Bisami?

Maynila, 2007, tanghaling tapat.  Kagagaling ko lang ng eskwela nang makasalubong ko ang dalawang bulag sa may ibabaw ng overpass ng Guadalupe Station ng MRT.  Madalas na akong nakakakita ng mga bulag na kumakanta at nag-gigitara sa daan para kumita ng konting pera.  Hinfak, suki ako ng isang bulag singing sensation (bss) sa may Cubao, malapit sa station ng mga bus papuntang Bulakan.  Matagal ko nang iniimagine kung paano nasulat ni BSS (Bulag Singing Sensation) ang mga katagang “Donation Box: Salamat Po” sa papel nang tama ang spelling.  Di naman sa minamaliit ko ang kakayanan ni BSS na mag-spell pero bulag kaya sya, di ba dapat in brylle (tama ba spelling, dedpish?) sya magsulat?  Anyway, basta fan ako ni manong BSS sa kanyang mga road gigs.  Nauubos ang mga barya ko sa kakarequest (barya ang binibigay ko kasi may tunog yun pag pinatak sa collection box, parang signal yun kay manong na kakanta na sya).  Binabangga-bangga na nga ako ng mga pedestrian kasi naman, tumitigil talaga ako para makinig sa mga songs ni manong.  In fact, may isang song sya na di ko alam ang title pero namemorize ko na dahil lagi nyang kinakanta:

“Tutulungan kitang malimot mo sya,
ibabalik ang dati mong sigla.
Aking gagamutin, puso mong sinugatan,
sugat na dulot ng salawahan.”

Parang ganyan yata ang lyrics.  Sa mga kablog ko, sinong nakakaalam ng title nito?  Kakaiba ang mga choice of songs ni Manong.  Mga di ko alam lahat.  Parang may sarili syang BSS hot accoustic remix.

Anyway, mabalik tayo sa dalawang bulag na nakita ko sa MRT station.

Ang dalawang bulag ay mag-asawa.  Mga siguro in their 50s na sila.  Mukhang may kinuha silang mga makeup and wardrobe manager dahil pinaka-original sila sa lahat ng BSS na napanood ko sa Pinas.  Si manong ay nakacowboy hat,  boots, leather vest, at aviator shades, samantalang si manang naman ay naka-knitted na vest na malalaki ang butas, nakablack na blouse na parang kulambo, kontodo make-up na lahat kulay violet, at ang buhok nya ay parang kay Shirley Temple.   Kung di nyo kilala si Shirley Temple at tinatamad naman kayong mag-google eh ganito na lang:  alam mo yung batang babae sa logo ng Goldilocks?  Ganun na ganun ang buhok nya.  At blonde kung blonde.  Napaisip ako, alam kaya ng mag-asawang BSS na ito na napagtripan sila ng nagdamit sa kanila?

Anywei, tuloy ang kwento.  Heto na nga’t papalapit na ako sa mag-asawa na mukhang katatapos  lang mag-lunch, nang magsimula si Manong na maggitara…

Whoa!   Ang galeng ni manong!  Laglag ang panga ko sa husay niya mag-plucking.  As in, ikalalagnat mo ang talent nya.  Daig si Jimmy Hendrix.  Partida pa yan dahil luma ang electric guitar ni Manong at medyo parang kalawanging lata ang tunog ng kanyang sound system.  Namangha talaga ako’t napanood sa instant unplugged concert ni Manong.  Grabe, parang si Manong na yata ang guitar’s answer to Susan Boyle pagdating sa mga undiscovered talent.  Samantala, si Manang BSS naman ay kakapa-kapa sa asawa nya hanggang sa madakma nya ang mikropono nito (not that mikropono).  Itinutok na nya sa kanyang bibig ang mikropono ni Manong (anlaswa nyo, anoba) at sinimulan na nyang kantahin in her husky sultry silky contralto voice na may vibrato pa ang isa sa mga all-time classic favorite ng mga bidyokehan.

“Bisami… Bisami mutsu… 
Kumu si pwirasta nutchi la oltima bis…”

Tumataginting na 23.75 pesos ang inilagay ko sa collection box ng BSS couple para sa kanilang naihandog na ultimate musical entertainment para sa mga commuters sa katanghaliang tapat.  Bravo!  Ang galing po!  At nagrequest pa talaga ako ng “You don’t have to say you love me” ni Elvis Presley.ü  Sayang nga lang at wala akong videocam that time.  Kung hindi ay naging youtube sensation na rin sana sila at malay mo, mag-guest din sila sa Oprah o sa Ellen Degeneres Show.

* * * * *

Halata bang wala akong matinong maisulat?

Anyway, ang ating Stained Glass Windows of the Day and Night and Morning Too ay ito!

IMG_2929

IMG_2933

Napicturan ko ito nung grand EB namin nina Rev Siopao at P0kw4ng sa Roma, noong patakbo naming pinuntahan ang Basilica of Sts. Peter and Paul Outside the Walls.  Hindi po sya abstract art, at technically, hindi rin po yari sa glass ang window na ito kundi sa isang uri ng translucent alabaster, ayon na rin sa kwento sa akin ni Aling Wiki.    Ang galing, ano?  Pwede palang gawing bintana ang isang uri ng bato.  Hinfak, hirit na rin ni Aling Wiki, ito ay talagang usong usong bintana ng mga medieval churches noon sa Italy.  Gayunpaman, 19th century addition lang daw ang bintanang ito kasi ito’y isa sa mga donations ng mga benefactors ng Simbahan noong i-restore ang Basilica matapos itong masunog noong 1834.  Hmmm… parang wala na yatang di alam itong si Aling Wiki ah.

God bless!

72 Responses

  1. shame on me, i could say na lagi ako sa guadalupe dahil somewhere in Makati lang ako nakatira. if it is 2007, shame on me again dahil ang guadalupe station ay lagi kong nadadaanan going to my university. but i haven’t seen a blind duo singing anywhere near the station.

    or may be there is. may be i am just too busy walking, and havent heard the music being offered by the performers.

    shame on me.

  2. Naku po, lage ko po yang naririnig sa videoke yung unang song. Di ko rin alam ang lyrics. Search ko muna.

  3. brother utoy, gusto mo mag violin di ba?

    watch this, inspiring: http://www.youtube.com/watch?v=Um9KsrH377A

    !

  4. madalas akong tumambay sa mga bulag na naggigitara, nakakawala ng pagod, nakakaawa nga lang kasi sindikato daw ang nagpapatakbo sa kanila.

    kung mapupunta ka sa baguio city, maraming bulag don na halos ikinadurog na ng puso kong bato, ang iba makikita mong nakaupo sa hagdan ng groto, ang iba ay sa tuktok pa ng matarik na hagdan ng Baguio Cathedral at ang iba naman ay nakatanghod lang sa isang sulok, luhaan ang mga matang nakatingin sa kawalan, katabi nila ang kalawanging latang tumutunog kapag may naghagis ng mamisong barya.

    • waaah! kuya agree! grabe! totoo yan! nakakaawa sila. kaso hindi sapat ang barya para matulungan sila eh.
      nakakalungkot lang talaga…

  5. bakit nga ba wala pang nag feature sa kanila sa youtube ano? abah wala naman ata sa abroad yan eh! Sana meron na soon! Kunan mo bro pag uwi mo ng pinas! hehehe Have a happy and safe trip home!

  6. Ang pagkakaalam ko eh mga sindikato din sila pero nde nmn siguro lahat… Ano ung kinanta ni manang BSS gamit ang mikropono ni manong BSS? hihihi…

    Bukas na balik mo sa pinas! Madadalaw mo na ang mag asawang BSS!! toinks!

    Ingat sa byahe, Godbless!

  7. Uy, alam ko yung title ng unang kanta: “Tutulungan Kita”… Naunahan lang ako ni Lysender…😀

    Alam mo bang yun ang pinakaunang kantang namemorize ko? Hehehe…

    Welcome home kapatid!

  8. aww pauwi ka na pala hindi ko pa din nadakma ang mikropono mo para kantahan ka…..ng Tutulungan kita!

    hanga ako sa kanila nasa sindikato man sila o wala kasi kahit na may kapansanan sila eh nagagamit nila ang iba nilang talent para kumita ng marangal….

    kahit na kasama mo ako nong nakita mo ang stainglass na yan eh hindi ko pa din nakita yan….abala ako sa pagalis ko ng pagod sa kakalakad takbo natin….

  9. umabot na rin dito sa singapore ang raket ng mga BSS na yan. at talagang may sked ang tambay nila sa isang lugar. may rotation sila. oha! nakakaaliw nga kasi yung isang lokal na bulag na madalas pumuwesto dun sa underpass na malapit sa mrt na sinasakyan ko (huu! haba…), kumakanta ng “Anak” at “Dahil Sa ‘Yo”. isa pang oha! ang galing db?

    may isa pa rin akong natiempuhan na BSS may kalayuan naman sa amin na talgang tinangahan namin ng dyowa ko at ng iba pang foreigners dahil sa hanep! na boses at talent sa acoustic guitar. kabi-kabila ang requests sa kanya at talagang nagpapalakpakan ang mga tao. hay… kung di lang siya bulag baka pwede na siya sa Singapore Idol🙂

    magaling talaga umistyle si Bro. hindi niya hinayaan na maging pabigat ang mga walang paningin. biniyayaan Niya ng 100% super talent!

  10. 35 degrees sa manila ngayon. kahit mga ipis, pinapawisan. tsk. parang may nakikita akong mahihirapang mag-adjust sa klima. tsk.

    maliwanag ba iyong alabaster? does it light the place up well enough? hindi pa yata ako nakakakita ng ganyan.

  11. may nakikita akong babaeng bulag dati sa overpass ng Guadalupe. si Manang, naka-manicure/pedicure pa. may magaling na blind singer din sa Shaw Blvd. sa Crossing…one-man-band s’ya. mga bon jovi pa ang kinakanta nya. talentadong Pinoy.:D

  12. braille. haha.

    nakamamangha. pero kapag nagka-video cam ulit ako, yun ang una kong gagawan ng indie documentary. yey!

  13. Naku tama, Kuya, magaganda talaga ang mga boses nila at kahanga-hanga sila dahil despite of their disabilities, ginagamit nila ang kanilang mga talents para mabuhay, hinde sila umaasa sa ibang ga tao.

    Naniniwala ako na kung may kulang sa’yo or kung may disablity ka, angat ka nama sa ibang bagay. Parang ako lang, meron man akong disability saken, nasobrahan naman sa looks, (manang-mana talaga ko sa’yo Kuya)

    At may butal pa ang binigay mo ah! Nyahahaha..

    Uuwe ka na! Godbless!

  14. ang saya mo naman magkwento at talagang napakanta pa ako sa unang song ni BSS..hehee!

    i like your blog brother, nakakatanggal boredom.:)

    great photos too!

  15. SALAWAHAN yta ang title ng song na yun bro utoy. hehe gasgas na gasgas yan sa mga nagvi-videoke na kapitnahay namin eh.

    maganda at simple ang kulay ng iyong stained glass ngayon–klasikong klasiko.

  16. if they àre thàt good, they deserve your 23.75 pesos.

    here in Nice Frànce, merong nàg piàno concert sà pàrks, in hàydin ànd schubert gàling, 2euro làng bigày ko, but like you, comes from the heàrt ksi they plàyed well!

  17. nakakatuwa nga sila, kahit na gaano kasikat ang araw andun sila sa kanilang mga pwesto.. minsan nasa sidewalk, sa footbridge..basta matao andun sila.

  18. hmmm.di mauulit ult ang eksperyens mo dyan ngayong taon…andoon pa kaya sila? pakibalita na lang ha!

  19. Yun din ang namiss ko sa pinas. Yung mga singers na bulag sa labas at masahista sa airport, hehehe!. Sa tuwing DOWN & TROUBLED ako, nakikinig lang ako ng music nila sa ilalim ng underpass sa may SM Manila (alam nyo ba yun? Pagtawid mo going to wall of intramuros). Fort Santiago kasi ang muni muni moments ko lagi kaya memorable yun sa akin, hehehe!

    Kapatid, nasa pinas ka na ba? Maninibago ka ngayon sa climate natin dyan for sure. Ingats and kasama ka sa mga pinagdasal ko sa Sacred Heart Parish noong tumawid ako ng Bahrain. My first time to visit blessed sacrament since 2006. Regards!

  20. ganado talaga sa kwento ang tutoy, nobela nato parasaken…ayasiv ba ang mga bulag na yun?

  21. nukaba. magandang blog content ang mga nakalipas na pangyayari, random events, at kung anik anik. hehe

    kawawa naman sila manong, napagtripan ng kung sino. bakit naman ganoon ang pinasuot sa kanila?

    naniniwala ako na ang mga bulag, dahil sa kanilang kapansanan, ay mas fine-tuned sa ibang bagay to compensate for their loss. kaya siguro ganon na lupit ng plucking powers niya.

  22. astig ang mag-asawa anu?
    MYMP blind version

  23. brotherutoy simula nang napanood ko ang slumdog millionaire, nag iba ang tingin ko sa mga pulubi sa daan..basta

  24. hmmmmm sayang dahil nung 2007 wala na ako sa Pinas…lagi pa naman akong nadaan sa Guadalupe overpass…edi sana napakinggan ko rin ang Bisami Muchu ni Manong and Manang BSS..

  25. hi po. napadaan lang. namiss ko tuloy ang pinas bigla. hehe. =) nice post!😀

  26. Wahaha si kuya talaga trendsetter BSS naman ngayon. Dati nga pala napatira din kami sa Guadalupe Nuevo mga 3 years lang. Imperness magaganda boses nila. Nakakakita ako nyan ngayon along Pedro Gil. At yang song na yan “Tutulungan Kita” yan ata ang title madalas namin kantahin magkakapatid yan nung bata pa kami. Ooops anong age mo kuya nung nauso yan? ahaha

    Gusto ko yung stain glass. Simple. Love the color. Bravo! lol

  27. taray naman ng BSS couple na un..sayang lang tlga at wala kang dalang videocam kindi malamang sa malamang ndi na lng 23.75 ang makukuha nila per performance nila..🙂

  28. in a way mabuti naman at may napapakakitaan sila. alam kaya nila kung kinukupitan yung donation box nila?

  29. Hmmm… bat may feeling ako na pagkatapos mo Bro. Utoy mag request ng kanta at magbigay ng tumataginting na 23.75 ay nag paunlak pa sila ng interview. Bakit? Eh kasi pano mo po nalaman na mag-asawa sila? Nanyismis ka no?üü Tutal para namanng artista sila na may make up artist at stylist… Hehe

    Pero nakakabilib ang talent ng mga tulad nila, sana lang ang gobyerno may ginagawang tulong para sa kanila lalo nga at mag asawa pa silang bulag. GBU po!

  30. Bro. Utoy, I can sing to you the whole song nung Tutulungan Kita! hahaha! Pramis, kabisadong-kabisado ko yan! Palibhasa, tanging radyo lang ang libangan ko noon sa probinsya. Wala pa kasing TV nun doon sa barrio otso kung saan ako lumaki hehehe. Grade 3 or grade 4 yata ako nung umuso ang kantang yan hehehe. Sa kapapakinig ng drama sa radyo, ang super hero lang na kilala ko noon ay si Simatar hahaha!

  31. Alam mo Kuya Utoy pareho po tayo. Manghang-mangha ako lagi sa mga BSS na kumakanta sa may Pedro Gil tuwing pauwi na ako galing school. Tumitigil din ako katulad mo at nagpapakalansing ng barya kapag may natira pa akong barya bukod sa pamasahe na ni-save ko.

    Kaso meron na akong bagong mga idol ngayon. Yung mga bading na boses babae na kumakanta lagi sa tindahan ng Magic Sing! Oh my gulay! Kakabilib talaga! Nahihiya tuloy ako sa boses ko kapag naririnig ko sila sa mga malls. Hahaha..

    Anyway, na-miss kita Kuya Utoy. Mabuti naman at may bagong post ka na.

  32. Alam mo Bro, fans din ako ng mga yan and I don’t considered them as beggar I called them as a street entertainer. Pasyal ka ulit sa blog site ko at mamangha ka sa ikukwento ko.

  33. nsan n kaya si bro. utoy.. hmmm..

  34. hello bro! kamusta na! yup isa nga ako sa mga umakyat sa novitiate nyo sa bulacan! kamusta na? tapos na sa theo?

  35. tigasin kasi ako pero kapag may nakikita akong mga elderly o disabled na nagsusumikap maghanap buhay sa pamamagitan ng pagkanta o pagtugtog ng instrumento sa tabi-tabi, sobrang kumikirot ang puso ko at tila gusto kong ibigay lahat ng laman ng wallet, which is basically P50 lang dahil, madalas din akong walang pera. hehe.

    next time bro, ivideo mo. malay mo, baka ikaw pa ang makadiscover sa kanilang bagong career.

    oh, di ba, bongga?

    i missed you brother utoy! mwah!

  36. Utoy (:, hindi dahil sa wala ka nang masulat kundi, nailathala mo ang ganitong scenario sa iyong blog upang mapaalalahanan kami na ang kagandahan ng Diyos ay “nakikita” sa mga ganitong kalagayan at itsura. At tunay naman, na nabless ka sa magasawang BSS. Alam mo pwede itong ma i -link sa aking entry na “The Old Trash Guitar” may similarity kasi sila eh, hindi lang ako marunong mag link.

  37. bisami, bisami mutso…. nasan ka na bisami!

  38. Tutulungan Kita by Roel Cortez, at si Mang Roel din ang kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” na medyo nakaabot pa sa henerasyon ko.

    Bisamu Mutsu!

    Ang ganda niyang window na yan. May translucent palang alabaster.

  39. napadaan lang!

  40. Bro Utoy, na miss kong basahin ang mga sulat mo. Hindi ka pa rin nagbabago.

    Nakakatuwa naman ikaw… buti naman at tinitigilan mo ang mga BSS at tinutulungan. Ako kasi eh medyo praning minsan sa mga ganyan kasi feeling ko eh habang nakikinig ako sa kanila, mayroong sasaksak sa akin mula sa likod. praning talaga.

    Naisip ko lang, mayroon kayang nagnanakaw sa mga naipon ng mga BSS? Huwag naman sana.

  41. Bro. Utoy, ASTIG! sobra ako napasaya ng blog mo na ito. I thought BISAMI is an italian word, ahahaha lyrics pla sia. toinks! ^_^ (sorry naman!)

    Pero its true, I saw lots of them in baguio and manila too. Nakakaawa and sadly mga munting tulong ng ating barya ay pang ilang araw lang makakatulong. I am saddened dahil walang sapat na programa dito ang gobyerno. : (

    ANyways, sarap tumambay dito. Naaliw ako sa BSS couple at manong dahil naaalala ko tlga yung ganung feeling saya at nakaka inspire sila panoorin that despite of their incapabilities eh they are really fighting and striving to live life,

    gang sa muli ^_^

  42. muling nagbabalik..napadaan..at naimpressed sa post mo po.. hehe.. Godbless

  43. bro na guapong guapo na nag-uumapaw sa appeal, asan kana? di ka pa naka update? tagal naman o! hehe. nabasa ko na lahat ng post mo wala ka pa din (maktol, padyak paa sa sahig!)

  44. hi po… my first time here… ganda naman dito…🙂

  45. at last nakabwisita, ay bisita rin dito sa blog mo bro. utoy, ehehe! di ka pala pinalad maqualify sa influential blogs maski nilagay na ni reynz para maging boylet nya…ako ganun din ahaha!

    anyways, ex-sem ka ba or nasa loob pa rin ng kwadra? ehehe!

    subscribe ako sayo, para maski blocked ang WP sa ofis eh mabasa ko pa rin post mo ehehe

  46. Singit lang kapatid…

    Thank you for supporting Nooks and Crannies for the year that passed. In return, I have something for you. You might want to check this out.

  47. oist bro utoy, hiatus ka? ang tagal nang walang update😦
    at talagang 23.75 ang binigay mo ha. may butal pa talagang 75 c. haha.
    madami talagang magaling kumanta na bulag no? ewan ko ba, nalulungkot ako ‘pag nakakarinig ako ng mga kanta nila. parang naawa ako and at the same time yung mga trip nilang kantahin, yung mga songs na pinapatugtog tuwing sunday.
    anywayz, sana po ay makabalik ka na mula sa iyong pagkakahimbing sa blogosphere.🙂

  48. Oy kuya! July na! hahaha joke!

  49. tagal ng walang post ah!

  50. nagtago na ata to sa hemady. tsk

  51. […] was last seen with his: Bisami?: Posted on May 24, 2009 by brotherutoy: Maynila, 2007, tanghaling tapat.  Kagagaling ko lang […]

  52. wow, nakita ko ung lagalag ninyo ni pokwang at revsiopao sa blog ni pokwang…ang galing!

  53. Bro.Utoy,Nagbabalik na me. Syadong Late na tong post mo. Napaka boring ng blogging. hay.

  54. Hi brother utoy,
    Muli akong bumisita dito sa iyong bahay at napako ako sa pagbabasa patungkol kay BSS..nkakatuwa ka kase sa bawat paglalakad mo eh talgang mapanuri ka… isa lang masasabi ko sa mga pinoy, PARAPARAAN lang upang mabuhay…. Maari ba kitang ihanay bilang kawal ni kristo?sa aking bagong bahay?ang cool kase ng mga blogs mo, actually nahanay nakita eh para mabasa ka pag may bumisita sa aking bahay…

  55. Salawahan title nung kanta. %$^%^&@#$%@#$ Asan ka na?!

  56. Bro Utoy, nag check lang sa araw na ito. Ang haba ng retreat session natin ah. Pero as always andito pa rin ang iyong mga tagasubaybay.

  57. san ka na brother utoy? aymishu!😀

  58. wow! bait naman! wihhh! malapit lan kami sa guadalpe he he..

  59. minsan din naman may mga cool na ganyan, aside sa kantahan meron din me nakita sa may manila, pero parang sina remi! may kasamang aso, tas pinag 2 +2 ng amo! ang galing!

  60. natutuwa naman akong basahin mga post mo. he he..

  61. ganda nmn po ng line n un..nka2inspiring..Ü

  62. Bro utoy, may link ako sa iyo tungkol sa tie a yellow ribbon for tita cory dito: http://chocolateword.net/2009/07/tie-a-yellow-ribbon-for-cory-aquino/

    Thanks.
    Mahalia

  63. braille po, brother. hehe.🙂

    wow. na-mention pala ako. haha.

  64. halu..hehehe..mdami ngang gnyan sa mga tulay kasi naman mas maganda na ring ishare nila ang talent nila sa iba kesa namamalimos sila sa kalye db..at least my effort…

    ayun lng..pa add and pa link naman jan…sabay ganun.. hehehe…tselemet…

  65. nakalimutan mo na ba kami? mizz ka na namin.

  66. si bro utoy nawawala! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: