Utoy’s Pop Quiz Ek-Ek: What does your church wear reveal about you?

Nainspired ako sa success ng mga FaceBook quizzes (na madalas walang kwenta), syempre, gusto ko ring gumawa ng pareho (yung wala ring kwenta).  Gaya-gaya lang, pauso, ganun.  Ang napagdiskitahan kong topic ay ang ating usual Sunday wear, yung mga soot-soot natin kapag nagsisimba tayo, at kung anong sinasabi nito tungkol sa atin.  Bakit kamo yun ang napili kong tapic.  Kasi gusto ko at kasi blog ko ito.  Wag ka nang magulo, kumuha ka na ng bolpen at isulat sa palad nyo ang sagot(sayang ang papel, save the forest tayo).  Sige na’t multiple choice naman ito.  At syempre, true to FaceBook tradition, this quiz is “scarily accurate!”  Continue reading

Advertisements

How Bro. Utoy Got His Groove Back

Inaamin ko.  Naging taksil ako sa blogging.  Natapos na ang honeymoon namin ng blog ko at ngayon, ang dating romantic alliance ko with her ay nagiging isa nang… obligasyon.  Di na ako kasingkilig makita sya pagkagising sa umaga at di na rin ako kasing excited sa aming nightly siping.   Tulad ng isang tunay na misis, nagiging demanding na ang blog ko, high maintenance, mabunganga at nagiging sumpungin.  (kung papaano, di ko alam.  basta bungangera’t sumpungin ng blog ko.  tapos.)  At pakiramdam ko lagi, kung may masamang nangyayari sa relasyon namin ng blog ko, ako lagi ang may kasalanan.  Laging na lang ako, ako, ako!  Parang gusto ko munang kumalas sa pangungunyapit ng blog ko at maranasan ulit ang mga gabi kung saan masaya kong nagagawa ang mga gusto ko nang walang sagabal o pangangalabit, tulad ng paggagantsilyo ng medyas at pagbuburda ng punda panonood ng TV at pagpe-prenster. Continue reading

Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive? Continue reading

SMY, Utoy, You Crepe! (Wholesome)

Sako guid kaayo si Toto Utoy subong, ti, dispensa kun waay guid sya tyimpo makadalan sa mga migo kag miga nya sa blogosphere… haw.

Arrrgghh…  anong ginagawa ko?  Ni hindi nga ako ilonggo.  (tama ba, IFM? my hiligaynon is rusty.) Wala na akong time mapagbloghop.  Ni wala nga akong nagagawa pa para sa anniversary ng blog ko.  Parang kailangan ko na yata ng guest blogger. Glesy d’Great, where are you? 

Ang kwaresma kasi ang next na pinakabusy na panahon sa buhay ng mga pari at seminarista.  Eh dito sa kabundukan, ok lang sana kung isang parokya ang hinahawakan namin.  44 parishes!  Yep, apatnapu’t apat na parokya ang hawak ng community namin dito.  Ganun kakonti ang mga paring nagsisilbi sa France.  Di tulad sa atin sa Pinas, tig-isang parokya ang pari, kung minsan, dalawa o tatlo pa sila sa isang simbahan lang.  Kaya naman dito, kahit ako na seminarista lang, pinagbe-bless na ng patay, pina-aattend ng meetings, pinag-aanimate ng mga ministries.

Speaking of animating ministries, isang araw eh naisipan kong surpresahin naman ang mga bata sa weekly Catechism class nila sa kabayanan.  I decided to cook some crêpes for them.  Continue reading

Mga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan

Una sa lahat, welcome kay Atticus, kay Luna, kay Jesshua, kay Ikay, kay Bluguy at kay Katpusa sa blogroll ko!  Mga kabisyo, tangkilikin din po natin ang mga kabaliwan nila sa blogs nila.ü

Pangalawa,  maraming maraming salamat kila Malen at Menard sa offers nilang Datkom.  Nakakataba po ng puso pero parang di pa po ready si Utoy sa Big League. Pasensya na po.  Atsaka po, may naoohan na rin kasi ako.  Hehe…  Maraming salamat po ulit!  Touched po ako!

Pangatlo, i-click nyo ito at dalawin nyo ang mga bagong listang baguhan sa ating Hellish Links, Heavenly Blogs.ü

Panglast, patawad po kung di ako nakakablog-hop.   May sinalihan kasi akong theological discussion group dito sa kabundukan tapos yung mga reading materials eh kailangang itranslate ko pa from French to English para lang maintindihan ko.  Syempre, ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.  Anim na documents ang lagi kong tina-translate every week.   Diba, easy lang.  Maning mani.  Parang gusto ko nang mamatay.

* * * * *

Isa sa mga pinaka-common na problema ng isang karaniwang Kristiyano tuwing siya’y dumadalo ng Holy Mass o ng Sunday Bible Service ay ang labanan ang antok.  Automatic yan na pag-upong pag-upo natin para sa First Reading eh parang nagbu-book na agad tayo ng flight papuntang dreamland.   Yung tipong sana di ka na nagpakahirap na maligo at magpaka-japorms:  Nagpajama ka na lang sana para mas komportable pa ang sleep-over mo sa simbahan.

Henywey, alam ko naman na may honest effort talaga ang marami sa atin upang labanan ang antok sa Misa.  Yung tipong isang oras na pakikipagbuno na wag mapikit o tumangu-tango na parang aso sa dashboard ng kotse ang ulo natin sa sobrang antok lalo na during the readings at homily ni Pads (yan ang tawag namin sa mga pari sa seminaryo).  Kaya naman, narito si Kuya Utoy ninyo upang magbahagi sa inyo ng mga tried and tested stay-awake-in-the-Church tips na tyak hindi itinuro sa inyo ni Miss Pacheco at ni Sr. Catherine sa Catechism at Christian Living Class.  Eto na.  Go. Continue reading

Seminarians Exposed!!!

Una, gusto kong ipaalam sa lahat na ang aking pormal-pormalang article sa website ng congregation namin ay available na in karay-a, tausug and ibanag version.  Basahin nyo naman.

Pangalawa, nandyan na ang Hellish Links, Heavenly Blogs.  Pakidalaw naman po yung mga nag-advertise doon.   As of the moment ay si Fatherlyours, si Joycee, ang tambalang Berto and Kiera, si Dedpish, si ELIment,  at si Enjoy  ang mga unang nagpost ng kanilang advertisement.  Masisiguro ko po sa inyo na may katuturan at may saysay ang mga blog nila, kasing useful lang ng pusod, tonsil at split ends sa buhay ng tao.  Uy, joke lang.  Dalawin nyo naman sila!

Pangatlo, naimbitahan akong mag-comment sa isang blog ng mga ex-seminarians pero medyo napahaba yata ang nasulat ko, kaya yun, ginawa nilang post.  Kung alam ko lang eh sana di ako nag-ingles.  Murder She Wrote kasi ang grammar ko. hehe…  Gayunpaman, salamat, mga kapatid na Exodians!

* * * * *

Isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay ng isang makabagong seminarian ang exposure at immersion.  Kung matatandaan ninyo ang makabagbag-damdaming multiply posts ni Tracy Isabel Borres ay tiyak na-encounter ninyo doon ang words na exposure at immersion, in a very coñotic way nga lang.  Ang totoo nyan eh isa ito sa pinaka-aabangang event ng isang seminarista:  Biruin mo, makikitira ka sa bahay ng isang pamilya, mamumuhay ka sa labas ng seminaryo, at malayo sa formator mo?  Hah!  Freedom, at last!  Pero wag ka, hindi isang simpleng fieldtrip o sleepover lang ang exposure.   Not for the faint-hearted, ika nga.  Una, sa iskwater ka talaga titira.  Pangalawa, bibigyan ka lang ng 500pesos ng formator mo para mabuhay ka ng 1 month doon.  Pangatlo, usually, incognito ka, di nila alam na seminarista ka . Ito eh para di kami bigyan ng special treatment ng foster parents namin.  Here are some case studies (may case studies talaga eh ano?) Continue reading

Barubal na nga ba si Utoy?

Uninspired si Utoy today.  May krisis kasi ako…

Last week lang eh sobrang excited akong magsulat tungkol sa mga Larawang Pang-Majorette Part II pero dahil bisi-bisihan nga ang Kuya Utoy ninyo eh naudlot.  Pero ngayong kadarating ko lang galing bakasyon (na naman?!) sa Lisieux eh parang nawala lahat nang enthusiasm ko.  Ayoko nang gawin.

Don’t get me wrong:  di pa ako sawa sa blogging.  It’s just that napakabastos ng susunod kong “Larawang Pang-Majorette.”  May iilang tao na ang nagsabi sa akin (mga eleven na sila) na maging maingat ako sa mga ginagamit kong salita sa Web.  Napansin nila na medyo barubal na ang mga nilalaman ng blog ni Bro.Utoy.  To their words, nagiging “unbecoming of a seminarian” na ang gwapong blogger na ito.   Matapos kong mahanap sa online dictionary ang meaning ng “unbecoming” eh napaisip talaga ako at nalungkot.  Oo nga, nagiging bastos na ang blog ko.  Kung kelan more than five na ang mga readers ko eh lalo akong naging reckless sa paggamit ng salita.  Masyado ko nang pinaninindigan ang taytol ng aking blog at nagiging out of line or off-colored na ang mga jokes ko.  Baka nga ang image ko na ngayon eh gwapo pero balasubas na seminarista na lang.  But really, there’s more to Utoy than that… Continue reading