Mga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan

Una sa lahat, welcome kay Atticus, kay Luna, kay Jesshua, kay Ikay, kay Bluguy at kay Katpusa sa blogroll ko!  Mga kabisyo, tangkilikin din po natin ang mga kabaliwan nila sa blogs nila.ü

Pangalawa,  maraming maraming salamat kila Malen at Menard sa offers nilang Datkom.  Nakakataba po ng puso pero parang di pa po ready si Utoy sa Big League. Pasensya na po.  Atsaka po, may naoohan na rin kasi ako.  Hehe…  Maraming salamat po ulit!  Touched po ako!

Pangatlo, i-click nyo ito at dalawin nyo ang mga bagong listang baguhan sa ating Hellish Links, Heavenly Blogs.ü

Panglast, patawad po kung di ako nakakablog-hop.   May sinalihan kasi akong theological discussion group dito sa kabundukan tapos yung mga reading materials eh kailangang itranslate ko pa from French to English para lang maintindihan ko.  Syempre, ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.  Anim na documents ang lagi kong tina-translate every week.   Diba, easy lang.  Maning mani.  Parang gusto ko nang mamatay.

* * * * *

Isa sa mga pinaka-common na problema ng isang karaniwang Kristiyano tuwing siya’y dumadalo ng Holy Mass o ng Sunday Bible Service ay ang labanan ang antok.  Automatic yan na pag-upong pag-upo natin para sa First Reading eh parang nagbu-book na agad tayo ng flight papuntang dreamland.   Yung tipong sana di ka na nagpakahirap na maligo at magpaka-japorms:  Nagpajama ka na lang sana para mas komportable pa ang sleep-over mo sa simbahan.

Henywey, alam ko naman na may honest effort talaga ang marami sa atin upang labanan ang antok sa Misa.  Yung tipong isang oras na pakikipagbuno na wag mapikit o tumangu-tango na parang aso sa dashboard ng kotse ang ulo natin sa sobrang antok lalo na during the readings at homily ni Pads (yan ang tawag namin sa mga pari sa seminaryo).  Kaya naman, narito si Kuya Utoy ninyo upang magbahagi sa inyo ng mga tried and tested stay-awake-in-the-Church tips na tyak hindi itinuro sa inyo ni Miss Pacheco at ni Sr. Catherine sa Catechism at Christian Living Class.  Eto na.  Go.

1. HUWAG MAGPUYAT.  

Matulog ng maaga.  Itigil na ang panonood ng XXX at Imbestigador para lang makakita ng mga KTV at massage parlor na nire-raid.  Masyado nang gabi yan.  Hintayin nyo na lang sa Youtube ang mga ito.  Iwasan din ang sobrang nightlife tuwing Sabado.  Kaya nga may TGIF, dahil Biyernes talaga ang allotted na schedule upang umattend ng rave parties at mga inuman sa kanto.  Kung blogger ka naman eh wag kang masyadong magbloghop tuwing sabado ng gabi.  Maaari mo namang gawin ito during coffee break sa trabaho, diba?   Sus, pakipot ka pa eh yung pagsulat mo nga ng mga posts eh during office hours mo ginagawa.  Basta the point is, not on Saturday night.  Kung may asawa ka naman ay agahan ninyo ni Beh o ni Twit-hart ang pagpasok ng kwarto para mag-loving-loving, para maaga rin kayong matapos at makatulog ng maaga.  Come Sunday morn, Fulfilled ka na, hindi pa puyat, diba?

2. READ THY MISSALETTE. 

Madalas kasi, ang mga inaantok sa simbahan ay yung mga visual na tao, yung mga taong dapat may nakikitang mga bagay para makuha ang attention.   Sabi ni Kapitan Basa sa isang unaired episode ng Batibot,  reading lang ang katapat nyan.  Kapag nagbasa ka ng misalette (o Euchalette sa ibang parokya) eh mas mauunawaan mo pa kung ano ang mga readings, at madalas, may magandang reflection ding nakapublish doon na pwedeng pangsupplement sa homily ni Pads.  Mas maganda kung habang nagbabasa ng lector eh sinasabayan mo siya then aabangan mo ang mga mispronounced o overpronounced words like “Bleyz de Lowhd, Dyerooohzalem;  Zzziown, freysh yowh Gawd.”  Look for difficult words like terebinth, sanhedrin, parousia, anamnesis, Caphernaüm, and nakakapagpabagabag.  Try to find their meaning and try to pronounce them yourself.  Sige, repeat mo:  nakakapagpabagabag, nakakapagpabagabag, nakakapagpabagabag… 

3.  SEARCH FOR YOUR FAVORITE PREACHER.  

At any given Sunday, kapag nakatulog tayo sa simbahan, ang culprit lagi eh ang homily ni Father o ang witnessing ni Reverend Pastor.  Haynako, plis lang.   Tinutulugan mo ba ang Boss mo kapag pinatawag ka niya sa opisina para kwentuhan ka lang tungkol sa mga pangyayari sa kasalan sa Tuguegarao kung saan sya nag-ninong?  Tinutulugan mo ba ang asawa o syota o ermats mo kapag naglilitanya na sya ng mga na-accomplish nya maghapon, samantalang ikaw, damuhu ka, wala ka nang inatupag kundi ang pagba-blog?  Hindi diba.  Basta ang sagot ko kapag may reklamo ka sa preaching ng pari o pastor nyo, mag-parish-hopping ka (diba, parang bloghop lang.).  Kung wala ka na talagang magagawa dahil si Reverend o si Father lang ang natatanging pastol ng mga nababagot na kawan, simple lang ang dapat gawin.  Magdownload ng homily from the internet!  Nagkalat ang mga paring ipinangangalandakan sa blogosphere ang kanilang obra maestrang sermon.  Pili ka lang, print the homily of choice then kapag homily time na, basahin mo.  Then don’t stop there, make a comparison, i-juxtapose at gamitan ng mga nalalaman mo about literary criticisms.  Tingnan kung sinong mas patok, sino ang mas pasok, sino ang mas bulok.   Pero eto, honest opinion lang, dito sa France, ang homily ng pari, sobrang seryoso, other-worldly, walang jokes o pop culture references pero bakit ganun?  patok na patok sa mga Pranses.  Kung ang same homily na ito eh ide-deliver sa simbahang Pinoy, tiyak, di pa tapos ang homily eh makakarinig ka na chorus ng hilik, may second voice at descant pa.   Bottomline:  Para sa Pinoy, ang isang good preacher ay komedyante, yung tipong mala-Library o Punchline ang humor ni Pads (short for Padre), di bale nang walang kinalaman sa Gospel ang kanyang pinagsasasabi.  Sad, pero ito talaga ang pamantayan natin.

4. SING YOUR HEART OUT! 

Di na kinakaya ng toothpick  na mapanatiling dilat ang mga mata mo?  Sige, kapatid, bumirit ka kapag kantahan time na!  Lagyan mo ng kuluteyshens (as per Mamita Pilita Corales of Philippine Idol) ang grooves mo.  Kung gusto mo eh magheadbang ka pa.  Oltogedernaw!!!: “Purihin ang Panginoon (Yeah!), 
Umawit ng kagalakan (Beybeh…),
At tugtugin ang gitara (**insert Air Guitar here**)
at ang kaaya-ayang lira… (Oohhhoohoouhhh…please, please!)”

Pero hindi eh.  Sabado night, halos malagot ang litid natin sa kakapilit abutin ang mga kanta nina Didith Reyes, Aegis at Michael Learns To Rock para lang tumaas ang score sa Ikstrem Majikseng, pero pagdating sa simbahan eh para tayong mga basang kuting kung ibulong ang mga kanta.  Ewan ko ba kung anong ikinahihiya natin sa loob ng simbahan.  Hindi ka naman paparusahan ng Diyos kung mala-American Idol audition reject ang boses mo ah.  Eto ang tip ko, know the lyrics of the songs on your parish and memorize them.  Pramis, nakakatouch yan, love songs ang dating.  Kung medyo extreme ka eh gumawa ka ng top ten chart ng mga church songs.  I-update mo every Sunday then i-blog mo.  Then timbrehan mo ako.  Sigurado, dadalawin ko ang ang blog mo linggo-linggo. Pangako yan.

5. COME JOIN THE FUN! 

An idle mind is the Devil’s workshop.  Utoy’s mind also, but that’s besides the point.  Ang gusto ko lang sabihin eh para di ka antukin sa loob ng simbahan ay ang gawing abala ang sarili.  Pero di ko sinabing mag-snake game ka o sudoku during the Mass o Worship Service.  The legit manner to be profitably occupied sa simbahan ay ang pagsali sa mga small roles during the Misa or Worship.  Kung madalas 90+ ang score mo sa videoke eh sumali ka sa choir.   Kung gusto mong magkasyota agad eh mag-apply kang gitarista o organista sa simbahan.  Kung mukha ka pang 8 years old eh mag-sacristan ka.  Kung mukha ka namang 68 years old na eh lay minister or collector ang saktong roles para sayo.  Kung AB English ka eh swak na swak kang maging lector.  Kung may pagkabossy kang tao at likas na pala-utos, practisin mo lang ang mga linyang  “Magsiupo ang lahat!  Magsitayo ang lahat!  Magsiluhod ang lahat!”  delivered at the right moment and presto, commentator ka na!  Pramis, di ka na aantukin.  At di lang yan, may fringe benefits pa yan like uniform, libreng meryenda sa parish hall, free access sa mga tsismis ng parokya, etc…  Odiba, worth the effort!

6. LET US PRAY…

Nyemus maximus naman kasi, kaya ka nga nagsimba ay para magdasal.  Hindi comedy club ang simbahan, ineng!  Wala kang binayarang 300 pesos cover charge para mag-abang ka ng patok na jokes ni Pads.  Limampiso na nga lang ang limos mo, masama pa ang loob mo.  Andami mong pwedeng ipagdasal:  ang family mo, unang una yan syempre.  Ang mga maysakit, mga mahihirap, mga inuusig, mga mamamatay na, ang mga nanghihina ang faith, ang mga baliw, ang mga call center agents, etc.  Pagdasal mo na rin si Pads na sana eh mag-improve na ang homily niya.  Pagdasal mo ang choir at ang organista, “sapagkat di nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”  Ipagdasal mo si Gloria o kaya ang future leaders of the country.  Ang sarili mo rin syempre, na sana exempted ka na sa Hell.  Basta occupy yourself with prayer.  Kaya nga may mga moments of silence ang Misa o Worship Service eh para maisingit mo ang mga personal na dasal mo sa community prayers.    The point is, be present, be prayerful, be Christian… terebinth… parousia… nakakapagpabagabag… blah.. .blah… blah… mumble… mumble…  mumble… hmmm….

ZZzzzzz….  huh?!  Tapos na pala?  Eymen!

* * * * *

At syempre pa, ang gulat na gulat nating Stain Glass Window of the Day ay ito:

img_3657

Ito ay nalitratuhan ko sa Cornaro Chapelle of Sta. Maria della Vittoria, sa Rome, Italy na pinapatakbo ng mga Discalced Carmelites.   Syempre pa, ang nakalarawan ay si Sta. Theresa of Avila, ang foundress ng mga Discalced Carmelites na kung titingnan mo eh nakamulagat ng husto.  Ito ay dahil isa siyang mystic, o sa simpleng salita, nagisnan niya ang mukha ng Diyos sa lalim ng kanyang panalangin.  Kaya naman di kataka-taka na natanghal siya bilang kauna-unahang babaeng Doctor of the Church sa tulis at bangis ng kanyang mga panulat tungkol sa panalangin.  Alam ko na di na kayo interesadong basahin pero eto:  alam nyo bang sa ilalim ng stainglass na ito ay kontrobersyal na sculpture ni Bernini na Ecstacy of St. Theresa? 

img_3651

Ipinagbawal noong unang panahon na makita ng mga seminarista ang estatwang ito kasi it depicts St. Theresa on spiritual… uhhhmmm, orgasm.  Sinipat-sipat kong maigi ang sculpture pero di ko talaga makita ang orgasm na part. Siguro kasi dahil virgin pa ako. 

img_3652

Anyway, kung binasa (o pinanood) ninyo ang Angels and Demons ni Dan Brown, ang estatwang ito ang “third altar of science” ng mga Illuminati.  So far, wala naman akong naabutang Illuminatus na nagnonobena o nagtitirik ng kandila doon.

God bless!

136 Responses

  1. huh ito ba ay isang himala o talaga lang himala na ako ang una dito…hehehe

    ay salamat sa tip utoy..ito ay aking mapapakinabangan dahil sa ngayon eh ang lagi kong ginagawa eh kurutin lang ang sarili ko pag di ko mapigilang magsarado ang aking mata sa homily na para lang manok na inaantok…hmmp buti at di pa naman umaabot na tumulo ang laway ko…

    nakapag asawa ba si St. Therese?? bakit alam nya ang itsura ng nag oorgasm? tanong lang ito ha…tanong lang..wag dibdibin,hehehe

    • di nakapag-asawa si St. Theresa of Avila,
      pero syempre, hindi lang naman exclusive sa married couple ang orgasm.
      karapatan din ng mga madre na maranasan yan!
      hehe… joke lang.

      and yup. ikaw nga ang una!
      nasan na si Rev?
      malulungkot yun!

  2. dati kapag inaantok ako sa misa, kinukurot-kurot ko ang sarili ko hanggang sa maging alive ang diwa at mga mata ko. nung kabataan ko naman poh eh kapag inaabot ako ng kaantukan sa gitna ng misa eh paikot-ikot na ung ulo ko, naghahanap ng taong may kakaiba ring ginagawa at titingnan para lang magising ako.. ahihihihi chureeee naman poh.. bata pa eh.. pero ngayon, i dont have any difficulty staying awake during mass kase, nagpaparticipate na ako sa mass, included kase ako sa SFC music ministry, nai-share ko lang naman poh….

    • hmmm…. sana pala ay naisama ko ang “kurut-kurot sa sarili” method of staying awake.
      mukhang maraming gumagawa nito ah.ü

      aktuli, yang palinga-linga eh gawain ko rin kahit hanggang ngayon.
      kung pwede nga lang pikturan ang mga natutulog,
      ansaya sigurong ipost dito
      lalo na yung nakanganga’t tulo laway pa!
      hehe…

      mukhang maganda ang boses ni Yanah ah.ü
      pang-music ministry!
      God bless!

  3. St. Therese’ orgasm is obviously portrayed by her facial expression.

    Madalas nga ako makatulog sa simbahan dati, pero nung me bagong pating exciting magsermon, di na ako inaantok. Kasalanan ng pari kung boring sya. Bwahahaha!

    Opinyon ko laang naman po ire.

    • Ang totoo nyan, Roni eh nung tiningnan ko ang mukha ni St. Theresa of Avila,
      mukang parang nakatulog din lang sya during homily.
      nakanganga pa kasi.ü

      may solusyon sa boring na pari:
      regaluhan ng mga joke books!
      pero wag erap jokes at super-gasgas na yan.

      God bless!

      • dapat sana natin palaging isa-isip na ang mga rebulto ay isang work of art, an individual’s expression and not necessarily reflect the majority. pagdating ng judgement day, dadapa lahat ng mga gumawa nyan.

  4. typo: pari’ng, not pating, magkalapit kasi yung r at t. at daliri ko po ang pinan-type ko. Jaws ko, sori po!

  5. 4:55 am at akoy gising pa hehe… meron pa tip brother: maglagay ng toothpick sa pilik-mata ng patayo para di sumara ang mga mata (mahirap itagalog)… seriously, guilty aq jan kasi madali aq ma bore sa mga homilies or sermons unless favorite q ang preacher nga ibig sabihin may sense ang sinasabi… so gngwa ko recently, church-hopping… kasi amazed aq basta bago sa akin ang mga mukha ng readers at ang pari alive na alive ika nga… and english mass kc nksanayan q sa catholic skuls since kinder til colege days lalo aq inaantok pg bisaya kc di q alam pano mag response…

    • aba, anong oras ka pa nyan matutulog, honey?ü

      ang maganda rin kapag nag-churchhopping eh nakakapagcanvass ka na rin kung saan maganda at murang magpakasal o magpabinyag.ü hehe…

      ako, churchhopper dahil sa stainglass.ü

      God bless!

  6. hahaha… halatang di binasa muna ang entry haba kasi… andun na pala ang tutpik at parish hopping hehehe… personally di q typ ang komedyante lalo n pgwalang konexon sa gospel or readings!

    • korek ka dyan, yan yung mga nakapagjoke lang for the sake of joking.

      pero para sa akin, gift din ang pagdeliver ng joke.
      may kilala akong joke ng joke,
      pero SMY (SusMarYosep), di marunong magdeliver!
      maaawa ka talaga sa pari sa sobrang effort nya.ü

      God bless!

  7. Ahahaha! Mukhang guilty ako dito! Lagi akong inaantok kapag umaattend ng misa sa simbahang Katoliko. Kaya minsan mas appreciated ko pa umattend sa mga Christian Services kasi “cool” at hindi nakakaantok ‘yung mga pinagsasasabi ng mga pastor at para kang nanonood ng ASAP o SOP kapag kantahan na. Kumpleto sila sa instrumento at parang me concert. Astig! *LOLz*

    Pero Bro. Utoy, bakit nga ba usually eh boring at nakakaantok ang misang Katoliko? Saka minsan ‘yung Homily ng pari eh hindi naman tungkol sa Gospel. Minsan eh ang dinidiscuss ‘yung tungkol sa mga activities ng church & community, na kung paano nila kailangan ng malaking pondo para sa pagpapagawa ng simbahan, etc. etc. Tama bang idiscuss ito sa Homily?

    Saka (sorry sa mga pari na gumagawa nito), medyo naiinis ako kapag tungkol sa politics ang Gospel tapos medyo “heavily opinionated” ang mga pari pagdating sa issues ng gobyerno.

    • yup, cool nga sa worship service ng Protestante, especially dahil may pabiskwit after!
      medyo mahaba nga lang. usually three hours.

      naku, andaming pari kong kilalang ganyan,
      yung ginagawang fundraising speech ang homily.
      kapag nakakita ka ng pari na ganun,
      pakibatukan para sa akin.

      as for political homilies. depende sa pari.
      may paring binabagayan,
      may parig ansarap batuhin ng creampie sa mukha.

      God bless!

  8. Ooops, me mali sa third paragraph. What I mean is kapag tungkol sa politics ang Homily, hindi Gospel. Sens’ya na Bro, affected ako sa post mo. Ang haba na nga ng comment ko eh. *LOLz*

  9. zzzzzzzzzzz…………… blag!!!

    ay tapos na pala……. *punas laway na tumulo*

    i’m sad. hindi ako naka-BASE today. kasi naman, down ang wi-fi namin at nakikisingit lang ako sa pangmaramihang computers sa ibaba. remember the area kung saan kayo nag-internet ni powkie?

    1. paano mong nalaman na nanonood ako ng _ _ _ ‘pag Saturday night?……. hanube! V.I.S. ‘yan ‘no — Vatican Information Service *tingin sa langit… looking innocent*

    2. “Bleyz de Lowhd, Dyerooohzalem; Zzziown, freysh yowh Gawd.” — bwa ha ha ha! pwamis, guilty ako dito utoy. hindi ko maiwasang mapakunot ‘pag nagtutumbling ang dila ng lector.

    3. seriously, this is so true. i remember the time when i became a “tambay” at the edsa shrine just to follow bishop soc’s homily. though it is highly encouraged to be more active in our own parish, we can’t blame them if their soul is searching for nourishment.

    4. ni-try ko to pwamis! headbanging while singing “papuri sa diyos”… parang adik lang…. lolz.

    5. astig ang fringe benefits! ha ha ha!

    6. hindi pa rin ako maka-get over sa “nakakapagpabagabag”. ang hirap nga!

    p.s.
    katakot nga ang mata ni sta. teresa sa stained glass.

    HAPPY SUNDAY UTOY!

  10. ponyeta. astig!

    ahaha ipagpatuloy ang magandang gawain! [grade school report card?]

    candid… so candid

  11. hahahah :)) coolness sa tips😛

  12. hmmm…. dapat ata magbasa ito ng nanay ko kasi madalas na natutulog sa simbahan. minsan nga eh nakaluhod na ang madlang people para sa pagtaas ni pader ng ostia, tapos cya nakatayo pa rin. as in nakatulog ng katayo! hahaha!

    kaso nung iniisa-isa ko, parang di applicable ke mudra kasi cya ay lola na:

    1. di naman cya nagpupuyat. madalas nga rin nakakatulog habang nanunuod ng tv o nagbabantay ng tindahan.

    2. ay di na rin carry ang magbasa ng missalette kasi da katarata.

    3. no choice cya kasi nagsimba kami sa schedule ng kanta ng choir kung saan ako kabilang.

    4. kumakanta naman cya kaso slight lang. mas “sing your hear out” cya pag karaoke. hehehe!

    5. wiz na cya pwede magjoin sa fun… kasi nga lola na. on the other hand, since single na cya ngayon, bakit nga ba di ko cya ipasali sa SFC? hehehe!

    6. baka di rin ito epektib. kasi pag nagpray dapat nakapikit. baka makatulog na naman!😛

    kaya ang sulusyon sa nanay ko ay ito: tapikin at gisingin every 5 minutes. hehehe!

    on st. therese… mejo mahalay nga ang pagkakabukas ng bibig nya sya statwa.😛

    • iisa ang solution dyan sis. painumin mo si lola ng red bull bago mag mass. Si Ifm nga nakakatatlo na redbull pag may date eh hahaha

      • laglagan na ito, kapatid, ah! hehe…
        teka…
        ibig sabihin ba nito eh mga boring ang ka-date ni IFM?
        o baka naman mga pari rin.ü

        Winkie, astig si Mama ah. While You Were Sleeping ang hataw.ü para di makatulog si mommy dearest eh bulungan mo na may tingin ng tingin sa kanya. mako-conscious yun. di na makakatulog.ü

  13. bakit ganun brotherutoy?minsan kahit anong focus at serious ka sa pagdadasal may times pa ring nawawala ka sa focus?ganun ba talaga yun?

    • IBALIK ANG BELO! lol

    • normal yun. Just always try to go back to your focus when you notice that your mind wanders.

    • yup, tama si bluep. ganun talaga ang dasal. ang mahalaga eh aware ka na nangyayari yun.

      sabi rin ng superior ko, kapag nagshift sa ibang topic ang isip mo during prayer, itanong mo rin daw sa sarili mo: bakit kaya dinala ako ng isip ko sa topic na yun? baka malay mo, may dapat kang ipagdasal about it.
      halimbawa, nagdarasal ka tapos bigla mong naisip si Jang Geum. malay mo, dapat mong ipagdasal ang south korea o tinatawag ka ni Lord bilang maging isang punong tagapaglingkod… ng kusina.
      God bless!ü

  14. You just made my day, bro! Tagustagusan ang tama. Ika nga eh, walang survivor na hindi nakonsyensya. Pag naging pari kana at ganito ang “homily” mo, ang saya siguro ng congregation. : D

  15. salamat sa pag-welcome sa akin at sa link.

    pero bakit parang pinatatamaan mo ako? kasi feel na feel ko ako ang pinatatamaan mo eh. hahaha!

    hindi. hindi ako natutulog sa simbahan. nakatayo kasi ako lagi sa likod. ready to leave anytime.

    alam mo bang sa UP chapel, ok lang ang naka-jogging pants? kasi ang ginagawa ng mga tao pag sunday, either jog muna tapos daan ng simbahan, o kaya ay simba muna bago takbo.

    ako silip tapos takbo. parang nagpapa-check lang ng attendance. Boss, present po. Sabay kinig nang konti, tapos layas. bad ako, ano?

    salamat sa tips.

    • uy, di kita pinaparinggan. nagkataon lang.
      names and places in my blog are fictional and has no reference to anyone in reality. (disclaimer ba ang dating?)

      noon, sa likod din ako dati nagsisimba, lalo na’t late.
      pero ngayon, sa gilid na.
      simula nng madiscover ko na
      ang pwesto na yun eh malapit sa electric fan. hehe…

      ok lang ang naka-jogging pants.
      kung ako nga ang magiging pari,
      di ko papakialaman ang soot ng mga tao,
      basta wag silang magreklamo kapag ako eh
      nakasando’t shorts lang during Mass.ü

      ano nga kaya, ano?ü

  16. makisabay sa kanta.. hindi lang naman umaga ang misa… meron din sa hapon… magsisimba ako ngayun… pag may nakita akong inaantok irerefer ko sila dito sa blog mo kapatid… hehe

  17. sa susunod brother utoy yung tips naman eh para sa hindi naman inaantok pero laging nawawala sa konsentrasyon dahil sa maliit na bata. yung tipong pwede ko bang gapusin sa may altar o ilambitin sa chandelier.. something like that.

    meron akong picture nyang istatwang yan dati sa aking disney book. yan pala ang taytol nyan. hindi naman malaswa ang itsura nya bakit nasabing orgasm. iba ang itsura ng orgasm. lols. but don’t get me wrong. virgin din ako noh.

    happy sunday!

    • takutin mo na lang ang bata.
      sabihin mo, kapag di sya nagtigil lsa kakagulo,
      magiging madre sya pagdating ng araw.ü

      as for orgasm…
      ANOKAMO?
      NASA DISNEY BOOK ANG ESTATWANG YAN?!! SMY! (SusMarYosep!)
      hmmm… and to think, ibinawal ito sa mga seminarians noong araw.ü

  18. kuya utoy salamat po sa pa welkam! ! sobrang nahipuan(tats) nyo po ako…hehehe

    salamat sa tip bro. utoy kc minsan pulang pula na braso ko sa kakakurot para lng magising kapag ngsesermon na si father…ni try ko rin nmang sumali sa choir d2 sa kuwait kc nga pra mas bonggang bonga ang pgkanta ko kya lng ngstop ako kc ngkaconflict ang sked ko d2 sa work and sa practice at araw ng pagkanta nmen..kaya umaattend nlng ako ng mass every day off ko.

    at talagang nahirapan ako sa pagbigkas ng nkakapagpabagabag!.

    • wow, mukhang ikaw ang third person na gumagamit ng “pinch thyself” technique para di makatulog.ü at mukhang epektib! masubukan nga rin.

      yung “nakakapagpabagabag” eh narinig ko lang sa isang homily.ü

  19. pinapatamaan mo yta ako bro utoy. hehe di talaga maiwasan antukin minsan eh. hehe

    masarap magsimba kung madaming joke si father.

    • bato, bato sa langit…
      ay mga meteors kung tawagin!

      uy, hindi. slight lang.
      may kilala akong joker na pari sa Tundo.
      grabe, di na ako makadasal sa kakatawa.

      God bless!

  20. Ayos ang post na ito ah. Kahit di ako same faith mejo naka-relate ako. Sa amin hindi lang one hour ang buong sunday service kundi 3 hours kaya madalas saturday night pa lang prepare na kami sa pagsimba. Favorite ko lagi yung number 4. Hindi ko pinapalagpas ang kantahan part. Sisiguraduhin kong bibirit ako. Nyahahah..

    Kakaiba yung sculpture Kuya Utoy ha? Meron palang spiritual orgasm? Naintriga ako ah. Hehe..

    • hanga nga ako sa mga Reformed Churches kasi ang haba ng Church service nila at parang may unplugged concerts pa.ü at kung minsan, may potluck pa during agape!ü

      actually, ecstacy ang tawag sa experience ni St. Theresa of Avila. Nakontrobersya lang yung estatwa kasi parang literal ang pagkakadepict ng ecstacy. parang naka-Ecstasy pills lang.ü
      God bless!

  21. Hello po mga kapatid na pinag-isa ng teknolohiya. Nag-enjoy po ako sa pagbasa ng inyong mga kuro-kuro. Pinoy na pinoy talaga! Mabuhay si broutoy at sa inyong lahat. Ang spirit of ecumenism andito din. May continuing discussion ngayong tungkol sa Bloggers Rights heto po ang link.
    http://nyjoomla.wordpress.com/2009/02/22/eff-electronic-frontier-foundation/

    Salamat po.

  22. pwede! sana maging guide ko ito while nasa loob ng simbahan! pero bago ko e-master ang mga tips na to.. master ko muna ang habit ng pagsimba! hehehe

    sorry talaga, hindi ako madalas sa church!😦

    • hayaan mo, Geish, practice makes perfect.
      dalasan mo lang ang simba para maranasan mo rin ang antok.ü

      pero naman, i understand kasi di biro sa mga call center agents ang magsayang ng tulog. kaya kung makatulog ka sa simbahan, exempted ka na!ü

      God bless!

  23. tindi ng post mo, ang daming tips, di ko kinaya lahat kaya sowee kung wala akong masabi..ayoko namang humabi lang ng sasabihin para maka komento lang di ba? balik ako kapatid na utoy

  24. Sermon ba ito? Wahahaha. Konting comments lang..

    1. Lage ako puyat pag Saturday night. Practice kase yan lage ng Praise and Worship at minsan alas dose na natatapos kase bagu ang practice namen ay practice naman ng choir, kaya grabe kung abutin ng gabi! Nakaw. Tapos gigigisng naman ng super aga; 8:45am ang calltime ng mga Sunday School teachers eh.

    3. Wala ko choice talagang tatay ko lang ang mapapakinggan ko, sa simbahan o sa bahay man wahaah. Pero buti minsan open din sila sa ibang members na may katungkulan para magpreach.

    4. Alamu banag kahet kumakanta ako sa church eh mahina pa din ang boses ko pag kumakanta? Lage ako pinapagalitan ni Neto kase hinde ako naririnig. But Im working on it, I swear.

    5. Totoo yan Kuya, madami kang pedeng gawen sa simbahan bukod sa umupo lang at makinig at icriticize ang pastor/pari sa maling grammar o pronunciation, wehehee.

    Ang konte ng comments ko noh? Wahahaha. May threaded comments na pala ang wordpress.com.. Yahoo!

    *mwahugss
    ~joycee

    • oo nga, ang konte… hehe!
      pero hanga ako sa mga anak ng Pastors kasi kasama talaga sila sa ministry ng tatay nila.ü at nalaman ko na si NEto pala ay Birit King! Huwaw! Neto, bidyoke challenge tayo! woohoo!

      nakita ko lang ang treaded comments na ito last week.ü
      mwahugs and God blessü

  25. Ako madalas din inaantok kapag nagsisimba.hehe Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano ano kapag nasa loob ng simbahan.

    May mga pari talaga na boring ang homily kaya nakakaantok.Matagal na pala ako hindi nagsisimba😦

  26. naku maraming salamat broutoy sa iyong mga golden na paalala…sana nga magawa ko lahat ito…
    at nang hindi ako natutulog sa pansitan pag may simba.
    ano naman ang masasabi mo sa palitan ng peace be with you na kung saan sa malalking simbahan natin parang mga stand fans ang mga tao…tango ng tango na walang facial expression…sana may part 2 ito…….

    • korekek, para ngang stand fan lang, walang ka-effort-effort. Dito sa kabundukan eh talagang ikot kami sa pagkamay sa lahat ng parishioners para batiin sila ng “lapedkris” (La PAix du Christ) tuwing palitan ng peace. sayang, ang ganda pa naman ng meaning ng action na ito…

      God bless!

  27. May nakalimutan pala akong banggitin na nakakaantok at ang sarap talagang tulugan na lamang sa kapanahunan ng seminary life ay during sa “Exposition of the Blessed Sacrament.”

    Bat naman kasi dis-oras ng umaga at gabi pa ang schedule 5:30 A.M. and the other one scheduled around 12:00 midnight, pagkatapos may exam pa kinabukasan.

    Palagay ko si broutoy may tip kung papaano manatiling gising sa “Exposition ng Blessed Sacrament”

    Remember total silence ito. Walang usapan. Walang pari sa harapan kundi sa likuran. Dapat naka kneel ka about an hour to two hours.

    • hmmm… mukhang dati kang seminarian sa congregation namin ah…
      as for adoration and exposition of the Blessed Sacrament,
      mukhang superkonte lang ng makakarelate sa experience na yan
      pero tama ka, kapag noctournal adoration na,
      SMY (SusMarYosep), nagdarasal na ako na
      di ako maassign sa madaling araw.
      bukod sa nakakaantok eh parang may kasabay kang mumu sa adoration!
      Awwwoooo!

      Gdo bless!

  28. ung orgasm hehe. nabasa ko sa angels and demons, bawal nga daw yun dati kasi parang nag wet dreams lang si st. therese dun. kala nya mga anghel ang tumutusok sa kanya hihih. nun pala eh iba na ang natutusok wahah. joke lang po. ..

    gagawin ko ang mga tips mo sa pagsisimba lalo pat makakapagsimba na ule ako ng live uuwi nako sa wednesday brother uts! hehe!

    • nyahahaha! tusuk-tusuk the… uhmmmm, fishball!

      seriously now, nagustuhan ko itong angels and demons.
      astig kaya. five years ago, di ko akalain
      na sisikat itong si Dan Brown.ü

  29. kapag weekdays nagsisimba ako sa tanghali ,minsan nangyayari sa akin din na inaantok ako sa misa lalo na’t may aircon🙂

    salamat sa tips🙂

  30. Minsan talaga walang sense ang homily ng mga pari. Lalo na pag ang misa walang kabuhay buhay I tend to get drowsy. Minsan ang iba minamadali pa.

    Nainis ako nung binyag ng nephew ko sa Pinas. Ang bilis ni Padre. Shocked kami. Parang amazing race…

    It’s a pity cz our churches in the Phils are filled with churchgoers on Sundays and even on weekdays, kaso di effective ang Catholic Church on spreading the Gospel. Parang di tumatalab. Sad.

    • kapag nagmamadali si Father, habulin mo at tanungin:
      “PAdre, minamadali ka ba ni Lord?”

      As for the Catholic Church not being effective in spreading the gospel,
      kasalanan natin yan.
      hinahayaan nating pari lang ang magspread ng Gospel.
      Di ba dapat trabaho din natin yan?
      What have we been doing lately to address it ba?

      God bless!ü

      • Huwag naman po kayong pikon Brod. Opinyon lang po. I agree na di lang work ng pari to spread the gospel pero sometimes the Church is not setting a good example to its members. Di na man lahat cz I know of some good priests and despite all this I love the Catholic Church. I will send u na lng an email to explain why I think of this. Baka makatulong din sayo when u become a priest and understand how the lay people feel about where the Church is going..

  31. Hello brother utoy! I’m back! Kaso sobrang busy ngaun sa work..

    Magbabalik!

    Yan na ang uso ngaun, toinks!

  32. “ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.”>>>> astig ah! sa number one pa lang siguradong patok na. hehehe… natamaan ang mahilig magsabado nights.

    • gusto ko na ngang i-drop yung theological discussion group na yun kasi bukod sa anemic na ako ngayon sa sobrang nosebleed eh nauubos pa ang oras ko sa kakatranslate. nauubos tuloy ang mahalagang oras ko para sa mga mahahalagang bagay tulad ng blogging. haynako.

      God bless!

  33. kami sa choir, nagdadaldalan pag liturgy of the word, pag homily…err, basta pag nagsasalita ung pari. haha!😀

    ps.
    wag sanang ma-offend.🙂
    medyo nakakawalang gana basahin kapag may binabati na kung sinu-sino sa intro ng entry/.🙂

    • hmmm… eh kung ikaw ang batiin ko sa intro?ü
      kaya nga sa intro ko inilagay yan kasi wala nang magbabasa kung sa ending. nyahaha!

      as for daldalan, ang hirap kayang dumaldal sa choir.
      kita kasi at dinig ng lahat. masyadong sikat!

      GOd bless!

      • nah. wag na. haha. i’ll quit blogging na,eh.😀

        puro scheduled entries na lang ang mababasa this march. [mga entries na naka-iskedyul ang pag-appear sa blog. hehe]

        abangan ang aking finale entry!

        entitled:
        ‘galit ako sa ‘yo kahit di pa ako galit sayo’

        hehe/.

        secret lang ‘to.ah. shhh. haha!😀

  34. Gandang tips bro, salamat… kaya lang po parang di ako pwede mag “sing your heart out”, the last time na nigawa ko yan.. hmmm… sabi sakin nang katabi kong naging teacher ko pa nung grade 5….. “kumakanta ka pala?” nyahahaha!

    PS.
    Magandang post… at nakakaaliw.. napa sing tuloy ako dito!! üü

    • kalimutan mo na yung sinabi ng teacher mo nung grade 5.
      grade 6 na tayo ngayon, new teacher na!üüü

      basta ha, kapag na-ordain si Jhoen eh magbidyoke tayo ha.ü

      “I’ll beeeee….. waiiiting for you, deep inside my heart!
      Let me be the one to love you mo-ho-ho-hore!”🙂

      God bless!

  35. yeah!!!! ang kinakaasar ko sa ibang pari eh ang bilis nilang putulin yung part na maglalabas ka na ng mga personal intentions mo….

    pero totoo yan… pag umaattend ako sa mass para akong laging tinetempt ni satanas na matulog… 5:30 kasi ako umaattend ng mass, so talagang mejo parang pasan na krus ang paggising…

    meron din akong masamang bisyo na obserbahan ang mga tao sa simbahan… nature ko na kasi yun.. o kaya naman basahin yung mga announcements sa bulletin board sa may kalapit ko…

    at tungkol dun sa orgasm ni st theresa eh… mas gusto ko ang angels and demons kesa da vinci code…godrocks;p cheers

    • huwaw, glesy, 5:30am? simbang seminaryo yan ah!ü
      saludo ako sayo, kid! aba kahit ako,
      tiyak makakatulog kung ganyan kaaga!

      gawain ko rin yang maglinga-linga.
      kapag sa Carmel Church sa Broadway ako nagsisimba,
      naghahanap pa ako ng mga celebrity. hehehe…

      pareho tayo, mas gusto ko rin ang Angels and Demons.
      mas makapigil hininga ang action!ü

  36. pag hindi pa nakayanan kapatid, magdala nalang sila ng malamig na tubi, pangbuhos kapag antok na talaga,hehehe…

    marami na ngang tumatawag sa mga Carmelites, tinatanong kun totoo daw ba yun nasa libro ni Dan Brown sa Angels and Demons…hehe…any ways, manonod ako ng movie nito…

    • haynako, ambabaw ng sangkatauhan.
      naniniwala sa lahat ng sinasabi sa isang fictional novel.
      naalala ko tuloy yung kwento ni Jae:
      may nameet daw syang lalaki na nagsabi
      na ang life-changing book para sa kanya ay “Da Vinci Code.”
      Ngyeks…

      God bless!

  37. helo bruder..i am wondering para yatang di pumapasok ang mga past comments ko..hmmm…

    basta nagbabasa ako lagi sayo, featured blogger yata kita..

    @txs d2 sa tips..may natutunan na naman akong bago sayo..hehe..kaaliw ka talaga😀

    • yan talaga ang gawain ko sa web,
      ang magbigay ng panandaliang… uhhmmm, aliw.
      pero holy naman diba? diba, diba?

      as for comments, wala naman akong nakikitang napunta sa spam list. naglalagay ka ba ng links sa comments? usually kasi, ganun ang nangyayari eh…

      GOd bless!

  38. epektib nga..hehe natry ko last weekend. hehe

    • hayan, mga kapatid, effective ang tip ko!
      Si Pareng Eli ang exhibit 1!

      Eli, humanda ka’t kukuhain ko ang testimonials mo about it.ü
      hehehe….

      God bless!

  39. salamat sa pagsama mo sa blogroll—naaliw naman ako sa title ko sa blogroll mo.:D

    anyway, hindi ako katoliko…at di kasapi ng kahit anong religion. at ang tanda ko nong ako’y bata pa, tuwing sasama ako sa kingdom hall, merienda ang ginagapang ko. at totoo, super nakakaantok. at kung nasa simbahan man ako (kung may patay, kasal, binyag), madalas din akong antokin. ang natandaan ko lang na di ako inantok ay sa mga misa ni Father Anton Pascual sa Greenbelt chapel.

    tama nga yang mga tips mo…lalo na yong no. 2 at no. 3. naaliw din ako sa Ecstasy sculpture na yan (at sa side comment mo!:D). kung nakita mo ang Dying Slave ni Michael Angelo, di ba sila magkapareho ng facial expression???

    • may meryenda sa Jehova’s witness?
      I’m in a wrong religion!ü

      hehe… kiddding aside, sige’t hahantingin ko si Fr.Anton
      para may bago na akong masimbahan.ü
      kaya lang greenbelt? di kaya burgis ang mga jokes nya?
      hirap pa naman ako sa ingles…

      Pareho sila ng expression dahil ang works ni Bernini ay erotic samantalang ang kay Michelangelo ay homoerotic. (Salamat, Aling Wiki!)

      God bless!

  40. Utoy, nung bata pa ako, kahit anong puyat ko,pagdating sa simbahan active pa rin ako. Nag sacristan pa nag ako at kabisado ko kailan ilalagay ang acetate (ngayun computer na) at bubuksan ang projector. Ngayun, sa edad ko na ito, tulog na pala ako sa pag kakaupo ay hindi ko pa alam. Kapag may nagpunas na ng laway ko tsaka ko nalalaman na naka idlip ako. Haba na pala ng comment ko,parang post na rin.

    • hehe… ok lang ang mahabang comment.ü

      at isa ka palang projector boy noong araw, Tay!
      syempre, batang Sta.Cruz ka so talagang sanay.ü

      nangyari na sa akin yang nakatulog pero di ko alam.
      sa panaginip ko eh naghohomily rin ang pari.
      pero in fairness, mas malaman kesa sa reality!ü

      God bless, Tay!

  41. Utoy, nung bata pa ako, kahit anong puyat ko,pagdating sa simbahan active pa rin ako. Nag sacristan pa nga ako at kabisado ko kailan ilalagay ang acetate (ngayun computer na) at bubuksan ang projector. Pero ngayun, sa edad ko na ito, tulog na pala ako sa pag kakaupo ay hindi ko pa alam. Kapag may nagpunas na ng laway ko tsaka ko nalalaman na naka idlip ako. Haba na pala ng comment ko,parang post na rin.Hala, salamat sa tip utoy,pero ala nang epek sa may edad yan. hehehe

  42. Pag inaantok ako sa simbahan, usually naghahanap ako ng ibang inaantok rin or tulog na, tapos mapapangiti or matatawa ako at mako-conscious so ayun gising na ako.

    Amp, ina-announce pa talaga ni Bro. Utoy, sabi ko secret lang e.

    • ooopsss, sorry naman! ngapala, secret yun.

      magkakadatkom na daw ako, c/o BLuep. excited na ako pero syempre, pressured!ü hehe…

      God bless!
      uy, kinasal na si Ivy.

  43. naku dapat pala ang post na to ay dedicated kay IFM haha

    “ang pagsali sa mga small roles during the Misa or Worship”

    pano sasali sa misa kung ineetsapwera naman ang roles ng lay sa celebration sa iabng mga “pre-vatican masess?

    may naalala ako.

    May isa kaming ka member na magaling talagang kumanta pero ubod lakas ng boses na pag kumakanta sa tabon ang choir. One time nung papur sa diyos na, lumapit yung pari dala yung mike tapos binigay sa kanya, sabi nung pari, hindi marinig ang boses mo. Hahahahaha pag nakanta yung ka member namin sa charismatic na yun akala mo palaging nasali sa american idol. di ka talaga aantukin kasi maiinis ka dahil boses lang nya ang maririnig mo haha

    • nyahaha! parang solo concert lang!

      kunsabagay eh guilty si Kuya Utoy dyan. malakas din kasi boses ko eh. ang nakakaasar pa eh, pang voicing ng Base 2 ang kinakanta ko so malayo sa tunay na tono. hehe…

      as for Latin Mass eh alam mo naman ang sentiment ko about it.
      in fairness, interested akong matutunan.
      Eucharist din yan kasi.ü

      teka, di ko naintindihan bakit para kay IFM ito?ü

      God bless!

  44. pads din ang palayaw ko pero hindi ako pari…in perness pinaka magandang entry mo to a binasa ko mula umpisa hangang matapos pero nakatulog ako sa sobrang haba…

  45. DUKE UNSIMPLIFIED?! hanep! bigat! parang hanglalem!

  46. nakakalungkot malaman na tinanong ng Family Fiud ang isang daan katao kung saang lugar madali kang antukin… sad to say SIMBAHAN ang nanguna. well kahit ako din naman minsan inaantok kasi ung pari samen indiano yata, ang hirap intindihin ng english nya, totoo nakakaapekto pala yon sa dapat sanay taimtim mong pagsisimba…

    bro utoy. nasan ka na ba, nakalimuta mo na yata ako!

  47. May natagpuan akong lunas sa antok sa misa pero nakatitiyak ako na hindi magiging sang-ayon si Lord at kayo sa aking naging paraan. 😀 Pero kasi hindi rin natin maipagkakaila na maraming mga magandang dilag na nagsisimba. At hindi rin mapagkakaila na medyo kaakit-akit ang pananamit (or ang kulang sa pananamit) ng iba sa kanila. Sorry at ikukumpisal ko na lang ito. 😀

    As for the stained glass window, the closest thing to orgasm I could see from the picture was the expression on St. Theresa’s face. But I could certainly be wrong.

    • Aha, good idea!
      para di antukin, conduct a…
      “Search for Binibining Simbahan 2009!!!”
      at syempre, dapat may weekly at monthly winners.
      baka makatatlong misa ako nito in a Sunday.ü

      Sabi ng isang source ko, dapat daw, pinicturan ko ang toes.
      nakacurl daw kasi in an orgasmic way.ü

      God bless!

  48. brad… may tip pa ako…

    ipahilot mo yung daliri mo sa kamay.. yun tipong maglalagutukan yung metacarpals mo.. gising ka malamang…. exchange links tayo brad…….

  49. hi bro utoy. this is kate. my former blog decided to die on its own so i went back to my old one. link link ulit tayo kabayan

    http://eekai.wordpress.com

    ingats

  50. Nakakainggit naman kuya, nakita mo na yung Ecstacy of St. Theresa waaaah. Lupets! Nabasa ko rin yung sa Angels and Demons and Da Vinci Code.

    Actually may sense ang mga tips mo na to kuya. Baka pwede ka magpublish ng column o article or sa Gospel Komiks may ganun kami nung elementary and high school peyborit ko yun hehe.

    Ako basta malakas ang boses ng pari tapos mala Gary V. ang energy oks na!! Kaya nga pag nagsisimba kami tapos papasok na yung infamous mala kuya cesar parish priest namin sa Paco Church…napapa Oh no! na kami wahaha. Peace!

    Salamat sa mga tips tandaan namin to!

  51. Natatawa ako kasi lagi ko itong naoobserve sa mga tao. Siguro may talento ako na hindi ako nakakatulog o inaantok man lang sa church. Seryoso kasi akong makinig sa kahit anong sitwasyon na may speaker sa harapan ko, kahit sa klase, misa, baranggay announcements etc. Tsaka feel na feel ko rin kumanta, dati kasi akong member ng children’s choir sa simbahan. Minsan nga napapalakas ng sobra napapatingin mga tao, hehe.

    • sa tingin ko, gift yan ng mga teachers. mahaba ang pasensya nilang makinig at magbigay ng attentions.ü

      sa pagkanta? sige lang, kahit malakas!
      para naman kay Lord eh.ü

      God bless!

  52. ok to bro! sabi ni tito father samin nung bata kami masama ang matulog sa simbahan…lalo na sya nagmimisa whahha..kaya ginagawa namin kumanta nang kumanta..pagkatapos nang misa nya..sabay punta samin at sinabing wag naman sobra sa energy..whahahaha..

  53. pero talaga di maiwasan di makatulog eh, lalo na kung puyat ka galing work.. tapos, magsisimba ng maaga.. I’m talking in behalf of those working late at night.. and then simba na diretso after work..

    but for me, na siguro inborn ang pagiging antukin.. I try my best to listen for the gospel.. which is for me the most important part.. pero as much as possible I keep myself awake.. kung si GOD nga di ako tinutulugan, ako pa!

    pero dba? dagdag points yung comedy si father.. para magising ang buong kaluluwa..🙂

    • dyan ako hanga sa mga night-shifts. after ng mahabang trabaho, nakakasimba pa rin.ü

      I liked the part where you said, “kung si GOD nga di ako tinutulugan, ako pa?”

      God bless!

  54. Sori Brod. I realized this is not the place pala to give a strong opinion. Comments should be light and funny na lang. Anyway thanks.

    • no need to say sorry, she. it’s just that you touched a raw nerve there. i don’t mean to be rude on that remark. my point is that evangelization is the work of the whole Church. if the Gospel is not spread, we don’t go blaming priests about it. remember that they just occupy one hour of our seven-days-a-week life. we’ve got the rest of the days enriching ourselves on what lacked on the Mass. the way we grow in faith is still very much on our own hands.
      I apologize if I made you feel bad in any way. I didn’t mean it that way.
      God bless.

  55. my new blog… pls update! thanks!- http://diaryofmiel.wordpress.com but honeyreyes.com will still exist though! thnks!

  56. panalo sa comments brother utoy ahh,ang haba grabe…hehehe

    naalala ko lang nung last week{ndi kase ko nakasimba kahapon} ung pari na nagmisa nun ndi ako inantok kase nakakatuwa syang pakinggan ndi boring ha..at 1st time ko makakita na kumantang pari at talagang naglalakad sa ginta ng simbahan na akala mo concert nya ha.ndi po kanta ng simbahan ung kinanta nya i forgot lang ung title eh..after nya kumanta palakpakan ang mga tao..pero connect nman ung kinanta nya sa sermon nya,ang galing nga eh kakatuwa at ndi ka talaga aantukin sa kanya.

  57. Priest are us! Observe mo lang ang iba’t-ibang style ng kaparian natin hindi ka na makakatulog. Fr. Sonny Ramirez mahilig manermon, Fr. anton High blood, Fr. Legazpi (holy Spirit, QC) jeproks at longhair, ang daming pare naka-begote, yung iba balbas-sarado parang sotana na lang ang sagrado sa panglabas na anyo nila. But they have something in common mahilig makialam sa politika.
    o, aantukin ka pa ba?

  58. napadaan lang bro., anjan ka lang pala nagrreply sa mga comments… ang dami ng comments🙂

  59. minsan lang ako antukin kapag yung pari ay yung paring hindi ko maintindihan magsalita.. rawrr. buti na lang nga natitiyempuhan ko si peborit father. hakhak! XP

    ang astig!
    pag ako naging madre magpipichur pichur din ako ng mga stained glass weeeeeeeeeeeeeee!!!
    naiinggit akoooooooo!!! waaaaaaaaaaaaaah!!! x((

  60. brother!!! ano ba naman yan? ilang buwan akong nawala, hindi ka pa rin talaga nagbago. winner na winner pa rin ang posts!!!

    in fairness, helpful ang mga tips na ito lalo na sa mga taong tulad ko na hirap umattend ng mga early morning mass. hindi ko tuloy nasasamahan sila Mader paminsan dahil maaga silang magsimba at napipilitan akong magsimba ng mag-isa sa hapon. wala namang masama doon di ba pero siyempre mas masaya pa rin yung makabeso-beso ko sila Mader at Pader tuwing “Peace Be With You” kaysa sa makipag-Peace Be With You ako sa mga strangers.

    Eniweyz, sa totoo lang, namiss kita. You’re so lovable kasi at crush ka ng bayan. Hahaha, joke. Baka magalit sa akin ang mga madaming admirers mo dito sa blogosphere lalo na si Helena na gumawa pa yata ng acolades para sa yo sa kanyang blog, Maraming salamat din at kahit ilang buwan akong nawala at hindi nakapagcomment sa iyong blog ay hindi mo dinelete ang aking pangalan sa iyong blogroll. Hehehe…

    Godbless brother! Pumasa na po ako thanks to Him at sa mga prayers ng aking mga friends dito sa blogosphere tulad niyo! Praise the Lord! =)

  61. khit san ka bro mag visit ok lang ^_^ alam ko na pano maglagay ng video sa WP! sa datcom lang aq mahirapan maglagay eh… God bless!

  62. argh!!!! andaming comments. nahihilo ako. darn it.

    di ko na makita ung comment ko. haha.

    nakakahilo.

    istapit!!!! haha!😀

    xD

  63. Bro Utoy, sorry I just scanned through this post. I have to come back and read this again since I am one of the many people who daydream during the mass.

    Napansin ko lang eh, aside from looking for your favorite preacher, importante rin ang accoustics/sound system ng simbahan. Kadalasan eh sa Pinas ang sama ng speakers ng simbahan yun tuloy parang sabog ang tunog ng boses ng pari… hindi clear. Dito sa sinisimbahan namin super clear ang boses ng pari and I noticed na mas interested ako to listen.

    I also love singing sa simbahan… it really keeps me awake… or venue lang yon para mag ensayo for AI?! hehehe.

  64. hahaha. laugh trip ako sa guide mo kuya utoy. pansin ko nga inaantok yung ibang uma-attend ng mass. ako naman para di antukin tumatayo na lang ako. pramis epektib yun para di antukin. hehe. pagkatapos nga lang ng misa parang may rayuma na ko. lols.

    • pacomment lang kuya dito ha….

      “pagkatapos nga lang ng misa parang may rayuma na ko. lols”
      >> hahaha..natawa naman ako ng husto dito parekoy..inom ka kasi ng gatas araw araw..lols

      apektib nga ang pagtayo pag nagsisimba pero tamad akong tumayo ng isang oras lalo pat mainit…hehe

  65. Alam mo, gusto ko ang blog mo. Nice!

    I thought wala nang tulad mo na bloggers. I am glad that I was wrong.

    Looking forward to your next posts.

    Lucky you, you’re there in France. One of the countries I’d like to go to someday.

    God Bless!

  66. ok sa olryt itong mga tipsmo kuya utoy..
    bihira lang akong magsimba ng hapon dahil dun ako sa oras na yun madalas antukin..first or lass mass ako nagsisimba at hindi ako tumututok sa electric fan…madalas kasi na yun ang dahilan kung bakit ako inaantok e..{nasisi pa ang electric fan}/hehe

  67. meron akong sasabihin sa yo, nung asa pinas ako, inaantok ako kadalasan kapag nagsisimba ako, kahit na gawin ko pa yang mga lista mo. pero nung andito na ako sa alemanya? bukas na bukas ang mata ko, pati tenga ko — kasi pahiraman ng intindihan siguro, hehehe.

    ewan ko ba, basta may misa dito, tutok talaga ako. minsan nga nag eemote pa ako sa sobrang tutok ko e, waaaa- o baka naman nag mature lang talaga ako😀

  68. […] a fellow blogger named Brother Utoy, a self-confessed foodie himself, and his top-grossing post Mga Sure-Fire Tips para hindi Antukin sa Misa. If you haven’t the post yet, go and read it and find out for yourself where the late […]

  69. Wow!
    Super like! Exponential to infinity and beyond!🙂 Keep it up! Follow kita ha?

  70. teka.. san ba dito yung follow button..

  71. bro, pano ba i-repost ito sa FB ko???? para mashare ko naman saking mga prends!!! ??? teynks!

  72. walang ka-kupas kupas, bro! isa kang henyo…. pwede bang itong blog mo na lang basahin ko sa misa???? inaantok na kasi ako, pero nagising ako kakatawa sa mga hirit mo eh!!! hahahaha!!!!

    Cha (mec)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: