Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive?

Exactly one year ago, napagod na akong maglurker sa mga blogs so nag-open ako ng WordPress account at nagpost ng kauna-unahan kong article.    SMY, english post ang first acticle ko, mga brothersh and shishtersh!  English post!  Pero wala akong sinabihan tungkol sa blog ko kundi si Bluep.  Kasi naman, kung talagang kilala nyo si Utoy, ang motto nya eh “Isecurity is the best policy.”  Mahiyain talaga ako (parang si Doc Angel lang!)  Kay Bluep lang ako may tiwala that time.

After nine days and seven posts, nakatanggap ako ng first comment ko.  Kay Bluep din.  Syempre, sya lang kaya ang may alam na may blog ako? ü  At ang mga posts ko noon, nakooww, isang linggo kong pinang-iisipan, talagang pinaghahandaan at pinagpupuyatan.  Kaya kung gusto mo ng mga quality articles sa blog ko, dalawin mo yung first 30 posts ko.  Pramis, nosebleed.

Now, bakit How Brother Utoy Failed Salvation History ang title ng blog ko?  Iisa lang ang reason.  Pagod na kasi akong maging goodie-goodie nerdy-nerdy na nagsusulat ng mga pa-cerebral effect na academic papers at mga pious-to-the-bones na mga religious newsletters ng aming orden na tanging profs ko lang at mga mangilan-ngilang mga manang ang nakaka-appreciate.    Gusto ko, kapag nagkwento ako tungkol sa buhay ko bilang seminarista at bilang isa sa mga spoiled brat ni Lord, mauunawaan ng kaharap ko kung anong pinagsasasabi ko nang hindi sya napapahikab, napapatanga o napapabulalas ng “enap opdis bulkrap!” sabay sampal sa pisngi kong mala-eskayolang santo sa kakinisan.   Primary rules sa blog ko:  No name-dropping of any theological or spiritual writer, no preachy stuffs, no holier-than-DaoMingSu na mga attitude.  Basta magiging hip at spontaneous ang blog ko, irreverent pero informative, puro kalokohan, pero masasabi pa ring a serious piece of writing.  Bahala na si Manong Holy Spirit sa inspiration.  Yun nga lang, syempre, kapag masyado akong naging liberal, delikado rin.  So bago ako ma-excommunicate (ambisyoso!  matatalino lang ang nae-excommunicate!) sa kalokohan ko kaya inunahan ko na sila by claiming:  bunga lang talaga ang lahat ng kaengotan ni Utoy.  Hence, the title, How Brother Utoy Failed Salvation History.   Wala kasing na-eexcommunicated dahil sa ka-engotan.  Convenient excuse, diba? 

Oo na, oo na, walang katuturan ang pinagsasasabi ko.  Ikaw bang every 30 minutes lang nakakapagsulat.ü

Heto ang statistics at konting trivia tungkol sa aking blog. (As of 10 AM, March 20, 2009)

Total Posts Published in a Year: 75 (including this post)
Total Number of Tags: 34
Total Number of Comments (excluding yung mga dinelete ko.ü): 2,407 comments
Mga nahuli ni Akismet: 369 comments
Total Number of Visit: 29,038 clicks
Average visits in a day: 80 clicks
Araw kung saan sikat na sikat ako:  Sunday, November 23, 2008: 254 click!
Number of websites I joined to boost my clicks:  none, as in none.  pure unadulterated dalaw lang ang lahat.

Mga search words na madalas magturo sa blog ko
Parables:   266 clicks
Brother Utoy:   203 clicks
Sutana:   46 clicks

Mga sites na nadagdagan medyo ang traffic dahil ko:  üüü 
Bluepanjeet: 162 clicks
Rev.Siopao: 102 clicks
P0kw4ng: 94 clicks  (hayan ha, madaming traffic din yan!ü)

Mga Pinakamadalas Pinagmumulan ng Clicks ko
Wordpress Dashboard: 480 clicks
UtakMunggo: 325 clicks   (Aylabsyu, UM!!! You’ll always be da most byutipul…in…my…eyes!)
Friendster: 293 clicks

Pinakamabentang Posts:
Mga Sure Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan: 507 clicks
Barubal Nga Ba Si Utoy?: 441 clicks
Mga Larawang Pang-Majorette: 426 clicks

Pinakakawawang PostWholly Weak (15 clicks lang)
Pinakamaikling Post: The Verge I won’t Let You See Nor Touch
Post na may pinakamahabang titleIsang Walang Kakwenta-kwentang Post na Hindi Dapat Pinag-aaksayahan ng Panahon ng Kahit na Sinuman
First Tagalog PostAba, aba, at nagtatagalog na sya!
Pinakama-chika kong post: Mga Larawang Pang-Majorette (82 comments)
Pinakamalungkot kong post: Ang Pinakamalungkot Kong Post
Pinakaseryoso kong postOf God, Atheists and Christmas Mornings
Post kung saan may pinakamarami akong inamin tungkol sa sarili ko: Isang Walang Kakwenta-kwentang Post na Di Dapat Pag-aksayahan ng Panahong ng Kahit na Sino Man
Mga post na hanggang ngayon walang commentWholly Weak   at They’ve Got Passion
Posts kung saan may picture ako“Dikon”  at  Tatay Kong Iyaken, 70 years old

Mga Pauso’t Pautot for this year:
1. Top Ten/Five Most Samting-samting (fourteen posts)
2. Brother Utoy’s Approval Ratings (five posts)
3. Stain Glass of the Day (mga 30 posts)
4. SMY! at kung anu-ano pang expressions like As Useless at Punyemus Maximus…
5 Ang Eli-inspired na advertise you blog here!
6. THE SEARCH FOR THE NEXT BATIBOT BABE!!!! (ito at ito)
7. Pa-foodie-foodie kunyari na may recipes pang nalalaman (twelve posts)
8. “Pamumundok with Brigitte” series (Three posts)
9. Ten Questions You Shouldn’t Ask a Seminarian (ito at ito)
10. Ang sarili kong brand ng poetry, including a poem about a wet vulva (five posts)

Nais kong magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa aking blogging, lalo na syempre kay Bluep.  Salamat sa lahat ng mga nagcomment lalo na kay IFM na record holder sa longest comments sa blog ko.  Salamat din sa mga walang sawang sumubaybay sa blog ko (mga lima sila), pati na rin sa mga lurkers lang.ü  Salamat sa lahat ng nagtag at nag-award sa akin, gayun din sa mga nagrefer sa akin o nagmention sa akin sa blogs nila.  Salamat sa lahat ng mga nasa blogroll ko, at sa mga taong nag-include sa akin sa blogroll nila.  Salamat sa lahat ng nagdarasal para sa bokasyon ko at sa lahat ng naniniwala na gwapo nga ako.  Salamat sa mga hindi naman bloggers pero sumusubaybay pa rin sa akin.  Salamat sa lahat ng naniwala na marunong akong magsulat at nagsabi na nakakatawa daw ako, di ko naman sinasadya.  Salamat sa lahat ng nagpramis na magsisimba sila sa parokya ko kapag naging pari na ako.  Mag-donate kayo ha.  Yung malaki dapat para makagawa tayo ng sarili nating cyber-parish.  Hehe…

Salamat na rin sa mga nagpalink pagkatapos di na muling dumalaw.  Salamat din sa mga nanlait sa blog ko.  Salamat sa lahat ng nandekwat ng mga posted pictures ko ng nature o ng stainglass na di man lang nag-paalam, pero hayun at makikita mo sa blogs nila.  Salamat sa mga pumirata ng tula ko.  Salamat sa mga hindi naniwala na tatagal ng isang taon ang blog ko dahil, SMY, walang nagagawang matino yang si Brother Utoy sa buhay. 

Salamat din kay Lord.  Alam ko, di gusto ng mga superiors ko ang mga pinagsususulat ko dito pero si Lord, alam ko, isa Sya sa mga regular lurker ko at alam kong proud Sya para sa akin.  I love You, Lord Jesus!  Pa-kiss naman… Muah!

Happy first anniversary sa blog ko!  Sa mga naghahanap ng handa, pasensya na’t ito lang ang kaya kong iluto in 15 minutes.

 img_4859

UTOY’S KWIK BISKWIT(napakadaling lutuin! pwedeng gawin ng mga bata!)

Ingredients:  cookie dough, asukal

Instruction:
1. Gamit ang rolling pin (in my case, wine bottle), gawing flat ang cookie dough hanggang maging sinlapad ng bondpaper at mga 0.5cm thick ang kapal.
2. Budburan ng maraming asukal ang ibabaw ng dough.
3. Dahan-dahang irolyo ang dough (parang nagrorolyo ng banig) at hiwain, crosswise, mga 1cm thick.  Makakabuo ka ng maraming spiral na dough na maasukal.
4. I-arrange sila sa ibabaw ng waxpaper (yung pang-baking) at i-bake for 10 minutes sa pre-heated oven, at 180degC, o kaya eh hintayin na mo na lang kung golden brown na.
5. Ilabas sa oven at huwag takpan habang pinapalamig para maging malutong ang biskwit. Then, i-serve o itago sa lata ng biskwit.  Perfect for merienda or lamay sa patay.
6. Pwede ring gawin sa oven toaster, pero di ko pa na-try.  Coeur de Palmier nga pala ang tawag nila dito sa biskwit na yan.

Muli, sa lahat, maraming maraming salamat po!  Be assured of Br.Utoy’s humble prayers always at sana’y nagustuhan nyo ang kanyang pabiskwit.  God bless you all!

* * * * *

At syemperds, eto na ang ating Stain Glass Windows of the Day!

img_4230

img_4231

img_4232

Isang napakalalim na anniversary offer ko sa inyo itong mga bintanang ito na napicturan ko ng out of focus sa loob ng Cathedral de St.Pierre, sa Lisieux, Carmel.  Hayan, pagmasdan nyo.  Diba’t mga windows sila, made of glass at syempre may stain?  Stain nga lang ng lumot pero still, para sa akin, sila ang mga tunay (at effortless) na Stain Glass Windows.  Ang  deep ano?ü

God bless!

111 Responses

  1. aha!
    nauna ako dito. ehe.

    api animershari kuya!
    apir apir.

  2. maraming salamt sa isang taon mong pambabalahura sa mga posts ko. am sure, kapag sinipag na akong gumamit ng balarila, maligo at magseryoso sa buhay, ikaw ang unang makaka-alam.

    sosmaryosep, mabohay ka!

    • uy, di ko naman masyadong binalahura ang post mo. hehe… slight lang.
      pero talaga, humanda ka sa emmaus, kilala ko na ang hitsura mo! hahantingin talaga kita, nyahaha!

      uhhhmmm… God bless ulit.

  3. anak ng pating ang sarap nung pastry sa taas. haha

    hiatus mode pa ako pre pero dumalaw lang at nabalitaan ko na first blog anniv mo. congrats. anak ng tipaklong parang kelan lang na binola kita ngayon very successful ka na. cant wait to tweak your own dot com after my five blogs haha.

    tatalunin natin ng blog mo si WPDRS ni Father Z (hay naku!!!! dont ask) tsaka yung bestfriend natin na si kwan (hay naku ulit dont ask ulit haha)

    alam mo sinabi ko ata kay mix ito sa isa nya blog entry, na ang joy ng isang blog mentor ay makita nya na successful ang mga apprentice nya as blog Jedi haha

    so far apat pa lang naman kayo pero lahat kayo very successful na. I can’t wait to bestow all of you the dot com. dyaskeng commitments ko nga lang sa career ko at sa blog life. anyhow bago matapos ang taon sana mamaterialize na.

    I just want to reflect one thing:

    when I started my dot net last 2007 it was only Jaypee of Jaypee Online among all other prof bloggers who helped me. and that was not just a help. it was actually a tutorial via email. up to this day Jaypee and I still maintain that connection and friendship and in that friendship I also realized the power of “paying Forward”

    thats why whenever someone asks for help I dont hesitate to give a helping hand. see the result? one help was spread to four and those four will also help others. if all of us would extend helping hands there will be no shortage of man power in and out of the blogosphere. wag lang muna ngayon kasi sa kaso ko im incapable of helping dahil my sked is full. Pero pag natapos siguro.

    put it simply, share your blessings because God maintains the count. Sometimes the blessing pa nga is siksik liglig at umaapaw.

    And also (i want to share this because this is a proven secret on the success of bloggers). Always find time with people who contact you. although sometimes delayed ang reply, never ever ignore them because the reason why they are reaching out to you is because they trust you. I said this because you are a clear example of that person. No wonder you are a very successful blogger now. Always prioritize emails that are relvant because you’ll never know that people reaching out to you may actually give you their share of their blessings in return. But never count the blessings and help you extend. Bakit ba ako nag sesermon sayo eh mas magaling ka sa akon haha. alam mo na naman ito actually haha.

    anyhow before I go back to my hiatus i just want to highlight this striking paragraph of yours:

    Pagod na kasi akong maging goodie-goodie nerdy-nerdy na nagsusulat ng mga pa-cerebral effect na academic papers at mga pious-to-the-bones na mga religious newsletters ng aming orden na tanging profs ko lang at mga mangilan-ngilang mga manang ang nakaka-appreciate

    hahaha

    I can relate to this. ako naman namimiss ko yung mga academic writings sa loob. baligtad tayo. kaya siguro minsan balinguyngoy ang post ko haha.

    anyhow back to my work. Im still gonna catch on with the holy week on my otwomd redesign (i hope umabot)

    meanwhile dun ka muna sa dot com magliwaliw. I know you are also a kid at heart. masaya dun, dami laruan at mga new toyz sa tiger shop taz dami din cartoons nung panahon natin na iuupload ko. kung gusto mo naman na paminsan minsan na libog (libog lang ha walang halong nudge to sin) meron din dun haha.

    hindi na kita yayayain makinig ng american idol mp3s na binili ko sa itunes kahit pa super gaganda ng kanta nila kasi alam ko yang PC mo ay BINGI haha.

    till here bro and always keep the faith and be authentic. Persevere kapatid. Magkakasanga tayo ng tropang semino fides hehe (may website na rin akala mo) haha

    Pax et Bonum

    *Nga pala pasabi kay dfish at rev pati kay pokwang salamat sa pagdalaw.

    tsaka kay IFM kamo nabasa ko yung nobela na na uber haba haha. Di ko pa narereply grabe kasi naman ang haba haha. Be back when Im back.

    Miss yah all. God bless

    • uy, mahaba ulit ang comment.ü naku, unbeatable ang record ni IFM. parang pang tatlong post. At ang response ko, pang tatlong post din!ü

      syempre, kilala ko si Fr. Z! kakampi yan ni Migem, diba? nyahaha! teka, nahulaan mo na ba kung sino si Pierre-Julien na nagcomment ng matindi sa kanya?ü

      as for the pay-it-forward, nag-iisip pa nga ako ng paraan kung paano naman makakatulong sa ibang blogger. sayang, nadelayed ako dun kay Yanah, pero gayunpaman, andami pa ring tumulong sa kanya.

      uy, nabisita ko na ang bluepanjeet.com at congrats- congrats sa design! gusto ko dun! pag-uwi ko, tambay ako lagi dun (mas mabilis ang server namin sa Pinas.ü). I like the tiger motif, wild, raw and calculating ang dating.ü

      haynaku, di lang bingi ang computer ko, pipi rin. hehe…

      thanks for dropping by, Bluep! naks, dinalaw ako ni idol.üüü

      God bless!

      • Alam mo I just came here because I remembered you when I opened my tag in faceebook na napakahaba (ahaha kakatamad pero sige sa freetime ko sasagutan ko. pero tinatamad talaga ako haha).

        Haha oo naman, unang kita ko pa lang kilala ko na. Hahaha Kaya nga ako nalagay sa alnganin kasi di ko pwede ireveal yung IP nung pierre julien kasi magkakabukingan. haha I also need to protect that guy. He is a very good friend and a brother. And I respect his privacy. I understand fully the anonymity. Pero hanga ako dun sa tao na yun kasi of all the friends i have, he have the balls to back me up. Magkakasundo talaga kami nun haha. Kaya pag nagkita kami nun coming this year, itretreat ko yun sa Pegasus haha. (joke)

        LOL, tiger , dolphin and eagle are actually my pychological alter egoes. Kaya if someone wants to know me, just read the traits of the animals.

        okay back to hiatus mode. nasa 70% na ang tapos sa otwomd

  4. nga pala. yung bluepanjeet.com na link sa sidebar mo walang www yun. Its simply http://bluepanjeet.com

  5. hehe, daming comments ah.. isa lang ang ibig sabihin nyan, binabalikbalikan ka kasi worth it basahin ang mga post! kahit na super haba..🙂

    Nabasa ko yan barubal ba si utoy, mabenta nga yan hehehe..🙂

  6. Hehe, basahin ko muna ulit ang wholly weak at they’ve got passion kung anong meron bago ako mag-comment Bro…

  7. Dear Brother Utoy:
    Fan mo pa rin ako hanggang ngayon. Medyo matagal na rin ang pagiging lurker ko ng blog mo at kahit papano, nag-umpisa ang blog idea ko by posting comments on your baby. Kaya thank you Bro. Tingnan mo nga naman, pati mga links ko, halos lahat originally galing muna sa bahay mo. Alam ko, medyo mahaba pa ang religious journey mo sa loob at kaya maraming oppositions pa siguro ang kakaharapin. Pero magaling ka pa rin para sa akin para malampasan ang mga ito. More power to you Bro as you do things for the Kingdom in your own unique way…

    DFish

  8. BWADER UTS!!!

    happy happy happy one year! super duper success ng iyong blogging career. congatulations and moooore power.

    the blogosphere needs more people like you….your wit and humor and charm eh unsurpassable (weh, naniniwala hahaha)

    basta, you’re one of my favorites talaga, pwamis. cross my heart. keep up the good works🙂

  9. huwaw.
    all the best po sa iyong blog bro.utoy!
    idol! naks.
    hahaha.

  10. ang deep ng stainglass window natin ah!! kuya utoyyyyy!!!! HAPPYYYYYYYYYY ANIVERSARY SA IYONG BLAG!!! panu ba naman kita makakalimutan eh ikaw tong isa sa mga taong nakaka appreciate ng blog ko!im so happy for your blog!! more power and best wishes!! i am so looking forward sa mga post mo kung alam mo lang!! isa ako sa iyong mga fan!! weee!!

  11. Kristal, ikaw ba yan?

  12. Apinebersari Utoy!

    Sarado pa ng muta ang mga mata ko kaya hindi na ako magsusulat ng soooooooooooobrang haba! Ayaw ko din munang dumaldal kasi amoy panis na laway pa ako! kaya yan lang muna ang masasabi ko…ang ikli ikli diba? Isang pagbati lang na sobrang ikli.Hayaan mo pasasaan ba at may maisusulat din akong medyo mahaba…pag medyo malinaw na ang utak ko at gising na gising na sya!

    aww ang sarap ng pastry..para lang syang gilung na dumaan sa asukal.

    at isa pa…kakainggit yung comment ni blue ang haba..para syang email na…bakit ako walang ganon…NANAYYYYYY GUSTO KO DIN NON!!! Waaaaaaaaaaaaa!!!

    Enaf na din ang walang kwentang mga pinagsasabi ko dito sa may kwenta mong post…para na akong bangag sa panis na laway!hmp!

    Congrats at sana dalas dalasan mo pa ang pag iisip ng maisusulat,hihihihi

    • wag mong guluhin si Nanay at pagod. sige ka, papatayin nya ang TV kapag magulo tayo.

      di raw magko-comment eh so far (yet so near), ito na yata ang pinakamahaba mong comment sa akin. hehehe… Si Bluep, pang-Caltex essay-writing contest talaga lagi ang comment nya.

      oo nga, mas dapat madalas akong magpost. ang hirap kasing mag-isip kung wala naman talaga kasing iisipin. hayz…

      salamat sa daan.ü

  13. honestly, hindi dapat seminarista ang linya mo, kundi komedyante.
    Tyak papatok ka kagaya nina manny poh.

    Tyak, dudumugin ang concert mo.
    Tyak mag so show ka rin sa Monaco gaya nila.
    MAY 1 meron si manny poh show sa monaco, 55euros:ticket;
    matuk mo ang kita non!

    pag isipan mo kayang mag change line of acitivites….
    Libre kamo biskwit pag bili ng tickets mo..

    SERIOUS ako ha.
    Congrats sa one year mo as a blogger.
    Bah, therapy din ang pag blog…
    We say what we want, express ba ng mga what nots…
    Siya, all the best.
    Pa init na siguro dyan sa Isere. Kahapon pa nag spring time…

    • naku, check your calendar at mali ang date mo. French spring officially starts on March 29.

      as for manny poh, wala kasing Pinoy community dito sa Isére so sa tingin ko eh lalangawin ang inorganized mong concert ni Manny dito. pero malay natin, diba?

      thanks for the greetings. God bless!

  14. happy blog berdey brother! di q na tiningnan ang recipe maya na lang pag di aq gutom hehe… may tag pala aq😀

    • madali lang yun. pramis. mas komplikado ang magsaing para sa 15 na tao.

      yung tag, sasagutin ko after kong masagot ang mga comments. pramis yan. busy eh!

  15. naku bro. uts, hapi blogoversary mo pala ngayon!

    congrats…
    best wishes…
    more blogs to come…
    at kung ano pang anik-anik na pagbati! hahaha!

    [saka na ko babasa ha… may tatapusin lang ako. binati lang kita at baka makalimot pa ang lola mo :D]

  16. “Bahala na si Manong Holy Spirit sa inspiration”

    Sa palagay ko sya rin ang inspiration kaya na buo ang bibliya.

    Kung ang mga sinaunang manunulat ay kagaya mo sanang “one of His spoiled brat”, eh di sana mas maraming mae-ingganyong magbasa nito. Baka yung mga tao ritong ang pangalan ay “Izza” ay napalitan na rin ng “Jesse”. : )

  17. hapi hanibersari Direk Lauren…hehehe!
    sobrang thankful ako kay jhaynee kc noong namoblema sya sa skul project nya noon eh inanaunce nya sa boung blogosphere na kailangan nya ng tulong at dahil duon nalaman ko rin itong cyber tahanan mo…at simula noon eh naging isa na ako sa mga fans mo… o ha! o ha! may fans club ka ba?hehehe
    congrats big brother utoy and godbless poh tsaka ingatz po always..
    muawhugss*

    • fans club? naku, wala! kung meron man eh siguro ang pangalan eh UTOYTODA, Utoy’s Traysikel Driver and Operators Assoc.ü

      salamat sa greetings.ü musta na kaya si Jhaynee?ü
      God bless!

  18. Nice update naman about your blog….

    Lets adventure!

  19. happy anniversary…
    more power… more posts!

    may additional promo ka pa c/o ABS CBN…
    may bago ata silang teleserye at ‘Utoy’ ang
    title… coming soon.

    God bless! And more than anything else, I’m praying for your perseverance.

    • salamat po, Bro! alam nyo po, thankful ako at hindi nyo ako pinapagalitan sa balasubas kong blog.ü salamat po talaga!

      as for Utoy, mga plagiarista sila! ako ang original Utoy!ü hehe…

      God bless din po at salamat po sa prayers!

  20. pibersari mwah!

    *claps*

  21. Ei Bro. Utoy,
    Happy Happy 1 year sa yo at sa blog mo. keep inspiring us hokei🙂

  22. Kapatid, I am truly happy for you.
    One year na ang blog mo Kuya Uts. Clap clap clap!

    You know na busy-busyhan din ang kyut na dikon lately pero hindi ko yata puwedeng palampasin ang historical day na ito na wala man lang akong bakas dine. Kayo lang ni Bluep na nag-relaunch ng kanyang dot com ang nakapag-break ng aking pananahimik {ows?!}.

    Super profound talaga ng stained glass windows of the day. STAIN kung STAIN!

    Woi, puwede na akong kumain ng mga matatamis sa Linggo ng Pagkabuhay. Tatanggapin ko nang maluwag sa dibdib kahit ‘yan na lang biskwit na mukhang otap na nakarolyo lang ang gip mo {tsaka bertdei ko na din 2 days after Easter! OO NAGPAPARINIG AKO!}… Pa-FedEx ka ng maraming maraming maraming biskwit ha.

    Siyanga pala, tuloy na ba ang pag-uwi mo sa buwan ng Santacruzan? Woi, huwag mo akong unahan ha. Kailangan sabay-sabay ang pakikipag-EB natin kila Heleyna, Joycee, Libay, IFM, Tina, etc etc etc etc. Plano kong mag-organize ng Fund Raising Grand EB sa Pinas ‘pag-uwi ko. Si Libay, balak daw sa Pinas ulit magpasko para makita ka umatend ng Ordination ko. Btw, Dec.7 na ang tentative date sabi ng Obispo.

    SMY {nakikiuso}, parang e-mail na ito. Si Bluep kasi pasimuno e… kahit kailan!

    Basta, more anniversaries to come!

    Go go go Kuya Uts!

    Pagpalain ka nawa ni ‘BRO’ ng naguumapaw na inspirasyon galing kay Manong H.S. para lalo pang makapambola maka-touch ng maraming naliligaw ng landas tulad ni Powkie.

    Huwag mong kakalimutan ang regalo kong maraming maraming maraming biskwit ha.

    • kyut na dikon? sino yun? hehehe…
      salamat sa greetings, kapatid. busy din ako dito eh. pressured ako dun sa sinalihan kong theological discussion group. anemic na nga ako’t sobrang nosebleed ang mga french nila!

      actually, parang otap nga yan, kasi pate feuilleté ang ginamit kong dough para mas may texture kapag naluto. funky kasi ang crumbly cookies.ü

      madali lang gawin ang biskwit, try natin pag-uwi natin.

    • arrrggh…. sarili kong comment sa sarili kong blog, kinain ni akis!

      anyway, sino yung kyut na dikon? hehe…

      yup, mala-otap nga yang biskwit kasi pate feuilleté ang ginamit kong dough para crumbly at mas funky ang dating. sugar overload yan, kapatid!

      will really do everything to attend your ordination. that’s a day after the death anniversary of my mom so magagawan ko yan ng paraan.ü

  23. Happy blogoversary!

  24. Happy, happy anniversary! Wa ako ma-say, Bro, in one year’s time e madami ka talagang na-inspire at pinasaya sa blog mong ito.

    At oo, naniniwala akong proud na proud din sa iyo ang iyong biggest lurker na si Lord dahil nagagawa mo ang kanyang gawain in the most entertaining and unconventional manner.

    Here’s to more years of inspired blogging! Congrats sa iyong anniversary!

    PS Pengeng biskwit ha!😆

    • thank you, thank you, thank you!

      yung biskwit, you can make them with your kids they’re simple, fun and you can experiment by adding flavors (fruit jams siguro or concentrates) instead of plain sugar.ü

      God bless!

  25. […] Brother Utoy celebrated the 1st Year Anniversary of his blog on March 21. […]

  26. Happy anniversary bro!

    • welcome, tina! aba, ang haba ng comment ah.ü joke lang! God bless!

      • Ahihi… haba ba ng comment ko? Iiiihhh.. mobile mode kasi ako jan Bro. Sorry naman! Kahit ako nanibago sa comment ko na yan, may disadvantage, ang hirap hanapin ng comment ko para makita reply mo. Hehe

        Neweis, Happy Anniversary po uli.. (late na)! Pero simple lang naman talaga message ko, just wanna thank you for keeping your feet on the grassroots (oo, parang tanglad nga lang ü)… at kahit na-offend kita, u still find time to visit me sa blog ko kahit walang wenta mga post ko. Thank you for everything.. kasama na ang pakikipagkulitan sa comments at pagta-tyaga sa pagbabasa sa entries ko! SALAMAT po!

        BTW, gusto ko yung windows made of glass na may stain… stained glass nga… kahit mukang umaaraw jan sa pic parang naimagine ko parin na umuulan sa labas…. hays…

        At isa pang BTW, gusto ko rin ng biskwit! PENGE! Di ko bibigyan si Jorge! Yoko nga!

  27. Brother Utoy Happy 1st anniversary sa blog mo! keep blogging and continue to inspire other people through your post/entries.
    Take care and God bless! xo MC

  28. congrats! wala akong masabi. hehe

  29. Hepe Enebersere Breder Etey! Ebe ne telege eng seket! = P

  30. happy beerday sa blog mo! kaya naman ako bumabalik dito ay dahil napapa-smile ako sa mga sinusulat mo, napahalakhak pa kung minsan at napapaisip din.

    more, more, more!

  31. oo nga… natuwa naman ako.. mas matagal ka pa palang wordpress blogger kesa sakin… ahaha… salamat rin sa pagpapalobo ng sipon ko tuwing nagbabasa ako sa blog mo.. salamat sa pagiging gwapo na kung hindi ka lang gwapong pari eh hindi na ulit ako pupunta dito (joke)… salamat at pinahirapan mo ako sa soon to be post ko sa blog mo… salamat at hanggang ngayon di ko pa rin tapos yung entry kasi kinakalawang ng makapal ang utak ko ngayon… salamat at dahil sayo marami rin akong nakilala kahit parang wala kang nakilala ng dahil sakin…. salamat sa mga stained glass na pramis ni isa wla akong ninakaw kasi di ako bagay maging brat ni BJ… at higit sa lahat salamat dahil after all this one year of salvation history eh godtrulystillrocks in this blog… 10 bariles na cheers para sayo at sa blog mo… congrats..cheers;p-glesy the great

    • low profile lang talaga ako, gles, kaya lately lang medyo nagka-niche sa blogosphere.ü

      uy, thomasian ka pala? si gasolinedude din. andami na natin dito, parang gremlins lang!

      wag masyadong dibdibin yung plawers-plawers na post ha, at di ko pa alam kung anong ibabayad ko sayo dun. pwede bang Mass Card na lang?üüü

      God bless and thank you sa bariles!

  32. Maligayang anibersaryo ng iyong pitaklong! Parang kailan lang eh pareho pa tayong baguhan sa larangang ito, ngunit tingnan mo nga naman na sa sobrang bilis ng panahon ay naka isang taon na tayo🙂

    Good luck at ipagpatuloy mo ang pagpapakalat ng mabuting kwento🙂

    May nakapagbulong sakin na ang daming nahuhumaling sa iyo, pag nagkita-kita tayo eh hindi ako lalapit sayo kasi papangit ako! hahaha!

    Ingat Bro. Utoy! Ikaw magkakasal samin ni mumu ha?😀

    • sabay nga tayo pero inggit ako sayo, andami mong readers!

      nahuhumaling? nasaan? ipakita mo, mix, nasan sila?!!!

      seriously, salamat talaga. kayo ni bluep ang mga unang tao sa blogroll ko.ü

      God bless and syempre, payag akong magkasal. mura lang akong sumingil. hehe…

  33. ansaya naman! happy anniversary, brother utoy!😀

    parang naintriga ako dyan sa mga unang post mo a. maka-backread nga…

  34. hapi 1 year animersheri sau brother utoy.

    congrats and more posts to come^^

    ang ganda ng stain glass wendow mu ang semple leng..heheheh

    mwaahugss brother uts^^

  35. Belated Happy Anniversary sa blogging. Pasensya na at medyo na-late ako (pero kaunti lang). 😀

    Medyo natawa ako sa hirit mo tungkol sa stained glass windows. Nang pinagmamasdan ko iyong mga litrato e nasabi ko sa sarili ko na medyo simple yata ang design nito at kaunti lang ang stains. Tapos nang binasa ako ang sinulat mo, very natural pala ang “staining process” na ginamit diyan. Hehehe

    • hehe… truth be told, I thought I won’t be able to get away with it.ü dun sa window, I actually liked the first picture. parang abstract lang.ü

      God bless!

  36. Congrats Bro Utoy.

    You deserve all the accolades you’re receiving right now.

    Keep up the good work.

  37. Kuya na-late ako! Sowee naubusan na ba ko ng biswit? huhuhu. Anyway, CONGRATS po!!! Syempre sobrang saya namin at si rev hindi masyadong halatang masaya sya noh?! Hahaha.

    Tama sa December magandang EB yan. Maghahanda ako sigurado…ng sako! I’m sure marami kayong aginaldo sa min wahaha.

    Salamat po kuya sa lahat ng naibahagi mo sa min..feeling ko nga ng dahil sa inyo ni rev eh naambunan ako ng konting holiness hehe. At kahit sobrang humble mo..ulitin ko lang na isa ako sa mga tagahanga mo, hindi lang ng iyong alindog..ehem..este lalo na ng galing mo sa pagsusulat.

    Happy Anniversary kuya ko! *mwaaah*

  38. bro. utoy, Hapi anniversary sayong blog..sana’y hwag kang magsasawa sa pagsusulat ng walang katuturan pero may mapupulot na aral🙂

    congrats..congratts..congrats!

  39. happy anniv sa’yong bahay kuya utoy!🙂 isang taon ka na palang nagpapatawa at nagiinspire ng mga readers. *nambobola lang. hehe.*

    padayon!🙂

    • para ngang nahalata kong bola lang eh.ü

      teka, inspirational ba talaga ako o humor post? di ko na maintindihan.

      daghan gyud salamat, sisa. ayu-ayo lang!
      God bless!

  40. My dear Utoy! ngayon na lang ulit ako nagbukas ng wordpress. happy 1st anniversary sa iyo. Nawa’y mas marami ka pang ma inspire sa pamamagitan ng blog na ito. Keep it up!

  41. kasing bilis ng paggawa ng biscuit iyong paggawa mo ng blog entry with matching stainglasses pa, sino naman ang hindi bibilib at susubaybay sayo nyan bruder..kakaiba pa ang atake mo..kahanga hanga talaga ang iyong wisdom wd wit..

    alam mo naalala ko si manong ed lapiz sayo..sana dumami pa ang katulad nyong natuturuan at napapasaya kami..
    😀

    • sige, igu-google ko si manong ed lapiz.ü

      salamat din sa walang sawang pagdalaw. alam mo, josh, isa ka sa mga original na mga nasa blogroll ko. one year na rin pala ano? God bless!

  42. huwaw! maligayang animersheri kuya utoy! apir tayo diyan!
    at mas marami ka pang nagawang post kesa sa akin. galing!
    at ang daming comment! huwaw! idol!
    sikat ka na kuya!

    hakhak! ayaw ko puntahan ang mga first 30 posts mo, tapos na ako duguin ayaw ko ng maulit pa. Basta wala na akong theo.

    weee!
    bakasyon na!
    tapos na finals!
    weeeeeeeeeeeee!

    • busy ka lang kaya konti lang post mo.ü
      naka-one year din tayo ah. isa ka sa mga original kong ninabloghop dati! highschool ka pa lang nun.ü yihah, nakasurvive tayo sa blogosphere!

      inggit ako. bakasyon ka na. uy, wag kalimutan ang new post ha.

      God bless!

  43. hapi animersheri bro. utoy! (parang kahit na sa isip ko lang binasa yung animersheri eh buyoy na buyoy talaga?)😆

    congrats tu yu dahil patok na patok sa masa ang iyong dating low profile na cyber-tahanan.🙂

    more animersheris to come!🙂

    • uy, pero naman… mas hanga ako sa mga posts mo, baby. talagang pinag-isipan at may mapupulot na aral. yung sa akin, kung di ko pa sisingitan ng recipe, wala na talagang kwenta, nyahaha!

      salamat sa pagbati.ü God bless!

  44. Happy Anniversary sa blog mo Brother Utoy!!

    Isa ako sa mga die hard fan mo at mananatili akong fan mo, hanggang sa dulo ng mundo, hehehe..

    Bilibitornot, binasa ko halos lahat ng entries mo at ang pinakapeborit ko ung seminarian fashion, alam mo na kung baket, hehehe..

    Congratulations! Godbless u and may the Holy Spirit inspire and guide you all the way.

    Excess:
    Ako din, spoiled brat ni Papa Jesus, ang dami kong blessings, hihihi.. Love you Papa Jesus!

    • gusto ko nang ma-iyak. may fans pala talaga ako. at more than five sila!ü

      salamat din, Jorge, lalu na sa pagbackread ng mga posts kong ingglisan.ü truth be told, favorite post ko rin yang seminary fashion.ü

      God bless tayong mga spoiled brat ni Lord!ü

  45. Heypi eniberserry pow sa iyong e-bahay! Super leyt na ko hihi. Mas busy pa si Joycee pag weekends eh, wahahaha.

    Salamat po sa isang taong pagbabahagi mo samen ng mag makabuluhang posts kahet recently ko lang nadiskober eto eh madame akong natutunan lalo na kung paano hinde aantukin sa simbahan hihi.

    Sana po’y madame pang blessings ang dumating kay Papa Lord!

    **mwahuggs**

    Uuwe ka sa Mayo??? WEeee.

    • di ka pa late, joycee. ako nga, sa blog mo, kung magbackread, lingguhan ang binibilang! pero nagbabackread talaga ako ha, kita mo naman.ü

      yup, uuwi ako sa last week of May.ü magkokonsorte ako sa Santakrusan sa amin sa Batangas. ehehe….

      God bless!

  46. astig to utoy. kumpleto sa statistics. one year pero parang ang dami palang nagyari at dami ding bumisita.

    happy anniversary utoy! ok na rin yang nasa picture. pambaon namin yan.

  47. wow naman…grabe ang bilis mo palang sumikat sa net. kita yan sa dami ng dumadalaw sa iyo.

    alam mo, bilib ako s iyo kase hindi naka-box and idea mo. to think na nandyan ka sa lugar at posisyon na yan. to think na seminarisya ka..(nagaya ako sa iyo) very cool at hindi nakakapaso ang mga kwento mo. hehe

    congratulations sa iyo at happy blogsary po!

    • di naman ako sikat talaga. mahilig lang talagang magcomment ang mga ka-blogging ko.ü

      salamat sa pag-appreciate sa style ko.ü it really matters for me kasi alam mo naman kung gaano ako kainsecure sa style of writing ko.ü teka, ano pala yung mga kwentong nakakapaso? grabe naman sa hotness yun!üüü

      God bless!

  48. Bro Utoy, congratulations! Ang layo na ng narating mo in one year… more than 29000… ooh la la!

    I look forward to reading more from you, kapatid.

    • uy, keith, I saw a picture of you and the kids dancing. bigla ko tuloy naisip, “SMY, totoo pala yung Dancing Sy Family Christmas Greetings?!! Wow!” hehe…

      salamat, Keith. Kayo ni Pinky ang isa, or rather, dalawa sa mga unang naging regular commentor sa blog ko.ü

      God bless!

  49. Congrats naman dyan, Bro. Utoy! One yearssss na ang blog mo, hehehe! Hapi hapi anniv. Wala bang give-away ng Utoy’s Kwik Biskwit dyan?

    More kili-kili power! GBU!

    • salamat, salamat! parang kaylan lang eh nagbobolahan pa tayo tungkol sa point-and-shoot kong camera sa ordination ni Jhoen.ü
      God bless and more (ovaltine) power!

  50. isa ka rin pala sa mga spoiled brats.pareho tayo brother utoy.hehe

    btw,happy anniversary.more posts to come.sana tumagal din ang blog ko parang sayo. ayun

    • hanga nga ako sayo kasi in so short a time, andami mo na agad readers! talo mo pa ang mga senior bloggers ah.ü at ang sipag mong mag-blogvisit! idol kita on that aspect.ü

      sure ako, tatagal pa ng mas higit ang blog mo kesa sa blog ko.ü
      God bless!

  51. hahahahha sa haba ng mga nagcomment…aba makadagdag nga…..congratz broutoy…..aba eh tinamaan ka ng pogi……most visited blog pala ang sa iyo…ikaw na isang mahiyaing nilalang….heheheheh…..noong nag-uumpisa akong mag-blog ek-ek….noong virgin pa ako dito sa blogosperyo…ba’y naibulong ang blog mo sa akin ni revsiopao…..ang naabutan ko noon ay mga stained glass windows….kala ko nga yellow pages ang napuntahan ko …hehehehe….magaling…magaling….na kahit nabagsak mo ang history of salvation….marami naman ang nakabalik kay BRO….dahil sa blog ek.ek mong ito….
    masaya naman ako at matatag ka sa iyong napiling bokasyon……sayang di ko naabutan noong minsang napasyal kayo dito sa Roma…kasi nga that time virgin pa ako as in walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa blogosperyo…at may mundo pa lang ganun….kala ko kasi earth lang …as i was saying sana napatikim ko sa iyo ang gelato na may flavor na bebelgam….
    ay tama na nga….sa susunod ha timbrehan mo lang ako…..oke..congratz ulit……parang isang entry na ito ah…

  52. kakanta na ba ako ng “bakit ngayon ka lang?” hehe…

    alam mo, hanga ako sa output mo! i always make a point to backread my friends’ past posts pero yung sayo, di kinaya ng ovaltine powers ko. andami mo agad post! at ang galing kasi mga worthwhile reading lahat!ü

    God bless and sana di ka makalimot pagsikat ng blog mo.ü

  53. Happy Anniversary!

    It’s my first time here…pero di ako magpapalink syo because of this “Salamat na rin sa mga nagpalink pagkatapos di na muling dumalaw.” hahaha! naaliw ako dito.

    Seriously, natuwa ako at napa comment ka sa blog ko. Salamat sa dalaw.

  54. oyyy Happy Anniversary sa blogey mo!…

    isa itong sa mga blog na ang daming kwento pero ang dami rin kwenta…kasi multi-purpose blogey, kung gusto mong magmuni-muni punta ka lang dito, gusto mong makakakita ng mga pics punta ka lang dito, kung gusto mong magluto punta ka lang dito may recipe kang makukuha at kung gusto mong matawa punta ka lang din dito…hehehe..

  55. wow! animersheri! congrachuchasion!🙂

    imissyou brotherhood!🙂

  56. Yay to Brother Utoy. Lately lang ako nakarating dito, through Panaderos, pero I love this blog and I enjoy your wacky stories. Ngayon babasahin ko yung pinakaserious post mo, maiba naman.,…..

    Chukhahaeyo! (Congrats in Korean, yata)

  57. wow! late ako… as in super late sa pagcongratulate sa anibersari mo. eh kahit late, andito pa rin ako… asan na ang biskwit?? gutom na ako!

  58. brother utoy, i expect more than a “you’ll always be beautiful” chorva… pautangin mo nalang ako para quits na. ahaha

    happy anniversary sa blog mo! parang kailan lang nang una akong lumanding dito.

    ta-try ko yang biskwit. mukhang masarap. mukhang otap na bilog. ahihi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: