On “malongkot na Byernis,” bar jokes and the SMY…

Susmaryosep. 

Isa ito sa mga pinakaantigong expression sa Pilipinas (at sa iba pang bansang Katoliko) na isang rollcall ng mga members ng Holy Family na sina Hesus, Mary and Joseph.  Syempre, ang mode d’emploi ng salitang ito eh kung nagulat ka bigla o kaya eh na-shock sa narinig.

Example 1:  Susmaryosep, nahulog ang bata sa dyip!!!

Example 2:  Susmaryosep, 10,000 pesos para sa fieldtrip?!!!  (salamat kay panaderos sa magandang example)

And true to my kaadikan, gusto ko sanang pausuhin ang expression na ito sa Net.  Pero in the tradition of OMG, LOL and WTeff, and Susmaryosep ay binibinyagan ko na ngayon as SMY.   SusMarYosep.  Kung si Dedpish may may ODK (O Diyos Ko!), si Brother Utoy ay may SMY.

SMY!  Ano na namang kalokohan ito, Utoy?  SMY talaga!

BTW, depende sa gamit, hindi ito blasphemy.  In fact, ang precise term ng Inang Simbahan sa SMY!!!, ODK!!! at HMOG!!! (Holy Mother of God!!!) ay Ejaculations.  Walang biro.  With that being said, be prepared to read more of these ejaculations on my blog.

(Kaya ako nasasabihan ng barubal eh…)

* * * * *

Luksa ang Biyernes ko.   Pero let me explain, please.  (SMY, parang  makikipagbreak lang!)

May paborito akong tambayan twing byernes ng hapon.  Ito ay ang Maison de la Paix.   Translation:  Tahanan ng Kapayapaan, House of Peace, Balay Kalinao, Casa dela Paz.  Pero kay Utoy, ang translation nito ay “Minindalan.”

SMY!  Di mo alam ang Minindalan?  Minandalan.  Yan ang banal at sagradong lugar kung saan nagbibigay pugay tayo sa mga katangi-tangi at maiinam na bagay tulad ng Pichi-pichi, Sweet Saba, Mais con Yelo, Kamote-que, Puto-Dinuguan at marami pang pagpapala ng Panginoon upang lunasan ang maliliit nating pagkagutom.  In short, meryendahan, snackbar, Utoy’s mini-heaven.

Yup, tuwing Byernes, nasa Maison dela Paix ako para makamolestya ng konting tsibug (so 80’s this word, tsibug).  Pero syempre, di uso sa France ang Pitchi-Pitchi at Puto-Dinuguan.  Sa Maison de la Paix, ang uso ay ang mga cookies ni Kirah na isang Algerian muslim, tarte au pomme ni Juliette na isang protestant pastor from Congo-Brazaville, mga kakaibang tsaa ni Sakhoun na isang Cambodian buddhist, madelaine ni Xayamath na isang Laotian cathechist sa kabilang parokya, ang gateau au chocolat ni Celestine na isang Senegalese divorcée, ang crème de vanille nina Martine and Betsie na mga pards na volunteers ng parokya, etc.  At syempre pa ang mga kwentong bangag ni Leo na isang Polish alcoholic at bantay ng sementeryo, mga bad word of the day ni Bernard, isang retired teacher from Portugal at mga di ko ma-gets na jokes ni Sandrine na isang PWDS (Person with Down Syndrome), etc…

Pero SMY, ang lahat ng ito ay naglaho, last week lang.

Noong lunes, nagpalabas ang mayor ng kabundukan namin ng warrant na nagsasabing isasara na ang Maison de la Paix para gawing estasyon ng pulis ang naturang bahay.  Syempre, di pumayag ang mga miyembro ng Maison de la Paix.  Una na ay dahil 13 years na sila sa lugar na iyon, 13 years na nagiging tambayan ng mga taong may iba’t ibang pinanggalingang estado sa buhay pero naniniwala sa iisang bagay:  posible na magkaroon ng kapayapaan, basta’t may kainan at may kwentuhan.  Mga taong mga nasa gilid ng lipunan, mga dayuhan, mga madaling kalimutan pero dahil sa Maison de la Paix, biglang may nasisilungan, may inaasahang pagtanggap, pagdamay at pagkakaibigan na walang halong paghuhusga o condescension (di ko alam ang tagalog nito eh).   Mga taong handang magpakapagod para maghatid sa akin ng mga masasarap na minindal.

Gayunpaman, para kay Mayor, isa itong kalokohan.  Para sa kanya, isang estasyon ng pulis ang sagot sa kapayapaan.  Nakakalungkot.  Wala ng tahanan ang Maison de la Paix…

* * * * *

Isang araw, may isang Swiss, isang Italian, isang Vietnamese at isang Pilipino na nagsama-sama para kumain ng hapunan…

Diba, parang formula ng isang bar joke?  Pero yan ang buhay ko dito sa France.  Ang mga kapatid ko sa community dito ay mga matatandang dayuhan, pero collectively, ang tawag ko sa kanila eh “Les Trois Français.”  Yan ay dahil ang tawag nila sa akin ay “Le Américain” kasi ang kultura ko raw ay Amerikano at hindi Asyano.  Ang di nila alam eh kulturang Quezon City lang yun.

Tuwing hapunan, matapos ang initial shock nila sa luto kong mala-“Carinderia from Hell”, simula na yan ng aming “Cultural Exchange.”  At ang ikinatutuwa ko eh hindi ang Pinoy ang kulelat sa bidahan kundi ang Vietnamese.  Dahil Occidentalisé o westernized ang kultura ng Pinoy, madali nating masakyan ang usapang Yurup, samantalang ang Vietnamese eh parang taga-planet X lang.  Habang nagbibidahan kami tungkol sa culinary aspects ng mustasa at laurel eh hihirit agad itong si Vietnamese na gamot ang mga ito para sa bulutong.  Samantalang nagpapalitan kami ng kuru-kuro tungkol sa ketsup at mayonnaise, dadale naman si Vietnamese ng tungkol sa merits ng Nuoc Mam (patis).  Eh kung may mga bagay na gusto ang mga Europeano na mawala sa mundo, yan ay si George  Bush, pangalawa eh ang patis.

Ayway, humahaba na ang post ko, marami pa akong dapat ipaliwanag…

* * * * *

Oo na, halos dalawang linggong walang movement ang blog ko.  Nadiscover ko kasi ulit ang first love ko.  ang TV.  Nagulat ako for the first time na naiintindihan ko na (kunyari) ang mga palabas na Pranses!  At natatawa na ako (kunyari) sa mga jokes nila!  At narealize ko (kunyari) na napakapolite pala ng mga jokes nila, walang balahuraan.  After midnight eh natutulog na ako’t SMY, bold na ang mga palabas!  Hindi kasi ako nanonood ng mga iyan (kunyari).

Pangalawang reason bakit di ako nagbablog eh nalulong ako sa dalawang website na ito at ito.   Oo, I am Utoy and I’m now an online-comics addict.  At syempre pa, huli man at magaling ay nadiscover ko ang Facebook na medyo makaubos-oras din.  Yup, ngayon pa lang ako nagkaFB account.  Sue me.  Pero wag ka, astig ang aking primary picture, sa kamalig kinunan.ü

* * * * *

At syempre pa, dahil matagal akong nawala, dadamihan ko ang aking featured stainglass windows of the day:

img_4095

img_4098

img_41051

Ang mga stainglass windows na ito ay nalitratuhan ko sa pagkadilim-dilim na Basilique de St. Thérèse sa Lisieux, Normandy, France.  Under renovation kasi at maraming parts na walang ilaw.  Anyway, ang mga nasa larawan ay mga stations of the Cross.  14 Stations talaga yan pero tatlo lang ang na-feature ko para di matagalang magdownload ang mga naka-dial-up connection.  Ang Way of the Cross ay ang isa sa mga sikat na debosyong Katoliko kung saan sinusubaybayan natin ang landas ni Kristo tungo sa mapagligtas na krus at isa sa mga recommended prayers ngayong Kwaresma.

God bless!

64 Responses

  1. ako unang nag-comment!!! omg!!!! haha!!!

    xD

    • wla kayong multiply? haha!😀

      xD

      • pag-aaralan ko pa yan. baka di na ako makagawa ng posts kapag may ganyan! SMY! hehe…

        teka, asan na yung ODK mo? dun pa naman based ang SMY ko…

        God bless!

        • Tama ang hinala mo na makakasira lang sa blogarkada kung may multiply na dahil nakaka-adik din ang Multiply. Ibang klase ang kultura doon sa munting-nayon ng Multiply. Try it kung ayaw nyong maniwala. Pero kung may extra time…multiply is just a reinforcement sa blog. Priority lang.

  2. susmaryosep, masyado akong nag-enjoy sa post mong ito.

    SMY ang ganda ng stainglass mo at from france pa talaga ha. ibig sabihin, mukhang hindi ko talaga ito makikita ng personal.

  3. hahaha ang akala ko eh sa easter sunday pa ako makakabasa ng post mo..inihanda ko na din ang sarili ko na don lang din ako makakatanggap ng comment galing sayo,hihihi naman!

    at ano naman ang dala ng pinoy na utoy sa maison de la paix na yun…kwento at walang lamang tyan ba,hihihi

    para sa akin naman mas masarap manood ng tv sa madaling araw..daming nakikitang magic…ang ang gaganda ng mga tunog ng mga usapan ng mga magikero at magikera,hihihi

  4. alam mo tama si pokw4ng kase malimit din ako mkapanood ng tv sa madaling araw at ang dami nga ng madyik..ehehehe..kakaiba ang tunog nila..

  5. Got this quotation some days back… at dahil bigla kang nagparamdam naalala ko rin ulit ito… just sharing it with you knowing/guessing that you like stainglass windows… wala lang. God bless!

    “People are like stained-glass windows. They sparkle and shine when the sun is out, but when the darkness sets in their true beauty is revealed only if there is light from within.”

    —Elisabeth Kubler-Ross (1926-2004); psychiatrist, educator

  6. SMY (nakikigaya!)… katuwa naman yang Vietnamese na kasama nyo. para nga syang from Planet X, kaiba bumanat sa usupan! hehehe!

    ganda ng stained glass… pang Lent talaga!

  7. SMY! Nabuhay ako! hihihi..

    Cencia na brother, ngaun lang ako nakabalik, super busy eh..

    Isa pang SMY! Ang saya nmng manood sa madaling araw dyan, may libreng heater, hihihi.. oist! Behave ako.

    Impeyrness sa mga vietnamese, mamamatay yata sila kapag walang patis sa pagkain, dito kasi, ang isang malakaing boteng patis eh isang linggo lang yata, ginagawa yatang alak eh, hihihi..

    Sure na bang tatanggalin ang Maison de la paix? Kelan daw? Ayune, parang super concern ako, toinks!!

    Teka, ejaculations ba talga tawag dun? Ahh, ehhrmm, uuhmm.. no comment.. hihihi..

    Brother, may ireregalo ako sayo nek tym, magagamit mo sa mga susunod mong entries, ipprepare ko lang ang aking camera kapag nakapagsimba ako ulet this weekend.

    Ingat lagi. Cencia na talga ngaun lang ako nakabalik. Godbless!

  8. SMY! ako den lately lang nagkafeysbuk at oo nakakadik nga sya! add mu naman ako kuya utoy: jacababan at gmail dot com, heynkyooo!

    ayyy edi wala ka nang tambayan every friday? hanap ka nalang ulet ng ibang pedeng pagmeryendahan, diba yun ibig sabihin ng minindal? wehehehe.

  9. Add mo ko sa Facebook, Bro. Utoy! Gagawaan kita ng Graffiti. Tapos laro tayo ng Mob Wars. *LOLz*

  10. SM! (susme – shortened version ng SMY) parang nakikini-kinita ko na ang finger wagging ng iyong mga censorship-inclined bisor. hehe.

    sabihin mo na lang, you are trying to use the language of the people you want to reach. asus, bebenta iyon.

    sarap ng mga miryenda niyo. pag di ko kayang sabihin at i-spell ang pagkain, alam kong komplikado para sa kagaya kong ilokano.

    sana hindi ma-overrun ng mga pulis ang inyong pook minindalan. sayang kasi.

  11. grabe naman sa mga pangalan ng foods SMY.. nakaka nosebleed wahh!

    plano ko pa naman pumunta sa vietnam pang nagkaroon ng opportunity pero dahil para paala silang taga planet x.. hmm mag iisip muna ko hrhrhr

    nakakarelate pala ko sayo kapag nanonood ako ng mga korean s hows sa cable at ang tapang ko pa, walang translations, so medyo nakikitawa lang din ako sa mga tumatawa ang kung ano ano pa, pero duda akong kayo eh hindi maintindihan yung mga palabas sa pranses.😛

    kung yung mga sites na yun ang kinalulungan nyo kaya medyo hiatus kayo, ako naman eh dahiul sa cracked at sa online games, kaya bawas bawas muna ang mga iyong sakin hanggang easter..

    oo nga pala, pati yang fezbuk na yan, dami kasing mga applications eh.. lunod.. hmm mahanap nga kayo sa facebook. hihi

  12. SMY (gaya na rin aq) yipee prenly prens na kami ni brader sa FB! nakaka sad nga naman pgkwala nung ^^ watsisname ^^… God bless!

  13. eto lang masasabi ko brotherutoy:

    SMY!

    nice.hehe

  14. SMY!…ala nman ako masabi..

    parang ang sarap nman ng mga minindal nyo jan..sayang nman ang tambayan nyo kung gagawin lang istashen ng pulisya..
    patalsikin na nga yang si mayor,walang magawa ndi man lang nya naisip na ang tagal nang nakatayo dun ng Maison de la Paix,pano na ung mga taong nagtitinda ng masarap na minindal sa mga taong kagaya mo brother utoy…hehehe
    {ewan parang walang sense tong sinasabi ko}…heheheh

  15. hehehe buti ka nga may FB account eh. Ako wala. Pati friendster wala rin kasi po hinding-hindi ko talaga magagawang mag-update palagi ng mga ganyang social networking account. Yung sa blog ko pa nga lang nangangamote na ako eh hehehe. Speaking of kamote, I’m sure wala ring kamote-que dun sa minindalan na yan. Kaya heto, ipinag-reserba kita ng isang tuhog ng kamote-que. Yan ang kinakain ko ngayon habang nagta-type ng comment ko dito hehehe.

  16. fave expression ko naman ‘MARYOSEP’ he he he. walang sus, so meron pang shorter version ang SMY mo, kungdi MY. oh MY!

  17. sabi ko na nga ba tama ang una kong naisip sa ibig sabihin ng SMB este SMY e.

    B.U (brother utoy) parang panget pakinggan ung B.U ah, cge brother utoy na… nagaaral po ba kayo ng pagpapare?

  18. kuya utoy, tagal mo nga nawala eh. feeling ko lang naman o talagang na miss ko lang ang bumisita dito sa blog mo? hehe! bago ang SMY ah! kaso dati kasi noong bata ako wag daw ako matuto ng expression na yun, bawal daw eh.

  19. SMY! andito ka na pala ulit kuya utoy?
    nood kasi ng nood ng tv e..dami tuloy na ka miss sa iyo.
    wow! my FB account? eplurk, multipy, FS baka meron din po kayo? pa add naman..hehe

  20. SMY nag post na ulit si bro. utoy🙂

  21. Tawa ako ng tawa Kuya Utoy dun sa friend mong Vietnamese. Hahahah.. Gamot sa bulutong eh! Hahhahaha.. Tapos yung pangalawang bagay na gustong mawala ng mga Europeano. PATIS! Hahhaa.. Laugh trip talaga dito sa blog mo.

    SMY! Adik ka na rin sa online comics Kuya Utoy? Ibig sabihin ay malapit ka na rin magbasa ng mga manga? Hihi.. Apir tayo.

    Excuse me sa iba pero promise I loathe Facebook talaga. Gigil ako sa mga applications at sandamukal na invites. Ni-cancel ko nga account ko ni-reactivate naman ng ka-fafahan ko. Hahah..

  22. SMY! sayang talaga ang na-demolish mong minindalan! masarap talaga magpalitan ng kuro-kuro habang lumalafang…nakakalimutan ang cultural differences kahit papano. wag lang yong kasabay mo mag merienda ay muslim at nag order ka ng club sandwich—at gumaya sya. yon pala di sya pwede sa bacon, or ham. at kahit anong explain nya sa waiter, di gets ng waiter bakit ayaw nya ng bacon–di naman mukhang arabo, bakit di pwede kumain ng baboy? kapampangan kasi ang waiter.

    bakit ba kailangan pa ng fez buk na yan?? buti na lang, di ko pa nadidiscover yan!

  23. PKM! (Panginoon kong mahabagin!)

    Walang gagaya niyan! Nakapatent na!

    Hehehe! Nakisali na rin ako kapatid…🙂

    Teka, di kaya “minindalan” at hindi “minandalan” ang ibig mong sabihin? Pasensiya na, EIC kasi ako dati ng Filipino school paper namin… (nagyabang pa!, hehehe)…

    May stained glass window rin pala akong na-feature sa latest post ko – in your honor… Siyempre, kapangalan ko yung featured saint – St. Mark…

    Coolwaterworks

  24. SMY! Na-late ako ng dalaw pasensya. Hmm gusto ko tong mga pa-update update na to ah. para kasing na-iimagine ko na rin kung ano ano pinaggagawa mo dyan kuya utoy. Teka di ko rin alam kung ano yung “minindalan” bagong tuklas na salita for today. Kawawa naman si vietnamese..na-OP ba? Hehe

    ~ salamat sa stain glass na walang pagsidlan ang ganda as always!

  25. SMY: “intellectual masturbation” OMG! ano ba naman yan! SMY din. Enjoy kaayo tag basa sa imong blog bay. ingats!

  26. SMY! haha. nakakalungkot naman ang pagsasara nang lamunan este kainan mo ‘pag hapon. tsk. SMY talaga.

  27. smy din sau….kaya naman pala late na ang mga entries mo brother….anyways enjoy naman ako sa post mo ngayon….at nakakaintindi ka na rin ng pranses..hehehehhe…..
    itanong mo si rev….aba nagbabasa na ng italian novel hehehehhehe..good day sau!

  28. SMY! asteeg naman. bagong pauso yan ah.

    uhm…napadaan lang po. natuwa sa binasa. malamang sa malamang, mapapabalik ule. im keeping you tagged kuya utoy.😀

  29. bro. utoy, salamat.

  30. ahm, hindi naman halatang madalas ka sa maison na iyon para chumibog at ayan kilalang kilala mo pa ang mga nagtitinda. pwede ka na yatang tumakbo bilang alkalde sa dami mong naging kachismisan kaibigan.

    nasa pranses ako noong linggo (1st march) hanggang miyerkules (4th) baon baon ko ang isang euro’s worth ng salitang pranses: bonjour, merci, au revoir, s’il vous plait, oui, at non.

    like, SMY! right? buti hindi kami na un-deux-trois ng mga locals. ahaha

    huwaw at nanonood ka na ng french na palabas. feeling ko kung ako siguro iniwan sa pransya kahit limampung taon pa siguro hindi ko matututunan ang lengwahe nila. masakit sa dila at butas ng ilong. pramis.

  31. SMY!!! Naglaho na ang Minindalan (Tahanan ng Kapayapaan)… kapalit ng isang estasyon ng pulis? SMY… at isa pa SMY! Tsk tsk… panibagong pakikipag sapalaran sa paghahanap para maka delihensya at makamolestya ng tsibug ang kakaharapin mo Bro.! Hehe SMY! Ang saklap na byernis talaga! üü

    Iba-ibang paniniwala at iba-ibang kultura pero nagkakaisa sa masarap na kwentuhan at kainan… si Mayor talaga wala man lang consideration!

    Welcome sa FB bro… hehehe Tenchu Bro… salamat!

  32. SMY, speaking of pulis,naalala ko tuloy nung batang paslit ako at may “Serge” kaming tinatawag na pulis.Mabait siya kasi kapag nakahuli siya ng mag nag ka kara-cruz o nag susugal,yung mga perang nakuha niya ay ipinamumodmod niya sa aming mga batang paslit. Natanong ko tuloy sa tatay ko(na napaka tiyagang sumagot sa mga tanong ko)” kung bakit may pulis?” Sagot sa akin,para daw manghuli ng mga kalaban ng batas,then nung itanong ko “kung sino ang nauna, ang pulis o kalaban ng batas?” ang sagot niya sa akin ay “tulad ng manok at itlog lang yan!”Paki explain nga ito Brotherutoy!

  33. ganda ng pictures brad…

    sa salitang minindal o mirindal nanggaling ang salitang merienda….. o baliktad??

  34. elo from dubai dear bruder, di mon lang alam di ako umaabsent d2 sa bahay mo🙂..may compilation na nga ako ng mga posts mo at hayn, ipinaaarkila este, ipinahihiram ko sa iba….ganyan kita kaidol.. kaya lang minsan di pala ako nakkpagcounter..basta nasa paligid lang ako..

    cute iyong SMY bersion, mo so far sa mga lola ko pala iyong naririnig😀.. ako kze OMG ang nakasanayan.. paclass daw, hehe…

    talagang young at heart ka ano..mahilig ka rin pala sa cartoon comix tulad ng mga officemate kong arabo dito.

  35. bro utoy, bakit gustong ng mga european na mawala ang patis?

    a. dahil ito ay maalat. bad for the health
    b. dahil ito ay mabantot

    curious ako.

  36. hahaha! omfg. sabi ng religion teacher ko nung high school ay kasalanan daw ang mag-omg, smy, etc.

    wala namang kaso yun samin. we don’t disrespect naman. mainam siguro yun kaysa in the name of the devil, diba? o kaya ay hail satan?

  37. wahahaha!😄 SMY! hakhak!
    gawing virus ang SMY!!!
    woooooh!!!

    wawa naman wala ng pitchi-pitchi hakhak!😛

    Haha! Natawa ako dun sa kung may gustong mawala sa mundo ang mga European, una si GB at sunod ang patis. HAHAHA! Ayaw ba talaga nilas a patis? Hakhak! Bakit???

  38. SMY! Ipo-post ko na sana yung comments ko ng biglang nawalan ng internet connection. Wwwaaahhh SMY talaga!

    Kung ako lang masusunod hindi ako papayag na mawala ang Maison de la Paix, as if na nakapunta na ko eh noh? bwahaha

    God bless!

  39. SMY! haha wala aking peysbuk kahit prester wala din. ano ba yun? taga bundok na ba talaga ako? hahaha.

    wow eto pinaka magandang kuha mo sa mga stained glass. in perness ang linaw nya bro.🙂 ang ganda ng secong foto😀

  40. Bro Utoy, medyo naguluhan ako sa mga ejaculations mo! I have yet to read your explanation on how these do not fall as blasphemy. I honestly thought these expressions were against our commandments – do not use the lord’s name in vain. Apparently, hindi pala always.

    Naku, sana naman eh makahanap na kayo ng bagong tambayan.

  41. Ewan ko lang tipikal yata sa isang Pari ang may identity crisis pero kasi human din sila kaya lang dumarating ka rin ba sa punto na hindi mo talaga alam kung ano ang gusto mo? SMY ano ba ang pinagsasabi ko, matanong ko lang Bru, sigurado ka ba talaga sa doktrina ng IKAR (Iglesia Katolika Apostolika Romana) kasi parang hindi ka bumabangit ng mga isyung pangsimbahan kung meron man medyo pabiro pa, But I admit nage-enjoy ako sa mga blog mong ito.
    Good Morning🙂

  42. SMY! astig ang pinapauso mong expression kuya utoy. lols. for sure patok to sa blogosphere. hehe. parang ok na tambayan ang Maison de la Paix na yan pero di ko alam kung pano ipronounce. hihi. aba couch potato ka na rin pala ngayon at French shows pa. hehe. god bless kuya utoy😎

  43. “After midnight eh natutulog na ako’t SMY, bold na ang mga palabas! Hindi kasi ako nanonood ng mga iyan (kunyari).”

    ang mga pranses talaga! grabe.

    (sana nasa prans din ako.)

    ps:
    i love your ejaculations. keep them coming.

  44. yuhooo! nasaan na kaya si bro.utoy?hehehe busy, busy bee?😀

  45. I can’t live without patis. Nakak-relate ako kay Vietnamese Hehe.

  46. bro utoy! thanks!

    susmaryosep! ngaun nlng pla aq na dalaw d2 ah. hehe

    kung ang french word na “maison” eh means house, ano ibig sbhin nung post ko na may title na “la maison en petits cubes?”

    the house of little cubes? idk.

    godbless :p

  47. Lahat ata ng social netw0rk mer0n aq, nakikiuso sa kung an0ng uso.pero d me msydo s multiply.

    Ung usapan parang kami lang ah. Hehe..

    Ang tagal m0ng d napasyal ah.hehe.

    [offtopic]
    hndi me batangueña si dora the explorer ung batangueña. Xa lang un nag sasalita ng may punt0ng ga.. Nakakatuwa nga xa eh. Laking manila me.

    Sbi nga ni yeye- may l0ng term mem0ry aq.haha. Kaya natatandaan ko lhat ng usapan namin. Di xa eksakto,pero same c0ncept..

  48. […] to ambo, malen, pusa, chuva, reynz, Kaka, Utoy, Dfish, IFM and Rev’s blog which I miss reading their entries so […]

  49. comment çava, monsieur?

    at ako rin ay muling nagbabalik.

    KJ talaga ang mga pranse na yan. corny sa kanila ang mga maison de la paix na yan.

  50. Nice post brotherutoy…hehehehe….ikaw talaga… ^_^

  51. Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!

  52. Hope yung expression français na m_rd_ hindi mo matutunan. Pramis. Pang less intelligent lang daw yun, sabi ni lolo Michel, husband kong française…

    Teka, puna ko, natutunan mo dyan sa maison de paix, eh lamon…Hehehehe.

    • masyadong polite sila dito. yan at ang iba pang expression marseillais eh hindi mo maririnig dito.
      yup, maraming kasing food dito.ü ikaw, puna ko rin, mali-mali ang french grammar mo. Hehehehe.

  53. ang sad naman na naalis na yung peborit minindalan mo. nakaka-miss talga pag nakagawian mo nang puntahan yung isang lugar tpos bigla na lang mawawala… hays…

    ejaculation ang tawag sa SMY?!? no kidding?!? hehehe… SMY, parang iba meaning nun sa dictionary ah…😀

    mey fb din ako pero di ko gaano binibisita… dami kasing eklat eh. hehehe! na-adik ako dati sa multiply. dun ako madalas mab-blog dati bago pa ang wordpress. nakaka-adik… promise! sarap pang mag-upload ng pics😆

  54. Bro, tanong lang, di ba “using the name of the Lord in vain” considered ang mga “ejaculations” kapag ginagamit lang basta-basta in conversational language? Enlighten me please…🙂

    • ejaculation (n.) The uttering of a short, sudden exclamation or prayer, or the exclamation or prayer uttered.

      Minced Oath, Periphrasis o Circumlocution.

      Ayous din tong blog na to ah! Galing!

  55. […] On “malongkot na Byernis,” bar jokes and the SMY… […]

  56. ANMK! Hakhak! Kala mo ikaw lang ah!
    nakakaewan naman ang entry na ito…

    lam mu yung ANMK ko?
    AnakNgMalandingKambing!
    o diba ang swabe!
    W!
    (ano yung W?)
    Wapak!

    hakhak!

  57. sosyal ah… parang teenage girls… haha

  58. SMY naman! susumbong ko si Mayor kay Santino!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: