In da name of da brother

Tag post ito, bok.  An egoistic tag post.  Kung sawa ka nang magbloghop sa mga tag post eh dumerecho ka na agad sa comment section at puri-purihin mo na lang ang aking kagwapuhan.  Kung di naman maatim ng patilya mo na gawin yun eh sige na’t basahin mo na rin ang aking ego-tripping na tag post.

Ako ay na-tag ni Miel at ang kaisa-isang requirement ng tag nya ay: Post the different nicks you have and the people who call you by that name…

Hmmm… madali lang pala eh.  Walang sinabi na forward this tag to 25 of your friends and your telephone will ring as soon as you finished answering this tag. Chicken feet feed.  Heto na.  Go.

VERGEL.  Ito ang pinakacommon na tawag sa akin.  It’s a spanish word meaning orchard or taniman ng mga punong kahoy.  Sa bahay namin, puro V ang start ng name namin, at Tatay ko ang pangunahing salarin dito.   Victorino kasi ang ngalan nya.  So ang mga kapatid ko eh sina Virginia, Victorina (almost junior) at Victoria (almost junior din).  Buti na lang at to the rescue si Inay kung hindi eh Victorino Jr. dapat ako.  SMY, ambantot.  Kung yun ang pangalan ko eh 12 years old pa lang siguro ako eh homicidal na ako.  Buti na lang.

Yun nga lang, ang hirap i-pronounce ng Vergel.  Heto ang exhibit A: list of pronunciation:

Vergel (Ber HEL) – correct pronunciation (katunog ng Ace Vergel)
Vergel (VHUR- Jehl) – my manileño friends
Vergel (VIRR- heyl) – my batangueño friends
Vergel (Ver- HIL) – my ilonggo friends
Vergel (Vuhr – JIL) – my davaoeño friends
Vergel (Ber – EL) – my kapampangan friends, silent heych
Vergel (Virh- Jil) – my french friends
Vergel (Vel- gerh) – my vietnamese and burmese friends
Vergel (Bih- ey) – my nephews noong toddlers pa sila
Vergel (Birrrh-  HEEYYLLL…roawr!) – si inay o si tatay kapag pinapauwi na ako galing sa laro

VIRGEL.  Yan ang nakasulat sa birth certificate ko na sadyang nagpahirap sa akin sa pagpila sa NSO para ma-correct lang.  Sa NSO, pumila ako ng tatlong oras (walang exaggeration ito) para makakuha lang ng ticket.  Ang rason?   Para mabilis daw akong maasikaso.  I got ticket number 436.  Sa monitor, ang nakasulat:  Now serving number 79.  SMY, napaka-efficient!   At gaano kamo ako katagal sa pila?  Let’s measure it this way.  After some time, may kasama ako sa pila na naikwento na sa akin ang lahat ng lihim ng kanilang angkan, pati kung saan nakatago ang mga titulo ng lupa nila sa Isabela.  After a few more hours, may mga kasama ako sa pila na kinukuha na akong ninong ng baby nila.   After lunchtime ay mga kasama ako sa pila na binigyan ako ng cellphone number, home and work address at friendster account ng mga anak nilang dalaga, with matching graduation pictures pa. 

VERGE.  Ito ang favorite kong palayaw sa seminaryo na di ko naman magamit sa France.   Click here to know why.

BABE, TWIT-HART, TEACAKE at kung anu-ano pang ka-cutesy-han.   Mga tawag sa akin ng mga ex-girlfriends ko.  Nuff said.

BROTHER, BRO, BRAD  Generic name ito ng kahit na sinong seminarista.  Minsan nga, Father na rin ang tawag sa amin.  And no, Bro does not stand for Broha, and yes, Brad may mean Brad Pitt, especially when referring to me.  Wag ka nang humiret.  Read along ka lang.

VMD    Yan ang tawag sa akin sa dati kong trabaho.  Puro kami initials lang sa Brewery:  ECJ, AS3, etc.  Ang siste, ka-kumpanya ko ang kapatid ko, so VMD rin sya (noong dalaga pa.).  Minsan, nilapitan sya ng boss nya at sinabihan sya:  Oy, VMD,  nag-taste test ka pala sa Valenzuela?  Kelan ka nadako dun?  Puro mali ang sagot mo ah.”  Buti na lang at mabait at superganda ng kapatid ko, so hindi nya ibinuko na ako yung VMD na bokya sa taste test.

KUYA BODJIE  Ito ay highschool monicker ko kasi para daw akong si Kuya Bodjie magsalita.  Nyak.  Talaga lang ha…

UTOY  Ito eh term of endearment sa akin ng da mowst infortant fersons in mah layf, my pamily.   Syempre, bunso eh.ü  Ang ibig sabihin ng Utoy eh “My Cute Lil Innocent-looking Boy.”  Yep, yun talaga ang ibig sabihin nyan.  Kaya naman kahit 32 27 years, 200 lbs and a goatee after, Utoy pa rin ang tawag sa akin.  Syempre, cute lil innocent-looking boy pa rin ako sa mata ng pamily ko.ü  At wag ka nang kumontra kung di kita kaanak, wokey?

Lately, napag-alaman ko na may nag-plagiarize sa pangalan ko.  Ginawa nang isang sitcom ang pangalan ko!  Ito ang tandaan nyo, ABS-CBN: buti na lang at idol ko si Pidol, kung hindi ay nagdemanda ako ng “illegal use of my name.”  (As if naman.)

BROTHERUTOY or BRO. UTOY  Syempre, that’s my blogosphere name for my blogosphere friends in my blogosphere world.

KUYA UTOY Yan ang ipinangakong domain name sa akin ni Bluep.ü  Maghanda kayo, by June (June nga ba, Bluep?) at magiging datkomista na rin ako! nyahaha…

* * * * *

Pasensya na, di talaga ako makabloghop.   Busy period talaga ang kwaresma sa parokya eh.  Isa pa, kinakain ng husto ng theological discussion group ko yung oras at pagod na dapat ay inilalaan ko sa blogging.  Makakadalaw rin po ako one of these days, pramis.ü

* * * * *

At syempre, ang ating stain glass windows of the day ay ito:

img_5023

Medyo hirap akong kunan ng buo, so heto ang details:

img_50311

img_50321

img_5030

Nakuhaan ko ng picture ito sa noong magrecollection ako sa may Chateauneuf-de-Galaure, Drôme, France.   Pagkalaki-laki ng stainglass window na ito, para na syang stainglass… wall.    Ito ay bahagi lang ng isang ultra-modern na chapel ng Foyers of Charity, na itinatag ng isang French visionary at stigmatist na si Marthe Robin.   Di nabigyang hustisya ng camera ko ang stainglass pero kung nandun ka, maiiyak ka sa ganda ng bintana na ito na nagde-depict ng resurrection ni Christ.  I know I did.ü

God bless and may everyone have a blessed anticipation of Easter joy!

64 Responses

  1. Hi Kuya Utoy.

  2. Vergel pala name mo Bro.Utoy. Pag may friend kang Koreano, kaw na si BUR-HEL-UH.

    Paborito ko si Kuya Bodjie noon! Kanta ka nga ng “Alin, alin, alin ang naiba…..”

    Have a good day Bro!

    • hmmm… burhel-uh… pwede!ü
      and yup, Vergel ang name ko. makaluma ano?
      di nga ako proud na yan ang pangalan ni Richard Gutierrez
      sa telenovela nyang Kamandag.

      God bless you, teacher Kate!

  3. vhurjil..parang kakambal lang ng vurnik,hihihi

    ako din gagawa nito kahit hindi ako nitag…tapos sasabihin ko don pinilit mo akong gawin yun kasi nitag mo ako,hihihi

    • sige na nga. tina-tag na kita. at may pamimilit yan. may pamba-blackmail pa. hehe…

      hmmm… vurnik. iwi-wiki ko pa sana, buti na lang naisip ko agad kung ano yan. nyahaha!
      God bless you, P0wkie!

  4. Kapatid, alam mo ba na ang old meaning ng cute ay “cross-eyed and bow-legged”?

    Totoo ito,iresearch mo pa…🙂

    Ang Batibot nga naman…🙂 Dami kong natutunan sa show na ito…🙂

    Ok yung unang shot mo ng stained glass window… Kahit hindi buo, nakadagdag naman sa “interestingness”…

    • yup, yan nga ang old english nyan. pero sa ngalan ng ka-cute-an eh titiisin ko, maging ano man ang nakaraan ng katagang yan. kasi tanggap ko naman, cuteness is my curse and my inevitable fate.

      haaayy…. naawa tuloy ako sa sarili ko. o tadhana, bakit ako pa?

      God bless you!

      ps. astig yung St.Mark na stainglass ha.ü

      • haha! talagang na-internalize mo na nga na cute ka… hehehe… Pagbigyan, pagbigyan…🙂

        Again salamat sa blessing, sa papuri, at sa pagdalaw sa mga nakaraan kong posts..🙂

  5. ey aq bro tamad aq sa maraming syllables, dagdag mo na ang Bro U hehehe… tengs sa pic bago q lang tlga nakita. nasira kasi ang pc q

    • nabalitaan ko nga eh. getwellsoon sa PC mo.
      yung picture, yung bata eh nasa balikat nung nanay nya na nagmek-ap sa kanya ng clown para sa karnabal.ü

      God bless!

  6. gOOD DAY TO YOU BRO. uTOY🙂

  7. UTOY in bisaya as in utoy utoy is rolling out laughing.
    Kala ko ganun yun, kasi you are full of jokes…

    Ang buhay seminarista as you described, is not that bad after all.
    Basta whatever we do, if we take humour always with the things we do, then the work is much lighter…
    especially the work for the TRUE GOD.

  8. haha. natawa naman ako sa iba’t ibang vesion ng pagpronounce sa pangalan mo.🙂 lalo na sa kapampangan version na walang H. haha.

    kuya utoy, hindi ka pala ga’nong proud sa cuteness mo no? wala lang, napansin ko lang, ang humble mo..haha. joke lang!🙂
    God bless!

  9. weeeheee!
    mas cute at mas cool ka ata yung utoy!
    hekhek!

    wala lang
    nakasanayan na aksi kuya utoy eh!

    at talagang binasa ko hindi ko kasi matanggap na purihin kang guwapo. hindi ka lang ksi guwapo cute pa.

    wapak!

    *paburger ka na kuya!* ang hirap din mambola ah!

    wapak!

  10. dami mong pangalan ahh! i mean daming pronunciation! naks naman buti ka pa!! congrats in advance sa pagiging datkomista mo!! ^^

  11. sosy pala ng pangalan mo, bro! nabi-visualize ko ang isang innocent-looking boy, curly hair, chubby cheeks na kumakanta sa choir.:D

  12. bruder utoy pa rin ako, naku naimagine ko tuloy ang aking batibot fave na si kuya bodjie sa iyo..

    kudos, kahit bz ka nakapagtag reply ka parin..ako kelan kaya, hehe..

    as usual, hataw iyong stainglass, pag nagkaron ako ng chance magsimba sa catholic church dito, padadalhan kita bruder..:D

  13. Sa brother utoy parin ako, santong santo ang dating! naks!

  14. Vergel pala hihi, at magiging datkomista ka na din sa June, weheyy. Tamang tama betdei namen yun ni Heleyna, owehanu naman??

    Wahahahah.

    *natawa ko sa Kuya Bojie, nacurious tuloy ako kung pano kamagsalita hehe.

  15. mas type ko po tawag sa iyo brotherutoy..cute ba…
    wala na akong masabi…nahihilo na kasi ako…humabol lang ako tulad ng mga milyon-milyon (asan sila) na fans mo..hehehehehe

  16. hayun o. malapit na rin palang maging full-time datkomista…tulad ko. ahehehe. pakiupdate na lang po link brother utoy. may nag-isponsorship din sakin sa datkom kaya ayun. nilisan ko na ang ssdd.i.ph. hehehe.

    congratz in advance! Ü

  17. Hindi kaya ang tawag sayo sa Kabisaya-an ay Bir-Hil. Me halong bakal kasi ang mga dila namin. : )

  18. smy brother utoy ang dami mong nicks.haha

    kuya bodjie,nasan na nga ba si ate sienna?

  19. naalala ko yung stainglass window ng parokya namin yung Our Lady of Guadalupe nung nakita ko itu may similarity kasi..hindi ko alam kung nandun pa rin yun eh..kasi naparenovate na raw..
    uso ang pinasusyal na name for instance: Lanie gagwing Lanz, dahil sa utoy ka kahit hindi ako susyal bet sana kitang tawaging UTS, kaya lang parang ang bantot..balik na lang natin sa bro.utoy kapita-pitagan pa..

    • saan ang OL of Guadalupe, lanz? sa makati ba yan? gusto kong dalawin.ü
      oo nga, medyo mabantot, pero meron nang mga gumagamit din nyan sa akin. at least ang Lanz, parang mercedez benz lang. mamahalin!ü

      God bless!

      • dun po yun sa Guadalupe Nuevo sa Orense st…hehehe
        cge dalaw kayo dun..maganda ang OLG ngayon kasi nirenovate na daw..sana hindi tinanggal ang stainglass window..antique na kasi yun sa sobrang katagalan..bata pa lang ako nandun na yun eh…

  20. hehe.. kuya bodjie este bro. utoy daming mong nikcname..🙂
    Congrats in advance sa pagiging datkomista ..

  21. sana kasama kita sa lamyerda ko. magsasawa ka sa stained glass windows. kumuha ako ng litrato. kung gusto mo, ipasa ko sa iyo para may dagdag kang maipi-feature. kuha ko sa super laking cathedral sa brussels.

  22. wow ang gaganda ng stained glass windows..

    pasosyalan na lang ng namesung hahahaha

  23. aba “My Cute Lil Innocent-looking Boy” pala ha…

    dahil dito parang nagsesecond thoughts na akong tawagin kang brother “utoy”…

    nyehehe!

  24. hahahahahahahahahahahahhaha!!!!! hindi ko alam kung san part ng buong blog ako natawa….

    mabait akong friend kaya hindi ako kokontra ever…. sabihin mo mang cute ka… gwapo ka…. macho ka…. agree ako! hindi ako eber kokontra.

    okay ba, Ver-Hil???

  25. akala ko utoy, kasi sa yung prof ko sa theo, utoy ang tawag sa lalaki na estudyante at amiga sa babae.. ooopppsss… joke lang….

    akala ko utoy ang tawagan ng pari sa estudyante nila…

  26. rhapsody ang stained glass window.
    utow’y me nakalimutan ka, brutoy, tawag ko sa yo, hahaha! keri na tong ego tripping mo. (kumidlat sa labas, anlakas ng ulan!)

    Vergel=Latin: Rod bearer

  27. actually, Verger ang latin bearer. kaya nga naging sleazy ang meaning ng Verge eh.ü
    Vergel is more of spanish origin, example: Vergel de Dios, meaning “Orchard of God” which actually points to two biblical image, the Paradise and the Gethsemani. Equivalent names will be Sylvan and Pépinier.

    ok naman yung brutoy.ü
    God bless you, Roni!

  28. Oh my gulay. Umpisa pa lang humagalpak na kaagad ako ng tawa. Puriin ang kagwapuhan sa comments kung ayaw magbasa eh. Wahahaha..

    Virgel ka pala huh? Ganda ah.. Pero parang na-imagine ko tuloy ikaw kung paano ka magsalita doon sa Kuya Bodjie. Wahahah..

    Okay lang po kahit di ka maka-blog hop Kuya Utoy. We’re still here for you. Hihi.

  29. galing naman ng mga stain glass na yan! sarap naman ng life mo..papasyal pasyal lang sa ibat ibang sulok ng mundo

  30. aha! vergel pala,eh. haha!

    *stalk.stalk*

  31. so kuya Vergel pala! Hahahha.

    Nakakatuwa naman real name mo!! Medyo nakakatuwa rin ung pagkakasulat. Weeee. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang pangalan kaya tingin ko ay maswerte ka dahil unique ang name mo! Naks bro. utoy! =)

    At syempre pa maswerte ka dahil ang daming pronunciation sa name mo. Kumbaga sa kanta, madaming ng revive ng iyong simpleng pangalan. Sosyal!

    p.s
    may bago na pala akong bahay. click mo nalang ung name ko. -pinayblogera.

  32. VERGEL – hehe dito pala nagsimula yung Verge kaya pala nagtataka ko bat parang girly yung dating nung Verge eh galing pala sa Vergel…hmmm parang Ace Vergel. wahaha

    VIRGEL – pasaway talaga nagsusulat sa mga birth cert..nangyari din sa tatay ko yan.

    VERGE – potek! ngayon ko lang nalaman meaning nun! Astig pala..hahaha..pang anatomy ang dating!

    BABE, TWIT-HART, TEACAKE – at ako yung tumatawag sayo ng babe diba? lol

    BROTHER, BRO, BRAD – hmm generic parang paracetamol o ibuprofen?

    VMD – uyyy ako naman ADB hehe

    KUYA BODJIE – naks! peyborit ko pa naman si kuya bodjie..hmm narinig na kitang magsalita eh sa video ni rev. Hawig nga wahaha

    KUYA UTOY – Congrats dito kuya!! Sana matupad. Paberger ka ha!

  33. hahahahahahahaha…natuwa ako sa Verhil! IFM, natawa ako sa comment mo… kuya ayos yan ah?

    aabangan ko yang pagiging dotkomista mo…hehehe

    Happy Easter!

  34. hi cute lil innocent looking boy😆

    napadaan lang at namiss ko na itong bahay mo… ala bang crepe? hehehe ^_^

  35. bro. utoy salamat sa pagdaan mo haus ko at pagbati mo. kahapon pa berdey ko. ngayon ko lang naipost yung entry dahil ambagal ng lin**k na net ko. ahahaha!

    ay churi po… Semana Santa na pala… um, um *sampal labi*

  36. Bro.. enjoy ako dun sa pronunciation ng nephews mo noong toddlers pa.. BHI-EY, hmmm…. Parang alphabet lang… bhi-ey-c-d-e-f-g! hehe at yung inay at tatay mo.. malamang nakaka sampung tawag na sayo at pasaway ka lang talaga kaya naging BIRRRHHEEYYLL… roawr… tsk tsk.. sabi na nga ba pasaway ka rin nun bata eh! Sige uwi na….

    GBU po!

  37. ahh kaya pala utoy…

    vergel? bagay din…. tunog virgin… hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: