Mga Pangunahing Dahilan Kung Bakit Baduy Pero Bumebenta ang Otcho-Ocho

Patalastas muna.  Salamat kay Reynz sa kanyang suporta sa isang online patimpalak.   Pasensya na, Kamahalan at overaged na pala ang blog ko.  Gayunpaman, touched pa rin ako’t nakabilang ako sa original list mo.  Tenkyu po!üüü

* * * * *

Tag ito.  Tag.  Ibig sabihin eh sarili ko na naman ang pag-uusapan dito sa post na ito.   Nyayksidudels…

Na-tag ako ni Heleinah (new spelling para cute) ng mga eight things.ü  Bakit eight at hindi ten, di ko alam. Siguro, natakot ang original na may pakana ng tag na ito na baka mapagod sa kakaisip ang mga future na mata-tag, medyo binabaan nya ang requirement.  8 things na lang instead of 10 things.  Hmmm… merciful!

Anyway, tama na ang dada.  Eto na ang Limang Eight Things About Me.  Salamat pala, Heleinah (bading na bading ang ispeling!) sa pagtag sa akin)

 8 Things I look forward to
1. Pag-uwi ko sa Pilipinas.
2. Start ng Theology classes ko sa Makati. (wahoo! Third year na ako!)
3. Normal seminary life (mahirap i-explain)
4. Makapagsine ulit.  Di ako makasine dito, bukod sa translated lahat ng Hollywood film eh 15€ (900 peytowt) pa ang ticket.
5. Makadalaw sa Novitiate at makapagbigay ng input sa mga bagong salta tungkol sa breviary.
6. Madalaw ang puntod nina Inay at Tatay.  Tabi na sila ngayon!  Correction, magkapatong pala sila!  Ang halay!
7. Makakain ng lutong pinoy.  Miss ko na ang tinapang bangus at anything na may sabaw pero hindi pot au feu.
8. Makita ang mga ate ko at mga pamangkin ko.

8 Things I did yesterday
1. Prayed the Morning Praise and had Adoration for 1 hour
2. prepared the chapel then nag-serve sa Mass.
3. Nag-grocery sa kabayanan.  Ipinag-grocery ko na rin si Isabelle
4. Nag-receptionist ng parokya till noon pero sa totoo eh nag-iinternet lang.
5. Bumisita sa Mine Image kasama ang vietnamese kong housemate.  Isa itong museum ng coal mine, tapos may isang tour guide na mabilis magsalita so kailangang laging ulitin ko pa ang sinasabi nya sa kasama ko.  After ng tour, bumili ako ng isang hiwa ng agate at isang maliit na box ng fossils.
6. Nagluto ng hapunan.  Fish and chips lang ang niluto ko kasi gipit na sa time.
7. Natouched kasi may surprise party pala ako with the youth.  (Ang party dito, di tulad ng party sa atin.  Walang pagkain.  Tsitsiriya lang, aperitifs, kutkutin then wine and coke)
8. Naglaro ng Pet Society at nagsimula ng account sa My Brute (asulang-ak.mybrute.com) bago matulog.

8 Things I wish I can do
1. I wish I have the ability to heal sick people.
2. I wish I can play violin.  Susubukan kong mag-aral this year.  Meron ba kayong kilalang mabibilan ko ng murang violin?
3. I wish I can bloghop while sleeping.  Yung tipong nakaka-comment pa ako ng matino.
4. I wish I can paint.  Kahit simple lang, like grafitti painting, para di naman boring ang pader ng kwarto ko.
5. I wish I can make community projects for the poor.  Hirap humanap ng budget at ng taong competent at mapagkakatiwalaan.
6. I wish I can visit my parents, my sister at si Dara in the afterlife.  Kung ayaw talaga nila akong dalawin, pwes ako ang bibisita sa kanila.  Pero syempre, bisita lang, babalik din ulit ako sa earth.ü
7. I wish I can study glass art para makagawa na ako ng sarili kong stained glass window.
8. I wish I can study photography and own a kick-ass DSLR.  I wish I know how to photoshop na rin.ü Ang tanging alam kong gawin sa pictures ko eh i-invert-invert lang.  Kakahiya.

Etong sunod ang mahirap sa akin kasi di na ako nanonood ng TV lately.  Heleinah said I should write 8 shows I like eh sa totoo lang eh channel surfer ako.  I hardly watch a single show in one sitting.  At least tatlo dapat.  Isa pa, baka yung mga shows na gusto ko noon, baka di ko na gusto pagbalik ko ng Pinas. So instead na shows eh channels I like na lang.  Pero sa mga itatag ko, pakilista na lang ng 8 shows kung mas madali senyo.

1. Food Network / Lifestyle Channel (medyo natuto akong magkunyaring magluto dahil sa channel na ito)
2. JackTV / Comedy Central (nag-improve ang kahalayan ko, thanks to these channels)
3. National Geographics / Discovery Channel (basta mga mummies
4. HBO / Cinemax
5. Cartoon Network / Disney Channel
6. AXN
7. TV5Monde
8. ABS-CBN  (yan, JJ ha. Kapamilya ako.ü)

At dahil blog ko naman ito, may additional 8 things ako.  Hehehe…

8 Things on Utoy’s Wishlist
1. A ukiyo-e (a Japanese woodblock print) na religious ang theme
2. A four volume breviary (kahit gamit na)
3. A wooden or ceramic statuette of Mother and Child na hindi kitschy ang dating (kahit bili sa second hand store)
4. Any illustrated book on stained glass art (kahit galing booksale)
5. Any book by Bill Bryson (kahit galing booksale din basta wag Walk in the Woods at A Short History of Nearly Everything)
6. The latest two comic books of Kikong Machine
7. A seasons pass sa PETA-PHINMA Theater
8. A charcoal or watercolor portrait of myself

Hayan, maaga kong ibinigay ang wishlist ko para makapaghanda kayo para sa 28th birthday ko next year.  Hehehe…

8 People I tag:  Jorge, Rev, P0kw4ng, Teentoinks, Livingstain, GlesyMiel at Bons.  Pero kung gusto nyo ring gawin ang tag na ito eh sino ba naman ako para tanggihan kayo?  Sige, go!

At Syempre ang ating Stained Glass Windows of the Day ay to-its:

IMG_4370

detail of the window

detail of the window

IMG_4371

detail of the window rin

detail of the window rin

Ang dalawang bintanang ito ay nakuhaan ko ng picture sa magkabilang pader sa tabi ng relic ni St. Therese sa Carmelite Monastery of Lisieux, sa may bandang Normandy, France last February, nung isinama ako ng mga kaibigan kong Pinoy nurses sa England sa pilgrimage nila.  Nagulat ako sa theme ng bintana.  Akala ko kasi nalaman ko na ang dapat malaman sa buhay ni Therese.  Binasa ko na autobiography nya, ang mga poems nya, ang buhay ng mga kapatid nya, pinsan, magulang pati mga ka-penpal nyang pari.  Nabasa ko na ang mga scholarly at highly theological books tungkol sa spirituality nya.  Pero di ko alam na nagkaroon pala sya ng apparitions after her death.  Ang unang bintana ay apparition sa mga French soldiers sa isang giyera.  Kung saan at kelan ang giyera at kung ano ang kunteksto ng apparition, aba malay ko.  Yung pangalawang bintana naman eh mukhang nag-appear sya sa isang dying missionary sa Africa o sa kahit na anong bansang di masyadong kaputian ang tao.  Kung sino ang balbas saradong misyonero ito at kung paano nya nakwentong nag-appear sa kanya si Therese gayong naghihingalo na nga sya eh malay ko ulit.  Kung may nakakaalam dyan ng sagot, pakilinaw naman sa akin.  Basta iisa ang tema ng mga bintana, St. Therese is directing us to look upon Jesus on the Cross.

Eto nga pala ang picture ng wax figure ni St. Therese:

IMG_4158

God bless!

26 Responses

  1. “I wish I have the ability to heal sick people.”

    Actually brother utoy, you can. Although not those kind of dreaded disease. Rather, you can heal a sick heart, a blue human, a lonely child, a broken hope, a messed life.

    God may have granted these wishes you fancy but unbeknownst to you, you thought you hadn’t yet.

    Well, what can I say but continue to heal sick people!

  2. Uy natag na naman ako, pang ilang tag na kaya ito? hehehe.. Osya, gawin ko na nga, hihihi..

    Wow, ang ganda nmn ng ‘8 things you wish you could do’, nakakatouched.

    May ireregalo na ko sayo pag uwi ko, hehehe..

  3. agate? di ba mineral stone yan? kasama yan sa mga charmed stones eh yung mga pagsinuot mo swerte raw🙂

  4. Dapat 8 din yung stained window.🙂

    Nice post, although nosebleed ako

  5. wow hindi ko na kailangang ipagpilitan ang sarili ko na itag ako,hihihi…salamat Utoy at nagtanda ka na,hihihi ulit!

    ang ganda ng pose ni Saint Therese..para lang natutulog….

    pwamis gagawin ko to after ng eb w/ kengkay!

  6. “I wish I can play violin. Susubukan kong mag-aral this year. Meron ba kayong kilalang mabibilan ko ng murang violin?”

    hanapin ko rito sa bahay yung violin..tsek ko muna kung okey pa ang tunog..baka kasi sintunado na eh🙂

  7. Aha! Pangatlo ng TAG to kaya dapat gawin na ang pag otcho otcho… .

    I wish I have the ability to heal sick people – hmmm parang cheerleader at si Santino lang bro. utoy ha! : )

  8. Hangkyuut ng Heleinah hihi..

    Malapit ka nang umuwe Kuya, wala nararamdaman ko lang hehe..

    kemahal naman pala ng sine jan! 900 petot, di na uy antayin ko nalang sa TV!

    Di din ako marunong magphotoshop Kuya Utoy, kapal nga ng mukha kong magpakontest ng ganun, hinde naman pala ko marunong hehe..

    On behalf of my bessie, thank yopu po sa paggawa ng tag, bow!

  9. Kailan ka uuwi brother utoy? Pa-EB ka naman! ^_^

  10. Teka…. ano ang pinapanood mo sa Cinemax??? Hmm….

    I also wish I could study Photography. Late bloomer ako pagdating sa pagkahilig sa art form na ito. If I only had the time…

    Malapit na pala ang uwi mo. Best of luck and keep in touch. Ingat ka lagi. 🙂

  11. . A charcoal or watercolor portrait of myself..
    >> kuya,pwede kong tuparin ang pangarap mo na ito..{parang wish ko lang e,noh}

    pwede kitang i drawing {nakangiti na yan}..

    stick na tao nga lang…toinks

    ganda ng pagkakagawa sa imahe ni St.Therese..=D

  12. hi! bumisita ako,upang sabihin na nakapagpapirma na ako ng komix kay manix abrera. yay! haha! at nakapag-picture pa ako sa kanya. asteeg. hehe.:] yay, kikomachine!

  13. Hahaha sensya naman at nahuli ako. may in-behalf pa si joycee..salamat bes.

    Haha salamat naman sa bagong bansag na to kuya. o sya pag kokoment ako dito yan gagamitin ko hihi. Yey, kapamilya ka pala kuya. kelan mo nga pala i-explain sa min yung “normal” seminary life?

    tawa naman ako sa wishlist. bat di ko naisip yun..di ba dapat yung may betday ang meron nito kuya? edi dapat kami ni joycee hahaha. Weyt may ka-penpal na pari si St. therese? pero sempre no malice yun diba? hehe

  14. hmmmbalik pinas ka na pala…saan sa makati? mabisita ka man lang sa agosto pag-uwi ko…..

  15. haha. ako lang siguro ang walang pakialam kung anong network ako nagtatrabaho, kahit taga-network ako. i just love writing and getting paid for it.🙂

    uwi ka na. sama ka sa shoots kong walang kaplano-plano.

    kelan mo ipi feature ang mga stained glass windows kong ipinadala sa iyo?

  16. may tag pala! waaaa! salamat brother utoy!

  17. you have heaing powers brutoy, you make us smile when we read your posts;
    it is stress free, mahal kaya prozac ngayun, ahihihiiii

  18. first three shows I like too!

  19. Kapatid, mag-aral ka na nga talaga ng photography… tapos shoot tayo dito sa pinas kasama si FATHER siopao… hehehe…🙂

    Kelan ba ang ordinasyon mo? Matagal pa ano? Remind mo ako kung malapit na… Hahanapan kita ng libro ni Bill Bryson…

    Naku baka mabasa to ni Rev…. hehehe…

  20. wish ko rin ang makita at mabisita sa afterlife sila mudra and pudra. hay nako

    at magkapatong rin ang parents ko sa ngayon. haha. kumusta naman yon. tsk..

    nanonood ka ng jack tv? hala you.

  21. “I wish I can play violin. Susubukan kong mag-aral this year. Meron ba kayong kilalang mabibilan ko ng murang violin?”

    i can help.🙂 i know how to choose the perfect violin for you. yay! musician ata to. *ehem* haha.

    I wish I can paint. Kahit simple lang, like grafitti painting, para di naman boring ang pader ng kwarto ko.

    you can resort to DOODLING.🙂

    . I wish I can study photography and own a kick-ass DSLR. I wish I know how to photoshop na rin.ü Ang tanging alam kong gawin sa pictures ko eh i-invert-invert lang. Kakahiya.

    you can take a crash course dyan. madaming seminars na nag-ooffer. or pwede ka din namang sumangguni kay pareng Google para libre lang.😀

    I wish I can make community projects for the poor. Hirap humanap ng budget at ng taong competent at mapagkakatiwalaan.

    organize ka ng concert para sa choir namin, tapos un funds, ayun! haha.😛

    A ukiyo-e…

    di ba dapat AN ukiyo-e? hehe. sorry naman, OC lang. haha

    6. The latest two comic books of Kikong Machine

    si bro naman,eh. patawa talaga. haha. it’s KIKOMACHINE KOMIX. haha. kikong machine.hahahahaha!

    kung nandito na kayo sa pinas biy October, may KOMIKON(komiks convention) na magaganap sa october 18. andun si Manix Abrera, ang gumawa ng KIKOMACHINE, at pwede na din kayong magpa-autograph. hehe. may limang libro na ng Kikomachine Komix.

    5. Any book by Bill Bryson

    meron ata nyan sa secret bookstore ni pinupuntahan ko. hihi.😀

    2. A four volume breviary (kahit gamit na)
    si Yas meron. haha. di naman ata nya ginagamit un,eh.

  22. oo nga..overage pala. sayang!
    btw, usong uso parin ang tagtagan. hehe pero enjoy basahin ang mga nakalista sa 0sto otso mo.

    at tulad ng dati, astig at kahanga hanga ang mga stin glass windows xp mo. hehe

  23. yaong 8 things I wish i can do mo po.. wish ko rin yan! waaah! lalo na yung dslr at violin gusto ko matuto! waaaah!

    ako rin pala natag ng ganito. hindi ko pa nagagawa. awooo!

  24. Utoy, nabasa ko na nga ito, pero hindi ako pumasa sa quiz, sadyang selective memory ang iyong kaibigan dahil lumilipad ang isip. “Selective memory” ang bansag sa akin ni Nek. Pag pasensyahan mo na, tao lang po hehe. Akoý naniniwala na lahat ng iyan ay mangyayari sa takdang panahon (: because you just created an avenue of possibilties.

  25. 1. I wish I have the ability to heal sick people.

    me too. sana.. dahil ayokong nakakakita ng taong naghihirap dahil sa sakit.

    love,
    nobe

    http://www.deariago.com
    http://www.iamnobe.wordpress.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: