Brother Utoy’s New Monicker: Mamang Mataba

Ang “bad trip” pala, sa byahe talaga nangyayari.

Netu-neto lang, nasa MRT ako galing sa Cubao.  Andaming tao, siksikan. 

Syempre, dahil masikip, hanggang dun lang si Kuya Utoy nyo sa may bandang pintuan ng MRT.

Dumating ang tren sa Ortigas.  May magsyotang pumasok.  Nauna yung lalaki tapos sumunod yung babae.  Tumayo silang nakatalikod sa harapan ko at narinig ko ang usapan nila.

Si Lalaki:  Ba’t ba ang bagal mong pumasok?  Muntik na tayong maiwan.

Si Babae:  Kasi naman, nakaharang yung mamang mataba.

Ako:  (napalinga bigla at narealize na walang ibang hebigatin sa paligid namin.  Nyemas, ako pala ang tinutukoy nyang mamang mataba.)

Hayyss, kailangan ko na talagang magpapayat.  Dati ang stranger’s first description (SFD) sa akin eh si “Tisoy” o kaya eh si “Pogi” o si “Angelic Face.”  (Wag kang mag-react.  Basa ka lang.)  Ngayon eh mas nao-overpower na nag waistline ko ang aking taglay na kagwapuhan.  I’m now officially known as “Mamang Mataba.”

Bad trip.

* * * * *

Kakatapos lang ng aming Formandi’s Big Day.  Ito yung araw kung saan nagsasama-sama ang mga seminarista ng aming orden sa ilang araw na pagbabasketball, volleyball at walang harbat na alaskahan at asaran tuwing cultural presentation at videoke nights.

Apat na grupo kami, each named after a saint.  Ang grupo ko eh Jean Marie Vianney.  Si John Marie Vianney ang sikat na Cure d’Ars at ang patron ng kaparian ng buong mundo.   For our cultural presentation, isinayaw ng mga kagrupo ko ang buhay ni St. John Vianney samantalang kinakanta ako ang eksenang kanilang iaakto.  60’s ang tema namin para madali ang choreo, tapos ang song ko eh in the tune of  “Round the Clock Tonight.”   We only had an hour to prepare.

Hayun, di kami nanalo.  Second lang kami.  Nanalo pa yung play na bastusan na nga ng santo ang dating, naputol pa sa gitna dahil nasira ang CD player namin.

Bad trip.

* * * * *

Eto nga pala ang lyrics ng presentation namin na nipaghirapan ko ring sulatin during merienda.

Chord Pattern : DGDADG, tapos 60’s rock and roll ang beat, tune of “Round the Clock Tonight.”

The John Marie Vianney Rock

Chorus:
John Marie Vianney, sya ay huwaran…
John Marie Vianney, ng kabanalan…
John Marie Vianney, ating tularan,
Sya si John… Marie… Vianney lamang!

May isang bata s’ating kwentuhan,
John Marie Vianney ang kanyang ngalan.
Sya’y tapat, banal, maaasahan,
Mabait at maraming kaibigan,
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam…

Dahil nga sa tawag ng kabanalan
Na ang simbahan’y kanyang paglingkuran,
Buhay pari, kanyang naisipan
Kaya’t seminaryo’y nais pasukan,
Kaya si John Marie Vianney, naging seminarian…

(repeat chorus)

Sa seminaryo, kanyang natuklasan
Ang pag-aaral ay may kahirapan.
Muntik nang bumagsak sa Philosophy,
Sya’y nangamote sa Theology,
Ang pag-aaral ay kalbaryo nyang tunay…

Ngunit si John Vianney, ating kaybigan,
Di sumusuko sa ganyang laban,
Pag-aaral ay pinagsikapan,
Kahit kamo sya’y nahihirapan.
Sige lang ng sige kahit magbagsakan….

(repeat chorus)

Itong si John Vianney, sadyang madasalin,
Hiniling kay God, sya’y papasahin.
Araw-araw sya’y nagrorosaryo,
Nakaluhod ang tuhod na puro kalyo,
Dasal nya’y sanay wag syang pauwiin…

Dumating na nga ang oral exam,
Ang ating bida, pinagpawisan,
Nguni’t himala, sya’y pasang awa,
Si John Vianney, tuwang tuwa,
Pagka’t pwede na syang ordinahan…

(repeat chorus)

Nang maging pari ang ating santo,
Sa bayan ng Ars sya nadestino.
Ito’y bayang maliit at sobrang ilang,
Ang mga tao’y walang pakialam,
Ngunit kay John Vianney, ito’y di hadlang…

Pagpunta sa Ars, sya ay nawala,
Kaya’t nagtanong sa isang bata.
Tanong ng paslit: “Anong kapalit?”
“Basta bayan ng Ars aking nasapit,
Ituturo ko ang daan tungong langit…”

(repeat chorus)

Ang bayan ng Ars, may natuklasan:
Sya ay matinik sa kumpisalan!
Nagsisialis ang mga demonyo
Sa bagsik at bangis ng kanyang payo,
Tumalikod ang Ars sa buhay-kasalanan…

Ang bayan ng Ars ay dinadayo
Para mag-confess sa ating santo,
Mahihirap man o mayayaman,
May kapangyarihan o karaniwan,
Tumanyag si Vianney sa kanyang kabanalan…

(repeat chorus)

Dyan nagtatapos ang ating kwento
Tungkol sa isang cool na santo,
Si John Marie Vianney, Patron ng Pari,
Pagkat kabanalan kanyang pinili,
Nawa ang diwa nya sa ati’y manatili….

(Coda)
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
John… John… Marie Vianney!
Sya si John Marie Vianney kung di nyo pa alam!
Yeah!

* * * * *

Saka na lang ulit ng Stained Glass Windows.  God bless!

40 Responses

  1. anong klaseng chords yun? haha. parang yung chords lang sa pagkanta-slash-pagmemorize ng table of elements nung high school ako. haha

  2. natawa ako dun sa mamang mataba at napakanta naman sa lyrics ng tjmvr😉

  3. mamamng mataba. gusto mo sumama sa badminton games namin weekly? hahahahahaha!

  4. mamang mataba… buti nga at hindi sa iyong mukha sinabi na mataba ka… may experience ako nung nasa cotabato kami… sumakay kami ng tricycle… huminto ang tricycle. sabi ng driver, “sir pwede po bang lumipat ka ng upuan kasi masyado kang mataba.”

    mantakin mo. haayz.. kaya sama ako sa saga na magpapapayat. target ko 146lbs pagdating ng summer… hahaha… wish ko lang!

    galing mo talaga sa kantahan bro utoy. idol na kita… hehehe… parinig naman ng kanta na pinaghirapan mong gawin. mahirap yung chords ha. hehehe…

  5. pssst, mamang mataba!

  6. Hello kapatid! Long time no read ako ngayon kasi busy ng kaunti lang naman, hehehe!

    Kumusta na po? Mamang mataba na pala ang tawag sayo, pano ako? Mamang matabang mataba?!! lol! Regards!

  7. Kapatid, nakalimutan ko palang kwento sayo na napuntahan ko ang congregation ninyo sa Johannesburg, South Africa (Blessed Sacrament). Kumain pa kami doon, hehehe! Nagkamali lang ang caption ko sa entry ko. Nailagay ko “Blessed Eucharist” sa baba instead na Blessed Sacrament.

  8. kuya! i miss your blog!

    happy halloween!

    😀

  9. sumisilip lang ako sa blog ng mamang mataba na may mala anghel na mukha..nakakamiss magbasa ng entry dito e..=D

    wag ka palang mag alala kuya utoy…hindi lang ikaw ang tumataba sa mga panahong ito.
    pag nalaman mo naman ang sikreto kung papaano magpapayat..paki bulong sa akin ha..(wink wink)

  10. musta na bro. vergel?! sana kita kits tayo soon! sayang nde ako makakapunta sa ordination ng kasama mo dyan, nde ko pa alam sched ko eh.. nov. 3 na ang start ng prenovitiate, please pray for me.. thanks!

    Godbless!

  11. di ka nag iisa, kuya…share ko sa’yo text message na pinadala sakin…
    “huwag ipagsiksikan ang sarili…”
    (tapos syempre, siguradong may punch line yan, so scroll down naman ako sa cp.. at ang karugtong nung message…)
    “lalo na kung CHUBBY…”
    kaka-sira ng araw! hehehe……

    eto pa isa..

    “ang malabong relasyon ay parang taong mataba…”
    …”hindi nagwowork-out!”

    napasambit tuloy ako…”Lord, sana ma-virus yung cp nung nagpadala sakin nito!” hehehe…

    kaya tara, sama ka samin ni kuya gbert magbadminton! hehehe…dali!

  12. ang saya pala dyan sa inyo sa seminaryo…..maraming gimik…sayang naman second lang kayo…di bale sa isang taon na lang ulit…hehehhe

  13. loko yung babaeng yun ah!? gusto mo kuya utoy resbakan nten!?..hehehe

    hindi man lang sinabing “mamang matabang POGI”..naks ahihi

  14. hi po…..long time no dalaw me here hehe….

    nagbabalik lang kung pwede pa.🙂

    “mamang mataba”….hala, workout-workout ka na.🙂

    in fairness ang galing ng pagkakagawa ng lyrics parang ang hirap ipasok sa DGDG na chords hehe, galing pa rin!
    🙂

  15. bro utoy,

    madali lang magpapayat.😀

    at kinanta ko daw ang pinaghirap mong isulat haha.

    ingats bro!

  16. Uy pogi (naka smile naman)… Mas okay yung mamang mataba eh. Kailan ba ulit tayo magkikita, matagal na panahon na din ah. Nung kay bro. Al pa ah. Ingat!

  17. Magandang araw, Bro. Utoy,
    Dumaan lang po para magpasalamat sa pagiging bahagi mo ng blogging life ko. You are one of those whose comments encouraged me to keep on writing and blogging. Kahapon po ay ipinagdiwang ng aking blog ang una nitong kaarawan. Maraming salamat po uli. God bless.

  18. Bro Utoy! Kamusta na… pasensya na at ngayon na lang uli ako nakadaan. Mukhang medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita at biglang tumaba ka na…hehehe! It’s nice to be able to read your blogs again.

    Pinky sends her regards too.

  19. Bro utoy, i feel your pain, kapatid!🙂 nasa pinas ka na pala uli? anong stained glass dito satin ang pwedeng ihilera sa mga na-feature mo na?

  20. ito pala ang site mo bro. utoy.. napadaan lang po.

  21. at least kapatid, makakarelate ka na sa akin sa “mamang mataba”… hahaha!

    Clap clap dun sa lyrics… Galing naman, during breaktime lang ginawa… hehehe!

  22. sana nitulak mo si ate etchosera…. hehehe…never mind them… mamang mataba… 🙂 sana mpakinggan ko ung ginawa mo n song…:)

  23. brother utoy namiss kita.ngayon lang ulit ako napadaan.

    natawa naman ako dun.mamang mataba.toinks

    basta para sakin, ikaw pa rin si “Tisoy” o kaya eh si “Pogi” o si “Angelic Face.”

    naks

  24. Bro Utoy… baka naman di mo lang narinig yung kadugtong na sinabi ng babae after “mataba”… ang puso! So swak pa rin (I guess) sa “angelic” , di ba?😉

    Ingat, kapatid at God bless!

  25. hehehehe magpapayat na brother utoy…

    pareho ang mensahe para sa atin. lol.

  26. wah? nandito ka na pala sa pinas?

    dami ko nang inde alam dito.haha

    God bless😀

  27. Eheheheh di bale nang mataba ang importante kyot pa din dibaaa!

  28. […] wordpress.com users: DesertFishing, utoysaves, bluroseblueguy,  AntiArti, Batman08lo, Browny99, MabulaklakNaDila, Coolwaterworks, Daarbzz, […]

  29. yo, bro! dito ka na sa pinas? hakhak. wala lang..tagalugin mo din yung st. john marie vianney~ san juan maria vianney hakhak.

  30. hmmmm. napadaan lang sa blog mo.

    atleast, you touched other’s life dun sa MRT experience mo di ba? touching others’ lives, even how small, makes a difference. malay mo, kung wala ka dun, baka iba yung sumunod na pangyayari di ba? hahaha. wala lang. nagdahilan lang ako :)))

  31. huy mamang mataba! anong bago!? haha!
    peace!

    MERRY CHRISTMAS po!

  32. haha, nakarelate ako sa “mamang mataba”, ok lang yun brother, masarap naman talaga kumain eh, walang pakialaman🙂

    may na-witness ang batangmangyan, galing sumayaw ni utoy, astig, haha, may “ibidinsya” ako haha.

  33. mamang mataba… ok lang yan… samahan kita kasi tumataba na rin ako.. ang kulay naman ng buhay mo.. hehe

    pabisita po..

  34. Merry Christmas!

  35. hi! happy birthday!

  36. napunta ako sa blog mo galing sa isang kaibigan mo.
    akala ko tungkol kay big utoy. hehehe.

    keep blogging!

  37. Haha!

    Parang narasnasan ko na yan sa MRT… Hehe🙂

    Kasi medyo kalakihan din ako.. LOL

  38. hi bro.utoy ikaw pala si vergel dalangin ah nakita kita sa pix ni bro.jorge nung family day nyong mga sakramentino …regards kay bro.ian…nakasama ko sila nila bro.ipe sa immersion nila dito sa caloocan….. minsan na akong nakarating sa bahay nyo last 2008 family day na invite kami nila bro.ian at ipe….

  39. hahaha ok lang maging mataba,pogi ka naman e!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: