Mga Newbies na May Bangis!

Una sa lahat ay dumating na sa blogosphere ang Gwapito!  Mga ka-blagadag, dalawin ninyo ang site ni Gwapito, ang tagapagmana ng aking nag-uumapaw na ka-cute-an.   hehehe…  Ang totoo nyan eh kung di pa ako nag-Friendster kanina (which is bihira kong gawin) ay di ko malalaman na ni-launch na niya pala ang kanyang spanking new blog sa WordPress.  Yan tuloy, di ko nagawan ng launch.  Gayunpaman, di pa huli ang lahat, Mang Kadyo, di pa huli ang lahat.  Teka sino nga pala si Gwapito?  Sya ay isa sa mga miyembro ng aming angkan na nagmana ng sumpang kagwapuhan na kailangan naming tiising dalhin habangbuhay.  Minsan na niya akong nilapitan para itanong, “Bakit ganun, Tito Utoy?  Bakit kinakailangang maging gwapo tayo?  Nahihirapan na ako…  There’s more to Gwapito than being gwapo…”   Siyempre, sinabi ko sa kanya na lakasan lang niya ang kanyang loob.  Kung nakayanan ko eh tiyak kaya nya rin.  Wag lang siyang susuko.

Hold on, Gwapito, hold on… and keep on blogging!

At syempre, may dalawang bagong team-ups sa blogosphere na talagang nakikinikinita ko nang papatok.  Una ay ang blog ni Bertong Badtrip at Kiera Salamingkera na talaga namang parang isang match made in… uhhmmm, Taiwan.  At may pakulo sila na kontes para sa buwan ng Pebrero.  Di ko maintindihan ang dapat gawin, basta ang criteria eh 50% Bertoness at 50% Kieraness.  So sali na, mga kablagadag!  At syempre pa, ang pangalawa nating team up ay sila Busyok at Elyong!  Sila ang ating bagong kabarkadang true-blue, honest-to-goodness Pinoy online cartoon duo na likha ni Pareng Eli.  Nakakatuwa ito dahil si Busyok ay isang kalabaw na Internet-savvy!  Move over, Guyito, narito na ang online counterpart mo!ü

Gusto ko ring irekomenda ang dalawang inspirational blogs na ito dahil newbies pa lang sila pero may kurot na agad magsulat.  Una ay si Honeybrisketbabyfat (high calorie sa haba ang name pero sa personal, very fit na tao!) na may mababangis pero well-balanced na reflections on life, iisipin mong mas seminarian pa siya kesa sa akin.  Ang pangalawa ay si Sandi Martin, na may tamang timplang pagkapinoy ang hagod niya sa mga bagay-bagay tungkol sa Diyos, mga simpleng kwentong swak na swak ang mensahe!  Kung pakiramdam ninyo’y nasasalaula na ang inyong kaluluwa sa pagbabasa ng blog ko, dalaw lang kayo sa kanilang blog para bumanal naman kayo ulit.ü

  Sa mga gustong magpa-advertise ng blog nila, magsabi lang kayo.  Newbies lang ang pwede ha.ü

 * * * * *

Magpo-post dapat ako ngayon ng bagong set ng “Mga Larawang Pang-Majorette” kaya lamang eh may bumagabag sa loob ko for four days na.  Nalungkot kasi ako sa balitang ni-lift ni PapaBenny16 ang excommunication ng apat na Bishop ni Lefevre.  Medyo sumama ang loob ko kasi ang apat na obispo na ito ay ang apat na namumuno sa grupong Society of St. Pius X.  Marami na akong nakilalang miyembro nila at marami nang narinig tungkol sa kanila.  In fact, dalawang kanto lang ang layo ng parokya nila sa seminaryo namin sa QC, samantalang dito sa France ay laganap sila.  Napakahaba ng listahan ng mga first-hand observations ko sa kanila.  Sabihin na nating wala ni isang balita o karanasan ko sa kanila ang naging maganda.  Kaya naman nalungkot talaga ako, lalo na’t laking Vatican II pa naman ako.  Nasabi ko sa sarili ko:  “Nakakainis, sobrang bait ni PapaBenny16, naawa sa mga taong ito.”   Nagpatuloy ito ng ilang araw, and then… (may ellipsis talaga eh, ano?) while I was adoring before the Blessed Sacrament, pumasok sa isipan ko ang imahen ng Ama ng Alibughang Anak.  Sa parable na ito kasi ay makikita natin na hindi naman talaga nagsisisi ang alibughang anak.  Mabait nga lang talaga ang tatay nya.  (Read the last part of my very old post)  Dito ko nakita na nagiging mabuting Kristyano lamang si PapaBenny16 sa paglalayong mabuo muli ang Simbahang Katoliko.  Minabuti niyang maging isang mabuting ama siya sa SSPX, at patakbong sinalubong sila pauwi sa Simbahan.  As for me, inaatake lang talaga ako ng OBOPS Syndrome (Older Brother of the Prodigal Son).  Haynako, epekto nga naman ng trangkaso. 

Alam ko, naguluhan kayo sa hirit kong ito, pero please bear with me.  Very personal lang talaga sa akin ang issue na ito.  Hayaan nyo, pramis, ang sunod na post ko ay ang… Mga Larawang Pang-Majorette: Part II. hehe…

* * * * *

At siyempre, ang ating stainglass window of the day ay ito:

img_3311

img_3312

Ang bintanang ito ay ang pinaka-altarpiece ng chapel ng Generalate ng Congregation of the Blessed Sacrament, na matatagpuan sa Roma, Italia.  ang disenyo nito ay very eucharistic (ubas, tinapay, etc.), isang pagninilay sa spirituality ng aking konggregasyon. 

img_3313

Maraming nagtatanong sa akin kung anong nag-iilaw sa likod ng stainglass.  Ang sagot, mga kapatid, ay araw, as in sun.  Natural lighting kasi ang pinakamainam para sa stain glass windows.  Yan din ang dahilan kung bakit mahalaga kay Bro.Utoy ang orientation ng araw bago niya kunan ng picture ang isang stainglass.  Eto nga pala ang hitsura ng stainglass, kapag nasa labas ka ng simbahan o gusali.

img_3962

Kakaiba, ano?  Di mo mahuhulaang maganda pala siya kapag nasa loob.  Kaya ang moral lesson, mga bata, ay ito:  Ang bawat tao ay parang isang stainglass.  Huwag tayong kaagad maghusga ayon sa panlabas na anyo, bagkus ay mas tingnan natin ang pagniningning ng kalooban ng bawat isa.  Naks, may moral lesson pa talaga eh.

God bless!

47 Responses

  1. nagtataka lang ako kung pano gingwa ang stain glass.

    siguro magbabasag ng sandamukal na salamin na iba iba ang kulay tpos pagdidikitin ng rugby?

    i dont know. d ko sure. mlay ko, hehe

    tama ka bro utoy!
    never mo dpat huhusgahan ang isang tao o bagay sa panlabas na anyo. never ever.

    ingat bro!

    kahit ako, jof, di ko rin alam eh. pero sobrang fascinated talaga ako sa stainglass. worried nga ako kasi baka obvious na. nakakahiya.

  2. *in english* ^^

    “dont judge the book by its cover”

    ndi nman kase lahat ng maganda maganda rin sa pangloob.

    merong ibang “libro” na sira sira sa labas pero pagbinasa mo marami ka pa lang matututunan.

    mejo naguluhan nga din po ako sa hirit nyo pero dedma ko na lang…hehehe

    god bless po!^^

    sensya na ha, chicksy, kasi hot topic kasi yan sa Simbahan ngayon, ayokong makigulo ng sobra. in any case, affected pa rin ako.
    God bless!

  3. @Joffred, napanood ko sa discovery science kung pano ginagawa ung stained glass, nde ko lang mahanap sa youtube kung may link, ireregalo ko sana kay bro utoy eh..

    Anyway, talagang may free advertisement ha! Mabwisita este mabisita nga mamya..

    Teka, ano ba nangyari sa society of st. puis x? Nde ko yata narinig ito. Magoogle nga..

    uhhmmm… batik shirt na lang ang iregalo mo sa akin. yung large ha. hehe…

    pero seriously, naghahanap ako ngayon ng libro tungkol sa stainglass. parang nagiging passion ko na. hehe…

  4. My dear utoy, isang pribelehiyo ang masama sa iyong blog post na ito, maraming salamat! Katunayan ay may treat ako sa iyo, basahin mo na lang sa comment ko. Hindi pa ako nakakaupo at nakakapagnilay sa aking susunod na blog posting. Masyado kasing maraming trabaho sa buwan na ito. Kasiyahan ko ang makapagsulat at makapagbahagi ng aking mga pananaw sa buhay at ispiritual, kung saan welcome ang lahat kahit na si Prof. Richard Dawkins pa ay i- wel welcome ko siya with a smile from my heart with matching siopao ni rev at gsm bluep (na non alcoholic). May libreng steak with honey sauce ang mangangapitbahay sa aking tahanan. May masarap at mainit na noodles din doon na mabiling mabili. Hindi po sya bulaluhan ha. Thanks again utoy for promoting our newbie blogs!

    anytime, HBB! salamat din sayo, kapatid, in so many ways. you’re a true blessing to me and to many others who share your friendship.
    at kapag nagpa-noodle ka eh lomi yung sa akin ha. sabayan mo na rin ng toyomansi at isang pirasong sili.
    God bles!

  5. uyyyy Bro! taga-Bacolod pala ang gf ng iyong gwapitong pamangkin….

    baka nga kilala mo pa eh.

    hmmm… baka nga ikaw yun eh. naku, wag naman, uncle-in-law mo ako?

    i watched your video. nakita na kita, IFM!ü

  6. brother utoy,
    at talagang recommended mo busyok at elyong ha. salamat parekoy! mukhang mapipilitan akong pagandahin ang kwento ng dalawang ito. hehe.

    uy, wag mapressure! stay creative and cool lang.ü teka, may dumalaw naman ba kay Busyok?
    ngapala, si Busyok ba eh may Prenster account? hehe…

  7. Naging project na namin nung grade school sa Arts ‘yang Stained Glass. Kaso hindi totoong salamin ang ginamit namin kundi cellophane. Pwede mo bang i-feature ang project ko sa blog mo, Brother Utoy? *LOLz*

    pwedeng pwede, bakit hindi? unique nga yun at cellophane. hehe…
    teka, ang sosyal naman ng project nyo nung gradeschool. kami noon, tinunaw na krayola lang ang ginagamit namin sa mga project. hehe…

  8. pinutahan ko ang gwapo nga hahahhah at manang-mana sayo, dude, ang kapal din ng apog hahahhah

    joke lang

    pero seriously, bro., di ka ba nanghihinayang sa genes mo? LOL

    hinayang na hinayang, malen. hinayang na hinayang.
    dapat siguro i-garapon ko na ang aking binhi at ipa-auction sa Christie’s. hehe…

  9. miss ko na din ang pang majorette na pix ah! ano nga uli yun? pang medyo retarded di ba? ehehe! ang stained glass window naman natin ay medyo strong ang colors ^^ ganda and astig as ever!

    medyo naduling nga ako sa kakasipat nyan. at dahil abstract eh di ko pa naiintindihan noong una. akala ko kasi parang natimang lang ang artist kaya magulo.
    God bless, cindy!

  10. di ma open blog q ilang days na always n2 nangyayari grr.
    name ng student q brader ay si BERNARD LAMAGNERE, ang pnkamadaldal kung s2dent ung tipong nung mga 1st classes nmin mga 3-5 words lng nasasabi q minadalian p kc c knya n lahat ang usapan in 30 mins pro ok nga nman un.
    honga pla brader, around oct-nov 2005 ata un nkpg judge aq sa last day ng sports intrams samting ng mga religious seminaries sa qc held sa la salle greenhills. judge aq sa cheering dance nla, mantakin mo yan cheering dance hehehe… andun ang mga canossians, at kung anuano pa at npakarami ng forenjirs! fren frm dvo n tga CICMM (ewan q kng tama) ang nag invyt sa akn nun🙂 nsa USA nman xa ngaun.

    honga, down ang server mo. natambakan tuloy ako ng post nung magcocomment na ako. hehe…
    hmmm… MST (Maryhill School of Theology) ba yung sponsor ng intrams. parang may naaamoy ako ah. parang kilala ko ang mga yan! hehe…
    bernar lamanyer? hindi familiar pero sige, ipagtatanong ko.ü

    GOd bless!

  11. ay nwala ang mahaba kong koment. yaw ata niya ma post. bkit pla brader ano story sa mga bishops na un? may student rin aq lefevre ang last name hehe.

    name ng s2dnt q pla BERNARD LAMAGNERE. maxado mdaldal. 1st classes nmin 2-5 words lng nssbi q, pnpilit q p kc halos di n aq mkpgsalita n 30 mins pro ok nga nman un.

    bradeer, mron nga pla aq papavisit na newbie fren ni brader q na rev fr. ksama nya s CPE dti c mkti med, carmelite e2, di q alam kng pari o seminarista n2: http://melskiens.blogspot.com.

    tska honga pla bro, around oct-dec 2005 ata un, nkpg judge aq ng cheeringdance (imajin cheerdance nyehehe) ng mga religious seminaries held @ la salle greenhills 4 their sports competition, d q lang alam kng ksali sem nyo dun. mrmi forenjirs na seminarista. ung kbbyan q n close fren frm CICMM (d q sure kng tma) ang nag invyt c akn. nkta q rin mga kbbyan q dun frm diff sems lyk canossians.

  12. ay nwala ang mahaba kong koment. yaw ata niya ma post. pangatlo n2 at hahabaan q ulet. btw, dna nman maopen ang blog q ilang days n, ilang bses n2 nngyyri.

    bkit pla brader ano story sa mga bishops na un? may student rin aq lefevre ang last name hehe.

    name ng s2dnt q pla BERNARD LAMAGNERE. maxado mdaldal. 1st classes nmin 2-5 words lng nssbi q, pnpilit q p kc halos di n aq mkpgsalita n 30 mins pro ok nga nman un.

    bradeer, mron nga pla aq papavisit na newbie fren ni brader q na rev fr. ksama nya s CPE dti c mkti med, carmelite e2, di q alam kng pari o seminarista n2: http://melskiens.blogspot.com.

    tska honga pla bro, around oct-dec 2005 ata un, nkpg judge aq ng cheeringdance (imajin cheerdance nyehehe) ng mga religious seminaries held @ la salle greenhills 4 their sports competition, d q lang alam kng ksali sem nyo dun. mrmi forenjirs na seminarista. ung kbbyan q n close fren frm CICMM (d q sure kng tma) ang nag invyt c akn. nkta q rin mga kbbyan q dun frm diff sems lyk canossians.

    dinalaw ko na ang site nung carmelite. professional blogger! apat na taon nang nagba-blog ang seminarista.ü

    madaldal talaga ang mga franses. ewan ko pero dahil siguro maiikli lang ang words nila, andami-dami agad nilang kayang sabihin in one minute. parang may quota lagi ng words na dapat ma-bounderie.

  13. i smell something fishy..malamang na kung ganyan ang sitwasyon (na parang nahuhulaan ko hehe) malamang na atakihin din ako ng OBOPS Syndrome. =)

    si pareng ELIment magaling gumawa ng mga art na parang stained glass bro. tignan mo mga art nun!

    hanga nga ako kay Eli eh, kaya nga nafeature agad sya dito. astigin gumawa ng art. sana igawa nya ako ng header. (kapalan na ito! hehehe…)

  14. ayan binabasa ko na ang mga blogs na dinaig pa ang mga advertisement sa ganda ng billing..hehe

    pamangkin mo pala si gwapito..manang-mana sa tito..(o wag maniwala,sinungaling ako..) :p

    kung sinungaling ka eh puwes, ngayon, sa pagkakataong ito ay nagsasabi ka ng totoo. mana talaga si gwapito sa tito. hehe…
    God bless!

  15. grabe ang mga pix mo ah, bukod sa magaganda na e ubod pa ng laki talaga…

    nilakihan ko na para kunyari mahaba ang post ko.

    ang totoo nyan, nilakihan ko nang ganyan kasi dati eh clickable ang pictures ng wordpress para ma-enlarge ang image. ngayon hindi na, so ako na lang ang nagpalaki.

  16. astig! may publicity kami. hehe.

    nakalimutan mo sabihin, may prize ang mapipili naming entry. hehe. medyo badtrip muna kami ngayon, so reflect,reflect muna kayo sa mga entries nyo. hehe. rakenrol!😀

    sa 28. abangan. basta 28.

    di natin alam, baka feb 28, march 28, o january 28 next year/. basta 28! haha! salamat naman sa publicity. hehe.

    abangan din pala ang kikomachine komix blg., 5 na siguro na wala dyan sa france. haha

    next month na ito i-rerelease. asteeg!😀

    \m/

    ha?!!! may number five na? ohindehhhhh, parang ang 4 yata eh di ko pa nabibili! tas may five na. dapat makabili ako nito. lahat kasi ng kikomachine, andaling masold-out.

    ano namang kaeklatan ang 28? baka naman year 2028 pa yan ha. kapag ganun, dapat rolex watch ang prize para sulit ang paghihintay. biruin mo, 36 na ako by that time? tingnan mo nga naman…

  17. i heard na mamimigay ng kikomachine komix blg. 5 copy sina kiera and berto sa mananalo. lavet! haha. sasali nga ako kahit di ko magets kung pano. haha! xD

    hoorayness!

    xD

    ako rin, di ko alam kung anong mechanics (mechanics talaga eh ano?). takot ko na lang na dukutin ni bertong badtrip ang mata ko using a newly-sharpened HB pencil. pero para sa KikoMachine five parang okay na rin yun. at least, HB ang gamit na pencil diba.

  18. astig naman ng mga stained glass na yan kuya utoy. naalala ko sa humanities na subject ko noon pingawa km ng parang ganyn using plastic baloon…

    plastic baloon?!!! wow, paano yun? pwede pala yun? napicturan mo ba? isend mo sa aking para ma-feature ko! dali!

  19. hahaha, padadalhan kita ng isang bungkus na narcissus.

    yan ang bulaklak na di ko kayang samahan ng matagal. kapag may blessing ako ng patay tas yan ang bulaklak, parang dudugo ang ilong ko sa amoy. mabango naman kaya lang, parang kinakalikot ng tinidor ang loob ng ilong ko.

  20. buona festa di don bosco! (jan. 31)

    bonne féte aussi et bonne journée!

  21. salamat bro. sa walang sawang pagpopromote ng aking blog🙂

    Gwapito nga, mana lang sa kanyang tito🙂

    Stained Glass- yan ang may mantsang salamin na maganda🙂

    May God continue to bless you always🙂

    syempre kasi malakas ka sa akin eh.
    saka na lang kita sisingilin kapag nahingi mo na kay bosing ang adjustment. hehe…

    si gwapito? syempre, gwaponess runs in the blood. hehe..

    parang coloring book lang ang stainglass, ano? galing!ü

  22. di din namin alam kung pano ung contest namin,. haha. basta, contest sya. haha. salamat sa publicity, di namin siya inaasahan. haha. asteeg! haha! rakenrol😀

    baka gusto nyo sumali magpasa sa amin ng iyong kabadtripan o reflection para sa pebrero. yey!🙂

    youre welcome, berto and kiera! tingnan ko rin kung makakasali ako syan sa badtrip-reflect nating yan.ü hehe… God bless!

  23. at magkano naman ang porsyento mo sa pluggings na yan? ako din nga at baka madagdagan ng 1 ang pumapasok sa blog ko,hihihi

    nabasa ko yung news about dyan after itsismis sa akin ni rev…para sa aking engot na kaisipan…marami talaga ang maapektuhan ng ginawa ni angkol bene na yun lalo na sa mga vatican 2 at alam naman siguro nya yun..alam din naman siguro nya ang mga gawain ng society na yun at kung ano ang kanilang mga mithiin sa balat ng earth….at sa ginawa nyang yun..iisa lang ang nakikita kong rason…ginagampanan nya ang tungkulin ng isang totoong tatay ng simbahan. sobrang bait nya ano? walang masamang tinapay para sa kanya..parang si fafa jetut lang!

    ay gat kerid awey…hihihi…daliri ko ang may sabi nyang hindi ako…

    cheer up na utoy…bigyan ka namin ng ice cream:)

    ok sa reflection paper ang daliri mo ah, pang-madre! sister pingger, ikaw ba yan! hehe!

    plugging ako ngayon kasi,bukod sa wala akong ma-iblog (hayan, nabuko na!) eh gusto ko ring makatulong sa mga retarded na tulad natin dito sa Net.
    syempre, diba, naranasan din natin na sa mga una nating post eh walang nagbabasa. yun pa naman ang tipong pinag-effortan natin ng sandamakmak.

    asan na gelatto ko? (tama ba ispeling?)

  24. at bakit di pumasok ung isang comment ko, argh, nakakabadtrip.

    ~bertong badtrip

    wag ka padala sa emosyon mo, berto!
    reflect, beybeh, reflect!
    ~Kiera Salamingkera

  25. naku brotherutoy,pwede din ako mag share diyan sa nakaranas ng sumpang ka cutan. Laking hirap din ang dinanas ko and up to now. Kaya nga laging paalala na lang ang aking ginagawa dine sa aking mga anak na laging mag iingat.
    Teka brother, ask ko lang ha,ang uod ba kapag namatay,inuuuod din?Tsaka kung expired na ba ang lason, nakakalason pa rin kaya?Tanong ng anak ko yan kaya sa halip na igoole ko ay sa iyo ko na lang itanong.

    uuhhmmm… ang uod, kapag namatay, hindi na inuuod.
    inaamag na lang.
    alam ko yan kasi nag-experiment pa talaga ako
    using da hapunan na inisnab ng aking kasambahay.
    malay ko bang di kumakain ang mga pranses ng pinangat?

    ang lason? mukhang nawawala rin ang pagkalason kapag expired na.
    nag-experiment kasi ulit ako eh (osyanga?).
    syempre using my kasambahay as subjects.
    as of the moment, di pa naman sila namamatay.
    Nag-LBM lang sa luto kong ginisang munggo then tuloy ang buhay.

    God bless!

  26. sows sana pala naga-advertise din ako dito. wehehe. magkano ba pa-advertise sayo kuya? wehehe.

    at may moral lesson pa talaga, i agree with that!

    sibat muna ko kuya, at nang mapuntahan yang mg ain-advertise mo.🙂

    para sayo, 18.50 na lang. tapat na yan. wala na akong tubo dyan. hehe…

    free lang ang advertisement. basta leave a link and describe your blog.ü

  27. brother utoy!!! ang tagal kitang hinanap!!!

    nag-down yung website ko tapos nung bumalik, nabura ang blog roll ko!

    so yun ang dahilan ng matagal kong pagkakawala. pero, andito na ko ulet! kukulitin na naman kita!! hehehehe!

    mishyu!

    tampo na nga sana ako eh.ü
    buti na lang may explain. (ang kapal ko.)

    welcome back! kakatakot naman ang nangyari sa blogroll mo.
    misyutu!

  28. medyo limited time lang ang pag net ko ngaun,kaya magiging honest ako, di ko po nabasa ng buo ang entry..balik po ako ulet pag may time na..

    pero gsto ko po mag thank you, kasi naka link na ako sa blog roll mo.,hehe! salamat,bro,utoy!!

    yung links ko di ko pa po ma-update, pero alam ko naman ang daan papunta dito kaya khit ala pa kayo ni rev sa blogroll ko eh makakarating pa rin ako dito.

    un lang po.
    neks time pwede rin pa-plug ng blog? hehe!
    joke lang po.haha!

    have great dar,bro.utoy.

    pwedeng pwedeng magpa-advertise! maglalagay na nga ako ng page for that eh.
    basta ingat din sa paglalakbay papunta sa link namin at baka kung saang website ka mapunta. andami pa namang mga bold na blog dito sa web.

    pero di ko alam yang sites na yan.
    nakwento lang sa akin ni rev.
    maniwala ka. please.

  29. great day*

    di ko naman napansin na wrong spelling pala.ü

  30. wow naman may ganun?? haha magkano ba mag pa advertise brothey utoy! lol
    add mo na rin ako sa FS dyilyan1988@hotmail.com

    at sana mahanap mo na ang daan sa blog ko, naliligaw ka pa rin eh.. haha

    halata bang nanliligaw, este naliligaw pa rin ako?ü God bless!

  31. ako po newbies. hakhak😉

    oo nga eh. hakhak😉

  32. sa lahat ng sinabi mo gusto ko ang pinakahuli! ang aral ng stainedglass

    Huwag tayong kaagad maghusga ayon sa panlabas na anyo, bagkus ay mas tingnan natin ang pagniningning ng kalooban ng bawat isa

    cool!
    **no comment sa lahing gwapo.

    mukhang patok kapag may moral lesson ah.
    parang okey ka, fairy ko lang.ü

    uy, magcomment ka tungkol sa gwapo.
    sabihin mo, “oo nga, agree ako.”

  33. Kaya pala sa sobrang ka gwapuhan mo utoy eh umuulan dito ng malakas. Siguro kelangan kong maligo para makisalo sa kagwapuhan mo. Welkum mga newbies at sana huwag niyo akong lamangan sa pagbloblog. haha.

    inggit lang ang forces of nature kaya umulan.ü God bless!

  34. welkam po sa kanilang lahat.🙂

    aba at talaga namang rekomendado pa ni kuya ah…😉

    eksheli, nakadalaw na rin ako sa iilan sa kanila at talaga namang magagaling sila.🙂

    lahing gwapo?? pwede na hehe.

    salamat sa pagdalaw sa kanila.ü alam mo naman ang kasiyahan ng mga newbies. may magcomment lang sa kanila, abot bunbunan na ang ngiti, ready-to-libre na ng kape agad. hehe…

  35. hala… talgang nang-aadvertise na si utoy.. to the max na ito!!!! hehehe…

    pero in fairness naman sa mga nagpapa-advertise effective nga naman talaga si utoy…

    madaming naiingganyong dumalaw…

    thank you sa tulong mo utoy…

    thank you talga..

    you’re welcome, Jhaynee! bakit pala Consha ang gamit mo dating name? tuloy, ang name mo sa blogroll ko ay “Consha… with wings!”

    suportahan mo rin ang mga newbies kapag matagal ka na sa blogging ha.ü

  36. syete! overwhelmed ako sa stainglass hangganda!!!

    “Ang bawat tao ay parang isang stainglass. Huwag tayong kaagad maghusga ayon sa panlabas na anyo, bagkus ay mas tingnan natin ang pagniningning ng kalooban ng bawat isa. ”

    pasok to! I second the emotion! nyahaha

    Nga pala..nagets ko ang feelings mo tungkol dyan sa parable na yan at si papa benny. May mga ganyan din akong sintemiyento kung minsan pero parang ganun din yung parabol tungkol dun sa isang tupang nawawala at iniwan ng pastol yung ibang tupa para hanapin sya…ano nga ba taytol nun? Dyan ko siguro natutunan yun..yung sinasabing mas kelangan ng kalinga at pang-unawa ng mga taong naliligaw ng landas…

    Oha! actually, kabisado ko mga parables na yan nung hayskul. Peyborit kong part yan ng religion class namin. Ngayon kaunti na lang natatandaan ko..

    Simulan ko ng dalawin ang mga gwapings na newbies!

    Cheer up na kuya! at sana naman ma-miss mo ko! iniwan na nga kami ni rev eh 😦

    matutuwa yung pamangkin ko nyan. maganda story nun, nakakaiyak din.ü

    uy, dadalawin naman kita. busy lang talaga. God bless!

  37. napadaan lang po kuya utoy.. pde ba magmana nadin ako ng kahit kakyutan man lang??wahahaha miss ko na mga laawang pang majorette.. hehe

    pinag-iisipan ko pa dahil medyo kailangan ng patnubay ng mga magulang ang tema nun eh… God bless!

  38. tagteams! parang wrestling ah!

    alam ko kung panu gumawa ng stained glass…

    padala mo sa akin, ifi-feature ko dito. walang biro.

    sa photoshop.

  39. sana ako rin kahit oldies ma adverstise mo bro utoy birthday ko naman last week a… hehhe!

    sige, gagawa ako ng gimik.

    at happy birthday na rin.
    God bless!

  40. namis ko rito bruder utoy, namiss ko d2:)..namis din kita hehe…lalo na ung mga atake mo..BRB ..RGDS🙂..

    uy, AJ, antagal mong nawala? anong oras na?

    hehe… welcome back sa blogosphere, kapatid. grabe ka sa hiatus ah. mukhang sinulit talaga ang bakasyon.ü
    GOd bless!

  41. Naku, lahat naman tayo e may OBOPS Syndrome at one point or another diba? Minsan kasi e mahirap lang maunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na parang di makatarungan pero iba ata talaga ang nagiging pananaw when we “look through the eyes of love” (teka, parang kanta ata eto a!).🙂

    Will check out your recommended blogs. Am sure tataas bigla ang kanilang mga hits because of your “endorsement” – iba na ang sikat e!😀

    God bless!

    bigla ngang gusto kong parang mag-iceskate kasama ang isang bulag dun sa comment mo.ü
    di pa naman ako sikat, nadadaan ko lang sa blackmail ang mga bloggers kaya nagco-comment sila dito. hehe…

  42. i visited your recommended blogs. ^_^

    balahurain ang ingles! ^_^

    aysekondimosyon, adan! hehe… God bless!

  43. brod anong congre mo? malapit din kami sa Pius X..

    hulaan mo. surely not SSPX.

    God bless.

  44. hahaha ibang klase, may plugging ng blogs.

    as usual, nalibre na naman ako ng facelift kakabasa ng mga funny post mo. Nabanat mukha ko kakangiti. I had to catch up. Ilang araw kasi akong hindi nakabalik dito eh.

    wow, only Utoy stretches your skin! pwede!ü

    salamat sa dalaw! sensya na, kasi ako rin, madalang magblog-hop. God bless!

  45. Pasensya na Bro. Utoy at halos wala akong alam tungkol sa Society of Pope Pius X. I have to read up on that Order and about their activities. Mukhang namiss ko yata iyan while growing up Catholic back in the Philippines.

    you don’t miss much naman. they’re the ultra-traditonalists in Catholicism. the ones who still thinks Protestants will be condemned in hell and that the Mass is best said in Latin.

    GOd bless!

  46. im back!..aba, bruder, piniprint ko pa talaga ang mga blogs mo @ binabasa ko sa house…pampaalis ng pagod..binubukbind ko na nga eh, hehe..

    as per ur post Q?..barubal ba ang tawag sa mga atake mo,..anu ba iyong barubal..magalang at modest ka pa rin naman ah, cno nagsabi non..hehe..

    anupaman, love ka naming lahat d2 bro..kakaiba ka kc sa iba e..kaya wag tumigil k sa sa pagbloblog..saka ikw lang ang nagpopost ng stained glasses…creepy naman itong pinakhuli…siguro dream mo rin noong maging interior designer ano..

    rgds,

    wow, flattered naman ako dun. salamat po!ü

    interior designer? wala namang tungkol sa kurtina, wall paint at pocket garden ang post ko ah? hehe…
    budding passion ko na yang magpicture ng stainglass.ü GOd bless!

  47. edi ba dumami na nga ang readers mo? naging lima na, ehehe. ibig sabihin gusto nila ang laman ng blog mo. kung enjoy kang ikwento yung mga andito sa blog mo, enjoy din kaming mga dumadalaw dito ;D

    alam mo bang pang third ka sa lima?ü God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: