Sugar: not exactly a Valentine story

Una sa lahat, Panaderos, next post ko na susulatin ang tag-award.  pramis.

Pangalawa, welcome sa blogging world kila Chicksykat at Gardiniere

Pangatlo eh salamat kay Jhaynee at pagkalaki-laki ng pangalan ko sa post nya.ü  Touched naman ako.  Touch me more…ü

* * * * *

Di ko alam pero kapag may mga taong nalalaman na seminarista ako, hindi tungkol kay God o kay Jesus o kay Mama Mary ang tinatanong nila sa akin.  Ang una nilang tanong sa akin ay bakit hindi na lang ako nag-artista (buhay pa po kasi si Dick Israel)  at ang pangalawa eh bakit di na lang ako nag-asawa. 

Pumasok din naman sa isip ko ang pag-aasawa.  Na-inlababo din naman ako at nakapagpasagot ng girlfriend, kahit papaano.  Kaya lang eh para talagang lamok sa tenga ko ang tungkol sa pagpapari, bulong ng bulong, di ako pinapatulog at ayaw akong tantanan. 

Maganda sanang ikwento ko yung una kong naging girlfriend sa trabaho kaya lang ayoko.  Blogger na rin kasi siya ngayon at reader na rin ng mga posts ko.  Baka mamaya, ibuko niyang sinungaling ako di niya sang-ayunan ang version ko ng lovestory namin, tapos eh sumulat din siya ng sarili niyang tell-all version, yung tipong “You’re Such an Effing Jerk! : The Real Story Behind Brother Utoy’s Breakups” ang dating.

img_2566I’d rather talk about my last relationship before I entered the seminary.  Bakit kanyo?  Kasi kalahati ng mga late vocation seminarians, para pumasok sa seminaryo eh nakipag-break muna sa mga girlfriends nila.  Yung other half, after one or two years pa sa seminary bago nakipagbreak. hehe…  Bottomline, each seminarian has a “break-up” story to tell.

My last girlfriend before I entered the seminary was Sugar.  Sugar, kasi short for Sugarpie, kasi, tulad na rin ng ibang baduy na relationships, may tawagan kami sa isa’t isa.  Siya si Sugarpie at ako naman si Teacake. {{**insert groaning sounds of disgust here**}}  Mahal na mahal ko si Sugar.  Ewan ko pero head-over-heels talaga ako sa kanya.  Natatagalan niya lahat ng ka-nerdan ko sa buhay.  Mabenta sa kanya ang bulok kong style sa panliligaw, tumawa siya sa lahat ng jokes ko.  Ako naman eh puro pasa na sa kakakurot niya, laging halos mangiyak-ngiyak kapag inaaway na niya ako dahil nasa mood siyang awayin ako kahit walang dahilan (bakit ganun ang mga babae, ano? mga sadista.), parang baliw na nakangiti maghapon kapag nag-iinfrared messaging kami  (nasa Manila kasi siya at ako eh nasa Bacolod), img_25681pakiramdam ko eh may abs ako at pulang Ferrari sa garahe kapag may nagagawa ako para mapangiti sya, etc.   Maikukumpara ko ang nararamdaman ko para sa kanya sa nararamdaman ko kapag nagigising ako sa isang napakaganda at tahimik na umaga: warm, bright, reassuring, calm, hope-filled, love-filled…   Lagi kong kinakanta sa kanya gabi-gabi bago matulog yung “The Way You Look Tonight” kasi it summarizes my feelings for her:

Someday, when I’m awfully low
and the world is cold,
I will feel aglow just thinking of you
and the way you look tonight.
With each word, your tenderness grows,
tearing my fears apart.
And the laugh that wrinkles your nose,
it touches my foolish heart.”

Hayan, senti na ako.  Ayoko nang magkwento.

Pero sige, for blogging sake, kwento tayo.  Moving on…

img_25631I’ve been contemplating a life in priesthood since I was in college.  The idea keeps on bugging me, until my graduation at kahit na noong nagtatrabaho na ako sa isang pabrika ng beer sa Pilipinas. I always ask myself, para sa pag-aasawa ba ako o para sa pagpapari?  Pero, unlike with other relationships, I never had such a dilemma as when I fell hard for Sugar.  It bothered me kasi I’m terribly in love with her and yet, something gnaws me inside, telling me to leave everything and serve God.  Something is telling me, I must make a choice.

img_3875Then I had this brilliant-went-stupid plan:  the only way to know the answer is to take some risks.  Ang plano eh I’ll take a weekend off, go to Manila and take the entrance exams to the seminary.  Walang makaka-alam, wala akong sasabihan kung bakit ako uuwi ng Manila.  Kung papasa ako sa entrance exams, then siguro nga eh may possibility nga na maging pari ako. Kung babagsak naman eh syempre, tuloy-tuloy na kami ni Sugar and we’ll live happily ever after  (BTW, Ever After is her favorite movie).  Truth be told, sigurado ako noon na di ako papasa so malaki ang chance na magkakatuluyan talaga kami ni Sugar.   

img_0806So eto na, friday evening, I left Bacolod for Manila.  Sabi ko sa boss ko, bakasyon lang with my family.  I took the exams as soon as I arrived.  I had three interviews the following morning of Saturday, then in the afternoon, the vocation director and I went to Batangas to talk to my parents and my parish priest.  The next day, (Sunday) we’re back in Manila, had medical exam sa kakilalang doctor then kinagabihan, nasa Bacolod na ulit ako.   All these times, I’m talking and texting Sugar as if I’m still in Bacolod.  A week has passed since my exams, wala naman siyang nahalata.  Or so I thought.

Nagkausap si Sugar at ang boss ko tungkol sa problema sa SAP (yup, ganun kaluma ang istorya namin, SAP pa ang program namin).  And then in passing, natanong ng Boss kong tsismoso kung anong pasalubong ko kay Sugar.  Nagulat syempre si Sugar na malamang umuwi pala ako ng Manila nang di niya alam.  Instead of confronting me, she called my sister.  My sister, dahil napaka-honest nun, inamin na umuwi nga ako at nag-exam nga ako.  Tawag sya sa akin, sobrang hurt kasi nagsinungaling ako sa kanya.  Biruin mo, kasalukuyan akong nagsasampling sa mga malalaking tangke ng beer eh nakikipag-break sa akin si Sugar sa cellphone.  Ang gulo ng isip ko nun.  Ansikip ng dibdib ko, nanginginig ako sa lamig ng cellars dahil di ko mapaniwalaan ang pangyayari.  Ambilis-bilis, para akong bumabagsak sa ere.  Paulit-ulit ako sa telepono:  Teka, teka, sandali, Sugar, mag-usap muna tayo!  Teka, teka, sandali lang please!  Uyyy… Sugar! Wag naman ganun.. Uyy… Sugar… mahal kita… please…

.

img_2562Oo na, jerk ako.  D**khead ako.  Kasalanan ko ang lahat.  I lost a perfect woman over some stupid experiment na agad ko namang pinagsisihan.  Suddenly, I am without a girlfriend tapos wala pang kasiguraduhan kung papasa nga ba ako sa application ko.   Biglang andilim-dilim sa mundo ko.  Gusto kong sapakin ang sarili ko nun kaya lang di naman ako si Edward Norton ng Fight Club.  So binabatukan ko na lang ang sarili ko habang sinasabi ko sa sarili ko:  “Ang gagu-gago mo, Utoy.  Ang tanga-tanga mo…”  Mahal na mahal ko kasi si Sugar.

October yun nung nangyari.  I mourned for it till December.  By January, rebound na ako.  Pumorma ulit sa isang girl sa Accounting Department.  Pero by February, nalaman ko na pumasa na ako sa seminaryo so di ko na itinuloy ang panliligaw.  I filed my resignation, trained my relyebo, and left my job by April.  By May, nasa seminaryo na ako.  then, a few months after, dumalaw si Sugar sa seminaryo namin.  Ang awkward.  The girl I used to kiss and hug at all times we’re together, ngayon, handshake na lang at isang parang naiilang na hug.   Then there’s occational phonecalls every now and then.  Three years after, I heard she got married to a doctor and is now living in US.  I never heard from her since.

img_4036On the hindsight, pinagsisihan ko man ang pagkawala ni Sugar sa buhay ko, nagpatibay din yun ng paninindigan ko sa bokasyon ko.  Nanaig pa rin ang bulong ng Diyos sa akin, in the end.  Nakita ko na ang pagmamahal ko kay Sugar ang naghanda sa akin para tunay na mahalin ang Diyos.   Narealize ko ang capacity ko for intimacy and I realized that this same intimacy is what God is asking from me.  Ang love ng isang seminarian sa Diyos kasi, hindi yung tipong pagmamahal lang ng isang anak sa kanyang magulang.  Our love is that of a lover seeking his Beloved, a love that seeks commitment, devotion and self-sacrifice.  I am consoled by the fact that a Greater Love awaits me and is constantly calling me and drawing me near.  I am consoled that going through all the difficulties in my seminary life, img_4037it is that Love that guides me and helps me weather them all.  Kaya naman, where I failed in loving Sugar, sana sa pagmamahal ko sa Diyos at sa kanyang mga minamahal, hindi ako mabigo.   If, once, Sugar brought sunshine to my life in the past, let now God be the new dawn to shine in me. 

Share ko lang ang isang passage na attributed kay Fr. Pedro Arrupe, SJ.

“Nothing is more practical than finding God,
that is, than falling in Love in a quite absolute, final way.
What you are in love with,
what seizes your imagination, will affect everything.
It will decide what will get you out of bed in the morning,
what you will do with your evenings,
how you will spend your weekends,
what you read, who you know,
what breaks your heart,
and what amazes you with joy and gratitude.
Fall in Love, stay in Love
and it will decide everything.”

God bless everyone and happy Valentines day!

* * * *

Next time na muna ang stainglass windows.  I-appreciate nyo muna ang mga “sunrise, fried rice” photos ko.  Nakakadistract sa kwento ano? hehe…ü

82 Responses

  1. ah, pasikat lang pala yang mga sunrise photos… kaya pala hinahanapan ko ng connect sa kwento, yung una lang ang tumama, ahahahahaha!

    hindi ako mahilig magbasa ng sobrang habang post pero eto binasa ko mula ulo hanggang paa.😀

    galing! meant to be talaga kayo ni God.

    naobvious bang pinilit lang isama ang pictures para maipagyabang? hehe…

  2. the way you look tonight…
    song used from the movie my bestfriend;s wedding di poh ba? so romantic their scene..

    there’s something about sunrise and sunsets na nakakakilig… wala lang.. may calming effect and kilig factor lalo na when you watch it with someone..

    at least sugar’s happy now and in safe hands na…

    ha? hindi ba ako safe hands? hehe…

    yup, it’s from My Best Friend’s Wedding at from Father of the Bride din ni Steve Martin. Yan lang kasi ang kayang kantahin ng sintunado kong boses.ü dun sa My Best Friend’s Wedding, sad nga ang scene nito kasi nandun sila sa may tourist boat tapos isinasayaw si Julia Roberts nung lalaking harelip tapos parang mangiyak-ngiyak sya.

  3. Huwaw! Pwede pala ang istorya mo sa Maalaala Mo Kaya. Madrama. Maganda ‘yung magiging scene siguro na umiiyak ka habang suma-sample ng beer. Ayos! = P

    Pang-Mixed Nuts at Bubblegang nga eh. hehe…

  4. ang cute cute naman nitong kwento na to…. parang naintriga tuloy ako sa taga accounting.. kung sino man yun… mapatanong nga! joke! hehehehe!

    pero alam mo, bro, naiintindihan ko si sugar kung bakit nakipagbreak sya sayo. eh syempre naman you were playing safe. unfair naman yun.

    teka, ba’t nagcocomment ako ng ganito eh walang silbi na ito? hihihihi!

    take care always and God bless you, bro!

    wag mong itanong! arrrgghh! baka may asawa na rin yun.

  5. kaka-overwhelmed ang kwento kuya…haaays. speechless hehe. madali lang sabihing “not meant to be kayo” or “there’s a reason for everything” pero diba…those months from october to december could be the saddest, dreariest moment to anyone na magdadaan sa ganyan. Kaya I know it wasn’t easy for you as it was for her…

    well this proves you’re real and you’re one of us…and you’re still the coolest seminarian I’ve ever known..tagay na lang sa tagumpay!!

    labyu!

    tagay pa, heleyna! to all the gels I loved before! nasan na ang Red Horse, nasan?!!!

  6. palagay ko brod, destiny mo yan..sabi mo nga e parang lamok ang pagpapari sayo at bulong ng bulong sa tenga mo..

    sino kaya yung taga acctng? hahahaha

    uy, wag nang itanong. hehe…

  7. That was a very nice song. Although I can’t say na it’s one of my favorite songs, I do enjoy listening to it whenever I hear it on the radio or on tv.

    Please pardon my ignorance and I don’t mean to be insensitive when I say that even though you’ve dedicated your life to our God, I think that it must still be very difficult for you whenever you think of a past love, especially whenever memories flood back to you about someone you loved so dearly as Sugar. It must be difficult because I myself have cried over the loss of a loved one. For those of us who loved deeply, the loss leaves a scar in our hearts that will never go away.

    The life and vocation you chose is not an easy one and will never be an easy one. It is truly one great sacrifice and for that, I take my hat off to you. Take care always.

    I love it when you’re leaving comments on my page: well-thought, sensitive, profound, always ending with a message. salamat, panaderos. You truly are a nourishing bread among the candy comments I receive. God bless!

  8. Nde naman nakakadistract ung mga pictures, naghahanap lang ako ng connection pero wala nmn, hehehe..

    Ang masasabi ko lang, para ka kay God talga. He just let you experience how to love someone para fair. At para kung may humingi man sayo ng tulong tungkol dun, makakarelate ka at makakapgbigay ka ng great advice.

    Sa totoo lang, ramdam na ramdam ko bawat words na sinulat mo.

    Godbless!

    pero really, even if all is already done, ampanget pa rin ng feelings. especially when I know it’s my fault.

  9. hello…i’m new here. na-curious lang ako nong mabasa ko ang award mo kay Panaderos. i’m glad i visited your page. very interesting.

    heto ang naka-antig sa damdamin ko while reading your post. “I am consoled by the fact that a Greater Love awaits me and is constantly calling me and drawing me near.” walang bumubulong sa akin na mag-mamadre ako, but being a single woman, yan ang pumapasok sa isip ko pag iniisip ko ang buhay ko at relasyon ko sa Diyos.

    i love your wit and your courage for sharing your stories. nagpapatunay lang that men (and women rin syempre) are indeed capable of great things.

    salamt po sa high praises, Maam Luna! dahil po dyan eh in-add ko na po kayo sa blogroll ko kasi feeling ko po eh close na tayo. hihihi!

  10. Naku, magliliyab na naman ang mga komento sa post mo Pareng Utoy.

    Anyway, remembering Oct.-Dec., kaya pala lagi ka sa Iloilo, nasa krisis ka pala. Di ka man lang nagpahalata. Ang maalala ko lang, gusto mong tikman ang lasa ng Beer na Beer. hahahahaha.
    At grabe emote mo nun. Di mo lang kasi sinabi, nagkape na lang tayo para maihalo si Sugar mo. hahahaha.
    Kaso, kahong kahong beer ang napagtripan natin.
    Yun lang, para kang tangke, di nalalasing. Singhot lang ng singhot, may sipon ka ba nun?
    Regards.

    alangan namang sabihin ko sa mga kaparian na basted ako, diba? mamaya, ipamalita pa nila sa parokya. or worse, sa mga madre.
    uy, di naman ako kalakasang uminom. mahina lang talaga kayo sa beer.
    at, oist, wag mong ipangalandakan ditong na-curious ako sa Beer na Beer. kahit matagal na akong di nasa SMB eh di pa rin ako bumibili ng competitor brands.

  11. “Narealize ko ang capacity ko for intimacy and I realized that this same intimacy is what God is asking from me. “>>> very nice insight! galing din lang talaga ni God.

    salamat, Dong. si God kasi, kung anu-anong hinihingi. di ko naman matanggihan kasi ako rin, kung anu-anong hinihingi sa Kanya. quits lang kami.

  12. nabasa ko ang story, medyo na senti at muntikan ng maluha pero i think at alam ko naman kuya utoy na mas masaya ka na ngayon. tama ba ako? hayz! pero feeling ko ang lungkot mo habang kinukwento mo yung nasa taas.!! advance happy valentines kuya utoy!! ^^

    lungkot talaga, cindy. may singhot-singhot pa. pero syempre, part lang yan ng nostalgia. (wow, nostalgia! parang neuralgia lang.)

  13. sus alam na alam ko ang feeling ng ganon,yung biglaang break..hahaha..yung lahat ng sinabi mo tapos parang bigla kang nagutom..hehe

    malamang yung mga tsismosa sa inyo eh ang sasabihin kaya ka magpapari eh dahil nabigo sa pekpek pag ibig!

    humingi ka ng sign so yan na yun…pinadali nga lang ni fafa J yng paghihiwalay nyo,hihihi

    hapi puso day utoy!

    madalas ko ngang naririnig na sinasabi sa akin yan.
    kung alam lang nila na nabigo ako sa pe…pag-ibig dahil sa pagpaparing yan. nyemas.

  14. na enlightened ako sa love story mo pwera biro. lahat talaga ng bagay ay nangyayari for a reason no bro? at least ngayon lahat kayo ay masaya na.

    “let now God be the new dawn to shine in me.”

    ang galing mo bro..

    ang galing mo rin at ang galing nating lahat!
    oo nga, masaya na kaming lahat ngayon.
    nakangiti na kaming lahat ngayon.

    huhuhu… Sugar!

  15. ang ganda ng sunrise nakakagutom! hehehe!

    syempre, sunrise, fried rice, plain rice, extra rice. condoleeza rice. hehe…

  16. happy hearts day kuya utoy! mwah!

    syempre mwah rin ako.üüü
    {{**kilig na kilig si utoy**}}

  17. o sya,sya, haha!

    ODK. as in O Diyos Ko! haha!😀

    ang cheesy na kilig na ewan. haha! putek.

    di ko na tinapos basahin nung puro ‘god’ na ung pinaguusapan. haha!😀

    asteeg.🙂

    medyo nakakadistract nga naman ung pitcures. hehe. kulang ng ‘touch’ haha. dapat in-edit sana or something para mas maganda. yay!😀

    ang random ng pinagsasabi ko,. haha.😀
    xD

    pauso! ODK! hmmm… pwede nga naman…ü

    gusto ko na ngang ibalibag tong PC ko, anlowtech! di ako makapag-edit ng picture, puro upload lang. kusabagay, kahit siguro hightech ang PC, di ko pa rin mai-edit kasi bopols ako sa computeringship.

    buti nahalata mong random ang sinasabi mo. di ka pa nakakapag-piano ano? hehe…

  18. yap that’s really a nice song… i once had a secret blog just for karlo to read (effing corny) with that music video of michael buble. Happy Valentines Brother Utoy! Continue to be God’s instrument in spreading His love! ^_^

    uy, I’m a Bublé fan. binibili ko ang albums nya kahit mahal.ü lyrics lang ang nalagay ko sa post ko kasi di ako marunong mag-upload ng songs. paano ba?

  19. Kahit anong sabi talaga nila na barubal ka na utoy, hindi pa rin nawawala ang fact na you inspire a lot of people through this blog..

    nga pala.. you’re welcome.. kulang pa yun sa tulong mo.. kaya’t salamat pa rin…

    its amazing how God works in our lives.. for a moment you try to struggle with your own goals and wants trying to achieve them, but in the end, it is still the mighty Father who shall tell us where we ought to be…

    im happy for you that you have found happiness in peace in the your vocation and may you continue to touch omre lives and inspire others…

    God bless!

    you’re welcome din.ü touched naman ako sa message mo, Jhaynee. alam mo ba, Concha with wings pa rin ang name mo sa blogroll ko. bakit nga ba naging Consha yun?

  20. namasyal lang po brother utoy

    sige lang, dalaw-dalaw lang!

  21. mabuti nga at di ka nagartista brother utoy. kase pag-artista ka ngayong baka hindi napansin si dingdong dantes. dumarating yta talaga yong ganun, minsan kailangan nating mamili…

    “Fall in Love, stay in Love and it will decide everything.” mahusay to brother utoy!

    yan ang comment! dapat gayahin ng ibang blogger na ikumpara ako kay Dingdong Dantes. hehe… salamat, Eli! kaano-ano mo pala si Jhesshua?

  22. *hikbi*hikbi*hikbi.

    huwaaaah.

    asan ang lubid? *hikbi*

    naku, wag mo akong itatali, atticus!
    naughty yun.ü

  23. Astig ng mga pictures, pero hinahanapan ko rin ng connection, bakit kaya etong mga pictures ang nilagay ni Bro. Utoy? Hmmm…. So inisip ko na lang na yung sunrise.. reminds us a start of a new day and we shouldn’t dwell from the past. Ohhh diba mejo carry naman po sa kwento mo diba? Ahihihi

    Parang mas interesting yata Bro. Utoy kung yung mga ex-GF ng seminarista ang magkwento kung pano nila tinanggap na seminarista na yung BF nila! Hmm.. parang ang hirap nun, parang isang lingong pag-ibig lang….

    Lunes ng tayo’y nagkakilala….. at pag sapit ng lingo giliw ako’y iyong iniwan (Ay! Nagmimisa na pala!) ahihi eeeewww… pweh… corny!

    in fairness, memorized ko ang buong lyrics nyan, pati ang Larawang Kupas at ibang mga kanta ng Aegis.ü
    mga ex-girlfriends ng seminarista? naku, huwag at bad publicity yun. baka wala na kaming maligawan in the future.ü hehe…

  24. simple lang ang love story ko bro…ang naging boyfriend ng x girlfriend ko ay x seminarian na naging kasama ko sa seminary,,, wahuhuhuhu…(nasa akin na ang lubid…hikbi,hikbi.)

    talaga? aba’t pang-teleserye pala!

    akin na nga yang taling yan at baka kung anong manyari.
    suicide is not the answer to our problems.
    serial killing is. hehe…

  25. tony bennet’s version of the way you look tonight – it’s actually one of my favorite songs. nainlove ako sa song na yan when i watched julia robert’s my best friend’s wedding. ang sad ng ending ng love story niyo, but it’s nice that no one is on the rebound after the break-up. i’m happy that you’ve found your One Great Love.

    btw bro. utoy, in-add na kita sa blogroll ko para mas madali kitang masundan. ok lang kahit wag mo na ko ex-link. sa dami ng nasa list mo, baka di mo na rin ako mapansin🙂

    thanks for the inspiration🙂

    uy, iwan ka naman ng link. please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please? please?

  26. I won’t say sayang ang love story niyo ni Sugar. I know you’ve been so happy when you were with her. Losing her is one good proof of your sacrifice to serve God.

    You did lose her, a love that would have made you happy, would give you kids, would stay with you forever. But let’s look at the other side of it, this love would also prolly hurt you in the end, will make you cry and will prolly kill you.

    But the love you chose can never be compared to any other love. It is the greatest love of all. A love that will never fade, a love that will never hurt you, a love that will never, ever give you pain. Indeed, it will ask you to sacrifice some things, but a rewards awaits that sacrifice, eternal life, that is.

    Continue serving God, Kuya! *mwahugsss

    wala na akong masabi. I’m touched sobra. mwahugs na lang ako.
    *mmmwwaahhhuugggs*….üüü thank you for this comment, Joycee! I appreciate it much.ü

  27. grrrrrrrrrr….. sana mapapayag ka naming gawing story line ng maalaala mo kaya ang story mo! promise! blockbuster sha! pero una sa lahat mamili ka muna ng artist na gaganap as utoy! hehehhee

    na touch ako sa love mo kuya….

    let me qoute something from king priam of troy.

    “some men fight for courage, honor and fame. but fighting because of love make sense on all those wars”

    basta sumthing to that effect!

    Happ v-day kuya!

    gusto ko si Jason Gainza ng Original Pinoy Big Brother. hehe…

    ganda ng quote, geish! happy V-day too!

  28. hmmmn ok since araw naman ng mga puso at nakamove on na ako. gusto kong malaman mo na i was really hurt ng malaman ko na nag-exam ka. parang nagunaw ang mundo ko. pero siguro nga hindi talaga tayo.

    and isa lang naman ang gusto ko yung maging masaya ka at yung sundin mo talaga kung ano yung nasa puso mo.

    thanks for the memories. Happy heart’s Day Teacake! God bless!

    *nyahahaha feelingera*

    sorry na kasi, libay. Uy, libay, let me explain…. uyyy… teka lang… libay…

  29. nakakaiyak naman po ito, brother utoy — a fitting reminder this valentine’s day that if you follow your heart and have faith in God, you can muddle your way through the doubts and uncertainties. pero mahirap siguro talaga makipagbreak sa isang malamig na cellar ng beer ano?🙂

    sinabi mo pa. lahat ng sampling ko that day, parang sumablay yata sa analysis.
    thanks for dropping by, Jae! naks, natuwa naman ako.ü

  30. I was directly touched by your story. I need your prayers on how to deal with mine at the moment. She knew it pero di nya alam kung kailan. Tulad mo din, hindi tumutigil ang bulong ng bokasyon sa akin up to now. I ignored it many times pero balik ng balik. I know matatanggap nya kaso ang tanong bearable kaya? I prayed for this relationship pero bakit may hindrances lagi. I can’t tell you here about those, confess na lang ako sayo pagpari ka na, hehehe!

    I will be out of the country this coming march to visit some priest friends in Bahrain. My first meeting with priest since 2006. I will carry you and revsiopao in my prayers for your perseverance. Pray for me too!

    Mama Mary loves you!

    I’ll be praying for you, Gardiniere. that’s the least this poor uncultured but ravishingly handsome seminarian can do. God bless!

  31. Hey, I forgot to say thank you sa passage na ibinahagi mo sa akin bago mo pa ipinost sa latest entry mo, oha!(from Fr. Pedro Arrupe, SJ)

    Happy Valentines kapatid! Take care of your heart!

    alam mo ba na lagi kong piniprint yan sa kalendaryo ko? favorite quote kasi yan eh.ü

  32. wow brother na -tats talaga ako sa kwento ng lablife mo. naimagine ko yung huling eksena nyo bilang magnobyo, kung saan bine-break ka na niya sa phone.

    awts.

    happy belemtimes sa inyo ni papa God.

    ampangit pala ng break sa phone. kapag ayaw na niyang magsalita, ibababa lang nya ang telepono at di na sasagutin ang mga calls ko. nakakagigil na di di ko maintindihan, di ako mapakaling ewan.

  33. I love that quote by don pedro arrupe.

    “Stay in love, fall in love. And it will decide everything.”

    apir apir!

    gusto ko yan dahil seminarian na seminarian ang dating. hehe…. God bless!

  34. aw….. so sad to hear that brother utoy!

    buti na lang, years had already passed.ü I really hope she’s happy now.

  35. kuya utoy! regarding pala sa pag bati ko sayo!! sayang di mo narinig! pero just want you to know na kasali ka don!! makakalimutan ko ba naman yun?? happy hartsss day!!! ^^

    salamat, salamat, salamat!!!
    yahoo. kasama ang name ko dun! yippeee-yihayho!

  36. happy valentines brother utoy!!!! sa san miguel sa san fernando ka nagtrabaho diba? haha. sa accounting department ba nun nagtrabaho yung isang babaeng pinormahan mo? haha. mapuntahan nga. haha.🙂

    very inspiring love story. nyaha. meant to be talaga kayo ni God..:)

    naku, bacolod naman ito, sisa! sa san fernando? ate ko naman ang nandun.ü

  37. Kelangan ko bumati kahit nakakoment na ko. Happy Valentine’s kuya. Labshu!

    labshu too! {{**kilig ulit si Utoy**}}

  38. ui di lahat ng babae sadista noh.. hehe, baka masokista.. hahaha..

    paminsan naisip ko, ganu katindi ang pagpipigil ng isang seminarista? DBA SABI NILA bibigyan kayo ng time na nasa labas kayo.. at dun nyo ibuhos ang saya, dahil sa oras na bumalik ka na sa loob.. meaning “xa na ang napili mo..”

    as I quote what you have said “telling me to leave everything and serve God. Something is telling me, I must make a choice.” o dba? sabi nga nila God knows what’s the best for you.. at nung pumasok ka na sa loob, alam kong nakita mong mas may higit na dapat bigyan ng pagmamahal.. but I’m not saying sugar is not a worth fighting girl.. but hey! God is the best precious gift we had in life..🙂

    HAPPY VALENTINES DAY BROTHER!

    ganda ng insight ah.ü salamat, 8bottles! God bless and happy valentines too!

  39. hapi hearts day bro. utoy🙂

    Be a blessing always to others🙂

    same to you, kapatid! same to you!
    uy, dumarami na ang fans mo ah.ü

  40. magbabalik!

    aba, dapat lang. hehe… hintayin kita!

  41. ay nakalimutan ko greet muna kita brother uts ng MALIGAYANG ARAW NG PUSO!!!

    maya na ko comment ha..yngatz^^

    salamat, salamat! happy valentines too, Cathy!

  42. THIS HAS TO BE THE SWEETEST THING I’VE HEARD FROM A GUY:

    Maikukumpara ko ang nararamdaman ko para sa kanya sa nararamdaman ko kapag nagigising ako sa isang napakaganda at tahimik na umaga: warm, bright, reassuring, calm, hope-filled, love-filled…

    Nakks, walang sey ang “my own personal brand of heroin” ni Edward Cullen lol

    wow, kaka-touched ang love story ni Sugar and Teacake!!! Ramdam ko ang emosyon sa bawat linya. nakaka inspire. Thank you for sharing kuya utoy

    happy heart’s day to you and keep shining!!! *flying kiss*

    ps, nice shots btw

    mala-Twilight ba? hehe…

    {{**sinalo ang flying kiss at inilagay sa puso**}}
    happy valentines, Malen!

  43. Sa lahat ng write-ups na nabasa ko tungkol sa pag-ibig, ito lang ang binasa ko ng buong-buo. Hindi ko malaman kung matatawa ako o makisimpatya sayo. Pero sang-ayon ako sa naramdaman mo noon tungkol sa umibig at magbreak-up. Naranasan ko rin yun.

    salamat po sa pagbasa.ü I feel honored, blogusvox!
    tama talaga ang sabi ng kanta: “Breaking up is hard to do”

    atsaka tama rin ang sabi ng isa pang kanta:
    “Give love on Christmas day”
    naisingit ko lang po.ü God bless!

  44. As usual, laging kulelat sa comments…🙂

    This is a nice deviation from your usual cranky posts… Cranky din ito, akala mo… Hahaha! Slight nga lang…

    All I can say is you have chosen to respond to a far greater love – the love of a yearning God… I am with you in wishing that you will not fail…🙂

    At ang ganda ng mga pics…🙂

    kapag photographer na talaga ang pumuri sa pictures ko eh flattered na talaga ako. salamat, salamat!
    i love the word, Cranky, to describe my post.ü God bless!

  45. naman! kuya utoy iyan pala ang love life mo at naman natuwa ako sa mga pikchers! hakhak!
    grabe naman pala ang nangyari sa inyo ni sugar.
    at naman. parang pang chem eng na rin ang trabaho mo noon ah. mataas ba sweldo? hakhak! baka magChe na lang ako kesa magEE o ECE. hakahk!

    pero kuya utoy. ibapa rin iyang love na dumating sa buhay. iba talaga ang calling ni GOD. hindi mahindian. teka at baka mamaya may calling din ako…

    BSChem ako, eloiski. Ok lang ang sweldo pero malaki ang posibilidad na laging mag-upgrade ng sweldo. at sure ito, may trabahong stable ka pag-graduate. kay mag-Chem ka na!ü

  46. pahabol kuya,
    happy valentines day… sana mas lalo pa pong tumibay ang relationship mo kay GOD. naman!

    happy valentines din, eloix. ikaw rin, sana tumibay din ang relationship mo kay God.ü
    study well at finals na!

  47. ganda ng sunrise, parang hinuhugot ang aking kaluluwa sa aking katawan. u (me dalawang tuldok sa itaas yan).

    ganda ng wento, parang bukang liwayway lang, napapaalam sa gabi upang bumati sa magandang umaga.

    muntik na rin akong naging seminarista dati, mwehehe!

    have a nice life!

    natawa naman ako dun sa hirit na “dalawang tuldok” hehe… dito kasi sa France eh automatic na ang “ü” kasi nasa keyboard mismo.
    ganda ng sunrise, ano? kaya naman kahit walang kinalaman sa istorya eh isiningit ko. hehe…

  48. mapapansin natin na yang mga breaking up pare pareho lang talaga sila ano? iniwan mo si sugar kasi gusto mong magserve sa Kanya; pero minsan naman yung iba naiiwan din yung mga kasintahan nila kasi gusto naman nilang mag serve sa abroad ko kaya naman mag serve sa ibang puso ;D

    nga pala, walang sikretong hindi nabubuko, hehe. baka kamo nabasa din ito ni sugar😀

    pero kengks, sana di na nya mabasa. masaya na sya sa buhay nya ngayon, i don’t want to bother her anymore.
    happy valentines, kengks!

  49. I was almost at the middle part of this long article when I got distracted by a tiny ant’s bite. Literally.

    bitten by ant? parang Albert Camus lang!ü uy, i just finished reading “Premier Homme” and “L’Etranger.” di naman kagandahan o groundbreaking if you’ll ask me.
    nice to hear form you again, Makoy!

  50. Bakit kaya ganun Utoy?
    Ilang araw na akong nagpabalik-balik dito… tumambay… pero ngayon lang ako nag-comment…

    Affected kaya ako sa story? Palagay mo?
    Woi, magsalita ka dali! Now na!

    Heto naman kasi e… akala ko naman hindi ka makikisali sa mga lab lab post na pang-balentayms. Hayan tuloy!… wala!… basta… {emo kunwar}

    Heto serious na talaga {maniwala ka}

    “Narealize ko ang capacity ko for intimacy and I realized that this same intimacy is what God is asking from me. Ang love ng isang seminarian sa Diyos kasi, hindi yung tipong pagmamahal lang ng isang anak sa kanyang magulang. Our love is that of a lover seeking his Beloved, a love that seeks commitment, devotion and self-sacrifice…” — I read this over and over again. It was as if I was personally talking thru your post. Full resonance indeed! I know that most seminarians/priests who read (and will read) your post will understand what I meant.

    Kung nandito ka lang sa Roma, nayaya sana kitang tumagay. Masarap na pulutan ang topic na ito kapatid.

    Salamat nga pala sa text mo ha.
    Belated Happy Puso Day!

    nagtataka na nga ako’t wala ka pang comment eh. dati eh parang habulang base lagi ikaw na nauunang mag-comment. kaya naman natext kita. akala ko, kung ano nang nangyari sayo, damuhu ka.

    Di naman kita maimbita dito sa France at kasagsagan ng winter. dito sa kabundukan eh -10degC ang temperature.

    as for seminarian’s relationship with God, sa religious life kasi, laging stress sa amin na spousal love ang talagang best biblical image ng love between GOd and man. kaya nga angdalas nating gamitîn ang word na Beloved to describe the intimacy we have with GOd.

    GOd bless! antagal ng sagot sa pakontes ha.

  51. Kapatid, style mo bulok… iba talaga ang mga seminarista… kaya ang daming nahuhulog na mga kababaihan (at wannabe kababaihan) sa inyo eh. Yung sulat mo eh para akong nanood ng mga pelikula ni Jolina at Bojo (uso pa ba sila?!).

    Seriously, though, it was very nice of you to share the challenges that seminarians go through. Kadalasan kasi eh we feel that ang mga seminarista eh yung mga tipong walang makilalang babae kaya ayun pinilit ang sarili mag-serve sa ating Panginoon. I admire you for giving up so much (even the so-called love of your life na pinalitan mo naman after four months of breaking up) in order to love, serve and devote your life to God.

    salamat ulit, keith! as for women falling for seminarians, aba eh that’s a different story! try ko ring magpost about it.ü

    as for Bojo and Jolina, i understand your comparison. buti na lang at di nagkakalayo ang edad natin. diba 29 ka na?üüü

    God bless!

  52. belated hapi balentyms day bro. utoy!! para lng cheeze burger ng Mc Do ” love ko toh”.)

    happy balengtengs too! kasalanan ito ng commercial ng McDo. Napaisip tuloy ako tungkol sa mga ex-gf. hehe…

  53. sorry naman dame pala typo ng comment ko, wahahaha, boplorks talaga ko magtype, dahil siguro sa maganda kong kamay.

    belated happy balentongs kuya utoy! *mwahugsss

    ito naman, di naman mahalaga sa akin ang isfeling na yan. hehe… mwahugz!


  54. i love the word, Cranky, to describe my post.

    Hehehe… Yung “cranky” naman eh may halong filial affection and creative admiration sa style of writing mo…🙂

    cool nga yung cranky eh.ü puts attitude to my bland posts.ü

  55. di ko alam kng mapapamura ako (no offense) o maiyak sa kwento mo… pero one thing for sure, i admire you for pursuing what you believed in. sometimes life will give us a path that we never imagined we would take, and the hardest thing to do is to take that road knowing that we would leave all that we know behind…

    and, i love the quote at the end.😀

    thanks for dropping by, arachne! I’m edified by our words: hardest thing to do is to take that road knowing that we would leave all that we know behind… pang-ending ng Dougie Houser or ng Ally McBeal.ü God bless!

  56. aba at medyo busy yta ang pambansang brother! wla pa update eh. hehe

    salamat sa pag-bisita mo sa isang blog na pinakikialaman ko. wahahaha

    no problem, Eli. gulat nga ako’t nandun din ang strip.ü God bless!

  57. happy vday bro utoy…

    ang sarap tignan ng mga larawan mo parang mga babae sa patay sindi… hehehe!

    nasan, badoy? nasan?!!!

    langyaka, kung anu-anong nakikita mo. hehe… happy v-day!

  58. sakit naman niyan… sakit sa puson…

    hehe… biro lang…

    hindi makukumpleto ang mundo kung walang chikas..

    sinabi mo pa.
    hehe… biro rin lang.
    tama ka, di kompleto. buti na lang andyan si Mama Meri.
    God bless!

  59. Tignan mo nga naman, marami talagang naloloko sa mga seminarista. Walang pinag-iba ito sa nangyari kay Seg. Umibig na nga lang siya, sa seminarista. Kung nagkatuluyan siguro ay sasabihin pa rin sa lalaki, father. Yes father of my children hehehe.
    Iyan ang tawag namin sa co-teacher namin na dating seminarista. Father, padre de pamilya.

    nyahaha! may point ka, seg! God bless!

  60. i love the photos! and the song too..🙂

    how are you? was that sort of a valentine post? lol

    yup, a valentine story gone stale, I guess.ü

  61. 1. lovely shots you’ve got there…..breathtaking….

    2. gusto ko rin yang the way you look tonight, as in

    3. i think kung anu man ang nangyari in the past the most improtant thing is they led you to where you are now

    4. happy valentine’s day po, belated, bro.utoy!

    thanks for dropping by, teacher Kat!
    the pictures? inabangan ko po talaga yan.
    winter sunrise are just awesome.ü

  62. BLOCKBUSTER sa comments! 60 na! hays! hehe pag usapanh lovestory talaga mabenta plus factor pa eh seminarista ang nagkwento hehe.

    saludo ako sayu!

    ** nice ng mga pics! ikaw ba kumuha nun!?!?

    ako ang kumuha lahat nyan! photographist yata ito. hehe…
    pero truth be told, di rin madali kasi super-lameeeg…
    naninigas ang daliri ko sa camera para picturan yan.

  63. sorry ngayon lang ako nakadalaw sa blog mo…salamat bro…… nauna ka pang dumalaw sa akin.
    ganda naman ng vocation story…parang may kilala din akong taong ganyan na ganyan din ang kwento….hmmm nasaan na kaya siya?
    Ang hirap kaya ng buhay nyo…hayaan mo sama kita sa prayers ko…yun kung makapagdasal ako…heheheeh lately kasi tinatamad na ako….

    ok lang yun, bluguy. uhh… whats with the name pala?
    sino pala yung kilala mong ganun? ikaw yun ano? hehe…
    and pray again, bluguy (parang bugoy lang).
    He’s patiently waiting to hear from you.

  64. opps nakalimutan ko…

    http://blurosebluguy.wordpress.com

    pakisama naman ako sa mga fans mo…..
    happy valentine’s day po!

    sure, no prob. it’s an honor.
    God bless!

  65. haba ng blog moh brother!..grabeh ah..!
    heheheheh!!…
    may post na poh akoh after 1 year.>!hheheheh!..
    ingat poh lagi!

    tyagain mo na ring basahin at ganyan lang naman yan.ü
    sige, dalaw ako to read your post.
    God bless!

  66. payo ko kay sugar: ‘If you were to lose a the perfect guy like brother utoy, you might as well lose him to the Big Guy.’

    galing ng love story (teka kuha lang akong tissue..singhot) well, i know you made the perfect decision brother utoy. you heard God calling and you listened to it.

    kudos.

  67. barkada ko nung college. bagaman nasaibang bansa na siya ngayon, nagkita uli kami..kaya hayon, tuloy ang kwentuhan.

    ahh… akala ko, kapatid mo. aba, anlakas mo ha. mga drowings mo ang featured! uy, kelan natin ifi-feature ang stainglass mo?

  68. Tagal kong hinde napadpad dito eh. Belated ‘pre!

    uhhh… belated what? hehe… yabang eh, ano.
    God bless!

  69. wala pang update! napadaan muli……..🙂

    tuwa naman ako kay dench, andalas dumalaw.ü God bless!

  70. salamat sa pagdaan broutoy….pagpalain ka ng Diyos

    you’re welcome. God bless!

  71. ..bakit hindi na lang ako nag-artista (buhay pa po kasi si Dick Israel) at ang pangalawa eh bakit di na lang ako nag-asawa..–> eto din sana yung ilan sa mga gusto kong itanong sayo kuya utoy. hehe

    pero alam kong decided ka na at alam mo yung gusto mong matupad. ika nga eh, andun yung calling. you were born to become God’s servant

    salamat, salamat! touched naman ako sa reflection mo.ü God bless!

  72. haiissstt!
    sobrang trapik po kaya ngaun lang ako nakabalik,,,

    tenchu brother utoy for the warm welcome sobrang nahawakan mo rin ako dun..

    siguro nga po brother utoy para jan ka talaga sa propesyon mo na yan.masaya ka nman po at pinakinggan mo ang mahiwagang bulong sayo.

    gusto ko din po yang song na “the way you look tonight”

    god bless po^^

    walang anuman!
    oo nga, sana nga dito na ako talaga.ü
    Bublé fan ka rin ba, Kathy?
    God bless!

  73. Quick drop lang, hingi ng tawad sa pagnakaw ng picture mo.
    lols!

    nakita ko na ang obra mo, Marlon. ang galeng!
    sobrang hinangaan ko.ü pwede bang pakopya?

  74. brotherutoy, kung kopyahin mo later na lang kasi update ko pa kasi nga mali iyon, ngayon ko lang din napansin. sorry, and also napansin ko pumapasok ka using INternet explorer? tama ba? I suggest you use FIrefox. thanks

    sige, hintayin ko ang corrected version.
    yup, IE ang gamit ko. yun pala ang dahilan kaya mabagal?
    salamat sa Pinoy Blogger ID!
    GOD bless!

  75. ang ganda ng story. very touching. siguro nga yung sa inyo ni sugar not meant to be. pero ang importante, nagmahal ka at naging masaya ka.

    mari!!! is this your new blog? the old blogspot was deleted and I can’t visit you na. is it really you?

    wow, datkomista ka na rin.ü God bless!ü

  76. The way I see it, kung makikita kita ngayon kuya Utoy ay babatukan pa rin kita ng malakas. Baliw ka! Hmmmp. Nai-imagine ko kasi yung naging pakiramdam ni Sugar nung ginawa mo yun. Kainis talaga!

    But looking on the bright side, I still believe this is maybe what God has planned for you to do. Napakaganda ng sinabi mo na “Our love is that of a lover seeking his Beloved, a love that seeks commitment, devotion and self-sacrifice.” *bows*

    I believe the path you chose is very noble. I know you will be happy. Pagpatuloy mo lang po yan and always be strong. Problema nga lang jan yung mga girls na umaaligid jan na hindi magiging happy dahil magpapari ka na. Hahaha.. ^_^

    ang totoo nyan, emilayskie, yang reaction na yan ang hinihintay ko. kasi, really, I’ve been a jerk and a half for Sugar. But it’s over now, she’s move on and me, I’m stuck somewhere.ü
    lately naman eh walang umaaligid na girls. mga old ladies meron, bwahaha!ü
    God bless!

  77. alam kong sinabi kong aabangan ko tong kwentong to… then nung bigla kong naalala bigla akong parang sinampal… ahehehe….

    natuwa naman ako sobra… iniimagine ko lahat… tapos oo nga, connected siya…

    okay lang kahit walang stainglass, na-offset naman ng kwento… sorry kung late ko na nabasa.. pero pramis nagulat ako nung naalala ko na may kwento ka nga palang ganito na ipopost.. ahehe.. GodRocks;p cheers

  78. grabe! AS IN GRABE

  79. grabe! AS IN GRABE ang naramdaman ko po after reading this post.
    madalas po ako sa site na ito.
    pero ngayon lang yata ako ulit mag cocomment.

    parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko pagkatapos kong mabasa.
    sa mga oras po na ito, naghahanap po talaga ako ng vocation stories na mababasa. at bigla po akong napadpad dito.

    gusto ko din po sanang ishare sa blog ko yung katulad ng ginawa nyo.
    palihim na nagpunta ng maynila.
    walang nakakaalam.
    para lang umatend isang vocation seminar.
    kaso baka hindi pa panahon.

    baka kasi mabasa ng mga kapatid, pinsan, etc. AT GF pala.

    naiimagine ko bro.utoy, kung saka-sakali. mukang hindi magkakalayo ang istorya natin.

    una. palihim din nga po kasi akong gumagawa ng paraan para kilalanin ang buhay seminaryo/seminarista.
    pangalawa. may gf din po ako ngaun.
    pangatlo. posibleng doktor din mapangasawa niya kung sakali. dahil nag dodoktor din po siya ngayun.
    hahaha.

    bro. tulungan nyo po akong magdasal.
    sana IN HIS TIME. matupad din po ang desire ng puso ko.
    medyo magulo pa po sa ngayon.
    magulo pa po talaga.

    salamat bro. for sharing your story.
    nakakapagpalakas ng loob.
    at ngayon ko napatunayan.
    isa sa mga pagsubok sa mga pumapasok ng
    seminaryo ay yung pakikipag break nila sa gf nila.

    pag-aaralan ko pa yun kung papano.
    kasabay ng pag-aayos pa sa buhay ko. para makapasok na talaga.

    samalat bro. salamat muli.

  80. such a bittersweet story. i love these passages and they moved me to tears:

    “Our love is that of a lover seeking his Beloved, a love that seeks commitment, devotion and self-sacrifice. I am consoled by the fact that a Greater Love awaits me and is constantly calling me and drawing me near.”

    i also love your breathtaking pics — ang galing galing mo na, bortherutoy!

  81. ngaun ko lng po nbuksan ang blog nyo.. naka2tuwa po ung story nyo..

    my tanong lng po ako, anu po name ng seminary nyo?

    keep up the good work. .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: