Mga Larawang Pang-Majorette

To Whom This May Concern,img_2618

Una sa lahat, ang recipe ng macaroons ay ito:

Ingredients:

  • 200g dessicated coconut
  • 3 eggwhites
  • 1 1/3 cups of sugar
  • vanilla flavoring

Procedure:  Ilagay ang lahat ng ingredients sa isang malaking bowl at lamasin.  Bilugin ng sinlaki ng ostiya at ihilera sa baking pan.  I-bake sa  oven, preheated at 210degC at the span of sixteen Apostle’s Creed.  If you opt to use the Nicene-Constantinopolitan Creed, eh di mga eleven lang.  Ilabas sa oven pagkatapos.  After the time span equivalent to one Sunday TV Mass or the recitation of 15 Mysteries of the Rosary, the macaroons are cool enough to be eaten. 

Pangalawa,  magwawala mawawala si Utoy ng mahigit isang linggo sapagkat, true to his Batangueño nature eh maglalako muna sya ng kulambo, kumot at stainless longganisa na kaldero sa baranggay nina Andrea Bocelli at Monica Belluci.  Syempre pa, dahil mahilig siya sa calzone at pannacotta eh doon na rin nya ipagdiriwang ang kanyang 27th birthday.  Yup, hindi totoo na 18 pa lang sya.  Exagge naman yun.

Pansamantala eh palalimin nyo muna ang inyong diwa at pagnilay-nilayan ang mga makahulugan at matalinhagang pictures na nakodakan ni Utoy dito sa kabundukan.  Sila ang tinatawag niyang…

Mga Larawang Pang-Majorette. 

Happy New Year, everyone!

 

img_20351

Ang kesong ito eh parang french version ng kesong puti.   Pero syempre, ang brand niya eh ikababaliw ng mga kapampangan.  Biruin mo, Saint Moret.  Parang si Tina lang.

img_2502

Ang kahon na ito eh nakita ko lang sa may work area ni Isabelle (hence, the kabayo ng plantsa).   Brand yata ng wine.  Makes me think.  Ano kaya ang pakiramdam ng mga nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Copal?

img_19131

Akala ko noong una, ang dried mangoes na ang pinakasikat na produktong pinoy.  Hindi pala.  Sa kabayanan ng Montpellier, habang nag-aabang ako ng padyak na byaheng Valance eh tumambad sa akin ang karatula ang pandaigdigang samahan ng mga magyeyema, ang Yema International.  Ayon sa brochure nila, nilalayon nilang mahigitan  ang market standing ng Designer Kutsinta Inc., ang Piaya-R-Us, ang The Pichi-Pichi World at  ang United Colors of Pulburon upang matanghal ang yema bilang pinakasikat na Pinoy sweets sa Yuropa.

img_2665

Tingnan mo’t di mo na pwedeng i-stereotype ang mga bading ngayon.  Sila’y di na mga pang-parlor, pang-callcenter at pang-Congress lang kundi pang-autorepair shop na rin!  Hmmm… Paano nga kaya kung sa isang car mechanic shop eh mga bading ang mga mekaniko?  Ano nang itatawag natin sa kanila? Mga  car stylists?  Garage divas?  Wrench queens?  D’mekhanikhazz?  Bungga!

img_0986

Ang karinderyang ito ay nasa kanto malapit sa Pont Neuf, patungong Cathedral de Notre Dame de Paris.  Buong pagmamalaking ipinahahayag ng kariderya  ang kanilang Fortnight Expresso (dalawang linggo na sa percolator), Earth-Friendly Macchiato (kasi recycled), at Latté Fermenté aux Champignons (kasi tinubuan na ng kabute sa kalumaan).  O ha, anong sinabi ng Starbucks and Figaro dyan.

Soderyuhebit, ang mga Larawang Pang-Majorette.

***

Bago ko malimutan, heto ang aking Stain Glass Window of the Day!!!

img_0839

Kuha ko ito sa Community Chapel namin sa may Ave. Friedland, sa Paris.  Ito ay nasa anyong Tryptich, employing the traditional concept of artistic balance.  All-star cast ang eksena ng stainglass na ito.  Nandyan ang Banal na SanTatlo, mga representatives ng anghel at arkanghel, si Mama Mary at si Papa Joseph,  si Mary Magdalene, si St. John the Baptist, ang three Kings, mga personages sa Old Testament at New Testaments, mga representatives ng martyrs, popes, obispo, pari, dyakono, madre, hari, at mga santong Pranses.  Syempre dahil chapel namin ito, bida ang founder namin na si St. Peter Julian Eymard, na nag-aangat  ng isang ginintuang monstrance, just below Papa Jesus who is wearing a vibrant vermillion Grecian-inspired off-shouldered dress.

Ooooppsssie… muntik na naman akong tamaan ng kidlat.  Dumadalas na ito ah.

Happy New Year, everyone at salamat sa mga babati sa 27th birthday ko, lalo na sa mga magpapadala ng gifts!  God bless!

84 Responses

  1. hahaha! very funny…

    teka, yung 27th birthday, is that supposed to be a joke as well?😛

  2. pano kaya gawin ung mga stain glass?

    bday mo pla bro. utoy eh! pakanton ka! hehe

  3. {ninja mode}

    Weeee may prinamis sa kin ang siopao… pag di nyo tinupad., galit galit na!! Monica Bellucci {idol ko} – mas una ko napansin kesa sa mga pichurs..nyahaha

    Advance Happy Birthday Kuya!! Papadalhan sana kita ng pichur ko as postcard kaso malapit na pala {di ako redi}..saka di ko alam address ng siopao na special. Masyado malihim…pahirapan ang tanungan kelangan pa pataasin ko ang karma nya sa plurk bago sumagot. Haaays, peyboritism kasi yan!

    {sabi ko na tungkol na naman sa pagkain ang post na to}

  4. Di ko akalain – extended pa ang ad ng macaroons. Sabagay, nabaon pa namin sa mall of asia ang tirang binigay sa amin. mahal kaya kumain sa MOA. Uy yung mango float – simple lang: magpakulo ng tubig, palambutin ang tubig, at haluan ng asin. Hindi joke lang. Nagbaka sakali lang talaga ako Bro na di mo alam ha. Sure ka? Bili ka lang ng manggang hinog, all-purpose cream. Hindi eh, malakas ang kutob ko alam mo to.
    Wow! ang galing ng Yema Brotherhood na yan ah at yung cafe di masyadong panis at garage gay.

  5. pwede na tong pang bulletin sa friendster ah. Funny pictures and funny comments. Paano kaya makasali sa Yema International Kuya? May Chocolate Yema ga kaya sila?

  6. wahahaha!
    makakagawa na arin ako sa wakas!
    wahahaha!
    salamat sa post na ito!
    tamang-tama at new year dahil maganda kapag bilog bilog!
    wapak!

    aba’y api bday kuya utoy!
    27 ka na pala!
    kala ko magkaing-edad lang tayo!
    syempre exaj yun!
    bleh!

  7. grabe feeling ko habang binabsa ko to ay feeling ko nandyan talaga ako. kakaiba yung gay garage ah! tsaka yung yema. pang international na pala talaga siya. pero mas astig ang cafe panis!! wahahah!!!
    happy new year po kuya utoy! at advance/ belated happy birthday sa inyo!! make a wish!!

  8. WAHAHAHA! asteg yung mga litrato. HAHAHA
    naka off shoulder nga si papa jesus.
    toinks. tinamaan din ako ng kidlat.
    HAHAHAHA
    kelan po bertdei mo?
    sige.
    adbans happy nu yir
    at adbans happy bertdey!!!

  9. hehehe utoy ano yan smoret margarine???

  10. 27? Walang stir? Hinde nga? Heh? … Oh my gulay, mas matanda pa pala ako sayo, kuya? Hindi halata ah. Hehehe, joke. Happy birthday sayo!

    Sarap ifranchise yang Cafe Panis dito sa Pilipinas. Sigurado, patok yan dito. Alam mo naman ang mga Pinoy ngayon, ginagawang cool ang mga bagay na may pagka-ironic. Pero masarap ba ang kape diyan sa cafe na yan?

    Lab di stained glass window of the day. Bonggang-bongga to the maximum level. At pwede ka ng magsideline bilang commentator ng fashion show. Vibrant vermillion Grecian-inspired off-shouldered dress pala ha? Lagot ka kay St. Peter Julian Eymard niyan!

    Advance hafi new year! =)

  11. Meron akong gagawing website, (client),about car cosmetics, hehehe. ang gara nung kidlat, hay lavet! salamat sa recipe ng macaroons, buti na lang andito agad, di na kelangan i-request. hapi birthday brÜtoy!

  12. Kapatid, tulad ng iba, nagulat ako sa iyong edad… akala ko eh pareho lang tayong early 20s…hehehe! Enjoy mo ang iyong bakasyon/birthday bash sa Italya… kamusta na lang kina Andrea at Monica.

  13. may sense of humor ka talaga bro utoy,

    “(magwawala) mawawala si Utoy ng mahigit isang linggo sapagkat, true to his Batangueño nature eh maglalako muna sya ng kulambo, kumot at stainless (longganisa)”

    Nahulog ako sa upuan sa kakatawa sa latest blog mo. Uy! birhday mo na pala at kala ko kasing edaran lang tayo? ako mag 12 pa lang this year. matanda ka pa pala sa akin?lol!

    enjoy your birthday vacation sa italia!..

  14. katakot pala chumibog sa cafe na yan. hihihi

    sinong bina-blind item mong bading sa congress? clue! clue!

    aktuli, ayoko sanang mab-comment dito dahil naguusok ang tenga ko sa inggit. alam ko kasing may kikitain ka sa italya, isang dikon na ma-siopao at isang baklitang may bagong kamera.

    hmp.

  15. at napaniwala mo sila na 27 ka pano kita naging kuya kung magka-edad tayo… yiheeeeee! Iba talaga nagagawa ng syensya..

    Si rev tulok pa..hindi maka-aym pers!!

  16. gagawa din ako ng makarun one time. tas kakainin ko hehe
    nakakatawa naman ang mga larawang iyan bro. send mo sa maxim philippines yan. if not mistaken ay nagkokolek sila ng ganyan to post in their mag. sikat ka pa. hahaha.

  17. bro yang mga bintana na yan ba ay sa ibat ibang simbahan makikita o sa isang simbahan ay minsan 4 na bintana kuha mo tas pinaghihiwalayhiwalay mo lang sa 4 mong post? kasi parang mdami ba talagang simbahan jan? kasi dito sa dubai naisip ko lang. isa lang ata ang simbahan dito. st.marys lang. oo nga! bakit di ko naisip ipost ang kaisa isahang bintana este simbahan sa duabi sa blog ko? makuhaan nga ng piktyur! tas hahanap din ako ng magandang glass window tulad iyan

  18. Aba…. aba…. at isa pang aba!!!

    Nalingat lamang ako dahil sa aking saydlayn na sampaguita biznis dahil Linggo ngayon at malakas ang benta sa Vatican ay nagkagulo na dine.

    At siyempre kulelat na tuloy ako! Hmp! {bitter}

    ‘Di bale, mainggit kayong lahat at isang Linggong akin si Utoy… Akin! {so?}…. At siyempre sumingit pa ang prinsesa ng Milan sa Grand-Euro-EB na ngayon ay nandito na sa Roma at rumarampa na sa palasyo ni Ankol Bene {paging p0kw4ng}. Actually, photographer lang talaga namin siya ni Utoy sa EB kasi super sosi ang kanyang bagong Canon na pang-Kodak. So, sinali na namin {kawawa naman e}. Lab you p0wkie!

    Abangan niyo na lamang ang blow by blow account {parang pangit pakinggan} ng GRAND-EB sa ROMA sa aking blog sa mga susunod na araw. At siyempre, ang highlight nun ay ang birthday special ni Kuya Utoy. This time naunahan ko si Kuya Germs sa exclusive coverage. Bwa ha ha ha!

    Astig ang mga pichur pichur! At talagang extra si Tina sa St.Moret commercial. Utoy, dalhin mo ako sa tanggapan ng Yema International ‘pag dinalaw kita diyan ha. Huwag na huwag mo akong dadalhin sa Cape Panis! Inom na lang tayo ng alak na Copal. Ano kaya anga amoy ng wine na ‘yun? Ha ha ha!

    Pwamis ayoko nang mag-comment sa off-shouldered dress ni Jesus. Ayaw. Ayokong tamaan ng kidlat. Ayaw! Umuulan pa naman dito ngayon. {gawa kaya ni Patis Tesoro? kablam!}

    Kakayanin ko kaya na hindi mag-comment sa nasabing 27 lang si Utoy sa next birthday niya? Kaya ko kaya? {nag-pipigil to the highest level}…. Kaya ko ‘to!…. Bertdey naman ng mahal kong kapatid e… Saka na ang laglagan! {27!!! wehhh}

    UTOY dali! Biyahe na! Tagal ko nang nilatag ang red carpet. Ayan, lumubog na tuloy sa baha dahil umuulan ngayon. Huwag na huwag kang magpakita ‘pag wala akong leche flan!

    Nakahanda na rin ang mga pulis pang-kalawakan!
    {Shaider pasok!} Time-space warp, ngayon din!

    All together now: UM-SHIGI-SHIGI-WAKA-SHIGI-UUUWA-SHIGI-SHIGI!

  19. Anong sinabi ng Starbucks at Figaro sa Cafe Panis? E di “Panis silang lahat!” Mais con yelo ba?

    Hapi Bertday, Brader Utoy!

  20. Hahaha, kakatambling naman yang pang majorette pictures na yan!

    ano kayang lasa ng kape dyan sa cafe panis? toinks!

    aba, aba at isa pang aba, magkasing edad lang pala tayo, naku nmn, cencia na, kinukuya kita, hehehehe…

    Ang haba nmn ng comment ni rev. Yuhu rev! comment section to, nde bagong entry, hehehe… jokejokejoke!

    Happy birthday bro. utoy! Magkabirthday kayo ni tina banana split… Kaya pala…

  21. @JORGE: Isa ka sa mga nalinlang!!!

    27?? Abangan ang revelation!

  22. Hapy bertday! Bro. Utoy!!! sama ako sa handaan nyo.

    mas type ko ung garage gay😀 .

    nabahala ako dun sa streamlining ng blog roll nyo. hehehe kaya dumalaw na ako khit nasa bakasyon ako.

    Katatapos lng pla ng pre nup pictorials namin today. share ko sa inyo at kasama ng buong kapatiran dito once matpos ung pag upload.

    Thanks! and Happy Holidays! GodBless!

  23. Happy 27th Birthday! and Advance Happy New year!
    thanks sa recipe ng macaroon mo,try ko yan gawin ;))

    P.S ano ibig sabihin ng *MORET* sa kapams?

  24. aktuli di ako magcocomment ngayon kasi nga nasa Roma pa ako at walang hmmternet..pero para akong adik na giyang na nanginginig!

    tsang gala hanggang ngayon di ko pa makapa yung bago kong baby kaya wag na kayong magtakang dalawa kong yung maliit at luma kong baby ang dala ko,hahaha

    yang copal na wine na yan madaling makalasing yan sigurado..amoy clorox yan! natikman ko na yan..kulay puti na malapot,hahaha…di kaya beylis yung natikman ko!

    utoy dali lipad na at sasakay na tayo sa likod ni siopao!

  25. LOL!! Off-shouldered nga ang damit ni Jesus. Sayang. Sana alam na natin noon pa kung sino ang designer ng balabal niya para naman nabigyan din kaunting credit. 😀

    Sana malapit sa isang ospital ang Cafe Panis. 😀

  26. panisss! hahahhah

    weh? 27 ka nga? si bluep 35 na diba, sabi nya, mas matanda ka daw…so 36? LOL

    happy new year k utoy! recipe ng blueberry cheesecake please!

  27. happy 30th bday.ay este 27 birthday kuya utoy..hehe
    di nga?? 27 ka na?? bakit parang 21 ka lang??
    balik ka kaagad kuya..
    happy new year…

  28. Happy 27th bday!! (BEHAVE ako)

    Ramdam ko ang iyong pananahimik sa kin lang… AMP! Galit pa ang KOYA ko! Haayyysss… naman! Peace na! Sige na…

    Ganunpaman, gayahin ko ang macaroons mo.. bat ba kasi! At dahil Si Tina ay special mention kay St. Moret na parang St. Jhoen of Arc lang eh sige sumbong kita kay Santa Clara at sabihin ko na marderin paa at kamay mo pag away mo ko!

    * Copal ça va, ça va? ouais, ça va! (ahihihi!)

    Astig ng mga pics… kakatuwa at si stain glass, naku inookray mo lagi! Lagot ka… DAPA!

    Neweis, Happy 27th bday… 27 ha! ahhh…. 27! Hmmm… (((nagpipigil))) Bro. Utoy… peace na tayo!

  29. ibig sabihin, KUYA, 24 pa lang ako. yihiiiiii!!! happy birthday to you at pakikiss na lang si rev. siopao para sakin ha? eto… flying kiss din para sayo sa birthday mo.

    mag-oorder na lang ako ng lechon para sa birthday mo at ikain na lang din kita. hihihi!

  30. happy bertdei kuya! at ang kita sa paglalako itago baka maholdap, pasalubong ha!

    Happy new year na din! Godbless! Ü

  31. yung yema kaya ng yema international may flavor din? like langka flavor, yema with mani flavor. malamang wala!😀

    ang ganda ng stained glass of the day ha.

    happy birthday, bro. capri ka din pala.

  32. copal at cafe panis… panalo!

  33. Nakuh. 27 kana pala utoy. Dapat pala kuya na ang itawag sa yo. hahaa. Hanga ako at ginagamit mu talaga ang mga kaalaman mu about theology.

  34. Happy Birthday Pala at Happy New Year Na rin. Sana may macaroons pang natira TT.

  35. asar, asar, asar.. bakit di mo sinabi na bday mo ha… ang daya… tsk tsk tsk… anong handa mo nung bday mo? parang gusto kong malaman sige na.. naglalaway na ako…

    natawa naman ako dun sa mga pics.. sino ba namang pinoy ang kakain sa cafe panis? at ang garage GAY masyado atang brusko ang dating…yung copal bwahaha.. pero may tanong ako? ano ibig sabihin ng moret sa kapampangan?

    honga pala invite kita.. ang taray mo ha.. sinadya pa kita dito.. sa’yo ko lang gnawa to.. dapat si revsiopao din eh kaya lang nabasa na nya kagad… punta ka dito, makibasa, at gusto kong marinig ang kumento mo…

    http://romancinghelena.com/2008/12/glesy-the-great%E2%80%99s-own-version-the-story-of-the-nativity.html

    godrocks.. cheers;p-glesy the great

  36. natawa naman ako dun sa signs, panalo! have a restful vacation utoy, enjoy your respite from the blogosphere. ^_^

  37. Si kuya nagpapabata hehe….oks lang, holiday naman kaya pagbibigyan ka namin.😆

    ang kukulit ng mga signs, meron din pala dyan hehe… para tuloy gustu kong pumunta jan para lang makapagkape sa Cafe Panis…’steeg!🙂

  38. TO ALL FANS OF BRO. UTOY:

    Watch out for my year-ender blog special about my EB in Rome with Bro.Utoy & pokw4ng.

    Happy New Year. Cheers. God bless!

    revsiopao

  39. maliGEISHAng bagong taon mare!

  40. Bro. Utoy, HB!

  41. Joyeux Noël et bonne année !!:)

    Ajmel altehani bemonasebt almīlad wa helol alseneh aljedīdah!!🙂

  42. happy happy birthday! hndi ko alam kung kelan eksakto kaya greet na lng. Hehehe… enjoy sa bakasyon sa batangas.

  43. hahaha kulit naman nito… cafe panis… paano kaya bebenta yan sa pinas… ano kaya ang magiging marketing strategy pag nagkataon… haha!

    nwei happy new year po!

  44. hahaha. wala cgurong pumapasok sa kapihan na yan.. CAFE PANIS.. cguradong mapapanis yan sa pinas kung nagkataon.. hahaha.😀 natawa ako dun ha..

    CAFE PANIS..ano po ba meaning niyan sa france?

  45. hahahaha!!!

    gusto ko ung yema section…

    pang-international na pala un..

    teka, bday mo? 27 ba talaga yan? lols..

    happy beerday at happy new year na rin!😀

  46. Happy Birthday and may God bless you more! Talaga 27 ka pa brother? Naku nde halata pwamis! Kala ko 42 ka na! he he he…

  47. Kuya, Jan 2 na dito sa pilipins:

    HAPPY 27th BIRTHDAY!!!!! {malakas ka sa kin eh}

    Namiss na kita. Pramis! Ahlabshu!

    *mwahugs*

    Ayan na pangako ko. Byers. ^ ^

  48. Utoy, birthday mo na!
    Kitakitz na lang bukas ulit…. yahooo!!!

    MALIGAYANG KAARAWAN KAPATID!
    Masaya naman ako at nandito ka din sa Eternal City sa pagdiriwang ng new year at iyong ___th / rd / nd birthday.

    Sa mga kalaro po ni Bro.Utoy
    Natapos ko din po ang aking new year special — Grand EB @ Roma! (part 1 pa lang)

    Bisita na lamang po kayo sa aking tindahan for more kuwento & pichurs with powkie & bro.utoy! Ciao! A Blessed 2009!

    http://revsiopao.wordpress.com

  49. HAPPY BIRTHDAY PO BROTHER! pa cheese burger ka naman jan! hehehe.😀

  50. HAPPY birthday!!!!! (insert torotot sounds here)

    kahit isang taon na naman ang nadagdag sa edad mo, isipin mo na lang nadagdagan din ang kakisigan mo para no hard feelings…

    wish ko? well, kung ano mang wish mo na sa tingin mo makakapagpasaya sayo “I second the motion”— para may reinforcement…. cheers (at hindi lang to pang isang basong toast, hindi rin isang bote— isang bariles to);p-glesy the great

  51. HAPPY BIRTHDAY bro. utoy!! Godbless!

  52. hemverdei kuya utoy! enjoy your day! *mwah🙂 *walang malisya yan ha, halik kuya

  53. happy birthday kuya utoy!
    nga pala happy new year na rin
    tapos happy valentines!
    oh hayan!

    hakhak!

  54. Oh musta na ang new year celebration? May bago ka bang mga inihain? Baka this time may inihinda kana para sa akin?

    Happy new year din. Wish you all the best this year.

  55. happy birthday KUYA utoy!!

    *ramdam ko’y uurong ang pwet mo sa greeting kong ito*

    asa roma ka pa rin ba ngayon? at totoo ba ang chismis ni rev na nagla-lyna medicated chuva ka raw? hihi

    hugggggggies brother utoy!! happy birthday and may God grant you and your loved ones more blessings all throughout the year.

  56. Happy New year Brother. Ito may sipon pa rin. Wala pa rin akong day-off kasi pinagbakasyun ko sa kanyang lalawigan ang visor ko. Kawawa naman at isang taong hindi nakauwi sa tacloban. Istorbo nga talaga sa work ang blogging.Dumaan lang at bumati. Papasok pa ako.

  57. happy birthday!! totoo ba yan o joke-joke lang? hehe.
    anyway, natawa ako dun sa cafe-panis! haha. shocked din ako. meron din palang yema, pulboron at other pinoy sweets dyan sa planeta mo. nice naman. dito sa planeta ko wala eh. hehe. happy new year din pla bro. utoy. =)

  58. happy 27th birthday di nga? di halata para kang

    28.. hahaha.. joke.. kala mo bababaan ko ang age mo ah.. para maiba naman ang panguuto ko sayo.. hehehe..

    teka bakit di ka nagpainom brother? tsk. may utang ka sakin ngayon..

    xmpre may wish ako sayo..

    sana maging isang “mabait kang nilalang forever..”

    naks.. HAPPY BIRTHDAY tol!

  59. Nabalitaan ko sa bahay ni Rev Siopao, bertdey mo daw. Happy beerday!

  60. Happy Birthday!

  61. salamat bro!
    Happy birthday din sa’yo!

    sana ay marami pang mga birthday at biyaya ang dumating sa iyo.

  62. oh may yema pala diyan! tig-piso din kaya yan…

    hehe

    biro lang…

    kakaiba nga diyan… may kape palang panis..

  63. uy belated hepi berdey, ka berdey mo yung aking bespren sa uste😀

  64. Winner ang Yema International segment! Parang gusto ko mag-member sa Pichi-pichi world ah.

    Re: sa comment mo sa last kong comment sayo (Noche Buena ni Utoy). Sumablay ang psychic powers mo bro utoy. Marunong lang akong kumain😀

    Happy na, Birthday pa… Wish your 27th year will be better than what I’m having. wehehehe!

    Ingat sa mga kidlat kidlat.

  65. bagong link, parehong buhay.😉

  66. Happy new year, bro. utoy!
    Na-miss kong mapatawa ng mga post ko. I did not go online during the holidays. Tanong ko lang, yung nabibili ba dyan sa karinderyang Cafe Panis ay hindi pa panis? hahaha

    Happy birthday!

  67. … pacomment lang, katuwa mga pics eh! mukhang pang-starbucks lang ata ako, parang di ko kaya uminom dyan sa Cafe Panis! in fairness, ang ganda ng ambiance ah! hehehe!

    belated happy bertday, bro. utoy!

  68. ayos kumpleto talaga tong blog mo. ngayon may recipe pa. hehe😆 oi happy 27th bro utoy! kelan ba exact date at nang mapadalhan kita ng malupet na bday card. haha

  69. kelan bday mo kuya?

    happy bday po!😉

  70. brader!! merry christmas at happy 2009 na po at makikihappy birthday na din!!! sana naman di mabura ang aking pangalan sa iyong blogroll (hmm, kusa mo nga palang nilagay pangalan ko sa blogroll mo.nyahaha!) dahil sa kawalan ng comment.=)
    …nwei, saan k batangas? uuy, parang mahirap magtrabaho sa Copal..mainit at maalinsangan siguro dun.
    …cheers!!

  71. sosyal. Happy New Year!

    sa multiply na kasi ako nagboblog. same username.😀

  72. bumalik ako para sabihing, gusto ko rin ng calzone🙂 at i reserve mo ako ng isang kulambo, pink daw sabi ng mga little kengkays, hehe

  73. Natawa ako dun sa Cafe Panis…. Oo nga naman, “panis” nga naman ang tinapay sa Latin na lolo ng French, Spanish at Italian….

    Coolwaterworks

  74. HAPPY BIRTHDAY PERO WALA AKONG GIFT…. DI NAMAN KASI TAYO CLOSE….hehehe

    Hi there! SMILE coz I’ve got all new articles on my website http://www.kumagcow.com Check it out! Thanks!
    🙂

  75. ahaha.. bravo.. nkakatuwa.. lalo na un sa yema international..wahehe.. looking 4ward for more posts like that.. enjoy magbasa kpag gnyan ang mga topic.. hehe.. neto po.. newbie lang..hehe

  76. salamat sa pagdaan sa aking munting blog.

    haba berdie..este..happy bertdey din sa iyo, kapatid.

    (preho ba tayo ng tatay?)

  77. aysus.. beltday mu pla.. o xa belated happy beltday sayo kpatid.. 27 kna pla KUYA.. hehe.. peace.. wish u more birhtdays to come.. hehe.. ayan mkikita mu na link q..hehe

  78. copal

    yema

    gay garage

    cafe panis

    LOLOLOLOLOL

    anw happy bday po

  79. kuya utoy, kita ko comment mo kay neto. may ganyang problem din ako sa office eh. pero pag dito sa bahay wala naman. ang ginagawa ko nalang, enter yung email add sa subscribe by email tas yun na papasok na yun. mahabang proseso nga lang. at mapiilitan kapang magsubscribe sa posts ko. hehe. salamat po!🙂

  80. kuya utoy, nkpagcomment kna kay joyce?? hehe.. asan na ung post mu bout sa birthday mu??hehehe wla bang handaan?? party??hehe

  81. wala pa din bagong posts?

    awww. sadness. hehe .

    xD

  82. BLog Hopping. Nice One, care to exchange links?

    http://perspektib.blogspot.com

  83. nakakatawa po ang mga picture JEJEJEJEJE NICE ONE sana more pa ang makikita ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: