Utoy’s Pop Quiz Ek-Ek: What does your church wear reveal about you?

Nainspired ako sa success ng mga FaceBook quizzes (na madalas walang kwenta), syempre, gusto ko ring gumawa ng pareho (yung wala ring kwenta).  Gaya-gaya lang, pauso, ganun.  Ang napagdiskitahan kong topic ay ang ating usual Sunday wear, yung mga soot-soot natin kapag nagsisimba tayo, at kung anong sinasabi nito tungkol sa atin.  Bakit kamo yun ang napili kong tapic.  Kasi gusto ko at kasi blog ko ito.  Wag ka nang magulo, kumuha ka na ng bolpen at isulat sa palad nyo ang sagot(sayang ang papel, save the forest tayo).  Sige na’t multiple choice naman ito.  At syempre, true to FaceBook tradition, this quiz is “scarily accurate!”  (exclamation point, not mine.)

WHAT DOES YOUR CHURCH WEAR REVEALS ABOUT YOU?

Gaano ka katagal mag-isip ng isusuot sa pagsisimba?
a. Pagkabangon, kung anong soot ko, yun na yun.
b. That morning din lang ako nagdedesisyon.
c. Di na ako nag-iisip kasi uniform ng
   collector/choir/layminister/usher/lector ang isosoot ko.
d. Aba, gabi ko pa pinag-isipan yan!
e. Mga one hour, at least.
 
Anong sa tingin mo ang major criterion sa pagpili ng damit na isusuot sa pagsisimba?
a. Comfort.  Antagal kaya ng homily ni Father,
     at least, comfortable ako kapag nakatulog sa Mass.
b.  Style.  Linggo kaya!!!  Di ko kayang mag-malling
     afterwards kung nakabestida/longsleeves noh?
c. Propriety.  According to the Dress Code na
     pinalabas ng Diocese, Long Pants and Polo for men, 
     Manang Skirts for women. Mahirap bang intindihin yun?
d. Stage Presence. I can’t just be there and be lost in the crowd.
e. Audience Impact. Andami kayang taong makakakita sa akin
   so why the promdi look diba?

Saan ka madalas umupo sa loob ng simbahan?
a. Sa likuran. Or more precisely, sa tabi ng exit.
b. Sa tabi ng electric fan.  Sayang ang porma ko kung
      lagkitan naman sa pawis ang leeg ko diba?
c. Sa upuan kung saan may nakalagay na “reserved seats” 
      kung saan parepareho kami ng soot.
d. As close to the altar as possible. 
      Para alam ni Father, present ako.
e. Sa gitna ng simbahan, sa tabi ng aisle.
Kapag super-init sa loob ng simbahan
at nagsisimula ka nang magpawis, anong una mong gagawin?
a.  Lalabas ng simbahan.
b.  Maghahanap ng electric fan.
c.  Maglalabas ng abaniko na gawa
      sa sandalwood at tatanggalin ang belo.
d.  Maglalabas ng Wet Wipes tapos magpapapaypay
      sa maid gamit ang isang giant anahaw fan.
e.  Maghuhubad.

Ang ultimate Sunday wear para sayo ay:
a.  Tee-shirt, slimfit jeans, havaianas o  at syempre, i-pod. 
b.  Cargo pants, merrel sandals at polo shirt sa lalake;
    short-sleeved blouse, Crocs at roll-up drawstring pants
    naman para sa babae.
c.  Damit na pang-first communion o pang-ninong/ninang sa kasal.
d.  Kahit na anong disenteng damit basta
    match sa jewelries na isusuot ko that day.
e.  May isang giant cross sa gitna ng dibdib
      tapos nakabelo ng chiffon hanggang talampakan. 
      Tapos yun lang. As in yun lang.

How much are you willing to spend para sa sa isusuot mo sa Linggo?
a.  Not much.  Kung ano suot ko sa Linggo,
    yun din soot ko sa buong linggo.
b.  Depende sa sale na pupuntahan ko mamaya after the Mass.
c.  Depende sa sinabi ni Father sa homily nya last Lent.
d.  Not much.  Mga 50K or so.
e.  Tama lang, basta ba maha-highlight ang cleavage/pectorals/abs/pusod ko.

If you would dare to make a fashion comment kay Father, ano ito?
a.  Pads,cool sandals natin ah.
b.  Father, sa Market! Market!  mo rin ba nabili ang shirt mo? 
    (pre-recorded reply naman ni Father:  Naku, regalo lang ‘to!)
c.  Padeeehr, bagay na bagay sayo, Padeeehr. (repeat to fade…)
d.  Fuhther, what’s your shirt size ba? 
      I think I just saw a shirt in Milan just for you.
e.  Haaayy…Father, masyado ka namang balot na balot! 
      You shouldn’t hide your assets behind all that cloth.

Kung bibigyan kang pagkakataong damitan ang isang Santo,
ano ang idadamit mo sa kanya?

a.  Bakit pa natin papakialaman soot nila. 
      As if it matters, diba?
b.  Maghahanap ako sa Tutuban ng pwedeng pandamit nya.
c.  Yarda-yardang telang puti
d.  Gold-threaded emsemble, korona at ma-diamanteng “halo”
e.   Fig leaf sa private parts atsaka isang apple

How to compute your score:  Bilangin mo kung aling letra ang pinakamadalas mong pinipili.  Yun ang type of parishioner ka.

Madalas letter A.  The Leisurely Slacker.  Ang mga taong tumutugma dito ay madalas introverted at may pagka-antisocial.  Malapit sila sa Diyos pero sa tao, parang ewan lang.  Meron silang cynical na pagtingin sa buhay, pa-artist kuno na attitude at medyo dark na humor, gayun pa man, sila ay larawan din ng tunay na humility.  Sila rin ang may pinaka-honest at sincere na opinyon tungkol sa simbahan.  Madalas, ang prayer nila ay for inspiration and guidance.

Madalas letter B.  The Mallville Citizen.  Ang araw ng Linggo at Sabado sa kanila ay sagrado, sagrado for malling purposes.  Nagsisimba sila para mahintay ang pagbubukas ng SM.  Gayunpaman, ang mga Mallville citizens ang mga pinaka-family oriented, pinakasociable sa lahat.  Sila rin ang tunay na nakakaappreciate sa homily ni Father, lalo na kung may pop culture references.  Madalas ang prayer nila ay tungkol sa trabaho o kaya ay sa family. 

Madalas letter C.  The Church Manang/Manong.  Unipormado, naka-Avon na pamango, Natasha na footwear at ngiting praktisado, sila ay mga die-hard Sharonians.  Madalas, daig pa nila ang parish priest sa pagkaistrikto sa regulations sa simbahan.  Madalas ay saulado nilang lahat ang mga kanta sa Mass, pati novena ng Perpetual Help.  Malabatas para sa kanila ang mga utos ni Father.   Nababalitang mga ipokrita’t tsismosa, pero sa totoo ay kakakikitaan din sila ng pusong tunay na nagnanais maglingkod at dumamay sa iba.  Madalas ang dasal nila ay tungkol sa health o sa mga kaanak nila. 

Madalas letter D.  The Benefactor.  Donyahan sa kakinangan.  Ang lalaki nama’y mga mukhang pensyonado.  Mataas ang pinag-aralan kaya nahuhuli nila ang mga theological palusot ni Padre.  Sila ang dahilan kung bakit may budget ang simbahan.  Minsan, sila rin ang problema ng parokya dahil sa mga kapritso nila.  Madalas pagkamalang isnabero’t matapobre, pero ang totoo’y sabik silang magkaroon ng kaibigan.  Madalas ang dasal nila ay tungol sa kaaway o problema sa negosyo o sa mana.

Madalas letter E.  The Viva Films Talent.  Ang mga babae’y suki ng Southbeach at Xenical.  Ang mga lalaki’y tambay sa gym.  Mga di mo napapansin noong highschool pero nung nag-bloom eh nasobrahan naman yata.  Model-modelan pero ang totoo’y mababa ang self-esteem, mahina ang self-image.  Madalas, misunderstood kaya may pagkarebelde at may pagkaloner, pero sila ay mga loyal na kaibigan at mga passionate na syota.   Dama nila na kahit simangot ang lahat, eh “tanggap sila ni Lord.”  Madalas ang dasal nila ay tungkol sa true love at everlasting relationship.

O?  Ano nang result ng quiz mo?  Ishare mo naman!ü

* * * * *

At syempre, ang ating stained glass window of the day ay ito!

IMG_6679

Ang bintanang ito ay napicturan ko sa loob ng Basilica of Our Lady of Fourviere, isa sa pangunahing simbahan sa Lyon, France.  Dito ay dine-depict si Mary as Queen of Angels, Queen of Patriachs and Queen of Martyrs, tatlong lumang titles ni Mary.  Ang Basilica na ito ay isang mahalagang tourist and pilgrimage spot sa Lyon at matatagpuan sa tuktok ng isang mataas na burol.  Mahalaga sa akin ang simbahan na ito dahil dito natanggap ng founder namin na si St. Pierre-Julien Eymard ang inspirasyon para itatag ang congregation namin, matapos siyang magdasal sa tulong ng Mahal na Birhen.

God bless!

20 Responses

  1. haha..okey..nakakatuwa naman ang mga pagpipilian at resulta🙂

  2. Yay. parang mixed type ako ng tatlong pagpipilian! hehe. unique ba tawag don? for sure yung iba mixed din!

  3. huh! parang ang hirap nman mamili dun sa mga result…eh pano kya dun sa may 3 letters na parehas ang dami ng napili.?haayz parang ang gulo ko…hehehe

  4. Hehehe… Hirap namang pumili, kasi di naman ako ang dine-describe dun sa mga choices… haha!

    Dun sa first 2 questions, madali akong makapili ng damit kasi iilan lang naman sila…🙂 At dahil siksikan ang simbahan dito sa Cebu, comfortable dapat ang suot kasi di talaga maiiwasang maligo ka ng pawis mo at pawis ng iba… hehehe…

  5. tie ang score! tie! scarily inaccurate nga hehehe! pwede mo to submit sa fb bro!

  6. hay nakakahiya ang results ng akin! hehe!! pero actually halo naman sila eh, medyo may pagka D ako na medyo A, haha!! weird! ^^

  7. Wow! Galing naman ni kuya lagay mo din to sa peysbuk dali na pagpepyestahan to! haha. Eto akin >>> Madalas letter A. The Leisurely Slacker. O devah scarily accurate!

    Pero teka natawa ko dito >> ” Not much. Kung ano suot ko sa Linggo, yun din soot ko sa buong linggo.” Pramis..hindi ko pinili yan.😛

    May tag nga pala ko sayo kuya. mwaah!

  8. brother UTOY! galing! akong ako ang napili kong letra! nakakatawa at nakakaTUWA at the same time kasi so far di naman masama ang kinalabasan haha.

    **npansin ko sa glass window nuong time na sinabi kong magnda parang lahat ng sumunod mas maganda at lalo pang gumaganda hehe. eto ang ganda ng kulay at may tao pa. parang lahat ang empahsis sa kabuuan e yung iba naman ay may mga certain subject. pansin ko lang naman🙂

    ingat!

  9. ganun yta talaga bro utoy, kapag walang kwenta ang isang bagay..nagsa-succeed ito. hehe

    ako kpag pupunta sa simbahan, kung ano ang isuot ko, yun na.wala akong paki sa iisipin ng iba. madalas nga naka-t-shirt lang ako. hehe

  10. Bro Utoy, Mas marami po yung A sa sagot ko (A-5, C-2, D-1) Hayyysss… Teka… tama ba ang bilang ko? ahihihi

  11. aww talagang ang bait ko…kumuha talaga ako ng ballpen at isinulat ang sagot sa palad..palad ng katabi!

    at take note ang mas maraming sagot sa akin..take note!! letter A..oha oha kahit ako hindi makapaniwala,hihihi

  12. haha. letter D pinakamarami ko. haha. joke time.

  13. Hindi ko sure eh. Letter A ang pinakamarami pero not by much. Hindi siya ganoong kadominant sa mga naging sagot ko.

    Sorry, Bro. Utoy, at medyo matagal akong na-absent dito. Marami lang kasing inasikaso. I hope things have been well with you. Take care.

  14. Father, sa Market! Market! mo rin ba nabili ang shirt mo?
    (pre-recorded reply naman ni Father: Naku, regalo lang ‘to!)>>> hehehe… kulit nito.

  15. 1.D
    2.E
    3.D
    4.wala sa pamimilian, punas panyo lang.
    5.T-shirt pero nakasapatos
    6.Wala
    7.Fr. (bumbay kasi abg pari samen) bakit paborito mo yang GREEN mong (anong tawag sa damit ng pari?-ahh duster), medyo hindi kasi kaaya-aya sa balat mo, at pasensya na, nakakaapekto yan sa pagmimisa mo.
    8.A

    wala ako sa nabangit bro utoy.

  16. bro, maraming A. slacker talaga.

    fashion statement ke pader: ser, puti rin ba ang underwear mo lagi?

    sabay takbo kasi baka dasalan ako noon at painumin ng holy water. asus.

  17. Naku! multi- personality pala ako! lahat may score hehe!

  18. Eto po mga sagot ko:
    Gaano ka katagal mag-isip ng isusuot sa pagsisimba?
    b. That morning din lang ako nagdedesisyon.

    Anong sa tingin mo ang major criterion sa pagpili ng damit na isusuot sa pagsisimba?
    c. Propriety. According to the Dress Code na
    pinalabas ng Diocese, Long Pants and Polo for men,
    Manang Skirts for women. Mahirap bang intindihin yun? *hindi always manang skirts, pero I have to be presentable dahil I’m a songleader, pero I still make sure na I am fashionable wehehehe..

    Saan ka madalas umupo sa loob ng simbahan?
    b. Sa tabi ng electric fan. Sayang ang porma ko kung
    lagkitan naman sa pawis ang leeg ko diba? *Yung right wing ng church bandang unahan usually ang pwesto nameng mga young people, at oo may elektrik pan dun hehe..

    Kapag super-init sa loob ng simbahan
    at nagsisimula ka nang magpawis, anong una mong gagawin?
    c. Maglalabas ng abaniko na gawa
    sa sandalwood at tatanggalin ang belo. *Hinde abanaiko, pero maglalabas ako ng paypay..🙂

    Ang ultimate Sunday wear para sayo ay:
    d. Kahit na anong disenteng damit basta
    match sa jewelries na isusuot ko that day. *Super true for me🙂

    How much are you willing to spend para sa sa isusuot mo sa Linggo?
    a. Not much. Kung ano suot ko sa Linggo,
    yun din soot ko sa buong linggo. *Eto din, usually pag may bago akong damit, isusuot ko ng Sunday, tapos pag nalabhan na, isusuot ko naman ng Wednesday or Thursday sa office hihi.

    If you would dare to make a fashion comment kay Father, ano ito?
    d. Fuhther, what’s your shirt size ba?
    I think I just saw a shirt in Milan just for you. *Ibibili ko nalang tatay ko hehe..

    Kung bibigyan kang pagkakataong damitan ang isang Santo,
    ano ang idadamit mo sa kanya?
    b. Maghahanap ako sa Tutuban ng pwedeng pandamit nya. *Wala kameng santo pero hahanap pa din ako ng mura yet decent for them🙂

    Ang resulta? Madalas letter B. The Mallville Citizen. Bat ganun hinde na nga ko nakakapagmall pag Sunday, Kuya. After ng service, sandamakmak na meeting hanggang hapon na yun, tapos may isang simba ulet sa gabi, kakanta ulet ako dun, kaya wala talaga akong pahinga pag Sunday..🙂

  19. A sa akin! at totoo napakaintrovert ko! pero naman! malapit kay god! gabi-gabi ako nagprepray!

  20. 1. B
    2. A
    3. B
    4. B
    5. D
    6. A
    7. A
    8. B

    Ikaw na mag sabi kung ano Diagnosis ko Doc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: