Barubal na nga ba si Utoy?

Uninspired si Utoy today.  May krisis kasi ako…

Last week lang eh sobrang excited akong magsulat tungkol sa mga Larawang Pang-Majorette Part II pero dahil bisi-bisihan nga ang Kuya Utoy ninyo eh naudlot.  Pero ngayong kadarating ko lang galing bakasyon (na naman?!) sa Lisieux eh parang nawala lahat nang enthusiasm ko.  Ayoko nang gawin.

Don’t get me wrong:  di pa ako sawa sa blogging.  It’s just that napakabastos ng susunod kong “Larawang Pang-Majorette.”  May iilang tao na ang nagsabi sa akin (mga eleven na sila) na maging maingat ako sa mga ginagamit kong salita sa Web.  Napansin nila na medyo barubal na ang mga nilalaman ng blog ni Bro.Utoy.  To their words, nagiging “unbecoming of a seminarian” na ang gwapong blogger na ito.   Matapos kong mahanap sa online dictionary ang meaning ng “unbecoming” eh napaisip talaga ako at nalungkot.  Oo nga, nagiging bastos na ang blog ko.  Kung kelan more than five na ang mga readers ko eh lalo akong naging reckless sa paggamit ng salita.  Masyado ko nang pinaninindigan ang taytol ng aking blog at nagiging out of line or off-colored na ang mga jokes ko.  Baka nga ang image ko na ngayon eh gwapo pero balasubas na seminarista na lang.  But really, there’s more to Utoy than that…

Hanggang saan nga ba ang dapat kong limit as a seminarian-blogger?  Kung dadalawin ko ang mga kapwa ko seminarian-blogger eh naku, ang blog nila, may “halo” ng angel, pakpak na puti, mga ulap-ulap at lira na may tatlong kwerdas.  Samantalang ang sa akin eh parang on-line diary ni Hudas.  Ang mga topic nila ay tungkol sa Sunday homilies, mga missions at apostolate, mga cute na Youtube tungkol kay God at kay Jesus.  Ang mga topic ko eh tungkol sa Batibot Babe (ito at ito yun), mga kalokohang top five at top ten (halimbawa’y ito, itoitoito at ito at marami pang iba), mga ratings (ito at ito ang examples nun).  Nagpopost ang mga seminarian-bloggers ng mga holy pictures at mga songs ng Jesuits.  Sa kabilang banda, larawang pang-Majorette ang nakabalandra sa post ni Utoy.  Nagko-quote ang mga seminarian-bloggers sa Bible, sa CCC, sa Canon Law at sa Jerome Biblical Commentary.  Si Ai-Ai delas Alas ang aking source of quotes.  Madalas na usal ng kanilang labi eh “for the greater glory of God,” “Please pray the rosary” at “Totus Tuus” samantalang ako, ang bukang-bibig eh “Nyemas naman o.”

Some finds it cool when a seminarian writes without rein on just about anything under the sun, including sex, gluttony and decadence.  Some others finds it downright offending and irresponsible.  Naguguluhan tuloy ako.  Gusto ko sanang makuha ang consensus ninyo:  Dapat bang magbago na ng style of writing si Bro.Utoy?  Nababastusan na ba kayo sa kanya?  Seminarista pa rin ba siya sa tingin ninyo?  Anong mga topic ba dapat ang isulat ni Bro.Utoy at anong topics naman ang off-limits?

It really matters much to me kung masasagot ninyo ito ng maayos.

God bless!

* * * * *

I would like to thank lahat ng sumuporta kay Jhaynee, kay Gwapito at sa lahat ng na-feature kong bloggers.   Di ko alam kung may naitulong ba ako kasi wala akong feedbacks tungkol dito, but still, ang mahalaga eh nasuportahan natin sila.

May bago pala akong pakulo (na kopya ko lang talaga from Eli).  Pansinin ninyong may bagong page ang aking blog na pinamagatang:  “Hellish Links, Angelic Blogs.”  Ang bagong page na ito ay isang libreng advertisement kung saan, pwedeng mag-iwan kahit na sinong blogger ng link nila.  Ang requirement lang eh basta ba may maikli pero matinong describe-describe naman ng blog nila para ma-engganyo ang mga lilimang nagbabasa sa mga posts ko na mag-bloghop naman sa kanila.  This way, maibabalik ko ang utang na loob ko sa lahat ng mga senior bloggers na gumabay at sumuporta sa akin noong newbie pa ako.  Though technically, newbie pa talaga ako kasi sa end of March pa magwa-one year ang blog ko.

Ano pang nihihintay mo? mag-advertise na!

” ” ” ” ”

At syempre, ang ating Stainglass window of the day ay ito!

img_4198

Ito ay kuha ko sa Cathedral Saint-Pierre, sa Rue Henri Chéron, Lisieux sa may bandang Normandy.  sobrang dilim sa simbahan tapos lowbat na ako so di masyadong maganda ang quality ng picture.  Sikat ang simbahang ito sapagkat dito nagsisimba at magkukumpisal si St. Thérèse.  Makikita rin dito ang altar na donated ng ama niyang si Louis Martin at ang luhuran kung saan natanggap ni St. Thérèse ang misyon niyang ipanalangin ang lahat ng pari at misyonero sa mundo. 

Ang totoo nyan eh napakaraming magagandang stainglass akong nakita sa loob ng simbahang ito.   Medyo mas nakatawag lang ng pansin sa akin ang bintanang ito dahil orig na orig:  ang larawan ni Apostol San Pedro ay tila nakalutang sa kawalan.  Wala ang ma-eklat na Rococo at Baroque flourishings sa tabi-tabi at sa halip ay mga klarong bubog halos nagdodominate sa scene.  Ang bintanang ito ay likha ng Ataliers Gaudins, ang pinakasikat na stainglass workshop sa Normandy sa ngayon.

God bless!

77 Responses

  1. yay! ako ang unang nagcomment! asteeg! pero wala talaga akong masasabi. haha! 😀

    xD

  2. masyado naman kayong reader-conscious, bro. kung kumikita kayo thru blogging, dun lang kayo maging reader-conscious. kung hindi, uhh, bahala kana 😀

    xD

  3. matindi ang pix mo brod utoy, baliktad na ngayon ano?

  4. Sa palagay ko lang: you should not change the style of your writings, at least, hindi ka IPOKRITO! (caps lock talaga, 🙂 )
    Merong likuran ang lahat ng harapan, you are just showing your colors, which is really not bad for a seminarista like you. Kesa naman pagdating ng araw na santo ka na tapos me nakadiskubre ng private journals mo na isa ka palang atheist, it’s sad, di ba? Go ahead and enjoy one of life’s gifts, as the God wants us to be.

  5. sa pagkakaintindi ng maliit kung utak ay ito..ang blog ay isang personal online journal..may kalayaan kang sabihin at isulat lahat ng nararamdaman mo bilang ikaw kasi nga personal. Wag mong isipin yung ginagawa ng iba dahil lang sa pareho kayo ng tinatahak atleast ikaw nasasabi mo ang nararamdaman mo..malay mo hindi mo lang alam na wala lang silang lakas ng loob na isulat ang totoo nilang nararamdaman at hinahangaan ka nila sa lakas ng loob mong isulat ang gusto mo.

    wala akong nakikitang masama dahil ang seminarista ay hindi naman santo…TAO lang din! may kalokohan at libog din… tsaka normal pa naman ang sinusulat mo at hindi pa naman pagkain ng tae so wala kang dapat na ikapahiya!

    go lang ng go as long na hindi ka nanghahalay!

    berde na nga talaga ang lahat ng lamang loob ko kasi ibang hugis ang nakita ko sa stainglass mo..hahahaha

  6. there’s nothing wrong naman sa mga sinusulat mo kuya eh. Yung message pa rin naman ang importante sa bawat post mo hindi yung mga segway, side comments o punch lines. Kung may nabastos man na-offend or whatever {though I have nothing against them} eh baka masyado lang nag-focus dun sa “naughty” part ng bawat post…

    Kung makakatulong man..here’s my honest opinion: I admit nung una medyo awkward ang dating sa kin nung makilala ko kayo ni rev…I mean I never thought seminarians do blog…especially the kind that you guys do..yung medyo makulit. And you can even ask rev magulo yung mga unang “usap” namin and up to now nahihiya pa rin ako pag naaalala ko yun hahaha.

    Seriously, effective itong paraang napili nyo either personal man ang reasons o evangelical mas marami sa tingin ko ang nakakarelate…knowing na madali lang pala kayo i-approach, madali lang manghingi ng tulong o makipagkaibigan. Knowing na naiintindihan nyo rin feelings naming mga *non-showbiz* nyahaha.

    Alam ko me responsibility lahat ng bloggers sa mga sinusulat nila lalo na yung mga kagaya nyo…pero guys {readers} if you’ll dig deeper…makikita nyo na..oo nga naman… there’s more to Utoy than that…bow

    {yun lang muna kuya hehe pagod geleng duty}

  7. Okay, dahil pinilit mo akong mag comment, maikli lang ang sasabihin ko.Ito bang blog mo ay para kanino?Sa Iyo,tama ka. Kung susulat ka gusto mo maging masaya ka dahil nae express mo ang damdamin mo?Yes, tama ka nanam diyan. O kitam, ang hirap kausapin ang sarili hindi ba?O sige utoy, tuloy lang ang ligaya.O gusto mo Rosario at Kape?

  8. para po sa kin eh coolness nman po ung mga sinusulat mo..kanya kanya na lang po ng reactions ang mga readers di ba..chaka ndi na dapat tanungin ung ibang tao kung ano ba ang dapt mong gawin or isulat kase di ba dapat ung laman ng isip mo ang dapat mong sinusulat ndi ung sinasabi lang ng iba na isulat mo..

    agree po ako kay ms.pokw4ng na TAO lang din ang mga seminarista..

    kaya dont change the way you write in your blog for them..

    sabihin mo na lang sa kanila “WALANG BASAGAN NG TRIP..WALANG PAKIALAMENEN..KANYA KANYA TO”..heheheh

    ^^,

  9. para sa akin mas gusto ko na ang ganitong style at isa pa, sa totoo lang , never akong na boring sa nabasa ko sa blog mo kuya utoy! naiisip ko syemore siguro sa tunay na buhay eh ganyan ka talaga, MASAYA kausap! at sabi nga nila blog mo naman ‘to di ba? meron ka din namang nararandaman na kailangang isawalat. wala akong nakikitang masama doon! pero plsssssssssssssss! wag kang magbago ng style!

  10. Hi Kuya! How are you? Hope you’re still doing great despit of your dilemma.

    As for me, hinde ako magbabago ng way of writing just because other people want me to or dahil may pinapangalagaan akong image. I write what I want, what I feel, and what I think that will make other people happy. We might not please everyone but at some point, meron pa ding natutuwa, and that’s the most important thing. 🙂

    I completely understand what you’re going through, kase I, as a pastor’s kid, am getting a lot of high expectations from other people. You should behave like this, should not do that, kase anak ka ng pastor. Pero just because I am a pastor’s kid, doesn’t necessarily mean na bawal na ko magkamali, na bawal na ko magsalita ng hinde maganda, normal na tao din naman ako.

    I know it’s hard Kuya, but I know, with God’s guidance, malalampasan mo din yan. Just do what your heart desires. Go for what makes you happy.

    May God continue to shower your life with more blessings. Continue to be a blessing to other people just as what you are to me, to us, your readers! 😀

  11. Bakit baligtad ang picture ni san pedro?

  12. even if we pour our hearts out in our blogs, they will always be just ‘tip of an iceberg’ of who we are. our words whether chosen or random can never be the mirror of who we truly are. personally, i believe readers can never judge if we are becoming or unbecoming of a certain norm…. or whatever (naubusan na pala haku ng hengles word hehe)
    on the other hand, as a man of the church, people expect you to be quite reserve perhaps, maybe as not to portray a decent man to other sects or atheists reading your blog, but because we stereotyped seminarians and priests.
    in the end, maybe try still to be more cautious but still we expect to read more SINCERE and HUMAN entries which as you have wrote before can make readers think and feel that indeed seminarians are also humans who aren’t rigid…
    Ay teka, di q nga pla blog eto npapadalas na matataas na comment q ah hehe

  13. ay basta andito akong pang 5.5 mong mambabasa para makisilip sa mga stained glass. talaga bang uso ang stained glass dyan sa inyo at punong puno na ang blog mo nito?

  14. nasa france ka pala? hmmm…..about sa blog mo, in relation to mine, i changed my blog title recently to get out from the limited scope i can draw out from my own ideas, opinions and experiences dahil nga sa title ng blog ko. And now here you are doing the opposite. i suggest that you just have to continue doing what you have started in blogging. be true to yourself, pangit naman kung puro pagpapanggap ang nakasulat sa iisang blog. Mas maiintindihan ang pagkatao mo kung ibabahagi mo kung ano talaga ang nais ng puso mo na ibahagi. You are what you are and not what other people wants you to be… ok ba brod?hehehehe.. cheer up!!!

  15. u have all the freedom to write what u want…how u want it be written, its all up to you.. this is your personal blog… your personal journal/diary yun nga lang online.. ure not writing things about you..hindi naman tungkol sa ikakasasama ng ibang tao.. if you would change the way you write and the things u write about, magiging limited na ung pag express mo sa sarili mo.. its like hindi na ikaw si bro utoy..
    we cannot please everybody but at least we were able to please ourselves by expressing what we really want in our own special way…

  16. seminarian ka nga?? Weh? HAHAHAH

    seriously, you know why people keep coming back here? because you’re extraordinary. You capture the hearts of the many bloggers with your sincerity, humor and wit. Don’t you notice, (get ready for this) you minister to people in more ways than usual. You help your readers apply the Word to their lives and guide them in their spiritual walk without being too obvious. You (including bluepanjeet and revsiopao) bring priesthood to a completely diff level, parang ang COOL COOL nyo. You made me realize that serving God is not a boring thing. Kaya don’t go changing…. we love you just the way you are. naks! hahahha

    At least your blog shows you to be human after all and not some sort of unreachable uber strict holy of all holies!

  17. beauty cannot exist without ugliness. the beauty of this blog is that it manages to point out the imperfections of humankind with kind tolerance and brilliant insight.

    naaabot po ni brother utoy ng mas epektibo ang mga tulad naming nakatambay sa sangang-daan sa pamamagitan ng blog niya.

    natutukoy po ni brother utoy ang MGA TUNAY na nangyayari sa sanlibutan, at ito and karisma na meron ang kanyang blog.

    sa aking personal na opinyon, kapag nagpapakatao ang isang alagad ng Diyos ay mas marami silang nagagawa sa ngalan ng kanilang pananampalataya. Si brother utoy ay isang kaibigang madaling lapitan at hingian ng payo at mas lalapit ako sa kanya kaysa sa mga strikto at mapagpunang tao sa paligid.

  18. diba ang pinakakalaban ni Jesus eh yung mga self-righteous na pariseo? wag kang magiging white washed tomb, brother utoy. habang hindi ka nananapak ng karapatang pantao at hindi ka rin nambabalahura ng paniniwala at pananampalataya ng iba, hindi balakid ang pagba-blog mo sa pagiging seminarista mo. tunay kang tao kaya ka namin tinatangkilik.

  19. brother, madali ka rin bang utangan?

  20. parang blasphemous ang stained glass na ito…

    sa aking perspektibo ha. hehe.

    ot: ok lang magpost ng bastos, basta tasteful…

    tasteful? me-ganun? ^_^

  21. see marame ka pong followers dahil love ka nmin as u are(feeling close..heheh)..kaya wag ka po magbago ng iyong paraan ng pagsusulat dahil may ilang pumuna sayo.

    kaya wag ka na pong magdalawang isip na ipost ang iyong Larawang Pang-Majorette Part II..panigurado marami nang nakaabang (na tulad ko) sa iyong mga larawan..heheh

    ^^

  22. Sa totoo lang, I see nothing wrong with your writings and thoughts. It makes you more human and real in the eyes of your readers and I, for one, appreciate that.

    Just to let you know that I enjoy reading your posts about the various stained glass windows you see in your travels. Count me as one of those who have learned a lot from the information you share. Blog on! 🙂

  23. Uy Bro, may sagot na ako sa comment mo sa blog ko and regarding your magic age 27. Basahin mo, now na. Sa totoo lang, meron isang post mo na medyo napatigil ako. I guess it was about Kapitag-pitagan. Kasi in that post, you laid out some norms in blogging even if they appear to be very personal for you. Pero sa kabila ng napakapersonal mong view about blogging, you downplayed theology or even religious piety and that silently rang a bell on me – DUALISMO!!! Yun lang. Totoo, mahirap ang theological language sa isang popular medium like blogging and people can only try because to paraphrase St. Paul: “aren’t we chained to the Word to proclaim it”? If not, then it’s time to keep asking. I’m still mulling over the idea of writing a post on blogging as spiritual self-formation.

  24. kahit ano pa ang isulat mo kuya utoy..mapa batibot babes man ito o kahit ang paglalakbay mo sa kabundukan ay siguradong tatangkilikin ko pa din ito.
    napapangiti mo kaya ako sa mga isinusulat mo at ang pinaka malala……..napapaiyak mo ako …..oo, napapaiyak mo ako sa kakatawa.=D

    barubal ba si utoy??? para sa akin, hindi. ang alam ko e pogi si utoy…yun lang.bow

  25. wala naman akong nakikitang hindi maganda sa mga posts mo. hindi naman bastos e, kwela ka lang. yun lang naman yun. tanungin mo nga kung sinu ang bumaba sa pagtingin sayu dito, im sure wala. yung pagkakwela mo naman ay may sense pa din. sobra naman yung unbecoming ini-issue sayo. para namang pumatay ka ng tao para sabihan nun! gayunpaman nasa iyo pa din ang desisyon pero para sa akin, NAKAKAINSPIRE KA PA DIN! PRAMIS! paki sabi sa mga brothers mo jan na, KAME INSPIRED SAYU LALO NA KAMENG MGA OFW NA NATUTUWA AT GUMAGAAN ANG ARAW SA PAGBBLOG MO. wala kang nagawang masama naman sa blogosphere bro.

    sa kabilang banda naman parang di ko ata gusto ang stained glass natin for the day. nakabaligtad kasi. parang di masyadong magandang tignan.. parang nahihirapan akong tignan yun nga kasi parang baligtad ata..teka silip ulit..baligtad nga talaga e hehe

  26. mayaman ang titik matalim ang panulat. at ang karne sa utak mo, mapagpalaya’t liberal.

    ipagpatuloy. kawal ni kristo!

    kudos!

  27. huwat? magbabago ka ng style? personally, i like the format of your blog. please don’t change the style… 🙂

  28. hi brotherutoy! i’ve been reading your blogs for quite sometime now at hindi ko naisip na kabastusan yung mga sinusulat mo. 🙂

    nakakainspire nga eh. 🙂

    ayun, basta disclose lang ng disclose..hehe..

  29. Naku, kapatid, para sa akin, ang charm ng iyong blog lies in the sincerity and candidness of your posts. Yung tipong, kahit seminarista ka pa e di mag-aatubili ang mga tao to approach you dahil hindi “holier-than-thou” ang dating mo.

    Tuloy-tuloy ka lang, Bro Utoy, huwag kang masyadong ma-affect sa mga batikos. For as long as your conscience is clear then blog away! 😀

    PS Ganyan lang talaga pag sikat, iniintriga palagi! Tignan mo si Marian Rivera… awwww! (sigaw-Marimar yan – hahaha!) 😆

    God bless!

  30. Nahirapan akong sumagot sa tanong ah…. Mag-iisip muna ako… Balik ako kung tapos na aakong macompose ng sagot…. 🙂

  31. Naniniwala akong may iba ibang istilo ang mga tao para gumawa ng sulating ika-iinganyo ng nakakarami. Alam kong nakakapagsulat ka ng mga salitang sinasabi mong ‘out-of line’ na dahil iyon lang ang maaring naisip mong paraan para ganado ang ang mga magbabasang magbasa ng mga post mo.

    Tama ang iba na as long as your sincere and honest to what you are writing and keep your feet on the ground (wag masyadong mahangin), there’s nothing to worry about. Just know your limitation, which is you probably know it, and somehow readers don’t need some-like-nasty words just to make them interested on your post.

    At isa pa, kailangan mong ausin ang pinagsasabi mung GWAPO. Ang pagkakaalam ko hindi pa ipinganak ang papalit sa trono ko.! haha.

  32. I don’t think I can say anything more than what they already said. Stay true to yourself, blog about anything under the sun, stick to your style of writing. If there’s anything that needs to be changed, it is your opposition’s way of thinking as to what an “ideal seminarian blog” should be.

    What I like so much about you is your sincerity, not only when posting entries but when commenting on other’s blog posts as well. You simply don’t read what’s at the end or the beginning then would comment. You grasp what’s the real message and comment whole heartedly.

    We’ll be expecting more of your “unbecoming” entries if that’s really how those eleven others see them. Please, don’t change. ^_^

  33. utoy, ikaw ba yan?
    naapektuhan ka na yata? hehehe
    nasa crisis ka nga siguro.
    Di man ito midlife stage pero parang nagpaparamdam na.
    3 ka nga ba? akala ko 2 ka. hehehehe
    Ang ganda nga ng blogging mo dahil kasama rito ang proseso mo sa sarili. Nailalabas mo laman ng isip mo at emahinasyon. Ngayon, nagpaparamdam na puso mo. Wew! sana pagmamahal na yan.
    Maraming pang darating Padre.
    Ingat ka lagi at nandito lang kami, karamay mo.

  34. Para sa akin, wala akong nakikitang panget. just be yourself… kapag nagbago ito baka hindi na ito “Bro. Utoy” at sabay nun baka hindi nyo narin ma enjoy 😀

    Bkit nga po pala nakabligtad ung Imahe sa stainglass?

  35. haayy naku.. late na naman ako.

    you dont have to change your style kuya! its you! thats very utoy. you are loved because of that!

    i love the window!

  36. people in the web judge us by our writings. di maiiwasan. bukod sa pagiging seminarian, eh may ibang kuro-kuro ka din naman. so oks lang yan bro utoy. wag papressure sa negative chismax. personally, i don’t find your blog bastos. kaya ipagpatuloy mo. 🙂

  37. hehehe, kanya kanyang style yan kuya. di naman ibg sabhn ganyan ang style of writing mo eh barubal na di ba? pagdating sa pagbblog kelangan nagpapaka totoo ka kaya di masamang i express ang nasa sa loob… 😉

    ayos! hehe

  38. brotherutoy sobrang sikat ka na kai.as in.kaya napapansin ka na.yun na lang isipin natin.hehe

  39. bro naku maraming ganyan dito …akala ko nga mababait..hindi naman pala masyado..hehehe…nasobrahan lang ako nang tiwala…pero sabi nga nang nila..walang basagan nang trip at higit sa lahat..ikaw ang nakakaalam at nagtataguyod nang blog mo..minahal ka namin dahil kung ano man ang sinusulat mo at dapat respetuhin namin yon dahil ikaw ay ikaw at TAO ka lang din para magkamali… BOW! ang haba nun bro… hehehe 😀

    GODBLESS!

  40. para sa akin..kung ano at kung saan ka masaya..yun ang gawin mo! mahirap yong gagawin mo ang isang bagay para lang matuwa yong makakakita. una sa lahat dapat masaya ka sa ginagawa mo. saka mo na intindihin kung masaya rin ba ang mga nakakabasa! ituloy ang bagsik! hehe

  41. LOL senti mode hanube. As useless delayed na naman ako sa issue LOL.

    May umaaway na rin sayo? Naku sign yan ng pagiging sikat haha

    Natanggap mo ba naman ang nobela ko sa email? di ka na sumagot. Pero tama yan. Be “quiet and calm” until the issue subside.

    Wala ako comment kasi naubos na ata dun sa email na pinadala ko haha

    Just always remember: You don’t owe anyone an explanation — rule no.1 yan sa blogging. and Hoy, nangaling ka lang sa normandy inatake ka na ng krisis. Mukhang mahina ka sa syota ko ah, di mo ata kinausap sa Lisiuex eh haha.

    PS…”may “halo” ng angel, pakpak na puti, mga ulap-ulap” aba ako ata yun ah? haha

    Pax et Bonum

  42. at nakailang pabalik balik na ako dito sa kakaintay ng mga sagot sa mga koment…bisyo ko na kaya yun…tagal naman..pati don sa last na post wala pa din…

    at demanding daw ako!! hahahaha

    balik na utoy…may nutella ka dali!

  43. iba iba naman ang pananaw depende sa klase ng tao. at depende sa pagtanggap, kung ang audience mo ay mga immature maaaring nasa maling landas ka(bip bip!). pero since malalaki naman na kami at alam naman namin kung sino ka talaga(alagad ng simbahan) wala namang problema yun. kahit gano pa kasama ang ipakita mo still hindi na mabubura sa amin ang tatak na nagawa mo as “seminarian” and that what makes you unique..

    subukan mong ibahin tema mo! baka langawin kana hekhek. isa pang gusto ko dito sa blog is yung mga stained glass na may aral! bakit di mo yun isinama sa mga good feature ng blog mo vs. sa lahat ng negative na binaggit mo. minsan hindi namna natin kailangan gumaya sa iba para maging katanggap tanggap ang ginagawa natin. sariling paraan mas ok!

    bilangin monalang brother utoy kung ilan na ba ang taong nakilala mo dito sa blog! ilan na ba silang naniwala sayo.. nanininiwala at patuloy na nagbabasa dito.. lahat sila responsible readers! kahit pa anong salita gamitin mo, same effect padin at hindi padin nawawala ang pag galang sayu! dimona maiaalis yun. pagbuo lang ng isang magandang pagsasamahan at pagkakaibigan diba? isang magandang puntos na yon?

    **
    kahit ano pa kapuntahan ng blog mo! nandun padin yung humor mo! yun ang sigurado!

    tagay na! nyahaha!

  44. brod utoy, salamat sa malimit na pagdaan sa munting tahanan ni payatot…sana mag may mag tag rin sayo kung di ka pa nakakapag tag…malaman naman ang buhay mo kung paano ba si brod utoy..ehehehe, salamat ulit

  45. Bro. Utoy, comment lang muna po ako sa staingalss mo, at isa lang masasabi ko hindi ko maintindihan bat ganyan sya na nakalutang sa kawalan? (obvious po ba na wala ako alam?) hmmm siguro dumadaan tayo sa ganyang stage parang nakalutang habang nakabitin ng patiwarik not to mention ang cross. Pero pwede naman natin pagmasdan sa ibang aspect… hehehe Parang dilemma mo ngayon Bro. Utoy, hindi lahat makakaintindi, minsan ibibitin tayo ng patiwarik at iiwanan tayo sa malalim na pag iisip na parang nakalutang lang sa kawalan, you have your own identity, hindi po kailangan baguhin ang style of writing dahil lang sa may (11) hindi nakaka appreciate nito.

    Isa lang naman po gusto ko sabihin, for me, hindi “unbecoming of a seminarian” ang tawag dun… naniniwala po ako na ang malayang pagpapahayag ng kaisipan ay hindi kawalan ng karapatan bilang isang tao, isang simpleng tao, isang seminarista or isang pari pa. We all have flaws, may mga taong nagpapakatao pero di naman nagpapakatotoo.

    PS
    Bro. emo ka ba ngayon? Haaayyysss… parang takot na ko sa statement na “there’s more to utoy than that” ah… ahihihihi! Lika nga, pahug naman jan!

  46. Grabe, hataw sa comments ah!

    Anyways, as committed, ako ay nagbalik para ibahagi ang aking sagot sa napaka-importante mong tanong…

    I have to admit, I have not fully read all your entries. So in the interest of time, I checked out the entries in question (the links interspersed in your post). Having read them, I really wondered why you asked whether there is a need to change your writing style, or whether your posts are way too obscene… Are those questions part of a greater scheme for joking around? Haha!

    Kidding aside, and in the assumption that the questions were raised in good intent and in troubled thoughts (kapatid, nahihirapan pa rin kasi akong maniwala na sila’y mga seryosong tanong, hehe), I find the posts in question to be creative precipitates of a clever mind… I don’t want to be patronizing but seldom do I find seminarians or priests that are able to imbue or interpose currently relevant humor with the seemingly archaic stories of the Bible or even the basic catechesis of the seven deadly sins.

    I am looking forward to your future homilies… Your creative precipitates are what we need to make the relevant messages of the Bible take root in the minds of the common people – to not make them forget and most importantly, to not make them sleep during homilies. Haha!

    And I really find the idea of naming those unknown Biblical women ingenious… And who would forget Donita, Maja and the rest? 🙂

    The Naked Photographer

  47. barubal ka na nga ba? ang totoo nyan, hindi ko alam. hindi ko kasi alam kung ano ung barubal. ngayon ko lang yata un narinig. lol. unbecoming? hindi ko rin alam. (lahat nalang di ko alam. haha) -matagal tagal narin kasi akong hindi nakakapunta dito. pero ano naman ngayon kung hindi mala-santo ang sulat mo dito.. di porket pumasok sa seminaryo (tama ba?) eh instant mawawala ang sungay. kung yun ngang kakilala ng kaibigan ng mama ko na pari sa lugar nila tumador, ikaw pa kayang *pagkagwapong blogger? isa pa, panghatak mo yang writing style mo. kitam ang dami mong readers? hehe.

    p.s
    namis ko kayo.

  48. I mean, ang dami mong readers! (exclamation hindi question mark. hihi.)

  49. papatulan ko ang pakulo mo bro utoy kasi sa june pako mag one year e… hahaha!

  50. we love you for who you are utoy…

    not everyone may understand and alot of people may have their own expectations from you but stil there will be more people who will love you for who you are and accept for who you are not..

    we met you as the kulit brother utoy and the im glad iv known a real person behind that seminarian mask…

    i think you should consider changing you topic and not the way of writing only if you have offended someone. but as long as everybody is happy with our brother utoy, then the brother utoy we knew is for keeps.

    DONT CHANGE!

  51. hindi ko pa alam kung nagiging barubal ka sa mga blogs mo, pero i was truly suprised to find out na isa ka palang seminarista?!? may nakilala din akong seminarista dati na nagkagusto pa sa kin. tao ka pa rin naman. pag tinubuan ka ng pakpak dahil sa sobrang pagseryoso mo sa karir mo, lingunin mo sarili mo sa salamin at baka anghel ka na pala… hehehe!

    cge kikilalanin muna kita sa mga blogs mo. pero kung ako sau, tama na lang na nagpapakatotoo ka. besides, blog mo ito at di kanila.

    p.s.
    wag mo kasi ibigay link mo sa mga ksama mong seminarista para walang usapan 😀

  52. tuloy mo lang bro. utoy ang iyong nasimulan dito 🙂

  53. re: comment

    bro ok lang ung mga madre ang nakakatakot eh kung mga seminarista lalo na pari magsasabi sau:

    Utoy, secret crush kita hehehe

  54. “It really matters much to me kung masasagot ninyo ito ng maayos.”

    I’ll reply as if my answer would matter 😛

    Unang beses ko pa lang natalisod sa blog mo eh nagenjoy na ako. Kaya nga weto pa rin ako, padaan daan. Pero, honestly, mejo hindi ko agad nagets na semenarista ka. Hindi kasi sya halata sa mga blog entries mo. Walang “for the greater glory of God,” “Please pray the rosary” at “Totus Tuus”. Kung hindi nabanggit hindi ko malalaman. Pero kahit nung nalaman ko na, I still enjoyed your posts. Kaya nga weto pa rin ako, padaan daan.

    Buti na lang pala hindi ako kabilang sa “polite society” kung hindi baka unbecoming na din ang tingin ko sa yo. Bro, trust that your readers are smart enough to know that your off-colored jokes and pang-majorette photos don’t make you less of a seminarian. H*ck, you make tedious subject sounds fun. Kaya nga ang dami nagbabasa ng blog mo eh hindi lang lilima. Anim na kami, dumagdag na ako.

    Ang importante, kahit nakakatawa man, mejo green o unbecoming ang pagkakasegueway, tulad ng adarna books may moral lesson naman ang bawat blog posts mo. Basta ang alam ko pa pag ang pari nakakatawa, lively at nakakarelate ang homily, mas onti nakakatulog 😛

    Pero in case napagdesisyunan mong pati dito sa blog mo eh dalhin ang halo at pakpak mo… penge ako ng konting balahibo. Ilalagay ko sa tiara ko 🙂

    P.S.
    Buti pala nabasa ko itong post mo. Kung hindi, di ko malalaman na gwapo ka.

  55. hmmm, brother utoy…mukhang ang haba ng bakasyon mo sa blogging 😦 hope you are feeling much better! 😉

  56. Hello may tag ako sayo…Try ko lang kung kunin mo…
    Pero nasasayo if kunin mo..But you deserving naman sa award na yon…Thanks ingat…

  57. Hello Brother Utoy! Your new friend , Gardiniere di Cristo visited you here.

    God bless you!

  58. walang makikialam… ganun lang yun… hindi naman lahat ng tao eh santo…

  59. Pahabol lang. Pakibista ang blog ko dahil mayroon akong munting award para sa iyo. Salamat. 🙂

  60. hmmm…kung ikaw ang magmimisa at ganito ka magsermon gaya ng sulat mo sa blog mo, magsisimba ulit ako.

    nagsisimba lang kasi ako pag walang tao sa simbahan. lalo na sa UP chapel. pakiramdam ko nasa spaceship ako at anumang oras ay ililipad ako papuntang langit.

  61. nakalink na naman pala ako, di ko na kailangan mag advertise, salamat! pagdating ng march gawin mo yung tribute campaign, para makapagpasalamat sa mga taong nakaimpluwensya sayo para tumagal sa blogworld, tapos lagay mo yung logo d2 🙂

    Yung stainglass sa ibang bansa napaka creative talaga, may puso.. 🙂

  62. […] Visit Brother Utoy’s Blog […]

  63. HAhaha. Uu, tiyak magugustuhan mu ang city of ember. Lang eksenang mag mapuputol ang ulo o mahihiwa ang paa.
    Kasi naman puro romance ang gusto ni kuya utoy. hehe

  64. pabaligtad na krus. diba simbolo ng mga tagaunderworld yan?… sang seminaryo kaba talaga? dun sa katabi ng kumbento kung saan naging mother superior si Atticus?

  65. brader meron na akong forum visit ka rin ha tsaka pa member http://honeyreyes.com/forum/

  66. Ok. Eto na ang comment ko.

    Ang pagiging cool mo kaya marami ang tumatangkilik sayo. Para sa akin, mas napapalapit ako sa mga seminarians, mga pari, mga madre kung sila eh mga cool. Cool in a way na may limitations. Mas madali mo kasing mareach ang mga tao lalo na ang mga kabataan dahil sa humor mo pero nakatatak parin sa mumunting kokote namin na seminarian ka.

    Wish ko lang, wag kang magbabago kasi baka langawin ang blog mo, hihihi.. jowk!

    Isa pa, ang ng mga tao kung gano ka kalalim at kung gano ka katalino. Ako, personally kilala kita na parang saint kung mag advice, im trying to absorb your message para sa akin, sobrang laki ng tulong. At kung nde dahil sayo at kina rev, nde ko siguro malalaman ang talgang plano ko sa buhay. Kaya i owe you that. At dahil un sa mga posts mo.

    Nakakainspire ang mga entries mo, one of the reasons why i keep on blogging. Kung ikaw may mga stained glass, ako naman mga kain at laboy, in short, lahat tayo may kanya kanyang style as long as nde tayo nakakatapak ng tao at nambabalahura ng religion, ok sa alright ang magpost.

    ***
    Request ko sana may part two ung seminarian fashion mo, sana may malalaking pictures na. Kakainspire din kasi un eh, hekhek..

    Godbless!

  67. well sa sobrang dami ng ng comment d2 hindi ko alam kung mapagkakaabalahan mo png basahin itong comment ko…hehehe

    its my 2nd time na napadalaw d2 sa blog mo at obvious na unang comment ko to…sa totoo lng akala ko eh chika lng yan brother- brother mo sa nick mo pero nagulat ako na totoo nga plng seminarista ka dhil sa sytle ng pagsusulat mo eh muka kang makulit na tambay…joke!

    pero sa mga nabasa ko na mga post mo eh sa tingin ko eh wla nman masama sa mga ito…kc wla ka nman tinatapakan at inaagrabyadong ibang tao…pra ksi sa aking as long as hindi ka nkakasakit ng kapwa mo eh wla kng ginagawang masama…although cguro hindi lng kc tlga tayo sanay na ang isang taong sagradong tagapaglingkod sa diyos ay minsan eh may kakulitan din….pero cguro nsa pagpapalawak lng nman yan ng pang unawa sa kapwa mo…un lng po.

    nabasa ko ito, Rhona. Sayo nga lang ako magrereply eh. Salamat sa comment ha. nakakataba ng puso. I really appreciate it kasi dama ko, very sincere ang words mo. God bless!

  68. haha barubal seems to be too harsh 🙂

    nakonsensya naman ako, tinawag kitang bad sa isang reply ko sa comment mo sa blog ko 😦

    serious na:
    just be yourself. Alam mo naman sa sarili mo na nde ka ganun. Marami ang na-iinspire sa pagsusulat mo at maganda naman ang intensyon mo.
    pero mahirap nga yan, alam kong kayong mga seminarista ay maraming “norms” na dapat nasusunod.

  69. brother uloy natatakot ako kapagmag cross na nakabaliktad, masama ba yon?

    nanonood ka ba ng MAY BUKAS PA? Sana dalawa kayo ni rev makita namen don, isa kayo sa mga pari don… aba mukang madami manonood non..

    ingat po…. padaan lang…

  70. Bro Utoy, I love reading your blogs because you make serious topics about religion easier to grasp. Your writing style is unique and your humor is different and people like it. Seriously, I am constantly shocked at how many people comment in your blog site – and to think one year ka pa lang nagblo-blog.

    People have different writing styles… seminarians don’t have to fit in a mold. Your way of reaching out to people and letting them experience God is different but equally as effective.

    As long as your conscience is clear, do not let the comments of other people bother you too much.

  71. I really don’t think you should censor your comments as long as

    1. they don’t hurt anyone
    2. you don’t mention the real names of companies and people.
    3. If they’re mean people making stupid comments just block them from posting on your blog.

    I’m still sad about your valentine’s day post. Nakakalungkot! Anyway, I’d like to share this post I made 2 years ago, One of my posted comments on another blog got turned into an article in kerygma magazine!

    http://martinaquino.wordpress.com/2007/04/07/im-getting-a-story-published-in-kerygma-magazine/

  72. sa tingin ko as in sa tingin ko po huwag mo palitan yaong style of writing mo. mas nakakatuwa po. at anobeh, you’re blogging in order to express not to impress kaya sige sulat lang ng sulat kung ano ang maisipan.

    kaya mo yan kuya utoy!

    hmm saan ko ba dapat ilagay ang aking bloggy bloggy? sa hellish link o sa angelic blog? i dunno… mini mini my nimo na lang… kung ano man mapili ko, It’s GOd’s will! hekhek!

    nagulat ako sa stained glass, baliktad…

  73. kuya utoy!! maraming salamat sa reply po!
    i add na po kita sa blogroll ko ha!

  74. ditto. *looks up*

    nakakatuwa etong blog mo. luvet. 😀

  75. naku kung barubal ka, paano pa kaya kami? hehe. personally, naappreciate ko yung style of writing mo kasi nakikita ko yung human side ng simbahan. sa tingin ko mahalaga na nakakarelate ang mga tao sa inyo para hindi sila mahiyang lumapit. but then again, naghahanap rin ang tao ng role models. sa tingin ko a balance between the two 🙂

    pero personally, hindi naman ako nababarubalan sa mga nakasulat dito 🙂

  76. […] Barubal na nga ba si Utoy? Brother Utoy's Salvation History Posted on February 3, 2009 by brotherutoy […]

Leave a reply to chicksykat Cancel reply