Da Daster Monologues

Ang totoo nyan eh kapag nag-aral ka sa loob ng seminaryo, talagang masusubukan ang creativity mo, lalo na sa larangan ng reporting.   Hahayaan mo bang maging boring ang report mo, lalo na’t conciliar documents at mga dogmas ang laman ng report mo?  Aba eh tutulugan ka lang ng puyat ng mga seminarista.  Isa pa eh di katalinuhan ang Brother Utoy nyo so, pagdating sa mga academic reports, ang di nya makuha sa content at relevance ay dinadaan na lang nya sa audience impact at stage presence.

Nariyang gumawa ng mga pamatay na powerpoint presentation na halos maghang ang laptop sa sobrang daming animations at video clips.

Nariyang magpa-gameshow ako na syempre, may sariling gameshow jingle pa para sa report ko on Temperance sa Virtues Class namin.

Nariyang sumulat ako ng mga courtroom drama na mga skit para sa report ko sa Old Testament I (Pentateuch and prophets).

Nariyang sumulat ako ng musical play sa ngalan ng Old Testament II.

Nariyang magpa-videoke ako pero syempre, iniba ko na yung lyrics ng kanta.  Kinakanta na nila ang report ko.

At ang latest: mag-monologue ng nakadaster habang sumasayaw ng Hagibis at apat na beses na sinasambit ang salitang “puke.”  Rights of Women ang report ko sa Matrimony class namin.  Si Monsi Vengco ang prof ko. 

Ang mga kasama ko, di patatalo:  creative din!   Nariyang mag-hire sila ng mga manghuhula sa Quiapo.  Nariyang magpatalkshow sila, kalakaladkad ang kanilang mga magulang at kapatid.  Nariyang mag-hold sila ng isang cooking lesson habang nagdidiscus ng isang dogma.  Nariyang maghold ng isang mini-concert (unplugged syempre),  etc, etc…

Ngayong nauubusan na ako ng creativity, siguro eh ang mga susunod na tricks ko, sa ngalan ng good grades ay:

  • kung group work, mag-aati-atihan kami, complete with uling and headdress at kalasag na gawa sa walis tambo
  • Magpa-russian roulette para may thrill
  • Magpatoma at magpa-ihaw-ihaw, para siguradong lively ang discussion
  • video conference with Pope Benny 16
  • iinvite si Mommy Dionisia as guest

Syempre, kung meron pa kayong maisa-suggest eh sige nga’t i-share nyo naman sakin.  Malay nyo, gamitin ko nga talaga sa report ko ang mga mungkahi nyo. hehehe…

* * * * *

Eto pala ang stained glass windo of the week natin!

IMG_6234

Dahil Rosary month na tayo bukas eh heto ang isang marian motif na stained glass window sa loob ng Notre Dame Cathedral sa may Ile de Paris, syempre sa syudad ng Paris, France.  Heto ang detalye ng central panel ng triphtich na ito:

IMG_6235

Ang stained glass ay modern take sa isang traditional Pieta scene.  Naalala ko, parang nagfeature na ako ako ng dalawang modern sa stained glass windows na Pieta rin ang tema, di ko lang maalala kung alin sa mga posts ko yun. 

* * * * *

Ngapala, pagdasal nyo naman ako’t finals exam na namin.  Medyo hirap si Utoy sa pag-aaral at medyo kalawangin na ang kukote. hehe…

God bless po!

22 Responses

  1. BASE ba?!!? base base base?!

  2. Yihaaa! base nga! hehehe…

    Okay, matinong comment na…

    Nalaglag naman ako sa upuan ko tungkol sa gimik mo sa pagrereport! hahaha.. pati ung mga classmates mo din, pambihira, ngaun ko lang narinig yan ah! hehehe..

    uhmm.. suggestion ko..

    magpabingo ka habang nasa discussion, kaso ang ingay nmn ng inaalog alog na bote, tsaka pano kung may bumingo, ang ingay!! erase erase erase…

    o kaya magpatong its, pekwa, ungguyan o kahit anong card games..

    teka bakit parang puro sugal naman yata nasa isip ko? toinks!!

    ingats po! Godbless! nice to hear from u again!

  3. uy ang pagbabalik ng Utoy!

    skype w/ Obama…
    trekking sa Mt. Apo
    diving sa Puerto Galera…

    yan lang muna Utoy..saka na ulit pag nagawa mo na yan,hihihi
    Ingat!

  4. Wahaha ankulet! Share ko to sa mga kapatid ko para magamit nila. Sana kilala na kita Kuya nung nag-aaral palang ako para nagamit ko ‘to nung college.

    Kamusta ka po?

  5. masyadong ng pop si bro utoy, yoko na nga magbasa. haha

  6. Bro. Utoy,
    Baka mahirapan kayo ke Mommy Dionisia. Mukhang hectic na sked nya tsaka mataas na yata TF kase ang dami na nya billboard/ads.

    Additional suggestion: Gawa ka ng video, ala-moymoy palaboy or happy slip hehehe

    Its nice to see Utoy’s blog updated again🙂 nakakamiss ito.

    Pero konti yata commenters? baka busy sa ondoy/pepeng issues.

  7. Bro. Utoy, parang mas interasado po ako sa Q&A with Madam Auring and Victor Wood. or mala Yaya & Angelina, pwede ring mala PorkChop duo. Hehehe

    Ingat po! GBU!

  8. naku po… totoo yan… have to be very creative in presenting docmatic points… hehehe…

    buti nalang bro utoy hindi ka pa kumakain ng apoy at bobog… hehehe…

    at least… patapos na ang sem.

  9. Ilan sa mga makaluma at makabagong pamamaraan

    1.Magbuhat ng isang sakong bigas, sardinas, at kung ano ano habang palakad lakad sa loob ng klasrum.
    2.Mag tug o war habang nag da-dialogue.
    3.Mag martsa at ikutin ang apat na sulok ng klasrum.siguraduhing may dalang walis, dust pan, at floor mat.
    4.Maglakad sa harap na parang Nazi soldier o di kaya penguin walk.
    5.Magtinikling o pandango sa ilaw
    6. maglakad sa apoy
    6.Mas exciting, ihanda ang lupid, itali sa kisame , at ilagay sa leeg.

    Gandang araw po kuya utoy and god bless

  10. waaahaha..ngayon ko lng npag alamang mas makukulet pla kyong mga studyanteng taga looban kesa sa mga studyanteng taga labas..hehehe

    ingat po!

  11. hanep sa gimik sa reporting..

    ..exams na nga pala…pray kita kay Bro!

  12. daanin na lang talaga natin sa stage presence at audience impact! hahaha

    goodluck sa exams!

  13. kumusta exam, bro?

  14. matanong ko lang, bakit ba paboritong paborito niyong mga boys na isigaw ang spare part namin? bakit hindi ang spare part niyo ang isigaw niyo? para maiba lang.

    hahahaha!

  15. ayus ang mga ideas sa pagre report d2 ah, actually noong nagaaral pa ako, pati teacher kulang din sa mga ganyang ideas, babasahin sa manila paper at saka ie- eplain, ganun lang kaya super kakaantok. *yawn! hehe!!

  16. kuya utoy…

    bakit nawala ka nga sa traffic ko… hmm… sabotahe ah…

    nwei, namis ko po ang pagdalaw dito…

    nagpaparamdam lang…😉

  17. haha. nakakakuha ako ng tips para sa pagaaral ko ulit, da best Kuya! tapos hindi pala kasama sa grade ang creativity no? content lang daw. waha.

    pede bang magsit-in?🙂

  18. nakadaster habang sumasayaw ng hagibis..

    nagaadik ka na naman brother utoy.

  19. Napadaan lang kapatid… I hope everything went well during your exams…🙂

  20. Hello Bro Utoy! Ngayon lang uli nakadalaw… pasensya na po🙂

    It’s not what you know pala… it’s how you present it – winner! Hahaha! At naka-line-up pa pala ang personal appearance ni Mommy Dionisia – panalo talaga😆

    Hope your exams went well. God bless!

  21. kuya vergel,
    eto suggestion ko…in case gipit ka na sa reporting gimik o walang naihanda, subukan mo na lang i-lock ang pintuan ng classrum ninyo, tapos magpaskil sa labas, “wag buksan ang pinto…NAKAMAMATAY!”… tignan ko lang kung pumasok pa professor mo! hehehe….

    (sana na-babasa ng MEC mga blog mo… nakaka-kabag mga kwento mo! hehehe!)
    God bless you more!!!

  22. off topic:
    sabi ng Pope, approve daw blogging

    http://gizmodo.com/5456175/the-pope-wants-you-all-blogging-and-time+traveling

    so blog na ulet😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: