Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger)

Para sa post na ito, naimbitahan ko si Glesy the Great na mag-guest blogger sa akin.  Na-attain na po ni Glesy ang celebrity status sa Pinoy blogosphere bilang guest blogger ng mga bigating mga Filipino datkomistas at wordpress bloggers.  At kung ayaw nyong maniwalang sikat si Gles, heto po ang list of more popular guestings ni Glesy in chronological order:

1.   HALLOWEEN SPECIAL BY GLESY THE GREAT (for Azrael)
2.   GLESY THE GREAT’S OWN VERSION: THE STORY OF NATIVITY (for Heleyna)
3.   GLESY THE GREAT’ VERSION OF BEAUTY AND THE BEAST (for Joycee)
4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared)
5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay)
6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit)
7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj)
8.   HE SAID, SHE SAID (for Kirksydney)
9.  TONG TONG PAKITONG KITONG (for Lhay)

Ang especialty po nya ay humor posts, with a heart and a brain.   At kung hanggang ngayon eh di mo pa rin kilala si Glesy d’Great, well.. bahala ka, di ka cool.

Syempre, gusto kong makasama sa prestihiyosong listahan na yan kaya na-Fear Factor ko po si Glesy sa aking Bulaklak Post Challenge.  Napakarami ko po kasing mga bading na bading na litrato ng mga bulaklak na di ko naman maipagmalaki dahil di ako makapagsulat ng post about flowers, without any reference to human female anatomical parts.  Kaya kinailangan ko ang wholesomeness at expertice ni Glesy para maiparada ko naman ang aking mga pantashtik fikchurs oph plawersh nang hindi nawawala ang “for the whole dysfunctional family” factor ng blog ko.  Kaya para sayo, Glesy, maraming maraming salamat.  Kailangang i-schedule na natin ang date natin pag-uwi ko sa Pinas.

Anywey, tama na ang dakdak, Utoy.   Let’s hear it from Glesy!!!

Ako po si  Glesy the great  … ang guest blogger ni brother utoy para sa araw na to… Nung magparinig sya na kelangan nya ako para mag-guest dito… Umalog ang ihi sa pantog ko sa kilig… pero nung sinabi nyang tungkol sa flowers… Bigla naman akong natuyuan ng dugo sa utak…  Brother utoy, kung di ka lang malakas sakin bukod sa gwaping ka tsk eh ayaw ko ng magsalita dahil baka bigyan kita ng kondisyon na pakasalan mo muna ako… nyahahaha.. At para sa mga readers, cheers;p 

img_1228Naalala ko noon, sabi ng titser namin magdala daw kami ng bulaklak para sa birthday ni Mama Mary.. at dahil malakas sakin si Mama Mary eh kinalbo ko lahat ng natanaw kong bulaklak ng kapitbahay namin habang sinasabi kong “flowers for you” kay Mama Mary.. yung iba pa nga kulang na lang ugat at lupa, carbon copy na sana ng flower arrangement ng buong hardin ng kapitbahay namin… at yung iba, pwede mo pang itanim pagkatapos kasi pati ugat dinamay ko na… img_5515kaya naman nung time na para magpasikat, di ko na mapigilan at gusto ko ng sumigaw ng “its party time!!!”… buong giting at excited with a sleight of my hands ko pang nilabas ang mga bulaklak na walang nginig kong kinidnap para ialay kay Mama Mary… pero, yun nga lang………

wala pang 5 seconds natuyuan agad ako ng laway sa nakita ko dahil nagmukha ng inadobong kangkong ang mga ninakaw kong dati ay mamasa-masang bulaklak na kadi-dilig pa lang ng mga dating may-ari…… lahat ng pag-iwas ko sa mga asong laging excited kagatin ang pwet ko pag dumadaan ako sa kalsada na yun, ewan kung bakit eh naghuhugas naman ako ng pwet (gusto ko na ngang mainsulto)… lahat ng matandang may hawak ng walis tingting na hindi magbabaka-sakaling ibato sakin pag nahuli ako… ang pagtitiis kong isukbit ang bag kong amoy lupa at lumot na… na wala pa ako sa school eh magkasing-amoy na kami ng bag ko… img_5570na di pa ako nakakapasok ng room eh biglang may nagsalitang classmate ko na “ano yung mabaho?”… na tapos na ang school year pero amoy lupa at lumot pa rin lahat ng gamit ko… LAHAT.. Lahat ng iyon eh biglang nagunaw… di lang siya lanta, mukha na rin siyang tinirintas ni Sisa dahil sorry naman, wala pa akong kamuwang-muwang noon sa the beauty of flower arrangement… kung lalagyan mo ng lastiko yung mga tangkay ng bulaklak ko eh pwede mo na siyang ihilera katabi ng mga pechay at puso ng saging sa bangketa para ibenta…  PRAMIS.. walang diperensya…

Hindi ko na lang inalay kay Mama Mary kasi nakakahiya namang yung bulaklak ko lang ang kulay brown at may amoy na pagdududahan mo kung bulaklak nga talaga kasi parang pinitas lang sa Payatas… img_5340Dinaan ko na lang sa taimtimang pagdadasal ng rosary kasama ang paghingi ng tawad sa mga nalantang bulaklak at na sana ay di nila mahalata na kami ng bag ko yung mabaho…

LESSON LEARNED: the end does not justify the means… ano mang bagay na masama eh masama talaga and SURPRISE! SURPRISE! Mabaho rin pala siya…

Yan ang mga kwentong bulaklak na di ko malilimutan bukod sa binigay sa kapatid ko na bulaklak na kahawig ng halimaw at amoy na parang kahit ata tenga at mata mo maaamoy na mabaho siya…

img_5607Aaminin ko hindi ako magaling sa pag identify ng mga halaman.. Kung hindi pa namunga ng prutas na mangga yung puno sa likuran namin, di ko pa malalaman na puno ng mangga pala yun… Kung hindi pa gagawing bling-bling sa santo at sa newly grads, di ko pa malalamang sampaguita pala yun… img_5571Kung hindi ko pa matitikman na masarap pala siyang sipsipin, di ko pa itatanong kung anong pangalan ng santan.. Kung hindi pa siya gagawa ng bubbles, wala pa akong pakelam na gumamela pala tawag dun…

Siguro nagtataka kayo kung bakit tungkol sa bulaklak ang gusto na post ni brother utoy dahil mismong ako rin takang-taka… as in kinuliglig utak ko nung sabi nyang about flowers daw…  basta ang sabi ni brother utoy spring time daw sakanila… mejo huwaw ang react ko… lam nyo naman dito sa pinas kung hindi tayo nagtatampisaw sa tubig baha na dulot ng ulan eh sabay-sabay naman tayong nagmumukhang baluga na dulot ng init… pero springtime? img_5007Meron ba dito sa pinas nun? Sa pagkakaalam ko wala… kaya di ko ma-imagine ang paligid na punong-puno ng bulaklak na hindi nakapaso, nabuhay ng walang diligan tuwing hapon o kaya bulaklak na hindi nakabalot sa plastik…

Wala kaming hardin sa bahay bukod sa puno ng mangga na tatatlong piraso lang kung mamunga, Langka na tuwing makakakain ako eh gusto kong mapag-isa ng matagal sa banyo at puno ng buko na di ko naman mapitas-pitas kasi mas mataas pa siya sa bakod namin.. at kung bulaklak naman, may mga alagang orchids ang nanay ko na namumukadkad lang ata pag walang nakatingin sa kanya… img_5536pasensya walang kwentong secret garden ni mary ang magaganap dahil kahit munggo di ko kayang itanim… pero si brother utoy ata may ishashare.. Psssttt… Pogi, pakitaan mo nga kami nyan… cheers;p-glesy the great

* * * *

may pahabol pang more plawersh op faradayzh….

img_4817

img_2305

img_5608

img_5576

img_49812

img_4980

img_5517

img_5525

img_4972

img_5512

img_5511

img_12271

 

 

img_1231

img_1237

54 Responses

  1. whoaaaah great flowers like glecy….

  2. kung ika’y nalolongkot….bolaklak, dolot sa tin ay galak. tama ka brutoy, whenever i watch xxx films, i see flowers!

    hang galing naman nito glezzy! honest to goodness ang wento! bulong ko sa yo kung bakit bulaklak ang napiling topic ni brutoy😉

  3. Ahahahaha

    “Aaminin ko hindi ako magaling sa pag identify ng mga halaman.. Kung hindi pa namunga ng prutas na mangga yung puno sa likuran namin, di ko pa malalaman na puno ng mangga pala yun… ”

    Tawa ko ng tawa dito..parehong pareho tayo gles! Nagkataon pa man din na Biology ang tinapos ko at isa pa rin akong hunghang pagdating dyan. Medyo na-intriga ko sa usapang bulaklak na yan.

    Share lang ako ng trivia: Madalas pag me nagtatanong sinsabi ko ayoko ng bulaklak…kasi magastos na nalalanta pa. Eh kung isang frappe na lang sa istarbaks naibsan pa ang uhaw ko. Anyhoo..hindi nila alam..kinikilig pa rin ako makareceive ng plawers. Sayang kasi mukhang sineryoso ng mga guys na sinabihan ko. Ayun…bihira ako makatanggap nyan lolz

    Isa ako sa mga pinaunlakan ni Glesy…maraming salamat ulit. Astig ka kapatid!

    Mishumuch kuya! God Bless sa inyong dalawa..

    • totoo ganyan ako.. basta green: halaman, kapag iba na ang kulay eh di bulaklak na yan…

      at ilang beses ko bang sasabihin na wala yun… gagawin ko ulit yan basta tawagin mo lang ang ngalan ko.. yuck parang darna lang… cheers;p-glesy the great

    • kay helena, mishumuch too! alam mo, ang lalaki, kilig ding makatanggap ng flowers from girls. not because we like flowers but the thought of it. feeling din ng lalaki kapag nakarecieve ng bulaklak: ang ganda-ganda ko! hehehe…. pero kidding aside, it marks creativity also on the part of girls to give unconventional gifts to boys.

      kay gles. eto ang linya mo kapag tinawag na ang ngalan mo: Utoy, ang bato! cheers! (nakikiuso lang ako sa cheers. ano palang ibig sabihin nun?)

  4. sorry kung di ko na binasa yung kwento dun na lang ako nagconcentrate sa flowers ahehe… ibibigay mo ba sakin yan? nyahaha…so eto pa lang mga bulaklak na to ang dahilan ng mga paghihirap ko sa pag-iisip kung anong ikwekwento ko dito… gaganda ah…. may tanong ako, kahit may snow tumutubo pa rin sila?

    celebrity status? ako celebrity? walang halong eklat, hindi ako celebrity… aliping saguiguilid lang ako ng mga bloggers na yan…

    at tungkol sa date natin… tsk kelan ba ang uwi mo mahal? ahaha…. teka kikidlatan na ako dito… cheers;p-glesy the great

    • sira, celebrity ka kaya. sikat ka na para sa aming mga bloggers. tandaan mo, anak ng piso will soon rise to fame!

      yup, para sayo yan, pero di ko lalagyan ng rubberband kasi tulad mo, kapag nakamasaker ako ng bulaklak, daig pa ang kangkong sa luging magugulay ang pagkaluray (hmmm… rhyming!).

  5. celebrity blogger na talaga si glesy ano? kahit anong topic yakang yaka nya🙂 ako swerte kasi kahit na nung asa pinas kami may malaking hardin kami at dito sa alemanya, ganun din, ibang klaseng tanim nga lang.

    • ibang klase nga ang versatility ni Gles. siguro kahit na ang topic na ibigay ko sa kanya eh tungkol sa lantang kulangot, makakasulat pa rin sya ng winningest na post.ü

  6. wahahahaaw! spring na! sana may puno kami ng narra para kunwari ay spriiiing! hanggaganda ng palawersss!

    hakhak. ang adik ni glesy.
    ayoss!

    • ano pala ang kilalaman ng narra sa spring?ü basta ang alam ko sa pilipinas, yung notebooks at mga screen doors, siguradong may spring.ü

      yup, adik nga si gles pero gusto ko ang kanyang pagkaadik. creative and productive!

  7. ang saya niya!..ang tanggal ang antok ko ah.

    naku, sana mag-guest din sya sa akin bruder!😀

    • invite mo lang si Gles, AJ at papayag din sya. balita ko kasi ay may balak na syang maging fulltime guest blogger.ü

      gles, more guestings to come!

  8. walang ang yon bruder, i follow the links of glesy, nilibang ko talaga sarili ko..sana dumami p ang tulad nyo, hehe..(o sama na rin ako)..

  9. Just by browsing the pictures and that feeling of relief and appreciation of beauty should remind us that we are with nature. Again thanks for the share.

    • salamat, you liked it. at sana you liked glesy’s story too. winner sa pagkaflower power ang post nya. may moral lesson pa.ü

      God bless!

  10. hahaha! funny story.
    glesy, kaya ka kinalabit magsulat ni utoy, ay dahil ayaw niyang mapagkamalang malambot ang wrist niya.
    the pictures are lovely. ganda talaga ng spring.

    • nyahaha! kuha mo, JJ. isa pa, ayoko ring pagkamalang manyak na mahilig sa sublimation at projection as coping mechanism. hehe…

  11. Hay kegaganda ng fechurs, isa yan talaga sa mga peborit ko pichuran, kahet anung anggulo maganda pa din..🙂 Kahet di ku din alam ang itsura ng spring, linggo linggo ko namang nakikita ang magagandang bulaklak sa cherch namen..

    Hay Glisi, isa pala ako sa mga unang nabahayan mo noh? (ampanget pakinggan hihi). Sa betdei ko ulet ha?? Ha???

    Mwahmwah glisi.. Wak masyaso maggala sa ospital pag duty hokeyy..

    Hello din Kuya Utoy!🙂

  12. gaganda naman ng pictures..da great ka talaga!

  13. Great post Glesy… Hmm… Matanong ko, sinong kumuha ng mga pictures? Gaganda nila…🙂

  14. matanong ko lang, yung parang bell ba na flower is yung millicent mary? nabasa ko kasi yung kwento na yung sa story book ko dati. ganda pala nun sa tunay na pic! nice glesy!! cheers!! yaan mo na kahit nalanta yung mga flowers mo, for sure what’s inside your heart is what really matters! CHEERSSS!!!

    • di ko sure kung millicent mary nga sa english ang bulaklak na yan, basta dito ang tawag sa kanya eh jonquille.
      as for glesy, kahit lanta yung mga pinitas nya, si glesy naman ang flower na laging fresh na fresh! (parang di yata tama yung sinabi ko…)

  15. […] Posted by darbs on April 21, 2009 This will bring us to BroUtoy’s GARDEN in his BASILICA… An invitation for the occasion. . . Flowers For You! […]

  16. kagaganda ng mga flowers mo broutoy! at saka kaganda namang na entry ng iyong clebrity blogger na si glesy….sikat nga siya…kasi nakita ko ang mga pangalan nya sa nabanggit na mga website….
    ayos!

    • di lang sya basta sikat, kuya, talented din sya.ü kaya naman na-guesting ko dito sa blog ko para maambunan naman ng magandang post ang aking natitigang na blog.ü

      God bless!

  17. wow, ang titingkad ng mga bulaklak at ang gaganda nila… ang mga bulaklak na yan pag madmi sila dimo mapapansin pero kapag inisa isa mo ang gaganda talaga nila…

    at infairness kuya utoy galing ng guest blogger mo… panalo!

  18. Glesy, bigla bumalik kabataan ko nung nabasa ko ung pag sipsip sa santan… Haysss… na-adik kaya ako dun! Tas ung gumamela din… palobo naman! Ahahaha Saya!

    Bro.Utoy, ganda ng mga flowers (pictures) buti na lang nag load sya sa napakabagal kong connection!

  19. bulaklak ang topic, bulaklak din ang nagsulat🙂

    galing!

  20. sa Dubai spring time na rin..and yes wag ka nang magtaka glesy the great kasi kahit mainit sa Dubai OO may spring time din sya..heniweysss ang gaganda ng mga bulaklak sa kalsada kapag spring time na dito hindi mo aakalaing sa lugar kung saan mas marami ang buhangin ay makikitaan mo nang mga naggagandahang bulaklak..ibat-ibang kulay at ibat-ibang amoy..

    …na-amazed naman ako sa bulaklak na nakatanim sa snow..snow nga ba yun?..ang gaganda ng kuha nakakarelaks ang mga bulaklak..nung nakita ko ang mga bulaklak isa sa mga naisip ko..ANG GAGANDA TALGA NG MGA BABAE…because for me flowers represents woman..

  21. Kaya minsan ayoko na magcomment eh hehe

    PAKIBISITA NAMAN PARANG AWA NYO NA T_T @ http://www.kumagcow.com and http://techcow.blogspot.com ! THANKS!🙂

  22. Welcome sa aking pagbabalik, heheheh! Visit na lang po kasi may new entry ako at promotion ng bagong blogger friend.

    Thanks!

  23. waaaah! ang ganda ng shot mo kuya utoy!
    ano po gamit mong cam?
    ang galing eh. baka hebigat na camera yan… di kaya dslr!
    wow!

    si ate glesy, naku! kilala ko na iyan! naks!

  24. I DONT LIKE THIS BLOG.

    People here are soooo happyiiiii!!!!

    haha.

    Glesy, wish sa blog ko rin ikaw mag guest.

    Libre ba? ahihihi!

    brutoy, I like the name. brutal na kyut! oy!

  25. waha. tawa ako ng tawa. galing!🙂 hindi ako mahilig sa bulaklak at hindi rin ako marunong magidentify, pero natuwa ako sa makukulay na pics dito. haha.

    galing, galing!

    kay glesy, maganda naman ang intention mo, mali nga lang ang means. haha. kaya siguro nalanta.🙂

  26. Wow, sikat na sikat na talaga si glisi d great!! hehehe..

    Teka brother utoy, ikaw ba ang kumuha ng mga plawer pechuers na yan? Ang gaganda! Pwedeng gawing cover ng notebook! toinks!

    Godbless!

  27. need a little support, i am collecting a picture of your workstation http://www.kutserongkulot.com/?p=253

  28. Napakaganda ng mga kuha ng flowes brother utoy! Kasing aliwalas ng blog mo. ^_^

  29. wow!

    ganda ng mga bulaklak!
    😀

  30. napaka ganda ng mga bulalak ngunit sadyang kayrupok…

  31. hello brader daan-daan ulet!

  32. haha.. kulet, pati di2 kay bro.utoy na banal na blog, naghasik ng lagim si glessy the great.. haha.. nice my co-RN🙂

  33. aba, uso na pala ngayon ang guest blogger.
    dumaan lang po at nagmasid sa magagandang flowers.

  34. wow..noice one…

  35. Ang ganda naman….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: