“uuhhhmmm… what’s your sign ba?”

Isa sa mga katangian ko bilang isang Capricorn eh wala akong kabilib-bilib sa mga horoscope-horoscope na yan.  Gayunpaman, merong kakaibang appeal para sa akin ang latin names ng zodiac signs sa horoscope.  Exotic na exotic kasi ang dating.   Pero, buti na lang kamo at walang tagalized version ang zodiac signs.  Kung nagkataon eh nakakatawa siguro:  Halimbawa eh ang Sagittarrius (in tagalog, Namamana na Mama), o kaya eh Aquarius (in tagalog, Taga-igib sa Poso).  Instant jologs, diba?

Here’s another example, kunyari sa isang conversation sa isang blind date, gamit ang Tagalized Zodiac Signs.

Girl:  Uhhhmmm… What’s your zodiac sign na nga?  Siguro Lalaking Baka (Taurus) ka, kasi you’re so mabilis ha.  hihihi…

Boy:  Hindi, Kambing sa Kabundukan (Capricon) ang sign ko.  Ikaw, hulaan ko ang sign mo.  You must be a Kilohan (Libra).   Kasi I really want to know how much I weigh in your heart.   hehe…  O kaya, you’re a Kambal (Gemini) kasi you’ve got such a huge pair of… uhhhmmm… dimples.  hehe…

Girl:  Hihihi… You’re so funny talaga!  Akshelly, Birhen (Virgo) ako before.  Pero since I got drunk together with this basketball team last year,  I changed sign na.  Tilapya (Pisces) na ako ngayon.  hihihi…

Boy:   Anak ng Tupa (Aries), ganun?!!!

* * * * *

Pero sa lahat ng signs, parang ang pinakawawa sa opinyon ko eh ang Cancer.   Samantalang ang iba ay may astig na astig na sign tulad ng Leon (Leo) at Alakdan (Scorpio), ang mga kawawang ipinanganak ng June 21 to July 22 eh mga Talangka (Cancer).  Pwede ring Alimango kung gusto nilang medyo mas mamahalin ang dating.  Parang pong-pong-pong-pakitongkitong lang.

Isa pa, isipin mo namang ipangalan ang sign mo sa isang malubhang sakit?   Galing sa iisang rootword, ang sakit na Cancer kasi ay inihalintulad sa mga maliliit na talangka na sumisira sa ating katawan.  (IFM, Mix, haba ng segwey ano? hehe…)  At eto pa, alam nyo bang matagal nang bad news sa buhay ng tao ang Cancer?   Mismong si Rizal eh kilala kung gaano katindi ng sakit na ito noong ilarawan niya ang kalunos-lunos na estado ng Pilipinas bilang isang Kanser ng Lipunan.  Himpakt, sabi dito sa link na ito,  panahon pa ni Mahoma eh may cancer na!  Gayunpaman, magpahanggang ngayon eh marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi aware sa sakit na Cancer at kung ano ang mga sintomas nito.

Eh, ano nga ba ang Signs ng Cancer?

1.  Sudden Weight Loss –  Bagama’t karamihan yata sa taong kilala ko (including me, kasi kilala ko naman ang sarili ko)  eh ipinagdarasal na mangyari sa kanila ito without help of gym, diet o Xenical, aba eh dapat mo pa ring pagdudahan ito.  For all you know, may cancer ka na sa sikmura, lapay, lalaugan o baga kaya.  At ano kamo ang lapay?  I-Google mo, tsong!

2. Lagnat –  hhhmmm… medyo tricky ito pero sabi sa kodigo kong website  (American Cancer Society) eh ito ang pinakamadalas na sintomas ng Cancer.  Kaya kung lagi kang sinisinat, magpatingin ka na.  Ipagdasal mo na rin na sana hindi ito sintomas ng Leukemia o kaya Lymphoma.  Malay mo, may dengue ka lang pala.  At least, diba?

3. Pagkapagod – Ito yung pagkapagod na di lang dulot ng sobrang kasipagan o kaya dahilan ng pagko-commute sa Cubao.  Ito yung pagkahapo na hindi nawawala kahit na nagpahinga na.  Kaya, kung madalas kapag kinakalabit ninyo si Misis o si Mister sa gabi eh “Anoba, pagod ako!” ang kanyang pre-recorded reply eh mabahala ka na.  Baka meron na syang Cancer sa sikmura o sa bituka!  Homaygudnes, wag naman sana!

4. Pananakit ng Katawan – Isa itong karaniwang sign kapag malala na ang isang Cancer.  Madalas ang pagsakit ng isang bahagi ng katawan ay indikasyon kung nasaan ang Cancer:  Masakit lagi ang ulo ng may brain cancer.  Ang may Colon o Ovarian Cancer naman ay laging masakit ang likod.  Madalas namang sumakit sa mga may Testicular Cancer ang kanilang…  you get the idea na naman siguro ano?  Moving on…

5. Pagbabago ng Hitsura ng Balat –  Iba-ibang klase ito.  Maaaring mabago ang kulay ng balat mo tulad ng pangingitim, paninilaw o pamumula.  Hmmmm… kulang na lang eh pangangasul, CYMK na ito!  Ano ng CYMK?  I-Wiki mo, parekoy!  Isang sign din yung abnormal pagbabago ng hitsura at laki ng nunal o kaya’y biglang pagtubo ng buhok sa isang bahagi ng katawan na di naman karaniwang mabuhok, tulad ng gilagid.

6. Bukol –  Kapag may bumukol, kapain mo.  Or better yet, kumunsulta sa duktor.  Maaaring sign ito ng Lymphoma, Breast o Testicular Cancer.  Pero naman, wag kang kakapa ng bukol ng iba lalo na’t di naman for medical purposes.  Bad yun.

7. Pagbabago sa Bathroom Habits –  Napansin mo bang madalas kang may LBM, o kaya’y may constipation o kaya’y hirap kang umihi?  Aba, baka sign yan ng colon at prostate cancer!  Tapos silip-silipin mo rin ang ebs mo once in a while, hindi dahil anal-retentive ka kundi para i-check kung nagbago ba ng laki o kulay ang iyong jerbax.  Sintomas din kasi yun na dapat malaman.

Marami pang ibang sintomas o signs ng Cancer na dapat nating tingnan as early warning signal.  Basta be aware of your body and how it changes.  Be aware of your family’s health condition.  Syempre, be aware of others who have Cancer too.  Ang Cancer ay hindi isang personal na sakit kundi isang problemang pangkomunidad.  Makisangkot ka kung paano mas mauunawaan ng iyong purok o baranggay ang sakit na Cancer.  Halimbawa, kung ikaw ay nasa may Western Visayas region, pwede mong dalawin ang weeklong Exhibit ng Forum Against Cancer though Encouragement and Support (FACS Foundation Inc) sa Robinson’s Mall o sa mga kilalang ospital sa Bacolod at sa buong Negros Occidental.   Dalawin mo ang site ni IFM para mas malaman mo na di kita ginugudtaym lang.

Tandaan, ang January 19 ang simula ng Cancer Awareness Week.  Makisangkot at kumalap ng kaalaman tungkol sa Cancer.  Maaaring ito ang makasagip ng buhay mo o ng mga mahal mo sa buhay.

* * * * *

At syempre, may panahon pa ako para mag-post ng aking Stain Glass Windows of the Day na inaabangan ni Bons, Geish at ni Dench.  Ang mga featured bintana ko for today ay ito:

img_3051

img_3057

Sila ang mga Piéta windows na nakita ko sa loob ng Vatican Museum habang hinahanap pa namin ang daan papuntang Sistine Chapel.  Kahit na lagi akong sinisigawan ng mga guwardya ng “No Photos, No Photos” eh sige pa rin ako ng kuha ng pictures.  Tigas ulo!ü  Ang unang stainglass ay obra ni George Meistermann para sa Chiesa de Sta. Maria a Colomia noong 1945.  Ito ay likha sa monochormatic yellow-green stainglass na nagbigay ng isang matinding Ethos sa mga tumitingin dito.  Kung ano ang Ethos, i-Ask.com mo, bok!   Ang ikalawa naman ay commisioned work ni A. Wendling na medyo mas conventional ang dating, tabas at istilo pero di pa rin ito magpapatalo sa kadramahan.  Ang Piéta ay isa sa mga sikat na tema sa mga sining dahil sa kakaibang challenge nito sa artist sa level ng body proportions and contortions, facial expressions at sa lalim ng emotion na dapa ma-evoke nito.  Alam kong hanggang dito eh naghihintay ka ng patawa.  Well, pasensya ka.

God bless!

62 Responses

  1. Kaya pala tahimik si Utoy, may niluluto….

    sensya na’t delayed si utoy sa comment sa 39th anniv nina Mommy at Daddy mo.ü Happy anniv po! ibig sabihin ba nyan, rev eh 38 years old ka na? hehe…

  2. {nagbabalik… nanigurado lang kanina}

    hanep sa segue kapatid… simulan ba sa tagalized horoscope ang special feature for cancer week?! {anak ng tupa pala ang sa akin. toinks!}

    naku, sana makahabol naman ako sa request ni IFM.

    nalugmok ang lolo mo sa sked at may exam na ako bukas — apocalytic literature pa naman. o ‘di ba, kay gandang buena mano? haaysss…

    tapos, siyempre ang kinarir ko muna sa entry ay ‘yung alay kay inay at itay dahil anniversary nila.

    basta hahabol ako… kahit mag-advertise lang ako ng mga links about the cancer awareness week.

    utoy, {re: #6} ano naman ang sakit nung mga mahilig mangapa ng bukol ng walang paalam?… e kung magpaalam sila sa ‘yo, ok lang?… woi, i need a scientific answer for this ha.

    babay!

    apocalyptic lit? nyaykupow, semiotics! in fairness, panis kay utoy yan.ü

    natuwa naman ako sa blog mo kay nay at tay. talagang walang patawad sa caption!ü teka, kanino ka pala sa kanilang dalawa nagmana ng looks?

    sige, habol ka sa pasinaya ni IFM. gawa na, bilis!ü

  3. akala ko pupurihin mo tayo aka capricorn hehehe. informative, in fairness, bro ha.
    nakakatakot ang cancer. yung sister ko akala nya grabeng migraine at panay ang reseta sa kanyang ng meds for migraine. yun pala may tumor na sa ulo. hay, napakatraidor ng sakit na yan.

    naku, mari, isa itong tag about cancer awareness. medyo pinaikot ko lang konti para tumugma sa balasubas kong blog.ü
    ang ganda nga ng zodiac natin eh: Kambing sa kabundukan!ü

  4. Nyahaha! Natawa ako sa pag-uusap tungkol sa Zodiac Signs. Hindi ko maimagine na isang katulad mo ang makakaisip ng ganyan. Tomasino ka nga. Ahahaha. = P

    syempre, sayang naman yung mga values na natutunan natin sa mga pari at profs sa main building diba. hehe… ano palang course mo, bok?

  5. parang ang panget pala pakinggan ng sign ko sa tagalog…kilohan!! nyahah

    pwede ring timbangan, para less jologs ang dating.ü hehe…

  6. galing mambola ng chikas! panalo yan! hehe

    tablado ka nga lang kung sasagutin ka nung huling linya…

    virgo before! hehehehe….

    masaya nga ang Pilipino eh, mas-interesting!

    hmmm… dapat gumawa na tayo ng Pinoy Horoscope! hehe…
    simulan mo, dotep, at mas witty ka kesa sa akin. dali!

  7. ako scorpio… hahahha! alm mo ba kuya na ang mga scorpio eh malilibog… harhar! pero di po yun totoo…

    si yhen naman, romantic lang at saka passionate.ü

  8. you made my day broutoy! aliw ako sa conve tungkol sa zodiac signs. hehe. at impernes ang lupet ng segue. hehe. never thought ganun kaserious yung topic kasi nga sinimulan mo ng patawa. hehe. haayyy..gusto ko rin sanang magpost ng entry tungkol nga sa cancer awareness month kasi napakiusapan din ako ni IFM. unfortunately di pa ko nakagawa kasi naging busy ako sa Sinulog this weekend. hopefully makagawa ako within this week. or pwede ko na lang sigurong i-copy paste entry na to. hihi. godbless kuya utoy!

    salamat, beero! hanep ba sa segue? sa totoo lang eh di ko talaga alam kung paano gagawa ng Cancer post na ayon sa aking dirt-level standards. hehe…
    God bless you too, beero!

  9. regular check up sa doktor para makaiwas sa kahit anung sakit! proteksyonan ang buhay kung gusto pa nating makapaglingkod/makatulong sa kapwa!🙂

    naku di ko pa nakukuhaan yung stained bintana sa kaisa isahang simbahan dito sa Dubai lagi ko nakakalimutan haha. e kasi naman laging madlim sa pwesto nya kaya di ko napapansin. teka parang ala pa kong nakitang ganyang bintana (first pic) sa mga previous na bintana mo bro? mas maganda ata siya kumpara sa iba. maonti lang kasi ang kulay. pag nakapunta ka ng Barosoain Church sa Malolos magaganda din at malalaki ang bintana nila😉

    favorite ko nga yang window na yan dahil antindi ng dating, linya lang at mga shapes pero parang dama mo ang scene!
    sige, dadalaw ako ng Malolos to see these windows.ü God bless!

  10. OT: napansin ko pang top 10 na ko sa mga commenters mo bro dito sa post na to.. at least nakakaungos na ko pataas haha. wala na ko sa pang 40-80 plus comments lol

    kakatuwa na naman, dench! humabol pa talaga ng hirit.ü madaming nagko-comment kasi bihira lang akong magpost.ü God bless!

  11. Scorpio din ako at lahat ng books about horoscope ay nagsasabi na may taglay na kalibugan na natural ang mga scorpio… basta’t related sa sexuality ang mga features nila..

    Amazingly _____ ang statement na yan.. hehehe..

    sige, pagtulongan nating ipalaganap ang tugkol sa cancer… di ko in-expect na tungkol sa sakit ang blog na to!!!

    gusto kong lagyan ng sagot ang fill-in-the-blank statement ni Jhaynee! Uy, Jhaynee, alam mo bang, “Consha with wings” ang name mo sa blogroll ko?

  12. At talagang naked photographer nga! Hehehe…

    I was actually checking on the posts of those in IFM’s mail, and this is the most unique… Mapapangiti mo kahit na ang may sakit na cancer pag nabasa ito…

    Instead of increasing cancer awareness, you are distributing medicine… laughter….

    Humor I must say is one of your many charisms…

    The Naked Photographer
    Sinabi mo yan, kinopya ko lang…🙂

    hhaha, naked photographer kasi
    parang kay Jamie Oliver na Naked Chef.ü
    kapag wala pa namang traffic na napunta sa blog mo nyan
    eh ewan ko na lang. hhaha!

  13. isa akong Anak ng Tupa haha kaya pala ganto ako eh.

    hanep, mahaba-haba rin ang punchline ah pero very informative. sakit daw talaga ng mayayaman ang cancer at mga pasaway. nakakatakot pa rin magkaron ng ganitong sakit.

    ang gaganda ng featured pieta stain glass.🙂

    hehe… medyo pinagpaguran ko talaga yang punchline yan.ü ang hirap magpatawa lalo na’t hindi naman talaga ako nakakatawa.

  14. Informative na, libreng pambanat pa ng wrinkles sa mukha..hahaha! Naaliw na naman ako dito, Bro.

    Hmn, parang hindi ko gusto ang Tagalized version ng “tadyak” sign ko hehehe…ahasssssss…….

    natawa naman ako sa tadyak sign! hehe…
    teka, ano palang tadyak sign mo?ü hisnake?

  15. okay na check ko ang aking jerbax kanina at sure ako, normal pa siya! ehehe ^^ oo nga pala isa akong timbangan at capricorn ka pala! compatible po ba tayo? eheheh! nga pala astig yung joke mo dun sa taas ah! natawa ako magisa.. lol!

    compatible? ikaw, cindy ha, isusumbong kita kay Soulmate!ü joke lang…ü
    salamat, cindy!

  16. Lalaking Baka (Taurus) – kaya siguro bayolente ang lumabas sa last exam ko.😀

    Nakakatakot ang cancer, walang kasiguruhan kung saan dadapo. Hope na dumating ang panahon magkaroon ito ng lunas na parang normal lang na sakit.

    Salamat po sa inyong malaman na impormasyon. Malaking tulong na ito para maging aware ang mga reader sa mga simpleng signs.🙂

    you’re welcome, eric! personally, wala akong kilala na may cancer pero the scare remains the same. sana, kahit puro kalokohan eh nakatulong ang post ko na ito.ü God bless!

  17. at ako ay isang tilapyang tagaigib sa poso..ayos no?hihihi

    ewan ko bakit gustong gusto ko talaga ako sa pieta…ramdam na ramdam ko yung paghihirap ni mama mary sa nangyari kay fafa jetut…pagmamahal ng isang ina sa anak na hindi mapapantayan ng kahit na sino..

    handrama ng P0kw4ng namin basta tungkol sa mother and child ang topic!ü hehe… ayokong pahalata na mama’s boy ako pero tama ka, iba talagang magmahal ang mga mommy!ü

  18. virgin ako dati, kambing na ako ngayon (a brother can read minds) sun sign ko yung virgo, pero I’m following my moon sign na capricorn, mas accurate kasi.

    panalo yung green na stained glass, para nga syang emerald.

    yung mga talangka na yan eh dumadapo sa mga parte ng katawan na di nagagamit o kaya mga stagnant, like pag palagi naka bra, breast cancer. kailangang libre at malaya ang isang parte o kahit na bagay, para hindi panirahan ng mga mapanirang elemento, o ispiritu. parang punsoy lang yan, pag inaplay sa katawan.

    kongrats sa iyong post, wagi na naman kapatid!

    mahilig sa windows, parang si bill gates lang.

    kaya dapat, wag nang mag-bra! pero di ko yata kayang i-forgo ang briefs para maiwasan ang prostate cancer.ü
    at may punsoy pa talaga! basta ba walang bagwa ni Kris A., ok lang!ü
    Labanan natin ang cancer!

  19. me napansin ako, ganda ng taytol, parang ungol na me lambing sa dulo, hahaha!

    at humirit pa talaga sa title ko! natuwa naman ako sayo, kapatid. hehe… parang ungol lang ba?üüü

  20. panalo ang post bro…

    i felt sorry for ifm, i’ve not granted her wish😦
    napunit kasi lahat ng tissues ko sa katawan.. signs na cgro yun ng cancer! heheheheh i know its not a thing to make fun of.. pero seriously, this one’s made me realized that health is indeed wealth!

    i love pieta!~

    naku, nakakahiya kasi I made fun of cancer din dito! pero sige na nga, basta ang mahalaga, ang message. hehe…
    ganda ng pieta ano? gusto ko yung green na pieta. antindi!

  21. akala ko tungkol talaga sa horoscope, matawag nga ang sister helena, napakahilig sa horoscope nun!

    but no, biglang naging medical post pala ito.

    sengafala, pareho kameng kambal ni helena, share lang.

    *dance-dance* super happy ako kuya at nakakapagcomment ka na sa blog ko.

    at dalaw ka naman kay neto, guest blogger ako dun. weehee.

    syempre, dance din ako! {{**chicken dance!!!**}}
    sige, dalaw ako sa bahay ni neto. God bless!

  22. ayaw ko ng itagalog yung saken..iniinsulto ako eh… kilohan ba naman.. pambihira talaga lang pinagdidiinan na mabigat ako.. haysssss

    cancer…

    lahat ng sintomas meron ako.. nyahahaha

    may cancer kasi ako sa pag-iisip.. incurable nyahahaha

    yanah, bakit ganun? hirap akong makapasok sa blog mo. naghahang ako…
    ako rin, may phobia sa kilohan.ü

  23. ay oo nga hindi nga pang-horoscope, anyway mas makabuluhan naman. sa totoo lang medyo masama ang pakiramdam ko ngayon {nakow baka cancer?!} nagloloko pa ang koneksyon ko, busy pa din at ako’y duty pa bukas. Pasensya kung hindi man ako makakapag-contribute ng tungkol dito..may nakibinbin pa akong isang post na noong linggo pa sana at inuna ko pa ang tag ni joyce tsk. serious mode muna ko.

    sa totoo lang sabihin mang alagad ako ng medisina halos wala pa akong kamuwang muwang sa napakaraming kumplikadong paksa tungkol sa kanser, katulad ng iba madalas na ang alam lang natin nakakamatay ito. Pero sa dami ng mga pasyenteng nakita o nabantayan ko..naisip ko hindi imposibleng danasin ko rin ito pagdating ng araw..reality check..wala naman talagang nakakaalam. Nasabi ko nga minsan sa mga kapatid ko “Pag ako’y nagkakanser, tipong stage 3 or 4, wag nyo na kong ipa chemo, wag nyo na kong ipagamot..hayaan nyo na kong mamatay” {ayun nagalit sila binatukan ako!}

    Morbid man pero hindi lang ang may sakit ang mahihirapan, damay buong pamilya mo, kabuhayan nyo. Para sa kaunting taon na idudugtong sa buhay mo..madaming hirap na kelangang pagdaanan physically, financially, emotionally, spiritually? What Im really trying to say is, kahit gasgas na ang “prevention is better than cure” sa kanser malaki ang magagawa nyan. Kung hindi talaga maiwasan ang manigarilyo at iba pang bisyo ehem ehem sa iba dyan..pa-executive check up na ng maaga. Lalo na yung mga halos 10 years ng wala sa kalendaryo, pwede na magstart. Hindi totoong lahat ng doktor eh gusto ng madaming pasyente. Mahirap ding makita ang kapwa mo na naghihirap…you begin to reflect din sa yong mortalidad.

    Dasal lang at pag-iingat…kahit yun na lang sana..

    {aba’y pwede na rin pala akong gumawa ng post sa haba nito ano..sorry kuya I got carried away}

    salamat at nagbalik ang stained glass lalo na paborito ko ang concept ng Pieta. at gemini pala ako. toinks!

    wow, H! parang gusto kitang ilibre ng pishbol at sago-gulaman sa kanto while chatting on da bangketa!ü ang haba ng comment mo! IFM, BLuep, may bago tayong contender!ü

    seriously now. tama yung observation mo. kung minsan, huli na bago pa natin maisipan ang prevention. kahit sa health issues, mahilig pa rin tayong magprocrastinate (tama ba spell?).

    pero totoo? ayaw ng doktor ng madaming pasyente?ü ikaw lang yata yun eh. ayaw mo ng pasyente para maka-blog ka.ü joke lang, H! love you!

  24. mabuti nalang hindi ako cancer..hehe

    hmm..taga-igid pala ako! kaya siguro mahilig ako sa watercolor. noong mag-start akong magpinta, gusto kung matawag na AQUACOLORIST! pero iniwan ko ang pangarap na yun! hehe

    at kung superhero ka eh ikaw si aquaman!ü
    sa french, ang tawag sa watercolor ay aquarelle.ü kung ni-pursue mo ang dream mo eh isa kang aquarelliste. hmmm… pwede!

  25. Maraming salamat for the info tungkol sa cancer. I still don’t know how I would take it if my doctor would tell me that I have that disease.

    Ang ganda ng mga featured mong stained glass. The Pieta is also one of my favorite subjects pagdating sa painting and sculpture. Una kong nakita ang Pieta noong bata pa ako sa Loyola Memorial Park sa Marikina. I just can’t recall who the artist was. Between the two that you featured, I like the first one kasi the simplicity in the choice of colors somehow makes the whole work look modern. I’m no art expert and that’s just my opinion.

    Salamat as always for sharing pics of these stained glass windows and sharing information about them. 🙂

    I share your opinion, panaderos. uy, mukhang pareho tayo ng taste! in fact, marami na palang nagsabi na maganda nga yung una. It has something in its simplicity that’s strikes deep. Sabi nga nila, sapul na sapul! isa pa, there’s this sense of deep grief in that window. di ko akalaing green can be a color of mourning!

  26. LOL pisces?tilapia?haha so funny =))
    Pinagaralan namin ang cancer last semester kaya kahit papaano may alam ako. Nagkaroon pa kami ng group work tapos binigyan kami ng isang scenario na paano namin ie-explain sa isang tao na may cancer siya in simplest terms as possible lalo na’t wala masyado alam sa science.

    We can reduce the risk of cancer naman in later life by eating a healthy diet- 5 fruits and vegetables a day kasi diba maraming anti-oxidant chemicals and fibre.Dapat din ang regular exercise to keep our weight down.

    Kahit hindi ka man smokers may possibility pa rin na magka cancer ka kasi expose tayo sa mutagenic agents in our environment na maga-accumulate ng mutations.

    yup, yun talaga ang sign of true education. If you can explain to an intelligent ignorant (hindi ironic ito, meron talagang ganun) a topic he’ll hear only for the first time.
    hmmm… i like your suggestion about 5 fruits a day. it’s one great reason to have a fruit salad every lunch!ü
    teka, kung ang photogenic ay ma-appeal kapag nasa pictures, ang ibig sabihin ba nito eh kapag mutagenic ka eh…. uhhhmmm… wag na lang.ü
    God bless!

  27. Ang ganda ng stain glass windows lalo na yung first picture.

    you really got good taste, MC.ü God bless!

  28. Bwahahaha! Panalo ang mga smorgasbord ng signs, lalo na ang mga Taga-Igib sa Poso. Naintindihan ko na Brother Utoy, nung kabataan ko, madalas ako nag-iigib sa poso malapit sa ilog. Pero may time talaga na ayaw kong mag-igib at pinapalo na ako. Kasi nga pagod na ako, pipilitin ba kahit na Zodiac sign ko pa? Kumbaga, kahit na may Children Crossing, pipilitin bang itawid ang traysikad? Very creative, (Assumptionist?) conversation, Bro!

    naaliw naman ako dun, Dfish! nairelate talaga sa childhood ang zodiac.ü
    ako kaya, paano kasi Capricorn ako. kunsabagay, pwede! tagabundok ako dati at nag-aalaga ng kambing. Tapos ngayon eh nasa bundok pa rin ako, at meron na akong goatee!üüü
    God bless!

  29. […] bro. utoy – “uuhmmm…. what’s your sign ba?” […]

  30. Salamat padre sa information. Umiral na ang pagiging cancer advocate mo, hehehehe!

    Natakot ako dun sa sinabi mong tinutubuan ng buhok ang mga bahaging wala naman dapat buhok tulad ng gilagid (nadapa ako sa kakatawa).

    Minsang habang nagsesermon ka (sa pinas) tapos may biglang humalakhak sa mga funny stories mo, hanapin mo yun at sigurado ako yun, bwahahahaha!
    Hayyy padre! pareho lang kayo ng kuya na pari sa kalokohan. Lagi kami nakatawa sa tuwing kasama namin yun. Walang patawad kahit mga madre kayang patawanin nung ng walang humpay.

    Nways, check ko lahat kasi baka may S/S na ako na di ko alam. Pero ang gilagid ko wala pa namang buhok, hehehehe!

    Looking for more funny and witty post!

    sign yan ng tunay na seminarista: may topak!üüü
    Gusto kong makilala si kuya mo. saan ba sya assigned ngayon? madalas ba sya sa Christ the King?
    salamat sa papuri. na-shy naman ako.üüü

  31. i read this post the other day pro di q kya basahin lahat. tkot aq sa mga gan2ng topic eh nanghihina aq huhuhu. yung 1st part lng kc mhilig aq sa horoscopes hehe kaso sbi nga ni dante sa test pwde aq tumagal sa purgatory or bka maimpyerno, tnigilan q n ang kalokohang yan. pro to b honest tkot tlga aq pgusapan ang cancer and tkot aq mgpadoctor!

    kaya nga ginawa ko nang light ang treatment ko sa topic, para magaan basahin.ü be brave, honey! God bless!

  32. kaya dapat healthy living

    yep, yep, yep, tama ka dun, badoy!
    God bless!

  33. wow! ang astig nmn nito brother, nde pa ako nakakapagcomment dun sa isang entry mo meron na namang bago.. ang bilis!! este ang bagal ko pala.. toinks!

    Very informative ito na may konting halong joke, natawa ako dun sa pagtubo ng buhok sa gilagid, nde ko maimagine kung pano mangyayari un, bwahahaha!!

    anyway, thank u for this info, ayan, dapat maging health conscious na tayo..

    Godbless!

    may comment ka na kaya dun.ü ang totoo nga nyan eh mabagal pa nga ako. ngayong ko pa nga lang sinasagot itong mga comments nyo dito. tulad mo, busy sobra!
    God bless and don’t forget to pray, kapatid ko!

  34. […] bro. utoy – “uuhmmm…. what’s your sign ba?” […]

  35. hahaha! Kambing sa Kabundukan =)) you made my day! at may kasama pang health tips, wthomglol

    aha, kapwa ko, Capricorn! belated happy birthday and welcome to my blog! God bless!

  36. Wow.. Segwey kung segwey!

    Thanks po for d info, nakkatumbling lang ung pagtubo ng buhok s gilagid, hmm.. Kung may buhok sa gilagid, pano n q magtitinga? May kuto at lisa kaya sa gilagid? Pano un shave? At shempre pag tatawa ako dapat nakatirintas si hair! Haayys… Hehe

    Count me in… I care!

    Peace ayt!

    pwede ring suyurin na lang para mawala ang kuto. tapos magmumog ng heads and shoulders para iwas-dandruff.ü
    God bless!

  37. Haha really? Is that a joke? Then how come you found my chat box? Anyway, you just have to click the words found in my header to navigate around, and since I set it to one post per page, then you will have to rummage through my archives found under the 4th nav entitled “curio city”. See yah around!🙂

    I’m not kidding, my computer is old… no, ANCIENT! It is so old, the keyboard might as well be made of trilobite fossils. BTW, I tried to navigate on the 4th but still failed to go where I wanted. your blog is so girly: it’s playing hard-to-get!

    yer funny :p

  38. amfff..ang hahaba naman ng comment dito..hihihi!napaka interesado kasi ng mga topic..lagi nako tatambay dito..

    trulala..hindi kayang pantayan ng kahit sino ang isang INA..🙂

    mahaba lang yan kasi dinadagdagan ko. hehehe…
    dalaw lang ulit, kabuladas! God bless!

  39. aw. thanks for this post. so informative🙂

    you’re welcome. don’t mention it. it’s a pleasure. happy to oblige.

  40. may joke ako.

    anong paboritong sugar ng scuba divers??

    edi maSCUBAdo! haha!

    wla lang. gusto ko tlaga syang ihirit,eh.

    ako taga-igib ng poso. nice. haha

    xD

    hehe…
    si dedpish, corny-shell from the ocean.ü

    pero, honestly, pumatok sa akin ang joke ha.
    kung may LSS eh may LSJ na rin:
    Last Joke Syndrome.

    God bless!

  41. Really? Well that’s the way it’s supposed to be, when you click the archives thing it will bring you back in the front page, and when you click the “hi story” navi and then voila! lol =)

    ok, i’ll try it again. I heard about round-about stories but i never thought it would be like this!

  42. utoy! pengeng tulong. dalaw ka naman sa blog ko.. pls

    sure, ikaw pa.

    teka, ano pala yun?

  43. pers taym ko makadaan dito. napasilip laang po. nakita ko kasi yung pics ninyo nila miss powkie, at revsiopao sa magandang eupean tour ninyo. lols

    kinawawa mo naman ang zodiac sign ko. huhuhuhu…

    tama na sa drama. pero kahit ganito entry mo, at nagkataon pa na ganito ang una ko nabasa sa iyong bahay, ok lang, hindi masama ang loob ko *naghahasa ng cute na samurai* hindi talaga pramis. nyahahaha….

    buti na lang po informative ang entry…kaya, sige na nga! peace brod.utoy.

    sana makadaan ulit ako dito…Godbless.

    “saklolo! saklolo! may maladiyosang serial killer sa bahay ko!”

    daan ka ulit, IM (short for your name, haba eh). tapos iwan ka rin ng URL para madalaw ko rin ang bahay mo. God bless!

  44. ‘Akshelly, Birhen (Virgo) ako before. Pero since I got drunk together with this basketball team last year, I changed sign na. Tilapya (Pisces) na ako ngayon.’

    lol talaga ko dito.nice one!

    member ka ng basketball team na yun, ano? hehehe…

  45. salamat sa pagdaan brother utoy.babalik-balik ako sa blog mo..kita-kits sa mata.ayan nahahawa na ko sa mga jokes mo.hehe.

    ganun akong mag-joke?!!
    naku, dapat ko nang itigil ito…
    hehe. uy, i added you sa blogroll ko.
    God bless!

  46. hello salamat sa pagdaan sa aking bloggie de barbie… lol… ilalagay din kita sa aking blogrolls… natawa ako d2 sa post mo ha si libra naging kilohan… its so fani pala pag ang zodiac sign ni translate sa salitang tagalog.. aba sarap sa tenga ah…
    ano ba gusto mo itawag ko sau…

    pwede mo akong tawaging sweetheart, or ling or beh or babe…

    nakita mo bang unang una ka sa blogroll ko?
    God bless!

  47. bwahaha… the best!!! yan ang post… prime time entertainment na nga pang discovery channel pa… cheers;p

    godrocks;p-glesy the great

    yep, God rocks! salamat gless!

  48. Salamat sa iyong pagbisita at pagcomment. Tama ka sa sinabi mo na nasa tao ang desisyong kung pipiliin niyang sumikap at paglabanan ang kanyang kapansanan, at sana mapatawad mo rin ako dahil hindi ko agad nailagay iyong site mo sa list ko, sobrang nakakalito kasi sa dami ng site na aking napuntahan at ilang beses rin ako nag-change ng lay-out sa may mga links talagang nawala ng hindi ko sinasadya. Mahirap mag-keep track, bilang pagbawi ay ilalagay ko ang site mo on both of my blogs, SALAMAT!

    salamat, salamat! gusto ko talagang mapalagay sa blogroll mo kasi humanga talaga ako dun sa story mo. antindi mo, kapatid! kaya nung makita kong wala, medyo tampo naman ako. kasi akala ko eh kesyo sikat na si Marlon eh isnabero na sa fans. hehe… GOd bless at salamat po sa pag-add!

  49. nag isip tuloy ako sa mga signs na ibinigay mo..bigla kong tinignan ang sarili ko at baka kako may sakit na rin ako..hehehehe

    kamusta po ang resulta? sana walang sign.ü keep healthy po! God bless!

  50. salamat sa pagdaan sa blog ko at pagsama sa blogroll. babalik ako may tatapusin lang.

    you’re welcome, dong! it’s an honor… GOd bless!

  51. sa susunod yung kambal naman. gemini ako kaya gusto ko ring magkaroon ng kambal na anak.

    hindi rin ako naniniwala sa mga horoscope kaya hanggang katuwaan lang.

    napansin ko nga, kung hindi ko gusto ang hula sa akin sa horoscope, madalas, pinipili ko na lang sa ibang signs ang mas bagay sa sitwasyon ko. hehe…
    God bless!

  52. brother pareho pala tayong capricorn kaya may build in humor tayo eh.. hehehe.. di natin kelangan magpilit sadyang naka plugin na satin. isa kasi yun sa paguugali natin eh.. hhmmpp.. tuwang tuwa ako sa conversation ng babae and lalake,. ikaw siguro yun noh? hehehe,… wala ng aastig pa sating capricorn.. ahihihi.. :()

    ah, hindi! hindi talaga ako yun!
    maniwala ka. please?

  53. hallo!

    Thank you for the very nice comment on my cancer post.

    I’m a big fan of zelda and astroboy kci and I noticed that there was a lack of posts on cancer for children.. and because I didn’t feel like writing because cancer is a sensitive topic for me..

    Thank you very much

    para sa akin kasi, there’s only two words for your Cancer post: cool and cute. ang galing!

  54. thanks thanks.

    I’d like to say na due to popular demand, I made the cancer story longer and this time it has a resolution.

    It was VERY HARD at first to write something about cancer. Namatay kasi lola ko because of cancer and tumutulo luha ko when I tried to write something…

    So I took pictures instead.

    Ifoundme told me that she will definitely use the pictures when talking about cancer with children so I don’t feel like crying anymore and I felt so inspired I made it longer and more Kid oriented.

    please do check back!

    http://martinaquino.wordpress.com/2009/01/21/never-lose-hope/

    i checked it out, and yep, pwedeng pang stop-motion animation na!ü
    I feel sorry for your loss. I’m sure your lola is praying for you now and is causing all these belssings in your life.ü have a nice day!

  55. wahooo1
    isa akong dakilang scorpio!
    natawa naman ako sa mga banat ng conversation na yun!
    hanep!

    hala, habang nibabasa ko symptoms ng cancer, nagrerecall ako kung meron aba ko nun.
    luckily, wala naman…

    hayyyyy

    kyut nung yellowish na stained glass window!

    ang cute nga nung window. andami ngang nagkakagusto dyan. simple lang kasi pero matindi ang dating.ü

  56. Hanube!! Humahakot parin ng sandamukal na comment!! Kakainggit!! Iba na talga ang sikat, hehehe..

    Godbless!

    spam lang ang iba dyan, anokaba. hehe… God bless you too!

  57. nakakagulat ang segway mo sir!😀 hehehe. magingat tayong lahat sa kanser na yan, wala nang pinipili yan…

    btw, i’m an archer (saguittarius), tira lang ng tira………. ng pagkain…😀

    tira-tira lang ba?ü hehe…
    archer?
    mas maganda ang mama na namamana.
    diba, puro m, n at a?ü hehe…

  58. gandang pasakalye nung zodiac signs…in fairness patok na patok sa amin…pinasaya mo kami..😀

    as for the cancer – nakakatakot talagang sakit yan..kaya sana ay magingat tayong lahat.😀

    sana nga, may naitulong ang post na ito kahit na parang pabondying lang.ü God bless!

  59. Bro, aliw na aliw ako sa post mo hanggang sa dumating ako sa mga sintomas ng cancer – at tumigil na ako ng pagbabasa – medyo matatakutin kasi ang lola mo sa mga sakit e… hypochondriac kumbaga – hehehe

    Anyway, bilib talaga ako sa galing ng pag-segue mo…mabuhay ka, kapwa-kambing kabundukan! Meeee!!!😆

    meeee!!!! hahaha! natawa talaga ako dun.ü

    isa actually itong tag ni IFM for the Cancer Awareness week. andami ngang nag-response at bawat isa ay very original ang ginawang post.ü

  60. brotherutoy, magpapagawa tayo ng customizes keyboard ni busyok. hehe.salamat ha

    basta abangan mo lang ang next post ko. tiyak dun, mentioned si Busyok.ü ano pala ang ibig sabihin ng Busyok?

  61. inde pala maganda ang zodiac sign ko. ampapangit ng mga nakakabit na “other meaning”:

    1) cancer – tulad ng topic ni brother utoy sa taas *turo*

    2) crabby – madali magalit. singhal-prone

    3) crabs – std

    4) talangka – hayop na kalimitang ginagamit pagnagdedescribe ng ugali kung saan naghihilahan ang mga tao pababa

    pwede ba magpalit ng zodiac sign?

    pwede mo namang ibahin na lang ang name like… crustaecean o kaya ay Alimango sa tagalog. instant exotic at mamahalin agad!ü

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: