Sumali ako sa Prusisyon ng mga Pamaskong Punongkahoy ni Bluep

Heto ang lahok ko sa 2008 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade ni Bluepanjeet.üüü

3069392992_95eb555466_o1

Noong bata pa ako, wala kaming christmas tree.  Sa halip, taun-taon, may inilalabas si Inay na plastic poster ng Christmas Tree na sa sobrang ka-kitschy-han ay “Dibisorya” agad ang unang salitang papasok sa isip mo kapag nakita mo ito.  Kalaunan ay nakabili naman ng matinong plastic Christmas tree si Inay, na ginagayakan niya ng tinsel balls at mga anik-anik tuwing unang araw ng Setyembre.

Nang madako ako dito sa kabundukan, aba eh kahit saan, may pine tree!  Sa likod bahay lang namin eh may limang pine tree na iba-iba ang lahi at ang pinakapaborito ko ay ito:

si favorite tree kapag may fog

si favorite tree kapag may fog

si favorite tree kapag walang fog

si favorite tree kapag walang fog

Naimagine ko, ansarap sigurong may tunay na pine tree sa pasko.   Kalaunan ay napagtanto ko na may mga bagay na masarap lang sa imagination, pero sa tunay na buhay, nakaka-disappoint.  Tulad ng foie gras at caviar na ka-level lang ng Reno liver spread at bagaybay ng tuna, medyo over-rated ang tunay na Christmas pine tree experience.   Di mahalaga kung totoo o plastic lang ang Christmas tree.  Basta nandun ang Christmas spirit, kahit walis-tingting lang ang Christmas tree mo, masaya pa rin.  Na-miss ko tuloy ang  Christmas Tree Poster ni Inay.

Naatasan akong magdecorate ng apat na Christmas tree sa bahay:  dalawang tunay na pine tree (sapin de Noël variety), isang malaking plastic na pine tree at isang maliit na artifical pine tree.  Tinulungan ako dito ni Elina, ang aking snowmonster-making buddy.  Actually, tagasabit lang ako, siya ang taga turo kung saan ko ilalagay ang mga anik-anik.

Ang maliit na artificial tree ay inilagay namin sa opisina.  Eto ang hitsura nya.

img_2682

Gawa ni Elina ang paper angel sa tuktok ng tree.ü

Ang isa sa tunay na pine tree ay inilagay namin ni Elina sa may multipurpose hall.   Dahil di triangular ang hitsura ng pine tree, para lang siyang ordinaryong puno.   Mahirap siyang i-decorate kasi mataas at makati talaga ang dahon ng pine tree.  Puro rashes ako after ng punong ito.  Heto sya.

img_2651

Hayan at nagmodel pa talaga si Floren, ang kaibigan kong member ng L’Arche.  Sya ay may Down Syndrome, 47 years old, server sa Mass, at best friend ko dito kahit na ang kwentuhan namin ay umiikot lang sa “ça va, ça va?  ouais, ça va!”  (Ok ka lang, Ok ka lang?  Yep, Ok ako!).  Ang L’Arche nga pala ay samahan ng mga volunteers na piniling magkupkop ng isang developmentally handicapped adult sa halip na iwan sila sa isang mental institution, ayon na rin sa inspirasyon ni Jean Vanier.

Ang pangalawang totoong pine tree ay inilagay namin ni Elina sa corridor, kung saan nababangga-bangga sya ng lahat.   Nakakaganti naman yung pine tree dahil nag-iiwan sya ng makating rashes sa sinoman umombag sa kanya.  Heto sya:

img_2669

Ampanget, ano?  Parang na-Murder She Wrote ang hitsura.

At syempre, pumalpak man kami ni Elina sa tatlong naunang Christmas tree eh binawi naman namin sa pang-apat, yung fake na Christmas tree.  Heto na ang aming pièce de resistance:

img_2676

Nilagay namin sya sa landing ng hagdanan, sa tabi ng fire extinguisher para kung sakaling masunog, madali lang siyang hampas-hampasin ng tanke ng fire extinguisher para maapula ang apoy.  Heto sya kapag gabi:

img_2672

Totoong tinsel ball ang gamit namin dito to decorate, at umiilaw ang mga yun!ü  Nilagyan din namin ng chocolates na decor ang paligid ng Christmas tree.  Heto ang halimbawa:

may chocolate yan sa loob!

may chocolate yan sa loob!

Bigay syempre yan ni Brigitte.   Dalawang dosena yan, pero napansin ko, five days since gawin namin ang decorations, parang kumokonti ang mga chocolate-filled christmas balls.   Unti-unting naglalaho.   Saan kaya napupunta?  Wala namang matakaw sa bahay namin.  Hmmm…

As useless, wala akong ita-tag sa meme na ito.  In the first place, wala namang nag-tag sa akin.  Naisip ko lang na maganda itong alay sa aking Bluepanjeet Shrine na ngayon ay may nakalagay nang imahen ng isang diyosang nagduduyan pero natakpan ang mukha.

anyway, heto pala ang requirements para makasama sa parada ng christmas tree ni Bluep.  Medyo di ko alam kung malilink ako dito dahil di naman nga ako na-tag.  Gayunpaman, sana makasali rin kayo sa paradang ito kasi may pa-siopao (pananahimik-flavored) si Rev pagkatapos.

At syempre, sabi nga ni Tiny Tim sa sikat na pamaskong kwento ni Charles Dickens na “A Christmas Carol“:  GOD BLESS EVERYONE!!!

This is the 2nd Annual OTWOMD Christmas Tree Blog Parade 2008 Meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates his or her own Christmas.

This meme was originally conceptualize in order to:

  • Promote the spirit of Christmas around the blogosphere
  • Spread awareness of the true meaning of the Christmas Tree
  • Encourage the family members to have a bonding around the Christmas tree
  • promote Christmas cheer and camaraderie among bloggers

Everyone can join regardless of nationality, race or religion. Even Atheists are welcome to join. So here are the rules:

  1. Copy the Logo of this meme and resize it that will best fit your blog or according to your desire and post it on your entry. You can also embed the official video presentation of Last year’s blog parade in your current entry (optional) Located HERE.
  2. Take a photo of your Christmas tree inside your house not smaller than the size of 500×375 pixel (for cropping purposes for the parade). It would be better but not required to at least take three different shots of the three (landscape, portrait and detailed shots). A whole body shot of the Christmas Tree is the most appropriate photo. And then post it on your blog entry

    Shots

  3. Tell something about your Christmas tree like who decorated it, what are the ornaments and accessories, or what is the theme and meaning of your Christmas tree this year.
  4. You can put any title on your meme but don’t forget to include “2008 Christmas Tree Blog Parade”.
  5. Do the link train history for the purposes of tracking. Last year there were people who where not included because the people who tagged them did not do this link train (Please refer to last year’s blog Parade). Put the link of your previous bloggers who tagged you and your own link, Example: Tag History: Bluepanjeet – “you” –

The link train will provide clue on “who tagged who” and at the same time a reference of data for the creator of this meme.

On The feast of the Epiphany (Three Kings) on January 4, 2009 (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will will feature all of the participant’s Christmas trees for 2008 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2008.

REMEMBER:

1) Christmas tree photos used last year cannot be used this year. Your Christmas tree photos should be current.

2) You can do this on your other blogs if you have two or more blogs provided that the people tagged on one blog should not be tagged on the second blog etc etc. each blog should have a different set of people to be tagged.

So tag now, you only have one month to spread this meme.

My Christmas Tag History: BluepanjeetChuvanessRhapsodyJoviKotsengKubaStineAmboThessThesserieLola Tekla ReynzReynaVeraKengkayDomMommy GirlieSardonic NellTulipfleursBuraotMommy BengLembackChehLovelleZenaidaKarmiLiz CochicoHealth freak MommyFrancineDiwaChuvaScartyMonicaClaireSandyJamsMunchkin MommyKittyRoselleRachelleLeahMisyelBingTinaMegaMomBrother Utoy – “and You” (Put your link here)!

33 Responses

  1. ang ganda naman..ang dami pa..pengeng xmas tree….

    nakaka-eczema galis hadhad rashes ang mga punong ito, p0kw4ng eh.

  2. alam mo, bro, kung san daw ang may pine trees na hindi masyadong mainsekto? sa holland daw.

    alam mo, siguro may malaking daga ang nagnanakaw ng mga chocolate filled christmas balls… siguro ang takaw takaw nung daga na yun. hihihi!

    makati talaga sya, IFM, nakakatusok kasi.

    yung daga? ayokong hulihin. kawawa naman.
    hahayaan ko na lang ang chocolates sa kanya.
    para kasing nauunawaan kong
    kailangan nya ang chocolates para mabuhay…ü

  3. May sumisimple sa pagnenok ng chocolate balls dyan, dapat imbestigahan!

    Naku, may maganda akong idea sa pagkuha ng christmas tree picture, since wala kaming christmas tree sa bahay, lalaboy ulet ako sa labas para magtake ng picture (against sa rule ni bluep, toinks!) kaso may pasok ako sa day off ko eh, huhuhu.. nde ako makakalaboy this week!!

    naku, daga talaga yun, Jorge. isang malaking daga.ü
    wag na natin syang hantingin. ang mahalaga, masaya yung daga…

    tanong muna natin kay Lord Bluep
    kung pwede ang Christmas tree ng iba.ü

  4. nakakainggit naman po kau kuya at ang dami dami ninyong christmas tree…
    mukhang masarap po yung chocolate filled christmas balls..umabot pa kaya yun ng buo sa christmas eve??hehe

    ewan ko kung aabot pa yun ng Christmas.
    kung sino man ang kumuha, hayaan nyo na lang ako sya…

  5. pno ba sumali? nguguluhan ako eh.. hehe

    dalaw ka lang, kapatid, sa links ni Bluepanjeet sa taas.ü

    at syempre, una sa lahat eh dapat may Christmas tree ka rin.

    at membership fee na tatlong daan
    tapos processing fee na 50pesos
    tapos isang box na chocolates o kahit na chocnut…

  6. bakit ba ganoon, kakainis, wala pa din kaming christmas tree, eto ang unag pasko ko na walang christmas tree at malamang walang noche buena.. T_T

    anyways!! ang ganda ng chirstmas tree, pahingi na lang kami ^^

    kahit christmas bonzai tree lang, cindy?
    gawa ka na lang ng personal mo,
    tapos lagyan mo ng belen sa ilalim
    tapos ang mukha ni Mary and Joseph,
    mukha mo at ni Soulmate.
    {{*kilig, parang highschool*}}

  7. huwaw!
    bat ang dami niyong xmas tree.
    kami iisa lang.
    at dahil natuwa ako sa post na ito
    sige at papatulan ko ang parada ng krismas tree na ito!
    hekhek!

    ewan ko kung bakit di kami nasatisfied sa iisang puno lang.
    pero alam mo, big deal sa kanila ang Christmas tree.

    sige, loisk, sali ka rin sa prusisyon namin ng mga pamaskong punongkahoy!

  8. Wooow…
    Kung dito yang chocolates na decor na yan… aamin ako! AKO ang KUMUHA! Eh kaso… wala ako jan.. kaya hindi po ako koya!

    Naks… pero teka apat nga pala yung xmas tree nyo… edi Christmas four yan?? wehh.. corny na, cge corny!

    actually, tina, Christmas twelve sila.
    kasi Christmas tree taymis por ikwals Christmas twelve.

  9. PS
    @Floren: “ça va, ça va? ouais, ça va!” merci bucopie, raspberry pie.. apple pie and cowpie!

    Cge corny ule… toinks!

    cherry pie, popeye at facifica falay-pie!ü
    kampai!

  10. danda danda ng entry mo bro utoy. kung pwede nga lang gawing xmas tree ang dates na puno malamang lahat ng sulok sa bahay mayroon din. kung meron kayong pine, kami dito lahat dates ang nakatanim. mura lang ang dates dito! gusto mo? ahihihihi!

    naku, gustong gusto ko ng dates!
    lalo na ang blind dates, double dates, speed dates…
    pero weekends lang ako available
    at may curfew ako.

    yuck, ang corny ko. parang dolphy at panchito…

    pero seriously, chrismas tree na date palm?
    bakit hindi? original yun at very Saudian!üüü

  11. utoy utoy, ‘pag natuloy ang “project”, dalhan mo ako ng madaming ‘chocolate-filled christmas balls’ ha…

    sabihin mo kay brigitte, request ng super friend mo from rome {naks… biglang instant super friends!}…

    in fairness, maganda nga ang tindig ni ‘favorite tree’… parang naka high heels lang. toinks!

    wow you have a linkage with l’arche community there. fan kaya ako ni kuya jean vanier.

    psst! panalo nga pala ang christmas tree sa corridor! kailan niyo siya titibagin? joke!

    aba, at nagrequest ang jakon!ü

    member ka pala ng L’Arche?
    hmmm… that explains it.
    hayaan mo, rev…
    kahit retarded ka eh tanggap naman kita.

    o, be a good boy and drink your Zoloft na!

  12. I always get sentimental whenever I see a Christmas tree. I remember my mother making a Christmas tree out of tin cans. Magdamag niya ginagawa and sometimes upon waking waking up in the morning, I would see her hands with cuts. It was because we couldn’t afford to buy a “decent” Christmas tree and she wouldn’t want Christmas to pass without a Christmas tree in our house.

    So I promised myself that when I earn money, the first thing I would buy her is a Christmas tree. And I did fulfill my promise. It wasn’t a grand Christmas tree that I bought for her but she loved it. Ten years after, she still proudly puts up the same Christmas tree. Matibay pa rin. And whenever I see that Christmas tree lighted, I often get teary-eyed because I remember how my mother would labor, making a tin Christmas tree and sometimes getting cuts in her hand in the process.

    nakaka-touched naman ng story mo, Northy…
    Naalala ko tuloy yung tulang “The hand that rocks the cradle”

    come to think of it, blog-worthy yan!ü

  13. Katuwa isipin na taob sa ganda ng “pekeng” puno ang mga nakaka-rashes na tunay na pine tree – hahaha! Oops, “hohoho!” pala para bagay sa Pasko😆

    kaya naman, big fan na rin ako ng plastic tree.ü

    sobrang natawa ako sa “Hohoho”
    LOLZ, este, HOhoho pala…üüü

  14. ngayon lang ulit kame nagkakrismas tree kase ngayon lang ulit nakauwi ang stepmom ko dito sa pinas sya lang naman taga ayos ng xmas tree eh..

    penge nung chocolate na borloloy sa xmas tree nyo.. LOL

    merry xmas

    salamat sa pagdalaw sa bahay ko, Bert!
    yung chocolate burloloy?
    reserved na yun para sa akin sa daga eh…
    God bless!

  15. wow! hay naku i missed having to decorate my own tree this year. buti na lang uwi na ako ng thailand next week. pls pray for me and my safety ehehehe.

    merry christmas po!!!

    enjoy Bangkok and Phuket, kate!

  16. kuya utoy ganda naman ng mga christmas tree nyo. Pero ganda din nung mga totoong pine trees doon..ayun oh! Haays, kahit chocolate balls na lang penge naman. Si pader kasi pinagdadamutan ako ng siopao, pag ako nanghihingi wala na daw. 😦

    masubscribe ka kasi sa kanyang promong SiopaoUNLI.
    merong unlimited siopao day and night sa kahit na anong network coverage!

  17. Anong keyword at sang number ko isesend kuya utoy?

    naku, di ako ang may hawak ng accounts section eh.
    management trainee lang ako sa Siopao Co.
    hayaan mo, kapag nagkaposisyon ako (missionary malamang)
    eh ilalakad kong magka-SiopaoUNLI ka.

  18. galing! napakasipag nyu naman ng iyong snowmonster-making buddy.. at todo effort sa mga christmas tree! pero alam kona brother utoy kung san napupunta ang mga choc kolets! kinukuha yun ni mang ******! hehe! wow!! may bago akong diskubre! ******! haha

    makati pala ang totoong christmas tree! or baka sensitive lang ang iyong balat.. ^^

    ganda nung sa likod bahay! astig hanep sa porma napakataas kahirap ayusan non!

    sori ka, pinsan ko si Voldemort.
    He-who-must-not-be-named din ang middle name ko.ü

    and yes, bonyphasho, medyo makati ang totoong pine.
    tusok-tusok kasi ang dahon.
    ang hirap ngang pitasin ng mga christmas balls.
    God bless!

  19. P.S.bakit walang STAINED GLASS?!

    congrats, bon, ikaw pa lang ang nakapansin after two posts!
    kahit si rev, di yan napansin.üüü

  20. gusto ko yung favorite tree na walang fog… hehehe!😉

    favorite ko yan, yhen.
    antaas nga lang, tapos di pwedeng silungan
    kasi babagsakan ako sa ulo ng yelo.ü

  21. kuya utoy di bale mabubulunan din yung malaking daga na yun!

    ang ganda po nung piktyur na walang fog….

    pag ako ang gumawa ng christmas tree mga buhay na daga ang gagawin kung sabit sabit!…..wahahaha

    touched naman ako sa post mo, kamootch.ü
    pero wala na akong baby picture eh.
    gawa na lang ako ng ten facts about me,
    damay na yung tag ni Eloiski.ü

    buhay na daga as sabit? pwede!
    para malaman nila kung ano talaga
    ang hitsura ng lively tree. alive talaga.ü

  22. P.S. (gaya gaya ako kay bon eh) bakit walang stained glass?

    babawi na lang ako sa next post ko.ü God bless!

  23. ca va
    ca va
    ok ca va tiyan? hehe

    gusto ko ring ipagmayabang ang chismax tree ko kaya lang the camera is not yet in service dahil hindi pa nabibili. hehe

    kilala ko kung sinong pumupuslit ng xmas chocolate balls ni brigitte.

    {{*accusatory look kay brother utoy*}}

    {{*iwas tingin, sabay tingala sa langit*}}
    ahh…
    uhhmmm…
    ehh…
    kwan… ahh…
    wow, ang ganda ng parol mo, UM!
    saan mo nabili yan?
    hanep naman ang decor mo, paskung pasko!!!
    uy, narinig mo na bang namatay na si Mark Cielo?
    at andami palang namatay sa lumubog na ferry!
    ano na kayang nangyari sa nambato ng sapatos?

  24. Wow Cool, ang saya naman nito Bro. Utoy at kahit na medyo di mukhang Christmas tree ang mga iyon eh ramdam ko naman kahit sa picture eh buhay na buhay namn sya sa spirit at halatang mukhang pinagpaguran nyo naman😀
    hehehe! Sana naka dukot din ako ng Chocolate… nakakatakam tuloy.

    paubos na ang decor, eric eh.
    di lang pala ako iisa ang daga.
    apat pala kami sila.

  25. wow. 47 with down’s, that’s a big thing.🙂 ganda ng favorite tree mo. sana may ganito sa pinas🙂

    ayos na link ko.. eto na eto na!😀

    naku, miss pilapil,
    mali pa rin ang link na bigay mo.
    buti na lang at matiyaga ako,
    single l lang dapat ang pilar!ü

  26. naku bro utoy ang dami nyo namang christmas tree dyan..meron pa talagang tunay at hindi plastic lang..
    pero mas gusto ko yung nasa labas

    ako rin, kapatid. favorite ko talaga ang punong yun sa labas.ü
    God bless and merry christmas!

  27. Naks. Napaka swerte mu. Sa states ka nakatira. Pangarap ko yung makatira sa state pero alam kong medyo malabo ang pangarap kong iyon. BTW, okay lang kung change link tau?

    GUsto ko makipag kaibigan sa mga pinoy sa abroad. At least diba, hindi man ako makapunta sa twing babasahin ko ang mga posts niyo at titignan ang mga pixs, para naring ganun un.!🙂

    di ko alam kung masarap sa States. di pa kasi ako nakakarating ng US.

    I added you na. God bless!

  28. na-miss ko tuloy ang magdecorate ng christmas tree dahil sa post na to bro utyo. ala man lang kasing krismas dekoreysyen sa boarding haus at kwarto ko. gusto ko na nga lang maglagay ng mistletoe sa may labas ng pintuan. baka sakaling may humalik sa kin sa pasko. lols😆

    oo nga ano? mistletoe!
    teka bakit parang walang mistletoe sa bansang ito?
    pero sige ok na rin dahil alam mo,
    mga lola lang ang humahalik dito.
    ay, pati pala mga lolo rin.
    culture nila eh.

  29. brother utoy!

    hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
    and also here’s my greeting card. click this ECARD
    Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

    hehe… thanks, 8btls! Merry Christmas din and God bless!

  30. […] – Jams – Munchkin Mommy – Kitty – Roselle – Rachelle – Leah – Misyel – Bing – Tina – MegaMom – Brother Utoy – Eloiski – “and You” (Put your link […]

  31. kuya, hindi naman kaya ikaw ang nagnenenok ng mga chocolate balls na yan? hahaha. i don’t blame you. mukhang ang sarap, sobra. anlalaki pa, parang nagyayaya ng tooth decay.

    yung xmas tree namin na plastic, sa sobrang tanda na, nalalagusan na ng mga dahon. balang araw, branches na lang ang maiiwan sa kanya. huhuhu…

    ang mahalaga naman eh yung seminten… sensiten… sentisental…sempitental…
    ang mahalaga eh yung ala-alang iniiwan at nananatili sa puno.ü
    sali mo yung puno nyo. Merry christmas!

  32. Bro Utoy, ang ganda naman ng mga Chistmas tree ninyo diyan – kahit makati-kati ang mga dahon. Yun nga lang eh tama din ang iyong sinabi… marami ngang bagay na akala mo eh magpapasaya sa yo ngunit hindi pala no… mas maganda pa rin sana kung nan diyan ang luma mong poster ng Christmas tree ninyo… di ba’t parang mas may kahulugan yon kaysa sa mga palamuti na iyan.

    salamat, keith! natutuwa ako kapag nagko-comment ka. Tagalog!ü not that i’m making fun of it. it’s just that you know how to place yourself to my (lower) level and not lose your “Leap of Faith” signature.ü
    merry Christmas!

    Maligayang pasko sa iyo, Kapatid!

  33. maligayang pasko!

    salamat, kenks! God bless at maligayang pasko rin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: