Bintana Chronicles

img_1403img_1961img_1918

img_2037img_2244

img_2062

img_2300img_2684img_2608

HIMNO KO KAY BATHALA

(pasensya na, impromptu lang)

Bathala kong umaga ng aking kamalayan,

Liwayway na siwalat sa sikat ng araw,

yakap kitang mahigpit, di man matitigan,

dukhang pinarangya ng ‘Yong pagmamahal.

Ay, Bathalang sambulat ng  hiyaw sa magdamag,

na sa puso ko’y isang bulong na banayad,

Inapuhap kong pilit sa sulok kong maingay

bawat taginting ng Wika Mong mapagligtas.

Ay, Bathala Kang puspos ng paglingap,

subaybay ang hakbang kong sadyang naligaw,

hibik ko sa dilim ay agad natunghayan,

sinuyong Mong pabalik sa mahal Mong kawan.

Bathalang Mangangaso ng langit,

tinutugis ako sa aking pagpuslit,

sa Iyong bisig, ako’y Iyong dinakip

hinangong walang imik sa pagkaligalig.

Ay, Bathalang Inang mapagtangkilik

laging alok ang gatas sa dibdib,

dinuduyan Mo ako sa aking pag-idlip

ng heleng tigib ng lantay na pag-ibig.

Aba’y Bathala Kang aking kabiyak

na pumuspos sa akin ng galak,

inihatid ako sa tahanang matatag,

at sininta’t inirog ng walang katulad.

Bathalang alingawngaw ng isang Awit,

isang Halakhak, isang Ngiting matamis,

mainit na Luha’t maririing Halik,

ano’t nabihag ako ng Iyong Tinig?

Tinatawag kita sa umagang sasapit,

binubulong ang Ngalan Mo sa takipsilim.

Ako’y inakay Mo’t inilayo sa tinik,

sadyang inligtas ng Yong pagpapakasakit,

Bathalang Ama ko, Ina, Kapatid,

Kabiyak ko’t Gabay, Kaibigang matalik,

taksil man ako sa Iyong Pag-ibig,

Inibig Mo pa rin ako’t iniibig ng higit!

 

***

At syempre, ang ating click na click pero hindi na clickable na stainglass windows of the days!  (plural talaga yan, wag kang magtaka.)

L'Eglise de St. Philippe L'Apôtre

L'Eglise de St. Philippe L'Apôtre

 

Notre Dame de L'Osier

Notre Dame de L'Osier

Ang unang window ay kuha ko sa Simbahan ng St. Philippe the Apostle, sa may 6th or 8th Arrondisement, Paris, di ko na sigurado.  Technically, hindi sya stain glass window dahil hindi naman sya bintana.  Isa syang bubong ng chapel of the Blessed Sacrament sa loob. Ang pangalawang window naman ay ang central rosette window ng façade ng Sanctuaire de Notre Dame de L’Osier.  Ang dalawang ito ay mayaman sa kulay, geometric patterns at sa kakaibang artistry mga ataliers de vitraux ng kani-kanilang lugar.
Pinili ko pala ang mga stain glass arts na ito sapagkat ipinapaalaala nila sa akin ang mga giant Pampanga parols na siyang taunang tampok sa Ciudad San Fernando.  Ispesyal sa akin ang mga parol na ito dahil ito ang una naming pinasyalan ni Tatay para maaliw, ilang araw matapos mailibing si Inay.  Inilibre ako ni Tatay ng bananaque at inilibre ko naman sya ng Coke in can.   Kumain kaming nakaupo sa bangketa habang malungkot na pinapanood ang mga sumasayaw na ilaw ng mga giant parols…
Maligayang Pasko sa lahat!  Pagpalain nawa kayo ng Diyos!

41 Responses

  1. Huwahw!! Ang ganda nmn ng view brother! Pictures in different seasons ba yan?

    At isa pang huwahw!! Para sa stainroof, para ngang parol galing ng pampanga. At talgang may alaala pa ng father mo… {speechless mode na}

    Merry Christmas din! Godbless!

    two seasons lang yan, jorge: end of autumn at start ng winter.

    seriously, yun talaga ang nasa isip ko
    nung makita ko ang mga stainglass na yan.
    miss ko na rin tatay ko…

    {{*makikiuso sa speechless mode*}}

  2. kala ko matutuluyan na aq sa heart attack sa pagbabasa ng entry nato… pagkalalim ba… well said about God’s love and man’s response to it… Merry Christmas!

    wow, yun exactly ang message ng tulala ko.ü
    uy, sobra, di naman kalaliman ang poem ko…

  3. P.S.

    Ang lalim ng tula mo brother, akala ko sa english lang ako duduguin, sa tagalog din pala, toinks!!

    Galing galing! Clap clap clap!

    di naman deep.
    wide lang.ü hehe…
    salamat, salamat!

  4. ang ganda, hindi ko ma describe pero habang tinitingnan ko siya parang ang peaceful niya tingnan.. yung pix naman from the window, astig! ang ganda ng view, parang gusto ko atang tumira dyan.. ^^

    di rin kasarapang tumira dito, cindy.
    hanlameg-lameg… brrrr….
    God bless and merry Christmas!

  5. Ang ganda ng tanawin! Parang gusto ko arburin ang ibang shots mo bro Utoy. Pwede ko po bang maging entry sa photo challenge? lol! Bakit kaya lahat ng may mga bokasyon matalinhaga kung mag isip? Isa ba ito sa criteria? hehehehe!

    I encourage you to visit photochallenge.blogspot.com to join. Ang galing ng mga nakuha mo at may photography skill ka pa ata. Multi talent itong ating seminarista!

    Goodluck sayo brother!

    naku, wala akong photography skills, King!
    kuha lang ako ng kuha tapos delete ng delete.
    wonders of digital photography.ü

    matalinhaga? nagsasanay lang ako, King.
    yan kasi ang puhunan ng pari,
    dapat ko nang pag-aralan, ngayon pa lang.ü

    God bless and merry christmas!

  6. huwaw..naglalakihang mga suso..at ang laki pa ng utong! kaya pala lagi kang namimintana ano? hihihi

    at ang galing ng tula…sa sobrang lalim eh tumatagal ako ng 3 minuto sa bawat stanza..kahit tagalog di ko maabot..hahaha engot ko talaga!

    hindi pa pasko…sa isang araw pa kita babatihin…ops typo error..minus H!

    suso? suso?!!!
    asan? asan?!!!
    bakit di ko yata nakita yun?
    asan na sabi?!!!

    uy, may plano ako.
    itanong mo kay rev.
    kaletra ng ebs…ü

  7. M.A.G.A.L.I.N.G. kapatid na Utoy!
    Lumabas ang iyong dugong Batangueno.
    .
    .
    Sandali…
    .
    .
    May tissue diyan? Kahit basahan na lang…
    Dumudugo pa rin ang ilong ko.
    .
    .
    This really shows the kind of relationship that you have with Bathala:

    “Bathalang Ama ko, Ina, Kapatid,
    Kabiyak ko’t Gabay, Kaibigang matalik,
    taksil man ako sa Iyong Pag-ibig,
    Inibig Mo pa rin ako’t iniibig ng higit!”
    .
    .
    I really like the concept of the “bintana chronicles” too.
    KUDOS!

    dalawang buwan ko ring inabangan yan, october and november.ü ang siste, di ko sure kung tama ang sukat ko ng frame kasi pagakakashoot, store agad sa USB. kaya yan, iba-iba ng laki.ü

    di pa nga masyadong batangueno yan. kapag nagbatangan na ako, si P0kw4ng na lang at si Lyzius ang makakaintindi.

  8. Bro, babalik ako mamaya magcomment. 5x ko muna babasahin ang tula ng maintindihan ko. mahirap kapag bisaya. parang biglang nagfefreeze ang utak ko kapag malalim na tagalog na ang ginagamit.

    uy, di naman ganun kalalim kaya. pangprobinsya nga lang na salita yan eh. God bless and merry christmas!

  9. napakalalim naman nitong tula mo ,kuya..
    muntikan ng hindi maaruk ng aking isipan ang mga katagang iyong binitawan.
    ako’y iyong napahanga sa iyong angking katalinuhan sa paglikha ng tula….

    Merry christmas din kuya utoy….

    merry christmas din, Doc! God bless!

  10. epistaxis..

    pansin ko iisang view iba’t ibang season.. tama ba?

    merry xmas!

    ako nga, napagoogle pa ako kung ano ang epistaxis, akala ko pampasaherong sasakyan ng mga peste sa bahay.ü
    actually, dalawang season lang yan: autumn at winter, shot within October and November.
    merry christmas din!

  11. nag ganda ng lahat, mula sa mga unang larawan hangang sa mga desenyo ng mga salamin.

    the best ang tula,

    ung Eglise de Philippe L’Apotre ang ganda ng angulot, the best…Merry Christmas!

    salamat, salamat! yang stain glass talaga ang favorite kong kunan kasi you can never go wrong with stain glass.ü
    pero gusto ko ring i-try ang livingstain glass.ü
    salamat sa pagdaan!
    merry christmas!

  12. huwaw! ay lab da pic!
    ay lab it!
    at iba iba talaga ang view every season!
    ay lab it talaga! sana makapunta rin aKO dyan! amp!
    grabe naman impromptu pa ba yan sa lagay na yan?
    ang lalim eh. pero may nagets din naman kahit papaano?
    ang ikinakatakot ko lang eh paano kung hindi yan impromptu baka wala na talaga ako nagets!
    idol! ang lalim mo po!

    ang ganda nung Eglise de Philippe L’Apotre. hay! nainggit ako sa post na ito!

    meri xmas!

    aktuli, kahit ako eh sumakit ang ulo sa sarili kong poem.
    wala kayang thesaurus ng tagalog ang Word.ü
    dalawang seasons lang yung pics,
    beginning of autumn at start ng winter.
    God bless!

  13. Galing naman ng first set of pictures. Alam mo bang nakumpleto mo ang isang basic exercise sa photography na palaging hindi natatapos ng mga mag-aaral nito? Ako nga, photography enthusiast pero hindi ko nakumpleto ang ganung exercise – paano ba naman sa Pinas hindi masyadong nagbabago ang kulay ng paligid… Sinong gaganahang gumawa nun?🙂

    Vey nice poem… Galing ng pagkakahabi ng mga salita kahit na sabi mong impromptu lang… Parang naisip ko tuloy na halaw ito ni Manoling Francisco sa isa sa mga English poems… But why use “Ina” as a modifier for God?

    Trademark mo na talaga ang mga stained glass…🙂

    Merry Christmas and Happy New Year!

    nahuli mo. ang inspirasyon ko nito ay si Gerard Manley Hopkins, SJ at ang tula niya “My God, I love Thee, I love Thee” na hinimigan ni Fr. Francisco, SJ sa salin na “Pagkabighani.” Paborito ko kasi si GMH, SJ sa mga tula niyang gumagamit ng karaniwan at mga nalimutan nang salita sa pagtukoy sa mga karanasang malabathala.ü

    di ko alam na may ganung exercise sa photography. truth be told, isang medyo hightech na point-and-shoot lang ang damit ko.ü gusto ko lang talagang ma-compare ang pagbabago ng panahon sa loob ng halos dalawang buwan.ü

    bakit Ina? isang gasgas na archetype para pangbalanse sa imahen ng Diyos bilang mangangaso (isa pa ring archetype). May dalawa kasing uri ng pag-ibig ang Diyos, ayon sa mga Hudyo na nais ko ring ilarawan sa aking tulala.ü

    salamat, salamat! sana nag-iwan ka ng link para makita ko rin ang mga kuha mo.
    God bless and merry Christmas!

  14. nasusunog ako kapag pumapasok ng simbahan.. i dont know why.. hehe juk!

    nice shots! ganda!:p

    nasusunog? ok yun! parang fireworks display lang!

    salamat sa papuri. God bless and merry christmas!

  15. Wow… Impromtu pa yan Bro Utoy? Pano na lang pag pinaglaanan mo pa ng pawis, sakripisyo luha at oras? Hala… Balagtas ikaw bayan?

    Kakalungkot naman yung last part yung tipong nanood kayo ng sumasayaw na ilaw ng mga giant parols… haysss…. parang lahat masaya at kayo lang malungkot sa wento mo! Dont worry may bananaque ka nmn at coke eh… sila WALA! Toinks!

    Merry Christmas!

    kung hindi yan impromptu, sukat na 6-6 syllables yan
    tapos mas maigting ang tugma, tayutay at tyempo nyan.ü

    ang sad talaga nun.
    naalala ko pa, guest si Janno Gibbs sa lighting of parols.
    wala pa rin, sad pa rin.

    God bless and merry Christmas, Tina!

  16. Mukhang pwede kong maisali ang himno kay bathala para sa Linggo ng Wika, kaso Agosto pa yun eh. Napakaganda ng litrato ng stained glass windows baka pwede ring maisave {nasave ko na kanina pa}.

    Maraming Salamat kuya Utoy. Meri Krismas!

    sige, helena…
    iligtas mo ang mga binatang ito.
    umiral lang siguro ang pagkasenti mode ko.
    isa pa, miss ko na talagang magtagalog!
    gusto ko nang umuwe!

  17. ang lalim pero asitg! nice! ako yata hindi makakagawa ng ganyan kagandang tula. haha. nung una napaisip pa ako kung ano ung bathala eh. hehe. anyway, maganda rin ung mga pictures.. nakakaelibs. weeeh.🙂

    Merry Christmas nga rin pala, bro. utoy!

    merry christmas, Lei! kaya mo ring magsulat ng ganyan. depende na sa grasp ng language at sa kapal ng mukha. eh nagkataong makapal ako. kaya ang kapal din ng tulala. God bless and merry christmas!

  18. hephep. bago nga rin pala yung header mo.. maganda sya in fairness! Apir!

    alam mo ba, lei, yan ang the best on-line gift na natanggap ko sa pasko.ü yung second eh yung lahat ng nag-award sa akin at nag-list sa akin as their favorite blogger samting-samting.ü
    God bless and merry christmas!

  19. OO NGA MUKHA NGANG PAROL YUNG MGA ‘window’
    siguro sobrang namimiss mo na ang tatay mo, bro. utoy…
    tsktsk.. di ka ba uuwi sa Pinas? Maski tawag manlang?
    hakhak! Magred sim. HAHAHA! uso ngayon ang red sim dito sa pinas.hakhak.

    PS. ang ganda nung mga pine trees na lagyan lang ng snow ay ayos na pangkrismas tri. [dun sa previous post. hehehe..]

    Maligayang Pasko!!! :]

    red sim? di ko alam yan ah. ma-google nga… thanks for passing by, batopik! Merry Christmas!

  20. haha kuya utoy..mga bintana po. Hindi ko naman kaya mag-save ng mga binata, si rev na bahala dyan. {taga-aliw lang ako. jowk!} ^^

    kelan ka nga pala uuwi kuya…sama ko pagsundo sayo..

    kamusta na nga po pala ang sasakyan? nahuli na ba ang salarin? smile ka na dyan.

    *mwahugs*

    wala ngang nakahuli sa salarin. badtrip talaga. pero dahil pasko, patatawarin ko na lang sya. (naks, patatawarin. parang caroling lang)

    promise yan ha, may sundo?ü God bless and merry christmas!

  21. “bakit Ina? isang gasgas na archetype para pangbalanse sa imahen ng Diyos bilang mangangaso (isa pa ring archetype). May dalawa kasing uri ng pag-ibig ang Diyos, ayon sa mga Hudyo na nais ko ring ilarawan sa aking tulala.ü”

    Napansin ko lang na may reply so bumalik na naman… Okay, nakuha ko na ang reason dun sa “ina”. With the current fad of the new age theology of the divine feminine, I am sometimes wary of those who use this modifier towards God… Nalimutan ko na ikaw pala ay isang seminarista…🙂 Sensya na…

    Gerard Manley Hopkins, SJ – “The world is charged with the grandeur of God.” This line is always an affirmation every time I get to shot a nice scene, a nice flower, a beautiful animal, changing colors of the sky, and even faces of ordinary people…🙂

    Sige, iiwan ako ng link….

    Coolwaterworks

    naku, wala akong kainte-interes sa theology of the divine feminine wash na yan. their pushing Sophia forward as the feminine figure of the Holy Spirit is simply misguided. gusto ba namang tanggalin ang relational aspect of the Trinity (Father and son samting-samting) at gawing purely functional ang roles nila (creator, redeemer, sanctifier). Talk about 3rd century modalism!

    I like that poem, too. it talks about the insensitivity of Man to God’s awesome presence and the faithfulness of God’s love inspite of Man’s being desentisized by modernity. wow, hinglish yun!

    salamat sa link! syempre, add ko agad. ganda kaya ng pics mo. ang galing! sana may talent ako na tulad ng sayo.

    merry christmas!

  22. napakagandang mga bintana. i am really proud that I am a devout catholic brother utoy!

    merry christmas and happy new year sa iyo!

    cheers,

    Snow ^_^

    I’m proud of being a catholic too!ü God bless and merry christmas!

  23. at ang p0kw4ng ay nagbalik……………..

    ano beh wag nyo na akong surpresahin…ayaw magsalita ni padre eh…ano ba yung kaek ekan nyong dalawa..sabi na dali…

    pag eb namin ni padre susuot ako ng gown na gawa sa cotton kendi..pag kasama ka pa…lalagyan ko ng marshmallows yung gown ko na cotton kendi,hihi

    sabi na at ng maipatahi ko na yun..dali!

    tas meryendahin natin ang kotonkendi habang naglalakad tayo hanggang sa bikini na lang sya. ansaya!ü pero di ka kaya ginawin?
    excited na ako sa ating ebs na burubot!ü

  24. huwaw! you’re a budding pornographer,…este photographer..! bakit ba halos lahat ng ka-blog ko eh mahilig sa mga shooting? tsk. bakit naman kasi ako nalang lagi ang subject/muse eh. for once i would like to be the one behind the camera! ano bah! (padyak sabay tuck ng buhok sa tenga..)

    naku, UM, impluwensya lang ito siguro ng madalas kong pagbrowse ng pornography. este, photography pala. hanubabeh, nahahawa na ako sayo!!!

    and i want to photograph you, UM. Wearing these… only these…
    (sabay turo sa mga chocolate christmas balls)
    {{*play My Heart Will Go On by Celine “Babalina” Dion*}}

    ano palang akala mo, ikaw ang magsosoot habang kodakan?
    hinde ah. ako ang magsosoot, UM, ako!ü

  25. *isa pa* WOW!!!!

    frustrated photographer din ako, kaso hanggang frustration nalang ata. Nakakaiyak naman ang reminiscing moments mo,😦

    Maligayang Pasko po!🙂

    frustrated photographister din ako, joyce.
    wala kasing nagpicture sa akin noong elementary graduation
    na may soot na sampagita at polong pang 1980’s.
    maligayang pasko rin!
    at pakiusap, wag akong gamitan ng po at opo.

  26. ganda nga naman talaga ng tula. uve described the exact emotion of a person awed by His infinite love, minsan nakakaiyak nga isipin gano kalaki yun, sometimes I think He bends his own will because he loves us all so much🙂

    di naman ganun kaganda.
    but you’re right, I am awed by Him.
    patay na patay talaga sa atin si Papa God.
    nakakakilig, diba?ü

  27. ang ganda ng contrast ng colors ng mga bintana. gusto kong pasukin yan!

    honestly, yhen, yan lang talaga ang mapipicturean ko ng libre dito.
    wala kasing bayad ang pasok sa simbahan.ü
    Merry Christmas!

  28. ang ganda naman diyan!

    salamat! merry Christmas!

  29. ang lalim nga ng tula.. gusto ko, gusto ko din mga ginamit na salita… galing!

    malalim lang yan kunyari.ü
    pero salamat pa rin, dotep.
    uy, niadd kita ha.
    ang galing kasi ng blog mo.
    napakasaya, witty at down-to-earth.

  30. ang astig ng mga kuha! maligayang pasko.

    salamat sa pagdaan, dong. sisilip din ako sa bahay mo mamaya.
    God bless and merry christmas!

  31. kay pokw4ang talaga ako natuwa haha binalikan ko pa ung mga stainedglass at naghanap nung mga sinasabi nya, kahit anong sipat eh wala ako maaninag, pinagpala siguro ang kanyang mata o imahinasyon haaysss! ^^

    ** ang gaganda ng stainedglass na yan panalo sa merkado! haha

    about naman sa tatay mo kasarap namang isipin nun na nanlibrehan pa kayu parang pareho nyong inuto sarili nyo wah hehe. coolness ka brother utoy pati nadin tatay mo..

    he’s happy for you panigurado yun!!

    MALIGAYANG PASKO PO!! last ako sa comment!! yehey!!! pahulihan na ngayun ang labanan!! toyoyooooinkss!!

    naku, bon, hindi ikaw ang last commenter (commentor, commentator? commentist?).

    naiinggit din ako sa talent ni p0kw4ng. naisip ko nga, baka ito yung 3D magic eye samting-samting na di ko pa alam. p0wks, asan na ang suso?!!!

    honestly, Bon, simple lang kaming pamilya. dati nga, storck lang ang ibinibigay ni tatay sa akin. pero masarap kasama sa bus ang tatay ko, lahat ng tinderong umaakyat sa bus, bibilihan tiyak!

    Maligayang pasko rin!

  32. Ang gaganda ng mga kuha mo ng changes in the seasons. Maraming salamat for sharing them with us.

    Ang ganda rin ng mga stained glass windows. Mga ilang daang taon na kaya ang mga iyon?

    You have a very nice blog here. I enjoyed my time reading. Marami ring salamat sa iyong pagbisita sa aking blog. It’s very much appreciated. Maligayang Pasko rin sa iyo. 🙂

    thanks, panaderos. uy, I added you sa blogroll ko as “Panadero’s homegrown wit”
    merry christmas!

  33. wow..ang ganda ng mga stained glass..gusto ko makakita sa totoong buhay..hehehe..

    happy pasko kuya..

    pahabol: salamat po pala sa pagdaan sa tahanan ko..

    meron naman dyan sa states ah. just be ready with your camera when you see one.ü trust me, laging maganda ang shots ng isang stainglass.ü

    daan ako ulit sa bahay mo ha. God bless!

  34. woiiiiiii!!! nag-join na ako ng plurk!
    wala lang… gusto ko lang sabihin. toinks!

    ikwento mo sa akin yan pag nagkita tayo at medyo bano ang lolo mo sa mga ganyang plurk.

  35. utoy, lapit na pala death anniversary ng ate mo.
    prayers for her kapatid!
    .
    .
    .
    malapit na din nga pala ang euro-EB! yehey!
    sino ba ang mga cute na ‘yun?

    ewan ko kung sino yung cute na yan.
    basta ako, gorgeous.

  36. bro, wala naman siguro napagkamalang peeping tom ka sa pagkuha mo ng mga litratong ito na tila sumisilip ka pa siguro mula sa iyong bintana? ehehe, joke lang. alam ko namang tuwang tuwa ang mga foreigner sayo dyan.

    ang sweet niyo namang mag-ama. bananaque at coke in can lang solb na. nakaktuwa ang mga ganoong moments ano? yung tipong hindi ka masyadong gagastos ng malaki pero pag may edad ka na, yun ang mga sandaling hinding-hindi mo makakalimutan.

    meri christmas, brother! god bless! =)

    pwede ngang pang-commercial ng coke ang drama namin. can’t beat the feeling talaga!

    merry christmas din, doc! wala bang kiss dyan?

  37. Andito ulet ako…

    Death Anniv na pala ng sister mo… Prayers offered.

    I’m sure masaya na sila ngaun at proud na proud sila ngaun sayo.

    Godbless and Merry Christmas!

    Sana nagustuhan mo ung gift ko sayo, pampalubag loob, toinks!

    nakakabadtrip lang, binigyang meaning ang BMW.
    napapagod na ako sa adjective na matakaw.
    there’s more to Utoy than that.
    parang nastuck na si tina at si rev dun.
    nakakapikon na kung minsan.

  38. ang ganda ng mga baybay..
    napatigil ako tas napaisip..
    damang dama ko na pala ang mga sinambit mo..

    ang husay mo bro!

    naku, dench, gumagaya lang ako sayo!
    merry Christmas!

  39. sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

    pwede bang kiss na lang ang regalo ko sayo?ü
    I love your message, glesy.ü sobrang sweet.
    God bless and merry Christmas!

  40. maraming salamat din bro. utoy!
    isang maligaya at makahulugang pasko rin sa’yo.

    at sana ay maging magnda rin ang pagpunta mo sa roma. may titirahan ka na ba doon?

    it is also my honor to have you in my list. it is always a pleasure meeting a religious on the web.
    God bless!

    salamat din po! titira po ako sa may community house namin doon, sa may Canadian Martyrs. it’s also an honor on my part to have you on my blogroll. kahit papaano eh there’s someone to balance things out.üüü Merry Christmas po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: