Animersheri ek-ek (with recipe!)

Tingnan mo nga naman.  Isang taon na ang blog ko!  Nakaraos din ang low-profile kong cyber-tahanan.  And to think, bobo ako tungkol sa computers at sa internet.  And to think, nabola lang naman ako ni Bluep na mag-blog.  And to think, gusto ko lang magka-outlet for writing.  And to think… and to think… uhhhmmm… think positive? Continue reading

Mga Sure-Fire Tips para Hindi Antukin sa Simbahan

Una sa lahat, welcome kay Atticus, kay Luna, kay Jesshua, kay Ikay, kay Bluguy at kay Katpusa sa blogroll ko!  Mga kabisyo, tangkilikin din po natin ang mga kabaliwan nila sa blogs nila.ü

Pangalawa,  maraming maraming salamat kila Malen at Menard sa offers nilang Datkom.  Nakakataba po ng puso pero parang di pa po ready si Utoy sa Big League. Pasensya na po.  Atsaka po, may naoohan na rin kasi ako.  Hehe…  Maraming salamat po ulit!  Touched po ako!

Pangatlo, i-click nyo ito at dalawin nyo ang mga bagong listang baguhan sa ating Hellish Links, Heavenly Blogs.ü

Panglast, patawad po kung di ako nakakablog-hop.   May sinalihan kasi akong theological discussion group dito sa kabundukan tapos yung mga reading materials eh kailangang itranslate ko pa from French to English para lang maintindihan ko.  Syempre, ita-translate ko naman from English to French ang reflections ko para sila naman ang makaintindi sa akin.  Anim na documents ang lagi kong tina-translate every week.   Diba, easy lang.  Maning mani.  Parang gusto ko nang mamatay.

* * * * *

Isa sa mga pinaka-common na problema ng isang karaniwang Kristiyano tuwing siya’y dumadalo ng Holy Mass o ng Sunday Bible Service ay ang labanan ang antok.  Automatic yan na pag-upong pag-upo natin para sa First Reading eh parang nagbu-book na agad tayo ng flight papuntang dreamland.   Yung tipong sana di ka na nagpakahirap na maligo at magpaka-japorms:  Nagpajama ka na lang sana para mas komportable pa ang sleep-over mo sa simbahan.

Henywey, alam ko naman na may honest effort talaga ang marami sa atin upang labanan ang antok sa Misa.  Yung tipong isang oras na pakikipagbuno na wag mapikit o tumangu-tango na parang aso sa dashboard ng kotse ang ulo natin sa sobrang antok lalo na during the readings at homily ni Pads (yan ang tawag namin sa mga pari sa seminaryo).  Kaya naman, narito si Kuya Utoy ninyo upang magbahagi sa inyo ng mga tried and tested stay-awake-in-the-Church tips na tyak hindi itinuro sa inyo ni Miss Pacheco at ni Sr. Catherine sa Catechism at Christian Living Class.  Eto na.  Go. Continue reading

Mga Datkomistas, na-BITAG!!!

Ang mala-Tulfong taytol ko ay dahil nakatanggap ako ng Award Tag galing kay Panaderos (na may bagong Avatar na ngayon).  Ayon sa kanya: 

Written mostly in the vernacular, [Bro.Utoy’s Blog] is a very funny, informative, sometimes irreverent but often witty blog authored by a very intelligent and funny Filipino seminarian based in France.

honestscrap1Dahil nga nakapagbackflip ako sa tuwa’t dalawang beses niya akong tinawag na funny, sinikap kong magcomment sa blog ni Panaderos tungkol dito, pero dahil inglisan ang laban eh hayun at sablay-sablay ang grammar.  Kung gusto nyong pagtawanan ang aking balibalikong pagbabalarila sa ingles, hanapin nyo lang sa blog ni Panaderos, mga damuho kayo.  Pero seriously, sobrang ikinatuwa ko ito’t sa listahan ni Panaderos eh sekon oner ako!  Woohoo!  Salamat, salamat, Panaderos!  Pinapatawad kita kung di mo naisama ang mga katagang na gwapo, magandang lalake, at God’s gift to women upang ilarawan ako.  Di mo pa naman kasi ako sa personal o kahit sa pityurs lang so nauunawaan ko.

At dahil nga pala isa rin itong tag eh siyempre, may kaakibat itong mabibigat na utos: Continue reading

Barubal na nga ba si Utoy?

Uninspired si Utoy today.  May krisis kasi ako…

Last week lang eh sobrang excited akong magsulat tungkol sa mga Larawang Pang-Majorette Part II pero dahil bisi-bisihan nga ang Kuya Utoy ninyo eh naudlot.  Pero ngayong kadarating ko lang galing bakasyon (na naman?!) sa Lisieux eh parang nawala lahat nang enthusiasm ko.  Ayoko nang gawin.

Don’t get me wrong:  di pa ako sawa sa blogging.  It’s just that napakabastos ng susunod kong “Larawang Pang-Majorette.”  May iilang tao na ang nagsabi sa akin (mga eleven na sila) na maging maingat ako sa mga ginagamit kong salita sa Web.  Napansin nila na medyo barubal na ang mga nilalaman ng blog ni Bro.Utoy.  To their words, nagiging “unbecoming of a seminarian” na ang gwapong blogger na ito.   Matapos kong mahanap sa online dictionary ang meaning ng “unbecoming” eh napaisip talaga ako at nalungkot.  Oo nga, nagiging bastos na ang blog ko.  Kung kelan more than five na ang mga readers ko eh lalo akong naging reckless sa paggamit ng salita.  Masyado ko nang pinaninindigan ang taytol ng aking blog at nagiging out of line or off-colored na ang mga jokes ko.  Baka nga ang image ko na ngayon eh gwapo pero balasubas na seminarista na lang.  But really, there’s more to Utoy than that… Continue reading

Here are the Results!!! (Disappointing)

Heto na ang pinakahihinatay na resulta ng ating patimpalak!!!

Continue reading

Kinagat Ko ang Lemonada ni Angel

Isang linggo ko pa lang nakikilala si Angelnawalangpakpak ay isang award slash tag na agad ang iginawad niya sa akin.  Di lang pala pakpak wala si Angel.  Pasintabi rin.ü  (joks lang, dok!)  Alam naman nating iba-iba ang reaction ng ating friendly bloggerhood sa tag.  Sa iba ito’y parang chainletter na ikamamatay mo at ng lahi mo sa father side kung di mo susundin.  Sa iba naman ay isa itong obligasyon, isang pagtanaw ng utang na loob sa ka-blog mo na nagtitiyaga pa ring patulan ang corny mong posts.  Sa iba naman ay isa lang itong ka-jologan, parang slumbook noong highschool na ipinagdarasal nating wag na sanang mahanap at madala pa sa susunod na class reunion kasi jologs nga.  Pero sa tulad kong andaming ideya pero di makapagsulat, ang tag ay isang paalala ni Doc na sana’y magsulat naman ako ng may kabuluhan, sa halip na magpa-Miss Baranggay ako at lapastanganin ang alaala ng aking kamusmusan.  (sori na po sa buong cast ng batibot!)

Haba ng intro.

Eto na ang award.  

award yan, wag kang magulo.

award yan, wag kang magulo.

Ganda ano?  Di masyadong obvious na award.  Parang bukana lang ng get-well-soon card.  O kaya’y patalastas ng samalamig.  Pero sabi ni Doc, ang award na ito’y iginagawad sa mga blogger na may attitude bilang sign of gratitude.  Osya, attitude.  Igu-google ko mamaya kung ano yun.  At dahil utu-uto ako eh kakagatin ko ang pa-lemonada ni Doc.  Syempre, igagawad ko ang awards na ito sa mga bloggers na hinahangaan ko talaga, and not because may utang na loob sila sa akin dahil nag-tag din sila ako noong araw.  As in hanga talaga ako sa mga bloggers na ito, for various reasons.  Here’s the short list.  Isang dosena yan.  Sampu lang talaga ang required na pasahan pero ginanahan ako eh.   Sa mga wala sa list, pasensya na at pang-number 13th kasi kayo.  Malas daw yun, eh concerned lang naman ako sa inyo.  Osya, eto na raw.

  1. Bluepanjeet –  My good friend and my idol in blogging.  Hayup sa advocacies, nosebleed sa englisan, strong ang convictions.  Matagal ko nang pangarap na sana maging kamukha ng blog nya ang blog ko. 
  2. I Found Me – The record holder sa pinakamahabang comment sa blog ko.ü  It’s no easy feat kasi witty at intelligent ang content.  I can’t wait to meet this Bacoleña in person.
  3. Pinky at Leap –  My favorite real-life couples in the Internet which reminds me always of what a true family looks like.  Di yan bola!
  4. Utakmunggo – di lang siya Diyusa, sya rin ang pinakamadalas bumisita sa blog ko.ü  A woman with substance.  Oily substance.  (joks lang!)  Seriously, kahit hirap akong buksan ang blog niya, lagi ko siyang binabasa.  enjoy kasi.
  5. Honey – for the Pooh Bear in me.  Kapalitan ko ng recipe. She and her priest-brother are WWF fans.
  6. p0kw4ng – for the Isnoh Ber in me.  Eto, forecast.  Sisikat ang humor blog na ito.  Itaga nyo sa bato.
  7. Mix – One of my earliest members sa bloglist.  Great writer.  May humor at may puso.  Bow ako.
  8. Aling Baby – our exchange of emails a few months before really made me smile.  Go, Aling Baby, go!
  9. Libay – A diver, a golfer, at ngayon, movie maker! This woman never ceases to amaze me.  Never. 
  10. Geisha – Certified Fabulous, mapa-humor o serious na post. at napakahumble pa.
  11. Malen – because this Balinguyngoy Queen deserves an award.ü
  12. Kamotenista – hula ko Rosario ang pangalan nya kasi siya’y full of mystery.  (nyak, ang corny, mamatay na sana ako.)

As useless, di nila kailangang ipasa ito sa iba.  Award nga ito eh, dapat they shouldn’t feel any pressure.  Right now.  Yes, they shouldn’t feel any pressure.  Right now.

Additional:  kapag nag-hover ang cursor nyo sa name nila sa blogroll, you’d find the message “utoy is a fan of {{blog}}.”  Wala lang, idol eh.

At syempre, ang na-miss ni Geish, ang stainglass window of the day!

img_0820

Kuha ko ito sa isang little-known chapel namin, ang Eglise de St. Pierre Julien-Eymard, Avenue Friedland, Paris na ilang metro lang ang layo sa Arche de Triompe.  Ang mga modern stain glass window na ito ay di naman talaga kagandahan sa malayo pero dahil eye-level lang ang bintana, maaappreciate mo ng malapitan ang kakaibang stilo ng isang sikat artist na si Jean Piaubert: ang chipped glass technique.  Ayaw gumana ng captions so isusulat ko na lang kung ano ang nakasulat.  Yung second to the last, ang sabi “This is My Body” daw tapos yung last picture, ang sabi, “God is Love” daw.   Pwede nyo ulit i-click ang picture kung gusto nyong makita ang basag-basag na bubog nang malapitan.

Piaubert's signature

Piaubert's signature

"This is My Body"
"God is Love"

God bless!

Utoy Presents: “Who Is The Next Batibot Babe!!!”

Si Ate Sienna, si Ate Isay, si Ning-Ning at si Ging-Ging…

Bago pa man tayo naging manyak sa kakasilip sa panty ni Annie sa Shaider eh unang naging TV crushes natin ang mga pangalang ito.  Sila ang mga kababaihan ng Batibot na bagama’t di nagpakita ng pusod o di kaya’y nag-otso-otso ang balakang eh naging unang batayan ng bawat musmos na Pinoy ng isang ideal syota.   Sinong batang lalaki ang di nagselos kay Pong Pagong noong araw tuwing kakantahan, yayakapin at hahalikan siya ni Ate Sienna? (Akin sya, Pong, akin!!!)   O kaya’s sinong makakalimot sa mapanukso at parang laging dumadaing na tinig ni Irma Daldal?  O dili kaya’y sa mga bed scenes ni Ning-Ning at Ging-Ging (lagi kasing bago matulog ang mga eksena nila)?   O kaya’y sa mga paghimas ni Manang Bola sa kanyang… uhhhmmm… perlas na bilog?  Kaya’t bago nyo pa mahalata na wala nang maisulat na matino si Bro. Utoy kaya pati Batibot eh pinagdidiskitahan na, heto’t inihahandog niya ang…   THE NEXT BATIBOT BABE!!!

Heto ang Twist:  THE NEXT BATIBOT BABE is an online Beauty Contest.  I’ll give descriptions of each contestants and their respective question (na pinaghirapan ko pang hanapin sa Google).  Sasagutin mo lang ang questions nila( syempre yung answer, fit sa personality) and then at the end, sabihin kung sino ang panalo para sayo at bakit.

Ehemplo: Ate Sienna, the current Batibot Babe

Question for Ate Sienna:  What is the essence of a woman?

Sample Response of Ate Sienna:  It all depends on the time of the month, but whatever essence she has, it is all for world peace.  Thank you. 

My Choice:  Ate Sienna!!!! Bikos syi is damos byutipul gel in Batibot! Woohoo!

Diba, ang dali lang?üüü  BTW, di na kasali si ate Sienna kasi nanalo na sya bifor.

Heniwey, without further ado, Ladies and Gentlemen,  presenting the four finalists of The Next Batibot Babe 2008!

Finalist #1

Finalist #1

Our First Babibot Babe Finalist is Irma Daldal!  Irma stands 2 feet 11 inches from the waist (hanggang bewang lang kasi sya), she’s an aspiring indie actress,  she enjoys reading scripts and attending acting workshops and describes herself as spontaneous, fun-loving and cultured.  Irma has previously garnered the Best in Talent award with her dramatic manologue, Nang Malukring si Sisa.

Question for Irma:  Who is the most influential person in your life and why?

Irma’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

Finalist #2

Finalist #2

Our Second Batibot Babe Finalist is Ning-Ning!  The bedroom-voiced Ning-Ning stands 2 feet 8 inches.  She currently works as a callcenter agent at Libis, but nonetheless, finds time to bond with her kid sister after work (hence the bedscene in the morning).  Lingling enjoys hanging out at 7-Eleven and Ministop and collects boxes of Nissin’s Yakisoba and Marlboro lights.   Ning-Ning previosly  won this competition’s online voting for Miss Photogenic.

Question for Ning-Ning:  What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?

Ning-Ning’s Response:  **(please fill in your answer at the commentbox)**

 

Finalist #3

Finalist #3

Our Third Batibot Babe Finalist is Ging-Ging!   At seventeen, GingGing is the youngest of the contestants and currently an AB MassCom Major at UST (sa school ko na lang para walang away).  With the height of 2 feet 5 inches, she enjoys Plurking, updating her Friendster account and swimming (by the floods of Recto).  She sees as her role models, her sister, Ning-Ning and of course, the current Binibining Pilipinas Universe, Miss Janina San Juan.  Ging-Ging has under her belt, the award Darling of the Press which was chosen by the members of the media earlier in the pageant.

Question for Ging-Ging: What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?

Ging-Ging’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

 

Finalist #4

Finalist #4

Our Fourth and Last Batibot Babe Finalist is Manang Bola! Stands 2 feet  10 inches, Manang Bola, “Bebi” to her friends, currently works for a consultancy firm.  She is a firm believer of New Age, listens to Enya and collects Tarot cards and pearls.  Manang Bola won the Best in Long Gown for her Maria Clara ensemble.

 Question for Manang Bola:  If you can paint the future of this country, how would it look like and why?

Manang Bola’s Response:  **(please fill in your answer at the comment box)**

There you go, ladies and gentlemen, our finalists for the Next Batibot Babe!  Ngayon, sumagot na ng pinakabagay nyong byuti kontes na sagot at sabihin ang bet ninyo sa apat.  Dito ko ngayon makikita kung sino talaga ang sincere na nag-cocomment sa blog ko.  hehehe…  Boto na!!! 

RECAP OF THE NEXT BATIBOT BABE QUESTION

  • Finalist #1, Irma Daldal:  Who is the most influential person in your life and why?
  • Finalist #2, Ning-Ning:  What do you expect to gain in joining the Next Batibot Babe and why?
  • Finalist #3, Ging-Ging:  What is the biggest challenge to young people in the Philippines today?
  • Finalist #4, Manang Bola:  If you can paint the future of this country, how would it look like and why?

My Choice and Why: