising ako, UM. kasi akala ko, totoo na…

    at tama ka, UM, wala nang mas hihigit pa sa pagkadalisay at sa pagkadakila ng pag-ibig ng isang ref. nandyan lang sya lagi, 24 hours, ready to comfort me. {{singhoot-singa}}

  23. ang lungkot pero everything happens for a reason,,, kaya wag ka ng mag-alala sooner or later susunod na rin naman tayo (knock on the wood)… pero alam ko yung reason nila kung bakit sila nabuhay ay nagampanan na nila at tayo kaya pa tayo buhay kasi di pa natin nagagawa ang pinagagwa ni God satin..

    ninerbyos naman ako sa comment mo, mang BADoy.

    pero at least, dahil sayo eh alam ko na ang secret to immortality:
    “Wag munang gawin ang pinagagawa ni God para wag ka muna Niyang kunin.”

    Simple lang pala. Starting today, I’ll work on my immortality.üüü

  24. Hello bro. utoy. Ngaun lang ako nakabalik!

    Teka, grabe, napaiyak ako dun ah, kahit sabihin ko na nde ako makarelate sa feeling na nararamdaman mo kasi i havent lost anyone of my family, pero ramdam na ramdam ko ung pagkamiss mo sa kanila and i can’t help myself but cry.

    Ako nga bilang OFW sobrang homesick at sobrang miss ang family ko eh un pa kayang alam mong nde na makikita talaga, naku ang hirap, nde ko yata maimagine and I’m glad (sabi nga ni bon) na nilagay ka ni Lord sa tamang lugar para maunawaan mo ang gusto nyang mangyari para sayo.

    Thanks for sharing this, nde ka nag-iisa. At kahit alam kong marami ka ng hugs na nareceived, eto pang isa galing malaysia {yakap yakap}

    Godbless!

    uugghh… uhhh… {{gasp}}…Jorge…
    {{gasp}} di.. na.. ako.. makahinga…
    sa dami… nang {{gasp}} yumayakap sa akin…üüü

    salamat, kapatid! i’m smiling now.
    God bless!

  25. Total death rin lang naman ang pinag-usapan, ito magandang link from Highblood just in case di nyo pa nabasa. para kay utakmung’s din tong link na to: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20081101-169616/An_epitaph_for_myself

    come to think of it, dapat nag-iisip na ako ng cool na epitaph! thanks, dfish, kasi magandang idea ito for my next post!ü

  26. weh? di nga?

    [natawa ako. sori. hahahaha]
    *dahil di tayo close*
    uhm, awww. that’s so sad.

    i have a friend who’s so young. deds na both parents nya.

    inaasar ko sya minsan na:
    `hahaha.ulila!`

    or

    `walang magulang! haha`

    ala lang. wla na lang sa kanya.

    ngayon, problema nya na lang ang pagpapayaman.

    >ang refectory ay lugar kung san lumalamon.

    ps.

    pls. don’t wallop me. hehe

    >ang refectory ay lugar kung san lumalamon.

    xD

    talagang dapat ipaulit-ulit ang definition ng refectory ano?ü
    God bless!

  27. Br. Rolan: Hoy, Utoy, siguro eh takot ka na tuwing dumarating ang Disyembre ano?

    Br. Utoy: (Nabigla) Huh? Bakit naman?

    Br. Rolan: Kasi laging may namamatay sa pamilya nyo tuwing Disyembre.

    takte! yang conversation na yan, biglang nagpakulo sa dugo ko. nabwisit ako sa sinabi niya! promise! parang walang puso! ay tae talaga! hindi ko akalain na may ganyang taong kayang sabihin ang tungkol sa ganyang mga bagay!
    tae talaga!

    hayaan mo po bro utoy, nandyan pa naman ang ilan sa mga kamag-anak mo at syempre kami, proud kami sa’yo lalo na sa ordination mo! tatagan mo lang loob mo kuya utoy! andito lang kami!

    napakalungkot ng post na ito… next post mo kuya masaya na ah… nakakalungkot po kasi eh… lalo pa’t nagyon ko lang nalaman ang tungkol sa mga bagay na iyan…

    ang mga tulad ni Br. Rolan eh di ginagantihan kundi ibinablog.üüü

    pramis, eloiski, next time eh happy thoughts ulit si kuya Utoy.ü

  28. “Sa isipan ko na lang siya winallop ng silya sabay pasok ng ulo niya sa microwave.”

    — kung tinuloy mo ‘to dun sa offensive na si Br. Rolan, susuportahan kita.

    having lost my parents when i was a child, i perfectly understand how you feel. after all those years, i still think about them a lot. sabi nila, those who love us never really leave us. the love of your parents and ate gina will always be with you.

    thanks, tin! alam mo ba, my parents are buried in Good Shepherd’s Memorial in San Fernando. kaya memorable talaga sa akin ang Pampanga.ü

  29. haha wala ako masabi. Talagang kinausap pa ni rev si utoy:

    “PLEASE DON’T STEAL MY THUNDER ON DECEMBER 8!!!”

    hahaha Bow!

    psst utoy nareceive mo ba yung last email ko. ang sagot ko ay Oo, pwedeng pwede

    Happy sunday at ehem, yung isa dyan di na makatulog sa pagmamasa ng siopao LOl

    yup, bosing, nareceive ko!ü salamat salamat salamat ulit! ang aga ng papasko ni bluep sa akin.ü

    I’m writing a page about the header pero postponed ang publishing kasi request ng isa dyan. para namang malulugi ang siopawan. ako nga, noong unang nagbukas, si bluep lang ang bisita. hehe…

  30. danda naman ng avatar kakainggit pra kang superhero na lilipad hehehe… danda tlga!!!

    g’leng-g’leng ano? kakaelibs. gawa ni bluep yan.ü (http://bluepanjeet.net)

    bluep, gawa ka na kaya ng advertisement? pwedeng negosyo itong header design mo.ü libre lang ang papaskil sa blog ko.ü hehehe…

  31. alam kong malakas ka at alam kong alam mo na masaya na sila kung asan man sila. tuloy pa din ang buhay at ang pasko!

    salamat, dench. mas magiging masaya ang pasko kung may chocolate galing UAE. (nagparinig ba?ü)

  32. Hi bro. Utoy, kakalungkot nga naman ito, naalala ko ang ama namin at kung paano sya nawala sa amin.
    Ganun pa man alam kong mas masaya sya ngayon
    na katulad din po sa inyo na kasama nila ang Panginoon natin.
    Kaya dapat maging masaya rin tyo para sa knila.

    Add ko kyo sa list ko🙂

    salamat sa add, eric. sana malaman ko ang URL mo para mai-add na rin kita.ü medyo di ko na kasi ma-trace kung paano babalik sa blog mo at sa post mo tungkol sa red button-down shirt. alzheimers na siguro ito.ü

    teka, member ka ba ng toinks team? mahilig ka rin kasing gumamit ng po at opo.ü hehehe…

  33. Wow, I know it’s a coincidence but my aunt who recently passed away is named Gina also. Wala lang. I often encounter her name everywhere lately. Parang nagpaparamdam. Hehe

    Lovely post🙂

    speaking of Gina, I prayed for your aunt as promised.ü God bless!

  34. iba talaga kapag malapit ang pasko, ang daming remembrances. tapos ganyan pa pala ang kwento mo. kami naman dito, unang pasko na wala na si MIL. tapos bday pa nya ngayong dec 21 – kaya naman yun, si FIL ko halos araw araw ng umiiyak😦

    pero alam mo, basta may buhay, may saya!

    speaking of saya, enjoy rin naman kasing mag-drama-drama, mag-senti-senti, mag-emo-emo kung minsan.ü (gawing libangan ba. hehe…)

  35. bro, read mo nman last entry ko (entitled i dont know) nkaka… uhm confused hehehe lech baka nga tlga may calling aq… pro bro… i need more men of church to pray for me… im so uhm confused ba ulet nde eh… baka kasi nadala lang aq or di q talaga alam, basta please pray for me🙂

    i’m praying for you, honey! nabasa ko na ang post mo at may email din ako sayo.ü reply yun sa post mo, medyo mahaba kasi.ü

  36. “If the people we love are stolen from us, the way to have them live is to never stop loving them. Buildings burn, people die, but real love is forever…”

    seryosong comment na to para sayo brother utoy…hanggang ngayon kasi affected pa rin ako sa post mo. hindi ko kahit kelan kayang isipin na mawawala ang pamilya ko sa tabi ko..

    kaya mo yan, at lech wag mo na baguhin ang pangalan ko sa blogroll mo ok?!

    *hugs*

    “lech” yata nag word of the day ah.ü
    ganda ng quote, helena. at syempre, you made me happy with that second hug. syempre, nanamnamin ko na’t baka magaya sa unang hug na di ko man lang namalayan.ü

  37. araguy kaya ba ayaw ko basahin ang post sa taas eh, tingan mo si Helena affected pa till now. baka kung binasa ko yan affected pa ako till next year haha.

    @Honey, nabasa ko comment mo. sorry ha. Alam mo naman ako ex-sem na may pagka tsismoso. anyhow I understand what you are going through. Dun pa lang sa comment mo kay utoy na “I am confused” eh alam ko na ang sagot.

    anyhow read this. I am recommending you this. this will help you answer or clarify your confusion. I can relate very well to your confusion.

    If mag aadvice ako sayo dito it will take a whole lot of page. Pero the only thing I can give you today as an advice is to read this, read mo to link na to. I am very sure na you can very well relate. And somehow it will answer some of your confusion. tsaga lang sa pagbabasa kapatid.

    http://bluepanjeet.net/1367/the-voice-in-the-greater-scheme-of-things/

    i will include you in my prayers

    Pax et Bonum

    • bluep, regular reader ko yang si honey at prolific blog writer din, tagacorrect ko yan ng grammar at kapalitan ng recipes. may pari syang brother so hindi na sya stranger sa vocations.ü

      honey, meet bluepanjeet, ang aking mentor sa blogging na siyang gumawa ng ilo-launch kong header na supercool (abangan!). di hamak na mas magaling na webpage designer yan kesa sa pinagkatiwalaan mo dati.ü

      ngapala, 5 minutes after midnight na ah. ibig sabihin, December 8 na. bakit sarado pa ang siopawan? Rev, alam ko nandyan ka lang! magbukas ka na ng tindahan!

  38. kuya utoy pahiram ng tabo at dalawang roll ng tissue sayang din yung tubig natumutulo sa mata ko pwedeng pang-toothbrush din yun…i hate you pinaiyak mo ako!

    masaya ako pagmay nakikita nagpapahinga na…maraming reason bakit masaya ako pero di ko kakayain kung pamilya ko na…*sad*

    alam mo, kamootch, you have ways of bringing that big smile to my face.ü Loves na talaga kita! God bless!

    hug kuya utoy

  39. Stalker ka diyan! He he.

    UTOYYYYYYY!!!!!
    Saan ka Utoyyy????!!! Yoo hooo!
    Besi ka pa din kay Notre DAme?
    Bukas na ang tindahan!

    Paging p0kw4ng, dpish, IFM, dedpish, etc etc.
    Tara na at baka mapanis ang mga siopao!
    http://revsiopao.wordpress.com

    SUPER TOINKS!

    kanina pang madaling araw ako naghihintay kaya.ü uy, yung siomai ko ha. Congrats sa opening!

  40. Salamat Bro. Utoy, mga klasmate ko sila nung College… mga dear gud prens parin until now na laging maasahan.🙂

    Welcome dito sa bahay ko basta part ng toinks team.ü kainggit naman ang friendship ninyo. pasali ha!ü

  41. tol. hugs na lang kita.. sympathy is not a good word in nursing.. but empathy is the right word.. I can feel na sobrang lungkot nga nitong post na ito.. ito lang masasabi ko, sa mga panahon na dumaan na kasama mo sila alam kong di ka nagkulang naipakita mo sa kanila yung love.. malungkot oo.. nakakamiss.. pero we have to accept the fact.. only acceptance can ease the pain.. cheer up!!

    salamat sa hugs, 8bottles. kung pwede nga eh pakiss na rin. kaya lang, may boyfriend ka na yata eh.ü

  42. Brother Utoy, ramdam na ramdam ko ang iyong lungkot. Tunay na mabait ang Panginoon… binigyan ka niya ng grace at lakas upang makayanan mo ang lahat ng hirap na ito. Ang nakaktuwa eh kahit na mahirap ang iyong pinagdaanan eh panay pa rin ang pananalig mo sa ating Panginoon. Tunay kang kahanga-hanga.

    I’m sure walang sinuman sa iyong mambabasa ang makakapagbigay ng mga salitang makakapag-paligaya sa iyo ngayon. Subalit, ipagdadasal namin na kahit na ikaw ay nawalay na sa iyong mga mahal sa buhay eh maramdaman mo pa rin ang kanilang presensya sa araw-araw.

    on the contrary, Leap, naging source ko ngayon ng saya ang mga comments ninyo sa post na ito. nakakauplift! Salamat, leap! Salamat sa inyong lahat!

  43. This is a very touching post. Having a family that truly cares for us is a blessing.

    Keep on, brotherutoy! God bless!

    And this kind of blessing, we should take our best to cherish it while it lasts.ü

    God bless you too!

  44. muntik na kong maiyak…. dahil sa nose bleed… lols

    pero seriously, muntik na nga… damang-dama ko ang pagmamahal mo sa mga magulang mo. It’s as if words are not enough to describe your feelings….

    napapaenglish tuloy aku eh…

    merry krismas na lang..😀

    salamat, TLM! yung last part lang naman ang hinglishan eh.ü
    Merry Christmas din!

  45. I’m overwhelmed with sadness to even write you a long comforting message, all I could say is I’m sorry.

    And it’s all I need to be comforted. Salamat, mahalia! I added you na sa blogroll ko. akala ko dati, naadd na kita, iba palang blog ang nasa isip ko.ü

  46. kala ko makakatakas na ako sa pagkokomento sa entry na ito..pinalagpas ko na nga ang ilang araw,nagbakasyon na ako’t lahat lahat pero ito pa rin ang post na maaabutan ko…nung unang punta ko dito,may sampung beses ata akong nag attempt na mag iwan ng komento kaso nauwi nalang lahat sa wala…wala kasi akong alam na sabihin na pwedeng makapagpangiti sau..ayaw ko naman humirit ng jokes dahil nakapaka seryus nitong post mo kuya at baka mapingot nyo lang ako sa tenga kapag humirit ako ng kung ano ano…hehe..basta present lang ako parati dito…

    nga pala kuya, hindi na ako makiki akap sa iyo ha…dami ng umaakap sau at nasasakal ka na ..pwede bang hahanap nalang ako dito ng mayayakap sa umaakap sa iyo..lols..

    ingat parati at GODbless=}

    “pwede bang hahanap nalang ako dito ng mayayakap sa umaakap sa iyo..”

    sobrang tawa ko dun, Doc ha.ü God bless you too!

  47. @ blue and bro utoy thanks for everything🙂

    naku brother, agree ang buong sambayanan na lamang ka ng 99% sa akin pagdating sa ingles!

    naku no need to thank me! ilibre mo na lang ako sa Basti’s o kaya sa kahit na anong kainan sa F.Torres.ü

  48. OT: speaking of request mong chocolaeyt from UAE,
    naku po
    ang chokoleyt dito malapit na gawa sa gatas ng camel
    haha
    malapit na
    maalat alat daw ang gatas kaya mas masarap daw pg hinalo sa chocoleyt
    hehe

    maalat na chocolate? parang champuy lang!ü

    salamat sa pagdaan… at sa chocolates.ü hehehe…

  49. i know nothing i say can make the pain go away. also, no amount of words could make this easier on you. but i hope you know that as a new-found blogger friend, you and your family are now included in my prayers.

    take care!

    truth be told, Goddess, I’m smiling again because of my fellow bloggers who came to cheer me up.ü I added you up nga pala as “OMGoddess!!!” sa blogroll ko.ü

    God bless!

  50. masyado mo namang kinurot yung heart ko!!!

    Tuwing nagdi-dean’s list ako, iniiwan ko sa puntod ni Inay ang mga classcards ko. –parang gusto kong humagulhol nito…

    Naalala ko ang sabi ni Kuya Ben noong i-cremate si Ate: “Di ko na alam ang gagawin ko sa umaga paggising ko ngayong wala na si Gina. Buong mundo ko, nakaikot na sa kanya.” Mahal na mahal ng bayaw ko ang ate ko sobra. –thanks for sharing this, really am in doubt sa mga ganyan-ganyan.. pero i still have faith for that matter… at dahil sa post mo na sa totoong buhay galing, thanks…

    di bagay bumanat ng cheers dito…

    buti na lang you have God with you…. God Rocks!!!-glesy the great

    pwede naman, glesy. Basta ikaw. God bless!

  51. waaaaaahhhh!!!! the secret is now revealed!!! nakita ko na ang resulta ng pagiging messenger ko! as usual, bluep, ganda ng header!!!! galing! galing!

    gagawa ba naman ng pangit yang si bluep eh napakataas ng standards nyan.ü di talaga ako nagkamali ng kinuhang tagagawa ng bubong. parang gusto ko nang tumira na lang sa bubong ko!

  52. huwag ng malungkot… mag-enjoy nalang… huwag nang alalahanin ang nakaraang minsa’y sumugat sa ating mga puso at tumunaw ng ating mga ala-ala.

    maligayang pasko!

    thanks, yhen! sigruo, it helps din to look back and see how far we had been from our sad past.ü maligayang pasko rin!

  53. NP bro! dalhan pa taka ug isa ka bukag na mangosteen! hehehe (naintindihan mo? hehee)

    asus, kadaghan gyud! pero mahurot ko gihapon ya. paburito ko baya ang mangoosteen.ü (sensya na, wrong grammar.ü)

  54. Whoa!! Astig ng header!!! Gawa ka ng bagong entry dyan bro!

    bagong page pa kamo.ü kung naging hunk nga lang ako tulad mo eh baka nag-shirtless din ako. hehe…

  55. huwaw at ang ganda ng header..galing ng idea…pinaghiwalay ang creation of adam..

    at ang galing mo palang mag ballet??? suri kong lumilipad ka non ha…super lembot ng wankata..hihihi

    at ayan na ang sinasabi mong “touch me more” sa daming kamay nyan ewan ko lang kung di ka maumay nyan…hihihi

    syempre, nagpraktis muna akong tumalun-talon nyan. Yan lang kasi ang request ni bluep eh. sunod naman ako agad. hehehe…

  56. “Tuwing nagdi-dean’s list ako, iniiwan ko sa puntod ni Inay ang mga classcards ko. ” — wow, this made me cry a bit….i included you in my blogroll…

    Thanks for adding me up, padre! antagal mo na nga sa blogroll ko eh.ü

  57. grabe naman po. pinaiyak nyo ako. huhuhuhuh lalo na dito:

    Naalala ko ang sabi ni Kuya Ben noong i-cremate si Ate: “Di ko na alam ang gagawin ko sa umaga paggising ko ngayong wala na si Gina. Buong mundo ko, nakaikot na sa kanya.” Mahal na mahal ng bayaw ko ang ate ko sobra.

    ganyan kmeng mag asawa, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala sya.

    answerte naman ng asawa mo, kate.ü thanks for passing by my bahay!

  58. ACtually, nabasa ko na ito before (vicariously) through Keith… he was saying kasi how heartfelt this post was so I asked him to read it aloud para maka-relate naman ako… siyempre pa, sumakit na ang lalamunan ko at napaluha na pagkatapos.

    Inspite of all that has happened in your life, you remain blessed and more importantly, you continue to be a source of inspiration and blessing to the countless others who drop by your (blog) home. Maraming salamat sa pagpapatawa, pagpapaiyak (paminsan-minsan) at paglalapit sa amin sa Kanya.🙂

    God bless you!

    crimson on the cheeks na ako dito sa papuri mo, Pinky!ü
    thanks, God bless you too and merry Christmas!

  59. sobrang natouched ako bebeh… naiyak ako…

    parang nakarelate ako… ako naman ang kinatakutan ko kasi before, papa died, march… march kasi siyang inatake, march namin siya pinabalik- balik sa hospital at march din siya sumama kay Lord…

    “Di ko maipaliwanag pero ang hirap ma-miss ang isang tao na alam mong hinding hindi mo na makikita muli.” –> totoo ito… this year is our 2nd year without papa this christmas, and i could still remember watching fireworks yet tears flowing to our eyes… lalo kong namiss si papa lalo na ang pag-aalaga ko sa kanya…

    take note, natatakot na naman ako sa madaling araw dahil si mama laging nanghihina… sobrang low blood na ayaw magpacheck up… mas matigas pa ang ulo kay papa… pero nakikipagbargaining na naman ako sa Diyos… huwag muna niyang bawiin si mama… pinagbabawi na nga niya ang magulang ni wilson (orphan din siya), tapos si papa… huwag muna sana si mama… hayaan niya munang magenjoy mag-alaga sa apo niya…

    yes, i’m 3 months pregnant… kung sakali, ninong ka ha… dito ka nun pagnagpabinyag kami…

    by the way, nice blog… di nakakabagot at nakakawala ng lungkot…

    ingatz bro!

    Fhritz!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    sobrang saya ko’t nakadalaw ka.
    punta agad ako sa multiply mo to comment
    kaya lang members lang daw pwede magcomment.
    Anyway…
    ansaya ko, lalo na sa news mo.
    magnininong talaga ako sa inyo ni Wilson.
    ngayon pa lang, mag-iipon na ako ng pakimkim.ü

    I’ll be praying for your mom, sure yun.
    at syempre for your baby.
    excited na tuloy akong umuwi.ü

    ngapala,
    wag mo kwento kila Father na may blog ako ha.ü
    teka basa muna ako ng multiply mo.ü

  60. ang kwento mong ito ay magiging inspirasyon sa mga taong nakadanas din ng ganito.. at kahit ayoko pong isipin dadating din ako sa puntong ganito pero sana nga po e matagal pa.. thanks for sharing.. NAKAKAIYAK!😦

  61. HAPPY BIRTHDAY PO BROTHER! pa cheese burger ka naman jan! hehehe.😀

  62. […] sya! Pinakama-chika kong post: Mga Larawang Pang-Majorette (82 comments) Pinakamalungkot kong post: Ang Pinakamalungkot Kong Post Pinakaseryoso kong post:  Of God, Atheists and Christmas Mornings Post kung saan may pinakamarami […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: