Huy!

Buhay pa ako. 

Busy lang talaga. 

Pramis, magpo-post ako ng bago. 

At magba-bloghop.

At mag-iiwan ng comment.

At makikipag-eyeball.

As for now, magbackread na lang muna kayo.

at syangapala, read my friend’s blog:  http://kwentongtutoy.wordpress.com/

God bless!

My Weekly Paramdams Part 1

Dahil may mga limang taong nakamiss sa akin sa blogosphere (at nagtyagang magbasa ng balinguyngoy-worthy kong post), at dahil busybee-jollibee-tutubi si brother utoy sa aral-aralan nya eh sige’t magpopost na ako every week.  Pero mga pictures lang muna, mga kapatid.  Gusto ko lang talagang magparamdam na buhay pa ako, para kung sakaling magkaroon ulit ng eyeball sila Joyce eh mainvite naman ako.  (Hindi ako inggit.  Mas higit pa sa inggit.  Bitter ako! hehe… )

Heniweiz, isang masipag na mag-aaral ang default mode ko ngayon, simula ng makabalik ako ng Pinas.  Syempre, pakitang gilas sa klase, kunyari eh di bagong defrost ang utak ko.  Bad trip naman kasi sa theological school na pinapasukan ko eh parang mga Sade-in-steriods ang mga paring guro:  isang dangkal kakapal ang mga dapat basahin.  Hayz…

Wag kang magulo.  Ranting post to, so deal with it.  (naks, deal with it. hehe…)

Mabalik  tayo, puro pictures muna tayo, mga kids.  Busy kasi si utoy sa kaka-pet society kakaaral so pictures muna ha.

Sige, eto na.  Um!

IMG_2902

IMG_2903

IMG_2904

IMG_2905

IMG_2906

Ang mga bintanang ito ay kuha ko sa loob ng seminaryo ni Rev. Siopao sa Rome, Italy noong nangako siyang ililibre nya kami ng McDo ni P0wkie.  Ang seminaryo nya ay english speaking kaya’t mala-hansel and gretel kami ni Powkie na nag-iiwan ng mga tulo ng dugo ng ilong sa halip na mga breadcrumbs sa kakainglishan.

Baki kanyo ito ang napili kong pictures?  Kasi magpaparamdam lang ako.  Yumayabang na yang si Rev.  Porke’t natelevised lang noong lamay ng bangkay ni Cory sa Manila Cathedral eh di na namamansin ngayon.  Suplado na kasi celebrity na sya ngayon.  Hayz…

Hehehe… tatawag na tyak ang isang tao dyan sa Balanga. Har!

God bless you all!

No, it doesn’t rhyme at all.

No inspiration today.  The snow covered it all and I, cold and numb all over, couldn’t even drive myself to write.   I’ll write a poem muna.  I’ll try to write the usual post next time, promise.  Wala pa lang talaga ako sa mood.  God bless!

Seeing Myself at the Sideview Mirror

It is indeed strange to find ourselves

staring back at our own reflection,

our presence echoed by a shiny surface

that birthed a startled image,

pausing at an oddly-framed reality

we can easily recognize to be ouselves.

We relish at these fleeting portraits

of the candid quotidien,

keen to root out imperfections

by touching our  hair, adjusting a collar,

or pulling back our shoulders,

a two-second critique of a personhood

we thought we knew well, but don’t.

***

Pansinin nyo naman ang bago kong bubong!  Read the page above on the artist’s expalanation of my header.  God bless ulit!