Saang Bundok Ka Ba Galing?

Miss ko na ang pamumundok namin ni Brigitte.

Last November pa ang huling akyat namin.   Sa mga panahong ito eh madalas na akong tinutukso ng mga kasama ko sa bahay dahil every now and then eh dinadalhan kami ni Brigitte ng mga pastries. 

raspberry pie

raspberry pie

Dati naman daw eh hindi ganun ang ating dakilang panadera.  Sa isip-isip ko lang eh pakialam ko.  Basta may steady supply ako ng éclair, diplomate, madelaine, tartlette, meringue, charlotte at mille feuille eh wala akong dapat ikahiya.  Sapagkat ang kapalit naman noon ay ang pagsusumikap kong maihatid si Brigitte sa rurok…   ng mga kabundukan.

Minsan, on a byutipul sunny Sunday afternoon, tinopak ulit kami ni Great Panadera na muling magpakasakit at umakyat ng bundok.  Kung bakit Senepi ang pangalan ng lugar, di ko rin alam.  Kayo na lang ang mag-Google.  Basta ang alam ko eh may taas siyang 1770 meters, medyo mas mababa sa Lac Charlet pero mas nakakapagod kasi magsisimula kaming akyatin siya mula sa paanan ng bundok.  In short, Kalbaryo in flesh, mas mahabang lakarin.   Ang Senepi ay maituturing na alpage, o sa simpleng salita, pastulan ng kambing at baka. 

full-pledged member ng musical cows

full-pledged member ng musical cows

Ang terrain niya ay medyo hawig ng terrain ng La Salette:  di gaanong treacherous, madamo at bibihira ang mga puno sa paligid.  Katunayan, hindi trail ang dinaanan namin kundi rough road ng 4×4 na gamit ng mga pastol.  Yup, ang mga sosyal nating SUV sa Maynila ay gamit lang nila dito sa pagpapastol ng baka.  Pero wag ka, mas sosyal ang mga kotse natin sa Pinas kesa dito.  Dito, isang dipa lang ang kotse.

Uneventful ang aming mountaineering kunyari-kunyarian.  Kwentuhan dito, hingal doon, tawa-tawa dito, gapang-gapang doon, discussion about God and religion dito, gulong-gulong sa damuhan doon.   Nagiging exciting lang ang lahat dahil maraming cow pies sa paligid… 

.

.

.

{{*tunog ng kuliglig*}}

.

Ano?!!! Cow pies lang, di mo pa alam?!!!  Hayaan mo, dadalhan kita pag-uwi ko.  Ilan ang gusto mo?  Medyo tuyo na nga lang, pero at least you’ll get the idea.  Christmas gift ko na rin yan para sayo.

As useless, gusto ko lang talaga kayong inggitin dahil grabe, ang ganda ng view.  Parang postcard.  Sakto namang low-batt ang aking not-so-ever-trusty camera kaya hayan at madilim ang kalitratuhan.   Buti’t nalitratuhan ko bago pa yan takpan ng yelo.  Gayunpaman, I still sincerely hope and pray na mamatay pa rin kayo sa inggit sa aking sky-rockets-in-flight afternoon delight na pamumundok.  God bless!

img_2012

img_2013

img_2014

img_2015

img_2016

img_2019

img_2024

img_2025

img_2021

.

.

.

At syempre pa, ang pinakaaabangan ng tatlong bloggers lang yata, ang aking clickable na stainglass window of the day!

left transcept window

left transcept window

right transcept window

right transcept window

Ang mga bintanang ito ay nalitratuhan ko during my pilgrimage sa Sanctuaire de Notre Dame de l’Osier.  Ang shrine na ito kasi ay ang simbahang pinili ng aming Founder na si St. Pierre-Julien Eymard upang ipagdiwang ang kauna-unahan niyang Misa, isang araw matapos ang kanyang ordination.  Sikat din ang shrine na ito dahil sa isang apparition na naganap noong March 25, 1649, so mga 340 years na ang nakakaraan matapos magpakita ang Mahal na Birhen sa isang magsasakang Heugenot (french protestant) upang ihayag ang kanyang mensahe tungkol sa pagbabalik-loob.

Ang left transcept window ay naglalarawan ng barkadahang St. Francis Xavier, Mama Mary at St. Boniface, at sa tuktok nila’y ang larawan ng di-masyadong photogenic na si St. Jean-Marie Vianney.  Ang right transcept window naman ay ang tropang St. Paul, Jesus Christ at St. Peter, at sa tuktok nila ay isang larawan ng taong di ko maaninag kung sino.   Ang mga bintanang ito ay nasasaayos sa traditional na triptych arrangement na pinalalamutian ng french fleur-de-lys designs, na siyang hit na hit noong panahon ni Mahoma.

40 Responses

  1. apir apir. pareho pala tyong tiga batangas. san ka dun? sa lipa ako!

    Bauan ang father ko, Calaca ang mother ko.ü Gising ka pa ng ganitong oras, kate? nasan ka ba?

  2. Wow! Kay ganda naman ng view saktong pang post card. wala nyan sa atin kahit dito sa Saudi kaya pa view na lang sa blog mo, hehehe!

    Thanks for sharing & God bless you bro!

    anong oras na ba dyan at gising pa ang King of Saudi?ü
    i-add kita sa blogroll ko, kapatid, sa ayaw mo man o sa gusto.

  3. Huwaw!!!! Ansarap!!! {sorry matakaw talaga ko eh}

    Saka ang ganda naman dyan. Haays kelan kaya ko makakapunta dyan kuya utoy?? Sagot!?

    Sana may kapalit yung hindi mo paggawa ng tag ko {tampo}..private pic na lang send mo sa email ko. Wapaks!

    madali lang pumunta dito. sabihin mo sa pedicab, Grenoble. alam na nila yun.

    may sagot na ako sa comment section ng blog mo. silip mo na lang. God bless!

  4. Hahaha! view mo ulit padre kasi may pinahabol ako sa last part ng blog ko. Comment ka ulit sabay iyak ha, hehehehe!

    andrama natin, king! singhot tuloy ako ng singhot. pareho pala tayong pang-orphanage na.ü God bless!

  5. psst hindi maienlarge yung stain glass photo. ulitin mo kapatid ang embed. gusto ko sana makita yung nasa tuktok nung right transcriptwindow. parang si pius X yun?

    @King psst salamat sa pagbisita. mamaya babawi akosa lahat ng bloggers na pinagkakautangan ko ng reply and cross visit… busy lang talaga po

    hohonga! hindi na nga sya clickable! hayaan mo at lalakihan ko na lang ang picture. bakit ganun? di na nai-eenlarge ang pics ko. paano ko pa maipapakita sa mga readers ko na malfocused at amateurish ang mga pictures ko? kakainis naman.

  6. pwede pakifed-ex na lang ang mga éclair, diplomate, madelaine, tartlette, meringue, charlotte at mille feuille para naman makatikim din kami? hehehe!

    wala kaming fed ex! sige, iwe-western union ko na lang.ü parang remittance lang!

  7. paki-sabay mo na sa FedEx mo ng sweets for IFM nung sa akin ha….

    adress ko:
    viale di san paolo, 18
    00146 roma, italy

    paki-damihan ng éclair at raspberry pie ha!… tsalap!

    kapatid, naihatid mo ba talaga si Brigitte “sa rurok… ng mga kabundukan”…. hindi ka hiningal? toinks!

    naku, rev, naliligo ako sa pawis, nanlalambot ang tuhod at medyo nanginginig pa pero ang mahalaga eh fulfilled kami dahil sabay naming naabot ang sukdulan ng Senepi.

    Sa mga readers: Parang nag-eenjoy kayong basahin ang comment na ito. bakit ha? bakit?

  8. ang sarap naman ng pastry.. nakakatakam. akala ko nina strawberry, raspberry pala.. hehe!

    magpadala ka naman po dito sa pasko.. hehe!😉

    naku, yhen, nauubos agad ang pastries bago pa malitratuhan. ang available ngayon eh cowpies na lang.ü

  9. kuya utoy pangarap ko rin mamundok sa kanyang lugar at sana sa pag-uwi mo ng Pinas isama mo po ako.dont worry kasya po ako sa bulsa mo…wala po akong isang kilo…wahahaha

    ang sarap naman ng mga yan…ang masasabi ko “may araw ka rin!”….

    hmmm…kuya utoy hulaan ko kung wala ka sa semenaryo ang karir na papasok mo ay maging isang balerina, gymnast, acrobat…aba tingnan mo naman ang header tinalo mo pa ang moves ni Liza Macuja….

    sige po sibat na ako!

    ilang araw ring sumakit ang likod ko after ng picture na yan ha.ü paturo pa ako kay Douglas Nierras nyan! hehehe…

  10. wow! “St. Boniface” nag bling bling ang aking paningin!! isa pa nga St. Boniface… haha

    para lang siguro kayong si jack en jill ni binibining panadera.. naku eh kung sa pilipinas nyu gawin nyan pag baba nyu ng bundok ikakasal na kau sa dami ng tsismis na napagusapan hahaha!

    ganda naman dyan malapit nadin yan matabunan ng yelo? pano na ang mga baka? saan na sila ipapastol pag nagyelo? (namroblema pa para sa baka) haha.

    *** ang english ba ng panadera ay beyker?

    medyo malapit na ang english mo ng panadera. pero dahil babae ang panadera, ang tawag sa kanya ay bey-kres. parang weyter-weytres lang.

    yup, boni, may St. Boniface! At may St. Jorge, St. Christina, St. Virgil, St. Eric at St. Sebastian din.

    St. Jhoen? mukhang malabong mangyari.

    anyway, si St. Boniface ay isang Franciscan theologian at itinanghal na isa sa mga Doctors of the Church. Payat na payat sya kaya litaw na ang mga buto niya sa mukha. Tinawag tuloy siyang “Bony Face.”

    Sige na. Corny na ako.

  11. PUBLIC ANNOUNCEMENT: DECEMBER 13, 2008. dahil sa ilang araw ng stagnant ang tindahan ng revsiopao, MAGSASARA napo. hahaha! wala nadaw pong pondo. ayaw i bail out ng roma!

    wag naman sana.
    matapos akong pasikatin ni Rev.Siopao
    sa aking first ever internet scandal video
    eh mauuwi lang sa lahat ang effort ko?
    atsaka, teka, di ko pa naki-claim ang siomai ko!

  12. hallooo bro.utoy!🙂

    salamat po sa pagdaan sa blog ko..

    mdjo madalas din po ako dito. di nga lang ako nagpaparamdam.
    dahan dahan langpo kasi ang pag pasok ko.
    baka may makarinig sa yapak ng paa ko.
    pagkaguluhan ako.
    hahaha.

    ingats po.
    salamat po sa payo.
    praying for you din po..
    nag iipon na po ako ng mga kaibigang
    seminarista.
    para pag dating po [kung sakali] ng ordination ko
    ma iinvite ko po kayo.🙂
    hehe.

    you’re welcome, kapatid na Jay.
    basta ituloy mo lang ang discernment eh wag kang mag-alala.
    bahala na dyan si Batman.
    ang payo ko, mag-congregation hopping ka muna
    bago ka magdesisyon.ü
    God bless!

  13. talagang merong ‘mamatay sa inggit’ hehehe. nkakainggit nga nman ang mga views parang ang lapit mo lang sa heaven at pwede na bumulong kay Lord! pro agree aq kay kamotenista… may araw ka rin!

    yes, honey, naabot namin ni Brigitte ang langit!ü as in nahawakan namin. kasi kalevel lang ang bundok na ito ng mga fog. kaya lang hindi photogenic ang fog kaya walang picture.

  14. Brader Utoy, sa ‘Pinas ba umaakyat ka rin ng bundok?

    hindi eh. gusto ko sanang subukan, kaya lang, walang nag-aaya sa akin.

  15. “Gayunpaman, I still sincerely hope and pray na mamatay pa rin kayo sa inggit sa aking sky-rockets-in-flight afternoon delight na pamumundok.”..
    >>hindi kami mamatay sa in…git… di….di..toooo…..
    ano tong dugo sa ulo ko?? lols..

    hahaha!!!! ah, este, LOL pala.
    natawa naman ako ng husto sa comment mo, Doc.ü
    Ansakit sa tiyan ng hagikhik ko!ü

  16. wahahaha nasa new zealand kse ako. yung mga pinsan ko tiga calaca din. hindi ko alam ang maiden name ng tita ko eh.

    sus ako pa palaging gising to ha ha.

    wow, the land of Anchor Milk and honey! Maganda daw dyan, Kate kasi parang lagi kang nasa set ng Lord of the Rings.ü

  17. huwaw! pahingi naman nung mga pastries..

    ang sarap nun, for sure…

    inde pa ku nakakatikim ng raspberry…

    pa-air mail na lang… lols…

    naku, lostme, cowpies na lang ang natira eh.
    available in three sizes: Solo size, Family Size at Barkada size.ü
    Parang pansit malabon lang!

  18. Bro Utoy , ewan ko sa kanila, pero ako ay na-iingit sa iyong pamumundok at sa mga masasarap na panghimagas na dala-dala ni ka-ibigang Brigitte… kaso sandali, gapang-gapang at gulong-gulong… naku po…. ingat.

    medyo nakaka-sprain nga lang ang pag-akyat, Leap. buti na lang at nakahiking boots ako. atsaka, kapag gusto ni Brigitte ng shortcut, parang longcut na rin kasi masyadong challenging akyatin, nato-trauma ako.ü

  19. Wooowww…. ang pamumundok.. bow!

    DAPA sabay split habang gumugulong gulong sa damuhan at nakikipag patintero sa mga Cow Pies.. mas exciting yun! ehehe

    *** BroUtoy, may accent ba mga baka jan? (ahihihi)

    may accent sila, tins.
    Ang sabi ng mga baka eh “Ungat, Ungat!” at “Moot! Moot!”
    pero dahil french, silent “t” ang pronounciation.

  20. omg. ang ganda dyan.

    *doing julie andrews’ twirl as she sings…THE HILLS ARE ALIVE….*

    kunsabagay, alive nga ang hills ni Brigitte.

  21. Dear Mr. BONISTATION:

    What is this smear campaign that you are perpetuating in the blogosphere against my client revsiopao? If you do not put an end to this senseless engagement, we will be compelled to file a case against you at the soonest possible time!… Oh by the way, my revered client asked me to relay a very important message to you: “TOINKS!”.

    naalala ko tuloy ang kanta ng Parokya ni Edgar:

    “Uso pa ba… ang shawarma?”

    Idedemanda rin kita, Shawarma! Englishing without a license!
    Mag-post na kasi…

  22. To Atty. Shawarma,

    That is a pap smear! (ahihihh) peace!
    Dont you worry, i filed my bid at wordpress. claiming your account. Im acquiring your password and full operational rights. Ako na magpapalakad ng revsiopao. Toinks!

    Management of Bonistation

    haynako, under new management lang pala eh.ü

    parang nakikini-kinita ko na ang future.
    magkakaroon na ng siopawan sa bawat station ng MRT!

    at ang board of trustees ay ang toinks team,
    dahilan upang magkaroon ng mga siopao na kuneho flavored, banana flavored, tomyum flavored at siopao na naka-abaya o kaya’y lucky red shirt!

    at dahil jologs tayo eh may paraffle!
    sa maswerteng makakabunot ng tamang siopao,
    may pre-loaded ticket na nakatago sa papel sa pwet nito!

    osya, sige na, adik na ako.

  23. ahaha! astig ng reply ni brother utoy! sige kukuhanin kitang business analyst! haha alam mo na agad ang mga pangyayaring magaganap! clap! clap! nga pala ung sinasabi mong new batibot episode na gagawin mo sige sige ituloy mo un haha gusto ko un! isali mo ang mga vivahotbabes ha! hihihi

    aba, good suggestion yun!
    Gwen Garci para Gingging!
    Hazel Cabrera as Lingling!
    Andrea del Rosario as Irma Daldal!
    Jen Rosendahl as Manang Bola!
    Myles Hernandez as herself!
    hehe…

  24. Huwahw! Isang gabi lang akong lumaboy sandamakmak na comments! Iba talga ang sikat! toinks!!

    Ang gaganda nmn ng mga pictures pang post card talga! hehehe..

    Ano daw? Cow pies? Nakakain ba yan?

    Ano daw? Rurok ng kabundukan? Nangkupo, wag po koya, wag po!! Mga minors pa po kami, bwahahaha!! toinks!!

    Natawa nmn ako sa St. Jhoen, para bang imposible? hihihi… lagot ka brother, padadapain ka ni rev. toinks!

    Osya, nasa galaan ako ngaun eh, mmya n ko magcocomment ng matino… Magbabalik!

    konti pa nga lang yang comments na yan eh.
    tingnan mo si rev., naka-80 sa una niyang post.
    naiinggit ako!
    di bale, St. Jorge.
    basta tayo nina St. Christina, St.Boniface, St. Sebastian at St. Eric
    eh mga banal at mapagkumbabang mga tao.üüü

    teka…
    Christina ba ang tunay na name ni Tina Banana?
    pwede rin kasing Matutina…

  25. ikaw lang ang bukod tanging pilipinong nilalang na pumunta ng pransya para lang mamundok.

    alam ko yung cow pies ha. yaki gumapang gapang at gumulong gulong ka kamo sa terrain na yon? (naaamoy kita mula diyan brother)..

    nakow etong si brigitte talaga e maistayl rin ha. alam na alam niya kung pano ka uutuin para may kasama siyang mamundok. tsk.. the way to a man’s will is through his taste buds. haha

    si mommy UM talaga, pop culture savvy.
    alam nya ang cowpies.
    nanonood ka ng “Cow and Chicken” ano?
    Favorite ko rin kasi yun eh.ü

    Yup, tama, it’s through the man’s tastebuds.
    Adam himself can attest to that.ü
    si David din (read the chapter about him and Abigail).
    kaya naman, “a man without tastebuds is a man without a will to live.”
    God bless!

  26. *singing

    High on a hill was a lonely goatherd
    Lay ee odl lay ee odl lay hee hoo
    Loud was the voice of the lonely goatherd
    Lay ee odl lay ee odl-oo

    Folks in a town that was quite remote heard
    Lay ee odl lay ee odl lay hee hoo
    Lusty and clear from the goatherd’s throat heard
    Lay ee odl lay ee odl-oo

    O ho lay dee odl lee o, o ho lay dee odl ay
    O ho lay dee odl lee o, lay dee odl lee o lay

    paguwi mo akyat tayo nina rev sa makulot sa Batangas. tagal ko na di naprapraktis ang pagiging mountaineer ko. sa baba noon bundok (cuenca) ang hometown ng tatay ko. dun ako palagi nag babakasyon nung bata pa.
    last time Ive been there was 1996 pa. 12 years ago na

    langyaka, bluep, napakanta talaga ako with matching actions na humahaba ang leeg sa yodel song mong ito!ü
    hala, may last song syndrome pa naman ako! maghapon akong yoyodel!

    sige, akyat tayo! gusto ko yan!
    ang one and only dalaw ko ng Makulot eh highschool pa eh.
    di kasi talaga ako mountaineer. “Burol”-eer lang.ü

  27. panagrap ko makapunta sa ganyan bro. tas habang nagpipicture ng mga ganyang views e kumakain ng mga pie at kung anu2 pang kakaibang pangalan ng pagkain na di ko mabigkas lol.

    kaiinggit!🙂

    maraming salamat talaga, dench, at nainggit ka.
    yan talaga ang hangad ng puso ko.ü
    buti na lang di ka gumaya sa mga iba, pakipot!ü

    seriously, dench,
    akala ko noon, kapag European country, parang puro syudad.
    Pero ngayong nasa kabukiran ako, hanga ako sa kanila
    kasi naiingatan talaga nila ang mga kagubatan.
    Sana ganito rin sa pilipinas…

  28. Bauan ka pala at Calaca. Na areahan ko na yan. Pa Lemery, Ibaan, Talisay, Sto. tomas, Calatagan, Tanauan, Nasugbo, Malvar, Lipa, Rosario, Ah basta buong batangas. Teka, Ganda ng view ano?Parang commercial bf Birch Tree.

    sinabi mo pa, Tay!
    as in, nakakita nakakita talaga ako dito ng tunay na puno ng Birch Tree!
    disappointing lang kasi walang gatas na lumalabas…

    wow, at mas alam mo pa ang Batanggas kesa sa akin!

  29. Naiinggit ako… raspberry pie…. :p mukhang napakasarap (tulo laway ko).
    At ang ganda ng view! di ko sasabhin na naiingit ako, lalo na sa lugar na napuntahan nyo…
    pakiramdam ko tanggal ang pagod nyo after nyong maakyat ang bundok.😉
    Marami rin kaming Cow Pie at madalas nakakalat sila sa car park mabenta kasi sila duon, one time share ko rin sa exotic fuddie trip best!

    eto, aaminin ko na.
    di masyadong masarap ang raspberry pie.
    maasim kasi ang raspberry.

    at yung cowpie, tama ang hula ni mommy UM.
    di sya pagkain. isa siyang resulta, pagkatapos kumain.ü

    God bless! Lapit na wedding!üüü

  30. ganda pala ng header nyo!🙂 sana makasama din ako dun sa paglipad “minsan”😀

    Lilipad na ako! Sabayan nyo ako!
    Ang sarap dito sa pupuntahan ko!
    Sakay na, eric, join the toinks
    as we tumbling, split and lipad at the same time!

  31. bkit parang walang sumagot sa cow pie na yan? cow pie — tae diba?😀😀😀

    sarap ng pastries… grabe… mahal ng ganyan dito sa pinas… isang piraso halos isandaang piso… ibibili ko nalang ng sangkatutak na flat tops yun, ganun din naman ang sugar content!😀

    padaan…

    ang galing mo, Pilar! talong talo mo si Pepe!
    kaya lang, sana hindi dead link ang ibinigay mo sa akin
    para nadalaw ko rin ang haybol mo.
    GOd bless!

  32. Tahimik ako kasabay ng pananahimik ng siopao…

    PERO… teka lang…. taympers! OK na ang Christina, di lang obvious pero Christina talaga…. St. Christina – one of the Toinks Saints.. bwahhahaha ay mali ahihiihhi! Lipaddddd… Lipaddddd….

    OK…. GAME! ang pananahimik bow!!!! Toinks!

    TEKA.. PS pa! BroUtoy, may St. Matutina ba?

    OK… GAME na uli…. TAHIMIK na ko!

    di ko sigurado kung may St. Matutina pero merong title si Mary na Stella Matutina (Morning Star) dahil ang ibig sabihin ng Matutina sa Latin ay bukang-liwayway. Kung trip mo ng mahabang explain eh visit my previous post: https://utoysaves.wordpress.com/2008/04/13/my-top-five-coolest-marian-titles-from-the-litany/
    kaya next time, if someone calls you Matutina, be flattered. kasi in English, Sunshine yun!

  33. hi bro. utoy, thanks for dropping by sa blog ko.
    next time iwan ka na din ng eclairs at meringue ha.

    yum!

    youre welcome, Your Royal Highness!
    uy, I added you na as HRHPrinsesangNamamahay.ü God bless!

  34. wow nagtakam tuloy ako!

    hmmm hula ko may pagnanasa sayo yan si brigita na yan..sa sunod nyan eh gagahasain ka na dyan sa kabundukan ng francia..o d ba bungga pa din! papagulong gulungin ka nyan sa mga cow pie at saka kakainin,hihihi

    naku, oo nga! baka gahasain nya ako ng bunggang bungga!ü pero sisigaw naman ako ng “Hilp! Hilp!” at baka sakaling masaklolohan ako ni Dunna.ü

  35. bilang isang adik sa dessert…..natakam ako dun pwamis!🙂 buti pa kau me supplier ng sweets.

    ang ganda naman ng view up there kuya…parang sa sine at postcards ko lang nakikita ang mga yan samantalang kaw..inaakyat mo lang.🙂

    ang galing ng pagkaka-pektyur mo ha.🙂

    as of writing, binigyan ulit ako ni Brigitte ng tarte aux pommes.ü
    yan na lang ang consuelo ko sa lamig dito.
    ngayon nga, ang kapal ng fog…

  36. ang sarap naman ng pie…

    sarap talaga. ü

  37. Wow, congrats, Bro! Isa ka na talagang “dakilang taga-bundok”! Teka…ba’t parang di maganda ang dating non? Hehehe…

    At oo, super inggit ako sa mga mala-“Sound of Music” na tanawing iyong nakita – pati na sa mga “yummy-licious delights” na binibigay sa iyo tuwi-tuwina ni barkadang Brigitte.

    Ika nga – life is good but God is even better!😉

    at saka sabi nga ni Pong sa isang episode ng Batibot:
    Blessings come to your life like a delicious pie on a platter.
    Don’t hesitate to grab a slice.ü

  38. mukhang magandang hobby yang pamumundok ah, matry nga.🙂

    salamat sa pagdaan at pagcomment, magandang miss.
    add kita ha.üüü

  39. ako ba yun magandang miss? nyahaha

    duda ka pa sa byutipulness mo, joyce?
    kunsabagay, ang mga gels sa blogroll ko eh mga byutihoodshipness lahat.

  40. inggit ako Br. Utoy.. sama mo ako next time ha..hehe. buti pa si Brigitte. NAKAKAINGGIT NAMAN!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: