SMY, Utoy, You Crepe! (Wholesome)

Sako guid kaayo si Toto Utoy subong, ti, dispensa kun waay guid sya tyimpo makadalan sa mga migo kag miga nya sa blogosphere… haw.

Arrrgghh…  anong ginagawa ko?  Ni hindi nga ako ilonggo.  (tama ba, IFM? my hiligaynon is rusty.) Wala na akong time mapagbloghop.  Ni wala nga akong nagagawa pa para sa anniversary ng blog ko.  Parang kailangan ko na yata ng guest blogger. Glesy d’Great, where are you? 

Ang kwaresma kasi ang next na pinakabusy na panahon sa buhay ng mga pari at seminarista.  Eh dito sa kabundukan, ok lang sana kung isang parokya ang hinahawakan namin.  44 parishes!  Yep, apatnapu’t apat na parokya ang hawak ng community namin dito.  Ganun kakonti ang mga paring nagsisilbi sa France.  Di tulad sa atin sa Pinas, tig-isang parokya ang pari, kung minsan, dalawa o tatlo pa sila sa isang simbahan lang.  Kaya naman dito, kahit ako na seminarista lang, pinagbe-bless na ng patay, pina-aattend ng meetings, pinag-aanimate ng mga ministries.

Speaking of animating ministries, isang araw eh naisipan kong surpresahin naman ang mga bata sa weekly Catechism class nila sa kabayanan.  I decided to cook some crêpes for them.  Heto ang recipe.

Ingredients:  200g harina, 2 itlog, kalahating litrong fresh milk, isang kutsaritang melted butter

Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang itlog at ang harina. Tunawin sa gatas,
    tapos ihalos ang butter.  Siguraduhing even ang mixture.
2. Painitin ang isang flat nonstick pan sa naka-high na stove.
    Pahiran ito ng napakakonting oil para siguradong nonstick.
3. Sumalok ng mga kalahating tasa ng mixture at i-spread
    sa pan nang manipis,malapad at pantay-pantay.
4. After 10 seconds, baligtarin ng dahandahan ang crêpe
    para pantay ang luto.  10 seconds ulit. Wag sunugin.
5. Hanguin at iserve habang mainit.  This will make 20 crêpes.

Paraan ng pagkain:
1. Ilatag ang crêpe sa plato, o sa mesa.
2. Pahiran ng nutella, jam, jelly, honey, marmalade
  o kahit budburan mo lang ng asukal.
3. Irolyo parang lumpia at isubo.
4. Nguyain at lunukin, tapos wikain ng nakapikit at nakangiting parang si St. Theresa,

“SMY, c’est superbon, ce crêpe!”  (pagpronounce: Es-em-i-grec, se syuperbong, su krep!)

I made 60 crêpes.  I served them to the kids then, pagkatapos ng prayer I went to my room to get my camera.  Pagbalik ko, patapos na ang giyera.   Wala na halos natira para sa amin ng mga katekista.  Pero okay lang, ang mahalaga ay masaya ang mga bata.ü Heto sila:

img_4387

img_4389

img_4392

img_4394

img_4398

img_4409

img_4407

img_4410

img_4411

* * * * *

Baka wala akong mapost sa blog anniversary ko.  Busy talaga eh.  Sensya na.

* * * * *

At syemperds, ang ating stainglass windows of the day ay ito!

img_47751

img_47761

img_4785

Napicture-an ko ito isang sunday na nagmisa kami sa maliit na nayon ng Côte de Corps.  Sila ay mga rosette windows ng local chapel doon at nagdedepict ng isang sikat na Marian apparition sa La Salette, isang napakatayog na pastulan (1800m altitude) na mga one-hour drive away from the chapel. Nagpakita ang isang “napakaganda, napakaningning ngunit tumatangis na ginang” sa dalawang pastol ng kambing  upang paalalahan ang tao na talikdan na ang masamang gawain at magbalikloob sa Diyos atsaka para sabihin na rin wala munang French fries at bacon potato that year kasi medyo pangit ang mga patatas sa susunod na anihan.  Kung ayaw nyong maniwala sa akin, dalawin nyo ang website na ito.  Kung in french ang lumabas, i-click nyo lang ang flag ng Great Britain sa upper left corner.  BTW, dyan ako sa La Salette nagcoconfess, kasi dyan nakatira ang kaisa-isang paring marunong mag-english dito, isang Burmese Salettine Father, si Fr. Jerome.  Nafeature ko na dati ang La Salette sa post na ito.  Sa Holy Week ay magiging adult monitor ako dito sa La Salette ang mga junior high students para sa kanilang annual retreat.

God bless and have a holy anticipation of Easter!ü

* * * * *

Pahabol, as requested ni Miel.  Ito yung batang maliit sa fifth at seventh picture.  God bless!

img_4401

img_4402

img_4406

img_4412

96 Responses

  1. wow. yummy. kinaya mong magluto ng ganyang karami? bilib na talaga ako.

    pag nakaya kong gumawa ng ganyan, titikim ka? yes, that’s a trick question. hahaha!

    • da true test of da cooking is in da eating daw. marunong kang magluto, di mo lang masyadong ine-explore pa. (mang-uto ba raw)

      napasma ako sa kakaluto ah. SMY, ang hirap palang gumawa ng lumpia wrapper!

  2. ang cute nman nung 7th pic ^_^ ilang taon pa ba yan hehehe ang cute tlga… ill be visiting brad a public school to share then for there feeding program🙂 nakakatuwa kasi makitang masaya ang mga bata ano🙂

  3. uhm di q sure kung nwala ang coment ko… dang… basta cute ung 7th pic

    • pumasok, pumasok ang comment mo.ü yup, cute yung bata sa pics. meron pa akong three more pictures of him eating the crêpe kasi cute nga talaga.ü

      • chineck ko bka nga di pumasok hehehe… kung di ka bz bro, favor post mo pics nya ha hehe… very cute and innocent… makes u think there are still really a lot of good things in life ^_^ God bless

  4. 44 parishes?
    parang isang diocese na bro.utoy..

    busy nga.

    sa summer meron din po kaming catechism sa isang depressed area sa parish po namin. tuwing summer po namin ito sinisimulan, at natatapos sa isang Christmas party pagdating ng Dec.
    syempre po, wala naman christmas party pag nov. haha.
    project po ito ng mga kabataan ng parokya..
    pag dasal nyo po kami bro.utoy..
    baka ma try din namin ang c’est superbon, ce crêpe! haha.

    salamat po!
    all the best bro.

    • sinabi mo pa, parang diocese din, pero each parish naman na yun eh mga 20 lang ang nagsisimba.
      will pray for your apostolate. yang catechism kasi ang isa sa mga dapat tinutuunan natin ng pansin.ü
      Gdo bless!

  5. You crepe, lol! peborit ko rin yang creep na yan, ibalot sa saging and voila, french turon! I bet you’re enjoying you’re calling there, keep it up!
    Gusto kong mangulet: yun bang Côte de Corps eh coast of the corpse? Bwa hahaha!
    Naintriga naman ako sa “wholesome”, me feed ka sa homepage ko kaya jump agad ako dito, uh

    • yup, masarap yang turon, pramis! paborito ko rin yan kung merong konting langka, hehe…
      Côte de Corps ay “slope of Corps.” although tama rin yung coast. Yung Corps, literally, it means body.
      actually, x-rated sana ang isusulat ko kaya lang baka ma-flag ako.ü hehe… God bless!

  6. Pareho lang tayo kuya medyo madalang din magblog-hop..lam mo na yun *wink* haays.

    Anyway, grabe naman 44 parishes lagare naman kayo masyado dyan. PM na lang kung kelangan ng tulong dyan sa inyong community..sana anlapit lang eh no?! At di mo naman pala ko inadd sa YM si libay lang so – wak ka na! hihi

    Super cute yung batang lalakeng naka-blue yung kumakain, anong pangalan nya? palagyan na rin ng pronunciation guide. Advance na lang sa anniversary ng blog..sayang walang handaan, si rev ay bisi-bisihan din. As usual di nagload sa aking pagong na konekshun ang stain glass syete! Balikan ko na lang pramis. God Bless po kuya…

    • si Grégoire yun (gregwar).ü di pa yun nagkakatekismo kasi 4year old pa lang.ü
      di ako marunong mag-YM! bigla lang nag-appear yung YM while I was reading my mails. di ko alam na YM na pala yun, pramis!

  7. sosyal brother utoy ha..crepe.wow.

    have a blessed lenten season.sama mo na rin ako sa dasal mo ha. :p

  8. nagutom ako sa pagpronounce don sa sasabihin pagkatapos kainin ang lumpia wrapper yan..hmp! inisa isa ko pa talaga yung word at nagtaka ako kung bakit humaba…putsa yun palang SMY na yun ang nagpahaba..hmp ulit!

    infernes utoy at mukhang hindi naman binaboy ang pagkakaluto,hehehe

    huh may YM ka na din? bakit di ko din alam yun??hehehe

    • hehehe… eh ganun talaga yung “Y” nila eh.ü aba, halos napasma naman ako sa kakaluto ng crêpe na yan. at ang mga bata, SMY, matatakaw magaganang kumain!

      hindi ko alam na YM yun! pramis, di ko talaga alam.

      hayan, nagkokoment na ako agad ha.ü

  9. tsi-nek ko ang header kung nasa bro.utoy ba ako o sa ilonggo blogger na kakilala ko.

    pero sigurado ako kahit kwaresma, walang abstinence sa virtual life ang mga pari at seminarista nyo jan.

    • wala nga, ponch, pero parang meron na rin kasi sobrang daming gawain ngayon. hayz…
      as for ilonggo, feeling ilong-gated lang ako. nakakahiya nga’t wrong grammar.ü

  10. aba! multilinguist ka na nga talaga! ilonggo ka rin pala! ehehe

    papaturo nga rin ako kay IFM.. hahhaha

    ang cute ng mga babies… na miss ko tuloy pamangkin ko….

    happy blog anniversary nga pala! keri lang kahit walang post bsta chika ka na lang anytime free ka…

  11. at talagang may (wholesome) pa sa title. nyehehe.

    kakatuwa ang mga bata sa pics, at mukhang enjoy ang mga crepes. cheers, brother utoy!

  12. kahit ako busy din kaya nga bihira na talaga ako makapag update or makapag check ng ibang blog! yung ibang post nga dahil sa kating kati na ako isinisingit ko na lang kahit busy sa office!! mukhang masarap ung kinakain nila ah!! at mukhang sarap na sarap ang mga kids!! galing talaga ni kuya utoy ano!!

  13. buti na lang nahulaan mo ang nasa isip ko at dinagdagan mo ng mga litrato ang batang cute na sarap na sarap sa crepe mo. ang pogi nya! mukhang makulit pero cute.:D

    grabe, kadamo gali sang parishes nyo dira. may nakilala ako nga Frenchman sa Paris, di ko sigurado kung seminarista o layman sya. gusto nya diri naman magpari sa Pinas. ay natodo ko na mag-Ilonggo.:D

  14. marhaba!:)

    masabukan ngang makapagluto nyan…

  15. interesting. buti may time ka pang magluto.

  16. parang ansarap naman ng crepe mo. namiss ko tuloy yung mango crepe na favorite kong kainin dati sa robinsons galleria… yum!

    44 parishes?!? andami naman nun… mukhang kailangan niyo pang mag-recruit ng maraming seminarians dyan ah. dito din sa SG, konti lang ang mga seminarista. ang sabi nga ng parish priest namin dito, walang io-ordain this year kaya ibayo ang kanilang pagdarasal na sana ay may magka-isip na magpari sa mga locals… saklap😦

    • maswerte pa nga ang SG kasi kahit maliit na bansa sila, may vocations. Dito sa france, tagtuyot na rin, walang mga new blood. kaya heto’t pati kaming pinoy na di marunong magFrench eh dinedekwat. ansaklap nga, kung iisipin…

      God bless!

  17. wow, crepe! masarap yan…sa french baker at delifrance dito sa pinas masasarap ang crepe. ^_^

  18. Toto Utoy,
    Mabal-an gid nga saku ka kay maski ang mga pictures mo sa stained glass window, wala macenter… hehehe…

    Ti, mayo lang da nga pagpamalandong sa tiyempo sang Kwaresma…

    Baw, mga gwapa kag gwapo sang mga bata mo nga models… Daw mayo gid na tani nga photo-op ba… pang portraits…

    Sige, halong lang pirme…

    Coolwaterworks

    • Abaw, tan-awa daw kay ari gali si Toto NakedPhotographer… haw.ü

      tood-tood nga sakto guid pang portraits ang mga nawong sang mga gagmay nga bata diri. Kalooy lang kay paspas kaayo ang pagpicture ko. Bal-an mo nang paghatag ko pa lang sa crêpe, sige sila kaon dayon. Indi na guid ko makasetting kag posing sa pagshootshoot ya. (arrgghh… di na ako marunong mag-ilonggo!)

      God bless!

      Halong man sa imo,

  19. Hello Utoy,

    The crepes look very tasty! Also, the stained glass windows are very beautiful? Where are they from? If I understand right, at least one (I’m guessing the top one) is of the apparition of Our Lady at La Salette, and that you mention something about a British flag in the upper left corner. I couldn’t make one out, though…

    God Bless,
    Warren

    • hi, warren!
      I’m sorry I haven’t written anything in english again, as promised. the stain glasses I feature at each post here are all taken in France, except for a few which I photographed during my vacation in Italy. Yes, that’s the apparition of our Lady in La Salette. Our parish is just 50km away from the apparition site and we frequent the place for pilgrimage. About the british flag, I just told my readers that if they would visit the website of the Sanctuaire de Notre Dame de La Salette, they have to click the british flag to have the webpage translated into english.ü

      God bless and may you have a meaningful Lenten observance!

  20. seryoso ka ba? kung kelangan mo ako, it would be an honor!!! grabe… alam mo namang malakas ka sakin.. bigyan mo lang ako ng deadline ahehehe…. sige na!!! iguest blogger mo na ako dito.. umaalog na wiwi ko sa pantog sa sobrang kilig… for contacts, copypaste101@gmail.com… bwahaha sineryoso?

    nakakatuwa naman… ang kyut ng mga bata ang sarap kagatin… ahehehe…. syempre pati yung crepe lalo, masarap kagatin

    cheers;p-glesy the great

    • wala akong deadline. Basta tungkol sa plawers ang article. yes, plawers, mga bulaklak. nyahaha!
      pero walang biro, tungkol sa flowers ang gusto kong topic, at kahit kelan mo isubmit. please, please? basta ikaw na ang bahala kung paano ipapasok ang flowers sa post.ü

      salamat in advance, glesy! alam ko, masyadong challenging ang request ko pero basta ikaw na ang bahala. tatadtarin ko kasi ng pictures ng plawers ang future post mo. yiiihaaah, magiging first writer ko na si Gles!!!

      God bless!

      • grabe,,, sigurado ka? flowers? biglang nagnaknak ang utak ko.. ahehe.. i’ll try my best… di naman masyadong espesyal ang request mo… ahehe.. basta tungkol sa flowers kahit anong entrada.. okay na sayo? cheers;p-glesy the great….

        • yep, kahit anong entrada. tatadtarin ko kasi ng picture ng plawers ang post na ito.ü plawers of spring baga… Salamat Glesy! pakasal na tayo, bilis!

          ay ambagal natin. yan tuloy di na pwede.

  21. ay sa sobrang kilig ko nakalimutan kong banggitin yung stainglass…

    atsaka para sabihin na rin wala munang French fries at bacon potato that year kasi medyo pangit ang mga patatas sa susunod na anihan.-akala ko kalokohan to.. ahehe

    talaga pumupunta ka pa jan.. naalala ko dati pag may confession sa dating unibersidad na pinapasukan ko.. grabe ang lalambot ng mga dila ng mga prayle at di ko talaga maunawaan kahit english… parang gusto kong alukin ng kape yung pare baka kasi lasing lang… cheers;p-glesy the great

    • naku, saan ba yang university na yan? may mga ganyan din kasi akong experience. ang nakakatawa, parang di yata kami nagkakaintindihan sa kasalanan ko at sa absolution nya! nyahaha!

      uy, tungkol sa plawers ha.ü

      • sa unibersidead na since 1611… ewan ko lang kung di mo pa alam to.. ahehe

        totoo!!! di kami nagkaintindihan rin siguro.. cheers;p-glesy the great

  22. waha. ang cute ng mga bata.🙂 mukhang enjoy na enjoy sila sa pagkain.

    God bless Kuya Utoy!🙂

    • thanks, Saizza! (sosyal na Sisa, parang Saizza Padilla lang)

      enjoy sila kahit simple lang yung crêpe.ü
      God bless you too, Saizza! (parang mas gusto ko ang name na ito.ü Tapos hahanapin mo si Beysil at si… uhhhmmm, Crispy.)

  23. ang ku-kyuuuut naman ng mga bata.🙂 especially yung nasa as requested hehe..

    busy nga talaga kaya nakapag-post pa.🙂 44 parishes ba naman eh, ewan ko lang kung magkaron ka pa ng free time nyan.🙂

    oks lang kung delayed ang post mo for your blog anniversary…better late than never diba?🙂

    happy easter!!

  24. Aba si Bro. Utoy! Marunong nang magluto at talagang pang maramihan pa! Pwedeng pwede nang mag-asawa! Yey!

    Maligayang Anibersaryo ng iyong pitak Bro. Utoy, hindi man ako palaging nakakadalaw ay palagi naman kitang iniisip… oooppppssss… baka magselos ang asawa ko! hahaha!

    Ingat ka palagi, at nawa’y magkaron ka na ng yahoo messenger para naman maka-chat ka namin nina bluep.

    Saludo ako sa layo na ng narating at nahipong (tama ba yung term?) buhay mo sa pamamagitan ng iyong pagsusulat!😀

    • salamat at kahit di mo ako nadadalaw eh lagi mo naman akong…. uhhhmmm, iniisip (parang problema lang!)

      may YM na pala ako, di ko lang alam. nasa brotherutoy@yahoo.com lang.ü

      salamat at may nakakaappreciate ng akong walang sawang panghihipo ng buhay (parang di yata tama?).ü God bless you, Mix!

  25. brod utoy, master nga si glessy as guest blogger..ang huli atang nag guest sya ay kay kengkay…in demand ano?

    grabe naman dyan at ang dami nyo hawak na parishes, kakahilo naman ata yan..

    • sinabi mo pa. at ang lalayo nila. literal na tumatawid kami ng pitong bundok dun sa pinakamalayong parokya.

      excited na nga ako sa post ni glessy, ang topic na request ko eh tungkol sa… plawers!

      God bless you, Payatot!

  26. ok lang yan… kung may malaanghel na mga batang ganyan eh…

    bakit ganun, kasi sila pa nagpapadala ng mga foreigners na pari dito, kulang pala sila… hehe

    • actually, yung mga poreyner na paring napapadala sa Pilipinas, sa ibang mission country rin galing at hindi sa Europe. Ayaw na rin kasi nilang umuwe. hehe…
      God bless!

  27. SMY!..ANG BZ MO BRUDER, pero SMY (ulit)..naggagawa mo pa magblog, at mkpghop in between, hehe (gaya lang kita enjoy ako sa mga lesson mo eh)..

    ikw talga bruder pati ang mga batang inosente…mabuti at walang nabulunan dyan..mkhang xcited naman sila sa niluto mo ah..

    ayos lang ung blogserry post mo..basta pag may time ka na:D

    rgds,

  28. nakakatuwa nman at may open close parenthesis pang wholesome….hehehe! kuya utoy alam nman nmeng mabait ka eh (pgtulog joke!)

    at akala ko nman joke lng yung bawal kumain ng french fries at bacon…totoots pala yun..hehehe

    out topic: alam mo bang sabi ng pinsan ko at khit ako napansin ko n rin yun eh kamukha mo daw si direk Lauren Dyogi…naks pang celebrity talaga!hehehe

    happy anniversary poh!

  29. haha.

    Ba, crepes are still food for the hungry.

    But of course, if you feed them spiritually with the teachings of God in the bible, it is always useful.
    some people these days are hungry spiritually too.

    Meron pa ba crepes na natira?

    • that’s what exactly what we’re here for, Francesca.ü people are asking me, kaya ba ako nasa France eh may kapatid akong nakapangasawa ng Pranses? I told them, I went here to work with the poor (even France has her share of them). They have the mindedness that the Filipinos can only be in France as katulongs or as wives of Frenchmen. Bakit kaya?

  30. hmmmm.. nakakagutom. ano kaya lasa nun? hmmmm. parang ang sarap sarap. =) niwey, ano meaning nung naunang paragraph? di kc ako marunong ng ilongoo hehe.

  31. oh nose!!!!!!!! ako nga pala ito si LEI ng pinayblogera.wordpress.com.

    pesteng Joffred. naka automatic ung name, email at website sa field. Geez.

  32. Hengsweeet naman ni Kuya Utoy, sana isa din ako sa mga bata sa school nayan para nakatikim din ako nyan.

    Soo cute naman the kids sarap iuwe waaah.

    Kuya pahinga minsan ha, hinay hinay lang.

    Godbless!

  33. SMY kapatid, ginutom ako! PENGE!!!

    Ang cute nung bubwit sa picture, parang anak ng big boss ko, hehehe.. At obvious na obvious na gustong gusto nya ung crepe mo… isa pang PENGE!!

    I’m back!

  34. Oki lang ina. Madamo man nga blogista ang busy subong.

    As for the crepe, instead of butter, mantika ang isahog. Lutuin, ilagay sa pinggan at hayaang tumigas. Ilagay sa hulmahang bilog at, presto, otsa na. : )

  35. yay! masarap un mango strips with cream tapos crepe. yay!😀

  36. Hi Bro! Wa ako ma-say – “mega-sosy” naman ang merienda niyo diyan… pero, come to think of it, baka ito ang counterpart ng hot pandesal with Star margarine sa atin. Whaddyathink? Hahaha!😆

    Puspusang practice na pala ang ginagawa mo diyan dahil sa 44 parishes ninyo – am sure pag-uwi mo ng Pinas e sisiw na lang sa iyo ang 1 or 2 parishes… “blessing in the sky” ikanga, di ba?😉

    • ang totoo nyan eh hot pandesal trumps crêpe at any category. at with star margarin pa? naku, runaway winner ang king of the Pinoy breakfast table.üüü

      oo nga eh, andami. kaya naman ang trabaho namin dito eh “sky is the langit.” üüü

  37. teka ambilis… ulitin mo ulit… para ipapatahi ko na yung trahe de boda… nyahaha… eto naman parang nakikipag pitik bulag mag-propose…

    sige!!! kung sakali mang di mo magustuhan ang gagawin ko, ipagdasal mo na lang ako at si Lord na bahala sakin.. ahehe.. cheers;p-glesy the great

  38. nakaktuwa yung mga bata… kala ko sa pinas lang kulang ang mga pari mas lalo pala jan.

    may simbahan kasi sa barangay namin sa nueve ecija, dahil ng malayo kami sa bayan madalas ministro lang ang pumupunta, hindi ko alam kung bakit, siguro tinatamad na yung pari para paglingkuran ang isang barangay sa loob lang ng isang lingo. wala namang problema, ang pagsamba naman daw ay nasa tao talaga at hindi sa kung sino pa mang midyum, kaso lang iba lang talaga pag pari ang nagmimisa diba, e pag ministro lang hindi naman misa yun e.

    • batukan mo yang pari nyong tamad. di pwede yang papatay-patay sa trabaho. aba eh sa Simbahan eh may professionalism din dapat. isumbong mo yan sa obispo nyo.
      teka, sino pala ang paring yan at ako na ang magsusumbong!ü hehe… (Kaibigan ko kasi si Bishop.ü)

  39. nakasunod ko pa si livingstain,
    magkababayan pala kami. hehe ganun din sa amin eh, malayo kase kami sa bayan at hindi pare ang pumupunta sa barangay namin tuwing linggo…kundi yong ministro nga.

    naisip ko naman, baka kulang sa pare kase angdami nilang dapat puntahang lugar.

    • kahit naman sana once a month e nadadalaw kayo nung pari. mag-isa lang ba sya sa parokya nya? ilang chapels ba ang sakop nya? siguro kasi busy nga…

      • diko alam bro utoy kase bihira ako umuwi.
        minsan lang kase paguw ko, nasabi ng mother ko.
        medyo malaki kase yong bayan namin. siguro kulang ang mga pare para pasyalan ang mga barangay.

  40. ung bata sa pics kamukha ng anak ni boss hahaha..

    ang pagluluto bro.utoy nasa puso yan?isipin mo lang na kailangan masarap at sasarap ang lasa mo..

    grabe dami mo niluto hahaha di ko kaya yan..

  41. hayyy… i love crepes. matagal-tagal na rin akong hindi nakakain niyan. masubukan ngang gawin mamaya…

    on the other hand, wala nga pala akong skills sa kusina. i think ipagawa ko na lang sa iba. baka magmukhang hotcake o di kaya’y scrambled egg lang ang magawa ko.

    advance happy anniversary sa blog mo, kuya! =)

  42. isa ka palang seminarista brother utoy? huwaw! pwede mo bang ipagdasal ang kaluluwa kong makasalanan? hehehehe.

    gusto ko ring mag-aral ng french. they say it’s one of the sexiest languages in the world, apart from italian.

    kacute ng mga bata. lalo na ung nasa huling pics.

    advanced happy anniversary po sa kuta nio! Ü

  43. Kabalo ka guid gali mag Ilongo, Di ko ya ilongo kabalo lang ko and i consider my self ilongo by heart. I love the people of Bacolod. Happy anniversary Bro!

  44. A very touching act you did for those children. You certainly put smiles on their faces.

    Pagbalik mo ng Pinas, can you also prepare crepes para sa aming mga parokyano mo dito sa blog mo? hehehe

  45. Teka nagutom naman ako sa pictures mo Kuya Utoy. Huhu.. Parang gusto ko rin maghanap ng crepe bukas na bukas din!

    Ako rin nga po hindi masyado makapag-blog hop sa ka-busy-han. Pero okay lang po yun! Naiintindihan naman po namin ang iyong sched. Basta ingat po kayo lagi jan at alagaan ang kalusugan okie? ^_^

  46. waaaah. gusto ko rin ng food. penge ako. palbc mo… hekhek!
    naging katekista rin ako noong hayskul. nagtuturo sa public skul. mga elementary tinuturuan ko. syempre volunteer iyon noh.
    hakhak! hindi ko naisip yung food. dapat pala nagdadala rin ako ng pagkain para kung medyo nabobore na sila eh sabihan ko na magrecite naman kayooo… at kung sino ang magrerecite bibigyan ko ng food. pak! e di ang ingay na ng room.

    hakhak! nakakamiss lang maging kateskista!

  47. […] it works now? The bank is charging me for annual fee tapos wala pa naman sa akin ang credit card. SMY! Sabi nga ni Brother […]

  48. gagawin ko rin ito pero ihuhulog ko sa sahig ang finished product.

    fan kasi ako ng dirty hotcake sa labas ng mga eskwelahan sa davao.

    ay naglaway ang tabachoy.

    kasalanan mo to. magkumpisal ka na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: