Ang Di Mo Akalaing Advantages ng Pagkakaroon ng Nanay sa Kabilang-Buhay

Ang akala ng lahat, nag-OFW ako dito sa France kaya panay ang parinig nila ng mga pasalubong pag-uwi ko.  Nyemas naman eh.  Seminarian po ako, di naman po ako nag-engineer, nag-programmer, nag-nurse, nag-seaman o nag-teacher sa ibang bansa.   Kung may kinita man ako sa pagbabasbas ng patay o panggogoyo ng mga kabataang Pranses tungkol sa salita ng Diyos, eh istampita’t nobena lang ang kayang bilhin nun.

Pero, in fairness, bumili pa rin ako ng konting paambon para sa mga malalapit sa akin.  Dalawang kalis at gamit sa Misa na gawa sa ceramic para sa dalawang favorite community ko, mga pendants para sa mga Ate ko, isang pang-tenkyu kay Bluep, panregalo sa ordination ni Siopao, etc. 

Malungkot lang ako kasi ngayon, gusto ko mang ibili ng pasalubong ang mga magulang ko, di na pwede.  Wala kasing DHL papuntang langit.  Mas malungkot ako para kay Inay.  Kasi isa sa mga katuwaan ko sa buhay ay ang pasalubungan sya.  Kahit na pakiramdam ko eh di nya appreciated ang mga gifts ko sa kanya noon.

“Anak, ito ba ang piyaya?  Ang kalat-kalat kainin, di naman kasarapan.”

“Sa Boracay mo kamo binili ang daster na ito?  Masyadong matingkad ang kulay, para akong pagerper!”

“Alampay? Naku, hihintayin ko pang maglamigan bago ko ito magamit.”

“Magkano?  Ang mahal namang pamaypay nito.  Dyan sa Taal, isandaan lang ito, mas maganda pa ang burda.”

In fairness, naubos din ang piyaya, naisuot at nangupas din ang daster, naging table-runner ang alampay.  At ang pamaypay? Gamit nya lagi tuwing magnininang sa kasal.

Haay, Inay…  Ano bang gusto mong pasalubong galing France?

Si Inay, wala namang luho yan, pero syempre, dahil sa mga sakripisyo nya sa aming mga anak nya, kaming magkakapatid ay laging may tendency na i-lavish siya kahit papaano.  Naalala ko, samantalang si Tatay ay lubos ang kaligayahan sa two-piece Chickenjoy, si Inay ay die-hard fan ng mga halu-haloan.  Meron namang ibang mas sosyal na kainan pero dahil daig pa ni Inay ang isang Ilokana sa katipiran, haping-hapi na sya sa halo-halo sa tapat ng simbahan ng Bauan.

Siguro ang advantage dun eh, di na ako magagastusan ng 30pesos para sa halu-halo ni Inay.

Haaay, Inay.  Malapit lang ang Razon’s.  Dalawa lang ang sahog ng halu-halo pero masarap.

Si Inay ko ay mahilig mag-explore sa pagluluto.  Minsan, sa sobrang kakaexplore, di ko na maintindihan kung ano talaga ang niluluto nya.  Ang di nya makuha  sa Palatability at Edibility eh dinadaan na lang nya sa Originality.  Ang resulta, ang hapunan namin ay madalas isang common dish with a twist.  Or rather, a common dish with many twists.  Or rather, it’s a dish so twisted, hindi na sya common.  Pero dahil labs na labs ko si Inay eh inuubos ko lahat ng niluluto nya.   Kahit na sa totoo eh mas madali pang lunukin ang pride kesa sa iba nyang luto.

Siguro ang advantage lang nun eh ngayon, I’m spared of her highly original cuisine.

Hay, Inay… Ang totoo eh miss ko na ang Malunggay creations mong pang-Fear Factor pang-Iron Chefs of America.

Kung minsan, ayokong samahan si Inay papunta sa mga kamag-anak namin o kahit sa mga kaibigan nya.  Minsan, kapag kasama ko sya, ipinagdarasal ko na sana, wala kaming makasalubong na kakilala.  Kasi naman, wala na syang bukambibig kundi ang ipagyabang nya kami sa mga amigas nya.  Ang siste, padded ang aming mga achievements, kapag sya na ang nagkwento.  Ang second honor ay nagiging first honor sa mga bida nya.  Ang aking pipitsuging science highschool sa tabi-tabi eh nagiging Pisay sa kwento nya.  Ang aking dose mil na sweldo noong 1997 ay nagiging beynte mil.  gusto ko nang magtago sa ilalim ng bato sa mga pagmamayabang ni Inay tungkol sa akin.  Kapag namangha ang kausap nya at napabulalas ng “Ang galing-galing naman ng anak mo, Fely!” eh napapaisip talaga ako kung sinong anak yun kasi di naman ako yung kinukwento nyang nakaachieve ng ganun.

Ang advantage lang ngayon eh at least di na ako masyadong pressured maging achiever.  Di na rin ako nahihiya na may mag-eexaggerate ng mga mumunti kong achievements.

Haay, Inay… Sana kahit nandyan ka na sa Heben eh maka-guestblogger ka sa pitak ko para makwento mo sa buong wordpress at sa blogspot na rin kung gaano nga kagwapo si Utoy. 

Teka, bago ako mapahaba lalo sa kakangawa, heto pala ang picture ng nanay ko noong highschool sya.  Jailbait, diba?  Sigurado ako, kung may Friendster noong 1950s eh ito tyak ang primary picture nya.

Long legged at 22 inches lang ang bewang!

Long legged at 22 inches lang ang bewang!

Oo na, late na ang mother’s day special ko.  Sue me.

At syempre, makakalimutan ba naman ni Brother Utoy ang pangako nyang stained glass windows of the day?

IMG_6456

IMG_6458

Sa Cathedral of Notre Dame de Paris ko pa rin yan napicturean.  Mga kamangha-manghang stained glass windows na may abstract at nagpapakamodern na design.  Parang di bagay sa isang superlumang simbahan.  Wag mong itanong sa akin kung anong ibig sabihin nyan dahil di ko rin alam.  In fact, heto pa ang isa.

IMG_6466

Teka, konting trivia.  Alam mo ba na ang point zero ng France ay matatagpuan sa Cathedral of Notre Dame?  Ang point zero ay kung saan nagsisimula ang point of reference para sa relative distance ng isang pook sa isang bansa.  Halimbawa, ang point zero ng Pilipinas ay ang monumento ni Rizal…. Ooops, eto pa ang isa pa ulit na abstract na stained glass na di ko kayang ipaliwanag.

IMG_6492

At ito pa, pero last na ito, pramis.

IMG_6457

God bless!

34 Responses

  1. ay nako bro. utoy. hindi ko alam kung iiyak ako o gugulong.

    pero sa totoo lang, nabuhayan ako. salamat sa post na ito!

  2. Sobrang natouched naman ako dito, nakakarelate ako sa reaction ng mom mo kapag pinasasalubungan mo, hehehe..

    I’m sure she is so happy right now and she is very proud of you. Godbless!

    • Sisingit ako dito sa comment ni Jorge… Ganito ang style pag parating nahuhuli sa comments… Haha!

      In my case, hindi nanay ko ang nagyayabang at nag-e-exaggerate ng mga achievements ko, kundi yung isa kong tiyahin (second nanay) na nakatira sa amin… Hehehe… Natawa ako dun sa kagustuhan mong magtago sa ilalim ng bato. Nakarelate ako…🙂

  3. Nice…balik balik na naman ang kiliti. wonderful! Balita mo na rin tungkol sa 10 influencial blogger na dapat number ONE ang posisyon nyu. hehehe…YAP, there is only one number 1 and that is broutoy based on the most celebrated 10 most influencial bloggers at all times forever and ever….KIDDING… 10 most influencial bloggers in 2009. Something like that. God bless.

  4. May nakalimutan akong sabihin…. Mana kay inay, artistahin!!

  5. aba… anong nangyari at parang nasa top 5 ako ngayon na nagcomment?

    di kaya nanay natin eh magkakilala o di kaya natrain sa iisang school? nanay ko kasi ganyan din. para bang ang sinasabi eh nakaexponential form… hehehhe!

  6. “Haay, Inay… Sana kahit nandyan ka na sa Heben eh maka-guestblogger ka sa pitak ko para makwento mo sa buong wordpress at sa blogspot na rin kung gaano nga kagwapo si Utoy. ” >>>>>>>tawa po ako nang tawa dito😀

    Peborit ko rin ang Razon’s halohalo. Matagal ko na gusto madiskubre kung ano ang sikreto nila hehehe

    God bless, Bro.

  7. pihadong masaya si inay kung anu ang naachieve mo ngayon sa buhay. yun nga lang di mo na matitikman ang pagkaing luto nya gayunpaman ang pinaka mahalaga ay tuloy ang buhay kasi naman lahat tayo magkikita din sa finals.

    Godbless!

  8. Salamat ng marami sa post na ito Father,
    heart-felt, soulful…

  9. ang ganda naman ng nanay mo, pang supermodel pa ang figure! ganyan talaga kapag proud sa yo ang nanay mo, medyo exaggerated ang kwento. di ko nakayanan ang pang fear factor na menu ng inay mo—napahalakhak tuloy ako. sounds familiar kasi. lol

  10. ang sarap talagang magkaroon ng nanay.

  11. aww akala ko abnormal si mudra at ganyang ganyan din pag binibilhan mo ng kung ano anong anik anik…sus apir na apir sila..pati name pareho..ahahaha…may drama pa yung ” ay kaya pala kumakati ang paa ko eh walang tatak yang sandals na binili mo”

    at howjusko..ang bewang..parang leeg ko lang,hehehe!

    hapi mudra’s dey po kung nababasa nyo man ang post ng anak nyong………………………………..ay sori nakalimutan ko ang kasunod!

  12. uy! fashion model ang dating ni nanay, antangkad pala nya! natawa ako sa pagerper, hahaha!

    be careful what you wish for… hahaha!

  13. happy mothers day! ang ganda naman no nanay mo tapos ang tangkad! ^^

    ang ganda naman ng entry na to! parang nabitin pa tuloy ako sa kwento…

    ganun naman talaga mga nanay sobrang proud sila sa anak nila..

    naalala ko tuloy nanay ko mahilig din sa halo halo may alam syang kainan ng halohalo palagi nya kami dun dinadala after mamili ng mga damit pamasko.. eh sobrangg tamis naman ng halo halo nakakasuya haha mahal pa nun ang 30pesos sobrang halo halo special na un…

    hays!

    **bro utoy, thanks po sa prayers ha! emmanuel will finally go home on thursday after full recovery in ICU!

  14. ngayon alam na namin kung kanino ka ngmana ng galing sa pagluluto…kay inay mo pla….eh yung last entry mo nga lng diba naging sosyal na dish yung piniritong salmon na niluto mo lng in 20 mins…oh di ba ang galing…
    happy nanay’s day ky inay mo po kuya utoy!

  15. Brother ganda ng Entry.. Bigla ko tuloy naalala si Inay (lola ko) madalas ko rin sya bilan ng gift nuon kunyari nag iipon ako ng pera pero nagagastos ko rin agad kaya ang ending

    T: “inay…. may bibilin po ako pwede padagdag naman yung five pesos ko”.

    INAY: ano bibilin mo? abaniko noh?

    Alam na nya… kasi halos lahat ng okasyon… “abaniko” ang gift ko sa kanya. Nga pala 35pesos yun hehehe Basta may kiss sabay hug lagi!

    Pag naglalakad din kami ni Inay madalas ko rin sabihin wag na kami hihinto… kasi pag may mga amiga na naman syang nakita at sya pa unang papansin kahit di na nga sya nakita… naku lagot na tsk tsk tsk mas nakakatakot pag pinapasok pa kami sa loob ng bahay ng amiga nya asahan na dun kami magla-lunch or dinner pwera pa ang merienda. Hehe Nakaka miss lang! Hayss…

  16. im having a class nang binabasa ko to napatawa ako sa fear factor part nagtaka student q eh seryoso naman pinaguusapan namin…

    mga nanay nga naman ano nakakatuwa ang pagmamahal nila sa atin at ang kanilang bukambibig parati na mga anak nila…

    da best talaga ang mga nanay!

  17. Bro Utoy, na-miss ko na ang dumaan dito!🙂 Napakaganda namang handog ito sa iyong Inay… am sure e pinagyayabang na naman niya sa langit itong isinulat mo para sa kanya🙂 Baka kamo naikwento pa niya sa Lola ko (assuming ako na pareho silang “heavenly” – hahaha!) na Palanca winner ang one and only Utoy niya – o di ba?

    Ingat at God bless, kapatid!

  18. Aba bagong impormasyon yang point zero sa akin. Totoo talaga ngayon ko lang narinig yan. Di kasi itinuro iyon ni Mr. Natibidad. Buti na lang may Mr. Nati Jr. hehehe joke.

    Ipinatse rin kita sa post ng Greatness of a Stack of Paper. Congratualions sa nomination!

  19. ang mga nanay talaga, kakaiba. nanay ko pag nasa harap ako, dedma sa dapat niyang ikatuwa.

    pagtalikod ko, saka niya ako ipagyayabang. ang galing din niyang magluto. hehe.

    kung buhay siguro si mader mo, hindi hihingi iyon ng pasalubong. sasabihin noon, umuwi ka nga rito at ayusin mo ang alulod dahil tag-ulan na. haha!

  20. waha. nakakaiyak naman ‘to. for sure, natouch ang mama mo. nakarelate ako dun sa pagiging uber-proud ng mama mo. ganyan na ganyan din ang nanay ko. (kaya lagi naman sya napapagalitan ng mga kapatid ko.)

    God bless!

  21. i was touched reading your artic! As I always say pag mother’s day:

    the one who rocks the cradle, rocks the world!

    Sorry, late ang greetings ko pero babati pa rin ako: happy mother’s day to your mom! it may sound stupid, pero happy mother’s day pa rin. i bet your mom is enjoying a one big halo-halo up there.

    ikaw actually ang unang dumalaw sa realm ko, pero makikipagkaibigan sana ako sa’yo! hehe. salamat!

  22. hahaha… i believe this is the best part of this post

    “Haay, Inay… Sana kahit nandyan ka na sa Heben eh maka-guestblogger ka sa pitak ko para makwento mo sa buong wordpress at sa blogspot na rin kung gaano nga kagwapo si Utoy.”>>> astig talaga. im sure tuwang tuwa siya ngayon.

    salamat sa pagbisita sa eskapo.

  23. @dong

    tama ka kuya dong! for sure, masaya mom mo right now. not actually right now but always!

  24. Long-legged ang iyong nanay at 22 inches ang waistline…

    WOW…

    I am sure na proud pa rin sa iyo ang Inay mo kahit hindi nya na-aappreciate ang mga pasalubong nya sa iyo.
    😉

  25. Wehehehe kakulet ni Mommy o, puro reklamo daw ginamit naman lahat wee..

    Lahat ata ng nanay ganyan na super proud sa anak, alala ko lage sinasabi ng nanay ko magaling daw ako kumanta kahet sintunado ako, pinapasali pa nga nya ko nun sa Little Miss Philippines eh wahahaha.

    Happy Mother’s day po sa kanya, hinde belated, kase evryday is Mother’s Day. Godbless!🙂

  26. at nagbalik ka na nga…

    heart warming… may she rest in peace!

  27. btw, masayang masaya kami na nagbalik ka na…

  28. hapi mader’s day sa kanya….sa kabilang buhay meron kayang ganitong special day? Siguro meron din naman…..

  29. AKO ANG NANAY MO UTOY, POGI POGI TALAGA NG ANAK KO, PENGENG SOKLET….

    hehehehehe…

  30. Ewan ko nalungkot ako dito kuya. Lalo na sa mga introng – Hay, Inay…

    Pero natawa naman ako sa – it’s a dish so twisted, hindi na sya common. at Malunggay creations na pang-Fear Factor. Malamang kasi maging ganito ko pag nagka-asawa ko. Puro prito lang ang alam kong iluto nyak!

    Tiyak wall photo pa nya yan sa facebook! Panalow!

    Belated happy Mom’s day kay Inay.

  31. Kung mababasa lamang ito ni Inay Fely malamang sobrang proud siya sa iyo. Ipagyayabang ang kanyang gwapong anak??? (este gwapong- gwapo pala) … at sasabihin… MAHAL NA MAHAL KO ANG ANAK KONG ITO (:

  32. Bro Utoy, aside from your humor, ang gusto ko sa yo ang iyong respeto sa iyong ina. Ewan ko pero kasi nakakarelate ako when it comes to that. In some aspects makulit din ang nanay ko (tulad ng sa iyo) pero mahal na mahal ko lang siya. Di bale ng ma brand na Mama’s Boy – hehehe!

  33. Tats ako tol a. Sa mga di nakaka alam halos magkasunod sumalangit ang nanay ni utoy at ang tatay ko, sa Parehong sakit (meron kayang Death Due to Diabetis-Renal Failure Club sa Langit?). Anyway, bkod sa pag kaka tats ko sa blog mo may isa din akong naalala. Minsan kinukumpara ko sarile ko sa isang hunyango (in a good way naman), ginagaya ko mga katangian ng mga tao sa paligid ko (dyos ko, ilayo nyo sana ako sa mga politiko). Pero hangang ngayon masasabi ko na yung nakuha ko sau ay naririto pa din sakin (sabagay 4 years tau magkasama, matagal talaga mabura yun) at ngaun lang naramdaman ko na kelanga ko na mag recharge. Ayon ay ang kakayahang mapansin at matandaan kahit na ang mga simpleng bagay na maaring makapag pa saya, mapulutan ng aral o inspirasyon. At pinaka importante sa lahat, ang makita ang mga simpleng mensahe/biyaya ng Dios na binibigay nya satin. Hmmm, comment lang to at hindi blog kaya tatapusin ko na dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: