Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman

Nalalapit na ang paghuhukom sa blogroll ko.  Tatanggalin ko na ang mga tila yumao na’t di na muling magpaparamdam.  Gayunpaman, ako’y may iaalok na kaligtasan (you: may ganun?!!).  Ang sinomang magcomment sa post na ito ay mananatili sa blogroll ko, no questions asked.  So magcomment ka na kahit wala ka pang nababasa tutal, katulad nga ng sabi sa title, ito ay “Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pag-aksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman.”

* * * * *

ang totoo eh wala akong kahilig-hilig sa tag.  Gayunpaman, di ko mahindian ang alindog requests nina byutipul Heleyna at ni cutie Eloiski na patusin ang tag na ito na pinamagatang Ten Random Things About Me.   Ang gusto pa nga nila eh magpost ako ng candid picture ko dito (isa ring tag yun) pero I care for my readers.  Ayokong may masamang mangyari sa inyo kapag nakita nyo ng hitsura ko tulad ng bangungot, empatso, pasma o pagkawala ng ganang kumain (wag naman sanang mangyari sa akin ito, Lord!).   Kung di ka interesado sa kabagut-bagot na buhay ni Kuya Utoy  eh dumeretso ka na sa comment portion and assure yourself of a place in my blogroll, pero kung likas kang tsismosa eh stay around and read.  Mahaba ito so humanda ka.

Ten Random Things About Me…   Game.

1.  Education: Nag-aral ako ng rocket science at brain surgery.

Ang totoo nyan eh bago ako nagseminarista eh nagtrabaho muna ako as chemist sa San Miguel Beer.   BSChem ang tinapos ko at boardpasser din.  Pagkalipas ng ilang taon, heto’t nag-aaral ako ng Masters in Systematic Theology sa isang diocesan theological school dyan sa Kalakhang Maynila.  Sayang lang na pinagtiyagaan kong imemorize ang Kreb’s Citric Acid Cycle at ang mnemonics ng periodic table gayung ang kababagsakan ko pala eh pagkalikot sa Trinitarian principles at Soteriological  musings ng mga second and third century Christian theologians.

2. Heritage:  Nanay ko si Angelina Jolie pero hindi si Bradd Pit ang ama.

Ulila na ako sa magulang.  common knowledge na ito.  Ipinanganak ako sa pamilya na may lahing public school teachers.  Kaya siguro ako maputi eh dahil ipinaglihi ako ng nanay ko sa eraser na di pa naipapagpag sa pader sa labas ng classroom.   at siguro dahil na rin sa madalas kong paggamit ng Doctor Kauffman Medicated Sulfur Soap with Zinc Oxide dahil pakiramdam ko eh an-an lang (or ap-ap sa bisaya) ang tunay na dahilan ng kung bakit mukha akong mapusyaw.

3.  Health:  Meron akong Adamantium Claws at Ability to Self-Regenerate.

Medyo kuba ako noong bata ako, parang si Quasimodo lang.   Ginawa na ng nanay ko ang lahat upang matuwid ang likod ko:  pinag-aral ako ng Karate tuwing bakasyon, ini-enroll sa piano lessons, nilagyan ng ruler ang likod ko, pina-accupuncture once sa Maynila.  Pero kapag nakita mo ako sa personal, kurkubado pa rin ako.  Epekto siguro ito ng hika ko noong bata pa ako.  Atsaka kasi, hiyang hiya kasi ako sa kagwapuhan ko.  Di ko carry.

4. Economic Value:  Mamanahin ko ang isang Rancho ni Danding C. sa Australia.

Wala akong pera.  Bilang isang seminarian na may vow of poverty, di ako maaaring magkaroon ng bank accont.   Di rin ako pwedeng kumita para sa personal kong ikayayaman.  Eh, kung pwede nga sana eh noon ko pa nilagyan ng PayPal ang blog na ito at nanghingi na ako ng pera kung kani-kanino.  At kung may kikitain man ako sa mga talks, seminars, mall tours, etc., eh isinu-surrender ko ang mga iyon sa superior ko.  Wala rin akong mamanahin pag nagkataon dahil on the day of my ordination, I will sign a will renouncing all my material inheritance.  Kunsabagay, wala naman talaga akong mamanahin dahil mahirap lang ang pamilya namin.  Tanging pangalan, pinag-aralan at ang aking drop-dead gorgeous looks lang ang maituturing kong pamana sa akin ng aking mga magulang.  Sapat na yun, diba.

5.  Letters:  Isa akong Ghostwriter ni Bob Ong.

Ang totoo eh ghostwriter ako ng dalawang pari sa Congregation namin.  Legal ito dahil talaga namang abala ang mga paring ito.  Isa pa eh parang Deutero-Isaiah lang yan, may ibang writer pero attributed to Isaiah pa rin.   Nagsusulat ako ng buwan-buwan ng isang newsletter under their names na ako rin ang editor, layout artist at circulations manager.  Substantially compensated naman ako sa unang pari for my works kaya may naisusurrender akong pera every month sa superior ko, meron pa akong gift certificates sa Jollibee every week.  Pero dun sa pangalawang pari eh isang checked na polo lang ang ibinigay sa akin sa buong taon kong pagtatrabaho sa kanya.

6. Showbiz:  Na-expired na ang aking five-movie-contract with Direk Joey Giosengfiao. 

Lumabas ako sa plays noong college hindi dahil gusto ko.  Nahuli kasi ako ng Prof  ko sa Filipino na kumakanta ng pabulong sa sulok ng Natural History Museum ng Uste.  Malay ko bang may kasama pala ako dun sa section ng mga extinct na ibon sa museum?   Nagkataon naman na tagilid ako sa subject na ito dahil di ako nagsasubmit ng projects, bihira ko pang pasukan ang klase nya.  Sinabihan nya ako na kung gusto kong pumasa eh sumama ako sa play kung saan artista rin sya.  At dahil utu-uto ako at kaladkarin (at syempre takot bumagsak) eh sumama naman ako.  I did  full-length plays like “Ambon, Ulan, Baha” and “Mariang Makiling sa Maynila.”  Pero ni singko eh wala akong ganansya sa ticket sales.  Pero wag ka, Uno ang grade ko sa Filipino.

Sa seminaryo naman, nakasama ako sa launching ng Musical Album ng aming parokya sa Davao.  Nagrecord ako ng isang kanta.  Naging Recording Artist si Kuya Utoy, mantakin mo yun!  Yun na yata ang pinaka-nakakahiyang bahagi ng buhay ko.  Wala akong sinabihan na may “album” ako.  Buti na lang kamo’t hindi masyadong bumenta yung album ng parokya.  Walang Pangambang Pananalig is still available in cassette tapes and CDs.

7.  Soft Spot:  Bigla akong nanghihina kapag may inilapit sa akin na Kryptonite.

Ang Achilles heel ko eh ito:

  • Nagaraya, Grower’s, Dingdong Mix Nuts, Boy Bawang, Nova
  • Bulag at matatandang babaeng namamalimos sa daan
  • Authentic Japanese restaurants
  • Extreme Magic-seng
  • Museums
  • Stain Glass Windows (halata ba?)
  • Cartoons, lalo na ang mga movies ng Pixar
  • Comicbooks

8. Fears:  I see dead people!

Mahina ang loob ko sa mga sumusunod:

  • Makasakit ng kapwa.  Ayoko na may masasaktan akong tao.  Phobia ko ito.  Takot akong humawak ng new-born babies kasi baka mabali ang leeg nila.  Ilag akong magmaneho sa palengke o sa tapat ng school dahil baka may mabangga ako.  Kapag may mga delikadong bagay na gagawin, inaako ko na lang kesa ipasa sa iba, kasi takot ko na lang na may mangyari sa kanilang di maganda.
  • sa mga sumisingaw na gasul.
  • sa mga Slasher Movies.  Ayoko ng mga sineng pinagbibidahan ng mga eengot-engot na kabataan tapos hahabulin sila ng isang serial killer sa loob ng bahay na walang ilaw pero punung-pono ng mga matatalim at matutulis na bagay.
  • sa mababang grades.

9. Death wish:  Gusto kong ipagpatayo ako ng rebulto ko sa mismong harap ng public school na ipinangalan sa akin.

Brother Utoy Memorial High School.  Hhmmm…. Pwede! 

Pero seriously.  gusto ko kapag namatay ako, I will be remembered for three things:  as a priest, as a teacher and as a poet.   Kaya naman pinagtatrabahuhan ko yang maigi.  Yung priest part, medyo nangangalahati na ako.  Yung teacher part, siguro hangga’t maganda ang grades ko sa Theo eh posible ito.  Isa pa eh mukhang pagiging formator din lang ang kababagsakan ko sa congregation namin.  Parang teacher na rin yun.  Yung poet part, hmmm…  Ewan ko lang.  I was a member of the Thomasian Writers Guild noong 19-kopong-kopong, writing poems in obscure Batangan dialect.  Mga journalists at published authors na ang mga kasabayan ko.  Samantalang ako eh eto, amateur blogger lang at napakadalang pang magsulat ng seryoso.  The last major work I wrote was a 45-minute musical play on the Book of Job which we presented as a class project to our professor in Prophets.  Compose-compose ang Kuya Utoy ninyo sa ngalan ng good grades.  Ang hirap kasi musical nga so dapat rhyming ang lyrics at syempre, dapat intact at clear ang theology within.  Ansama ng loob ko nung makatanggap ako ng 1.75 sa subject na ito.  Kasing grade ko lang yung umakting as puppeteer ng Hand of God sa stage.  Di kasi alam ng prof ko na ako ang sumulat.  Heniwey…

10.  Spirituality:  May sa demonyo talaga ako.  Di nyo lang nakikita kasi mga banal na santo kayo.

Honestly, wala akong devotions.  Yup, I pray to St. Therese, I did a novena once for Pope John Paul II, sumasabay ako sa Perpetual Help kung minsan, patron saint ko as novice si St. Alphonsus Lighouri.  Pero sa totoo lang, iisa lang ang pinagtutuunan ng mga dasal ko.  Yun eh ang Santo Sakramento.  Kumpleto ang araw ko kung nakakapagparticipate ako sa Misa.  Ang adoration chapel ang madalas kong tambayan kapag gusto kong manahimik.  Kaya hindi naman nakakapagtaka na sumali ako sa congregation na ang buhay ay nakasentro sa Eucharistiya.  Hindi ako banal na tao, malayo na maging santo ako.  Pero kahit na ordinaryo lang akong tao, damang dama ko na sa harap ng Katawan at Dugo ni Hesus, pinili niya ako upang mahalin at magmahal ng lubos.  Wala sa hulma ng buhay ko o sa hilatsa ng mukha kong gwapo na magpapari ako pero, sa di ko maipaliwanag na dahilan, di ko maisip ang buhay ko na malayo sa paglilingkod sa Kanya.  Di ko maimagine na habang minamahal at pinagpapala ako ng Diyos, eh wala akong gagawin bilang kapalit.  Di kailangan ng Diyos ang tulong ko, makapangyarihan Siya sa lahat, pag-aari niya ang lahat.  Pero walang makakapigil sa akin na magpursiging maging alagad Niya dahil ang buong buhay ko, wala akong nais gawin kundi ang pasalamatan Siya.  Mahal na mahal ko ang bokasyon ko.

* * * * *

Aba nga naman, maghahating gabi na.   Kaya pala emo na ako.  Wala na akong time magpost ng stainglass. Isa pa eh  superhaba na nito.  Nakakatamad nang i-edit.  Anyway… 

Basta, yan na yan.  There you have it, my beloved readers, “Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pag-aksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman.”.  Sana you won’t judge me harshly from what you read here.  Pero kung gusto nyo eh sige lang.  God bless you pa rin, kapatid.  God bless you pa rin.

66 Responses

  1. hi..salamat sa pagdalaw at pag-add sa link. add din kita. impress ako sa yo kase sipag mong magpost at mukhang ang dami mong ka-tropa. saka may signature ang mga sulat mo. tnx

    signature? parang branded lang!
    uy, mga ka-blog. dalawin nyo ang bahay ni ELI for the cool graphics. link in on the blogroll: ELI: Tumbang preso na!

  2. ang haba ng title kaya napabisita ako agad…at comment agad ako natakot ako sa threat mo! heheh

    baka pwede mo i-upload ang iyong music album at gawing background music dito sa blog mo para mapakinggan namin…

    sindakan na ngayon ang laban. hehe… pagod na rin kasi akong dumalaw sa mga blogs na di naman dumadalaw. aba, nasan ang give and take dun?

    i-upload ang music? naku, wag, baka wala nang magbasa ng blog ko. hehe…

  3. hak hak hak hak! takot akong pumasok dati sa site mo baka tamaan ako nang kidlat hahaha kaya lang nabasa ko to at ang number 10 hahaha

    naku, REYNA, ako nga ang tinatamaan ng kidlat dito sa sarili kong site eh. hehe…

  4. i really enjoyed what you wrote! (inulit ko po) haha nakakatawa! pwden syang ikwadro hahaha

    ikakwadro? hmmm… parang cross stitch lang! salamat po sa pagdalaw!

  5. huwag mo akong tanggalin sa blogroll mo, pramis magsusulat pa ako ng maraming blog. Pwede bang i edit mo yan, instead na “the brisket files” eh ilagay mo honeybrisketbabyfat para cute. oki!

    sige na nga. kundi ka lang malakas sa akin eh… missed your posts, kapatid! God bless!

  6. kuya utoy binasa ko po eh, matigas ang ulo ko eh…..sus, nakakapagod…sana naniwala ako dun sa warning sign!..hehehe jokes

    sana naka-enumerate din po kung ano laman ng ref ninyo…hehehe

    tumulo sipon ko habang nagbabasa nito at nakikinig ng music sa blog ni Fr. Jhoen. Si kuya hindi rin namin ma-figure out bakit nasa congregation din siya at nagkaroon pa ngang problem kasi they questioned his decision noong pumasok siya…..isa ako dun! Maraming naghinayang kasi mahirap yung kurso na tinapos nya at ang gastos pa nun. Maraming hindi kumausap sa kanya but eventually naging ok rin lahat…Naiintindihan ko na rin kung bakit kaya pagtinatanong ako ni kuya kung bakit ganito ang buhay na pinili ko….simple lang ang sagot ko ” kasi may kanya kanya tayong road trip sa buhay na tayo lang ang nakakaalam”….isang malaliwalas na ngiti ang sagot ni kuya sa’kin nun

    hug kuya utoy!

    (grabe isang oras ko natapos ang comment na’to)

    sino na kasi si kuya eh… kilala ko tiyak siya kasi Carmelite. sino na, Kamotenista? sige na, galit na ako.

  7. kuya,meron po akong regalo sa inyo…..
    eto oh,,,Nagaraya, Grower’s, Dingdong Mix Nuts, Boy Bawang, Nova…hihihi..

    agree ako sa sinabi ni dakilang islander..upload mo naman kuya dito sa blog yung music album mo para naman malait, ay este, mapuri naming masugid mong mga readers…hehe

    concerned lang ako sa tenga ninyo, Doc. baka kasi dumugo kapag narinig nyo ang sintunado ko. hehe

  8. Kapatid, pasaway ka kahit kailan.

    Kasalukuyan akong nagsusunog (daw) ng kilay dine — as in 3:00 ng umaga — nang maisipan kong dalawin ang bahay mo. E hano pa nga ba… banatan ba naman ng ganung titulo e ‘di lalong nabuhay ang dugo kong tsismoso curious at binasa ang kabuuan ng “walang kakwenta-kwentang post na ito.

    Linchak! Ang haba! Napagod ako Utoy pwamis.

    But a few things kapatid: {serious na daw}. Dahil dito…
    1. Mas lalo kitang nakilala.
    2. Mas lalo kitang hinangaaan.
    3. Mas lalong tumaas ang respeto ko sa ‘yo.

    O HA? Hanef ba sa banat? Todo na ‘to!!!

    Subukan mo lang tanggalin ako sa blogroll mo!
    Tandaan mo lang!
    Hindi naman ako nananakot… hindi talaga….
    Subukan mo lang!

    O siya, back to feyfer works here. Kapoy na!!

    Gusto mo boy bawang?
    .
    .
    .
    E ‘di bili ka! Belat!

    ayusin mo ang pagkakasunog ng kilay mo para pantay.

    salamat naman sa “a few things” na may number pa talaga. touched naman ako dun. as in very “linear.” bwahaha!!!!

    magkaka-boy bawang din ako. pagdaan ko sa Paris sa katapusan, sasaglit talaga ako sa rue du Victor Hugo. mamamakyaw ako ng chichiria!

  9. hindi ko madistinguish yung totoo at biro sa #’s1-9 pero yung sa number 10 damang dama ko ang kabanalan mo.

    talaga, bro, may kabanalan ako?
    {{**nagpipilit mag-blush pero di magawa**}$
    bro, yung naka-highlight ng yellow, totoo po yun.
    pero yun pong ordinaryo lang, MAS totoo po yun.
    God bless po!

  10. Parang pang Utoy’s Wickedpedia! Beautifully, intelligently wacky ka talaga Brother Utoy!

    wow, intelligently wacky ako? salamat, Dfish!üüü

    uhhmmm… ano pala yung wacky?

  11. oops.. dalaw nako..haha.. comment nadin.. salamat po bro.utoy at naliligaw ka kahit pano sa bahay ko..ahaha..nkpagcomment ka na kay joyce??

    at anong meron sa PIXAR movies na nkakaapekto sayo???hehe

    anong meron?
    meron silang Nemo, Wall-e, les Incroyables, Buzz Lightyear at iba pa…ü

  12. wahahaha…alam mo bat ako natatawa kuya? di nemen kasi ako ang nag-tag sayo nyan eh..wahaha. Pero okay na rin at least sumikat for a day. Yung tag kong pic wag mo na gawin, nakita na kita lahat ng anggulo. Walang pagsidlan sa kagwapuhan..oha! {Syempre forever mainstay na ko sa blogroll nyan devah?}

    Tawa naman ako dito sa 10 random things mo..kinopy paste ko nga babasahin ko ulet mamaya. Naks BS Chem-lupet mo kuya. Hanggang ngayon di ko pa rin memorize ang kreb cycle! Pareho tayo sa number 10 kuya. Lagi din ako sa adoration chapel ng school namen. {maniwala kayo please}

    *mwah*

    ni-tag mo ako sa candid pictures pero diba nakibargain ako na yung ten things about me na lang ang sasagutan ko?ü sabi ko pa nga eh ano… teka, cencored yun. wag na lang.
    tambay ka rin pala sa adoration. bakit hindi tayo nagkita dun. Kung nagkataon sana eh…

    God bless!

  13. matigas din ang ulo ko so eto at nabasa ko na sya!! ehehe! kamusta naman ang facts about yourself! nakakaaliw siya basahin! sana nga magkaroon ng statue na nakapangalan sayo na nakalagay sa tapat ng iyong school ba iyon? ehehe! at aba mukhang maganda ang boses ng kuya utoy ko ah! sample naman dyan ^^ sana ikaw na magkasal sa amin ni soulmate sa simbahan ^^

    salamat, cindy. ang haba nun, pinagtiyagaan mo.ü
    three years pa ako magiging pari. makakahintay pa ba kayo ni soulmate nun?
    God bless!

  14. Brother Utoy! Tomasino ka? Apir! Anong batch mo? ‘Yung Museum ba na sinasabi mo eh ‘yung nasa Main Building? Haha pumupunta lang kasi ako dun kapag gusto kong magpalamig. *LOLz*

    1997 ako grumadweyt. pero dahil 27 pa lang ako ngayon eh bibig sabihin eh 15 anyos pa lang ako nun.
    tambayan ko rin nun ang periodicals section ng central library. aircon! hehe…

  15. naks… talagang napakadetalyado ng mga bagay bagay sa buhay mo… pero in fairness kuya utoy ang layo nga ng BS sa MS degree mo…

    ako balak kong mag MD, marriage degree… hehe!😉

    basta ba hindi PhD: PangHabangbuhay Dalaga! hehe…
    God bless!

  16. bro utoy minemorize ko din ang periodic table nung bata ako pero di ko din nagamit kasi sa insurance ako napadpad. anyhoo, glad to know bits and pieces about you. mabuhay ka!

    kaya nga tama yung sabi nila na di lahat ng matututunan natin sa school eh useful. pero at least, natuto tayong maging patient.ü God bless!

  17. Mahilig din ako sa Boy Bawang. Ang problema nga lang e kailangang palipasin ko muna ang isang buwan bago ako puwedeng makipag-halikan uli. 😀 Mahilig din ako sa mga authentic na Japanese restaurants. I consider Japanese food as one of the healthiest dishes around.

    Ayoko rin ng slasher movies. I watch movies to be entertained and to be educated/informed at a certain level. Ayoko manood ng mga pelikulang ang tanging layunin ay bigyan ako ng massive na atake de corazon.

    Saludo ako sa iyo at sa naging desisyon mong gawin sa iyong buhay. The world needs more people like you. God bless. 🙂

    valid reason naman po yun to say no to Boy Bawang.ü
    The world needs me po? naku, I need the world more than it needs me.ü
    God bless din po!

  18. salamat sa pag add at pagdalaw sa aking blog! agree ako, kailangan din nating suklian ng pagmamahal ang kabutihang binibigay sa atin ng Diyos. God bless you brotherutoy🙂

    salamat, salamat!
    sa mga readers ko ng comments (meron kasi dyan, comments lang ang binabasa),
    dalawin nyo po ang bahay-blog ni sandi.
    inspiring ang words ng blogger na ito.ü

  19. excuse me??!!

    hindi naman kita naging ex-boypren so bakit mo sinasabing may adamantium claws ka diyan.. iisa lang ang wolverine. at may anak kami. so ikaw nga siya, matagal tagal ka na ring hindi nagpapadala ng child support.

    brother utoy madali ka palang iligaw. magiiwan lang ako ng trail ng nagaraya, boy bawang at nova. so pupulutin mo yon isa-isa, diba? hanggang sa makarating ka sa isang bakanteng bahay na walang ilaw at madaming patalim… at pwedeng pwede ka nang gawing pulutan ni madam auring. hehe

    bakit, si jean grey ka ba? (in tagalog, Juana Abuhin)
    naku, UM, nalimutan ko na yung name ng superheroine mo!
    naalala ko, yun ang mga first posts mo na nabasa ko.

    infernes, kinakain ko nga ang napupulot kong nagaraya. hehe…

  20. rondo alla turca ni mozart

    nagbabasa ng isang walang kakwenta kwentang post ng isang chemist-rocket scientist-brain surgeon.

    aaaahhhhhhhhhh!

    huwag kang mataranta, roni! ok lang yan. hehe…

    uhhhmmm… sino pala si Mozart?

  21. ano ba yan? kaninang umaga wala pang comments dito nung sinabi ko sa sarili ko na babalikan na lang kita kasi wala naman kwentang entry ito. pagbalik ko amo na ni kalaba ang mga comments…. sus ah!

    hindi na dapat ako mag-aaksaya ng panahon para magcomment dito kasi nga sabi mo walang kwenta kaso nung nagscroll down ako, nakita ko napakahaba! tapos habang nagsoscroll ako, ilang beses ko nakita ang word na GWAPO.

    “Atsaka kasi, hiyang hiya kasi ako sa kagwapuhan ko. Di ko carry.”

    “Tanging pangalan, pinag-aralan at ang aking drop-dead gorgeous looks lang ang maituturing kong pamana sa akin ng aking mga magulang. ”

    “Wala sa hulma ng buhay ko o sa hilatsa ng mukha kong gwapo na magpapari ako….”

    grabe…. di ko talaga sya binasa….

    Bro, ginatamad ko magtagalog so ma-ilonggo lang ko ha? kaintyende ka man. seryusli (hipos! ilonggo man ang speling!), hidlaw ka na sa Pinas no kay emo ka subong. sa tanan nga bagay nga gingsulat mo diri, nagtaas lang pagrespeto ko sa imo. Subong ko lang narealize through diri sa entry mo nga gifted ka gid ya. indi kilanlan maging manggaranon para hambalon nga successful ka sa kabuhi. akon gid ginabiliban (kung kaintyende ka man sina) sa imo kay survivor ka. survivor nga wala gakalumos sa pagtilaw sang kabuhi.

    wala gid dapat sang may majudge harshly sa imo… you know why? lantawa bala liwat ang gingsulat mo about yourself…. ang mga bagay nga gingsulat mo indi maobra sang halos kadamuan nga tawo. sa tuod lang, gasmile ko sang tanan nga nabasahan ko diri kay jutay lang kamo nga mga mabakod ang makasarang kag mangisog magpili sang ginatawag nga road less traveled.

    te, lagaw ko to anay sa mansion ni bluepanjeet, rev. siops kag DFish… hidlaw man ko sa ila eh….

    halong pirmi!

    PS.
    naniniwala nga ako na ikaw sumulat nito…. hindi talaga nakawala ang pagkain eh….

    balinguyngoy naman ang inabot ko sa comment mo. ten years ago pa ako huling nag-ilonggo, uy! hehe… pero naintindihan ko naman. salamat, salamat!üüü
    as for the GWAPO part,
    very subtle nga ako eh.
    ikaw nga lang ang nakahalata.
    siguro ikaw rin lang ang nagbasa ng buong post. hehe…

  22. ayos brader.🙂 parang summarization na to ng layp mo a🙂 pano ba yan, inilabas mo brader ang iyong weakness…. *want nagaraya?*😀

    uuhhh….
    nanghihina ako…
    nagaraya…
    gusto ko ng nagaraya….

  23. Nag BSChem ka pala? Balak ko sana noon na kumuha ng Chemistry degree pero I changed my mind.
    Peborit ko din pala ang nova at nagaraya,sobrang sarap diba?

    buti nagbago ang isip mo kasi waste of time.ü ano pala course mo ngayon?
    gusto kong nagaraya, yung plain lang (butter flavor ba yun?). sarap!

  24. Daming comments ah, daming natakot…

    Unang una kapatid, hindi ako nagcomment dahil takot akong matanggal sa blogroll mo… Kahit wala ako dyan, babalik at babalik ako at magkokomento kung kinakailangan. At isa pa, wala naman kasing referrals galing sa bahay mo eh…. Meaning hindi napapansin ang address ng bahay ko dyan sa listahan mo…. (may ganun, sourgraping kaagad… hehehe… joke joke joke…)

    Seriously, I wouldn’t dismiss this post as useless…🙂 Most people share a slightly superficial and impersonal relationship in cyberspace by assuming a different persona. But time and again in most of your posts you reveal bits and pieces of your personal life. And psychology says it leaves an endearing imprint to a writer’s readers, which is important to help the readers relate to your ideas more…

    And yes, wala nga yung trademark stained glasses mo…🙂

    Di ko maimagine na habang minamahal at pinagpapala ako ng Diyos, eh wala akong gagawin bilang kapalit. Di kailangan ng Diyos ang tulong ko, makapangyarihan Siya sa lahat, pag-aari niya ang lahat. Pero walang makakapigil sa akin na magpursiging maging alagad Niya dahil ang buong buhay ko, wala akong nais gawin kundi ang pasalamatan Siya. Mahal na mahal ko ang bokasyon ko.

    I honor you for declaring this. May you always be consumed by your love for God and may it fuel you to continue with your noble vocation…

    Coolwaterworks

    kapag ikaw na ang nagcocomment, nagkakamigraine ako kasi napipilitan akong i-jumpstart ang dispalinghado kong utak.ü

    uy, pinalitan ko na yung name mo sa blogroll:
    CWW: the Naked Photographer
    tingnan lang natin kung maresist pa nila yan. hehe…

  25. har, har, har…..di ako ako nakahinga sa post mo, hehehe!

    Hay naku kapatid, full of humor ka talaga kahit kailan. You can make thing seriouly done pero may sense of humor pa rin na ksama.

    Thank you for sharing huh! Keep thae mission & laughter in your heart. God be with you & I will keep you in my prayers!

    naku, seryoso ako nyan, King.
    Maniwala ka. Please.
    hehe…

  26. nagcoment aq! nagkoment aq! nagkoment aq! boses mo pla un brader? hmmm! tsaka bat aq anak ng pablik titser din pero maitim?! bka nman sa mismong eraser aq pinaglihi hehehe.. ayan ha nagkoment aq!!!!!

    at least, hindi sa blackboard.ü

    teka, bakit pala blackboard yun eh kulay green?
    at least ang whiteboard, tama ang name…

    naku, honey, sa lakas mo sa akin, matatanggal pa ba kita?
    takot ko lang!

  27. ayan o kahit na wala pa kaming hmmternet eh nagsumikap akong makapag basa…

    pero sa totoo lang natakot ako sa pang 10,sobrang seryoso..parang pasado ng pang ambulance…parang mamatay lang,hihihi

    pwesent ako ha…walang tanggalan kundi..hmp..hmpp..hmmp! yun lang..pag tinaggal mo ako..HMPP ka forevah!

    pang last will and testament ba? hehe…
    puyat na kasi ako by that time eh. kung anu-ano nang kademonyohan ang pumapasok sa isip ko.
    welkam bak, imay!!!!!!!!!!!

  28. Bro. Utoy,
    Kinabahan ako sa title ng post mo. Akala ko ibang topic, hehe.
    Ako rin like ko nagaraya!

    Me suggestion lang ako para maiba. Brother Utoy Memorial High School. I-consider ibahin, parang nde maganda initials ng school. Parang, San ka gradweyt? Sa BUMHS, parang BUMs hehe. corny ko no.

    at syempre kaya ako nagcomment, para mapasama ulet sa blogroll mo. :-p

    hindi ba halatang reaction from our Yahoo Groups yung title ko? hehe…
    teka, ano na palang nangyari dun?
    biglang nanahimik ang lahat ah.
    nagbati na ba? nagpatayan?
    sino nanalo?

  29. pangalawang beses kong nagpapa-pampam dito ahihihihi…

    ***bakit po kaya tinawag na boy bawang ang boy bawang?

    “sa mga sumisingaw na gasul.”
    – hindi naman siguro sumisingaw si gasoline dude kasi pinapahintulutan mo syang tumambay dito ahihiihihi

    *****dati, nuong dating-dati pa talaga.. ayaw ko magbasa dito pati na dun sa siopawan kasi akala ko pang religious pipol lang eh isa akong makasalanan na tunay hehehe pero nung naka sample ako ng isang kakaibang entry na nakakapagpakiliti ng ilong ko, binalik-balikan ko na ang bahay nyo ni revsiopao..ngayon nga lang ako naging aktibo sa pagpapa-pampam..

    naiwento lang naman poh..
    paalam…

    babushki…

    tinawag na boy bawang yun dahil lalaki ang kasarian niya. atsaka di ko maimadyin ang isang babaeng bawang. parang kontra aswang lang.

    si gasoline dude? naku trusted ang caltex na LPG. naks, plugging!
    bayad ko, gasul!

    naku, yanah, ngayong nalaman mo na ang totoo, sana’y di ka mapariwara sa mga posts namin. hehe…

  30. let me be clear to my prev comment, baka ma-misinterpret:

    klung walang kwenta ‘tong post na ito, ayaw ko na mag-blag.

    sa mga ganyang titulo nakaka-intriga ang nilalaman ng isang artikulo (parang hindi sya rhyme). enewe, preho tayo sa sumisingaw na gasul, i can hear them cursing me, kabaliktaran sya nung ref, they play a nice music, tinuninuninuninung.

    naku, di kita mamimisinterpret kasi magkawavelength tayo: parehong praning. hehe…

    takot talaga ako sa sumisingaw na gasul. yan din ang reason kung bakit di ako nagbe-bake sa pinas. para kasing laging sasabog ang oven…

  31. (you: may ganun?!!)>>>>>>hahaha! natawa ako dito. para bigla kong narinig ‘yung Dj ng isang radyo na palaging nagsasabi nun.

    hehehe ayaw mo pang maglagay ng piktyur mo dito eh kalat na kalat ang mukha mo sa bahay ni revsiopao hehehe

    balita ko nga eh yung video ni Revsiopao eh available na sa Cubao kasama ng mga scandals. hehe…

  32. Lol! and daming nag comment.. takutan lang pala ang paraan.. ka enjoy!

    sindakan lang yan, parekoy!

  33. Go nuts with a crunch…

    aba kailangang mag comment … atakut aku matanggal😛

    sana naglagay ka ng bagong pityur para na download ko … para mapalitan ko yun old pityur mo na wall paper ng cp ko…

    joke!!!… niwala naman siya hehehe…

    naniwala talaga ako, Yabi! hehe…

    naku, ikaw pa ang matanggal dito eh nasa immunity list kita.
    (si utoy, may immunity-immunity pang nalalaman)

  34. kasama ba ko na mawawala sa paghuhukom? hehe

    sana hindi.

    may tnong ako bro utoy.

    ano ba ang pagkakaiba ng mga religious men katulad mo na nsa seminaryo at sa monasteryo?

    curious lang. sana sgutin mo ko. hehe

    hindi ko na itatanong kung ano ibg sbhin ng twang-twang-ek-ek na comment mo sa post ko. hehe

    may dalawang uri ng pari: ang religious at diocesan. Ang diocesan ang mga paring karaniwan nating nakikilala. sila’y mag-isang nagpapatakbo ng parokya, man of all trades at kalimitang may mamahaling kotse at cellphone. Ang religious priests naman eh mga paring may three vows of poverty, chastity at obedience. sila ay may community na kinabibilangan so medyo specialized ang bawat isang religious. ang mga nasa monasteryo ay mga monghe, isang tipo ng religious na may tradisyon na nag-uugat pa sa panahon nina Pachomius at Benedict.
    marami pa akong maidadagdag kaya lang eh comment page kasi ito. baka magmukha na rin itong post.ü

  35. Akalain mong sa isang napakahabang post ay nakatambad din ang isang hilera ng napakahahabang komento! Aw! Sa katunayan Bro. Utoy, ang blogroll na ata ang isa sa pinakamahirap i-maintain lalo na kung gusto mo ng maayos na listahan, maaari kasi na yung taong mabura eh magtampo. Gayun pa man, karapatan mo pa rin bilang isang manunulat ang maisaayos ang iyong pitak.

    Ang blog mo ang isa sa mga blog na hitik na hitik sa impormasyon at kwento ng totoong buhay. Saludo ako sa mga entires mo at naiinggit ako (patawad po) dahil napapagbalanse mo pa ang iyong oras sa iyong tungkulin, personal na buhay, at lovelife (aw! hehe!).

    Marami na akong utang sa inyong tatlo nina IFM at Bluep. Kayo ang nasasandalan ko sa panahon na ako’y tuliro. Salamat at naging kaibigan ko kayo.

    Gaya mo, takot din ako sa sumisingaw na LPG, at kahinaan ko rin ang mga namamalimos na matanda sa daan. Ang haba ng post mo… natulala ako hahaha!

    Malapit na tayong mag-isang taon sa pagsusulat, hayaan mong batiin kita ng happy 1st year sa iyong pitak in advance.

    Malayo na ang narating ng iyong pitak, marami ka nang aral na naituro sa iyong mga masugid na taga-basa. Malayo pa ang mararating mo, at marami pang buhay ang mahihipo ng iyong mga limbag.

    Saludo ako…🙂

    oo nga ano? sa march eh happy birthday na ng mahal kong blog. hehe…

    salamat, salamat. sa totoo lang eh nainspired talaga ako sa blog mo kaya naisipan kong magtagalog. di ba halatang nangdekwat lang ako ng writing style sayo? hehe…

    yang comments? ako rin ang mga yan. iniba-iba ko lang ang name para kunyari sikat ako.ü
    God bless!

  36. Matigas ba ang ulo ko dahil binasa ko ito kahet may warning naman nawala itong kwenta?

    Kuya Utooooy! Ito ba ang walang kwenta? Wuu.

    Takot naman ako baka tanggalin mo ko sa blogroll mo. Pero sana naman eh makacomment ka na sa blog ko.

    Salamat for these random things, lalo ka po namen nakikilala. At hanga ako sa #10, quotable pede iforward as text message, nyahahah.

    Godbless you Kuya! *mwah🙂

    pangtextmessage ba? parang green joke lang! hehe…
    mwah rin!ü

  37. bro utoy tulad mo may hika din ako noon pero lumaki naman akong malusog at ikaw lumaking pogi at aktib. oo nga inabangan ko pala yung stained glass. btw tumingin pala ako ng stained glass s church dito sa dubai. kaso walang liwanag di makikita ang kulay kaya di ko na kinuhaan. =)

    baligtad yata, dench. ako ang lumaking (napaka)lusog at ikaw naman ang lumaking pogi at aktib. hehe…

    magandang kunan ang stainglass ng 9-10 ng umaga or 3-4 ng hapon.ü
    God bless!

  38. ang haba brother utoy! hahah ^^ pero binasa ko lahat at sobrang nakakatuwa! lalo na yung kaya ka pala maputi hahah ^^ naisip ko tuloy ako kaya bat maputi? pero hindi naman teacher nanay ko at hindi rin ako gumamit ng dr.kaufman’s soap ^^ anyway ke galing mo talaga! siguro kung nandito ka sa saudi yayaman ka kasi makakagawa ka ng alak at your own tapos ibebenta natin hehe malaking pera yun (joke)…

    di ako nagcomment para di mawala sa blogroll mo.. ok lang pwde monako burahin stagnant naman na ang aking blog.. (asus! me ganun haha)

    ingats! and godbless! subukan mong tanggalin yan!!

    ang hirap maging tisoy ano? it’s unfair. bakit sila may peace of mind samantalang tayo, laging pinagkakaguluhan. what have we done to deserve this kind of fate? what have we done?!!!

  39. Maputi si Bro. Utoy dahil Gumagamit yan ng CY Gabriel at Likas papaya soap.

    I rest my case.

    Hahaha!

    sabi ni revsiopao, lyna daw.
    di nila alam eh libag lang talaga ang puti ko. hehe…

  40. Nakakamangha ka pala utoy. Halos hakut mo na ang isang aspiring HERO. Gawa ka naman ng chemical formula para iwasan na ako ng mga chiks, flies at mosquito. Artista ka ba talaga?! di nga? Kaya pala sa tuwing pumupunta ako sa blog mo parang na eexcite ako. haha.

    *MAPUTI*

    Maghasik ka pa ng Lagim.

    HERO ba? HEROES fan ako dati! di ko na nasusubaybayan ngayon. ang favorite ko dun, yung pulis, si Hiro at syempre, si Sylar. hehe…

  41. Bro Utoy, super natuwa naman ako sa post mo lalo na yung huli re spirituality…tunay nga na yan ang calling mo. Buti na lang at maraming kang naiimpluwensiyahang tao… kahit papaano marami ang napapabuti ang buhay dahil sa iyong pagsusulat.

    feeling ko nga, keith eh bad influence na ako ngayon… salamat pa rin sa pagtitiwala. medyo hindi na family-friendly ang posts ko! God bless!

  42. WOW!! Isang araw lang akong lumaboy, pang 42nd na ang comment ko?!?! Waahhh!!

    Teka, humihingal pa ako sa pagbabasa ng walang kakwentang post na ito {ikaw ang nagsabi nyan} toinks!!

    Magbabalik ako ha… Sandali lang, work mode muna… naku, wala pa akong reply sa email mo, huhuhu…

    haynako, Jorge…
    ewan ko ba’t napakacontroversial ng post na ito.
    para sinabi ko lang na gwapo ako…

  43. ei br. utoy, thanks for the disclosure. may rector is working on his phd on theology. field naman niya anthropology. nag-bo volunteer nga akong umepal sa pag-gawa niya ng documentary sa salubong this year.

    i’d like to be remembered as a priest and a teacher. but more than these, i so desire to be recalled as somebody who loved til the end. yan, may epitaph na ako.🙂

    God bless you.

    wow, gandang epitaph yun. pang-loverboy talaga.ü
    keep being in love with Christ, Donnie! God bless!

  44. binasa ko to.. hanung wlang kwenta ka jan… nyahaha natawa naman ako sa kreb cycle.. kasi once ko ding sinumpa yan nung nag-aaral pa lang ako.. kung buhay lang si hanz kreb siguro namatay ulit siya haha…

    oo nga.. kutis porselana ka… sayang pentel pen na black ata ako pinaglihi.. hehe

    grabe ha self-proclaimed na gwapo… bro. utoy.. pakiss nga.. nyahaha

    pwede pala yun noh? so yung mga nababasa kong newsletter sa inquirer hindi sila yung nagsulat nun… hehehe… ikaw ba? may ghostwriter ka ba ng blog mo?

    sample naman ng boses mo…. grabe ikaw gumawa tapos yun lang… ako nga, nagcontribute lang ako na-icompose ang list ng books of the old testament in the tune of “Meet the Flintstones” ipinagyabang ko na ako ang writer.. wahaha..

    sana matupad yung wish mong maging rock star este makilala as a priest, teacher, saka poet.. mag grafitti ka ng poem mo sa mga sculpture sa pransiya ewan ko lang kung di ka sumikat…

    tumaas ang respeto ko sayo nung nabasa ko yung pang ten… godtrulyrocks;p-glesy the great…

    graffiti poem? hhhmmm… pwede!
    pengeng kopya ng “meet the flintstones” na list ng OT books!
    paano pala sa exams, kumakanta ka ng flintstones?

  45. nakakatawa naman itong post…. but we get to know you

    thanks

  46. aba at nai-plug pa ang blog ko. salamat parekoy.

    anytime, parekoy…

  47. ahh kya pla may mga benedictine monks na tintwag.

    may balak kasi ako mging one of them

    kaso.

    hehe

    thanks bro utoy!

    malay mo, joff. don’t close your doors yet.ü

  48. hala natakot naman daw ako sa araw ng paghuhukom na yan! hahahahahha😀

    very candid and spontaneous! i guess i’ve known bro utoy not as a reverend but as a person na pilyo at katok! lols

    and i love this tag! pwes, since wala akong update for 48 years, am gonna grab this one! hahahahhaha😀

    oo nga pala ano, tag nga pala ito! hehe…
    uy, narinig ko kay Honey, nagkasakit ka raw.
    I hope you’re OK na.
    Pramis sa next na post, may stainglass na.
    God bless!

  49. di q nga rin alam bat blackboard twag dun. un nga una nasagip ng tigang kong utak na bka dun aq pnaglihi kso di nman aq green (pag galit lng)… mkkrenta aq sa blog mo d2 q aq magrrply ng koments mo hehe..
    #1– mlamang mali ka abt sa mga Pranses dhil kng mkkvisit ka ulet wla ng flag ng france nagvivisit sa blog q. tsaka ung mga bmbisita nagkasakit p with nausea and vomit bka after nkita pictures q sa blog hehehe. may viet aq student pro dao tahn an ang name si dominique pranses rin si dominique prevot at pangatlong dominique na ang fren mo na ganon ang sakit nung jan.
    #2 yup plum wicked ay color, ung burnt sienna prang color ng lipstik sa avon hehe dealer ka ba non bro? juk! and yup nag piano lessons aq nun pro na trauma aq sa tatay kong perfectionist.
    #3- ill bet ull be a very popular teacher with female students all around u from preschool to graduate school hehehe
    #4– naku superstitious nga tlga aq but with cases lyk that, i dont see myself as ‘malas’. after d dark ages, i dont beliv in ‘malas’ anymore I ONLY BELIEVE IN MY FAITH, MY GOD and the things I need to do and things I should not do to live life better🙂
    #5— thanks for the inspiring quote from GI Joe– my brothers collect those toys when we were very young out from our very minute and meager baon. We still have the collection. Did u know that last yr hollywood is planning to make a movie this yr out of gi joe? if u remember the little cute boy with danny glover in angels in the outfield, he will play cobra! we got this pics last yr here http://movies.yahoo.com/slideshows/generic/gijoe.html I think they already have the trailer for this yr!

    Teka, sulit ang pag rent q sa blog mo hehehe maxado mhaba na e2.

    Tsaka bat naman natatakot huhuhu di nman aq ganon ka violent yoko nga rin ng mga violent films eh.. babalatan muna nila aq ng buhay bgo nila aq mpapanood ng mga ganon…

    wow, haba nga!ü
    dinalaw ko yung link. sana nasa Pinas na ako pag showing na ang G.I.Joe! gusto ko yun! parang astig!

  50. 27 ka pa lang? Tapos 1997 ka grumadweyt? Teka magkabatch ba tayo? Magkasing-edad lang kasi tayo, pero 2001 ako grumadweyt ng college eh. Kilala mo si Dr. Bernas. Chem prof na Dean namin nun sa College of Science. Hmmm…

    Saka Petron ako! Hindi Caltex! Ahahaha! = P

    ooops, sorry ha. honest mistake yun!

    si Doc.Bernas? She died two years ago of Skin Cancer.
    Sya ang dahilan kung bakit ko memorized ang Kreb Cycle.

    yup, 1997 ako gurmadweyt. at 27 pa lang ako ngayon.
    Wag ka magulo.

  51. tatlong bagay.

    pari. guro. makata.

    pambihira. LOL

  52. Ang “netizens of the word” ay andito na po. Nakiramdam lang po. pastilan ning tagawog sa? but what can you do? it is our national language. ayon po nito…

    Nalalapit na ang paghuhukom sa blogroll ko. Tatanggalin ko na ang mga tila yumao na’t di na muling magpaparamdam. Gayunpaman, ako’y may iaalok na kaligtasan (you: may ganun?!!). Ang sinomang magcomment sa post na ito ay mananatili sa blogroll ko, no questions asked.

    kaya baka puede na itong comment kapalit sa walang hanggang kaligtasan.

    Salamat po!

    Note: kung ang blockquote ay hindi gagana paki edit na lamang po. thanks!

  53. wow naman, mahilig ka pala sa pixar movies🙂 – – – ako ren!!

    ayos sa death wish ah hehehe….isang bayaning hangarin.

    sa totoo lang, napakinteresante palang talaga ni Kuya Utoy…indi lang halata.😆

    *better late than later!🙂 sana naman, na-save ko pa rin yung slot ko jan sa blog roll mo.🙂

    syempre naman, aling baby, may space ka lagi sa blogroll ko.
    Go, aling baby, go!ü

  54. hi napadaan lang po..ganda po nang blog na to..

    salamat, chicksykat!
    sana mag-iwan ka rin ng link para madalaw ko rin ang bahay mo. at sempre, para maadd din kita. God bless!

  55. BErto:

    ola, amigo!

    kami ay mga kaibigan ng isdang si ‘dedpish’

    nandito kami upang mag-promote ng aming mahiwagang blog :

    “Berto and Kiera”

    isang collaborative blog na alay para sa mga bata, matanda, bakla, tomboy, sawi sa pag-ibig, mga butiki, atbp.

    abangan ang pagbubukas nito sa january 28, yep,yep. berdey din yan ni ‘dedpish’

    salamt!😀

    ps.
    pinapasabi ni dedpish kung me balak daw kayo makibasa pa din sa blog nya sa pagsasara ng kanyang malansang blog. iwan nyo na lang ang iyong ma-siopao na email😀

    ciao!

    (:

    Kiera:

    very well said, berto! actually, nagpapansin lang yan haha!

    nais lang namin na makibahagi ka din sa blog namin.
    🙂

    ooohhh… wow! ang mga pinakahahangaan kong karakter sa funny pages ay naririto na! mga kapit-blog, abangan natin ang pagdating ng dynamic duo na ito. pakiramdam ko ay may sasabog na umaatikabong okrayan at asaran sa blog nila. Welkam to blogging world, berto and kiera! mwah!

  56. hwaw.

    ansarap magbasa ngunit nakaktamad magiwan ng comment. dapat ba talagang magiwan ng comment kapag magbabasa? haha

    asteeg.

    lab it! >_<😀

    uy ha, wag mong kalimutan ako sa papadalhan mo ngg latest entries. nag-iwan na ako ng email.
    Long live, dedpish! (parang may mali)

  57. di ko na nga maalala yung complete ot books eh.. bigyan mo ako ng complete list at irerecompose ko para sayo…. tapos gawa ka na lang ng audio dito sa blog mo singing “meet the ot books.. ahaha… cheers;p

    copypaste101@gmail.com

    in case seryoso ka…

    ambait naman ni glesy namin.ü napansin ko, you’re very willing to share your talents, you’re very open to help others. alam mo bang yan ang gift mo, gless?ü
    God bless!

  58. wahahahha!
    kahit pala hindi ako nagcomment dito dahil besi-besihan ako hindi mo ako nialis!
    salamat!

    at isa pang salamat dahil nisagot mo rin ang tag!
    hakhak!
    natatawa ako sa mga 20 facts about you.

    medyo kuba-kuba din ako kasi wala lang kaya ko naman iistreyt kaso ewan ba…

    hindi ako naging part ng play pero part ako ng behind the scene dahil naging screepwriter naman ako!

    wapak1

    bat ala yung picture, ang daya!
    hmp!

    di pwede talaga yung picture eh. nakakapangilabot. baka lalong di makatulog ang mga readers (kung meron man).

    yung tag? ikaw pa eh ang lakas mo sa akin. hekhek
    God bless sa studies!

    btw. isa ka na palang playwright! ako dati, playwrong. hekhek

  59. “Phobia sa sa mababang grades”

    hahaha ganyan din ako haha apir! Allergic ako sa dos!

    “Pero sa totoo lang, iisa lang ang pinagtutuunan ng mga dasal ko. Yun eh ang Santo Sakramento”

    The greatest devotion is the devotion to the blessed sacrament. Kakalungkot na ang iba kung kani kanino santo nagdadasal pero hindi man lang makapag devotion sa Blessed sacrament. Don’t get me wrong. It’s okay to pray to the saints, pero dapat mas priority ang blessed sacrament. You are very holy bro. You are on your way to greatness. Kakaway ka sa akin ha pag sikat na sikat ka na na pari. hehe

    “Ang Achilles heel ko eh ito: Museums, Cartoons, lalo na ang mga movies ng Pixar, Comicbooks. ”

    Pareho tayo LOl. I watch till midnight sa youtube ng mga 80’s cartoon at disney cartoon hehe. Una ko pangarap puntahan pag nagkaroon ako ng Camera is sa national museum at sa san agustin museum sa intramuros. Dayo ka dito sa bahay, dami ko comic books hehe. Minsan gala tayo sa filbars LOL

    aha, laman ka rin ng filbars a. hehe… minsan nga eh silip-silip lang kapag moneylesser (mas matindi pa sa moneyless) ang bro.utoy. pero lahat ng komiks ko eh nasa pamangkin ko na sa bikol.

    as for grades, hehe… apir! umuusok din ang ilong ko sa dos! hehe…

  60. huwaw may gift pala ako.. pansin ko wala akong talent… 23 na ako pero lahat ng talents ko hidden pa rin… di naman ganun kabait, parang masaya lang na irecompose ko ulit yun.. hehe…

    nung exam namin sa salvation history kinakanta ng mga clasmate ko.. sayang nawala na yung notes ko nun… andun yung sunod-sunod na swak sa tono ng meet the flintstones… ahehe… cheers;p-glesy the great

    may mga tao na later in life lang talaga nila narerealize ang gifts nila. it’s never too late to have a hobby! mangarate ka o kaya mag-enroll sa cooking (or kahit bumili lang muna ng cookbook). para mas mataas pa sa piso ang value ng anak ng piso!ü cheers!

  61. andami nang nag-comment, late na ako. Pero worth it ang read na ito. Chemist ka pala. Ang galing naman. Baka may secret stash ka ng fermenting wine dyan ha?

  62. Eye catching ang title kaya napabasa ako…Hehehe…
    Ang dami mo na palang exprience sa work…^_^
    Nakakabilib…^_^

  63. […] Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinu… […]

  64. i tried… 🙂 better late than never… >> krisis sa Dubai pasensiya na…🙂

  65. BSChem? Hanep!

  66. […] Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinu… […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: