Mga Datkomistas, na-BITAG!!!

Ang mala-Tulfong taytol ko ay dahil nakatanggap ako ng Award Tag galing kay Panaderos (na may bagong Avatar na ngayon).  Ayon sa kanya: 

Written mostly in the vernacular, [Bro.Utoy’s Blog] is a very funny, informative, sometimes irreverent but often witty blog authored by a very intelligent and funny Filipino seminarian based in France.

honestscrap1Dahil nga nakapagbackflip ako sa tuwa’t dalawang beses niya akong tinawag na funny, sinikap kong magcomment sa blog ni Panaderos tungkol dito, pero dahil inglisan ang laban eh hayun at sablay-sablay ang grammar.  Kung gusto nyong pagtawanan ang aking balibalikong pagbabalarila sa ingles, hanapin nyo lang sa blog ni Panaderos, mga damuho kayo.  Pero seriously, sobrang ikinatuwa ko ito’t sa listahan ni Panaderos eh sekon oner ako!  Woohoo!  Salamat, salamat, Panaderos!  Pinapatawad kita kung di mo naisama ang mga katagang na gwapo, magandang lalake, at God’s gift to women upang ilarawan ako.  Di mo pa naman kasi ako sa personal o kahit sa pityurs lang so nauunawaan ko.

At dahil nga pala isa rin itong tag eh siyempre, may kaakibat itong mabibigat na utos:

“When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to said person so everyone knows he or she is real.

Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog.” Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. Then list ten things about you. Then, pass it on!”

Madali lang diba?  At dahil malakas sa akin si Panaderos eh eto na nga’t ginagawa na.   Pero yung ten things about me eh basahin nyo na lang ulit itong post na ito dahil kapag nagpost na naman ako ng another ten things about me, aba eh baka wala na akong mai-blog.  Sayang yun, sampung egoistic topic din yun.

Ang “Honest Scrap” award ay ibibigay ko sa mga Datkomista, sa mga nagmamay-ari ng mga dotcoms na talaga namang aking laging inaasam na basahin  although truth be told,  medyo madalas di dalawin.  Bakit kanyo?  kasi kapag datkom na ang binisita ko, nakow, maghahang na ang computer ko.   Walang paltos yan.  Minsan naman eh di talaga naghang, konting tyaga lang sa paghihintay.  Kaya kung minsan kapag nagbukas na ako ng website halimbawa ni Bluep eh pwede muna akong mag-shine ng sapatos, magbunot ng uban, mag-Sudoku, magkwenta ng pwedeng itaya sa hweteng, magpractice ng telekinesis, etc.  Come to think of it, salamat na rin sa mga datkomista dahil nagkakapanahon akong gawin ang ibang bagay habang nag-blog maghapo’t magdamag.  Thanks you, dotcom owners!

Mataas ang pagtingin ko sa mga datkomista.  Kapag pinag-usapan na nila ang mga katagang HTML, domain, encrypted files, hosting, etc. eh natatameme na lamang ako.  Kasi naman, mag-upload nga lang ng kanta at Youtube blog, mukhang kinakailangan ko pang mag-enroll siguro sa STI o AMA  para lang matutunan (siops, kelan mo ako tuturuan?).   Ang mga aawardan kong Datkomista ay walang halong yabang, walang halong paghahari-harian, kahit na sa hinala ko eh inabuso nila ang pag-inom ng  Promil noong bata pa sila kaya ganun sila kaastig sa blogging.

Pangalawa… hanga ako sa output nila.  Biruin mo, may mga datkomista na dala-dalawa, tatlo-tatlo (meron pa ngang lima-lima!) blogs ang pinatatakbo tapos araw-araw eh nasusulatan nila ng bago at matinong posts ang bawat isa dito?   Kahit yata suminghot ako ng apatnapu’t tatlong bukas na pentelpen at magnobena araw-araw kila Sta. Thecla at Sta. Courdafia eh hindi ko makakayanang tapatan ang quality, frequency, quantity, consistency at pornography relevance ng mga sulat nila.

Pangatlo… akala ko nun eh di ako papansinin ang mga datkomista.  Mga bigatin na sila, mga beterano sa gyera, may perang pambayad sa domain, samantalang ako’y isang gorgeous na newbie lamang na may libreng wordpress blog.  Pero nagulat ako dahil namamansin sila!  At napakamatulungin nila sa maliliit na blogs na tulad ng sa akin.  In fact, halos kalahati ng traffic sa blog ko eh galing sa mga endorsement ng mga datkomista.

Pang-apat… wala talagang pang-apat.  Gusto ko lang sabihin na sina Kengkay at Utakmunggo ay mga datkomista na rin.  Odiba, ang mga paburito nating Yurup beauties ay may sarili nang mga domain names!  Congrats, Kengks and UM!

Panlima… sige, gumawa ka ng panlima.  Bilisan mo ha.  Basta heto na ang listahan ng mga paborito kong datkomista:

1. Bluepanjeet – Need I say more?  Aba eh mistulang book of praises na ang aking blog para sa Demigod of religious blogging natin na ito.  Kung wala si Bluep eh wala tiyak Utoy at Siopao sa blogosperyo… and for that, the world will be a better place.  Pero alam ba na meron si Bluep na limang blog?  Yup, lima, singko, cinq, five-ah.  Ganyan sya ka-adik  katindi sa blogging.

2. Chuvaness – Heto, ang resident funny girl sa mga datkomista.  Basta nosebleed at ingrish eh si Malen na tiyak yan.  Hindi naman humor ang genre nya pero tawa pa rin ako ng tawa.

3. Honey–  Hanga ako sa babaeng ito:  saksakan ng dami ng talent!  Pagluluto, beading, jewelry making, mold-baking, dancing, teaching, blogging, etc. at examples pa lang yan, alam nyo ba?  Kaya tuloy akala ko noong una eh late 40s na sya, kasi she’s beyond her age.  What’s more, she’s a woman of strong faith and conviction.

4. FatherlYours– natagpuan ko ang blog ni Tatay Ramon nung nagba-bloghop ako at nakita ko ang article niya tungkol sa isang magandang experience niya sa parokya namin.  Syempre, kahit di ko pa sya kilala eh feeling close agad ako.  Nagulat na lang ako nang malaman ko na ang datkomista na ito ay may angking kakengkoyan.  Ilang buwan ko ring pinag-isipan ang sagot sa mga katanungan nyang “ang lason ba kapag expired na eh makamamatay pa rin?” at “ang uod ba kapag namatay eh inuuod din?”  Pero natouched talaga ako sa gesture nya na tulungan din si Jhaynee sa project nya.

5. Reyna Elena– Matagal ko nang nakikita sa blog ni Bluep si Reynz at nakikibasa pero di ako nagko-comment kasi takot ako na baka isnabin lang nya ang comment ko.  Pero one time eh di ko na napigilan.  Aba eh sumagot!  At dun ko nalaman na ang istetsayd nating blogger ay mataray lang sa blog pero sa mga bloggers eh mabait pala.  At di lang yan, french-speaking din sya!  Ouh-lalala!

6. Chocolateword – Isa sa mga hinahangaan ko si Mahalia pagdating sa mga serious writing.  Ingglisan ito, mga kapatid!  Laid back ang style, disente at wholesome, kahit yung mga Ka Pepe nyang post eh mahahalata mong pinag-isipan talaga at meron pa talagang moral lesson sa ending. 

7. Dearbloggery– Ang totoo nyan eh akala ko, si Snow at si Mahalia ay iisa.  Pero habang tumatagal eh nako-confuse ako. Anyway…  Di ko alam kung anong nakikita ni Snow sa akin pero twice nya akong inilagay sa kanyang Bloggery Buzz of the Week.  Eh ni wala pa nga sya sa blogroll ko nung mga panahong yun.  Ewan ko, basta ako, sobrang na-flatter sa gesture nyang yun.

8. Romancing Helena   – Bagamat datkomista si Dok Heleyna eh parang wala syang Ka Pepe.  Either mayaman talaga sya o willing lang talaga siyang pagkagastusan ang blog nya.  I’m surprised with the honesty and sincerity of this girl, pagdating sa blogging.  Kahit sa blogging ko lang sya natagpuan eh parang kilalang kilala ko na sya.  Sabi ko nga sa kanya, siguro sa past life eh magsyota kami or magkapatid o maglola.  Sobrang at home ako sa kanya.

9.  Blissful Bobby Soxer–  si Joycee na ang coolest preacher’s daughter na kilala ko.  She can balance her faith and her own sense of fun on her blog.  Hinangaan ko ng husto si Joycee nung nag-guest blogger sya sa bahay ni Neto.  Napahanga nya ako sa tibay ng loob nya at ng conviction nya in overcoming obstacles.

10. Nortehanon –  Although among the datkomista sa listahan ko eh siya ang pinaka-newbie, di papatalo si Nortehanon sa kanyang blog.  Bukod sa mga kahanga-hanga niyang mga pictures at reflections tungkol dito, may advocacy si Nortehanon on education na talaga namang commendable.

There you have it:  mga datkomistang hinahangaan ko at binibigyan ko ng Honest Scrap award.  Sa inyong sampu, mabuhay kayo at pagpalain nawa lagi kayo ng Diyos! 

* * * * *

I added a widget pala.  Tingin ka sa kaliwa at makikita mo ang countdown sa blog anniversary ko.ü  Malapit na akong mag-one year!

* * * * *

At ang stainglass window of the day natin ay ito:

img_3821

img_3824

Ang dalawang stainglass windows na ito ay napicture-an ko sa may maliit na chapel sa loob ng mismong bahay ng magulang ni San Francisco de Asis, sa napakagandang bayan ng Assisi, Italy.  Truth be told, di ko alam kung anong idine-depict ng dalawang larawan.  Yung una eh siguro tungkol sa buhay ni San Kiko, samantalang ang pangalawang bintana eh tungkol siguro sa childhood ni San Kiko.  Hindi kasi pwedeng Holy Family yun kasi yung tatay eh inilalarawan na nagsusulat ng libro, gayung ang pagkakaalam ko eh wala namang libro sa Bibliya ang attributed kay St. Joseph.   Ni hindi nga sya nagsalita sa bible, ni once.  Anyway…

God bless!

67 Responses

  1. base!

    yep, base si rev! yoohoo! hehe…

    naeenjoy ko na itong base-base-plawerbase na ito ah.üü

  2. yes nakauna ulit… sa wakas!

    salamat kay “BRO”
    (–santino)

    magbabalik!

    uhhmmm… sino si Bro? sino si santino?
    naguguluhan na ako, rev. flis, helf mi.

  3. Utoy, mag-DOT KOM na tayo dali! now na!
    kasi naman… ‘yung pwend natin na-nagpramis e nakalimutan na yata dahil sa sobrang busy-busyhan e
    {paging mamang taga-quezon!!!}

    great choices kapatid.
    siyempre halos puro labs ko ding blagero’t blagera ang mga napili mo kaya masaya din ang siopao. sa mga na-tag ni utoy lalo na si heleyna at joycee, pa-canton naman kayo!

    tawagan kita bukas… mag-online tutorial tayo.

    masaya ako today utoy. hulaan mo kung bakit? naka-5 beses yata akong naka-UNA today. o ‘di ba adik?

    hanesli, medyo takot nga akong maging datkom. baka maging singbagal nila ang blog ko sa pag-upload. baka mawala ang more than five ko na readers!ü

  4. pahabol: (re 2nd stained glass window)

    utoy, hindi ‘yun libro. naka-rolyong tela ‘yun.
    ‘di ba ‘yun ang negosyo ng pamilya ni san kiko?
    tingnan mo sa left side, may gunting pa.
    (same dun sa 1st window)

    tama ba ako?

    oonga ano? anubayan si utoy:
    di lang bingi, duleng pa!ü
    God bless!

  5. i lurve the stainglass!
    parang gusto ko tuloy gawing stainglass bintana ko. kaya lang bka mapagkamalang simbahan! hehehe

    pwede naman. Japanese geisha ang design.
    anong panama ni Zhang Ziyi diba? hehe…
    GOd bless!

  6. Wow, salamatssssss! Saan ko ipadadala ‘yung 120 million na bayad ko sa ‘yo para makasali lamang sa listahan mo?hahaha!

    Naku, super bilib ako sa mga may blog na araw-araw ay may entry at ang hahaba ba. At lalo akong pinabibilib nung mga katulad ni BlueP at Kengkay na andami-daming blog at kinakaya ng pawers nila to post religiously on those blogs. Yung sa akin nangangamote ako sa oras. Paano naman, kailangan kayod kabayo para ma-survive ang krisis hehehe.

    Advance happy anniversary sa blog mo, Bro! Waw na waw! Isang taon. Ako kaya, tumagal kaya ang blog ko ng isang taon? ahehehe. Sana. Sana naman. Saan nga pala ang parti para sa anniversary ng blog mo? Hingi tayo ng siopao kay rev para may ekstrang handa hehehe.

    Salamat din po sa panalanganin para sa amin. It is much appreciated.

    God bless!

    mamili ka na lang sa tatlong Swiss bank account ko for the deposit.ü

    yup, ako rin, sobrang hanga dyan kay Bluep at Kengks and the many others. parang mga article-machines, may million post ideas lagi.ü

    sa one year ko? ewan ko. I haven’t prepared for it really. siguro magpopost ako ng picture ko. hahaha!!!

    you deserve to be part of the datkomistas. God bless!

  7. @rev ayan ka na nman ndi ka na siguro natutulog para makabase ka lage…hehehe

    @bro.uts balik po ako ha..natawa lang kase ko jan kay rev hilig sa base…yan siguro peborit nyang laro nung bata sya…hehehe

    ^^

    naghihintay na nga ako ng tataya sa kanya eh. hehe…
    rev, siatong naman ang laruin natin!

  8. hi, bro utoy! di ko tuloy alam kung sino uunahin ko sa mga awardees mo. isa-isahin ko mga yan…

    sige, luna, dalawin mo sila!ü I assure you, mga magagaling na bloggers yan.ü God bless!

  9. akala ko nag-guest si tulfo dito sa blog mo. hehe

    san mo ba pinagkukuha ang mga bintana mo?hehe ang gaganda! at malapit na pala ang anniv mo ah.

    yan ang usong bintana dito sa Yurup, Eli. halos kabikabila dito eh stainglass ang ipinagmamalaki sa simbahan.ü GOd bless!

  10. hay naku hangang hanga din ako sa mga datkomista! ang galeng! ewan ko ba mahal ko ang pag blog pero mukhang ayaw talaga pumasok sa utak ko ang mga html chuva chuva na yan! nagpapatulong na nga ako kay soulmate eh pero hayun, ang galing ko pa din ^^ at eto pa!! 31 days na lang kuya utoy!! weee!!!

    nakakabaliw ano? ano palang ibig sabihin ng html na yan? hehe…

    yup, ilang araw na lang at anniversary na ng blog ko.ü yihaa, senior blogger na ako, pag nagkataon!ü

  11. Napangiti ako dun sa usaping HTML. Isa yan sa pinakasimpling linguahe sa “software programing”.

    Hindi katulad natin na ang pagba-blog ay katuwaan o libangan lamang. Hanap buhay ito ng karamihan sa nagmamay-ari ng “dot com site”. Kaya marami silang blog na mini-maintain at palaging ina-update ang post dahil na rin sa tinatawag na “web site traffic”. Ito ang batayan ng mga “ad sponsors” kung ilan ang bumibisita sa “site” na yun.

    Bro, hindi ko intensyon na sakluban ang ano mang pagtingin ang meron ka para sa kanila. Ang akin lang ay bigyang linaw kung bakit meron silang sariling “portal” at maraming blog na mini-maintain.

    nakita ko yung punto mo. still, nakakahanga diba?ü honest buck can be found anywhere, kahit sa internet, at yung kasipagan ng mga professional bloggers ang talaga namang nakakapagpahanga sa akin.ü
    God bless!
    btw, thanks sa info. andami kong natutunan.ü

  12. kongratsss sa mga napili….magaling! magaling!
    magaling!…hehehe

    yeheeeyy!!! malapit na haniversary ng blog mo. san ang party bro. utoy!?

  13. maige pa nga sila at may pambayad sa mga dotcom na yan..gusto ko rin sana yan kaya lang ala naman mag isponsor..ehehehehe..

  14. hahaha, dapat ba talagang ipag-duldulan na gwapo? self worship?

  15. mabuhay sila! yay! haha!😀

    asteeg.🙂

  16. asteeg, bro! agree ako sa praise ni panaderos. more power, kapatid🙂

  17. babalik ako pramis babalik ako. hindi lang ako makapag comment ng mahaba kasi may ginagawa ako na impt. and Pleassssssseeeeeeeee. Di ko nakakalimutan ang promise ko hanube! eto nga at kayod na sa pagaararo para lang magka dotcom kayo haha.

    I shall return

  18. HOLY…HOLY…ahhh…HOLY GOD!!!! Top 2!!! hahahah

    tenchu brother. i soo deserve the award LOL. pramis, sobrang na overwhelmed ako…at sa sobrang tuwa ko…gagantimpalaan kita ng utoysaves.com. seriously yan.

    just so you know…you will be the 5th beneficiary of my BIGAY DOT COM FOUNDATION hahahahah. consider it as a bday-anniv-valentine-xmas-ny gift.

    email me you wp username.

  19. Maraming salamat sa pag-gawa ng Tag, Guwapo! 😀

    Enjoy kasi akong basahin ang mga pinopost mo and this latest entry is no exception. Palagi akong natatawa. Hayaan mo, bibisitahin ko ang mga nirekomenda mo. Nabisita ko na ang iba sa kanila kahit na quiet lang ako. Pero iyong mga nakita ko ay mahuhusay nga.

    Ang ganda ng stained windows na fineature mo with this entry. It’s funny but I have a draft a bit related to St. Francis that I haven’t posted on my blog. Tinatrabaho ko pa kasi. 🙂

    Maraming salamat uli! Take care.

  20. @rev: ikaw talaga ang nagpauso ng base-base na yan, nahawa na din akos ayu wahahaha. at talagang special mention pa kem ni heleyna ah, waaaah.

    Tats naman ako dito kuya utoy, sa totoo lang kahit datkomista ako eh bongerks pa din ako sa mga codes churva churva ek ek and other techie stuff of blogging. natutunan ko lang ang madaming bagay kay helena. wahahaha.

    kung tutuusin madaming naka wp.com ang mas magagaling pa saken, maarte lang talaga ko dahil ayaw ko ng nakadikit ang wordpress sa domain ko, hahaha. pero kung hindi dahil sa mababait na bloggers like helena, kenneth of kmendoza.net, reyn of reyn.angelic-pink.net at syempre ang host kong si kiven of codamon.com, siguradong wala ang joyceish.

    super thank you sa award na ‘to kuya utoy; utang muna ang canton ha. God bless yah!

    *mwahugss

    ~joycee

  21. PS

    Utang muna ‘to Kuya Utoy, will try to do it this weekend.. Thanks po ulets..

  22. Kuya!! sobrang flatterful naman at sinama mo pa ko dito…marami namang ibang datcoms dyan. I’m tats..actually dalawin mo lang ako masaya na ko eh..tapos dadagdagan mo pa ng “Sabi ko nga sa kanya, siguro sa past life eh magsyota kami or magkapatid o maglola mag-honey .” O diba kinilig naman ako.

    salamat po sa maraming bagay na di ko na mabilang…advance happy anniversary sa tin este sa blog mo hehe.

    uy may dog ang stainglass. aylabit! gagawin ko to..syempre ikaw pa. just give me time kuya..

  23. super thanks… ^_^

    • you’re welcome, miel!ü

      • ey brader di po aq batang promil.. bonakid aq eh… batang may laban hehehe.. hay naku basta lang may masabi… honga pala di q alam mag lagay ng music video sa WP… sa blogdrive at blogspot lang aq marunong😦 di n nman aq mka blog sa datcom q so pwamis pg ok na bka bukas, ggwin q n2…

  24. alam mo ba bro. utoy na tinag ka rin ni aling baby ng ganyan? hehehe. akala ko ibang version pa ito ng 10 random things abt you. buti na lang at di mo hinayaang tuluyan ng mahubaran ang iyong pagkatao.🙂

    ganda nung unang stained glass ha… may aso. may idea ka ba kung anong breed nun?😀

  25. Eto ang blog na lagi kong binabasa na pinaka-excited akong mag-comment. Bakit kaya may ganitong effect si Kuya Utoy? Kaso dahil ayaw kong ma-miss ang bawat kataga na sinabi nya pati na rin lahat ng comments ay iniisa-isa ko talaga bago mag-comment.

    Kahit inis na inis ako sa kausap ko sa telepono dahil sa trabaho ko ay napahalakhak ako bigla (muntik ko ng makalimutang mag-mute) dun sa “Kaya kung minsan kapag nagbukas na ako ng website… eh pwede muna akong mag-shine ng sapatos, magbunot ng uban, mag-Sudoku…” Di ko pa nga natapos yung sentence natawa na kagad ako.

    Thank you po sa listahan na ito Kuya Utoy at nagkaron na ako ng ideya kung bakit I’m missing half of my blog life dahil di ko pa nababasa ang blogs nila. Napa-add tuloy ako ng sandamukal sa favorites ko bigla.

  26. ang haba ng blog.. mejo nkakahingal basahin pero msya naman.. hehe napadaan lang po..

  27. heto na ako, muling nagbabalik…. Kumusta na ka na! pasensya na kung medyo hindi nakakapasyal sa bahay mo, medyo naging busy lang.

    ingatz more stain glass to come!

  28. Elow bro! Nakakarelate ako sa pag open ng blog na pwde mo gawin lahat bago k pa mkapagbasa, super slow lang connection ko kasi ang pinaka modem ko lang ay ung celfone ko, bukod sa mabagal na limited pa ang pag surf kung ayaw ko mamulubi… Hehe kaya dami ko gus2 bisitahin na blog… Hays pangarap pa rin til now…hehe Kaya iilan lang talga ang nabibisita ko! Hayyss…

    Congrats po sa 10!

    Uy, lapit na aniv! Yehey! Hapy aniv in adv!

  29. aikz.. sabagay subdomain lang ako, kaya wala me sa list mo hehehe.. I think mahalia is one of the best writer I known in blogging.. She really had this way of expressing herself.. which is nakakadugo talaga hahaha..

    pero teka kelan mo balak mag dot.com? kung balak muna.. may isusugesst ako sayo kung saan pwede ka bumili ng dot com with free hosting sa halagang murang hayup sa mura..

    Baka next year,,sana di maudlot mag dotcom na din ako.. matagal na din dapat nag dodotcom si walongbote.. hahaha.. napagiwanan naku.. ng mga kasabayan ko sa blogworld.. hehehe..

    bluep maybe the one who made it a break when it comes to religious part in blogging. but of course how will I forgot you.. you are great writer!!! AMEN!!!

    • uy, wag nang magtampo! di naman dahil nandun sina heleyna at joycee tas wala ka eh iba ka sa kanila. baliw ka rin tulad nila.ü
      kidding aside, i’ll be waiting for your datkom.ü
      salamat sa papuri. touched naman ako. touch me more.ü
      GOd bless!

  30. ako rin di na maka-update gaya nang dati. tsk. every week na lang ang update ko. ang lungkot. trabaho kasi, nakakasira ng blogging. hehe.

  31. I’m back from a very busy week…

    Kaya kung minsan kapag nagbukas na ako ng website halimbawa ni Bluep eh pwede muna akong mag-shine ng sapatos, magbunot ng uban, mag-Sudoku, magkwenta ng pwedeng itaya sa hweteng, magpractice ng telekinesis, etc.

    hahahaha anak ng tokwa’t baboy oo hahaha. Ganun pala experience mo sa blog ko haha? Pasensya na talaga kapatid at pinahihirapan kita haha.

    Actually pare I consulted my other blog friends about the graphics of my blog kasi balak ko na talaga tangalin yung mga graphics dahil kahit papano di biro ang magisip ng design. Lalo na ang mag photoshop. Pero lahat sila na tinanong ko eh unanimous sa decision na wag ko daw tangalin kasi trademark ko daw yun. Kaya pasensya, majority wins. Sorry na lang pag dial up ang reader kasi talagang gapang sa blog ko. Anyway pwede naman nila gawin yung ginagawa mo haha

    Papasalamat na din ako tol sa lahat, alam mo na yun, I think I dont need to say this here kasi palagi naman tayo magkakaututang dila nina rev at dfish in private. Kahit nga plurk diba di pinatatawad haha. Pero thank you for everything.

    Ang sarap ng pakiramdam pag may kasangga ka online. Dati rati nung mga wala pa kayo nina rev at difish, magisa lang ako nagjo-journey sa blogosphere in terms of expression of Faith, as in, patibanga na pag heretical ang post. Pero with you guys around, merong check and balance na nagyayari. At ang maganda doon, Hindi na lang ako ang nagkaka Crisis hahahah may kasama na ako sa Crisis ngayon hahaha

    may sinulat ako sa baba nito, pero dinelete ko haha. Ayoko na namang maging controversial. Anyhow you can ask me privately na lang kung ano yun dapat na comment ko sa baba. I don’t want to stir controversy here haha

    Anyhow I am very happy for your achievements. You came a long way. Hindi talaga ako nagkamali nung kaladkarin ko kayo ni rev at mahalaia na magblog. You all deserve the praises of your readers. and always remember

    “You don’t owe anyone any explanation” and…

    “Hindi masama magalit, tao ka lang din”….

    Congrats and nalalapit na ang 1 year anniversary mo. Magiinom na ba tayo ng shoktong? haha

    with all my prayers to you, rev, dfish, ifm, jorge, boni and the rest of the gang! Full support ako.

    Pax et Bonum

    • ginamit kitang example kasi alam kong di ka mapipikon sa akin. hehe. dati nga eh dalawa kayo ni Reyna Elena sa taas pero binura ko’t baka magalit sa akin.ü
      hayaan mo’t pagdating naman sa Manila eh mas hightech na ang computer ko dun. di na ako magiging mabagal.
      naiyak naman ako sa iyong comment. madrama, parang koreanobela lang.ü pero totoo naman, sabay tayong nagki-crisis! hahaha! baka Krisis season ngayon ng INFJ.ü
      i’ve come a long way? wala pa nga akong napapatunayan sa blogging.ü pero sana nga eh pagdating ng araw eh may marka naman akong maiwan, aside from Batibot Babes. hehe…

  32. salamat naman sa pagispeyshal menshun, bro utoy. haha magdatkom ka na rin kasi. yung akin hindi ko maayos kasi regalo lang naman saken yung datkom ko. sayang lang sa kabobohan ko sa layout at web design.

    bakit yung sa stained glass window parang hindi naman libro yung nakita ko kundi tela. i may be wrong. at saka parang may gunting rin. ahaha..

    oo tama ka, hindi yan ang holy family dahil karpintero naman si joseph at hindi awtor o couturiere. ahihi nagmamarunong ang munggo. sos.

    • hmmm… pareho kayo ng opinyon ni Rev. at dahil mas mataas ang IQ nyo sa akin ng 100points eh paniniwalaan ko kayo.ü

      datkom, yup, sana nga. pero sana may tumulong sa akin. magtype lang ng article kasi ang alam ko. hehe…

  33. congrats sa award mo utoy!!! you deserve it naman talaga… makulit ka kasi at napapahanga mo kami sa mga idea at kaadikan mo… we learn about another culture in a very fun way..

  34. napadaan lang broutoy…

  35. Brother Utoy – nandito pa rin ako tahimik na humahanga sa yo, haha at ipinagdadasal ka na ang iyong karisma ay maging instrumento sa Kanyang Kaharian (Kareynahan din kaya?). Huwag ka lang mabigla kasi minsan may pagka-prangka talaga ako. At open-minded pa…

  36. […] thank you to the nth level kay Kuya Utoy para sa unang award/tag/meme. Kahit sino naman siguro na bigyan ng award ng seminaristang super gwapo eh […]

  37. oo nga. ang taas talaga ng level ng mga datkomista!
    aba! si utakmunggo at si kengkay humahataw na!
    hakhak!

    balang araw magakakroon din ng utoysaves.com!
    yeeha!😄

  38. makikicomment sa stain glass:D — walang patos ang stain glass mo brader. ang ganda talaga.🙂

  39. Naku Brotherutoy, pasensiya na at now ko lang nalaman ang bagay na ere. Medyo nawala kasi ako at nakarating sa stratospehre.Naligaw at now lang nakabalik.Alam mo na ang mga matatanda,dami ng nararamdaman kaya nag self impose dis appear ang beauty.I try ko gawin bago matapos ang 2009 ha. promise.

  40. […] 2009 To: Reyna Elena: Cool Podcaster – defender Tag: Datkomista sya This will bring us to: Mga Datkomistas, na BITAG!!! broutoy’s […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: