Ang Noche Buena ni Utoy

Bago ang lahat, ipinaaalam ko sa mga ka-blog ko na bago matapos ang Enero, 2009 ay magkakaroon ako ng streamlining sa blogroll ko.   Yung mga nagpa-add then nag-comment twice or trice tapos eh di ko na muling nakitang dumaan pa since Marcos regime ay ipagpapalagay kong namatay na sa sakit na dengue so tatanggalin ko na sila sa blogroll ko.  At syempre, ipagdarasal ko rin ang ikapapayapa ng kaluluwa ng mga bloggers na ito sa kabilang buhay at ipaaabot ko rin sa kanilang kaanak ang taos-puso kong pakikiramay.

Moving on… 

Naluto ko na ang aking postre para sa Christmas dinner namin ng mga pari.   Flan au Caramel  (letseplan lang yan, hija)  at Rocher à la Noix de Coco (macaroons yan, wag ka sabing mataranta).   Nahirapan ako sa letseplan dahil walang steamer dito.  Ang kaldero namin eh parang saingan lang ng kanin.  So nag-Banyo Maria ako (it’s not what you think, bebe), ayon na rin sa suggestion ni RatedXTin, gamit ang oven.   Isa pang problema eh never-heard ang lyanera sa bahaging ito ng daigdig so gumamit ako ng ramekin dish dahil alam kong di puputok yun kapag nainitan sa oven.  Successful naman ang letseplan.  Thanks sa tip, Tin! Heto ang picture ng aking pa-taste test.

img_2696

Mukhang natakam ang mga pari sa pa-taste test ko kaya kaninang umaga, nagtaka ako’t nabawasan ang ramekin dish sa ref.  Umamin naman agad ang paring italyano na “nacurious” daw sya kaya tinikman nya ulit.  Kakaiba syang tumikim dahil nakadalawang letseplan sya.  Hmmm….

Bakit ko naman naisipang magluto ng macaroons?  Simple lang.  Una, sayang ang eggwhites na di ginamit sa letseplan.  Pangalawa, simple lang gawin ang macaroons.  15 minutes of preparation, 10 minutes of baking tapos palalamigin lang, ready to eat na.   Heto itsura nya sa loob ng oven:

img_2688 

Andito na rin lang naman tayo eh ipagyayabang ko sa inyo ang aking Christmas menu.  Mapapansin ninyo sa baba na mukhang mahaba ang listahan pero true to french cooking, mga katiting na servings lang yan sa plato, so hindi gaanong nakakabondat.  At punyemas, ako lahat ang maghahanda nyan.  Plating pa lang, nakakaubos na ng oras.  Ako rin ang waiter namin during the meal.    Ang masaklap pa, dahil course meal ito eh andaming naming hugasing plato’t kubyertos pagkatapos.   Nauunawaan ko na ngayon ang hinagpis ng mga nanay tuwing pasko.ü

Sa sunod kong post siguro eh ituturo ko sa santinakpan ang mga maeklat na aspects ng isang authentic french meal.

Hanggang dito na lamang at Merry Christmas sa lahat!  Pagpalain po kayo ng Panginoon sa taong ito!

 

Menu ni Brother Utoy para sa Noche Buenaimg_2694

Aperitif

  • Salted Peanuts
  • Bread Sticks
  • Wine:  choice of  Clos des Cantons (Rosé de Granoir, vintage 2000) and Guignolet Kirsch (cherry-flavored)

Entrée:

  • Foie gras de canard and black olives on Ritz
  • Sugpo (blanched at binalatan na) with home-made mayonnaise (may mustard siyempre)
  • Wine: Côtes de Bergerac (white wine, vintage 2007)

Salade

  • Batavia greens, green olives (walang buto), cherry tomatoes, sliced hard-boiled eggs and bits of smoked salmon para sosyal
  •  Dressing:  pinaghalu-halong olive oil (extra-virgin), balsamic vinegar at konting Dijon mustard
  • Bread basket

Plat Principal

  • Baked chicken breasts on bacon, onion, mushroom and cream sauce
  • Nilagang patatas
  • Haricot verts
  • Bread basket
  • Wine: Saint-Chinian (red wine, vintage 2007)

Fromage (keso)

  • Fromage fraise nature (Caprice des Anges)
  • Rebluchon
  • St. Felicien
  • Roquefort
  • Bread basket
  • Wine:  Jean-Claude Pèpin (red wine, vintage 2008)

Dessert:

  • Macaroons
  • Leche Flan
  • Walnut and dates on almond marzipan

Digestif:

  • Kape:  Ang italyanong pari ang bahala dito.  Meron syang kakaibang lutuan ng kape, low tech pero ansarap ng kape.
  • Choice of hard liquor:  Nonino (Grappa), Oranchello, Eau de Vie or Absolut vodka

As for our Stain Glass Window of the Day, try as I might, pero wala akong makitang picture ko ng nativity.  Nakakahiya kasi common theme sa stainglass ang nativity.  Yung Three Kings naman, naipost ko na.  Dahil tinatamad akong lumabas papuntang parish to take a picture of a contingency stainglass, eto na lang ang handog ko.

img_1740

Ito ay kuha ko sa Sanctuaire de Notre Dame de Taur, sa sentro mismo ng Toulouse.  Kadilim ng simbahan na ito, ang hirap ispelengin kung paano ko kukunan ang bintanang ito.  Ang bintana ay naglalarawan ng Nativity.  Yup, Nativity yan.  Andyan si Mama Mary kasama si Baby Jesus.  Nasaan kamo si Joseph?   Umalis siya kasi nandyan din sa picture ang mother-in-law niyang si St. Anne.  Hayan, tingnan mo’t nagba-browse pa siya ng wedding album nina Mary and Joseph.

Ooops….. muntik na akong tamaan ng kidlat.

Have a blessed Christmas, every one!

61 Responses

  1. wow! sarap.
    pag may tira padalan mo kami.
    maligayang pasko sa iyo at sa iyong mga kasama diyan.

    naalala ko–si Bro. Rudy ay SSS din di ba?
    lagi nami syang kasama pag may gathering ang
    mga religious brothers.

    yup! SSS rin po si Br. Rudy.
    In fact, he is the oldest (if not the first) Filipino SSS.
    God bless!

  2. huwaw…sa pangalan lang masarap mukhang masarap nga!

    pero mukhang panalo talaga ang letse plan mo utoy! naglaway ako!

    dala ka dito nyan ha!

    aktuli, tama koa, p0kw4ng,
    sa pangalan lang sila macharap.
    suplada talaga sila sa personal.

    ang letseplan? leche, ubos agad!

  3. Huwaw!! Ang tsalap!! Penge! Penge!!

    Mukhang msarap ang handa nyo sa pasko ah, pero kahit anong sabihin ng mga french ek ek foods na yan, mas masara parin ang letseplan mo! Picture palang, nakakabusog na!

    Maligayang Pasko brother!

    bidang bida nga ang lecheflan ko noong araw na yun.ü sikat!

  4. Sarap Bro Utoy. Umabot sa France ang tulo ng laway ko. Dami mong talents. Baka pati pag-aartista pasukin mo na rin? Talap talap!

    naku, hindi ako marunong sumayaw gaya ni Mark Cielo.ü
    salamat sa pagtawag, King!
    sobrang naappreciate ko talaga.ü
    God bless!

  5. for me it’s an honor to be visited by someone like you.

    i really like reading your blogs, that’s why i added you to my blogroll. i gain a lot of inspiration by reading your entries. they’re so thick with sensible ideas and with sense of humor.

    MERRY CHRISTMAS and God bless you, too!

    sensible ideas? asan?ü
    salamat, mike, for the nice words.
    ako, may prediction: you’ll go far as a blogger.
    aba, 19 ka pa lang, hataw na ang blog mo!
    God bless!

  6. Uy meron din kaming Flan au Caramel..peyborit ko yun eh.

    Salamat kuya mami-miss kita. {sana hindi na lang kita naging kuya} Toinks!

    Pano yan…aalisin mo din ako sa blogroll pag matagal akong di nakadaan. Susunduin pa naman kita pag-uwi mo. Hmp! 😦

    special ka sa blogroll ko, hell (short for heleyna). reserved ang space para sayo sa blogroll ko.ü God bless!

  7. swap tayo ng recipes?? kapag nadalaw ako diyan (kelan kaya yun?!?), ipagluluto mo ko ha.. tapos mangungumpisal na din ako🙂

    Merry Christmas my new-found friend!

    i left sa comment box mo ang macaroon recipe kasi madali lang yun. 15 minutes and you’re done.ü

    merry christmas too, new friend!

  8. Bonjour Bro. Utoy! Mukhang masarap talaga iyong Flan au Caramel mo. At mukhang very appetizing din iyong mga macaroons.

    Merry Christmas to you!

    kahit french named ang mga yan, proudly Filipino-made yan.ü
    God bless!

  9. kuya utoy, mukhang masarap yung mga lutuin mo. Isa ka din palang magaling na cook!! panu ba ito, wala kaming handa? padalhan mo na din ako dito plsss!! LOL! merry christmas po!!!

    naku, cindy, magaling lang akong magpanggap na cook. medyo madali lang utuin ang pranses.ü di kasi malasa ang mga luto nila.ü
    Merry Christmas!

  10. naku naman bat mu pa panakita? Muntik ko tuloy makain lappie ko sa pag aakalang leche plan nga ito. Sana dinamihan mo para panghanda na rin namin.

    Napansin ko utoy na galing ng kuha mu. Kaw ba talaga kumuha nito? In fairness kasi pang commercial. Kikita ka niyan.

    BTW.Saang UM ba ang may kakilala ka? UM davao or UM tagum??? Daming UM eh.

    tuwa naman ako sayo, dansoy. hamo, kapag nadaan ako ng davao, dalhan kita.ü nagsisimba ka ba sa Assumption Church? God bless!

  11. magkakaalaman pala kung sino matibay sa blogroll mo.. subukan mong alisin ang sa akin! hindi ka makakadaan sa boni avenue, no ride at bonistation, no visit at fort boni at no guidance from st.boniface (wahaha may banta?!) toinks!

    anyway mapunta tayu sa lecheplan mo mukhang napaksarap at totoong nga masarap kase dinugas ng isang pari ung dalawa! pambihira! haha pero ok naman at kumanta agad ang salarin… masarap alng siguro! patikim ka naman nyan ng “TOTOO” wag virtual! pedeng sa ordinasyon ni reverend eh magdala ka! wuahahaa!!

    takot din pala sa byenan si san jose! haha! brother utoy, ilaw ba ang mga nasa likod ng stained glass nayan? or natural light?(sun etc).

    ang dami nyo namang handa! talaga bertdey na bertdey ng big boss ng mga pari ah!

    sige po MALIGAYANG PASKO!!!

    naku, ikaw pa. kahit puro pasakit ang naramdaman ko sa comment mo dun sa blog ni jorge. takot ko na lang di makadaan ng boni station. hehe… ang bonny serrano avenue ba eh kasama rin?

    yung nasa likod ng stainglass ay natural light. ang artificial light kasi eh bukod sa magastos eh nagbibigay ng di totoong kulay ng stainglass. kaya naman, sa pagkuha ng picture ng stainglass, the best kung mga bandang alas 8-10 ng umaga o kaya’y 2-4 ng hapon. yan din ang dahilan kung bakit iba-iba ang tingkad ng stainglass ko. kasi yung ibang shot, kung kelan ko lang maabutan.

    maligayang pasko rin!

  12. bro. utoy, expert macaroon baker na din ako ngayon. bunga ng di ko pagkatakot sa oven, unlike s apinas dati na kinakakabahan ako magbukas ng oven na gamit e LPG.

    sosyalin ang mga pampabundat a, akala mo kung ano, hahahaah…mga pinaghalong damo at iba lang pala. maarte kasi ang pangalan.

    Maligayang Pasko at Maginaw na Bagong Taon!

    korek ka dyan, pareng Ponchong.
    ako rin noon may phobia sa oven. para kasing laging sasabog.
    at korek ka ulit dahil tama ka, ang salad eh mga hinalong damo lang.ü

    kamusta naman ang pasko dyan sa Baranggay Suisse?ü
    Merry Christmas!

  13. bonjour! – yan lng ntutunan ko sa frech ko.. hehe

    by the way, favorite ko ang leche plan kso hindi ako mrunong gumawa. tigakain lng ako. haha!

    daming food! sarap yan for sure!

    wag kang mag-alala dahil bonjour din lang ang natutunan ko sa french ko.ü
    kamusta ang pasko sa tate?
    God bless!

  14. Hilarious! LOL!
    Merry Christmas, bro!

    naku, dumaan ang aking resident philosopher.ü
    merry christmas din, makoy!

  15. Kapatid, ang sosi talaga pakinggan ng menu pag-French.
    Nakakagutom naman.

    Woi {seryoso}, baka puwede umorder ng leche flan mo.
    Tapos dalhin mo sa…. sa…. alam mo na! {ssshhh! nakikinig kasi ang Toinks Team…. baka malaman nila na hindi naman talaga tayong 2 ang mag-Euro EB.}… Chige na, please… pang-exchange gift mo sa akin… Papakainin naman kita ng madaming madaming flavors ng gelato e.

    Katakot naman ang warning tungkol sa mga bloggers na tsutsugiin sa listahan. Sige, ako ang mag-lead ng padasal sa pa-siyam at 40 days {raket din ‘yun}.

    Siyempre ni-research ko pa talaga ang banyo-maria na ‘yan. Buti na lang tama ang aking wild guess. Ha ha!

    Super excited na ako sa darating na ** ! Konting tulog na lang!

    Will offer our mass for your ate tomorrow.

    A Blessed Christmas kapatid!

    alam mo naman, ang pinoy,
    marinig lang ang salitang banyo at maria eh
    kung anu-ano na ang pumapasok sa isip.

    kailangan kasi ng streamlining kasi aba,
    dalaw ako ng dalaw sa bahay nila
    tapos ang bahay ko, di nila dadalawin?
    masaya sila!

    letseplan? umorder ka na lang ng kulambo ko.
    bibigyan kita ng malaking diskwento.

    Merry Christmas, kapatid!

  16. Pahabol:
    Tumbling ako sa “wedding album” drama ni St.Anne.
    Ano kaya ang model ng camera na ginamit?

    {{revsiopao: umiwas sa kidlat! muntik na…}}

    kamodel yata ng digicam ko.
    ang pangkodak ko kasi, panahon pa ni mahoma.

  17. maraming salamat.

    shet, anung tanong yan?
    haha paskong pasko ang daming tanong.

    achooly, hinahanap ko pa rin ang sagot. darating ang araw, sasagutin din kita sa tanong na yan.

    hahaha. maligayang pasko skolastiko.

    [yas]

    no prob, yas. ang mahalaga, pinag-iisipan.
    just remember, kuya utoy believes in you.
    (syet, ang korni)
    merry christmas!

  18. Good idea din yung streamlining – parang napakareligious kasi naka-attach ang detachment (usapang religious life to mga kapatid). Uy, speaking of maccaroons, kabibigay lang din ng mabait at paborito naming kapitbahay ng Goldilocks macaroons kagabi (yung isang kapitbahay, puto ang binigay,mas mahal ang sa amin), pandagdag sa spaghetti, mango float (grabe, ubos ang Alaska all-purpose cream dito, mas mura kasi sa Nestle), at chicken wings. Napaka-simple lang talaga ang magiging noche buena namin, Bro. Yung paring Italyano, magagalit ang mga nagpa-tester sa SM dito sa atin sa style nya – dalwang lecheplan ha. MERRY, HAPPY CHRISTMAS NATAL DAY NG BOSSING NATIN SA YO at sa lahat ng nag-aabang ng recipe mo.

    nag-aabang ng recipe ko? naku, simple lang yun, dfish.ü
    magtatanggal na ako ng ibang tao sa bloglist ko. ang mahalaga sa akin, mga KA-BLOG. yung tipong ka-community ko talaga. kapag dagdag lang ako ng dagdag, parang friendster lang ang wordpress, kung ganun.

    AAAahhhh!!!!!!! Gusto ko ng mango float! turuan mo akong gumawa nyan! yan ang namiss ko dito. walang mangga dito. kung meron man, hindi manggang pinas. at saka ang spag dito, matabang. miss ko na ang jollibee spag!!!!!!!!!!

  19. kuya utoy ngayon palang magrereport na ako aba, baka mawala ako sa serbisyong totoo. hindi na rin ako uuwi sa bahay namin para sa pasko…babantay ako 24H…wahahaha

    ang letse ng plan na yan! Moral Lesson: kumain muna ng agahan, tanghalian, dinner (nakalimutan ko ang tagalog ng dinner)bago umakyat sa bahay ni kuya utoy dahil hindi cya magpapakain…..sabi nga maglaway ka bahala ka sa buhay mo!

    merry christmas po and happy new year!

    huwak ka alala, kamotenista, ikaw hini tanggal akyen blagrol. ikaw stay lang dyan. ako bahala sayo. meli klismas! (topak lang ito, wag mong pansinin. love you, kamootch!)

  20. nakuuu!!! magchuchugian sa listahan pala next year! Pero alam ko exempted ako kasi kahit busy sumisilip ako at nakikitsismis.

    teka, magkamag-anak ata yang italyanong pari at tatay ko pagdating sa TIKIM. kung makatikim kasi ng cake ang tatay ko, gusto nya parati kalahati ng buong cake. TIKIM lang daw.

    Kuya, sa pag-uwi mo, ipagluluto mo rin kami ng mga Brods ha? kasi puro kwento lang ang nababasa namin dito. dapat matikman din namin yan…

    Merry Christmas!

    ang totoo nyan, di naman ako magaling magluto. malakas lang ang loob kong magtry. kung alam mo lang kung paano ko ginawang guinea pigs ang community ko sa sari-sari kong experiment. buti na lang at ang lecheflan at macaroons ay tagumpay! bwahahaha!!! TAGUMPAY ANG EXPERIMENTO!!!!

    ehe… ahem. yung tatay mo, yung italyano at ako, mukhang magkakalahi kami: mga may restraint pagdating sa temptations ng food. I’m sure, tisoy din ang tatay mo. hehe…

  21. sige kuya mainggit ka pa!
    nakakabaliw naman ipronounce ang mga food nyo napapraning tuloy ako.
    hekhek
    Flan au Caramel (letseplan)
    Rocher à la Noix de Coco (macaroons)
    parehas yan na hindi ko alam gawin. hekhek!
    sasusunod dapat may procedure din para makagawa rin kami kahit hindi man lang namin matikman yang food na yan!
    hmp!
    pero ang sarap kainin nung gawa mo.
    palbc na lang please!

    hekehk!

    maligayang pasko!

    yung macaroons, madali lang ang recipe. sige, itry kong ipost.ü
    maligayang pasko, eloiski!
    pramis, gagawin ko yung ten facts about me,
    pero pagbalik ko na.
    mawawala kasi ako for ten days.ü

  22. JOYEUX NOEL ET UNE BONNE ANNEE!!!:)

    merci bien, mon chou, et à toi aussi! meilleurs voeux!

  23. visiting all in my blogroll to greet you Merry Christmas!😉

    baka nagkamali ka lang, ineng.
    didn’t see my link on your blogroll.
    merry christmas just the same.

  24. Ahh. Wala akong kakilalang ganun. Malaki kasi ang UM. Hindi ko halos pamilyado ang mga heads doon.

    eto, sa Assumption parish, may kilala ka? malapit ito sa PNB at sa Davao City High.

  25. bro
    nagtataka ako pag ako bibisita sa blogsite mo ay laging halos huli na ko sa mga nagkokomento.
    ang hirap tyempuhang nasa top5 ang koment ko para makareply ka naman sakin hehe. sikat kasi e..

    neweys
    sarap ng makaruns! tama nga iyan.imbes na masayang ang eg wayt ay yariin na yan!
    mukhang masasarap ang mga menu mo kaso bro di ko kilala ang mga ganyang putahe.

    basta ako ok na sa ginisang kangkong at tokwa with bagoong pa!

    enjoy the feast

    at
    Godbless YOU/us!

    sinasagot ko naman lahat ng replies.
    konting hintay lang.ü
    ikaw pa, eh ikaw ang guru ko sa fashion.

    ginisang kangkong at tokwa?
    wow, sarap nun! miss ko na yun!

  26. nga pala bro
    ako hirap talaga sa pagluluto…
    hirap na hirap ang kalooban ko kasi di ko maayos. minsan natatapon lang.. kay simula nung ilang beses akong pumalpak sa salad, pritong manok (na may dugo pa after maprito), spageti ay hindi na ko ulit nagluto. maski blender ng prutas talaga yung iba kong eksperiment ay palpak. pumupunta lang ako ng kusina pag maglalaga ng itlog. ayun….

    Godbless ulit!
    =)

    ako rin naman, dench, palpak magluto kaya lang di lang talaga ako sumusuko.ü saka dito kasi sa kabundukan, ako ang in-charge ng luto.ü

    infairnessment, di ko pa na-try magluto ng spaghetti.
    maburiri ang italyano kong kasama sa aldente niyang samting-samting.
    merry christmas!

  27. sa unang paragraph pa lamang ng post mo kuya, hindi ko na alam kung babasahin ko pa ba yung susunod. parang nagbabanta ng away at naghahamon. hahaha, joke lang… buti na lang regular naman yata akong nagkokoment sa blog mo.

    yes, buhay pa naman ako.

    enihoo, nawindang ako sa dami ng ipaghahain mong pagkain. parang dalawang araw ka sigurong magslaslave over sa pagpeprepare ng mga yan. sana naman hindi ka masyadong mapagod at maenjoy mo rin ang mga luto mo…

    but of course, knowing you, papayag ka bang malamangan ng mga foreigners na yan pagdating sa pagkain? ipinanganak ka yata sa kusina, di ba, kuya? hehe, joke lang.

    wag mapikon. merry christmas at god bless! =)

    nagpadami lang dun eh wine at saka yung bread basket.ü sa totoo lang, simple lang ang mga ito, halo-halo lang konti tapos hain na.ü
    infairness, mas matakaw ang italyano kesa sa akin. pero ang pinakamatakaw? yung vietnamese. puro reklamo, walang tigil naman sa pagsubo. hekhek…

  28. waaaaahh….may ma e-evict next year..makapag apply na nga ng wireless broadband para kahit saang lupalop ako ng mundo magpunta ay makakapag comment ako…ayaw ko ngang matanggal sa wall of fame..
    merry christmas kuya..

    naku, ikaw pa doc eh idolness nga kita.
    touched pa rin ako hanggang ngayon dun sa superduperhaba mong post nung nakaraan.ü
    salamat doc and God bless!

  29. Salesian Bro.?

    Merry Christmas! Matagal na akong lurker sa site na ‘to.😄

    nope, pero idol ko ang mga salesians. ang galing kasi nila. lalo na yang si donnie at si Br. Melo (may plugging pa!).
    di ako makacomment sa multiply mo.
    sabi dun, dapat, magmember muna ako ng multiply.
    anyway…
    God bless!!!

  30. mukang specimen sa biology class nmen nung haiskul ako ung leche flan. haha.

    mlapit na berdey ko,makagawa nga nyan. yamey! :3

    xD

    gagawa ka ng biological specimen for your birthday?
    eeeww… gross.

    God bless!

  31. ramekin dish? hehe.. tamad kasi akong gumawa ng syrup sa separate na lutuan kaya pumunta akong birmingham para bumili talaga ng lyanera sa pinoy store. (500 pesos lang naman ang isa. maliit pa. )

    hindi ko pa na-try mag bain marie dahil ignorante takot akong sumubok.

    ang dami namang food yan. ilang batalyong pari ba ang chichibog niyan? sa dalawang taon ko dito sa oyropa di ko pa rin naaappreciate ang mga keso keso sa party. solid kanin ito! solid!

    merry christmas brother utoy! salamat sa pagiging bahagi ng blogging life ko! (hope to see you in march. punta kaming pransya para mag-disney. saan ka ba sa pransya?)

    punyemas, ang mahal namang lyanera nyan!
    makakagawa ka na ng sangkatutak na letseplan nun ah.

    madali lang ang bain marie.
    lagyan mo lang ng mainit na tubig ang pan
    sa height ng lecheflan sa loob ng oven.
    medyo mas matagal maluto: 1 hour.
    pero wag ka, mas pagkakamali-proof ang bain marie.

    ako, solid kanin din pero di nila magets ang kanin natin.
    bakit napakaplain daw. walang alat o tamis.
    eh kung tatamisan ko naman eh puto maya na yun.

    naku, UM, nasa kabundukan ako!
    ako na lang ang pupunta dyan.
    nasa london ka ba, ineng?

    merry christmas!

  32. Kuya, hinto muna sa pagkain, bilis na. Dali.. {with matching hila ng manggas at muntik ka ng mahubuan}

    panoorin mo video ko sa last post ha!!! Andun ka!!! Salamat sa lahat kuya. Merry CHRISTmas. God Bless You.

    *mwahugs*

    sandali lang, ang shorts ko!

    *after mapanood*
    sad naman ako dun. pero kilig kasi kasama ako sa top ten.ü
    love na kita, helena! mmwwahhuggies!

  33. waaah plan q kasi i post rin ang lulutuin q pro ung pang new yr kaso magmumukha n aq gaya2 hmph… jack? jack?! jack??!! Jack of all trades (master of everything) ikaw ba yan?!! Grabeh, meron ka pa bang di alam gawin bro? Nang nagpaulan ata si Lord ng katalinuhan, talents, skills and abilities (kasama na ang charm and sex appeal), ang sipag mo, nasalo mo ata halos lahat!!! Merry Christmas ulet! Yup, I make rosaries. Afew months ago I did and I gave it to my friends🙂

    jack in the beanstalk siguro. naku, honey, lahat ng dish eh magagawa mo na, basta’t may tulong ng recipebooks! as for talent, naku, honey, di mo pa ako nami-meet. wala talaga akong talent. try-hard lang talaga.ü
    what kind of rosaries do you make? gusto kong magpagawa!
    kaya lang, tigil ka na nga pala sa jewelry designing. sayang.

  34. thanks sa greetings, br. utoy…

    merry christmas din sa iyo!

    it’s nice that you’re bringing your blog to a whole lot different level.
    from spirituality to architecture to reflection…now, food blogging na!

    christmas is definitely about God becoming like you, br. utoy.

    let’s continue to pray for each other’s faithfulness.

    salamat din sa pagdaan! naku, minsan minsan lang ang foodie post ko. di kasi ako mahilig kumain. {{kinapos ng hininga}}
    remember me in your prayers as I do for you with my humble supplications to God.

  35. naku. threat ba yan? haha.

    sige, sige, tanggalin na sa blogroll! haha. tagal. antagal!

    hwaha!

    xD

    di ka nagbabasa.
    end of january pa sabi.
    God bless!

  36. naku.. ang sarap naman ang pag noche buena mo. sosyal..

    naku, sosy lang yan pakinggan, nay belen.

  37. Merry Christmas and Happy new year

    same to you! God bless!

  38. Merry Christmas…

    Sa totoo lang gusto ko po picturan yung gawa ko na letseplan kaso baka pag tinabi ko yung letseplan na gawa ko sa gawa mo eh magmukang sarsyadong itlog lang ang letseplan ko.. haysss!

    PS. Wedding album nina Mary and Joseph?? Haha.. tawa ako jan!

    Happy New Year!

  39. Merry christmas brother utoy😀
    ang sarap naman ng leche plan at macaroon =p~

    thanks. pero gusto kong itry yung
    porkchop mo at yung luto mong may beans at spinach.
    mukhang yummy!
    merry christmas!!!

  40. was very nice to see you drop by my online house! thank you! really appreciate that! merry christmas!

    naku, it’s an honor to be visited by one of the most established pinoy bloggers!ü
    God bless po and merry christmas!

  41. Napa-oh my God ako sa site mo! you’re an endangered species! Andito pala ang pabrika ng mga anghel!

    endangered species? parang tarsier lang!ü
    salamat naman sa OMG mo.ü
    pabrika ng anghel?
    hhhmmm…. as in San Miguel?
    pwede!

  42. huwaw.. tulo laway to the max naman ako.. ahehe…
    yan ang ayaw ko sa french cuisine.. lahat ng putahe laging cute size… isang buka ko lang ng bunganga yun..

    cheers;p-glesy the great

    mahilig kasi sila sa course meals, glesy.
    at totoo, katiting lang ang pagkain, pero anlaki ng plato.
    pasakit sa dishwashing.ü

  43. hmmm, yummy naman yung mga food mo. sarap ha? mala-iron chef america yung mga menu.

    happy holidays brother utoy!

    snow ^_^

    truth be told, yan ang favorite kong TV show!
    pati na top chef at yung kay jamie oliver.
    pangarap ko kasing makapagluto ng masarap.ü
    God bless you, snow!üüü

  44. halos wala akong naintindihan sa menu mo bro. utoy, ahahaha!

    pero ouch ang photos, nakakalaway. penge ng leche flan!!!

    grabeng talent!

    thanks, princess! pero alam ko, magaling ka rin magluto.ü
    share recipes naman tayo!
    God bless!

  45. hay… sana makatikim din ako ng leche flan mo… it looks perfect!

    at naniwala ako na nativity ‘yung pix na nasa itaas… you know why… kasi nga umalis si st. joseph dahil nandyan ang mother in law niya… i understand why he left for a while… i know and understand dahil pinagdadaanan ko na siya ngayon…hehehe!

    merry christmas, bro. utoy…

    and thanx sa greetings…

    love you lekat!

    sapol ba ang nativity scene ko, fhritz.üüü
    love you too, prayer partner!
    pagdasal mo naman na pauwiin nila ako sa pinas.
    ayoko dito mag-aral sa pasukan.
    miss ko na ang school ko sa guadalupe!

  46. ang saya nmn ng iyong noche buena…😀 teka maraming salamat sa pagbisita mo sa akin munting tahanan, anyways kung hindi mo mapapanood ang dayo abangan mo nlng ang sa dvd ang dayo sabi by next year lalabas ang dvd. anyways thank you again… link exchange tayo.

    sure, gabby. I added you as Gabs, the Young Mais.
    looking forward to watch that toon!
    God bless.

  47. *deep sigh*

    wala ako sa london brother utoy eh. nasa 2 hours away ako, sa coventry. pero baka gusto mong mamasyal dito sa amin magpasabi ka lang para mapaliguan ko ang nangririmarim kong mga anak, at pati na rin si sarge. at pati na rin ako maliligo dahil espesyal occasion yaon. hwehehe..

    sama ka ba kay rev siopao? sa april raw siya maghahasik ng siopao dito sa eng eng land eh.

    ang hirap kasi, sa Paris pa ang applyan ng visa. mas mahal pa ang babayaran ko sa tren kesa sa plane ticket. si brother utoy kasi nasa may bandang kabundukan pa ang nayon nya. haayyzzz….
    infairness, isang jeepney ride lang ang layo ng italian border dito.ü

  48. huwaw ang sarap naman nyenn, siguro brother kung nag-asawa ka napakswerte ng mapapangasawa mo noh? masarap na magluto, magaling na photographer at ipagdadasal ka pa palage.

    penge letseplan peborit ni netot yan.

    kung payag ang asawa ko na puro letseplan lang ang kakainin nya habang kinokodakan ko sya, siguro nga eh swerte ang mapapangasawa ko.ü hehe…

    uuhhhmmm…. sino pala si netot?

  49. “Ang masaklap pa, dahil course meal ito eh andaming naming hugasing plato’t kubyertos pagkatapos. ”

    >>Kuya, sana sinama mo ako sa bagahe mo…payag akong taga hugas ng plato..magdadala na din ako ng Joy liquid soap.

    happy new year po.

    ambait mo naman, eiwanku.ü
    hug nga kita! uuuhhhmmm….ü
    merry christmas!

  50. Hi Bro. Utoy.

    Merry Christmas and a Blessed new Year!

    happy new year din, Mahalia!
    God bless!

  51. thanks brads. 16 palang po ako. :))

    no prob! God bless, mike!ü

  52. Hindi ako nagsisismba doon. Malayo kasi yun sa amin. Sa Immaculate Conception at Redemptorist lang. Malapit lang kasi yun sa amin.

    Redemptorists? eh di malapit ka na nga dun!
    sa may bandang Bo’s Coffeeshop, Kibuwi at Angel Funenaria yun
    sa may F.Torres ang parokya.

  53. wow naman!
    bro.utoy,
    magaling ka po palang magluto talaga!

    merry christmas po at manigong bagong taon! :]

    naku, jay, malakas lang ang loob kong magluto.ü
    God bless and merry christmas too!
    I will be praying for you!
    di pa ako nakakacomment sa last post mo,
    pero nabasa ko na. heartwarming ah.ü

  54. bro utoy,

    mukhang masarp yang hinanda mo sa noche buena! merry christmas sa buong brotherhood dyan.

  55. Kapatid, magaling ka ba talaga magluto bago ka pumunta diyan? Nakaka-stress naman ang iyong ginawa…pwede ka ng Iron Chef (at waiter) niyan. Kapag nag iba ka ng vocation eh pwede kang magbukas ng restaurant… kakain kami ni Pinky doon…dessert pa lang eh winner na ang leche flan mo!

  56. Pamilyado nga xa (nakita ko na ata) pero hindi pa ako nakasimba doon. Teka san ka ba banda sa europe?

  57. kuya utoy, blogger din si netot, eto o:
    http://www.netoriffic.wordpress.com

  58. pa-order naman po, kaso hindi ko alam kung ano ang mga yan, anong magiging pamantayan ko e bago sa pandinig ko lahat ang mga nakalagay sa menu mo?

    hai madalas mangyari saken yan ung parang maganda sa pandinig pero pag nilabas ng waiter “huh!!! ito na ba yon?”

    ganon talaga siguro, hindi naman kasi ako susyalen at hindi ako madalas sa mamahaling restaurant…

    nito ngang nakaraang pasko may dumating na gift saken galing kung saan, groceries from rustan, letse, ung mga nakalagay e hindi ko naman alam kung san putahe gagamitin, totoo pa lang hindi lahat ng mamahaling sangkap e pweding ilangay sa sopas o pansit na handa ni nanay para sa aming noche buena… hai…

    anyway isa nga jan plat principal…. (mukang nakakabusog un ah, sana madami ang serving) hehehe

  59. Kapatid,
    Masyadong delayed itong greeting na ito dito sa bahay mo… anyways, Jan6 pa naman dito so Christmas season pa rin…🙂 Merry Christmas and Happy New Year!

    Dumugo ilong ko sa mga handa mo… Naalala ko tuloy ang mga “cooking” days ko… Hehehe…

  60. pasensya na brotherutoy at super late ang pagbisita ko. rest assured na na-miss ko ang mga kwento mo so eto, backtrack ulit ako. maraming salamat sa link. nakakatuwa ring makita ang flawless mong leche flan! based on this post alone, one would think that you’re there on a culinary training. belated merry christmas, happy new year and happy birthday, chef!😉 i will catch up again soon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: