My Weekly Paramdams Part 1

Dahil may mga limang taong nakamiss sa akin sa blogosphere (at nagtyagang magbasa ng balinguyngoy-worthy kong post), at dahil busybee-jollibee-tutubi si brother utoy sa aral-aralan nya eh sige’t magpopost na ako every week.  Pero mga pictures lang muna, mga kapatid.  Gusto ko lang talagang magparamdam na buhay pa ako, para kung sakaling magkaroon ulit ng eyeball sila Joyce eh mainvite naman ako.  (Hindi ako inggit.  Mas higit pa sa inggit.  Bitter ako! hehe… )

Heniweiz, isang masipag na mag-aaral ang default mode ko ngayon, simula ng makabalik ako ng Pinas.  Syempre, pakitang gilas sa klase, kunyari eh di bagong defrost ang utak ko.  Bad trip naman kasi sa theological school na pinapasukan ko eh parang mga Sade-in-steriods ang mga paring guro:  isang dangkal kakapal ang mga dapat basahin.  Hayz…

Wag kang magulo.  Ranting post to, so deal with it.  (naks, deal with it. hehe…)

Mabalik  tayo, puro pictures muna tayo, mga kids.  Busy kasi si utoy sa kaka-pet society kakaaral so pictures muna ha.

Sige, eto na.  Um!

IMG_2902

IMG_2903

IMG_2904

IMG_2905

IMG_2906

Ang mga bintanang ito ay kuha ko sa loob ng seminaryo ni Rev. Siopao sa Rome, Italy noong nangako siyang ililibre nya kami ng McDo ni P0wkie.  Ang seminaryo nya ay english speaking kaya’t mala-hansel and gretel kami ni Powkie na nag-iiwan ng mga tulo ng dugo ng ilong sa halip na mga breadcrumbs sa kakainglishan.

Baki kanyo ito ang napili kong pictures?  Kasi magpaparamdam lang ako.  Yumayabang na yang si Rev.  Porke’t natelevised lang noong lamay ng bangkay ni Cory sa Manila Cathedral eh di na namamansin ngayon.  Suplado na kasi celebrity na sya ngayon.  Hayz…

Hehehe… tatawag na tyak ang isang tao dyan sa Balanga. Har!

God bless you all!

28 Responses

  1. Welcome back kapatid… Sige lang, aral ka lang… hehehe… Idagdag mo pa pala ang farmville at farmtown… mafia wars nasubukan mo na? Hehehe…

    Ganda ng stained glass windows… progressive art…🙂

    Hmmm… Basta nasa tv si Bishop Soc ay hinahanap ko rin si Rev… pero di ko siya nakita…🙂

    Wag kang maging bitter na hindi ka na-invite… ako nga na-invite, pero hindi pinadalhan ng plane ticket… hahaha!!! Parang sinadya eh…🙂

    O siya, umaga na, may shoot pa ako mamaya…🙂

    God bless kapatid and I am glad na bumalik ka na dito both in Pinas and in blogging mode…

  2. teka lang, ano kaya ang hitsura ng isang busybee-jollibee-tutubi… sigurado malaki ang mata at may tusok sa pwet… ayokong iimagine na ganito na looks mo brader.

    aral ka na lang kasi nang ng aral… aral nalang nang aral… hehehe… i can relate brader kaso lang panghigher level na ang mga pinag-aaralan mo. theologian ka na kasi, ako ay isang hamak na pilosopo lamang. hehehe

    naku, sabi nga nila, napakagaling nitong si bro.utoy sa klase. tinatalo daw nito ang mga sade-in-steriods na mga guro. totoo po ito, hindi lang ako nambobola.🙂

    ang ganda ng mga pictures na ito ah… sana hindi ko lang ito makita sa picture kundi sa totoong buhay na rin. hehe.

  3. wahahahaha! nagkita na rin kami ni rev siops at may ebidens ako. hihihi!

    next time na lulusubin ko ang manila, di ka na talaga makakatakas.

    sige, magbusy-busyhan ka muna dyan. hintayin namin yang weekly post mo.

  4. haysusme. nabuhay ka nga. ngayon, naniniwala na ako sa mga himala.

    am trying to reach you sa landline ng inyong eymard formation zehner pero as usual, magka-iba ang prinsipyo natin sa oras kaya di nagtetyempo ang pagtawag ko. lagi kang nasa skul. akala mo naman nag-aaral. haha!

    big boy na ang bunso mong pasaway. maligayang pagbabalik.

  5. Har.. isang dangkal na babasahin? HAR… awww…

    may weekly post nang aabangan sa blog mo brother,

    hmmm dagdag mo brother yung farm town para may panibagong pagsunugan ka ng kilay😉

    Ingats lagi… God bless po!

  6. uy uy uy!! welcome back bro. utoy!!

    masaya na ulet ang blogosphere! musta ang studies?? osya, aral mode ka na ulet.. mangungulet lang sana.. malapit na akong umuwi..

    i agree with tina, try mo farmtown, mas magara un, para syang ecstasy, sobrang nakakaadik!! toinks!!

    ingat lagi.. Godbless!

    excess: Ganda ng stained glass!

  7. welkam bak tbak!

    akala ko mumo na lang talaga tong nagpost sa blog mo…”are you real ba???” sige aral ka lang dyan para maging pari agad ikaw,hihihi

    kaya pala looks family yung mga stainglass window kasi kasama pala ako dyan,hihihihi…gaganda!

    ah naitv pala ang rev siopao kaya pala naalala akong e miskol nong isang araw..baka ibabalita nya,hihihi

  8. uy nakabalik na siya after centuries of being on hiatus. welcome back Bro. Utoy!🙂

  9. odk! haha

  10. welkam bak brad! salamat naman at nagparamdam ka. andito pa rin napasabak sa ingay ng blagispero.

    at least may reason ka na ngayon sa minsanang pag blag dahil sa pag-aaral.

    God bless!

  11. welkam back. sana naman totoong nag-aaral ka at hindi lang tambay sa starbucks at naglalaro ng farmville.

  12. Hi Bro. Utoy,
    Its nice to see you have a new post, tagal na rin e.

    Serious schoolboy/study mode pala ikaw. Hehe! Goodluck sa inyong pag-aaral🙂

  13. welcome back. missed your kabaliwan online. hope to see more more more windows.

  14. oi it’s nice to see you again bro.utoy..i hope everything is well with you

    i knew it!!!! sabi ko na nga ba si rev yun eh

    ps, study hard lols 🙂

  15. Welcome Back balakubak, este Brother Utoy Pasensiya na at matagal-tagal akong hind nakapasyal dine Naligay ako ng daan Buti na lang at may nakuha akong mapa ng survivor Philippines seaon 2 at natahak ko ang tamang daan na hindi kay Bro Ely ha dahil Dating Daan yun at iyun ay nadaanan ko na kaya naghanap ako ng bagong daan Pasensiya ka na uli brother utoy at sira ang period ko No I mean hindi yung period na buwanan ang dalaw ha kundi yung period na tuldok tsaka na ako bibili ng keyboard ala pang budget buti na lang ang kama gumagana pero hindi naman kasi pweding gumamit ng kama lagi at baka magalit ang misis ko sabihin batugan ako. bye muna at pasensiya uli namiss ko lang mag post dine. bye, babu,

  16. haha. awts. naku, tumawag na ba si Father Rev sa’yo? hehe.

  17. hahahahaha…talaga naman….im back here in rome….sayang di tayo nagkita sa pinas….si revsiopaosa text lang kami…busy sa retreat nya…..

  18. Bro utoy, nagparamdam k nga!hehe
    ang dami at ang gaganda ng mga bago mo collectn ng stain glass

  19. grabe tagal ko ng di nakakadalaw d2 ha, kasi naman po kuya utoy like yu im busy na din, pero hindi kakapet society ah! bawal fb sa office eh, ^__^

  20. Cge post ka lang ng pics. Gagawin kong decorasyon sa powerpoint slideshow na ginagamit ng MEC habang kumakanta sa Megamall. Para yung mga di marunong kumanta ay mabighani naman sa nakikita nya.

  21. Nyahahah natelevise si Rev, hanubayaaaaaaaaaan di na talaga ko nakakapanood ng TV.

    So ibig sabihin po ba nyan ay pag nagkaron ng EB eh ay makakasama ka? Sige sige hapdeyt kita, paguwe ata nila Jorgie sama tayu ha!!

    Ingats po lage, aral lang ng aral!😀

  22. at. pwede po bang kasama din ako sa EB?
    ha joycee? ha bro.utoy?

    tama. na tv. nga si rev! wo0ho0! hahaha.
    di ko na kalilangan makipag EB kay rev. dahil halos araw araw e kasama ko na sya dito.
    salamat sa Diyos, nasa isang parokya lang kami!🙂

  23. kuya namiss kong pagdaan dito ahh..dito ka na rin pala sa pinas..ang saya nman daming umuuwi..heheh

    sana makasama din ako jan sa binabalak nyong EB ..heheh

    i rily heart ur stained glass so makulay ^^

    *kaya pala panay ang dalaw mo kay cushiekoo kase tambay ka pala sa petsoc ngaun ha..itry mo na din ang pagpafarming masaya rin yun..ahahah

  24. nakakamiss naman tong mga posts mo Kuya. hehe. witty pa rin.

    revsiopao! yahoO! haha.

  25. missing ur stainglasses, and balinguyngoy post bro. (ano na ba un?)🙂 ..nasa phils ka na pala. rgds.

  26. Hey Brother Utoy anong nangyari na sa iyo? Bakit di ka na nagbablog? What’s happening? Best regards na lang and take care.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: