“Silangnij” by any other name…

Salamat sa lahat ng bumati sa akin ng Merry Christmas, Happy New Year, Happy 27th Birthday at Happy Three Kings.  Natouched naman ako sa mga mensahe ninyo sa akin na punung nuno ng pangungutya at panlalait pagkagiliw at pagtangkilik. Pagpalain nawa kayo ni Yahweh El Shaddai at ng Mahal na Birhen ng Caysasay!!!  Napansin ko lang, otsenta mahigit ang nagcomment sa last post ko (kalahati yata dun eh spams) pero wala man lang nagtanong kung bakit pang-majorette ang mga larawan na ito.  Wala pong kinalaman dito mga unipormadong kababaihang naging unang sex symbol ng bawat musmos na pinoy at naging role model ng mga future kikays of the country, men and women alike.  Wala rin itong kinalaman sa pagtwirl ng baton at pagsoot ng tasselled boots at pula’t puting military gala uniform habang legal na nagpapakita ng kuyukot at nagpapakalantod sa pagkembot sa gitna ng kalsada sa saliw ng “Boom-tarat-tarat” ng Banda Katorse.  Ang mga larawan ay binansagan kong pang-majorette simply because… they are pang-mejoret… pang-medyo retarded.  At syempre, lahat ng naaliw sa mga pictures ko ay mga majorette, mga medyo retarded.  At dahil dyan eh napagaan ninyo ang kalooban ko.  Salamat sapagkat ngayon, masasabi ko na sa sarili ko:  “Utoy, you are not alone…”

* * *

Nagngingitngit ako sa galit pagkagaling ko ng baranggay ng Spaghetti at Biscotti.  Perfect na perfect (Perfect with an R, not with a K) sana ang aking bakasyon dahil naubos ang nilako kong kulambo, panutsa at atcharang papaya sa mga plaza ng Roma, nakapaggala rin ako ng maluwalhati kasama sila P0kw4ng da byutipul at Siopao da indefatigable.  Maayos rin akong nakarating sa terminal ng traysikol sa may Lyon.  Pero nang habang nasa conveyor belt ako’t hinihintay ang aking tampipi eh may lumapit na mga pulis.  Akala ko’y natimbrehan na nila ang ipinuslit kong tulingang sinaing sa palyok at pinirait sa tuyong kalamyas dahil maasim ang patis nito kapag tumagas, pero no, no, no, no… Ini-announce nila na naiwan ang lahat ng mga bagahe sa Roma dahil nagkaroon daw ng rally ang FITODA (France-Italy Traysikol Operators and Drivers Association).  Punyemus maximus oliverus naman, oo.  Nasa tampipi pa naman na iyon ang mga pasalubong kong walis-tambo, peanut brittle at ube jam mga istampita, nobena at rosaryo para sa mga kaibigan kong muslim sa Pransya.  Pati tutbras, suklay, jojorant at pang-ahit ko eh nandun.  Ilang araw lang eh tiyak magmumukha na rin akong Pranses kapag wala ang mga iyon.  Siyet…

* * *

Dalawin nyo ang link na ito, ito at ito kung gusto nyong makita ang wild and scandalous threesome namin nila P0kw4ng at Rev.Siopao sa Roma.   Literal na hinarang kami ng Vatican police dahil sa mga scandal pictures na ito.  Yung third link eh medyo R-18 kasi may frontal nudity sa bandang huli.

* * *

Bloggers din pala ang mga ka-batch ko ng highschool!   Ang totoo nyan eh di na namin alam kung anong naging hilatsa ng pagmumukha ng isa’t isa after 15 years pero heto’t sa blogosphere pa pala kami magkikita-kita!  Dalawin nyo naman ang link na ito.

* * *

Lastly, ang alamat ng Silangnij.   Last year eh nagkwentuhan kami ng mga puting kasama ko tungkol sa mga christmas tradition ng ibang bansa.  Nagtanong ang isang puti sa akin:  “Sa bayan nyo ba, Outueil (french spelling ng Utoy), ay may version din ng Silangnij?”

Huh, “Silangnij?”  Ano yun?  Pagkain ba yun?  Mukhang spicy!  Tunog arabo kasi…

Sagot naman ang puti:  Hindi raw pagkain yun kundi isang kanta.  Sikat daw sa buong mundo.  Ang kantang ito raw ay nagdulot ng panandaliang pagtigil ng isang digmaan.  Naisulat daw ang kantang ito sa inspirasyon ng isang daga.  English word daw yun na ang ibig sabihin eh payapang gabi.

After 30 years eh nahulaan ko rin na Silent Night pala ang ibig niyang sabihin… French pronunciation lang.  Para di mapahiya ang puti ay walang patumangga akong sumagot ng “Opo, sikat din ang Silangnij sa amin,” sabay birit ng  “Si..hilangnij,  O..holinij,  Aliskam, alisbrij…”  Ang nakakatawa, nakisabay pa sila.  Naempatso ako kinabukasan sa kapipigil ko ng pagtawa.

Oltogedernaw!    “Si..hilangnij,  O..holinij,  Aliskam… alisbrij…”

* * *

At syempre, bilang pangwakas, ang ating stainglass wendu ufdadi!  Di ko pa ma-post ang mga bago kong pics sa Roma so pagtiyagan nyo muna ito:

img_1565

detail of the window

detail of the window

Ang stainglass window na ito ay nasa altar mismo ng Eglise St. André sa may Grenoble, malapit sa makasaysayang kaburulan ng Bastille.  Ito ang larawan ni San Juan Bautista.  Napili ko itong larawan na ito dahil sa linggong darating ay Feast of the Baptism of the Lord, na binibidahan ng santong ito.  Sa larawan ay modern na ang pananamit ni St. John pero ayon sa bibliya eh Camel Hair ang preferred niyang soot at Honey and Locust naman ang favorite food niya.  Ibig sabihin eh mahilig si St. John the Baptist sa fur coats at sa organic high-protein diet. 

Aba nga naman, maliit lang ang kidlat na inilagan ko ngayon!

God bless!

69 Responses

  1. mwahahahahahahha…🙂 i lurve it! ibang klaseng starter for 2009! i lurve it kuya utoy! ang ganda ng silangnij…..

    pero inaabangan ko talaga ng mga nakaw mong pics.. yung stanglass windows mo! buti naman at di ka nahuli ng swiss guards.. lol

    happy new year kuya! :*

    para ngang ikaw lang ang reader ko pagdating sa stainglass.ü salamat, salamat!

  2. Sa wakas natupad din ang pangarap kong maging medyoret! Hinde nga lang yung gusto kong medyoret, pede na din. salamat sa pagtupad ng pangarap ko Kuya Utoy!

    At talagang napakanta ko sa Silangnij mo. nyehehe.

    di ka pa din makapagcomment sa blog ko noh? sundin mu nalang po yung tip ko sa kabilang post mo. pero hahanapan ko pa din ng solusyon yun.
    🙂

    odiba, nasa post na ito ang katuparan ng marami. hehe…ü

    miss ko na magcomment sa blog mo. ayaw naman akong papasukin…

  3. kuya ang gwapo mo sa mga kuha mo sa roma!

    ang comment na ito ni Geish eh dapat pamarisan ng iba. highly recommended ito.ü tenkyu, tenkyu, Geish!

  4. ang pagbabalik!
    *insert drum roll here*

    welkam bak utoy! siyempre kahit narinig ko na ang kuwento mo tungkol sa “silangnij” e bumenta pa din. ha ha ha. imagine kinanta ko?…… mejoret talaga! toinks!

    si brader… bumabanat…. “Perfect with an R, not with a K” talaga ha! {na-decipher ko…. kala mo ha!}

    panalo din ang FITODA! tumbling ako dun.

    sana naman ay dumating talaga bukas ang tampipi mo. baka panis na ang ube jam.

    mukhang madami kaming aabangan na kuwento, pichurs at stained glass windows kapatid. pagpalain ka din ni yahweh el shaddai!

    mabanglis na yung sinaing na tulingan nung dumating ako. sayang…ü
    Yung FITODA? meron din ngang FIJODAP, pero di naman ako nakasakay dun. hehe…

    honestly, di ko pa alam ang next post ko. hehe…

  5. welcome back Bro.Utoy! akala ko din nung una pagkain ang silangnij LOL ikaw ha sabi mo 27 ka, bwahahahahaha

    27 naman talaga ako. wag kang maniwala sa picture na nakita mo. photoshopped yun. God bless!

  6. Ciao. Welcome back! Namiss namin ang mga posts mo… sana sa susunod ay magkita na tayo sa Rome… hehehehe God bless!

    salamat po, Bro! (basta si Bro, napapagamit ako ng po at opo) mukhang after two or three years pa po ulit ako makakabalik ng Roma.ü God bless!

  7. Kuya Outueil!!!!!!

    nyaaaahahah naloka ako sa silangnijjjjj!!!!

    kuya ka dyan. 27 pa lang ako so magka-edad lang tayo!
    God bless!

  8. Kuya!!!!! Your Back!!!!!! Bat nung dumaan ako wala pa naman to. Inggit kami…kelan EB natin kahit wag na sa Rome, dyan na lang sa France. Dadala ko pocket money…sayo na lang plane ticket hayus ba?!

    Miss kita sobra! Kuya Outueil. weeee!

    huh?!! uhhmmm… hintayin mo na lang balik ko sa manila.ü malapit na. uy, yung kiss ko ha. di ko pa yun nalilimutan.ü

  9. aktuwali, napaisip din ako dun sa “majorette”. mahilig din kasi ako sa legs at mag-isip about legs. sa legs for short naaayon na rin sa tumpak mong obserbasyon sa mga unang “sex symbols” nating LAHAT (kasama si revsiopao dun). aNG galing pala dyan – may FITODA DIN. pero pwede – a little background about d Birhen ng Caysasay? Parang Birhen ng Ukay-Ukay lang ah?

    si doc, mukhang maraming hinihiwalay na legs. OB-Gyne ka ano?ü
    ang birhen ng Caysasay ay isang mapaghimalang imahen na nahuli ng lambat ni Juan Maningkad sa Pansipit River, doon sa Caysasay, Taal, Batangas noong ikalabingpitong siglo. Bagamat hinihinalang ito’y imaheng lilok ng isang diyosa ng mga Tsino, ang kaligtasan ng bayan ng Taal laban sa lindol, bagyo, digmaan, pagputok ng bulkan at pagsalakay ng mga tulisan ay ipinapalagay nilang dulot ng mapagkalingang proteksyon ng mahal na birhen ng Caysasay. Isa pa, dyan ko hiniling na gabayan ako ni Lord sa bokasyon ko at nawa’y wag akong malulong sa blogging, tulad ngayon.

  10. Napakanta ako dun ah. Hindi ko lang alam kung tama ang pagka-pronounce ko. *LOLz* Salamat pala sa pagdaan, Bro. Utoy. Na-‘meet n greet’ mo na pala ang babaeng walang pahinga na si Powkie. Hehehe. = D

    di nga kinaya ng tatlong redbull na ininum ko ang powers nina P0wkie at Rev. alas singko pa lang eh lowbatt na ako samantalang itong dalawa eh kuratsa sa hikapan. hantindi!

  11. nakikinita ko na kung papaanong chreography ang ginawa mo kasabay ng kanta, ahihihi!

    napansin ko na ang st. moret sa post mo at sounds the same sa majorrette, pero di na ako nagtanong kasi baka mali naman ang interpretasyon ko (palusot!). dont wori kapatid kasi di ka naman nag iisa sa mundo, madami tayo!

    Happy 2009!

    hongano? paano kung may choreo? siguro mala-world youth day ang dating. hehe… happy 2009 din!

  12. di ako makarelate sa medyoret. di ko pinansin yun kasi di naman ako medyoret…. nasobrahan na ata ako nyan.

    di ko rin alam kung ano yung PERFECT with an R and not with a K… ano yun????

    buti naman bumalik ka na. feeling kasi namin nagpapamiss ka. namiss mo tuloy ang aking oatmeal crunchies.. hehehe!

    ay alam ko na, kuya. since naiwan pa ang iyong suklay, jojorant, tutbras at pang-ahit gawa ng rally, magpapicture ka naman at post dito kung sino si utoy, the prench bersyon.

    wag, di na ako magpopost ng pagmumukha ko dito at baka mawalan ng gana ang mga fans. hehe… as if naman na may fans.ü

    yung recipe ko ng oatmeal crunchies, asan na?

    sobra sa mejoret? ang tawag dun, lukaret!

  13. langya yun pala ang ibig sabihin mo ng mejorette. di ko nagets yun. sabi ko pa sa sarili ko nung una ko mabasa yun eh, anak ng pating mukhang uso sa pransya ang majorette. yun pala ibig sabihin nun haha. galing mo talaga.

    at yung silanji haha never saw it coming. dapat ipasa mo na to as humor blog LOL

    huy sabihin mo naman di ako nangangagat haha ang daming natakot dun sa blog ni rev hahahahahahah ano ba yan. na-o-op tuloy ako haha

    welcome back at hindi ko pa nakikita yung pasalubong ko. mukhang pinapaframe nyo pa nina powkie at rev ah

    @Dfish – sa taal yun. tipong penafrancia ng batangas at turumba ng pakil laguna

    naku, bluep, di naman mananalong humor blog ito. hehe…
    salamat sa greetings! nakay Rev.Siopao ang mga regalong pinapaframe.ü gamit namin ang hightech na hightech na camera ni p0kw4ng.

  14. di ko kinaya ang post mo na itoh…. as in di talaga kinaya ng sikmura ko ang post mo.. ngayon pa naman na on diet aketz! hu hu hu this is your fault! kung bakit ako nagugutom ngayon.. i was actually doin ok before reading your posts.. pero… nang dahil sa sinaing na tulingan sa palayok na madalas niluluto ng lola ko nuon tuwing nagbabakasyon ako sa nueva ecija.. at sa peanut brittle at ube jam na lagi kong kinakain tuwing nasa baguio ako ( uhmm which is almost always dahil dun yata ako nakatira bago dito sa buhanginan ahihii) at sa walis tambo na talaga naman namimiss ko dahil walang walis tambo dito hu hu hu… hayssssss… wala lang.. pa-cute lang ahihii

    😀

    sarap ng tulingan, ano?ü sana sa ordination ni Rev, may handang sinaing na tulingan. hehe…
    alam mo, yanah, ka-name mo ang kaisaisa kong pamangkin na babae. Janna naman ang ispelling nung sa kanya. God bless!

  15. pahabol: hindi ko kinakain ang walis tambo.. naisip ko lang na namiss ko pala sya.. hahaha

    ok lang kainin yun. high fiber. nakakalinis ng colon at nakakapagpaseksi. hehe…

  16. sakit sa ulo ng word. haha. tongue-twisting😛

    \m/

    ps.

    malapit na magsara ang aking fishy habitat.😀

    xD

    ay, nahurt ang batang fish…
    konting pa-cute naman kasi kapag nagcocomment
    para walang nababangga, wokey? peace!

    uy, wag mo namang iwan ang blog mo. sayang yun.

  17. Silangnij naman talaga oh! hehe

    ui welcome back! tagal mo! hehe

    salamat, salamat!

  18. kuya Outueil, sorry dika makaagcomment sa page ko. IE ba gamet mo?

    yup, IE ang gamit ko. gumagamit din ako ng
    CY Gabriel Wonder Soap, ang sabon ng mga artista.
    hehe…

  19. wow.. silangnij.. new found word… nkakatuwa… naintriga aku sa title ng blog mu.. ayun naman pala un.. silent night.. ahuhuy.. kmusta naman un??haha.. nice post naman..more more more…hahaha

    siguro may “Shinglobel” din.
    “Shing lo bel… shing lo bel…
    shinglo al zoh vayi…”

  20. Masarap kumain ng sinaing na tulingan (nag-laku ako nyan sa batangas ah), samahan mo ng manggang pahutan habang pinakikinggan ang silangnij. wahhhh, omsik na si ako. PerfecKt ba kamo? parang si ate Vi lang. welkam bak!

    not that perfect, POY (short for PartOfYou). pero para sayo at kay ate Vi na kababayan ko eh sige, pwede na.ü

  21. Aba, nadamay ako dun sa mejorette ah! Hehe…

    Naghinala tuloy ako sa silangnij…. Nang malaman ko na kung anong ibig niyang sabihin naalala ko tuloy way back during my early years in college, meron kaming required reading sa Filipino na isang short story about 2 kids in a slum area na nademolish ang bahay nila on Christmas eve… tapos yung isang bata (na anak ng isang prostitute) may alam na kanta na nagpapawi ng kalungkutan niya: Saylenay.

    Saylenay ang Filipino equivalent ng Silangnij.

    Coolwaterworks

    naku, parekoy, pangMMK yung Saylenay mo. heartwrenching!

  22. welkam bak tbak!

    at tulad ng sinabi ni rev kahit na narinig ko na yang alamat ng silangnij na yan eh di ko pa din mapigilan ang mapautot! at kinanta ko pa talaga!

    siguro nga si Rev eh napurga na kasi twice na niyang narinig ito. hehe…
    Oltogedernaw!

  23. Naks! Saya ng pag liwaliw niyo diyan sa roma ha.! Dapat pala nagdala ka ng iyong mga pamatay naluto para sa mga pulis na eeksena sa inyong trip.

    Kumusta naman yung silangnij. Pantapat sa boom tarat tarat!

    bad trip nga yung pulis kasi bearers of bad news.
    pero as promised, dumating naman ang bag ko.ü

  24. hANep. haha katuwa naman. at napakasaya naman din. ampogi mo bro parang ako lang lol

    again, sa mga commenters ko,
    gayahin nyo po ang mga comments ni Dench.
    mahirap bang magcomment na may words na
    “ampowgi ni utoy” sa message? madali lang, diba?

  25. anukamo? fur coat at high pro? hehe.. parang naalala ko tuloy yung kwento mo kay rev about sa inglesa na hindi alam kung bakit mukhang luma na at bakit pugot pa ang bungo ni john the baptist.

    sus inuto-uto mo pa pala ang mga kasama mo diyan. kaya ka naman pala pinaparusahan ng tadhana at naiiwan kung saan saang bansa ang iyong tampipi.

    majoret: medyo moret, medyo lukaret, medyo retarded.. panalo pa rin ang medyo retarded. (medyo lang ba talaga?)

    BELATED HAPPY 32ND BIRTHDAY, BROTHER UTOY!!

    27th birthday, UM. 27th.
    ilang beses ko ba dapat ulitin ito? hay…

  26. BELATED HAPPY 32ND BIRTHDAY, BROTHER UTOY!!!

    and a Happy New Year!

    isa pa itong si Yabi-loves.
    akala ko ba eh malinaw na ito?
    27 lang ako!
    break na tayo.

  27. natawa naman ako sa word Silangnij – di ko ma intindhan nun una at akala ko word for the day nyo ito. Lols!

    Congrats sa EB!

    Sorry bout your tampipi, sana nakuha nyo na ngyon. Pahamak pla ung FITODA nayan.😀

    nakuha ko na ang bag ko!
    mapapamahagi ko na ang novena to sta.pilomena
    sa mga kaibigan kong muslim sa palengke!

  28. salamat sa pagdaan at pagdagdag sa aking blog sa iyong listahan.

    youre welcome. don’t mention it.

  29. padalaw ulit kalo ko may bago na bro kaso ala pa pala…
    blag hap en awey…!

    hayan ulit ang model comment.
    at syempre galing ulit kay Dench.
    Dapat bumabalik-balik kayo everyday sa blog ko.
    dapat kunyari, di kayo maiihi hanggat wala akong bagong post!
    hehe…

  30. Welcome back and Belated Happy Birthday! Sana by this time e nakuha mo na ang maleta mo at walang nawawala sa mga nilalaman noon.

    Ang advantage nga lang sa pagtira sa France e kahit hindi ka nakaligo nang ilang araw ay hindi ka pa rin maa-out of place. Hehehe 😀 Joke lang.

    That was a beautiful stained glass. By your estimate, ano ang height niyan? I estimate na at least 15 feet long based on your picture.

    True iyong kuwento ng kasama mo tungkol sa Silangnij. It temporarily stopped a war between the Germans and the Allies during World War 1. It’s remarkable that during a moment of extreme violence, men still remembered the significance of that night. Very moving when one really thinks about it.

    Anyway, take care always, Bro. 🙂

    sa picture ko po eh mga isang dangkal lang sya.
    pero sa reality, di ko po maestimate at may kalayuan.
    baka nga po 15 feet.
    yung pong silent night, may movie pa nga po yan eh.
    nakakaiyak pa nga ang message.ü

  31. Welcome back Bro. Utoy. At salamat po sa plugging. Andami mo pala talagang tagahanga at mukhang namiss ka talaga nila🙂.
    Hehe pede rin pala akong mejoret paminsan minsan.

    naku, menard, ako rin lang lahat ng iyan.
    iniiba-iba ko lang ang pangalan.
    para kunyari maraming nagcocomment.

  32. 27th Birthday?! Teka magka-batch ba talaga tayo?😛

    yup, magkabatch tayo.
    accelerated lang ako ng 5 years.
    after grade one eh grade six agad.
    genius kasi ako. humble pa.

  33. andami mong fans dito utoy ah.. pwedeng makijoin??/ hehehe…

    sya nga pala, sana ang picture na lang ni john the baptist ang nilagay mo sa majorette. mas bagay siya sa entry na yun.. bwahaha… nagkakasala na rin ba ako? hehehe

    ingatz!

    kung 1 euro each nga lang ang comment eh nakabili na sana ako ng laptop! hehe…
    di ka naman masyadong nagkasala, jhaynee. slight lang.

  34. kuya utoy masyado mo atang na enjoy ang holidays ah… hehehe…

    paano ba ipronounce yang silangnij na yan kuya? hehe

    pronounce as is.
    yan kasi ang bigkas ng pranses sa silent night.
    parang adik lang. hehe…

  35. bro utoy si jof pla to.

    bago URL natin ah.
    what happened to boomdeyadah?

  36. Welcome back brother!! Nakaktambling sabay split ang FITODA na yan ha, baka kasi nagkakalamangan sa ruta? hmm..

    Isa pa ring tambling sabay split na nakadekwatro tong Silangnij na to, akala ko naman German language…

    Namiss ka namin,, hehehe….

    May isesend ako sa email mo ha, wag kang mabigbigla.. toinks!

    jorge, wala naman akong natanggap na email eh. hehe…
    excited pa naman akong mabigla.

  37. medy0 matagal ka ding nawala kuya utoy!! and welcam back!! salamat sa mga comments mo sa akin ^^ eheheh!! na miss kita!! wahaha!! tulad ng iba, pinagisipan ko din kung ano ang ibig sabihin ng majorette.. wahaha!! di ko nagets eh.. pero ang ibig sabihin pala nun ay pang medyo retarded..!! wahahaha!! ang saray tumawa hayz!! at naaliw din talaga ako sa mga pics na pang retarded, di ko alam meron pala nun ^^ anyway, at least pag pumupunta ako dito sa blog mo feeling ko, i really am saved ^^ kakainspire ang iyong stainglass window, nakakalma ng damdamin.. ^_^ o cya balik work na uli ako!

    oo, cindy, nasa blog ko ang kaligtasan!
    kaya humayo kayo at magcomment!
    zum-shigi-shigi-waka-shigi-shuwah!

  38. Huh, “Silangnij?” Ano yun? Pagkain ba yun? Mukhang spicy! Tunog arabo kasi…

    >> kuya utoy talaga o…pagkain palagi ang nasa isip..

    namiss ka namin kuya..

    uy, doc, nasa isip ko rin si God.
    syempre, kasi holy ako. humble pa.
    miss you too, doc!

  39. Mas matalino ka idol utoy. Bilib ako sa mga diskarte mo. Luto mo palang nakakabaliw na. haha

    nakakabaliw? parang pasma lang!
    pero dinga, hanga ako sa academic achievement mo.
    ako kasi, kagwapuhan lang ang puhunan ko.
    kaya naisip ko tuloy, paano kung mabawasan na ang cuteness ko?
    saan na ako pupulutin nyan?
    haaayyy…. nakakalungkot.

  40. bro.pogi wala pa ding update?🙂

    naks, dench. tuwa naman ako.
    may excited magbasa ng post ko.ü

  41. ayownn ang eb nila.. hehe kakainggit naman at sosyalenn sa roma pa heheh..

    hayaan mo, sa next EB, itetext ka namin.
    sa Tacurong, Sultan Kudarat. See you!

  42. lalim…..
    bro. utoy salamas ulet…🙂
    pray mo ako ah…. asust!

    diba, nakakainspire ang posts ko?
    anong sinabi ni Preacher in Jeans dyan! hehe…

  43. what the? hahahaha

    silangnij!!

    panalo..

    baka meron din sila nung sa may bahay.. haha

    sige sige itatanong ko na lang dito? baket majorette?
    ayan hindi spam ang comment ko.. lolololol

    Sa maybahay? hmmm… sandali lang at itatanung ko.
    malay ba natin.

  44. Dumaan lang ako para makikanta ng “Si..hilangnij, O..holinij, Aliskam… alisbrij…”😀

    lakasan natin ang kanta para mataas ang score sa magicsing!

  45. nabasa ko nga yun at napanood ang mga video.. nyo.. saya nyo ah..

    Join Senior Bloggista Campaign.. See http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details🙂

    junior bloggista pa lang ako, 8boT.
    wala pa akong one year sa blogging.
    at 27 pa lang ako. di pa ako senior.

  46. kuya utoy gusto ko basahin slash kantahin kaya lang pano nga ba i-pronounce yan?wahahahaha

    ang kulit!

    ang gwapo mo dun sa mga piktyur ninyo nina pokwang at revsiopao (ganyan talaga ako pag new year…sipsip…wahahaha)

    happy new year, kuya!

    medyo nahalata ko nga eh.
    sumbong kita sa Kuya mo!ü
    happy new year too!
    miss you!

  47. Sikat na sikat ang threesome nyo nila Siopao at Pokwang.😆

    anong sinabi ng mga scandal dyan, diba? hehe…

  48. kuya utoy, i just sent you an email. thanks!🙂

    binasa ko na., joycee syempre, akala ko naman, love letter na.
    disappointed ang kuya mo…

    will try commenting later.ü

  49. It’s my first time here. I really enjoyed reading this one. First time ko narinig yung Silangnij. Haha.. Napakanta rin ako! ^_^

    I also enjoyed reading your Twilight review.
    “Uh!” hehe…
    kaya naman, I added you as Emilayskie: Uh! sa blogroll ko.

  50. Kapatid, finally nakarinig na kami ng balita ulit sa iyo. Kakaiba naman ang iyong experience sa Roma… nakakaasar nga at naiwan ang inyong mga maleta. Ang hirap pa naman ng ganoon… di bale buti na lang at malamig-lamig ngayon dahil winter so siguro naman eh hindi kayo namaho ng husto. Ewwww.

    Nakakatuwa rin at nakita mo ang iyong kaibigan sa pagblo-blog… ako marami sa mga classmates ko noon eh nakita ko sa Facebook… ang galing talaga ng teknolohiya.

    Lahat ng tao eh ayaw mag mukhang tanga at magtanong sa iyo kung ano ang connection ng majorette… kaya ayun, nahalata lalo kaming lahat.

    Maguso kaya ang bagong mong version ng Silent Night next Christmas? Aabangan ko.

    naghihintay na nga lang ako, keith, ng mga major recording labels para sa rights ng kantang ito. hehe…
    God bless!

  51. as in ba un ang literal na pronunciation ng silangnij? hehe pano ba nila pino pronounce hehe… aq pinagtatawanan nila pg nagbabasa ng french words or ng name nila😦 as in tlgang hagikgik sila :((

    tawanan mo rin sila kapag nagpronounce ng english!
    as for names, ang alam kasi nating pronunciation eh american.
    example: André
    american pronunciation: Ann-dreyyyy….
    french pronunciation: Ongdreh.

    isa pa: René
    american pronunciation: Rehneyyy….
    french pronunciation: RRRRHHHkonih. (R na parang may dahak)

    eh sila, diba ang pronounce nila ng honey eh nakakatawa rin?

  52. nahirapan ako kung saang part magcomment..halohalo ang topic….buti napigil mong di tumawa sa harap ng puti mong kasamahan kung ako nun humagalpak na ako sa tawa..

    wag kang mahirapan, islander!
    kaya mo yan!
    Go, go, go!

    ayokong tawanan ang english nila
    kasi baka tawanan nila ang french ko.

  53. happy birthday ^^ ahihih late si bonifacio! toinks!! 27? hmmm. sige ok lang yan.

    yup, lumalabas na mas matanda ka pa sa akin ng 2 years kaya dapat eh Manong Boni ang tawag ko sayo. hehe…

  54. bro! ang dami mong fans! winner si geisha sa lahat! hehe! kamustahin mo yun, bro, kasi nilalagnat.

    matagal lang akong magpost kaya naipon ang comments.ü sige, dalaw ako kay Geish.

  55. pansin ko nga kuya utoy na walang nagtanong kung bat ganun ang title. gusto ko sanang itanong pero di ko tinuloy kasi maiiba yung comment kodun sa previous post. hehe. anyways, sana na-enjoy mo yung “27th (plus 10)” beerday mo at yung “wild and scandalous” 3some with pokw4ng at revsiopao. cheers!

    aliw ako dito: “Si..hilangnij, O..holinij, Aliskam… alisbrij…” pano nga iponounce kuya utoy? hehe. god bless!

    ganyan mismo ang pronounce. pilit kasi nilang kinakanta ang english version eh meron naman silang french version na Sainte Nuit.ü
    27 lang talaga ako. hanggang kelan ko ba ipapaliwanag sa inyo?

  56. twag nla sa akin ‘o-ne’ at apelyedo ko ‘eyes’ na may ‘r’ like ‘rise’ hehe mnsan mister or misis aq sa knila at nver ‘miss’. may student aq ‘panis’ ang last name.
    ang wlang ‘h’ nilalagyan nila ang meron nwawala like ‘my usban is in the aws’ pero super sweet ang mga french both men and women🙂

    buti nga ganun lang ang pagmurder sa name mo. ang ngalan ko, may bastos na meaning pa! hehe…
    as for H, while merong H sa alphabet nila, it does not exist in french pronunciation, save for a few rare words.

  57. kuya, paano yung pronounce as is… di ko pa rin nagets… hehe! hirap naman niyan… pwede naman kcng silent night nalang di ba? harhar!

    silent night talaga yan, yhen. di lang talaga nila ma-pronounce ng tama kaya naging silangnij ang tunog. they have their own french version: Sainte Nuit (Sangh-t(uh) Nwi ang pronounce).

  58. Pasensya na po at ngayon lang nakadaan…bisi-bisihan kasi ang “beauty” ko sa nakaraang holidays e . Hirap talagang mag- domestic diva! Hehehe

    Anyway, sobrang natuwa ako at nakapasyal ka pala sa Roma at naaliw din ako sa mga kakaibang “majorette” pictures na iyong nilathala.

    Silangnij? Di kaya mga ka-“pederasyon” ang mga itish kaya ganyan mag-pronounce?😉

    Oops, bago ko makalimutan… belated haberdey, Bro! Capricorn ka rin pala – kaya pala di tayo nagkakalayo ng “wavelength”! Take care and God bless!

    ganyan lang talaga silang magpronounce dito ng mga english words. examples pa: boyskut for boy scout, Kaw for K.O. meaning pagod na pagod (“Je suis KO” – mamamatay na ako sa pagod).ü

    yup, capricorns! mga gwapo at magaganda, at syempre matatalino at talented!ü
    God bless too!

  59. sa alemanya naman -stille nacht😀

    sa french naman, Saint Nuit pero di talaga ako makamove on sa Silangnij! ipilit ba raw ipronounce ang english words into french. hehe…
    yang “Stille Nacht”, itinuro sa amin yan ni Fr. De Mesa, OP sa UST, kasama ng “O Tannenbaum” (O Christmas tree).ü

  60. heller! kumusta na brother utoy. na-miss ka namin sa blogosphere huh? ang tagal mo din nag-hibernate.🙂

    advance happy chinese new year sa iyo! ^_^

    salamat, snow! wow, may naka-miss sa akin! happy chinese new year din!

  61. I see you’ve received quite a number of responses to this post… The stained glass windows (I assume in Grenoble, France, from what I understood in the text of your article…If so, I shouid note that the Basilians, the Order I belong to, was founded in Annonay, a small town not far from Grenoble in the Ardèche region of France) are beautiful. Happy New Year to you, too and I’m glad you enjoyed your vacation in Rome. Thanks for commenting on my blog. I didn’t know that there was a Church of the Canadian Martyrs in Rome, or that it was named for the ‘Canadian Martyrs’ (Usually, outside of Canada- or maybe just in the United States- they are referred to as the ‘North American Martyrs’). I find this interesting, considering five of the eight Jesuits dies on what is now Canadian soil. Three, including both donnés- non-ordained members- died near modern-day Auriesville, New York.

    I’m currently working on a post on Blessed Pier Giorgio Frassati (1901-1925), a native of Turin and the patron of our Basilian Scholasticate in Toronto, ON, where God-willing I’ll be moving to in August after my first profession. There are also seven other Frassati houses in Canada, mostly for young Catholic lay men.

    Anyway, I’ll keep coming back to your blog. Thanks again and may God bless you!

    Warren

    another trivia for you, Warren. Our founder, St. Peter Julian Eymard had as his novice master Pére Guiges, who later became the the first bishop of Ottawa.ü
    I’m so sorry if i rarely write in English nowadays. But I’d be certain to give you a heads up if i’ve got an English post. God bless!

  62. OMG isa ka rin pa lang sikat, mas malaki pa ang comment corner kesa sa entry. galing….

    nakakatawa naman ung “silangnij” nakakapagpatigil ng gera…. hehehe…

    ingatz sir…

    yang mga comments? basahin mo at mga reklamo lang yan tungkol sa post ko. hehe…

    salamat sa pag-daan! uy, pashare naman ng pasalubong pagbalik ni “special someone”.ü hehe…

  63. ahhhhh… hahaha! yun pala yun… nahirapan ako dun ah… nu ba yan… tagal kasi magprocess ng utak ko.. kelangan ko na atang magpalit to pentium 4… hahha!

    ok lang yan, kahit ako rin, nagrambulan muna ang braincells ko bago ako naunawaan ang silangnij. hehe…

  64. brotherutoy, natapos ko rin ang back(b)logs ko sa yo at eto, dahil sa yo, para akong mejoret — naluluha (masakit ang tyan) sa katatawa. Wala bang audio version ang “silennij”? thanks for brightening up my day!

  65. “silangnij” pala! (can’t spell “french” haha)

    naku, hindi french yun, tin. english word yun na french ang pronounce.ü
    God bless!

  66. sensya na ngayon lang nakadalaw ulit…. ahaha… silangnij…. natawa naman ako sobra..

    grabe ang dami ngang nagmamahal sa’yo…. uminit yung bola ng mouse ko kakascroll down… bago ko pa marating ang comment section umuusok na siya… hehe…

    ano nakuha mo na ba yung jojorant mo? what a word… cheers;p-glesy the great

    yup, nakuha ko ang jojorant ko. hehe… thanks for dropping by, gless! God bless! (hmmm… rhyme!)

  67. basta nabasa ko na ang mga trip niyo!
    inggit ako!
    gusto ko rin pumunta ng roma!
    hayyyy!

    punta ka na dito, dali! hingi ka ng pamasahe kay revsiops, mapera yun. hehe…
    God bless!

  68. padaan lang po

    hahaha…natawa po ako sa “Silangnij” ..at kinanta ko rin sha habang nakatingin sa kin ung kasambahay namin at nagtataka siguro sya kung anong pinagsasabi ko habang tumatawa mag isa…
    (siguro iniisip nya majorette na rin ako )hehehe

    at gusto ko po yang stain glass wendu mo na yan..pwede bang gawing front door
    yan?..hehehe

    salamat sa pag-backread, chicksykat! God bless!

  69. […] of my brother seminarian is also in Rome studying for priesthood. While the other is in France having his pastoral exposure, some are newly ordained, and are living the secular life. Therefore I think our capability which […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: