How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster.

And so, nagdahilan muna ako sa misis ko, este, sa blog ko na may trabaho ako out of town.  Sa bahay ng mga pari… sa probinsya… sa tuktok ng bundok…  kahit saan basta malayo’t walang internet access.   Iwan ko muna sya sandali.  Ang di nya alam, gusto ko lang hanapin ang sarili ko (nyaks, ang corny.  parang nawawala sa sarili lang.).

At yun, lumarga nga ako sa malayo.  At para mainggit kayo, heto ang hitsura ng pinuntahan kong bahay ng mga pari sa mabundok na probinsyang malayo at walang internet access.

img_49852

Kuha ko yan nung namundok kami ni Brigitte sa Mt. Gargasse kung saan muntik na akong himatayin sa lamig at pagod.  Anyway…

Basta yun na nga, sa bahay ng mga pari sa probinsyang malayo at nasa tuktok ng bundok kung saan walang internet access, namalagi ako ng apat na araw.  Akala ko, matatahimik na ako pero nooooooooooooo… may naabutan akong 260 school kids sa retreathouse na parang sadyang nilagay ng tadhana doon para lang guluhin ako.  What’s worse, pinag-adult monitor ako ng kaibigan kong pari kasi kulang sila ng tauhan na magbabantay at mag-aanimate sa mga bata.  Ugh.

On the fourth day, habang reflect-reflect mode ang mga bata eh nakapuslit ako’t nakapaglibut-libot.  Sa isang sulok ng bahay ng mga pari, nakita ko sya.

img_5281

img_5282

Sya si Thérèse.  May kung anong kinakalikot si Thérèse.  Akala ko, nagbuburda sya.  Sinabi nya sa akin na gumagawa sya ng traditional French lace. 

img_5283

img_52841

Na-curious naman ako.  Sa abot ng aking ala-ala, wala akong natatandaang gamit ang lace kundi pamburloloy sa damit panloob ng mga babae.  At kung ang lace ay para lang sa ganung klaseng saplot, napaisip ako kung anong panloob ang pinaglalaanan ni Thérèse ng kanyang cross-shaped lace.  Hmmm…

Moving on, madaldal si Thérèse at ang kanyang French ay punong puno ng patois (local dialect na di ko alam salitain) kaya naman tangu-tango lang si Utoy sa mga explain-explain ng matanda.   Gayun pa man, si Thérèse ay isang propeta.  Matapos syang magkwento tungkol sa mga ginagawang lace at kung paanong ito ang passion nya, tinanong nya ako:  May passion ka ba?

img_5285

May passion ka ba? Agad kong naalaala ang commercial ni Iza Calzado kung saan nagsasasayaw sya sa ibabaw ng mesa habang may isang balbas saradong model ang nagkukunyaring marunong mag-gitara.

img_5286

May passion ka ba?  Lumitaw sa mukha ko ang larawan ng classroom ni Miss Labay noong first year highschool ako habang inuurirat namin si Holden Caufield sa nobelang Catcher in the Rye. 

img_5287 

May passion ka ba?  Biglang bumalik sa akin ang imahen ng aking Novice Master na mahilig magbato sa akin ng mga retorikal na tanong na mas mahirap pa sa mga koans ng Buddhist monks. 

img_52881

May passion ka ba?  Umalingawngaw sa akin ang tinig ni Dewitt Jones, isang National Geographics photographer na nag-inspire sa akin na pumunta sa Hidalgo, Quiapo upang bumili ng isang mumurahing point and shoot camera dahil parang trip ko ring maging photographer tulad nya.

img_52891

May passion ka ba?

Dahil nakakahiya namang pinupog ko na sya ng pictures eh wala akong gagawin in return, sinagot ko ang tanong nya.  Meron naman po, sagot ko.  I eat and sleep with passion.  hehe…  Tawa naman ang matanda.  Then she showed me a finished work.  Isa ulit lace na cross. 

img_5311

Sabi nya sa akin, inabot sya ng tatlong araw sa paggawa ng isang palm-sized cross na yun.  Pero ok lang.  Magkanduduling sya sa kakatitig at manakait man daw sa rayuma ang mga daliri nya, di nya bibitawan ang paggawa ng lace.  Kasi iyon daw ang kanyang passion.  Oo, alam nyang mas maganda ang mga machine-made laces pero walang katumbas ang ligaya nya sa mga nagagawa nyang mga obra.   Sabi nya sa akin, nagdarasal sya habang gumagawa ng lace, at ang bawat obra nya ay sumisimbulo sa tugon ng Diyos sa kanyang dasal.  Para sa kanya, tulad ng kanyang laces, laging may maganda at nakapagpapangiting sagot ang Diyos sa bawat dasal nya.

img_5310

Deepness.  Napaisip tuloy ako.  Ano ba ang passion ko?

Hmmm… mag-blog, magpicture-picture, tumugtog, kumanta, magblog, magcollect ng pictures ng stainglasses, mag-experimento sa pagluluto, magblog, magdasal, magsulat, mamundok, magblog…

Nagdatingan na ang mga bata.  Si Thérèse naman ang inabala.  Nagpasalamat ako kay Thérèse at iniwan sya sa piling ng mga bata. 

img_5300

img_5301

img_5296

 Sa mga oras na yun, parang ang gaan ng pakiramdam ko.  Parang gusto kong bumalik na sa bahay.  Andun kasi si Misis, este, ang blog ko.  Alam ko, hinihintay na nya ako.  Ako naman, excited na akong muling makita sya…

Happy Easter sa lahat!

* * * * *

Sa aking next post, nag-invite ako ng celebrity guest blogger.  Abangan!

God bless!

65 Responses

  1. Dahil Easter na… dapat unang maka-base.
    BUONA PASQUA kapatid!

    Na-miss ko ‘to!

  2. So, nagpaturo ka ba sa kanya na gumawa ng traditional French lace?

  3. Isa pa!…

    Na-miss ko talaga ‘to…

  4. Passion…

    Passion…

    Passion…

    ‘Yung dasal na pakanta ‘pag mahal na araw?

    Toinks!

  5. Last na talaga Utoy…

    Na-miss ko lang talaga ang makauna sa base-base-an!

    Announcement:

    In less than 24 hours, puwede na akong kumain ng chocolates, ice-cream, etc etc….
    {parinig po ito sa mga hindi manhid}
    For FedEx delivery my address is:
    Viale di San Paolo, 18
    00146 Roma, Italia

    YAHOOOO!!!

  6. Nice to see you back Utoy.

    Passion? Napaisip din ako diyan. Ano ba talaga ang pasyon ko sa buhay? 😀

    Off-topic:
    Were you a staffer of “The Nucleus” before?

  7. hahaha! si rev hindi masyadong obyus na namiss nya ang pagcocomment…

    lapit na easter!!

  8. nanginginig na rin akong humawak at ngumasab ng maraming maraming maraming choknat!

    ayos. dahil kay manang teresa, bumalik ang passion mo. pwede ka nang ipako sa krus bro! ehe.

    ako di ko pa din alam passion ko. siguro kasi, bata pa ako at magulo pag-iisip ko. soon. soon.🙂

    happy easter. o.0

  9. wow. kahit ako napaisip ako roon. at pag nag-iisip ako, sumasakit ang ulo ko. kasi hindi sanay mag-isip ang brain ko. rarely used.

    passion. hmm. picture picture. sulat sulat. more sulat sulat. biyaheng baliw. walang plano at walang kasama madalas.

    dapat yata, mag-apply na akong travel writer.

    salamat, napaisip ako. makes me think of what i want to do next.

  10. i had to stop what i was doing…kase kelangan ko mag-concentrate sa napaka insightful na post na ito🙂

    seriously, my passion is to love God and His people

    naks, parang hinde naman seryos eh hahaha

    ps, ang galing ni Therese!

  11. ay..may passion ka nga ba? haha.🙂 napaisip din ako dun.

  12. Happy Easter, Bro Utoy! As usual, hanga na naman ako kung paano mo naipag-kabit-kabit sa isang makabuluhang kabuuan ang passion, paggawa ng lace at blogging – idol talaga!

    Eto po ang aming munting Easter greetings:

    http://chinois972.wordpress.com/2009/04/11/sss-149-easter-wishes/

    Salamat uli sa pag-inspire sa maraming tulad ko dahil binalikan mo na ang iyong “misis”.😉

  13. Hapi Easter syo Bro Utoy! Peace be with you always..

  14. Happy EASTER Sunday Bro.Utoy! Passion? ako passion ko mag-internet,kumain at matulog.bwahaha

    Ang ganda naman ng obra ni Therese. Namiss mo siguro misis mo noh? I mean si blog.

  15. Happy Easter sa yo Bro Utoy at sa yong community dyan…

  16. Happy Easter!

  17. bro utoy, pangarap kong makapunta sa ganung bundok , makipagbatuhan ng yelo at gumawa ng snow man.

    ang lalim nung pinag-usapan nyo. hindi ko madigest.

    happy easter!

  18. happy easter brother utoy!

    excited ako sa celebrity guest blogger na yan! sino yan???

    si marian ba yan? go marian!😛

  19. Happy easter brother utoy! Godbless!!

    Uy, namiss ko din ang base base na yan ha, kahit bihira lang akong makabase lalo na sa bahay mo, hehehe..

  20. Gagaya ako kay Rev,

    *isa pa..

    Ang ganda nmn ng pag uusap nyo ni therese, napakameaningful. Napaisip tuloy ako, ano nga din ba ang passion ko? hmm.. something to think about…

    Parang ang hirap gawin ng lace, wala pa nmn akong tyaga sa ganun, baka maitapon ko lang kapag nagkabuhol buhol na! toinks!

  21. Aba, ang galing ni Therese! Bilib din ako sa kanya kasi talagang itinutuloy niya yung passion niya.

    Minsan talaga lahat naman siguro ng bloggers dumadaan sa phase na ganyan, but I think talaga na meron talagang taong born to blog hahaha. Minsan kasi some people like the hype and all the collness of blogging so they start thir own site which they end up abandoning sooner or later. Pero merong mga kahit nagpapahinga sandali, kahit minsan konti lang mag post, ang dugong blogger ay nananalaytay. Madadaldal na tao kasi yang mga bloggers and they make such good company, kahit online lang.

    Ang passion ni Teacher Kat? Magturo. Magturo. Magvolunteer. Magblog na rin.

    Cheers Bro. Utoy!

  22. Happy Easter Kapatid…!!

  23. yayness! :]

  24. brother utoy, nahanap mo na ba ang sarili mo? kung oo, ano namang sabi nya sa yo?😛

    happy easter!

  25. Andito na naman ako, hehehe…

    Magbabakasyon ako sa pinas this 15. May pacontest akong iiwan sa blog ko. Sali ka ha!

    Godbless!

  26. Happy Easter Bro. Utoy! GBU!

  27. muntikan na akong magtampo.. buti na lang hinabol mo.. ahaha… nakulit mo na ba si revsiopao? excite na ako…

    gusto ko yang lace na yan, parang bagay siyang pamborloloy sa damit pangloob ko.. nyaahahaha.. jokeness

    passion? as of now hinahanap ko pa ang passion ko…. tulad na talent, wala rin ata akong passion….

    shhhh.. wag ka ingay ha balak kong isara na ang blog ko at mag-full pledge guest blogger na lang ako para walang maintenance….
    celebrity? sino yun? may isa ka pang guest blogger? cheers;p-glesy the great

  28. andun kaya si papa god sa tuktok ng bundok na pinuntahan mo brother utoy? paki-hi na lang po ako sa Kaniya. hehehe.

    happy eggster! hakhak!

  29. happy easter kuya utoy! iba pa din kung gawa ng mismong kamay mo ang art, syempre iba na kapag machine no. ang galing naman ni sis Therese ano? gusto ko siya matutunan pero sa tingin ko ndi ako ganun ka tyiaga pagdating sa mga bagay na yan, basta keep on blogging para di magtampo ang misis mo este blog mo sayo ^^

  30. Wow.. di ko inexpect na cross ang ginagawa ni Ms. Thérèse, naisip ko din tuloy ano nga rin ba passion ko? Hmm… mangulit, mambwisit… haysss… BAD TINA!

    Neweis Bro, bait naman ni misis mo.. handa maghintay sa pagbabalik mo.. Hmmm… buti di ka napikot sa pinuntahan mo? Tsk tsk… üü

    Nawawala ka sa sarili mo? Selfless? hehe

    GBU po! Happy Easter Bro!

  31. happy easter bro.utoy! >:)

  32. happy easter kuya hehe napadaan po ..
    ang ganda po nung lace muka nga po syang mahirap gawin pero kapag natapos parang ang saya,kasama ang dasal..

  33. hapi Easter bruder..

    thought like this completed my reflection… may u too, like therese’ prolong and keep up your passion in everything u doo.. and u amazed us everytime u find time do so..

    remember that were not just amused with your each & every story..were blessed, and inspired to do ours in return…

    thanks for ur share of eye opener for the lenten.

    ps: naku, mas maraming matutuwa pag sumama ka next time magpakodak sa mga subjects mo.
    😀
    oh i luv ur dramatic use of sephia

  34. Nakita ko ang mga pamumunodk fechurs mo sa peysbuk Kuya Utoy, parang gusto kong lumipad at dun na ang tumira hayyyst.

    Ang galing naman ni Lola Therese, sana nagpaturo ka din panu gumawa nya tas gawa ka video tas post mu dito wehehehehe.

    At napaisio din ako, anu nga ba ang passion ko? Anu nga ba? hanggang ngayon dinidiscover ko pa din kung anu talagang gusto kong gawin, basta ang alam ko I’d like to do everything for God’s glory. Yun na!

    Namiss ka namen Kuya Utoy!

    *mwahugggs*
    ~Joycee

  35. happy easter, brother utoy!

    ikaw naman, hindi lang naman pang anderwer ang lace sosmaryosep ka. ahaha

    iyong mga patungan ng mga maliit na abubot namin sa bahay dun sa davao mga lace rin. ang kurtina, pwedeng lace rin. kaw talaga.

    hindi ako naiinggit sa pinuntahan mong lugar dahil nakita ko yung lalim ng yelo. no way. allergic ako sa snow dahil lamigin ako. ahaha

    hmmm parang sinabi mong kaming mga misis ay mabunganga at demanding at hindi eksayting? *giyera na to* ahaha

    na miss kita bro utoy.

  36. braddddeeerrrrr…. napansin ko lang… ba’t di mo sinama ang kumain dito:

    “Hmmm… mag-blog, magpicture-picture, tumugtog, kumanta, magblog, magcollect ng pictures ng stainglasses, mag-experimento sa pagluluto, magblog, magdasal, magsulat, mamundok, magblog…”

    asan ang passion mong kumain dyan??? hmmmm…..

  37. Happy Easter Bro u! GOD BLESS!

  38. 2009 Easter Greetings mula sa Tropa ng mga Exodians!

    Ung IBONG MALAYA na nag hop blogging, may sakit daw… BIRD FLU DAW. Sa sobrang pagod siguro sa MALAKING PRODUKSYON sa SEMANA SANTA…nagkapuliki sa tahas nga gihatag…

    Hey brad! nag pa-check attendance lang dinhi sa imong BASILICA! sa pagtuo.

    Padayon…

  39. nice entry! ang galing!

    may passion kaba….. diba passion din ang pag ba blog… be proud of it! kagaling galing eh! hindi naman lahat kasing galing mong magsulat kaya wag sayangin brother utoy!

    ooops! pa promote dalaw ka dito ha topexpress thanks!

    happy easter! (from middle east) haha

  40. ang ganda, bro utoy kumuta ka na ba, di ka na namamasyal s bahay ko… miz u na!

  41. Happy Easter Kuya Utoy! God bless…

  42. Happy Easter!

  43. hi kuya utoy namiss kita!….pa kiss nga po………mwuah!

    kuya utoy napadaan lang po ako para magpagansilyo ng medyas at isama mo na rin po ang sapatos ko.ganito pala ang magpapako sa krus slash maging abu sayaff…lolz!

    (di muna me magba-blog nakikibasa na lang ako ang hirap sa bundok walang papel este internet…wahaha)

  44. Bro Utoy, kahit ako eh medyo nasa satge na yon ngayon. I love blogging but medyo napagod din ako sa kanya. Thanks to your post eh sana mabuhayan ako ulit.

    By the way, salamat pala sa Easter greeting mo. Hindi na ako naka sagot kasi ang dami din naming ginagawa the past few weeks.

  45. magkakarugtong talaga ang bituka ng bloggers noh. pag nagkasakit ang isa, halos susunod na rin ang iba. at pag tinamaan ng pagkaumay sa blogging ang iba, ganun na rin ang iba pa. pero buti na lang at andyan pa rin ang passion mo for blogging.🙂

    nakakatuwa si therese at kung paano niya pinahahalagahan ang kanyang passion. naniniwala ako na anuman ang nais mong gawin sa buhay, basta binigyan mo atensyon at buong puso mong ginawa, lalabas na isang obra maestra🙂

    God bless bro. uts!

  46. kung si rev ang una ako na yata ang pinaka last..yeheyyyy last ako,hehehe!!

    ang ganda naman ng ginawa nya…ngayon pa lang eh kailangan ko na ding matututo nyang mga gantsilyo na yan at alam kong tatanda akong mag isa….next year nga eh bibili na ako ng rocking chair at mag aaral ng pagagantsilyo at yun na lang ang kakalikutin ko pagdating ng panahon….

    hindi na ako babati ng happy easter at tapos na…merry christmas na lang para kahit don man eh makauna ako,hihihi

  47. Naks! ansarap basahin ng first part nai-imagine ko tuloy kung anong itsura ni kuya utoy kung may asawa at sino kaya ang masuwerteng si ate utoy ahaha.

    Weyt!

    “Umalingawngaw sa akin ang tinig ni Dewitt Jones, isang National Geographics photographer na nag-inspire sa akin na pumunta sa Hidalgo, Quiapo upang bumili ng isang mumurahing point and shoot camera dahil parang trip ko ring maging photographer tulad nya.” <– pangarap ko din to kuya..as in!!

    Ganyan pala paggawa ng traditional lace, astig! yung gansilyo nga parang napaka-kumplikado para sa kin yan pa kaya. Napa-isip din ako sa passion passion na yan. Mukhang kelangan ko uling mag-reflect.

    Salamat sa post na to kuya, ganda ng pagkakasulat, with the pics and the message. Para na namang article sa magazine haha. Magkano ba one year subscription?

    Goodluck sa passion nating lahat. Ingat ka palagi kuya!

  48. hay namiss ko din ang pagcocomment dito sa bahay mo brother utoy..

    haisst napaisip din ako sa passion passion na yan..passion na ba ang pagluluto?dun kase ako magaling eh..hehehe

    namiss ko talaga kayo nila rev brother utoy..natatawa nga ako kay rev nasabik sa pagcocomment..hehehe^^

    god bless po and ingatz

  49. I have the same feeling. its like christmas lights, on and off. pero ika nga, when you place blogging in the sphere of public service and a passion and not as an obligation, the feeling goes away.

    Siguro naman kapatid mas nagger ang blog ko, kasi biruin mo dalawa sila sa buhay ko, may pang 3rd, 4th at 5th party pa na darating haha. I post everyday, mas nakakapagod yun sa utak. sometimes I just sleep because the headche is getting worse. But because there is a higher cause in blogging (ala mo na yun), I try to enjoy it as much as I can.

    Magkaiba naman tayo ng suituation kasi ako I have all the time, ikaw busy ka sa formation mo. Take it in strides kapatid.

    Heto lang ako, nakiki sabay sa alon hehe.

    Pax et Bonum tol… and yes, Susan Boyle is saying something to me.

  50. wow ang sarap dyan brotherutoy!

    gusto ko rin ng snow..awww

    sensya ngayun lang ulit nakadaan.sobrang busy sa family bonding dito sa KL. :p

  51. wow. ang galing ng pagkakagawa naman ni ms.therese. kapag may tyaga nga naman e kita mo naman may isang magandang krus na nabuo. labor of love pa. adorable siguro iyan si ms.therese🙂

    nahuli na ata ako sa ost na to kung anu pa naman nung easter nag spend lang kame ng bonding ng family ko at syempre sabay2 nagdasal. nagyon nasa dubai na naman ako at eto balik work.🙂

    bro utoy hello, si dioniscio to baka di mo na ako kilala🙂

  52. buti na lang at bumalik ka na sa misis mo..🙂 este sa blog mo po..😛

  53. uy napadaan lang. friend ako ni friend mo.
    aliw naman itong blog mo…
    mukhang mapapadalas bisita ko to catch up….
    yup. again. aliw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: