Medyo Nagmahal na Araw

Di po ako Hiatus Mode.  Wala lang po talaga akong ganang magblog. At wala rin po kasi akong maisulat ng matino.   Parang ayoko nang magblog muna.  Pwede po ba?

* * * * *

 

NANG MAHATULAN ANG ANAK NI ALING MARING

 

Eyewitness ng isang Miron

Tingnan mo nga nama’t lubog na ang araw.
Start na ng Sabado, bawal nang magtrabaho.
Malay ko bang aabutin ng hapon ang bitayan?
Aba eh nakakapaos ding maki-cheering kasama ng mga pari,
Yung sundan ang parada ng kriminal palabas ng kabayanan,
makisabay sa mga sundalo, sa mga crying ladies, sa mga miron…
Yung bitayan?  Nyemas, daig ko pang nanood ng isang gladiator match.
At may touching moments kasi andun pa mismo ang nanay nung isa. 
Bad trip nga lang, kasi parang may mali, pero parang tama.
Parang may something unfair na nangyari pero walang tutol yung nanay.
Ewan ko, ordinary weekend lang naman ito
pero feeling ko, di ko na mahintay ang Linggo
para makarinig naman ng magandang balita.

Ang Sabi Naman ni Mon

Kung mamalasin nga naman.
kung kelan bagong laba ang damit ko,
saka naman ako na-gudtaym ang mga sundalo.
Di naman ako tagabayan, ako pa ang minalas mautusan.
Nawala ko tuloy yung pangpyestang grocery list ni Misis:
lamb chops, thyme, rosemary, balsamic vinegar, etc.
Magagalit yun kasi late na nga akong uuwi,
di ko na nabili ang bilin nya,
at heto’t may mantsa pa ng dugo ang damit ko.
Sasabihin na naman nun, creative ang alibi ko.
Sinong maniniwalang naghatid muna ako ng akusado hanggang bitayan?

Kadramahan ni Elaine

Ngayon pa ba ako mahihiya?
Eh matagal na akong itinakwil ng bayan na ito.
So maglupasay man ako kanina,
umatungal na parang bata,
wala silang pakelam.
Masakit kasi eh, kung alam lang nila. 
Minsan na nga lang may nagmahal sa akin,
nawala pa.

At si Gio, Bata pa Talagang Mag-isip…

 Si Idol talaga, kahit kelan, rebelde.
Alam na nga nyang galit sa kanya ang mga pari, ang mga militar.
Alam na nga nyang yung mga tao, nag-rereact na,
sige pa rin sya ng sige sa pagsasalita in public
tungkol sa pagbabago ng lipunan,
tungkol sa kung ano ba talaga ang mahalaga,
tungkol sa kung ano ba ang tama…
Hayun tuloy, napikon yata ang mga higher ups,
ipinadispatsya tuloy sya.
Si Idol talaga, dinakip na’t na-torture,
puro sa mga pangarap pa rin nya ang sinasabi.

Pero sige, Idol, sa akin muna ni Mommy mo.
Tutal, para ka na ring isang tunay na kuya sa akin.

 

Pabulong-bulong lang si Aling Maring

Anak… Anak…
ang aking anak…

Ang Bulong Naman ng Diyos

Anak… Anak…
ang aking anak…

* * * * *

Next time na lang ang stainglass windows dahil wala nga akong ganang mag-explain ngayon.  Basta nililinaw ko lang:  di ako hiatus.   D i ko lang talaga trip magpost.

God bless and may every one have a blessed observance of Lent!

57 Responses

  1. ako ata ang una… hehehehe

    seryoso ang blog… naka-holy week mode na.
    …don’t worry, we’ll wait for the next blog(s).

    God bless and a meaningful week ahead to you and all your readers.

  2. gee. holy week mode on.😉

    2nd!

  3. it’s time na magmunimuni muna,hehehe…

  4. may malalim na kahulugan ang mga kwento…

    isang makabuluhang paggunita ng mahal na araw din syo Bro. Utoy..

  5. holy week muna tayo…
    pati ako nitatamad din magblog eh.
    kaso ngayong bakasyon lang ako makakapagbabad kaya nilulubos lubos ko na…
    hakhak!

    huwag ka tumgil magblog kuya utoy!
    huwag!

  6. nagtatanong ka kung pwede??? eh kung ang sagot ko eh hindi…..papayag ka ba??

    hmmp ka din..pareho na kayo ni rev na nanahimik!

    oist balik ka agad ha….

  7. kung ako sya
    ayoko ng malulungkot ka
    pero sabi mo nga
    nakikiramay ka lang
    sumasama sa aking naging pagdurusa

    pero anong magagawa ko
    iyan ang nais mo
    hanggat maaari lang naman
    ako na lang, wag na ikaw.

    pero ako’y napahanga
    sa laman ng iyong diwa
    nasa isip mo rin pala ako
    inibig at dinakila!

  8. Okay lang po yan Kuya Utoy, hinde talaga maganda magblog pag walang gana, baka kung anu-anu masabi.

    Holy week mode na ang kwentong ‘to.

    Godbless you po. Have a blessed holy week, balik pag may gana na.🙂

    *mwahugggs

  9. Kapatid,
    The best prayer daw comes from a soul who persists in praying even if his being is bent towards the opposite…🙂

    Ganun din yan sa ibang bagay… maski sa blogging. For me, this is really your creative trademark – naalala ko tuloy yung iba, like Maja and Donita…🙂

    Pero hindi ko lang magets si Elaine, unlike Simon of A., and Johnny Boy…🙂

    Let’s look forward to the hope and glory that Easter brings!

  10. For me silence is the best prayer. Alam ni God kung ano talaga kasi kung ano hinihiling ng puso mo. Naks! ^_^

    Happy Easter sa inyo….😀

  11. A blessed Holy Week!🙂

  12. God bless din, Bro.

  13. ano ba ito bruder, hangong linya mula sa pasyon, ?😀

    naku, ibang klase ka palang maghiatus mode ano..lumalabas ang mga pamatay mong saknong..

    rgds,

  14. wala ka pang gana nyan at wala kang maisulat na matino brother utoy ha..hehe

    have a blessed holy week

  15. anak ng. seryoso ka?
    ayaw mo mag-blog?
    paano iyan? mami-miss mo ako.
    wawa ka naman. tsk.
    🙂

  16. Ah.. Si Mary Magdalene pala at ang kanyang anak.

    Sige po Kuya Utoy. Rest ka na muna sa blogging kung gusto mo po. Maiintindihan naman namin. Mami-miss ka nga lang namin. Huhu..

  17. hmmm type ko tong post na to.. di ko alam kung gusto kong maantig o gusto kong matawa… at pinamodernize pa talaga ang pangalan ni mary magdalene–Elaine… nice one… ewan parang creative siya sakin…

    oo nga pala nasend ko na yung entry ko sa email nyo po… at ewan nacocornyhan ako kaya kung may ayaw ka, pakisabi na lang po.. cheers;p-glesy the great

  18. god bless sayo utoy at alam kong pangilin na naman kaya ganyan ang mode mo

  19. sa lahat ng walang ganang mag-blog, ikaw ang may laman pa rin kung sumulat. at may humingi ka pa ng permiso ha? sa tingin mo naman ay papayag ang mga readers mo na huminto ka? siempre… HINDI! *bleh*

    jowk! of course, you can rest anytime you want bro. uts. wala naman makakapigil kung gusto mo talaga db? basta pag feel mo na, balik agad🙂

    kawawa naman si aling maring… kasi tayo eh…

  20. kaganda naman nitong modern pasyon…swak sa panlasa ng mga miron ng new generation…..salamat naman dito utoy!

  21. di ko binasa. namiss lang kita kaya nagcomment ako. hihihi!

  22. Have a blessed Holy Week kapatid! Godbless!

  23. okay po ang pasyon mo.

    a blessed holy week po sa ating lahat

  24. Have a blessed week Bro…

  25. hello bro utoy! naalala ko yang stained glass window mo nung nag-graduate ang anak ko. i took a photo din. via crucis naman ang theme ng stained glass.

    happy easter!

  26. kakaibang version ng pasyon. may dating!

  27. hahaha! Astig!!!!!

  28. Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..

    ^ ^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: